You are on page 1of 4

El Filibusterismo/Kabanata 34 : Ang Kasal ni Paulita El Filibusterismo Kabanata XXXIV Ang Kasal ni Paulita Buod Nasa daan si Basilio.

Ikawalo ng gabi, makikituloy sana siya kina Isagani ngunit hindi umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon. Dalawang oras na lamang at sasa bog na ang ilawan ni Simoun. Maraming dadanak na dugo. Marami ang mamamatay. Sin alat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala ni Sim oun na siya ay lumayo sa daang Anloague. Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon.May binangg it na kasayahan si Simoun. Sa bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Pau lita at Juanito. nakita niyang dumating ang sasakyan ng bagong kasal. Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang yakaginng sumama sa kanya si Isagani.Siya ri n ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong madugong pagpatay sa marami. H indi pa nararanasan nito ang nangyari sa kanya. Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral,ang nangyari kay Huli . Muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sanda ling hinihintay. Nakita niyang dumating si Simoun. Si Sinong ang kutsero ni Simo un. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga bagong kasal. Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng lahat sa bahay ni Kapit an Tiyago. Ang Kapitan Heneral ang ninong at dadalo sa hapunan, dala ang isang t anging ilawang handog naman ni Simoun. Ang mga dingding ng bahay ay dinikitan ng magagarang papel ar magagarang aranya at mga bulaklak ang palamuti. Mga angkat ang alpombra. Kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan ng mag-asawa. May tinuhog na artipisyal na bulaklak ng suha. Magarang- magara ang bahay na iyon. Parang ha pag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan. Ang mesa para sa mga dakilang pan auhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay. Pipito ang doon ay luluklok.N aroon ang pinakamasarap at pinakamamahaling alak. Ubos-kaya si Don Timoteo.Kung sinabi lamang ng Heneral na ibig nitong makain ng tao, gagawin iyon ni Don Timot eo. El Filibusterismo/Kabanata 35 : Ang Piging

Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may paanyaya. Una ang malili it. Sunod ang palaki sa katayuan sa tungkulin at sa kabuh. Lahat ay pinagpupugay an ni Don Timoteo. Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victoria. Batian. Kamayan. Naroon na sina Padre Salvi nguni t wala pa ang Heneral. Nais tumungo ni Don Timoteo sa palik uran nguni t di siya makaalis at wala pa ang Heneral. May pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon saw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila. Sisisngilin daw niya ang utang ng namintas kinabukasan. Dumating na rin ang heneral. Nawal ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. May nagsab i na ang araw ng kapitan dahil natititigan na tio nang harap-harapan. Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan. Naawa siy a sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon. Naiisip na bigyan ng babala ang mga iyon. Nguni t siyang pagdating ng sasakyan nina Padre Slavi at Pad re Irene. Nagbago siya ng isip. Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Ako y may utang na l oob sa kanya; sa kanila y wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina na pinat ay nila. Ako y nagpakabuti; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mangamatay na nga sila na ang aming pagtitiis, nasabi ni Basilio. Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa pagpanhik sa hagdan si Simoun. N guni t nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan Heneral ay sandaling nakipag-us ap dito at sa ibang naroon ang mag-aalahas. Saka ito nawala sa paningin ni Basil io. Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang kapatid,

si Huli, ang sariling kaapihan. Ninais na iligtas ang nangasabahay. Nguni t hinadl angan siya ng mga tanod dahil sa marusing niyang anyo. Namutla si Simoun nang ma kita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa mag-aalahas. Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-utos. Sa Eskolta. Matulin! Mabilis ding lumayo si Basilio. Nguni t may nakita siyang isang lalaking tatanaw-t anaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong lumayo. Marahang itinulak ni Isagan i ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. Bakit ako lalayo Bukas ay hindi na siya ang dati. May hapdi ang tinig ni Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawa n. Hinila niya si Isagani. Tumutol ito. Mabilis na lumayo si Basilio. Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip niyang sasabog ang b ahay kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya ito. Sa loob ay nagkatagpo ang nagpipiging ng isang kaputol na papel na ganito ang na kasulat. MANE THACEL PHARES JUAN CRISOSTOMO IBARRA Isa raw biro iyon, ani ni Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang makita ni P adre Salvi ang papel at sulat ay namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda n i Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng silya ang kura nanlambot sa takot. Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga kawal ang Kapitan H eneral. Walang nakita kundi mga utusang di niya kilala. Nagkunwang hindi takot. Magpapatuloy tayo sa pagkain, aniya. Huwag intindihin ang isang pagbibiro. Nguni t nagsalita si Don Custodio. Ipinalagay kong ang kahulugan ng sulat ay papat ayin tayo ngayong gabi . Di nakakibo ang lahat. May nagsabi. Baka lasunin tayo. Binitiwan ang mga kubyert os. Lumabo ng ilawan. Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng huli ang mitsa ng ila wan. Biglang may mabilis na pumasok, tinabig ang utusang humadlang, kinuha ang i lawan, itinakbo sa asotea at itinapon sa ilog, May humingi ng rebolber, may magn anakaw raw. Ang anino ay tumalon sa rin sa ilog.

