You are on page 1of 11

Inihanda nina:

Marnie Pamposa
Marianne Villanueva
Mga Tauhan
• Kapitan Tiyago
- Ang dating may-ari ng tahanan na binili ng ama ni
Juanito na si Don Timoteo

• Ben Zayb - Pangunahing Tauhan


- Isang manunulat

• Kapitan Heneral
- Nagpasyang ipabalik ang lathalian

• Padre Irene
-Kurang nagkubli sa ilalim ng mesa

• Don Custodio
- Naghabla kay Simoun
• Padre Salvi
- Kurang Pransiskanong kapalit ni Padre Damaso sa
bayan ng San Diego

• Padre Camorra
- Kurang naparusahan dahil sa panghahalay

• Magnanakaw o tulisan
- Nanakit kay Padre Camorra

• Matanglawin ay si Kabesang Tales


- Naging pinuno ng mga tulisan
- Nag utos na lusubin ang mga bahay ng mga kura upang nakawan

• Simoun
- Lalaking sinasabing kumikilos sa utos ng Kapitan
Heneral
BUOD
Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay
patakbong tinungo ni Ben Zayb ang
kanyang tanggapan upang isulat ang
pangyayari. Pinalabas niyang Bayani
sina Padre Irene, Don Custodio at
Padre Salvi. Ang lathalian ay isa ring
paghahangad ng mabuting pagyao at
paglalakbay ng Heneral.
BUOD
Ngunit ng kanyang isulat ay ibinalik
sakanya ng patnugot ng pahayagan.
Ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit
ng ano man ukol sa pangyayari. Dumating
ang balita mula sa Pasig. Nilusob daw ng
mga tulisan ang bahay-pahingahan ng
mga prayle at nakatangay ang dalawang
libong piso. Nasugatan ang isang prayle at
dalawang utusan nito.
BUOD
Naisipan ni Ben-Zayb na tumungo sa
Pasig upang gawan ng artikulo ang
pangyayaring ito. Natagpuan niya na ang
nasugatan ay si Padre Camorra. Doon siya
pinapagtika sa kasalanang ginawa sa
Tiyani. May isang maliit na sugat sa
kamay at may pasa sa ulo ang pari, kung
saan nanakawan siya ng limampung piso.
BUOD
Inamin ng isa sa mga tulisang sila raw ay
inanyayahang sumama sa pangkat ng
tinaguriang “Matanglawin” upang
sumalakay sa kumbento at sa mga bahay
ng mayayaman. Pangungunahan sila ng
isang kastilang matangkad, kayumanggi,
puti ang buhok na kumikilos sa utos ng
Kapitan Heneral na kaibigan niyang
matalik.
BUOD
Ang hudyat daw sa pagsalakay ay isang
malakas na putok ng isang kanyon ngunit
walang nangyari. Inakala ng mga tulisan
na sila ay nilinlang kaya’t nagsiurong sila.
Ang iba’y nagsibalik sa bundok. Balak
nilang maghiganti sa kastilang makalawa
nang nanloko sakanila. Ang tatlong tulisan
ay nagpasiyang manloob.
BUOD
Noong una ay ayaw nilang paniwalaan
ang mga tulisan sa paglalarawang si
Somoun ang tinutukoy nilang pinuno.
Ngunit nakapagtataka ring si Somoun ay
hindi matagpuan sa bahay niya. Maraming
bala at pulbura roon. Nakipagkita si Ben-
Zayb kay Don Custodio. Pagkatapos
naman ay mabilis na kumalat ang balita
ukol sa mag aalahas. Marami ang ‘di
makapaniwala sa balita.
Pahiwatig ng kabanata:

Muling ipinakita ng
may-akda ang
walang katapatan
sa pagbabalita
noong panahong
iyon.

You might also like