You are on page 1of 25

KABANATA XVIII

Mga Kadayaan
Presented by Lory Fe De Vera
Mr. Leeds

Tauhan: Ben Zayb

Don Custodio
EL FILIBUSTERISMO NG
Padre Salvi
KABANATA XVIII
Padre Camorra

Padre Irene
Halagahang Pangkatauhan:
Ang sinumang manlinlang sa kapwa ay tiyak

na makakatanggap ng kaparusahan.

1 Si Mr. Leeds na isang Amerikano ay magaling

ding magsalita ng Kastila dahil sa tagal ng

kanyang pamamalagi sa Timig Amerika.

Malugod niyang pinaunlakan ang hiling ng pinagbigyan


kanyang mga panauhin na siyasatin ang

tanghalan bago at pagkatapos ng kanyang

palabas ngunit nakiusap ito ng katahimikan

habang nagtatanghal.
2
Ang loob ng tanghalan ay natatabingan ng itim na tela at

naiilawan ng lamparang ginagamitan ng alkohol. Ang

bulwagan ay nahaharangan ng tersiyo pelong itim na pelus/velvet


humahati sa dalawang panig. Ang unang panig ay puno ng

upuan at ang ikalawa ay may alpombra ba nakataas nang karpet


bahagya at sa gitna nito ay isang mesang may takip na tela

na ang mga nakalarawan dito ay mga bungo at isa pang

nakapaninindig-balahibong mga larawan.


3
Biglang tumigil ang mga marahang kuwento ng mga

tao, para bang pakiramdam nila ay pumasok sila sa

bahay ng patay dahil sa amoy ng usok ng insenso na

lalong nagpatayo sa kanilang mga balahibo.


4
Upang maalis ang takot ng mga

manonood at hiyain si Mr. Leeds ay

hiniling ni Ben Zayb na ipakita sa kanila

ang kadayaan ng kanyang palabas at

alam nila na ito ay ginamitan lamang ng

mga salamin at liwanag


5
Hindi naman tumutol ang Amerikano at nagpaalalang

mag-ingat na huwag mabasag ang mga salamin.

Ngunit bigo siyang makita ang salamin na kanyang

hinahanap. Namutla si Ben Zayb nang hindi makita

ang hinahanap na salamin.


6
Pumasok si Mr. Leeds sa pintuan na dala-dala ang isang itim

na kahong kahoy na may nakalilok na iba’t ibang bagay tulad

ng bulaklak at mga hayop. Isinalaysay ng Amerikano ang

kanyang naging karanasan nang siya ay bumisita sa isang

piramide sa Khufu. Natuwa siya nang akalain niyang

nakatagpo siya ng isang mummy ng anak ng hari. Laking sama

ang kanyang loob nang makitang kahon lamang na iyon ang

nakita niya.
7
Hinayaan ni Mr. Leeds na siyasatin ng mga manonood

ang naturang kahon. Ipinakita sa mga nakaupo sa

unang hanay ang kahon. Si Padre Camorra naman ay

sayang iniiwasan ang kahon na parang naiinis. Si Don

Custodio ay tahimik na nanonood samantalang si Ben

Zayb ay walang tigil sa pagtuklas ng pandaraya.


8
Ang kahong iyon ay naglalaman ng abo at

mga papel. Ipinakita ni Mr. Leeds ang kahon

ngunit nakiusap na huwag huminga nang

malakas sapagkat kapag nabawasan ang mga

abo ay masisira ang kaniyang espinghe. Wala

nga ni isa man sa kanila ang huming.


9
Nagpatuloy sa pagsasalaysay ang Amerikano. Hindi niya

alam ang gagawin kaya’t siniyasat niya ang papiro at

nakakita siyang ng dalawang salita na hindi alam ang ibig

sabihin at nang bigkasin niya ito nang malakas ay biglang

gumulong ang kahon at bumagsak ito sa lupa. Ang

pagkamanghang kanyang nadama ay napalitan ng sindak

dahil nakita niya ang ulo na nakatuon ang tingin sa kanya.

Sa pag-aakalang siya ay namalikmata lamang ay itinuloy

niya ang pagbasa sa pangalawang salita at ang ulo sa loob

ng kahon ay naging abo. Noon ay natuklasan niya na ang

dalawang salitang iyon ay bumubuhay at muling pumapatay.


10
Sinimulan na ni Mr. Leeds ang pagtatanghal sa

pamamagitan ng isang pagpapaliwanag na sa

isang salita ay mabubuhay niya ang abo at

maaari nilang makausap ang ulong sinasabi ng

Amerikano dahil ang ulonh iyo ay nakakaalam

ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.


11
Nagbitiw ng isang banayad na sigaw ang

mahiko, mapanaghoy na umpisa, hanggang sa

lumakas ang tunig na parang tungayaw at ang

tunog na paos ng pag-aalala ang

nakapagpatindig ng balahibo ni Ben Zayb.


