Professional Documents
Culture Documents
filibusterismo
KABANATA 1
-Open Curtains-
Donya Victorina: Kapitan Heneral! Bakit ang mga hangal na indiyo‟y gumagawa sa dakong
iyon?
Kapitan Heneral: (mahinahon) Sapagkat doon po ay napakababaw, ginang.
Donya Victorina: Kaunting tulin ng makina! Hindi ba maaring buong tulin ang takbo ng makina?
Kapitan Heneral: Pagkat tayo po ay malalagos sa mga palayang iyan, ginang.
Padre Salvi: (iniiwasang isali sa usapan si Donya Victorina) Ben-Zayb, ang Puente del
Capricho, na nakipaglaban sa mga baha at lindol ay ginawa ng aming kapatid. Subalit hindi ito
natapos sapagkat ang mga taong pantas sa agham ay pumintas sa tulay na diumano‟y hindi ito
matatag.
Padre Camorra: Iyan, putris! Iyan nga talagang sasabihin ko!
Padre Salvi: Hindi ang ibig sabihin nito ay wala kang katuwiran na gaya ni Padre Camorra.
Donya Victorina: Sapagkat walang maayos na lawa sa lupaing ito.
Simoun: Ang lunas ay napakadali at walang magugugol na anuman. Humukay ng isang
matuwid na kanal buhat sa bunganga ng ilog hanggang sa labasan at paraanin sa Maynila.
Makatitipid ng lupa, mapaiikli ang mga paghahatid dumapit , at maiiwasan ang pagtaas ng
buhangin.
Ben-Zayb: Isang panukalang Yankee!
Don Custodio: Ipagpaumanhin aking katoto, subalit ang iyong panukala ay gugugol ng malaking
kuwalta at maraming masisira na mga kabayanan.
Simoun: Puwes sumira!
Don Custodio: Ngunit saan magmumula ang salaping ipambabayad sa mga manggagawa?
Simoun: Huwag silang bayaran, gamitin ang mga bilanggo‟t bihag.
Don Custodio: Aba! Hindi makasasapat.
Simoun: Isali ang lahat ng bayan, mga matatanda, mga kabataan, lahat sila ay pagawain,
pagtrabahuin.
Don Custodio: (lilingon-lingon sa paligid) Ngunit Ginoong Simoun….
Simoun: Huwag na ninyong lihuin ang inyong sarili, Don Custodio. Sa ganyang paraan lamang
maisasakatuparan ang malalaking panukalang may mumunting gugulin.
Don Custodio: Subalit Ginoong Simoun, ang ganyang paraan ay maaring magbunga ng mga
kaguluhan.
Simoun: Mga kaguluhan, haha! Tao kayo, akala ko‟y nakauunawa kayo ng kasaysayan!
Padre Irene: Ang lupaing ito‟y hidi kailanman nanghimagsik!
Simoun: Padre Salvi, hindi ba‟t ang dalawang gusaling iyon ay natapos sa pamamagitan ng
pagpilit sa mga tao na pagtrabahuin sa ilalim ng latiko? Malamang ang Puento del Capricho ay
naipatayo sa ganoong paraan. Naghimagsik ba ang bayang iyon?
Padre Salvi: At sila‟y nagsipag-alsa noong araw…
Simoun: Ano ang kabuluhan ng mga prayle kung ang bayan ay maaaring maghimagsik?
(umalis, pumunta sa ilalim ng kubyerta)
Don Custodio: Isang mulatong Amerikano!
Ben-Zayb: Indiyong Ingles.
Don Custodio: Amerikano ang sabi ko sa inyo! Siya‟y isang mag-aalahas sa Habana at
nagkaroon ng katungkulan na nagpahiram sa kaniya ng kuwalta. At isa, pa mayroon akong
naisip na mas magandang panukala.
Ben-Zayb: Maari bang malaman iyan?
Don Custodio: Nakakita na ba kayo ng mga itik? Alam niyo ba ang kanilang kinakain?
Padre Camorra: Mga susong maliliit.
Don Custodio: Tumpak! Kung mag-aalaga ang lahat ng tao sa lupaing ito ng mga itik, ay
kakainin nila ang mga suso na siyang magpapalalim sa gulud-guluran. Ganyang-ganyan nga!
Ben-Zayb: Mapapahintulutan ba ninyo ako na sumulat ng lathalain tungkol sa panukalang iyan?
Donya Victorina: Ngunit Don Custodio! Kung darami ang mag-aalaga ng itik ay darami rin ang
mga balot, at ito‟y nakasusuklam! Mabuti pang matabunan ng buhangin ang gulud-gulurang
iyan.
-Close Curtains-
KABANATA 2
Kapitan Basilio: Tiyakan kong sinsabi sa inyo mga ginoo, na hindi maisasagawa ang Akademya
ng Wikang Kastila.
Isagani: Maisasagawa po, at hinihintay na lamang namin ang pahintulot.
Kapitan Basilio: Kung gayon ay saan magmumula ang salaping inyong gagamitin?
Isagani: Mayroon na po kami; aambag ng sikapat ang bawat estudyante.
Kapitan Basilio: At ang propesor?
Isagani: Mayroon na rin pokami, kalahating Pilipino‟t kalahating Kastila.
Kapitan Basilio: At ang bahay?
Isagani: Si Makaraig, ang mayamang si Makaraig, ay nag-alok ng isa sa kanyang mga bahay.
Kapitan Basilio: Kung gayon ay nakahanda na pala ang lahat ninyong kailangan, O siya….
(aalis)
(Darating si Simoun)
Simoun: Ano Basilio, ikaw ba‟y magbabakasyon na? Kababayan mo ba sila? (lilingon kay
Isagani)
Basilio: Siya po si Isagani, hindi ko po siya kababayan subalit magkalapit lang po ang aming
bayan.
