You are on page 1of 11

Kabanata 31

Ang Mataas na Empleado


Ang nagkalat na balita sa mga peryodiko sa Pilipinas ay tungkol sa Europa, mga puri
at bola sa predikador ng bansa at sa operatang Pranses kaya ilang bahagi lamang
ng peryodiko ang nalaan tungkol sa mga nangyayari sa lalawigan. Nasali doon ang
tungkol sa grupo ng mga tulisan na pinamumunuan ni Matanglawin. Nagkakaroon
lang ng emphasis ang mga lalawigan kapag ang sinalakay ay isang kumbento o
isang espanyol. Hindi napansin ang nangyari sa bayan ng Tiani, bulong-bulongan
lamang ang nagkalat at hindi nila matukoy kung sino talaga ang babaeng nahulog
sa tuktok ng kumbento. Ang tanging katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni
Padre Camorra sa kumbento at panandaliang pagtuloy sa Maynila. Nilisan n Mataas
na Empleado ang palasyo at sumakay sa karwahe. Sinabi niya sa kutsero na
pagdating ng araw na magdeklara kayo ng independensiya, nagtaka ang kutsero
sa sinabi nito, at tinuloy niya na alalahanin ninyo na hindi nagkulang sa Espanya
ng mga pusong tumitibok at lumalaban para sa inyong mga karapatan!.
Nagbitiw ang Mataas na Empleado sa kanyang tungkulin. Ipinahayag niya ang pagalis, sakay sa susunod na Koreo
Kabanata 32
Mga Bunga ng Paskin
Pinauwi na ng mga ina ang kanilang mga anak na nag-aaral, para sa madibdibang
bakasyon o pagsasaka sa kanilang lupain upang maiwas sa gulo na nangyari. Sa
unibersidad naman ay maraming bumagsak at bihira ang pumasa sa mga eksamen
at kurso. Si Pecson ay napatawang bobo na lamang at papasok nalang na kawani sa
kahit sang hukuman. Ang paglalakwatsa naman ni Tadeo ay nagwakas at
pinrangalan ang sarili sa pamamagitan ng pagsunog ng mga aklat. Si Juanito Pelaez
naman ay binigyan ng almasen at pinamahala na sa negosyo ng ama. Si Makaraig
ay naglakbay patungong Europa. Si Isagani ay pumasa sa asignatura ni Padre
Fernandez at bumagsak naman sa iba. Samantalang si Sandoval ay hinilo ang
tribunal sa kanyang mga talumpati. Buwan na ng Abril at nalimot na ang mga
pangamba, ang tanging nasa isip ng mga tao ay ang malaking pagdiriwang na
mangyayari. Ninong daw ang Kapitan Heneral at si Simoun ang mag-aayos at
maghahanda nito. Pati nag daw ang mga maybahay ay inaaway ang kanilang mga
bana, dahil pinipilit nito na makipagkaibigan kay Don Timoteo o kay Simoun upang
maimbitahan sa naturang pagdiriwang.
Kabanata 33
Ang Huling Katwiran
Naging abala si Simoun sa pag-aayos ng kanyang mga alahas at armas. Sasabay na
siya sa pag-alis ng Kapitan Heneral, na ayaw pahabain ang panunungkulan dahil
natatakot sa sasabihin ng mga tao. Ayaw daw diumano magpaiwan ni Simoun dahil
wala na ang suhay. Ibinilin niya sa kanyang tauhan na papasukin na lang ang
binatang si Basilio dahil ito ay inaasahan niyang dumating. Tinukoy niya din na sa

pagputok ng lampara ay sabay na susugod pababa ng bundok ang grupo ni Tales.