KABANATA 36- Kagipitan ni Ben Zayb Nais ipalathala ni Ben Zayb ang nangyari sa handaan, upang ipalabas na bayani an g Kapitan Heneral. Pinaltan at binago niya ang istorya. Ngunit, binalewala ito n g kapitan heneral. Sobrang nagdamdam si Ben Zayb. = KABANATA 36 MGA KAGIPITAN NI BEN ZAYB

Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay patakbong tinungo ni Ben Zayb ang kanyang tan ggapan upang sulatin ang pangyayari. Pinalabas niyang bayani ang Kapitan Heneral , sina Padre Irene, Don Custodio at Padre Salvi. Ang lathalain ay isa ring pagha hangad ng mabuting pagyao at paglalakbay ng Heneral. Ngunit ang kanyang isinulat ay ibinalik sa kanya ng patnugot ng pahayagan. Ipina gbawal ng Heneral ang pagbanggit ng ano mang ukol sa pangyayari. Dumating ang balita mula sa Pasig. Nilusob daw ng maraming tulisan ang bahay-pah ingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha ang isa ng prayle at dalawang utusan. Gumalaw ang guni-guni ni Ben Zayb. Gagawin niyang bayani ang kura na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang silyang ginamit la ban sa mga tulisan. Nagtungo siya sa Pasig. Natagpuan niyang ang nasugatan ay si Padre Camorra. Doon siya pinapagtika sa kasalanang ginawa sa Tiyani. May isang maliit na sugat sa k amay at may pasa sa ulo. Tatlo ang mga magnanakaw na may taglay ng gulok. Limamp ung piso ang nanakaw. Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang salaysay ni Padre Camo rra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan. May nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina Mata nglawin upang sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman. Pangungunahan sil a ng isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at ang pasabi y kumikilos sa utos ng Kapitan Heneral na kaibigan niyang matalik. Katulong pa raw nila ang mga artilyero. Wala raw dapat ikatakot. Ang hudyat daw ay isang malakas na puto k. Walang putok. Inakala ng mga tulisan na sila ay nilinlang. Nagsiurong ang ila n Ang iba y nagsibalik sa bundok. Balak nilang maghiganti sa Kastila na makalawa n ang lumoko sa kanila. Ang tatlong tulisan ay nagpasiyang manloob. Ayaw paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun ang puno nila. Nguni t si Simoun ay di matagpuan sa bahay niya . Maraming bala at pulbura roon. Si Don Custodio ay naghanda ng habla laban kay Simoun. Mabilis na kumalat ang balita uk ol sa mag-aalahas. Marami ang di makapaniwala.

KABANATA 37- Hiwaga Napag-usapan ang nangyari sa handaan sa bahay na pinagpapalipasan ng panahon ni Isagani. Hiwaga nga naman na mapagtakpann ni Isagani ang gumawa ng pagnanakaw na lampara, na sya mismo ang gumawa. = KABANATA 37 ANG HIWAGA Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita, ang mga pagbabangon at mga supot ng pulbura. Ito ang naging paksa ng usapan ng lahat - palihim nga lamang. Si Chichoy kasi, payat na platero. Ay nagdala ng hikaw para kay Paulita nang ti natanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mismo ang suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, sa likod ng mga upuan. Ayon daw kay G. Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayon - isang kaaway ni Don Timoteo, o kaagaw ni Juanito. Naroon sa bahay ng mga platero si Isagani. Anang may-aring si Kapitan Loleng ay magtago si Isagani. Ngumiti lamang si Isagani. Nagpatuloy si Chichoy. Dumating daw ang mga sibil. Wala namang mapagbintangan. S i Don Timoteo lamang daw at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na iyo n. Pinaalis daw ang lahat ng mga di kailangan sa imbestigasyon. Naku, kung may isa man lang daw na nanigarilyo sa mga trabahador, sasabog ang bu ong daan ng Anlogue. Kung sumabog daw ang mga pulbura ang noong gabi. Nangatakot ang mga babae. Naghulaan kung sino ang pinaghihinulaan. Mga prayle. S i Quiroga. o Si Makaraig. At tumingin si Kapitan Toringgoy kay Isagani. Ani Chic

hoy: ayon sa ilang kawani, si Simoun. Nagtaka ang lahat. Naalala ni Momoy, isang dumalo sa piging, ang pagalis ni Simoun sa bahay bago ma gsimula ang hapunan. Si Simoun daw ay nawawala, patuloy ni Chichoy. Kasalukuyang ito y pinaghahanap ng mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni Simoun na nagkakatawang-tao. Naalala uli ni Momoy ang pagkakaagaw sa ilawan ni Simoun na nuo y namamatayan ng n ingas. Nagpayo t dito sa silid ni Isagani.Nagpatuloy si Chikoy.Tinataya raw ng mga maykapangyarihan na ang ilawan ay siyang magpapasiklab sa pulbura. Nahintakutang gayon na lamang si Momoy. Nguni t nang makita ang kasintahang si Sie nsa na nakatingin sa kanya ay nagtapang-tapangang nagsabi: Masama ng ginawa ng m agnanakaw. Mamatay sanang lahat! Nag-antanda sa takot ang lahat ng matanda at ba bae. Lumapit si Momoy kay Isagani. Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya. Ani Isagani na mahiwang nakangiti. Kung n alaman lamang ng magnanakaw na iyon kung ano ang nilalayon .kung siya sana ay na kapag-isip-isip tiyak na di niya gagawin ang gayon. Pantayan man ng kahit ano . Hindi ako tatayo sa kanyang kalagayan! Saka nagpaalam si Isagani. Ngunit upang hindi na bumalik pa sa kanyang amain.

You might also like