Simoun: Kumusta ang lalawigan?
Basilio: At bakit hindi ba ninyo talastas?
Simoun: Paanong matatalastas ay hindi pa ako nakaparoroon. Ang balita ko ay mahirap ang
inyong lalawigan, hindi makabibili ng hiyas.
Isagani: Hindi kami bumibili ng hiyas sapagkat hindi namin ito kailangan.
Simoun: Huwag kang magdamdam binata; ako‟y walang masamang hangarin sa aking
sinambit. Halina kayo mga ginoo at tayo‟y uminom ng serbesa.
Isagani at Basilio: Salamat po, subalit hindi kami umiinom ng serbesa.
Simoun: Ang serbesa ay isang bagay na mabuti, at ayon kay Padre Camorra, ang sanhi ng
katamaran ng mga indiyo ay ang labis na pag-inom ng tubig. (umalis)
Utusan: Ginoong Isagani, pinapatawag po kayo ng inyong amain.
(Tutungo kay Padre Florentino sina Isagani at Basilio)
Pari Florentino: Isagani, kailangan kong umakyat at makihalubilo sa mga tao sa itaas. Kapag
nakita ka ng Kapitan ay tiyak na aanyayahan ka rin, kaya huwag kang pumanhik habang ako‟y
nasa itaas. (Aakyat sa Kubyerta)
Isagani: Opo
Kabanata 3
Scene 1: Sa Kubyerta
( Habang nagtatawanan ang mga prayle ay darating si Simoun )
Don Custodio: Ano saan ba kayo nagtatago? Hindi ninyo nakita ang mga magagandang
tanawin.
Simoun: Nakakita na ako ng mga ilog, at tanging alamat lamang nito ang may kabuluhan sa
akin.
Kapitan: Kung sa mga alamat ay mayroon din ang Pasig. Nariyan ang sagradong Malapad-na
–Bato, na pinaniniwalaang tinitirhan ng mga espiritu bago dumating ang mga Kastila. At nang
ito‟y nasira at nagging pugad ng mga tulisan ay nahaharang ang mga mangingisda at may sabi-
sabi tungkol sa pagtaob ng mga barko.
Pari Florentino: Nariyan rin ang alamat ni Donya Geronima, na di umano‟y may estudyanteng
nangakong pakakasalan siya, subalit lumipas ang maraming panahon ay nabalitaan niyang
naging arsobispo ito sa Maynila. Tumungo siya sa arsobispo habang nakadamit lalaki at
sinabing kailangan niyang tuparin ang kaniyang pangako. Subalit hindi na ito
maisasakatuparan, kaya‟t itinira siya sa kuweba at doon na namatay.
Ben-Zayb: Napakagandang alamat! Susulat ako ng pahayag tungkol riyan.
Simoun: Ano sa palagay mo Padre Salvi? Hindi bang mas mabuting ilagay na lamang si Donya
Geronima sa beateryo sa halip na sa kuweba?
Pari Salvi: Hindi ko maaring husgahan ang kaniyang ikinilos.( Magkibit- balikat) Huwag rin
ninyong kaligtaan ang milagro ni San Nicolas. Ayon sa alamat nito, maraming mga buwaya sa
ilog at mga lawa. May dumaang insik na di-binyagan sa ilog at tinangkang kainin ng demonyong
nag-anyong buwaya upang dalhin sa impyerno. Humingi ng saklolo kay San Nicolas ang insik at
ang buwaya ay naging bato.
Ben-Zayb: Tunay na kahanga-hangang alamat!
Kapitan Heneral: Ngayon ay binabagtas na natin ang lawa.
Ben-Zayb: Maalala ko pala kapitan, saang dako ng lawa napatay ang isang nagngangalang
Guevarra, Navarra o Ibarra?
Donya Victorina: Saan nga ba Kapitan?
Kapitan: (bumuntong hininga) Tumingin kayo sa malayo, doon tinugis ng mga kawal si Ibarra at
pinaulanan ng mga bala, ang tubig roon ay nagkulay dugo, labintatlong taon na ang
nakararaan.
Ben-Zayb: Kung gayon , amg kanyang bangkay ay…
Pari Sybila: Nakasama ng kanyang ama na isa ring pilibustero.
Ben-Zayb: Ngunit anong nangyayari sa inyo Ginoong Simoun?
Kapitan: Marahil ay nahihilo kayo.
KABANATA 7
*LIBINGAN NI SISA, GUBAT NG IBARRA
Uuwi na sana si Simoun galing sa libingan ng kanyang ina nang may narinig syang liwanag na
paparating at nakarating na yabag.
(Nagtago si Basilio)
(Naglakad si Simoun at huminto para maghukay)
(Lumabas sa pinagtataguan at lumapit kay Simoun)
(Tinutukan ni Simoun ng baril si Basilio)
Basilio: Wag mo akong patayin, kilala kitaㅡikaw si Ibarra. Ikaw ang taong tumulong sa akin
labing-tatlong taon na ang nakalilipas.
Simoun: Malaking sikreto ang nalalaman mo kaya hindi ako magsisising patayin ka!
Simoun: *binaba ang baril* Oo, ako nga si Ibarra. Nilibot ko ang buong daigdig para
mapagyaman ang aking sarili at mapabagsak ang pamahalaang sumira ng aking buhay.
(Naglakad ng kaunti)
Di ko rin nagustuhan ang plano ninyong pagpapatayo ng paaralan ng wikang kastila at
pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga Kastila at Pilipino.
Basilio: Ang kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas!
Simoun: Mas maiging paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-
tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa. Kaya rin kita hindi pinatay dahil para naman sa
inyo ang kalayaang matatamasa ninyo pagkatapos ng unas na ito.