Kaya daw hindi nagtagumpay ang unang balak ng himagsikan sapagkat kulang daw
ito ng pagpaplano at koordinasyon, pero ngayon na may tiyak na silang signus sa
pagsimula ng himagsikan tiyak na ito ay magtatagumpay.
Kabanata 34
Ang Kasal
Hinanap sa kung saan-saan ni Basilio Isagani. Pinuntahan niya ito sa kanilang bahay
pero hindi niya talaga ito Makita. Bigla niyang inimagine ang sarili kung ano ang
magaganap at mararamdaman niya pagkatapos ng himagsikan. Magkakaroon daw
sa wakes ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang ina at kapatid. Ang higpit
lamang na tugon ni Simuon sa kanya ay lumayo siya sa kalye Anloage. Hindi na
tinukoy ni Simoun kung anong pagdiriwang at kung saan ito gaganapin, basta ang
alam ni Basilio ito ay isang malaking pagdiriwang na gaganapin sa isa sa mga
bahay sa kalye Anloage. Pumunta ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago upang
kumuha ng mga ilang gamit. Ang mesa na pinasadya ni Simoun ay wala sa loob ng
bahay, ito ay nasa asotea at dito nakalaang uupo ang mga pinakamamalaking
Diyoses ng bayan.

Kabanata 35
Ang Pagdiriwang
Unang dumating sa pagtitipon ang mga mababang bathala ng bayan.
Nagsidatingan ang mga empleado ng gobyerno. Bati doon bati dito si Don Timoteo,
may nagkomento na tuwang-tuwang daw nag matanda at para nang papet! Tsaka
dumating ang magnobya. Sadyang mapansin na nasisikip na ang frak na suot ng
pilyong si Juanito. Hindi na daw ito makapaghintay hanggang mamyang gabi at
mapag-isa na ang dalawa. Napagod din si Don Timoteo sa kababati sa mga taong
dumalo at ito ay naipin dahil hindi pa dumadating ang Kapitan Herenal. Dumating
na ang matataas na Diyoses, sina Padre Irene, Padre Salvi, at iba pang mga pari.

KABANATA 36
MGA KAGIPITAN NI BEN ZAYB
SI Ben Zayb ay dali-daling umuwi sa kanilang bahay at nagsulat ng ukol sa nangyari
sa kasalan. Sa kanyang mabulaklak na salaysay ay kung anu-ano ang mga
kasinungaling inilagay at ginawa. Ipinakita ang pagkabayani daw ng Kapitan
Heneral at ang katapangan ni Padre Irene sapagkat ito ay dumaan sa ilalim ng mesa
sa paghahabol sa nagnakaw ng lampara. Nagsulat, nagbura, nagdagdag at nagkinis
si Ben Zayb upang lumabas na dakila ang kanyang sulatin at pawang katotohanan
lamang. Ang mga tulisan ay nahuli at sinabi na ang may pakana ng lahat ay isang
lalaking kamukha ni Simoun sa kanilang pagkakalarawan. Noong una ay hindi
makapaniwala ang mga maykapangyarihan at mga pari subalit ng mapansing

nawawala nga si Simoun ay naniwala na din at sya ay ipinahahanap sa mga guardia


sibil.

