You are on page 1of 2

KABANATA 18: MGA PANDARAYA

MGA SIMBOLISMO/TAUHAN: IMUTHIS - Ang espinghe.Sumisimbolo sa mga taong tulad ni Ibarra. CAMBYSES Simbolo ng palpak na pamahalaan.
Kubol - sentro ng atraksyon sa Perya. pinamumunuan ito ni Mr Leeds Simoun - ginamit si Imuthis para insultohin ang mga prayleng nanunuod ng kubol sa pamamagitan ng pagsalaysay ng buhay ni Ibarra at pagtitig sa bawat prayle. nakonsensya ang mga ito at tinamaan. > nagsumbong ang mga prayle kay Ben Zayb > nagresulta ito ng pagkalagay kay Mr Leeds sa isang alanganin na posisyon > binigyan ni Simoun ng pera si Mr Leeds para makapuntang Hong Kong at magtago

Ang mga Kadayaan Si Mr. Leeds ay tumay na Amerikano na marunong magsalita ng Kastila dahil sa kaniyang paglilibot sa mga bansang nasasakupan ng Espanya. Sinalubong niya ang mga panauhin galling sa bahay ni Quiroga at hinayaan niyang usisain ni Ben Zayb ang mesang kalalagyan ng Sphinx. Hinanap niya ang salaaming pinaghihinalaan nilang siyang nagiging dahilan ng ilusyon ng sinasabing ulong nagsasalita. Wala siyang nakita. Siminulan ni Mr. Leeds ang palabas sa pamamagitan ng paglahad kung saan nagmula ang ulo. Matapos ang kaniyang kuwento at sabihin na ang mahiwagang salita, lumabas na ang ulo na nagsalaysay kung sino siya. Siya raw ay si Imuthis. Umibig siya sa isang dalagang anak ng pari nang bumalik siya sa bansa matapos ang paglalakbay. Kasabay niyang umiibig din ay isang pari na gumawa ng rebelyon sa kaniyang pangalan. Nakulong siya at pinatay nang siya ay tumatakas. Nabuhay siyang magmuli para maghganti. Ang paring yaon ay walang tigil nang kapapahirap sa kaniyang kasintahang dalagang pumasok na sa kumbento. Habang naglalahad ng kaniyang sama ng loob, titig na titig ang ulo kay Pari Salvi. Ang kaniyang kuwento ay hawig kay Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Dahil si Pari Salvi ang pinatutungkulan ng kuwento, nawalan siya ng malay sa takot. Nagkagulo ang mga tao. Galit din si Ben Zayb dahil hindi niya mapatunayan na mayroon ngang salaaming ginamit. Hindi lang niya alam kung saan ang mga ito nakalagay. Kinabukasan ay isinulat niya ito sa diyaryo na siyang nagging dahil upang ipagbawal ng gobernador ang palabas ng nagsasalitang ulo. Pero huli na ang lahat. Si Mr. Leeds ay nakaalis na patungong Hong Kong. Dala-dala niya ang lihim.

You might also like