KABANATA 9
*sa daanan
Chismosa 1: Nabalitaan nyo na ba ang nangyari kay Tandang Selo?
Chismosa 2: Oo! May kabit sya dibaㅡ
Chismosa 1 at 3: Hindi! Napipi si Tandang Selo!
C3: Sino ba ang may kasalanan sa pagkapipi niya?
Hermana Penchang: Parusa na 'yan dahil sa kakulangan ng dasal at pagturo niya kay Juli ng
maayos!
Mga chismosa: *tumango* Hala, baka iyon nga ang dahilan.
Hermana P: Nabalitaan ko ring tutubusin ni Basilio si Juli...demonyo! Pinapahamak niya lang si
Juli!
Samantala, nakauwi na si Kabesang Tales dahil sa tulong ng salaping napagbilhan ng alahas ni
Juli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang.
Juli: Ama! Sa wakas ika'y nakauwi na! *hugs K. Tales*
Kabesang Tales: Nabalitaan ko ang mga nangyari sa iyo rito pati na rin ang pagkapipi ng aking
ama.
Juli: Kamusta na po kayo?
Kabesang Tales: Pinaalis na ako sa aking bahay dahil sa utos ng hukuman. Binigyan nila ako
ng tatlong araw para maialis ang lahat ng aking gamit.
(Umupo sa tabi si K. Tales at namahimik)
-Close Curtains
KABANATA 10
*Bahay ni Kabesang Tales
Kinabukasan, wala na si Kabesang Tales sa kanyang tirahan. Ang naiwan na lamang roon ay
isang sulat at kwintas ni Maria Clara.
Kabesang Tales: hawak hawak ang baril ni Simoun paumanhin sa pagkuha ng iyong baril
sapagkat kailangan kong sumapi sa tulisan. Mag-ingat ka sa mga magnanakaw.
Simoun: bitbit ang kaban na puno ng alahas Opo, mag-iingat po ako sa paglalakad habang
dala dala itong mga alahas.
(Nagsimulang naglakad si Kabesang Tales)
Simoun: Sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan: Pangahas ngunit mabuti nga
ito-marunong tumupad sa mga pangako.
-close curtains-
-open curtains-
Dinakip ng mga Guwardiya Sibil si Tandang Selo. Samantalang tatlo ang pinatay ni Kabesang
Tales ng gabing iyon. Ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay
nagkaroon ng madugong pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig.
Kabanata 11
-Open Curtains-
(*naglalaro ng tresilyo sa sala ang kapitan heneral kasama sina padre sibyla, padre irene,
padre fernandez, at simoun.)
Simoun: Ano ang inyong maitataya Padre Sibyla at Padre Irene?
Padre Sibyla: Ano nga ba ang maitataya namin? Ang heneral ay makatataya ng kahit anong
maibigan nito, ngunit kami ay mga pari.
Simoun: A! Kayo ni Padre Irene ay magbabayad ng pagkakawang gawa, panalangin, at
kabaitan.
Padre Sibyla: Ang kabaitan ay „di „tulad ng mga brilyante na naipagpapabili sa isa, pinagpapabili
pa sa iba.
Simoun: Kung gayo‟y papayag nalang akong bayaran ng mga pangako. Sa halip na kuwalta,
kayo Padre Sibyla, ay sasabihin na lamang na kakalimutan ng limang araw ang karalitaan,
kababaang loob, at pagsunod sa kabutihang asal. At kayo padre Irene, sasabihin na lamang
ninyo na lilimutin ninyo ang kalinisang ugali, ang awa sa kapuwa, at iba pa. Sa maliit na
hinihingi ko‟y kapalit ang aking mga brilyante. At ito (tinapik ang heneral), sa limang bilang ay
isang vale na limang araw sa pilitan; isang pag-papapiit sa limang buwan; isang utos sa
pagpapatapon na walang nakasulat na pangalan; karapatan sa isang madaliang utos na
pagpapabaril sa isang taong pipiliin ko at iba pa.
Padre Sibyla: at ano naman ang mapapala ninyo?
Simoun: malaki! Ang nais ko‟y lipulin ang lahat ng may masamang budhi. Ang kasamaan ay
wala sa mga tulisan sa bundok. Ito ay nasa mga tulisan sa bayan at siyudad.
Padre Sibyla: Gawa niyo (nakangiti)
Simoun: Gaya natin.
Padre Camorra: Inyo na bang nabalitaan ang tungkol sa kahilingan ng mga binatang
naghahangad ng pagbabago at kayabangan? Ang isa sa kanila ay nagngangalang Isagani,
pamangkin ng isang paring indio na si Padre Florentino.
Padre Sibyla: Mapangahas na hiling, bukod sa paglaktaw sa ating kapangyarihan.
Simoun: Ang kahilinga‟y kahina-hinala.
Padre Sibyla: Isang anyo ng paghihimagsik, pag-aalsa!
Mataas na Kawani: ngunit ang kanilang kahilingan ay makatwiran. Sapalagay ko‟y dapat itong
sang-ayunan.
*pasok si Juli*
Mataas na Kawani: Aking heneral, naririto ang anak ni kabesang tales at nagmamakaawang
palayain ang kanyang ingkong sa halip na ang kanyang ama. Tatlong araw na itong pabalik
balik dito.
Kapitan Heneral: Siya, pasulatin ng utos ang kalihim ng utos sa tenyente ng guwardiya sibil
upang palayain ang matanda. Hindi na nila masasabing hindi ako maunawain at
mapagpatawad.
-Close Curtains-
Kabanata 14
-Open Curtains-
*Sa Bahay ng mga Estudyante
Macaraig: Sa dahilang ang pagtuturo‟y magaganap sa gabi ay maaaring sabihing magiging
daan ng di mabuting asal at ugali na makasisira sa karangalan ng unibersidad!