KABANATA 37
ANG HIWAGA
Ang lugar ay sa bahay ng pamilya Orenda, mayamang mag-aalahas. Narito ang
ama ng tahanan na si Kapitan Toringgoy, ang totoong ngalan ay Domingo, ay
kanyang asawang si Kapitana Loleng, ang kanilang mga anak na dalaga na sina
Tinay, Sensia at Binday. Narito din sa kanilang tahanan ang kasintahan ni Sensia na
si Momoy at si Isagani na dumalaw sa bahay na iyon. Ang pinakasentro sa mga
tauhan ay si Chichoy na siyang pinapakinggan ng lahat sapagkat ikinukwento niya
ang nangyari sa kasalan ng nakaraang gabi at kung sino ang may pakana ng lahat
ng kaguluhan. Lahat ng tainga ay nakikinig sa kanya habang sinasabi nya ang sakosakong pulbura na natagpuan sa buong bahay at mabuti na lamang at walang
nanigarilyo kundi sabog sana ang buong bahay at patay ang lahat ng tao at mga
bisita maging ang mga prayle at ang Kapitan Heneral. Sinabi din ni Chichoy na ang
may kagagawan ng lahat ay walang iba kundi si Simoun na nagpapanggap na
kaibigan ng Kapitan Heneral at ngayon ay pinaghahanap na siya ng kinauukulan.
Hindi makapaniwala ang lahat ng nakarinig at si Kapitana loleng ay nag-alala
sapagkat lahat daw ng kanilang pinautang ay nasa kasalang iyon at maging ang isa
pa nilang bahay ay nasa tabi ng bahay na pinagdausan ng nasabing kasalan.
KABANATA 38
KASAWIAN
Ipinakita sa kabanatang ito ang mag-amang Tales at Tano at ang kanyang lolo na si
Tandang Selo. Si Kabesang Tales ay isa ng kilabot na tulisan at tinatawag ng
Matanlawin. Si Tano ay isa ng Guardia Sibil at mas kilala sa ngalang Carolino at si
Tandang Selo ay isa na ding tulisan. Makikita natin dito si Tano/Carolino at kasama
pa ang ibang indiong guardia sibil na nagpapahirap sa mga bihag nilang
pinaghihinalaang tulisan. Walang awa nilang pinapalakad sa ilalaim ng init ng araw
ang mga ito ng walang saplot sa paa at uhaw na uhaw at di man lang maabutan ng
tubig. Nang matapos ang putukan, tinignan nila ang mga tulisang nagkamatay din
at doon ay nakita ni Carolino ang isang mukhang hindi nya maaring kalimutan, at
iyon ay walang iba kundi ang kanyang Lolo Selo. Siya ang nakapatay sa kanyang
Lolo Selo. At si Tano ay parang nawalan ng lakas at imik.
KABANATA 39
ANG PAGTATAPOS

Si Simoun ay sugatan at nanghihinang kumatok sa tahanan ni Padre Florentino, ang


amain ni Isagani. Walang tanong-tanong ay buong pusong tinanggap ng indiong si
Padre Florentino si Simoun at pinagyaman ang maysakit. Inisip na lamang nya na
kaya ganoon si Simoun ay dahil umalis na ang kaibigan nitong Kapitan Heneral kung
kayat hinahabol sya ng mga naiinggit sa kanyang kayamanan at yaong kinuhanan
nya ng mga kayamanan. Nang araw ding iyon ay may dumating na sulat na
nagsasabing may huhulihin silang tao sa bahay ni Padre Florentino buhay man o
patay ay huhulihin nila ito. Sa pag-aakala ni Don Tiburcio de Espadana na noon ay
nakikitira kay Padre Florentino na sya ang huhulihin at dahil kagagawan iyon ng
kanyang asawa ay dali-dali syang nag-empake at umalis upang hindi abutan ng
mga guardia sibil. Kahit anong paliwanag ni Padre Florentino na si Simoun ang
pinatutungkulan ng sulat ay hindi naniwala si Don Tiburcio at umalis pa din ito.

Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila


Sa kabanatang ito, makikita ang hitsura ng Maynila kapag mayroong mga
dumarayong dayuhang palabas. Maraming tao sa teatro ng Variedades sapagkat
mayroong pagtatanghal ang isang nagngangalang Ginoong Jouy. Ang palabas ang
isang dulang Pranses na pinamagatang Les Cloches de Corneville. Ika-pito at
kalahati pa lamang ng gabi ay wala ng tiket kayat pati si Padre Salvi ay wala na rin
daw makuha. Sa entrada general ay may mahabang pila ng mga tao na
nagnanais pang pumasok. Ang dulaan ay nagliliwanag ng mabuti, may mga
bulaklak at halaman sa mga pintuan at bintana at may makapal na tao na parang
kalamay na hinahalukay kung saan maririnig ang mga tawanan, bulungan at
batian. Sa kabanatang ito, makikilala natin ang dalawang bagong tauhan. Ang una
ay si Camaroncocido. Siya ay mapapansing tila di-kahalo sa mga nag-uumpukang
tao. Siya ay mataas na lalaking payat, marahang lumakad na parang kinakaladkad
ang isang paa na tila naninigas, abuhin ang kulay ng kanyang buhok na mahaba at
kulot sa dulo na wariy buhok ng isang makata. Nakasout siya ng isang amerikanang
kulay-kape at pantalong pari-parisukat ang guhit at mayroon din siyang sombrerong
hongo de arte. Siya raw ay anak ng isang tanyag na angkang Kastila ngunit
nabubuhay na tila isang pulubi. Sa kabanatang ito, maaaring ang pag-aalsa ay
magsisimula na sapagkat dito narinig ni Camarococido ang mga salitang ang
hudyat ay isang putok ngunit siya ay nagkibit-balikat lamang. Makikita rin sa
kabanatang ito si Tadeo, na kung saan, lubos ang kanyang pagpapasikat sa kanyang
bagong kasama. Ipnangangalandakan niya na kilala niya halos ang lahat ng mga
taong sikat na nasa dulaan ng gabing yaon. Hindi siya makapasok sapagkat
naubusan na siya ng tiket. Sa bandang huli, dumating sina Macaraig, Sandoval,
Isagani at Pecson. Si Basilio ay mayroon daw gagawin kayat hindi ito nakasama,
dahilan upang ang tiket nito ay mapunta kay Tadeo.
Kabanata 22: Ang Palabas
Sa loob ng teatro ay punong-puno ng mga tao. Halos iilan na lamang ang mga

bakanteng upuan ngunit hindi makapagsimula ang palabas sapagkat hinihintay ang
Kapitan Heneral. Sinasabing ang Kapitan Heneral daw ay manonood ng palabas na
maaaring bunga ng dalawang dahilan: ito ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may
pagnanasa lamang na makakita. Sa loob ay naroroon din si Don Primitivo na naupo
sa isang butaka at ayaw ng umalis kahit dumating na ang may-ari. Ang
pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdudulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga
taong naiinip.Habang nagagnap ito ay biglang tumugtog ang marcha real sapagkat
dumating na ang Kapitan Heneral. Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang
babae na taglay ang matapang nanghahamon na anyo. Ilan pa sa mga kasama nila
ay sina Germaine, Grenicheux, Gaspard at Lily. Sa palabas ay kakikitaan ng
kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don
Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi
itinanghal ang hinihintay nilang cancan. Sa kabanatang ito, nagsimula ang
pagkakagusto ni Doa Victorina kay Juanito sapagkat ito raw ay lalaking-lalaki at
maginoo.

Kabanata 23: Isang Bangkay


Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay abala sa pag-aalaga kay
Kapitan Tiyago na nooy lubos nang nahuhumaling sa opyo. Nagtatalo ang
damdamin ni Basilio kung bibigyan niya ba o hindi si Kapitan Tiyago sapagkat
sinasaktan siya nito kapag kakaunti ang ibinigay niya ngunit makasasama naman
kung patuloy niyang bibigyan.
Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang ilan sa mga aklat
na nasa tabi niya ay hindi man lamang niya binubuklat. Maya-maya ay dumating si
Simoun na matagal ng hindi dumadalaw kay Kapitan Tiyago. Nabanggit dito na si
Simoun ang nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na
hindi naman binabasa ni Basilio. Dito ay muling naungkat ang pinag-usapan nila sa
kagubatan, ang paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa himagsikan. Ngunit
matigas pa rin sa pagtanggi si Basilio. Binanggit ni Simoun na kung si Basilio ay
tutulong, siya raw ang aatasang kumuha kay Maria Clara sa kumbento. Ngunit
sinabi ni Basilio na kamamatay lamang ni Maria Clara kaninang umaga. Sa
pagkakabanggit na ito ay nagitla si Simoun at walang imik na umalis.
Sa kabanatang ito, tinukoy ni Basilio si Simoun bilang isang binatang mayamn,
bihasa, Malaya, nakapagpapasya sa sariling kabuhayn at may magandang
kinabukasan. Sa kabilang banda, si Maria Clara naman daw ay babaeng sing-ganda
ng isang pangarap, malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan sa lakad ng
kamunduhan.

