You are on page 1of 16

Nakaraan sa Noli Me Tangere:

Narrator: Pagkaraan ng ilang araw ay Noche Buena na ngunit ang mga taga- San Diego ay malungkot. Si
Basilio ay umuwi para hanapin ang ina. Nang nakita niya ito ay kumaripas ito ng takbo, na kanya namang
sinundan. Hindi niya inalintana kahit siya’y natamaan sa ulo ng isang bata at halos maligo ng dugo. Basilio:
Nanay!
Narrator: Pumasok ang kanyang ina sa pinto ng libingan ng matandang kastila na nasa tabi ng puno ng baliti.
Nangunyapit siya sa puno at nagpatihulog . (napalingon si Sisa) Agad na niyakap niya ang ina hanggang sa
mawalan ng ulirat. (tinignan ni Sisa ang noo ng bata, yumuko siya at may naalala)
Sisa: B-Basilio? Basilio, anak ko! (niyakap ang anak) (nawalan ng ulirat)
Narrator: Ang ina at ang anak ay nanatiling walang kagalaw-galaw. Nang magbalik ang ulirat ni Basilio at
nakita ang ina, kumuha siya ng tubig at iwinasik dito. Ngunit, hindi gumalaw ang ina. (Dinaiti ang tenga sa
dibdib ng ina)
Narrator: Sinikmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kanyang ina, ang mahal niyang ina!
(niyakap ng mahigpit si Sisa)
Basilio: N-Nanay? (napahagulgol) Nanay---! Hindi! (umiling) Hindi! (umiling) Hindi maaari! Nanay!
Narrator: Nang mag-angat siya ng ulo ay nakita niya si Elias na nagmamasid sa kanya. Inutusan siya nito na
silaban ang bangkay nito at ina niya, hanggang sa maging abo.
Elias: May nakatagong ginto dito, hukayin mo. Iyong-iyo na. Mag-aral ka! (lumayo na si Basilio) (tumingin sa
silangan si Elias)
Elias: Mamamatay akong di man nakita ang maningning sa pagbubukang-liwayway sa aking Inang bayan!
Kayong makakikita, batiin ninyo siya —at huwag kalimutan ang mga nilugmok sa dilim ng gabi. (tumingala sa
langit at pagkatapos ay napayukayok ang ulo at unti-unting nabuwal sa lupa.) (si Basilio ay naghuhukay ng
ginto, itinaas niya ang ginto)
Narrate (Katapusan): Si Maria Clara’y pumasok sa kumbento habang si Padre Damaso’y inilipat sa Padre
Provincial ngunit namatay rin. Si Padre Salvi’y naging Obispo ng St. Clara. Ilang linggo naman bago naging
ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin,
nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Ganap na siyang nalimot ng
mga tao. Wala ni isa mang nakakaalala sa kanya, siya na isang tanyag at dating iginagalang. Nagdagdag ng
mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang pagbabalatkayo .Siya ngayon ang nangungutsero.
Si Don Tiburcio ay hindi na rin siya natatawag bilang “doktor” para mag-gamot.

