You are on page 1of 15

El

Filibusterismo
kabanata 17-20
mga paksa
• Ang Perya sa Quiapo
• Ang Kadayaan
• Paglisan
• Ang Nagpapasiya
El filibusterismo
kabanata 17:
ang perya sa quiapo
kabanata 17: ang perya sa quiapo buod

Aliw na aliw ang pari na si Padre Camora sa mga babaeng nakikita niya sa
peryahan. Kilala kasi bilang makamundo ang prayleng iyon. Lalong
nadagdagan ang kaniyang tuwa nang makasalubong si Paulita Gomez.
Kasama nito ang kaniyang tiyahin na si Donya Victorina. Iyon lang, kasama
din nila si Isagani na katipan ni Paulita.

Nakarating sila sa isang tindahan ng mga rebultong kahoy. Doon ay


nagsabihan ng mga kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr. Leeds. Sabi
ng isa na ang estatwa ay kahawig ni Ben Zayb habang ang isa naman daw
ay kahawig ni Camora dahil maraming likha ang mga kahawig ng pari

.
kabanata 17: ang perya sa quiapo buod

Mayroon silang nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Wala sa paligid


ang alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika naman si Ben Zayb na
baka natatakot lamang si Simoun na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr.
Leeds.
kabanata 18:
ang kadayaan
buod:

Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ni Mr. Leeds ay siniyasat muna ni Ben


Zayb ang buong bulwagan. Maging ang mga gamit ng Amerikano ay hindi rin
niya pinalampas.

Pilit siyang naghahanap ng salamin, isang bagay na karaniwang ginagamit sa


pandaraya sa mga tanghalan. Wala siyang natagpuan kaya inumpisahan na ang
palabas.

Naglabas ng maitim at luma na kaha si Mr.Leeds. Sinabi niya na natagpuan


niya ito sa isang lumang libingan. Pagkatapos niyang sumigaw ng mga
salitang banyaga ay kusang nabuksan ang kaha.
buod:

Dito ay tumambad ang isang ulong anyong bangkay na mayroong mahaba at


makapal na buhok. Mula sa kadiliman ay mayroong nagsalita na parang
tumatangis at humihingi ng tulong.

Ang kuwento ng misteryosong boses ay tungkol sa mga mapang-aping prayle


at saserdote noong panahon ni Amasis (isang pinuno sa Ehipto). Dahil sa mga
narinig ay kinilabutan at hinimatay si Padre Salvi.
kabanata 19:
ang mitsa
buod
Si Placido ay larawan ng isang karaniwang kabataan. Siya
ay mapusok, nagkamali ngunit sa bandang huli ay nahanap
din ang tamang daan tungo sa magandang kinabukasan.

Labis ang hinagpis ni Kabesang Tales dahil sa desisyon ni


Placido hinggil sa kanyang pag-aaral. Kinausap niya ang
kanyang anak na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral
hanggang sa makatapos ng abogasya.
buod:

Dahil dito ay lalong nagpuyos ang kalooban ng binata at iniwan ang kanyang ina. Sa
kanyang paglalakad sa bayan ay nakita niya si Simoun. Lumapit siya dito at
isinalaysay ang nangyari sa kanya.

Sinadya ni Simoun na isama si Placido sa pagawaan ng pulbura. Nasaksihan ng


binata ang hirap ng kalagayan ng mga mangagawa ni Simoun. Sunod nilang
pinuntahan ang bahay ng mag-aalahas.
buod:

Dito niya nakita ang isang bata na kasing edad niya ngunit malayong matanda ang
itsura kumpara sa kanya. Ipinaliwanag ni Simoun na ito ay sanhi ng mabibigat na
gawain na naiatang sa kanya. Dahil sa mga nasaksihan ay namulat ang isip at
kalooban ni Placido.
Kabanata
20
Si Don Custodio
Buod:
Si Don Custodio Salazar ay isang Katolikong mapaglinlang. Hindi siya
naniniwala sa pangungumpisal, sa milagro ng mga santo at ang
pagiging banal ng papa.

Bata pa si Don Custodio nang dumating siya sa Maynila. Dahil sa


kanyang mataas na katungkulan ay nakapangasawa siya ng isang
mayamang taga-lunsod. Ginamit niya ang pera ng kanyang asawa sa
pangangalakal. Siya ay naging tanyag at napabilang sa mga
kinikilalang tao sa lipunanan.
Buod:
Mahigit na dalawang linggo na sa poder ni Don Custodio ang usapin tungkol
sa paggamit ng wikang Kastila sa loob ng akademya. Siya ang naatasan na
gumawa ng pag-aaral at magbigay ng pasya kung ang paggamit ba ng mga
estudyante ay naayon o hindi.
Ang pag-iisip ni Don Custudio ay mahirap mawari. Minsan ay kakampi at
pinagtatabggol niya ang mga Indiyo. Samantalang kung minsan ay
hiinahamak niya ang pagkatao ng mga ito.

Sa kanyang pagbibigay ng pasyatungkol sa usapin, isa lang ang gusto niyang


mangyari, ang mapasaya ang mga prayle lalo na si Padre Irene.

You might also like