You are on page 1of 16

KABANATA 35: ANG PISTA

MGA TAUHAN :
Don Timoteo Pelaez
• Ang ama ni Juanito Pelaez. Hinihintay ang
pagdating ng Kapitan Heneral.

Simoun
• Ang nagdala ng ilawan o
lampara upang magdulot ng
pagsabog.
Donya Victorina
• Tiyahin ni Paulita. Ang naghatid at
kasama ng bagong kasal pagdating sa
Pista.
Paulita Gomez
• Dahil sa paniniwalang hindi maganda ang
kinabukasan niya kay Isagani, nagpakasal siya sa
mas mayamang si Juanito Pelaez

Juanito Pelaez
• Ang pinakasalan ni Paulita
Gomez.
Padre Salvi
• Siya ang tanging nakakilala sa lagda ng
nasa papel na pinagpapasahan ng mga
panauhin. Ito ay kay Ibarra.
Isagani
• Labis na malungkot dahil sa
pagpapakasal ni Paulita kay Juanito.

Basilio
• Naaawa sa mga walang malay na
nasa loob ng tahanan ni Don Timoteo.
Padre Irene
Kapitan Heneral
Don Custodio
Mga Tanod
Ben Zayb
TALASALITAAN:

♡ paswit - sipol ♡ sumambulat - sumabog

♡ napasandig - napasandal ♡ labi - bangkay

♡ luray-luray - durog-durog
SULIRANIN

》Ang nag-aalangang si Basilio kung sasabihin ba ang


tungkol sa pagsabog.

》Labis na pagkalungkot ni Isagani dahil sa


pagpapakasal ni Paulita sa mayamang lalaki.

》Ang pagkabahala ng mga nasa loob ng tahanan ni Don


Timoteo dahil sa sulat na napagpapasa-pasahan.
SIMBOLISMO

Simoun ▪ Isang taong nakain ng kanyang sariling galit.


Basilio ■ Siya ay larawan ng isang taong mapagtimpi.
Sa kakatiis ay umabot sa sukdulan ang
Isagani pasensya.
■ Isang taong gagawin ang lahat para sa
kanyang minamahal, kahit na buhay niya ang
Lampara ■kapalit.
Ang nagsilbing apoy na nagsiklab sa mitsa ng
galit ni Basilio ay ang pagkamatay ni Huli.
Nauubos din ang mitsa, hindi habambuhay
mananatiling malakas ang apoy.
BUOD
Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may
paanyaya. Una ang maliliit. Sunod ang palaki sa katayuan sa
tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ay pinagpupugayan ni Don Timoteo.
Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victoria. Batian.
Kamayan. Naroon na sina Padre Salvi nguni’t wala pa ang Heneral.
Nais tumungo ni Don Timoteo sa palikuran nguni’t di siya makaalis at
wala pa ang Heneral. May pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit
si Don Timoteo. Iyon saw ang pinakamahal na mabibili sa Maynila.
Sisisngilin daw niya ang utang ng namintas kinabukasan.
Dumating na rin ang heneral. Nawal ang mga dinaramdam ni Don
Timoteo. May nagsabi na ang araw ng kapitan dahil natititigan na tio
nang harap-harapan.
Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga
nagdaratingan. Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay
na mamamatay roon. Naiisip na bigyan ng babala ang mga iyon.
Nguni’t siyang pagdating ng sasakyan nina Padre Slavi at Padre Irene.
Nagbago siya ng isip.
Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Ako’y
may utang na loob sa kanya; sa kanila’y wala. Siya ang humukay ng
libingan ng aking ina na pinatay nila. Ako’y nagpakabuti; pinagsikapan
kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mangamatay na nga sial
na ang aming pagtitiis, nasabi ni Basilio.
Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-kilabot ang
anyo ni Simoun na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa
pagpanhik sa hagdan si Simoun. Nguni’t nagtuloy rin ito. Nang
dumating ang Kapitan Heneral ay sandaling nakipag-usap dito at sa
ibang naroon ang mag-aalahas. Saka ito nawala sa paningin ni
Basilio.Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio.
Nalimot ang ina, ang kapatid, si Huli, ang sariling kaapihan. Ninais na iligtas ang
nangasabahy. Nguni’t hinadlangan siya ng mga tanod dahil sa marusing niyang
anyo. Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang
magpugay sa mag-aalahas. Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa
sasakyan at nag-utos. Sa Eskolta. Matulin! Mabilis ding lumayo si Basilio. Nguni’t
may nakita siyang isang lalaking tatanaw-tanaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya
itong lumayo. Marahang itinulak ni Isagani ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. Bakit
ako lalayo Bukas ay hindi na siya ang dati. May hapdi ang tinig ni Isagani.
Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawan. Hinila niya si Isagani. Tumutol ito.
Mabilis na lumayo si Basilio. Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga
tao. Naisip niyang sasabog ang bahay kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya
ito.Sa loob ay nagkatagpo ang nagpipiging ng isang kaputol na papel na ganito
ang nakasulat.
MANE THACEL PHARES
JUAN CRISOSTOMO IBARRA

Isa raw biro iyon, ani Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang
makita ni Padre Salvi ang papel at sulat ay namutla ito. Sinabi
nitong iyon nga ang lagda ni Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng
silya ang kura nanlambot sa takot.
Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga
kawal ang Kapitan Heneral. Walng nakita kundi mga utusang di niya
kilala. Nagkunwang hindi takot. Magpapatuloy tayo sa pagkain,
aniya. Huwag intindihin ang isang pagbibiro.
Nguni’t nagsalita si Don Custodio. Ipinalagay kong ang
kahulugan ng sulat ay papatayin tayo ngayong gabi .
Di nakakibo ang lahat. May nagsabi. Baka lasunin tayo.
Binitiwan ang mga kubyertos. Lumabo ng ilawan.
Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng
huli ang mitsa ng ilawan. Biglang may mabilis na pimasok,
tinabig ang utusang humadlang, kinuha ang ilawan, itinakbo sa
asotea at itinapon sa ilog, May humingi ng rebolber, may
magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon sa rin sa ilog.
ARAL
* Huwag maging makasarili.
* Sa kabila ng mga mapapait na karanasan sa
buhay, manatili tayong matatag. Ang paghihiganti at
kasakiman kailanman ay hindi magpupunyagi.
* Ang totoong nagmamahal ay handang masaktan
at magsakripisyo.
MARAMING
SALAMAT PO SA
PAKIKINIG!

You might also like