You are on page 1of 4

KABANATA 18

ANG KADAYAAN
Maayos silang tinanggap ng Amerikanong si Ginoong Leeds na naka itim
na kasuotan. Sinabi nito na malaya silang makakapagsuri bago at pagkatapos
ng palabas. Ang silid ay amoy insenso at napapalibutan ng itim na kurtina at
ang ilang antigong lampara lamang ang nagbibigay-liwanag. Nagsimula ng
magsuri si Ben Zayb. Hinanap nang hinanap ni Ben Zayb sa ilalim ng mesa
ang salamin at inalis niyang muli ang takip ngunit wala siyang natagpuan.
Lumabas si Ginoong Leeds at pagbalik ay may dalang kahong kahoy na
napalalamutian ng mga ibong maya at mga bulaklak. Ang kahong kahoy na
ito ay nagtataglay ng abo at mga piraso ng papel. Itinaas niya ang kahon at
dahan-dahang inalis ang takip ng mesa. Pagkatapos bigkasin ng Amerikano
ang salitang “Deremof” ay lumabas ang isang ulong may malago at
mahahabang buhok. Unti-unting bumukas ang mga mata nito at tumitig kay
Padre Salvi.
Nagsimula itong magkwento ng mga bagay na nangyari sa kanyang buhay
hanggang sa dahilan ng kanyang pagkamatay. Hinimatay at nanigas na
bumagsak sa lapag si Padre Salvi dahil sa sobrang takot. Sa kabilang dako,
ang ulo ay bumalik na sa pagiging abo at ibinalik na ni Ginoong Leeds ang
itik na takip sa mesa. Bago umalis, tiniyak ni Ben Zayb na walang salamin
ang naroroon. Ang totoo ay hindi nga siya nagkakamali. Kung siniyasat
lamang niyang mabuti ay makikita niya ang salamin na nakatago sa ilalim ng
plataporma na naitataas at naibababa. Ang salamin ay hindi nakikita, salamat
sa dibuhong heometrikal ng kabaong. Nang sumunod na araw, ipinag-utos
kaagad ng Gobernador eklesyastiko ang pagbabawal sa ganitong mga
palabas. Subalit, si Ginoong LEeds ay nakaalis na patungong Hong Kong na
dala ang kanyang lihim. 
GAWAIN :
1. Nagkakaroon pa din pa ng pandaraya sa panahon
ngayon? Bakit?
2. Kung ikaw si Ben Zayb, magtatangka ka din bang
isiwalat ang nagaganap na pandaraya sa iyong
kapaligiran? Bakit?

You might also like