Kabanata 24: Mga Pangarap


Katulad ng kabanata nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara, at Elias at Salome sa
Noli Me Tangere, ito ay kabanata rin ng dalawang magkatipan, sina Isagani at
Paulita Gomez.
Buhat ng magkatampuhan sa naganap na palabas (sapagkat si Isagani ay nagselos
kay Juanito at si Paulita ay nagselos sa panonood ni Isagani sa mga artistang
Pranses), nag-usap ang makasintahan na magtatagpo upang mag-usap. Dito,
nagkaroon sila ng pagkakataong magpaliwanag sa isat isa.
Ang mga pangarap na tinutukoy dito ay ang pangarap ng mga estudyante na
maitatatag ang Akademya ng Wikang Kastila at gayon din, ang pangarap ni Doa
Victorina na makapiling at makasal siya kay Juanito Pelaez. Sa una, dahil sa
kagustuhan ni Isagani na maisakatuparan ang kanilang mga balak, nakipagkasundo
siya kay Paulita na hindi na ito makikipagtipan sa huli. Ayaw raw maging sagabal ni
Isagani sa mga pangarap ni Paulita. Sa ikalawa, dahil pangarap nga ni Doa
Victorina na makasal kay Juanito Pelaez, payag raw ang una na si paulita ang
makatuluyan ni Isagani upang masolo niya si Juanito.
Kabanata 25: Tawanan at Iyakan
Ang mga kabataan ay nagtipon sa Pansiteria Macanista de Buen Gusto. Dito ay
nagkakatawanan sila at nagbibiruan ngunit halatang pilit sapagkat sila rin ay
kinabakabahan sa maaaring maging katugunan ni Don Custodio sa kanilang hiling.
Sa pangalawang pagkakataon, wala muli rito si Basilio na ayon kay Tadeo ay
marami raw lihim na nalalaman.. May mga handang pagkain dito at ang mga ito ay
inialay nila sa mga ilang taong kilala. Ang pansit lanlang ay inialay nila kay Don
Custodio dahil katulad daw ng huli, ang pansit lanlang ay maraming sahog. Ang
ikalaw ay ang lumpiang intsik na inialay nila kay Padre Irene ngunit ang ilan ay
tumutol sapagkat si Padre Irene ay hindi raw kumakain ng ilong ng baboySa huli, ay
nagkagulo silang muli sapagkat mayroon daw nagmamatyag sa kanila at sinabing
ito raw ay ang tauhan ng Vice-Rector.
Kabanata 26: PASQUINADAS
Patungo si Basilio sa ospital upang dalawin ang kanyang mga pasyente, ayusin ang
kanyang lisensyatura sa Unibersidad at puntahan si Makaraig. Pagsapit niya sa San
Juan de Dios, nalaman niya ang tungkol sa pagkakadiskubre ng mga paskin sa
Unibersidad at sinasabing ang Asosasyon ang may kagagawan nito. Natakot si
Basilio dahil akala niyang si Simoun ay kasangkot rin. Nang kanyang makita si
Sandoval ay tinawag niya ito ngunit parang walang itong narinig, si Tadeo naman
nang kanyang makausap ay masayang masaya dahil walang klase, si Isagani ay
nagsabi na wala siyang alam at walang pakialam, tila naghugas kamay. Narinig rin
niya si Isagani na nagtatalumpati sa kanyang mga kaklase hinggil sa pangyayari.
Pinupuri niya ang sinuman gumawa ng mga iyon na siya naming ikinatakot ni Basilio
para sa kanyang kaibigan. Pagdating niya sa bahay ni Makaraig ay may guwardiya
sibil na nakabantay, hinuli siya ng mga ito kasama na si Makaraig na tila hindi nagaalala sa pagkakadakip sa kanya.