El Filibusterismo

Kabanata 1: Sa kubyerta
Narrator: Umaga ng Disyembre ng maglayag ang Bapor Tabo, patungong Laguna, sakay ang napakaraming
pasahero, habang binabagtas ang paliku-likong Ilog Pasig. Maituturing na ngang barko ng lahing pilipino ang
Bapor tabo o mas kilala sa tawag na daong ng pamahalaan dahil pinamunuan ang mga Reverendos at
Ilustrimos. Ito’y gawa sa bakal at animo’y hugis tabo, kung saan nakuha ang pangalan nito. Nahahati ito sa
dalawang bahagi, sa itaas ay ang kubyerta at dito matatagpuan ang mga manlalakbay na nakasuot- Europeo,
mga prayle at mga kawani ng pribadong tanggapan na nananabako habang tumitingin sa tanawin. Ang
tanging babae lamang dito ay si Doña Victorina na kahalubilo ang mga Europeo.
Doña Victorina: ( inis + taray+ pasosyal) Ang bagal naman ng bapor na ito! Hmpf! (makakakita ng small
boats & indios) Hay! Ano ba naman ang mga maliliit na bangkang iyon?! Mga sagabal sa daanan! Pati ang
mga Indiyo! Dito pa sa ilog naliligo at naglalaba! (inis~!) Mga perwisyo sa mundo! Umagang-umaga, sinisira
na nila ang araw ko! Mga Pesteng Indiyo!
>>mga tao nakatingin sa kanya, Doña Victorina deadma lang<<
Donya Victorina: Kapitan! (pupuntahan ang kapitan) Kapitan! Bakit sa bahaging iyon pumupwesto ang mga
hangal mong tauhan?
Kapitan: Dahil napakababaw roon, Señora (close eyes)
Donya Victorina: At bakit napakamahinahon ng takbo ng bapor na ito?! Hindi ba pwedeng bilisan ang takbo
ng makina?!
Kapitan: Sapagkat sasadsad tayo sa palayan, Señora (ituturo ang palayan through his lips)
Narrator: Abala sa pagkukwentuhan ang mga pasahero sa kubyerta na sinadya nila upang hindi makahalubilo
si Donya Victorina, dahil sa kanyang kayabangan.
Ben Zayb: Hay nako !! Ang Ilog Pasig ay masyadong paliku-paliko! Dapat ituwid ito! Dapat itong ituwid! Dahil
dito, mabagal ang pag-usad ng bapor!
Padre Camorra: Tama! Dapat hanapan nila ng paraan para palalimin ang ilog Pasig! Diba? Para naman
bumilis ang usad ng bapor at mga sasakyang pandagat!
>>adlib, Ben Zayb & P. Camorra sigawan<<
>>P. Salvi intervenes, quiet na sila<<
Padre Salvi: May Alam ka ba tungkol sa pantas ng agham, ha? Alam mo ba kung sino sila? (sabay smirk)
May isang tulay sa Puente del Capricho na hindi natapos dahil sa sinabi nilang mahina at marupok daw ito?
(parang matalino ang dating) Pero tingnan niyo buo parin ito hanggang ngayon kahit anong dumaan lindol at
bagyo, hindi parin ito nabubuwag!
Padre Camorra: Yan din ang nais kong sabihin! A- ang Puente del Capricho at ang mag pantas ng agham, y-
yan din ang aking sasabihin Padre Salvi.
>>Ben Zayb, tahimik lang & nakangiti; Padre Irene tahimik lang din, tumatango<<
Padre Salvi: (natutuwa) Ngunit hindi ibig sabihin ay wala kayo sa katwiran dahil ang problema ay ang lawa
(singit Doña Victorina)
Donya Victorina: (taray + pasosyal) Dahil walang maayos na lawa rito sa Pilipinas
>> nagkatinginan ang mga nag-uusap, enter simoun<<
Simoun: Madali lamang yan! At hindi ko mabatid kung bakit walang nakaisip nito! Dapat ito simulant sa
paghuhukay ng isang tuwid na kanal mula sa bunganga ng Ilog Pasig hanggang sa labasan nito sa lagusan ng
Maynila. Ang tuwid na kanal na ito ay magsisilbing ilog at ang lupng nakuha dito ay itatambak sa luma. Hindi
ka na nagsayang ng lupa, napaikli pa ang oras ng paglakbay, Oh diba? Simple lang?
Ben Zayb: Ah! Isang planong yankee ang iyong naisip (tango lahat except for Don Custodio)
Don Custodio: Ipagpaumanhin ninyo, Señor Simoun, ngunit hindi ako sumang –ayon. Tila yata masyadong
magastos at mapaminsala ang inyong panukala (mayabang ang tono ng boses)
Simoun: Eh di, sumira kung kailangan! (Mahinahon ngunit nag iinsist ang dating) Don Custodio: At saan
naman kukunin ang salapaing ibabayad sa manggawa? (inis + yabang+ a bit powerful)
Simoun: Pagtrabahuhin ang mga bilanggao at hindi sila babayaran. (nag iinsist pa rin)
Don Custodio: Ngunit hindi sapat ang kanilang bilang, Señor simoun.
Simoun: kung kukulangin ay pagawain natin ang taong bayan, ang mga matatanda, kabataan,
batapagtrabahuhin sila. Sa halip na sapilitang 15 araw, pagawain sila ng tatlo, apat, limang buwan at
pagdalhin sila ng sariling pagkain at gamit. Para ito sa bayan, diba?! [nagulat si Don Custodio, then iterrupts]
Don Custodio: Subalit, S- Señor Simoun..
Simoun: Wag na kayong tumutol, Don Custodio, Sa ganyang paraan lamang maisasakatuparan ang
mahalagang proyekto nang walang kahit anong gastos. Sa ganitong sistema rin naitayo ang mga tanyag na
istruktura sa iba’t ibang bansa. Gaya ng piramide, Lawa ng Maoris at ang coliseo sa Roma. Sa tingin ko ay isa
itong magandang ideya. At isa pa pumupunta tayo sa roma at sa ehipto, sinasamba ang mga Faraon at ang
pamilya Antonina. Huwag na tayong maglokohan, ang patay ay nananatiling patay at tanging malalakas
lamang ang kinikilala.
Don Custodio: Ngunit, Señor Simoun, ang panukalang iyan ay maaring magdulot ng kaguluhan.
Simoun: Kaguluhan? Ha!Ha!Ha! naghimagsik ba ang mga taga-ehipto kahit minsan? Lumaban ba ang mga
bilanggong Hudyo kay Tito? Ginoo, akala ko’y marami kayong nalalaman sa kasaysayan?
Don Custodio: Hindi mga taga ehipto o mga hudyo ang kakaharapin ninyo!
[Pasok si P. Sibyla]
P. Sibyla: At ang mga taong ito ay minsan ng naghimagsik, nang obligahin silang magbuhat ng malalaking
troso para sa paggawa ng isang barko.
Simoun: Ngunit lumipas na ang mga panahon na iyo. Ha!Ha! Ang bansang ito ay hindi maghihimagsik kahit
pagawain man ng mabigat o patawan ng mataas na buwis. Maari silang..(lingon kay P. Salvi) hindi ba’t
nabanggit ninyo sa akin, Padre salvi, ang bahay-pagamutan sa Los Baños kung saan naroon ngayon ang
kanyang kamahalan? Hindi ba’t kayo mismo ang nagsabing naitayo ang bahay pagamutan na iyon dahil sa
sapilitang pagpapagawa sa taong bayan sa pamumuno ng isang relihiyoso at sa mando ng latigo? Maaring sa
ganitong paraan din itinayo ang Puente del Capricho, ngunit nag-aklas ba ang taong bayan?
[magsasalita na sana si P. Salvi ngunit sumingit sai Simoun]
Simoun: Hindi! Ang sinabi ay sinabi na. Kaya’t huwag na kayong bulong ng Latin, Padre Sibyla. Para ano pa
nandiyan kayong mga prayle kung mag-aaklas din lang ang mga taong bayan?
[napahiya si P. Salvi, Don Custodio, at namutla sa galit]
Don Custodio: Amerikanong Mulato! (inis + galit)
Ben Zayb: Isang indiyong ingles. Nakilala siya ng kapitan-heneral sa Havana at sa aking palagay ay pinahiram
niya ito ng pera. Dahil dito, nag babayad-utang ang kapitan Heneral kaya’t pinahintulutan siyang makaparito
at gawin ang naisin. Magpayaman sa pagbebenta ng mga alahas na maaring hindi totoo. Napakawalang-
utang na loob na matapos perahan ang mga Indiyo! Pwe!
Don Custodio: ang mga panukalang hindi isinasangguni sa mga taong matagal nang naninirahan dito sa
Pilipinaas ay hindi magdudulot ng maganda. Isang panukalang nangangailangang pag-ukulan ng malaking
halaga. May isang bagay akong imumungkahi sa inyo (sasabat sana si Ben Zayb but nagpatuloy si D.
Custodio) Bago ang ano pa man, may nais akong ipanukala na mas payak, kapakipakinabang at para sa
ikalilinis ng lawa. (Ben Zayb interrupts)
Ben Zayb: At ano naman ang proyektong ito???
Don Custodio: Nakakita na ba kayo ng itik?
Ben Zayb: Sa inyong palagay hinuhulinnamin iyon sa lawa. (naguguluhan + medyo nagulat)
Don Custodio: Hindi, Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang tinutukoy ko ay tulad ng naalagaan sa Pasig at
Pateros. Alam ba ninyo ang kinakain nila? (nagmamayabang)
Padre Camorra: Ngunit, ano naman ang kinalaman nito sa proyektong ito?
Don Custodio: Papag-alagain ko ng itik ang lahat ng naninirahan sa baybayin ng lawa at makikita ninyo ang
palalalimin ng mga itik ang ilog sa paghuhuli ng makakaing suso. Ganyan ka-simple ang aking panukala.
Ben Zayb: Papahintulutan po ba ninyo akong ilathala ang kanyang panukala?
Doña Victorina: Ngunit, Don Custodio... kung ang lahat ng tao sa baybayin ng lawa ay mag-aalaga ng itik ay
dadami ng balot. Nakakadiri! Mabuti pang taburan na lang yang lawang iyan! Hay naku!
END OF KABANATA 1

