Professional Documents
Culture Documents
KONSEPTONG PANGNILALAMAN:
Ang Tanka at Haiku ay mga halimbawa ng tula ng Hapon? Sa ilang anyo ng tula, ang Tanka at Haiku
ang pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Lumaganap ang Tanka noong ikawalong siglo at ang Haiku
noong ika-15 siglo. Layunin ng mga tulang ito na pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa
pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng
emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Nagiging daan ang
Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din
sa paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng
ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka. Gaya nga nang naipahayag na sa unang
bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon.
Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng
labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan. Ang pinakamahalaga sa Haiku
ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay
cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan
o “cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat
berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto
sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa
sinundang berso.
Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku Parehong anyo ng tula ang tanka at haiku ng mga Hapon.
Maiikling awitin ang tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod. Karaniwang
hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalitpalit din na ang
kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin. Samantala, ang haiku ay mas pinaikli pa sa tanka.
May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga
taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.
Karaniwang paksa ng tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang paksang ginagamit naman sa haiku
ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang tanka at
haiku.
Itatala sa loob ng kahon ang mahahalagang impormasyon na nakalap mula sa binasang kaligirang
pangkasaysayan ng Tanka at Haiku. Gamitin ang “Word Chart”.
WORD CHART
paksa at tema
sukat
Kahon ng Kaalaman
paksa at tema
HAIKU
sukat
Pagsasanay:
Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku.
Pagkakaiba Pagkakatulad
Sanayang Papel
KONSEPTONG PANGNILALAMAN:
Ang Haiku ay nagsimula sa bansang Japan at inampon ng Pilipinas upang maging bahagi
ng ating panulaan at kultura? Naglalaman ito ng iba’t ibang kaisipan katulad ng mga diwa ng
pag-ibig, panalangin, pangyayari, buhay, tao, hayop o lugar. Sa anu’t anuman, ang tulang haiku
ay isang magandang pagbibigay ng halimbawa sa mayaman nating literatura at tradisyon na ang
iba ay nag-ugat sa mga bansang sumakop sa atin.
Malapit sa puso ng mga Hapones, ang haiku ay tulang malapit rin sa puso nating mga
Pilipino sapagkat ito ay nag-uugat din sa mundong ating ginagalawan, sa ating mga kalooban at
sa ating pag-iral mula pa noong unang panahon.
Alam mo ba na kung may tanka at haiku ang Japan, tayo naman sa Pilipinas ay may
tanaga? Ito ay isang uri ng sinaunang tula ng mga Pilipino na may layong linangin ang lalim ng
pagpapahayag ng kaisipan at masining na paggamit ng antas ng wika. Binubuo ito ng tigpipitong
pantig sa bawat taludtod ng bawat saknong.
Gawain:
Hatiin sa dalawang pangkat ang klase. Ipatala ang posibleng emosyon ng sumusunod na Haiku.
Pagsasanay
Ibahagi sa klase ang mga nabuong sagot. Pagkatapos, iproseso ng guro ang mga sagot ng mag-
aaral. Pagkatapos, ipasulat ng sariling tanka o haiku ang mga mag-aaral gamit ang tamang anyo at
sukat.
Sanayang Papel
KONSEPTONG PANGNILALAMAN:
Ang pagsulat ng mga tula kagaya ng tanka at haiku ay sumusunod sa mga alituntunin o batayan
kasama na rito ang tamang pagbigkas gamit ang antala/ hinto, diin/ haba, intonasyon / tono.
Gawain:
Iparirinig sa mga mag-aaral ang maikling recording ng tanka at haiku na may wastong pagbigkas gamit
ang antala/ hinto, diin/ haba, intonasyon at damdamin.
https://www.youtube.com/watch?
v=iVerB-DHm-E
https://www.youtube.com/watch?
Pagsasanay
Sanayang Papel
Gawain:
Ipapangkat ang mga mag-aaral sa apat na bahagi at pagiisipan ng maigi kung ano ang pipiliin na tema ng tanka at
haiku ang isasalin sa wikang filipino ng bawat pangkat.
Dapat ang isasaling wika na tanka at haiku ay nakabatay sa wastong gamit ng ponemang suprasegmental.
Pagsasanay
Sanayang Papel
KONSEPTONG PANGNILALAMAN:
Ang Pinatnubayang Pagbasa- Pag-iisip o Direct Reading- Thinking Activity ( DRTA) ay isang
estratehiya sa pagbasa na binuo ni Russell Stauffer(1969) kung saan ang mambabasa ay
nagbibigay ng kanilang sariling hula o palagay tungkol sa teksto. Dito makikita ang tuwirang
interaksyon sa pagitan ng mambabasa at ng teksto.