Kabanata 27: ANG FRAILE AT ANG FILIPINO


Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani sa kanyang tanggapan upang kausapin.
Pinag-uusapan nila ang mga bagay na may kinalaman sa mga kabataang lumalaban
sa mga frayle. Sa isang banda ay tila nagtatalo sila. Sinabi ni Isagani na ang mga
prayle ang may kasalanan kung bakit naging ganoon ang pakikitungo ng mga ilang
estudyante nila: nakangiti pagnakaharap, nangaalipusta pagnakatalikod ang mga
pari. Nang tanungin ni Padre Fernandez si Isagani kung ano ang ibig nilang gawin ng
mga estudyanteng Pilipino, ang isinagot ni Isagani ay ang tuparin nila ang kanilang
mga sinumpaan. Naging napakatalim din ng mga salita ni Isagani nang sabihin
niyang hinahadlangan ng mga prayle ang pag-aaral ng mga estudyante dahil hindi
nila itinuturo ang nararapat bagkus ay itinuturo nila ay taliwas sa pagunlad. Sinabi
rin ni Isagani na kaya may mga taong walang karakter at moralidad ay dahil na rin
sa kagagawan nilang mga prayle. Ginamit ni Padre Fernandez ang pamahalaan
bilang pananggalang nang kanyang maisip na natatalo na siya sa usapan. Sinabi
niya na ang gobyerno ay maraming magandang plano para sa bayan ngunit hindi
inaasahang nagkakaroon ng mga kalungkot-lungkot na resulta. Sinabi ni Isagani na
ang mga prayle, pati ang gobyerno ay linilibak ang mga Indio at pinagkakaitan ng
karapatan dahil sa kamangmangan. Matapos ang usapan nila ay nagtungo si
Isagani sa gobyerno sibil.
Kabanata 28: TATAKOT
Sa kabanatang ito ipinakita ang ibat ibang reaksyon at pagtanggap ng lipunan sa
pagkakadisubre ng mga paskin na nagdulot na napalaking tension. May mga naguudyok sa Kapitan Heneral na ipapatay ang mga estudyanteng nahuli at
magpasimula ng mga kaguluhan upang mahuli at malinis ang mga Indio.
Sa kabanatang ito rin ay nakita si Quiroga na pinuntahan si Simoun, Don Custodio
at Ben-zayb upang itaning kung dapat ba niya balutian ang kanyang basar dahil na
rin nga sa tension sa lipunan nila.
Nang magkaroon ng konting kaguluhan sa simbahan ay inakala ng mga tao na
sumiklab na ang rebolusyon na siyang lalong ikinatakot ng mga tao. Wala nang
lumalabas ng bahay sa gabi at napakatahimik ng lugar. Ipinakita rin dito ang
pagkamatay ni Kaptian Tiago. Namatay siyang nakahawak sa bisig ng Padre Irene,
na nagulat at nakaladkad ang katawan ng namatay. Dito rin sinabi na nakapiit si
Tadeo at Isagani.

Kabanata 29: MGA HULING SALITA TUNGKOL KAY KAPITAN TIAGO


Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni Kapitan Tiago. Bahagi ay
mapupunta sa sa Sta Clara, Papa, Arsobispo at Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay
mapupunta sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral, at ang 25 pesos na binawi ni
Kap. Tiago na para sana kay Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sasabihin sa kanya
ito galing. Pinagtalunan kung ang susuotin ba ay prak na sinasabing suot ni Kap.

Tiago nang magpakita siya sa mga mongha, o isang abito ng Pransiskano na


mungkahi ni Kapitan Tinong. Ngunit nanaig pa rin ang desisyon ni Padre Irene na
damitan si Kap. Tiago ng kahit alin sa kanyang mga dating suot. Napag-usapan din
dito kung magsasabong ba si San Pedro at Kap. Tiago, at kung sino ang mananalo.
Si Donya Patrocino naman inggit na inggit sa libing ni Kap. Tiago at tila nagnanais
na mamatay na rin at magkaroon ng libing na higit pa sa naging libing para kay
Kap. Tiago.