12
”Deremof.” sambit ng Amerikano.
13
Gumalaw ang mga telang nakabakod sa

buong tanghalan. Ang mga ilawan ay tila

mamamatay at ang mesa ay lumikha ng

tunog sa kanyang paggalaw.


14
Nagbukas ang kahon at nagpakita ang ulo sa mga

manonood na anyong bangkay na may malagong

buhok. Unti-unting nagbukas ang mga mata ng ulo

at inilibot ang tingin sa mga manonood hanggang

mapako ang tingin nila kay Padre Salvi na sa mga

oras na iyon ay nanginginig na sa takot. Inutusan ni

Mr. Leeds na ipakilala ng ulo ang kanyang sarili.


15
Naghari ang lubos na katahimikan sa bulwagan.

Nagpakilala bilang Imuthis ang ulo. Ipinanganak daw

siya sa panahon ni Amasis at namatay noong panahon

ng pananakop ng mga taga-Persia. Pagkatapos ng

kanyang pag-aaral ay naglakbay na siya papauwi ng

kanilang bayan upang dito na manirahan. Sa

kalagitnaan ng kaniyang paglalakbay sa Grecia, Persia,

at Asiria ipinatawag siya ni That upang panagutin sa

isang kahindik-hindik na kaso sa kanyang hukuman.


16
Sa  himig na punong-puno ng kalungkutan ay isinalaysay

niya na siya ay umibig sa isang anak ng saserdote. Ang

batang saserdote na umiibig din sa dalaga ay gumawa ng

kaguluhang siya ang sinasangkalang may kagagawan.

Ginamit ng saserdote ang mga liham buhat sa kanyang

minamahal. Nangyari ang lahat nang si Cambyses ay

nagalit dahil sa kanyang pagkatao sa isang

pakikipaglaban. Siya ay isinakdal at ikinulong at nang

makatakas ay napatay siya sa lwa ng Moeris. Mula sa

kanyang kinaroroonan sa kabilang buhay ay kitang-kita niya

na nagtatagumpay ang masasama at ang kasinungalingan

ng mga saserdote sa Abydos. Hindi sila tumigil sa pag-

uusig ay pagpaparanas ng pighati sa dalagang nagtatago

sa pulo ng Philae.
17
Sa pagsasalaysay ni Imuthis, nailahad niya ang lahat

ng pandaraya at kasakiman na inilikihim ng isang

magong nangangalang Guatama. Dahil siya ang

nakatataas sa bayan iginugumon ng magong iyon inilulubog


ang bayan sa mga maling pag-uugali. Kaya sa takot

ng mago na mabunyag ang kanyang lihim ay inutusan

nito ang mga saserdoteng taga-Ehipto na payatin si

Imuthis na namang sinunod na mga ito. Tinapos ni

Imuthis ang pananahimik at siya raw ay nagbalik

upang ibunyag ang kanilang kataksilan. Tinawag

niyang mamamatay at lapastangan sa Diyos ang mga

saserdoteng gumawa ng kabuhungan sa kanya. kasamaan


18
Habang nakikinig ang mga manonood, ang mga

prayle ay makaramdam ng nakakahawug na

pangyayari sa kasalukuyang panahon. Kahit na ang

salaysay ng ulo ay naganap noon pang sinaunang

panahon at naiibang pananampalataya ay nakaligalig nakagulo


pa rin ito sa kanila. Walang nakapuna sa labis na

pagkatakot ni Padre Salvi sapagkat ang lahat ay

abala sa panonood.
19
Habang nagsasalaysay ang ulo, si

Padre Salvi ay tila mawawalan ng

malay.
20
Nagkagulo ang buong bulwagan. Ang

kababaihang nagkunwaring hinimatay ay

nagsibalik-diwa na rin nang hindi sila

pinansin ng mga sumaklolo kay Padre Salvi.


21
Kinabukasan ay agad na pinag-utos ang

pagpapatigil nang palabas ni Mr. Leeds

ngunit ito ay wala na at umuwi na ng Hong

Kong.
Buod
Sinalubong ni Mr.Leeds ang mga panauhin sakanyang perya

upang panoorin ang kanyang misteryosong palabas. Bago

magsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayb ngunit hindi

nito napansin ang salamin na nakatago. Si Mr.Leeds ay may

dalang kahon at sinabi niya na ito ay natagpuan niya sa

libingang nasa piramid ni Khufu (Isang Paraon ng

Ehipto).  Nagsalita si Mr.Leeds, lumabas ang isang ulo at

sinabi nito na siya si Imuthis. Nagkwento ito tungkol sa

kanyang talambuhay. Nakatitig ang espinghe kay Padre Salvi

habang ito ay nagsasalita. Bigla itong tinawag na isang

mamamatay tao. Hinimatay ang Prayle dahil sa takot.

Magmula noon ay ipinagbawal ng Gobernador ang palabas

ni Mr.Leeds ngunit ito ay nag tungo na sa Hong Kong dala

ang kanyang lihim.


ARAL
Maging mapagmatiyag at

mapanuri sa lahat ng oras

upang hindi mabiktima ng

palilinlang

You might also like