Estudyante: Makasira kung makasira! Ang unibersidad ay mapipilitang suma,ng-ayon sa mga
kailangan ng mga mag-aaral. At kung totoo iyan, ay ano kung gayon ang unibersidad? Isa ba
itong kapisanan na laban sa ikatututo?
Sandoval: Dahan-dahan, mga ginoo. Ako‟y hindi maka-prayle at alam ninyo ang aking simulang
makabago, ngunit kailangang aminin natin na ang kay Cesar ay kay Cesar. Ang paaralang iyan
ang Artes y Oficios, na ang mga prayle ang siyang nagsumikap... wala tayong nalalamang
masama‟y huwag tayong magkamali ng hinala sa kalayaan at pagsasarili ng pamahalaan. Ang
liwanag ay namamanaag na. Nagbabago na ang panahon at umaayon na sa ating hinihingi.
Inaakala ko na ang pag-uusig ay nagtatagumpay at ang sanhi ng pagtawag ni Macaraig ng
pulong ay upang ibalita sa atin ang tagumpay, at bukas makikita nating magkakamit ng papuri
at pagkikilala sa bayan ang mga pagsusumikap natin.
Mga estudyante: Mabuhay si Sandoval, mabuhay! */palakpakan
Macaraig: Magsaya na tayo, mga kaibigan. Tagumpay! Nakipagkitan ako kay Padre Irene
kaninang umaga. Sa ngayon ay kakailangan na lamang natin ang pagkiling ni Don Custodio.
Isagani: Sa gayon ay ako na lamang ang pupunta at kakausap kay G. Pasta upang makuha ang
panig ni Don Custodio sa marangal na paraan.
Mga Estudyante: */palakpakan
-Close Curtains-
Kabanata 15
-Open curtains-
*Sa opisina ni Ginoong Pasta*
Ginoong Pasta: Hm... Masamang simula iyan. Napagkikilalang mga bata pa kayo at walang
nalalaman sa mga bagay na may kinalaman sa pagbabago. Mayroong mga bagay na hindi ko
maipaliwanag sapagkat lubhang maselan. May iabng katwiran na nag-uudyok sa matinong
pamahalaan upang huwag makinig sa mga kahilingan ng bayan.
Isagani: Nahuhulaan ko ang ibig ninyong sabihin- ang pamahalaang kolonyal ay hindi lubos ang
pagkakatatag at nananaig lamang sa pala-palagay.
G. Pasta: Mabuti pang ipaubaya na ninyo sa kamay ng pamahalaan ang bagay na iyan. Bigyan
ninyo ng panahan at mag-aral kayo ng mabuti. Kayo‟y marunong nang magsalita ng wikang
Kastila at nakapagpapahayag na, ano‟t nanghimapasok pa kayo sa gulong ito? Bakit hangad pa
ninyong maituro ito ng bukod?
Isagani: Laging habilin sa akin ng aking amain ay alalahanin ko ang iba gaya ng pag-aalala ko
sa aking sarili. Hindi ako naparito nang dahil sa akin, kundi sa ngalan ng mga nasa kalagayan
na lalo pang aba.
G. Pasta: A! Pag-aralan nila ang pinag-aralan ninyo at gawin nila ang ginawa ko... naging alila
ako ng prayle, samantalang hawak ko ang gramatika, nag-aral ako...
Isagani: Ngunit ilan sa mga nais matuto ang makaaabot sa naabot ninyo? Isa sa sampung libo?
G. Pasta: Ano ang kailangan ng higit sa roon? Mga magsasaka ang ating kailangan at upang
maging magsasaka ay hindi nangangailangang matuto ng maraming retorika. Pangarap? Mga
kahibangan!
G. Pasta: Kayo‟y matatalino, mga estudyante ng medisina, kaya‟t bibigyan ko kayo ng mainan
na payo. Kung kayo‟y lisensiyado na‟y mag-asawa kayo ng mayaman at masambahing dalaga.
Harapin niyo ang pagggagamot at huwag makialam sa bayan. Maaalala niyo rin ako at
masasabing may katwiran kapag kayo‟y nagkaroon ng mga ubang tulad nito.
Isagani: Kung ako po‟y magkakaroon na ng mga uban at inilingon ko ang aking nakaraan na
walang nagawa para sa bayang nagkaloob sa akin ng lahat ng bayan, ang bawat uban ay
magiging tinik at hindi ko ipagkakapuri bagkus ay ikahihiya.
-Close curtains-
Kabanata 16
-Open curtains-
Sabado ng gabi ay dumalo ang mga prayle, mga malalakal, mga kawani ng gobyerno, mga
suki, at mga ninong sa hapunang handog ni Quiroga sa kadahilanang naghahangad itong
magpatayo ng konsulado ng kanyang bansa. Isa rin sa mga dumalo ay si Simoun, nagkausap
ang dalawa at…
Quiroga: Senyor Simoun, Akin lugi, akin bagsak!
SImoun: Ano? Nalugi at bumagsak ka? At sa anong dahilan eh kay rami ng botelya ng
tsampahin at mga panauhin?
(di umimik si Quiroga)
Quiroga: Dami din ala bayad utang sakin!
Simoun: Putris! Nangangailangan pa naman ako ng salapi at inaakalang mababayran mo ako.
Oh siya, gagawin ko na lamang pito ang utang ninyong siyam na libong piso, ngunit!!! Sa isang
kondisyon. Ipapatago ko ang mga nakakahong armas na darating ngayong gabi…Hindi lahat
magkakasya sa aking bahay kung kaya‟t ipapatago ko rito sa iyong tindahan.