Kabanata 30: JULI


Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis itong pinagalala ni Juli.
Siya ay binabangungot sa kakaisip kay Basilio. Sa pagnanais niyang makalaya si
Basilio ay naisip niya si Padre Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camorra ay
makakalabas ng kulungan si Basilio. Siya na lamang ang natira sa bilangguan dahil
wala siyang tagapagtanggol at wala rin naman kamag-anak.
Ayaw pumunta ni Juli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camora ngunit
pinilit siya ni Hermana Bali. Nang makapasok na sila sa kumbento, kinahapunan ay
may nangyaring hindi maganda. May babaeng tumalon sa bintana at namatay at
may babaeng nagtatakbong lumabas ng kumbento na tila wala na sa katinuan.
Pinuntahan ni Tata Selo ang kumbento at hinahanap si Juli ngunit hind siya
pinapasok at sa halip ay pinagtabuyan pa. Hinanap niya ang gobernadorsilyo, Juan
de Paz at tinyente ngunit wala ang mga ito. Narinig sa bayan ang panaghoy ni Tata
Selo at kinabukasan ay dinala niya ang kanyang itak at nilisan ang lungsod. (Upang
sumapi sa mga tulisan)

Kabanata XXI: Mga Ayos-Maynila


-Karaniwan sa maraming tao ang pagwawalang bahala sa kapakanan ng kapwa at
ng bayan. Walang inaalagata ang marami kundi ang kagalingang pansarili.
Kabanata XXII: Ang Palabas
-Ang kaugaliang pagdating nang huli sa takdang oras at hindi taal na sa atin. Ginaya
lamang natin ito sa mga Kastila. -Ang mga Pilipinoy mahilig sa mga palabas na
buhat sa ibang lupain. Maging ano mang bagay na gawa ng mga dayuhan ay
tinatangkilik at hinahangaan natin.
Kabanata XXIII: Isang Bangkay
-Ang pagbabalik at balak ni Simoung agawin si Maria Clara sa kumbento ay
nagpapatunay ng kawagasan ng pag-ibig nito; at ang pagkamatay ng dalaga ay
nagpapahiwatig ng pananatili ng kapangyarihan ng relihiyon sa ating bansa.

Kabanata XXIV: Mga Pangarap


-Ang pag-unald na nakikinikinita ni Isagani ay siyang pangarap ng may-akda para sa
kaniyang bayan.
-Itoy hindi nanatiling pangarap. Ang lahat ay nagkaroon ng katuparan.
Kabanata XXV: Tawanan at Iyakan
Ang kapasiyahang ginawa ni Don Custodio tungkol sa akademya ay isang
katunayang ang kabataan ay hindi binibigyang laya upang gumawa ng mga bagay
na ikauunlad ng sarili at ng bayan.
-Makapangyarihan ang mga prayle dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng
relihiyon, ng pananampalataya, ay nangyayaring mapasunod at masakop tayo ng
lubusan.
Kabanata XXVI: Ang Paskin
-Ang mga makapangyarihan ay nakagagawa ng mga paraan upang masugpo ang
anumang kilusang labag sa kanilang kapakanan.
-Anumang pagsulong ay hinahadlangan nila sapagkat malaki ang kanilang
pagnanasang manatili sa Pilipinas.
Kabanata XXVII: Ang Prayle at ang Pilipino
-May mga paring marunong umunawa. Hindi lahat ay may masamang ugali at dimabuting pagkilala sa mga Pilipino.
Kabanata XXVIII: Tatakut
-Higit na nakatatakot pagkaminsan ang mga bali-balita kaysa tunay na pangyayari.
Kalimitan, pag-nagpasalin-salin, itoy marami nang dagdag.
-Sa kabilang dako, may mga pangyayari namang aring pagtakpan kahit ng mga
pahayagan.
Kabanata XXIX: Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiyago
-Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni Pare Irene.
-Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa mga bagay na idiniin
sa isipan ng mga mananampalataya.
Kabanata XXX: Si Huli
-Walang sukat napuntahan ang mga taong naghahanap ng katarungan. Ang lahat
maging ang mga may tungkulin sa pamahalaan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng
simbahan.
-Walang natitira sa mg kawawa kundi ang mamundok at manulisan.