Gawain
Talata 1
Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng pagkain sa
gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog siya sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang
makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig
sa kanya.
Tanong: 1. Sino ang naghahanap ng pagkain sa gubat?
2. Saan siya naglilibot upang makahanap ng pagkain?
3. Anong nangyari sa kanyang paglilibot?
Pagsasanay
Ibahagi sa klase ang damdaming nangibabaw sa bawat tauhan batay sa dayalogong napakinggan.
Sanayang Papel
KONSEPTONG PANGNILALAMAN:
Itinuro ng pabula ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa ating
kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.
Ang mga hayop ang kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao sa
pabula.
Gawain
Sanayang Papel
KONSEPTONG PANGNILALAMAN:
Ang sanaysay ay isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa. “Ang
kababaihan ng Taiwan: Noon, Ngayon at sa Nakalipas na 50 Taon” ay halimbawa ng sanaysay
na nagsasabi tungkol sa kalagayan ng kababaihan ng Taiwan kung saan hindi pa rin nakatanggap
ng pantay na karapatan.
Gawain .
PAGPAPALIWANAG NG KAISIPAN.
Sanayang Papel
Ang Opinyon ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo pero pwedeng
paserbalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa
positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.
Gawain.
Habang pinanonood ang video, itala sa inyong kwaderno ang sariling opinyon o
pananaw sa paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa isang talumpati.
Pagsasanay
Sanayang Papel
KONSEPTONG PANGNILALAMAN:
Pangatnig ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay
na pinagsusunodsunod sa pangungusap. Halimbawa: Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at
kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan. Ang pangatnig na at ay nag-
uugnay ng mga salitang edukasyon at kamulatan. Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga
pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya. Ang pangatnig na at ay nag-uugnay ng
dalawang sugnay. Ang unang sugnay ay sila’y karamay sa suliranin. Ang ikalawang sugnay ay kaagapay
sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya. May dalawang panlahat na
pangkat ng mga pangatnig: (1) yaong nag-uugnay ng magkatimbang na yunit (2) yaong naguugnay ng di-
magkatimbang na yunit. Sa unang pangkat, kabilang ang mga pangatnig na at, pati, saka, o, ni, maging,
ngunit, subalit atbp. Ang mga pangatnig na ito ay naguugnay ng mga salita, parirala at sugnay na
magkatimbang o mga sugnay na kapwa makapag-iisa. Sa ikalawang pangkat naman ay kabilang ang
mga pangatnig na kung, nang, bago, upang, kapag o pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung gayon,
sana, atbp. Ang mga pangatnig na ito ay naguugnay ng dalawang sugnay na hindi timbang, na ang ibig
sabihin ay pantulong lamang ng isang sugnay. –
Gawain. Panuto. Basahin ang talataan at pagkatapos ay itala ang mga pangatnig na ginamit at suriin
kung magkatimbang o di-magkatimbang. Ilagay sa kasunod na tsart ang iyong sagot. Isulat sa papel
ang iyong sagot.
Sanayang Papel
KONSEPTONG PANGNILALAMAN:
Ang Maikling Kwento ayon kay Edgar Allan Poe ay isang akdang pampanitikang likha
ng guni-guni at bungangisip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay
nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin at mabisang nakapagkikintal
ng diwa o damdaming may kaisahan.
Pagsasanay. Suriin ang kwento batay sa sumusunod. (Iproseso ang mga sagot ng mag-aaral.)
Tauhan
Panitikan:
Niyebeng Tagpuan
Itim- Maikling
Kuwento – Paksa/Tema
Tsina ni Liu
Heng Banghay
Wakas
Pagsasanay. Pangkatang Gawain:
Bawat pangkat ay magkakaroon ng talakayan buhat sa mga sagot na nabuo sa unang gawain. Gumawa
ng isang graphic organizer na magpapakita ng kaugalian at kulturang alam sa bansang Tsina.
Sanayang Papel
KONSEPTONG PANGNILALAMAN:
ALAM MO BA NA...
Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa paksa sa karaniwang ayos ng pangungusap. Huwag ilayo ang
salitang panuring sa tinuturingang salita. Gamitin ang tinig na balintayak ng pandiwa kapag ang simuno
ng pangungusap ay hindi siyang gumaganap ng kilos. Gawing malinaw ang pangungusap, kung alin ang
pangunahing sugnay at pantulong na sugnay. Huwag pagsasamahin sa pangungusap ang hindi
magkakaugnay na kaisipan. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspekto ng pandiwa sa pangungusap.
