You are on page 1of 19

El Filibusterismo

KABANATA XIX
ANG MITSA
•Talasalitaan:
• Arabal-hangganan ng bayan
• Basar-tindahan
• Fenix-isang mahimalang ibon na nabubuhay
ng limangdaang taon.
• Kabuluhan-may kapupuntahan, may
katuturan
• Kastilyero-taga gawa ng mga paputok
• Kinatitirikan-kinatatayuan
• Lipakin- hamakin
• Mitsa- isang parte ng bomba na sinisindihan
para ito’y pumutok; nagsisilbi din itong
orasan kung iilan nalang na oras ang
bibilangin upang sumabog ang bomba.
• Nagngingitngit- labis na galit
• Nakaririmrim-nakapandidiri
Mga Tauhan
•Placido Penitente-Ang mag-
aaral na nawalan na ng gana
dahil sa suliraning pampaaralan.
•Kabesang Andang-ina ni
Placido na nag mula pa sa
Batangas.
Simoun-mag aalahas at ang
paghihimagsik na inilunsan ni
Simoun ay may iisang layon ito ay
ang paghihiganti
Tagpuan
Ang tagpuan ng kabanatang ito
ay sa paaralan na kung saan nag
aaral si Placido,Sa bahay na
pagawaan ng pulbura,at sa bahay
ni Simoun na magaalahas.
BUOD
• Galit na galit na lumabas sa klase si
Placido Penitente halos hindi na siya
makapagtimpi at nais na gumawa ng
isang libo’t isang paghihiganti.
• Nakita niyang nasa karuwahe si
Padre Sibyla at Don Custodio.Nais
niyang habulin ang prayle at ihagis sa
ilog.
• Nang nasa Escolta na siya ay may
nadaanan siyang dalawang Agustino
sa pinto ng basar ni Quiroga.
• Sa kaniyang tinutuluyan ay dumating si
Kabesang Andang na kaniyang ina na
taga-batangas.Nag hinagpis ang ina ng
mag paalam si Placido na hindi na mag-
aaral.
• Ilang sandali pa ay umalis na si Placido
at nilibot ang Sibakong,Tundo,San
Nicolas,at Sto.Kristo.
• Maya maya pa ay nakaramdam
na siya ng gutom at naisipang
umuwi.Iniisip niya na wala na sa
kaniyang tinutuluyan ang
ina.Ngunit mali siya ng akala
dahil naroon pa ang ina niya at
naghihintay sakaniya.
• Pinakiusapan daw ni Kabesang
Andang sa prokurador ng Agustino na
iayos ang suliranin ni Placido sa
kagalit na Dominiko.
• Muling nagsermon ang ina tungkol sa
pagtitiis.Hindi nalang kumain si
Placido at saka umalis nalang muli.
• Gabi na at dahil sa walang
natagpuang kaibigan ay nagtungo
siya sa perya.Doon niya nakita si
Simoun.
• Ikinuwento niya dito ang nangyari
sa kanya at ang planong magpunta
sa Hongkong.
• Isinama ni Simoun si Placido sa
kanyang karwahe.Nakita nila sina
Isagani at Paulita na magkasama.
• Pagkaraan ay muling nagpatuloy sa
paglalakbay ang dalawa.Nakarating
sila sa isang bahay na pagawaan ng
mga pulbura na pinangangasiwaan ng
dating guro sa San Diego.
• Inatasan ni Simoun ang kastiyero na
makipagkita ngayong gabi sa kabo at
tinyente.Anang guro ay hindi pa sila
handa.
• Dalawang oras din na nag-usap sa
bahay ni Simoun at ang binata bago
umuwi sa kaserahan si Placido.
• Kinabukasan ay nakikinig na sa
pangaral ng kanyang ina si
Placido.Hindi na rin siya tumutol sa
mga payo nito.Pagkaraan ay pinauwi
na niya ang ina sa Batangas.
•Kaisipan
• Ang di mabuting pagtingin ng Kastila sa
mga Pilipino ay siyang nagtataboy sa hli
upang maghimagsik.
• Ang layunin ng maraming magulang sa
pagpapaaral sa kanilang anak upang
maipagmalaki at masabing sila’y magulang
ng isang nakapag-aral at nagkatitulo.
•Aral
Hangang mayroong pagkakataon
samantalahin ito upang makapagtapos
ng pag-aaral.Ang oras ay kapag
lumipas,hindi na maibabalik pa.
•Mga Tanong
1.Sino-sino ang tauhan sa kabanata?
2.Sino ang nanay ni Placido?
3.Sino ang nakita ni Placido sa perya?
4.Saan nakita ni Placido ang bata na
kasing edad niya?
5.Bakit napaaga ang planong himagsikan
ni Simoun?

You might also like