*Naguluhan at napakamot ng ulo si Quiroga*
Simoun: Huwag kang magaalala! Hindi ka madadamay dito. Unti-unti ko lamang itatago ang
mga armas sa iba‟t ibang mga bahay at nang magkakaroon ng ng pagsisiyasat ay marami ang
makukulong. Sa pamamagitan ng pagpalaya sa kanila‟y magkakaroon tayo ng pera. Ayaw mob
a „non?
*Nagaalala ang mukha ni Quiroga dahil takot ito sa Armas*
Simoun: Kung hindi mo to magagawa ay sa iba nalang ako hihingi ng tulong ngunit papabayarin
parin kita ng siyam na libong piso.
Quiroga: A-Ay, I-inde senyor. Ako payag!
-Close curtains-
Kabanata 19
Paguwi ni Placido ay nadatnan niya ang kanyang Ina.
Placido: Inang, gusto ko na pong tumigil sa pagaaral. Eh, wala naman itong magandang
maidudulot sa mga pangarap ko.
Kabesang Andang: Hindi maaari, anak! Naipangako ko sa iyong ama na magiging mabuting ina
ako para sa iyo, at patuturuan kang maging isang ganap na abogado. Ano na lamang ang
sasabihin saakin ng iyong ama kung magkikita kami sa kabilang buhay.
Placido: Ano namang mapapala ko roon, Inang?! Hindi ko nais na maging isang abogado.
Kabesang Andang: Ano ba ang iyong gusto? Tawagin kang pilibustero at ipabibitay
pagkatapos? Magpakumbaba ka, Anak.
Placido: Hindi ko na kaya, inang! Matagal na akong nagtitiis sa mga paratang ng ibang tao sa
akin la nan g mga prayle.
Kabesang Andang: Hindi maaari, magpapatulong ako sa mga procurador ng Agustino upang
mapawi ang galit ng mga dominikano sayo.
Placido: Tatalon nalang muna ako sa Ilog Pasig o di kaya‟y magiging manulisan bago bumalik
sa unibersidad.
*Umalis si Placido at pumunta sa daungan ng mga bapor*
Placido: Nanaisin ko na lamang na magtanan at magpayaman sa Hongkong at nang sa
pagbalik ko ay malabanan ko ang mga prayle.
Ibig ko ng malayang pamumuhay. Malaya…
Kagabihan ay nagtungo ito sa perya at nakipagusap kay Simoun.
Placido: Ginoo, ibig ko sanang humingi ng utang naloob sa iyo. Nais kong pumunta sa
Hongkong, at manirahan doon panandalian.
Simoun: At bakit? Anong gagawain mo roon?
*Hindi sumagot si Placido*
Simoung: Samahan mo na lamang ako at may pupuntahan tayo.
Nakarating sa isang bahay sina Simoun at Placido.
*Kinatok ni Simoun ang pinto*
Lalaki: Ginoong Simoun!
Simoun: Nariyan na ba ang mga pulbura?
Lalaki: Nasa mga sako, Ginoo. Hinihitay ko nalang ang mga bumbong.
Simoun: At ang mga bomba?
Lalaki: Nakahanda na po!
Simoun: Mabuti, Maestro. Mamayang gabi ay umalis ka at makipag-usap sa tenyente at kabo.
Makikita niyo sa lamayan ang isang taong nasa Bangka. Sabihin niyo “Kabesa” ata sasagot ito
ng “Tales.” Marapat ay narito na siya bukas ng umaga.
Pagkatpos ng seryosong usapan…umalis na ang dalawa at inihatid ni Placido si Simoun sa
kanyang pamamahay.
Simoun: Sa wakas, malapit ko ng magawa at matapos ang aking misyon …at tagumpay ko ang
siyang magbibigay katwiran saakin.
Kabanata 20
Naguusap ang dalawang lalaki tungkol sa akademiya ng Wikang Kastila
Lalaki 2: Narinig ko lamang ito sa nga kakilala ko na si Don Custodio raw ang magpapasiya
dito.
Lalaki 2: Ah, siya lang namang ang nataguriang Buena Tinta at tanyag na bahagi ng lipunan.
Tumira siya sa Europa ngunit hindi ito nabibigyan ng atensiyon doon kaya bumalik siya sa
Pilipinas makalipas ng isang taon.
Next Scene:
DC: Mga Indio nga naman! Tsk tsk. Wala na silang ginawang kahanga-hanga.
Habang nasa silid ay kasama ni DC ang mga pulis at iba pang mga tauhan.
DC: Magsusuot na lang ng bahag ang mga bilanggo para makatipid tayo.
DC: Di ko na alam ang aking gagawin, nasasayang ang oras pero hindi pa rin aki
nakakapagpasiya.
DC: Aha! tamang tama. Ang aking pagpapasiya ay natapos na. Walang kaduda-duda kung
bakit ako hinahangaan ng mga tao dito.
-close curtains-
KABANATA 23
Simoun: Tulad ng pamahalaan. Basilio pakinggan mo ako sapagkat mahalaga ang bawat
sandal. Sa loob ng limang oras ay sisiklab na ang himagsikan sa pamamagitan ng hudyat ko.
Bukas ay wala ng pag-aaral, pati na rin ang pamantasan. Wala kundi dugo at patayan.
Nakahanda na kami at tiyak ang tagumpay
Simoun: Nasa aking kamay ang kalooban ng pamahalaan. Magpasiya ka Basilio. Kasama ko si
Kabesang Tales. Pamumunuan ko ang himagsikan at gusto kong ikaw ang mamuno upang
kunin sa kumbento si Maria Clara.
Simoun: Oo, si Maria Clara! Nais ko iligtas siya, nabuhay ako upang iligtas siya at tanging
himagsikan lang ang makabukas sa pintuan ng kumbento.
