You are on page 1of 10

EL FILIBUSTERISMO

ANG MGA KADAYAAN


Alingasaw - Singaw

Iginugumon - Inilulubog

Kabuhungan - Kasamaan

Pinaunlakan - Pinagbigyan

Kahindik-hindik - Nakakatakot
Sa peryahan ay sinalubong ni Mr. Leeds ang mga
panauhin. Isa siyang Amerikano na magaling
magsalita ng Kastila dahil sa matagal na
namalagi sa Timog-Amerika. Bago naman
nagsimula ang palabas ay nagsiyasat muna si
Bren Zayb at hinanap ang salamin na maaring
ginagamit ni Mr. Leeds sa pandaraya.
Ito naman ay may pahintulot ng Amerikano ngunit
walang natagpuang salamin si Ben Zayb.
Pagkaraan ay pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto
at paglabas ay may dalana siyang kahong kahoy.
Aniya, natagpuan daw niya ang iyon sa libingang
nasa piramid ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto
Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro
na kinasusulatan ng dalawang salita. Kapag binigkas
ang unang salita ay nabubuhay ang abo at
nakakausap ang isang ulo. Kapag ang pangalawang
salita naman ang binanggit y bumabalik ito sa dating
kinalalagyan. Maya-maya, bumigkas ng isang salita
ang Amerikano. Lumbas ang isang ulo at sinabi nitong
siya si Imuthis. Siya daw ay umuwi sa kanyang bayan
pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay.
Nang dumaan daw siya sa Babilonia ay
nalaman niya ang isang lihim na hindi ang
tunay na Sumerdis ang namamahala doon
kundi si Gautama, isang magnanakaw ng
kapangyarihan at namamahala sa tulong
ng pandaraya.
Dahil sa takot na isumbong siya kay
Cambises ay binalak niyang patayin si
Imuthis sa tulong ng mga saserdoteng taga-
Ehipto. Samantala, si Imuthis ay umibig sa
isang anak ng pari at naging kaagaw niya
rito ay ang pari sa Abidos.
Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang
sinangkalan. Isinakdal si Imuthis, napiit, tumakas,
at saka napatay. Ayon sa ulo, siya ay nabuhay
muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na
titig ang ulo kay Padre Salvi habang nagsasalita
ito kaya dahil sa takot ay nahimatay ang pari.
Kinabukasan ay naglabas ng utos ang
Gobernador na nagbabawal sa palabas ni
Mr. Leeds ngunit huli na dahil wala na ang
Amerikano at nagpunta na sa Hongkong
dala ng kanyang lihim.
Kiezel Jane Natad
10 - Olivine

You might also like