-Makapangyarihan ang pag-ibig.


Kabanata XXXI: Ang Mataas na Kawani
-Ang pagtatanggol ng mataas na kawani kay Basilio ay isang pagpapatunay na may
ilan ding Kastilang ,ay ugaling marangal.
-Palaging api ang mga walang lakas at mga dukha. Hanggang ngayon ay ito ang
larawan ng katarungan sa ating bansa.
Kabanata XXXII: Mga Ibinunga ng mga Paskin
-Si Paulitay larawan ng isang dalagang makabago. magkalayo ang daigdig nila ni
Isagani. Hindi siya makapaghintay sa katuparan ng mga pangarap ng binata.
-Ang dalagay makasarili, ang binatay makabayan.
Kabanata XXXIII: Ang Huling Matuwid
-Si Simoun at Basilio ay kapuwa uhaw sa paghihganti. Nais nilang maipaghiganti
ang sariling kaapihan.
-Sa mga dukha at api nagsisimula ang paghihimagsik. Bihira ang nanggagaling sa
mga maruruning at mayayaman. Itoy pinatutunayan ng kasaysayan.
-Si Simoun ay may paniniwalang ang nilalayon ang nagbibigay katuwiran sa
pamamaraan. Hindi baling masama ang pamamaraan, mabuti lamang ang layunin.
Nalimutan niyang itoy labag sa alituntunin ng kagandahang-asal.
Kabanata XXXIV: Ang Kasal
Ang kabanatang itoy naglalarawan ng sakit ng ating lipunan:
-Sa pagpili ng ninong at ninang- Marami ang nagpapaanak sa mataas na tao kahit
itoy di lubhang kakilala. Ikinararangal nila iyon at ipinagmamalaki. Sa katotohanan
ang mga ito ay hindi nakagaganap sa kanilang tungkulin bilang ninong pagkat nin
hindi natatandaan ang inaanak.
-Ang paghahanda- sadyang pinagkakagastahan nang malaki ang kasalan, binyagan
at ano mang pisata dito sa Pilipinas. Inuubos ng may handa ang kanilang makakaya.
Ang ibay kahit na mangutang.
Kabanata XXXV: Ang Pista
-Makahulugan ang tatlong salitang nakatitik sa papel na nagpalipat-lipat sa mga
piling panauhin. Sinasabing Bilang na, natimbang na, hati ang inyong
kapangyarihan. Nangangahulugang nabibilang na ang araw ng mga
maykapangyarihan. Nalalapit na ang kanilang wakas, sapagkat natagpuang
nagkulang at nakgkasala.
Kabanata XXXVI: Mga Kagipitan ni Ben-Zayb
-Muling ipinakita ng may-akda ang walang katapatan sa pagbabalita noong
panahong iyon.
Kabanata XXXVII: Ang Hiwaga
-Totoo ang kasabihang may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. Walang lihim
na hindi nahahayag.
Kabanata XXXVIII: Kasawinan
-Maraming mga kawal na Pilipinong mahigpit pa sa mga Kastila. Walang
pakundangan sa kanilang mga kababayan.

Kabanata XXXIX: Katapusan


-Ang kayamanan ay malaking tukso sa buhay ng tao.
-Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti ang wakas.
-Binibigyang diin ang katotohanang kung walang kalayaan ay walang katarunga.
-Ang kalayaay maaaring makamit sa tulong ng pagpapataas ng uri ng katuwiran at
ng karangalan ng tao.
-Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.

You might also like