Simoun: At bakit?
Simoun: Kasinungalingan!
Simoun: Hindi totoo iyan! Buhay pa si Maria Clara. Buhay siya! Naduduwag ka lang kaya mo
nasabi iyan. Hindi siya patay, maililigtas siya o di kayay bukas patay ka na.
Basilio: (yuyuko) Ito ang liham ni Padre Irene tungkol sa nangyari kay Maria Clara.
Simoun: Namatay? Namatay man lamang nang hindi ko nakita. Namatay nang hindi
nalalamang nabuhay ako para sa kanya
KABANATA 25
Sandoval: Luwalhati nawakay Custodio dahil sa kanyang katalinuhan at pansit sa lupa para sa
mga binatang may mabubuting kalooban!
Tadeo: Si Basilio na sana ang inanyayahan natin sa halip na si Juanito. Sanay nalasing natin
upang magsabi ng ilang lihim., mga mahahalagang lihim, lihim na ukol sa nawawalang Mongha.
Macaraig: (sisigaw) Mga Ginoo! Ihandog natin kay Don Custodio ang mga buto ng manok sa
pansit- lanlang; lumpiyang Intsik sa lama‟y baboy ay patungkol kay Padre Irene, ang tortang
alimago‟y ipatungkol sa prayle at ang ikaapat na pansit guisado ay ipatungkol sa pamahalaan at
bayan/
Lahat: Ipatungkol
*tatayo si Pecson*
Pecson: Kung walang prayle at walang indiyo sa Pilipinas ano ang mangyayari sa kahabag
habag na pamahalaang mapapasakamay ng mga Intsik?
KABANATA 26
-Open curtains-
*labas ng Paaralan
Basilio: Mawalang galang lang po. Ngunit ano ang tungkol sa paghihimagsik?
Basilio: Masama ang pakiramdam ni Kapitan Tiyago kaya hindi ako nakarating sa piging.
Guro: Walang alam si Simoun sa nangyari. Sinugatan sya ng isang taong di kilala at ngayon ay
naka higa.
Isagani: Wala tayong pakealam doon. Hindi natin tungkulin ang magsiyasat kung saan may
panganib. Dapat tayo pumaroon sapagkat na roon ang karangalan.
Macaraig: (tatawa) Maasahan mo ako at sa ating pagtatapos ay aanyayahan natin ang mga
ginoonv ito.
Padre Fernandez: (tatayo) Ginoong Isagani, mula sa bintana ay narinig ko ang iyong mga
sinabi. Hinangad ko na kayo ay makausap. Natutuwa ako sa kabataang may sariling kuro-kuro
kahit taliwas ito kung minsan sa aking kuro-kuro. Ayon sa sinabi mo ay nagdaos kayo ng
hapunan. Huwag sana kayong magkaila.
Padre Fernandez: Mabuti nagpapakilala ng pananagutan ninyo ang magiging bunga ng inyong
ginawa, hindi ko kayo sinsisi. Malaya mong masasabi kung ano ang palagay mo sa mga
Dominiko ngayong taon lamang kayo nakapag-aral sa amin at marahil ay hindi na kayo
tatanggap muli. Ipinatawag kita upang makipaglinawan sayo. Biruin mo libo-libong tinuruan ko
sa Pilipinas ay maraming binatang tumutuligsa sa mga prayle kung ito‟y nakatalikod ngunit sa
harapan ay humahalik ng kamay.Sabihin mo nga sakin, hindi ko ba kayo binigyan ng
pagkakataong makapag-salita sa aking klase? Sabagay, natatanggi ka sa iba.Ngunit kung totoo
ang iyong sinasabi dapat ay pinatigil na kita.
Padre Fernandez: Hindi ba namin tinutupad ang aming tungkulin? Anu-anong tungkulin ang
iniaatang ninyo sa amin?
Isagani: Tungkulin ninyong pagbutihin ang mga batang binhi. Ayakin ang mga ito sa landas ng
kaligayahan at lumilikha ng isang bayang marangal,malusog,matalino,mabait at matapat, at
ngayon, ako naman ang magtatanong, tumutupad ba ang mga praylexz kanilang tungkulin?
Isagani: Sigurado ka? Eh sa halip mga na isakatuparan ng mga prayleng mamamahala ang
dapat nilang gawin sa pagpapa-aral sa mga kabataan ay hinahadlangan pa nila ito na matuto.
Ang itinuturo ninyo ay luma at lipas na sa karunungan.
Isagani: Hindi po! Ang tinatalakay ko parin ay ang suliranin ng mga prayle. Kayo‟y hindi ko
ibinbilang sa mga prayleng kaanib sapagkat, balang araw ay maghahangad kaming lumaya.
Padre Fernandez: Ang karunungan ay ibinibigay lamang sa mga dapat magtamo nito at di sa
mga taong walang mabuting puso at mabuting asal.
Padre Fernandez: Maaaring nakuha sa lipi o kaya‟y mahinang uri ang sangkap na ginamit.
Padre Fernandez: Hindi ako ang pamahalaan kaya hindi ko masasagot ang ganyang mga kilos.
Ano ang ibig ng mga mag-aaral na gawin naming para sa kanila?
Padre Fernandez: Bagamat tila walang kahihinatnan ang pag-uusap natin. May kabutihan pa rin
tayong napulot. Sasabihin ko sa aking kapatid ang siyang tinuruan. Ang pinangangamba ko
lang ay baka hindi maniwala ang aking mga kaibigang may isang katulad ninyo.
KABANATA 28
Padre Irene: Kung hindi ako dumating at sinabing magpakahinahon ay dumanak na sana ang
dugo ngayon. Ang mapupusok na pangkat ay walang napala sa Heneral. Nanghihinayang sila
dahil wala roon si Simoun, kung hindi sana sya nagkasakit.