TANDAAN
Dalawa ang bahagi ng pangungusap:
1. Simuno o Paksa – bahaging pinaguusapan sa pangungusap
Paksa ay maaaring:
a. payak – binubuo ito ng isang salita na tumutukoy sa paksa o pingauusapan sa pangungusap.
Halimbawa: Maraming hula ang mga dalubhasa sa wika.
b. buong simuno – binubuo ng payak na simuno at iba pang salita sa bahaging ito ng pangungusap.
Halimbawa: Maraming hula ang mga dalubhasa sa wika.
2. Panaguri – bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol sa simuno.
Halimbawa: Maraming hula ang mga dalubhasa tungkol sa pinagmulan ng wika.
Ang panaguri ay maaaring:
a. payak na panaguri – pandiwa o salitang nasa anyong pangngalan, panghalip, pang-uri o pang-abay na
nagsasabi tungkol sa simuno.
Halimbawa: Maraming hula ang mga dalubhasa.
b. buong panaguri – ang payak na panaguri kasama ang iba pang mga salita o panuring.
Pagsasanay
Kasanayang Pampagkatuto . Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento
nito. (F9PB-IIg-h-48)
KONSEPTONG PANGNILALAMAN:
ALAM MO BA NA...
Ang mga elemento ng dula ay ang sumusunod? 1. Iskrip Pinakakaluluwa ng isang dula Lahat ng
bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip Walang dula kapag walang iskrip
2. Gumaganap o Aktor Ang mga aktor o gumaganap ay ang nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip
Sila ang bumibigkas ng diyalogo Sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin Sila ang pinanonood
na tauhan sa dula
4. Direktor Ang direktor ang namamahla at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula Siya ang nag-
iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa kaayusan ng tagpuan, ng kasuotan ng mga tauhan hanggang sa
paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan
5. Manonood Sa kanila inilalaan ang isang dula Sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga actor
Gawain.
Sagutin ang graphic organizer at ang mga tanong gawain sa isang sagutang papel.
2. Bakit kaya pinili ni Temujin si Borte kaysa sa isang babae mula sa tribong Merit?
Isa-isahin ang
mga bahagi ng
Dula na
naglalarawan ng
Karaniwang
Pamumuhay
Pagsasanay
KONSEPTONG PANGNILALAMAN:
TANDAAN
3 BAHAGI NG DULA
1. YUGTO – Ang bahging ito ang ipinanghahati sa dula. inilaladlad ang pangmukhang tabing upang
magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin ang mga manonood.
2. TANGHAL – Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos
ng tanghalan.
Tagpuan: Tagpuan:
Tauhan: Tauhan:
Pangyayari: Pangyayari:
Kaisipang Nangingibabaw: Kaisipang Nangingibabaw:
Kulturang Ipinakita: Kulturang Ipinakita:
Pagsasanay
LAS Blg.
Sanggunian : Panitikang Asyano 9, p. 162-164 15
KONSEPTONG PANGNILALAMAN:
Mga Halimbawa:
a. Kung makikita mo si Manoling, sabihin mo lamang na ibig ko siyang makausap.
b. Si Rita’y nakapagturo sa paaralang-bayan, diyan siya nakilala ng iyong anak.
2. Katapora- Ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa
hulihan.
Mga Halimbawa:
a. Siya’y hindi karapat-dapat na magtaglay ng aking apelyido, si Manoling ay kahiya-hiya!
b. Ano ang mawawala sa akin pintasan man nila ako, pulaan man ako ng mga tao?
Gawain.
Ipangkat ang mga mag-aaral sa apat na bahagi. Ilalapat ang mahahalagang konseptong natutunan
sa pag-aaral ng dula at kohesiyong gramatikal.
Pagsasanay Itatanghal ang nabuong iskrip sa harap ng klase.Mamarkahan sila gamit ang Rubrik.
Pamantayan Bahagdan
Pagkamakatotohanan 10%
Kahusayan sa Pagganap 30%
Orihinalidad 30%
Kabuuang Pagtatanghal 30%
Kabuuang Marka 100%
Sanayang Papel
LAS Blg.
Sanggunian : Panitikang Asyano 9, p. 165-170 16
KONSEPTONG PANGNILALAMAN:
Gawain.
Pagsasanay
Tanggapin mo ang taus-puso kong pagbati, nalampasan mo nang matiwasay ang mga yugto ng
pagkatuto sa lahat ng aralin sa Ikalawang Markahan.
Natuklasan ko na…..