You are on page 1of 3

1

Junior High School Filipino 10 points

Ano Banghay ng el filibusterismo?

Simula

Papataas na aksyon

Kasukdulan

Pababa na aksyon

Kakalasan o wakas

Ask for details Follow Report by Mishay2900 21.02.2018

Answers

CikguMaria9 Ambitious

Narito ang banghay ng El Filibusterismo:

1. Simula

Bumalik si Crisostomo Ibarra sa kanyang bayang sinilangan matapos ang labingtatlong taon. Siya ay
nagbalik pero sa katauhan ni Simon na naglalayong makapaghiganti sa pagkawalang katarungang
kanyang naranasan noon. Binabalak niyang mag-udyok at mag-umpisa ng himagsikan. Gusot niyang
mabawi ang kanyang minamahal na si Maria Clara at magganyak ng pagbabago sa sistema ng bansa.

2. Papataas ng Aksyon
Kanyang kinaibigan ang Kapitan-Heneral para mapalapit sa mga myembro ng alta-sosyedad. Ginawa niya
ito para magbuyo sa ma ito na gumawa ng pagmamalupit sa mga mahihirap at naapi ng kasalukuyang
bulok na sistema.

3. Kasukdulan

Hindi sinasadyang nabunyag ang totoong pagkatao ni Simon. Ang nakaalam ay si Basilio na dati na ring
nakadaupang palad ni Ibarra/Simon. Hinimok niya ito na sumali sa planong pag-aaklas ngunit ito ay hindi
sumang-ayon. Iba ang pananaw ng binata hinggil sa pagpapatupad ng pagbabago sa sistema. Noo'y ang
binata ay malapit ng magtapos sa kolehiyo. Kasama ng mga kaklase nito, sila ay nagmungkahi sa mga
prayle na magtatag ng isang paaralang kung saan maaring aralin ang wikang Kastila. Hindi nagtagumpay
ang mga mag-aaral sa kanilang nais. Silay nagbunyi at nagsaya sa isang pansiterya ngunit may kaakibat na
paglibak sa kanilang inabot. Habang kanilang kinukutya ang nangyari hinggil sa kanilang planong
pagtatayo ng paaralan, hindi nila alam na may espiyang nakikinig.

Sa isang banda, si Simon naman ay kumikilos para unti-unting maisakatuparan ang kanyang mga plano.
Siya ay nakikipagusap sa mga bandido ng grupo ni Kabesang Tales. Isang magandang pagkakataon din
ang nangyari ng mapapayag ni Simon si Quiroga na itago ang mga armas sa kanyang bahay kapalit ng
pagbabawas ng utang nito kay Simon.

4. Pababa na Aksyon

Nakahanap si Simon ng tumpak na panahon para kanyang pag-atake. Sa dulaang magaganap, kanyang
maisasalatuparan ang simula ng pag-aalsa sapagkat naroon ang lahat ng kanyang puntirya sa
paghihiganti.

Nagsanga ulit ang landas ni Basilio at Simon at hinimok ng huli ang una na sumali sa paghihimagsik.
Ibinalita nito ang nangyari kay Maria Clara kay Simon at ito ay naghinagpis.

Pagkatapos ng mga ilang araw ay sumakabilang-buhay si Kapitan Tiago buhat ng malaman ang nangyari
sa anak. Tumigil na rin ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Habang si Basilio ay nasa piitan, ang
kanyang kasintahang si Huli ay nagpakamatay sa kumbento. Nakalaya si Basilio at nagsangang muli ang
landas nila ni Simon. Sa bandang ito, nagpasya ang binata na sumanib na sa layunin ni Simon sa
himagsikan.Pinaliwanag ni Simon ang kanyang planong pagpapasabog at ito ay magaganap sa papiging
ng kasal nila Paulita at Juanito.

5. Kakalasan o Wakas

Sa nasabing piging natagpuan ni Padre Salvi ang isang maikling mensahe na may kaakibat na pirma ni
Crisostomo Ibarra. Ito ay nangamba at nagdulot ng kaguluhan sa mga tao sa piging. Nakita ng mga tao
ang pag-andap ng lampara. Sa plano, ang lampara ay iilaw lamang ng bente minutos, sapat para
magsimulang lumiyab at kumalat sa mga pulburang nakatanim sa bahay. Ngunit sadyang mahal ni Isagani
ang dating kasintahang si Paulita at hindi nito maaatim na mamatay, tinapon nito ang lampara sa ilog. Sa
gitna ng kaguluhan, tumakas si Isagani.
Hindi naisakatuparan ni Simon ang kanyang plano at nalaman ng mga tao na siya ang mag pakana ng
lahat. Ito ay naging pugante sa lipunan. Habang siya ay nakabulos at umiiwas sa pagkahuli, nabaril siya ng
gwardya sibil. Sa kanyang sitwasyon, siya ay pumunta kay Padre Florention at doon ay naningalang-
pugad. Uminom si Simong ng lason para hindi mahuli ng buhay ng pamahalaan. Kanyang ipinakilala ang
kanyang tunay na katauhan sa pari at naghinga ng sama ng loobin hinggil sa pagkabigo sa planong
himagsikan. Si Simon ay pinaliwanagang maigi ng pari at kanya itong tinanggap sa kanyang puso.
Pagkaraan, ito ay binawian na rin ng buhay. Ang lahat ng nalalabing mga alahas ni Simon ay itinapon ng
pari sa dagat

You might also like