Kapitan Tiyago: (Kakapit kay Padre Irene upang maka bangon) Hindi ko na kaya lalot pa‟t ng
dakpin nila si Basilio at halughugin ang mahalagang aklat at aking papel. Hindi ko na kaya.
(Biglang malalagutan ng hininga)
*Sa Pamantasan
Tauhan 2: Pati si Ermita, nag-uumpisa ng sumiklab ang himagsikan. Nagkaroon din ng putukan
sa Dulumbayan.
Tauhan 1: Huwag kayo magsalita ng malakas baka isipin tayo ay kasabwat, kaya kaya sinunog
ko ang aklat na ipinahiram niya sa akin.
Tauhan 2: Eh kasi luko-luko yang si Isagani, hindi naman sana mahuli kung „di nagprisinta,
mabuti nga sa kanya!
Tauhan 1: Ngunit paano si Paulita?
Tauhan 2: Hindi sya mawawalan ng kasintahan. Marahil ay iiyak lang sandal, hindi magtatagal
ay papakasal din siya sa isang kastila.
Placido: Hindi ko makausap ang mga bilanggo. Maghanda na lamang tayo, maraming pwedeng
dapat mangyari.
KABANATA 31
*chismisan*
Kumare 1: Nakagigimbal talaga ang nga nangyayaring patayan ngayon sa ating bayan
Kumari 1: Naku po! Napakalakas ng loob! Nilooban ba naman ang mga tahanan ng kastila
maging mga kumbento
Kunware 2: Kaawan ng Diyos ang kaluluwa ni Huli, nakakaawang dalaga, ang kamatayan ay
hindi napag-usapan.
*mag-alis na*
*scene sa kulungan*
*pagkalabas ni isagani*
Isagani: Papaano po si Basilio
Kawani: Ngunit, si Basilio'y isang napakabait na bata, hinding hindi niya magagawa iyan.
Napakamatalino, napakabuti.
Kapitan Heneral: Iyan ang mga batang dapat katakutan. Hindi ba ay mayroong kang binabawal
na libro
Kapitan: Sige
KABANATA 32
Scene 1
*sa school*
*tinginan ng results*
Isagani: Umasa na lamang ako sa mga asignatura ni Padre Florentino. Ano nang mayroon sa
iyo Pelaez?
Pelaez: Huminto na ako, sinunog ko na lahat ng aking mga aklat. Nabalitaan kong lumipad na
sa europa si makaraig, at ang iba nating kasama ay pumaroon na sa mga bukid
Scene 2
Bilangguan
Penong: Basilio, kakalabas lamang ng mga resulta sa pagsusulit. Nakapasa sina isagani at
sandoval
Penong: Gumaling na siya, at magbibigay ng isang malaking handaan. Balak niyang bilhin ang
bahay ni Kapitan tiyago, ngunit naunahan ni Pelaez
Penong: Totoo at kalat na iyon. Basilio narito ako para ipaalam saiyo na pumanaw na si Juli
Penong: Tumalon siya sa bintana nung araw na hihingi siya ng tukong kay padre camorra
upang tubusin ka. Mayroon pa, si tandang selo nawawala. Aalis na muna ako sa ngayon
Basilio, paalam.
Basilio: ngunit..
KABANATA 33
Simoun: Kailangan ko ng ayusin ang aking mga hiyas at sandata sapagkat sasama ako sa
Heneral lumisan ng Pilipinas, sapagkat ako'y nangangambang babalikan ng mga aking inapi.
*papasok si Basilio
Basilio: Napakasama kong anak at kapatid, kay daling limutin ang kamatayan at ang
pagpapahirap nila samin. Nakapag-desisyon na ako Simoun, ako'y sasama sa iyo dahil utang
ko sayo ang aking kalayaan.
Simoun: Ako'y nasisiyahan sa iyong desisiyong ginawa Basilio. Halika't samahan mo ako sa
aking laboratoryo.
Basilio: Anong kabaliwan iyan Simoun! Bat ka nagtatago ng mga dinamita at nitrogliserina?!
Simoun: Ito lamang ang kailangan mong marinig "ang daigdig ay papalakpak at luluribin ang
malakas". Maghintay ka ng ikasampu ng Gabi sa tapat ng San Sebastian upang tanggapin ang
huling utos.
(Pagka siyam ng gabi ay umalis na si Basilio. Nilagyan niya ng punglo ang baril at isinukbit Ito
sa lukbutan).
Basilio: Hindi ko na alam ang aking gagawin. Dalawang oras na lamang ay puputok na ang
lampara.
(Nagsalita ng mag-isa)
Basilio: Nais kong isawalat sayo ang lihim ni Simoun ngunit hindi ko na lang itutuloy dahil ayaw
mong ilagay sa ating kamay ang batas.
(Nag-iisip ng malungkot)
Basilio: Paano kung hindi ako nakulong? Doktor na siguro ako at nagpakasal na kami ng aking
namayapang Huli.
KABANATA 35
Scene 1
*decorations
Charac: (lahat ng mga tao except sa iilang students, basilio and isagani)
Don Timoteo: nakakalungkot at aalis ka nang maaga ginoo, ngunit kung iyan ay sobrang
mahalaga ay humayo ka.
Basilio: Pakiusap magpakalayo kayo sa bahay na ito, sasabog ang lampara pagkatagalan.
Lumayo kayo! Iligtas niyo ang sarili niyo
Basilio: Totoo po ang aking sinasabi, sasabog po ang lamparaaaa. Lumayo na po kayong lahat!
*itulak si basilio
*alis si basilio
Isagani: Basilio?
Basilio: Isagani! Ano ang ginagawa mo rito? magpakalayo ka, sasabog ang bahay ni kapitan
tiyago!
Isagani: minamasdan ko lamang ang aking minamahal dahil hindi na siya kaparehas ng dati
pagdating ng bukas
Basilio: Pakiusap isagani, iligtas mo ang sarili mo. Totoo ang aking sinasabi
Isagani: pabayaan mo na ako basilio! Iligtas mo ang sarili mo kung gusto mo. Dito lamang ako
Scene 2
*balik sa kainan
"mane thacel phares, Juan crisostomo ibarra* ano ang pakahulugan nito?
Padre Irene: masama ang mensaheng iyan, nabibilang na lamang ang araw mo o natin
Padre salvi: Juan crisostomo ibarra? Hindi maaari. Akin na ang papel
Padre salvi: Pumanaw na siya, hindi maaari. Ngunit kanyang kanya ang pirmang ito
Kapitan: Padre Irene, itaas mo ang mitsa ng lamparang iyan. May hinala akong bonba iyan.
*iopen na sana kaso biglang magtakbo si isagani para kunin ang lampara at itapon iyon then
mawala din si isagani
KABANATA 36
Ben Zayb: Kay lungkot naman na hindi ko makikita ang aking balita sa dyaryo at aalis na ako sa
loob ng isa o dalawang buwan.
(Pumunta si Ben Zayb sa pook na nilusob ng mga tulisan, gustong isulat ni Ben ang nangyari
ngunit ayaw ng pari kaya sila nagkaroon ng mainit na argumento)
Pari Camorra: Ayaw kong lumabas ito sa lugar na Ito dahil ako ang labis na mapapahiya.
(Dumalaw si Ben Zayb kay Don Custodio na naghahanda ng pabukalang laban kay Simoun)
Kabanata 37
Isagani: Hindi na siya muling nakita simula nung umalis siya ng piging
Chichoy: siya umano ang nagbabalak na pasabugin ang bahay ni Kapitan Tiago noong gabing
iyon
Kapitan Tironggoy: narinig ko din na nahanapan ng nga supot ng pulbura sa ilalim ng mga
mesa
Momoy: Ngunit nabalitaan ko rin na tila natataranta si Don Timoteo ngayon, dahil isa lamang
sakanila ni Simoun ang may kagagawan
Don Tironggoy: Sa aking palagay, ang taong gagawa ng ganoon ay yaong may galit kay Don
Timoteo o may pag-ibig para kay paulita
*narinig ni isagani*
Isagani: Totoo ba yaong ninakaw raw ang lampara ng isang hindi kilalang tao?
Isagani: kung sino man yaon, ay may mabuting loob at iniligtas ang mga buhay ng nga taong
naroroon
Kapitan tironggoy: Ngunit kung si Simoun man ang may kagagawan, mamabutihin ko na
itatapon ang singsing galing sakanya
*tapos sa singsing*
Isagani: paumanhin, ako ay magpapaalam na. Babalik na ako sa bahay ng aking amain.
KABANATA 38
Matanglawin: Sisiguraduhin kong ipaghihiganti ko ang lahat ng pighati na naidulot nila saatin
Matanglawin: Maghanda! Susugod tayo sa lungsod para iligtas ang ating kapwa
Rebelss: masusunod!
Scene 2
Mautang: Hoy lakad! Kayong mga tiwali, wala na ngang ginagawa para sa kaunlarin ng bayan,
naghihimagsik pa kayo! *palo sa isang bilanggo
Mautang: At ano? Makikiusap ka na magpahinga? Aba at ito---- *paluin sana ang bilanggo pero
before pa nangyari binaril na siya sa dibdib*
Matanglawin: Hindi matitigil ang paghihimagsik kung hindi babaguhin ang pamamahala!
Carolino: Ngunit---
Kabanata 39
Wakas
Tiburcio: Alam ko Pari Florentino na ako ang tinutukoy ng liham na iyong natanggap kanina
lamang
Pari Florentino: Nagkakamali ka Tiburcio, ang laman ng liham ay tungkol sa pagdakip kay
Simoun
Tiburcio: Hindi mo ako maloloko. Aalis na lamang ako rito sa iyong pamamahay.
Simoun: Marahil ikaw ay nagtataka o nalilito ngunit ipakikilala ko sayo ang tunay na ako. Ako ay
13 taon na namalagi sa Europa at bumalik sa Pilipinas na may mithiing pakakasalan ang aking
nobya, ngunit lahat ng iyon ay nauwi sa wala dahil sa mga kaaway na walang alam na gawin
kundi ang sirain kami. Nawalan ako ng pangalan, yaman, pag-ibig at kinabukasan at kalayaan.
Umalis ako sapagkat gusto kong planuhin ng mabuti ang aking pag-hihiganti. Kinaibigan ko ang
Heneral na dai ay komandante pa, nang dahil sakin ay naabot niya ang kanyang antas ngayon.
(Patuloy na isinabuhay ni Simoun ang kanyang buhay at doon lamang natanto ni Florentino ang
lahat na si Simoun at si Ibarra ay nag-iisa lamang.
Simoun: Tinatanggap ko na ang aking mga pagkakamali, sana ako ay patawarin ng Diyos at
kung saan man ngayon ang aking mahal ay alam kong hinihintay na niya ako.
Pari Florentino: Nawa'y ingatan ng kalikasan ang kayamanan. Ang lahat ng ito ay dahil lamang
sa pagiging sakin ng mga tao. Sa aking pagtapon baul na ito sana wala ng mangyayaring
masama. Ang kayamanang lumubog ay hindi maililiko ng katwiran, at hindi makapag-udyok ng
kasalanan at kasakiman.