Kabanata 2 Sa Ilalim ng Kubyerta


Narrator: Dumako naman tayo sa ilalim ng kubyerta, kung saan iba’t – ibang tagpo ang masasaksihan gawa
ng nandito ang karamihan ng mga pasahero. Sila’y nakaupo sa mga bangko at
bangkitong kahoy, katabi ng mga maleta, bakol at tampipi, dalawang hakbang mula sa mainit na
makina na syang sanhi ng makabutas-bagang amoy ng langis at umaalingasaw na amoy ng tao. Lahat sila ay
abala sa iba’t-ibang bagay tulad ng pagninilay sa tanawin, paglalaro ng baraha at pakikipagkwentuhan gaya na
lamang nila BASILIO at ISAGANI. [Basilio, Isagani & Kapitan Basilio, nag-uusap, the others; adlib]
Basilio: Hay.. gaya pa rin ng dati si Kapitab Tiyago, ayaw magpagamot kaninuman, kaya’t pinuntahan ko siya
sa San Diego ngunit mas nais niya pang mapag-isa upang malaya siya makagamit
ng opyo.tsk tsk.. (umiiling)
Kapitan Basilio: Tunay ngang salot ng modernong panahon ang opyo. Kahit alam ng mga matatanda ang
kasaysayn ng opyo, hindi parin nila ito inabuso at habang popular ang klasikong pagaaral, ang opyo ay isa
lamang medisina. Alam naman natin na ang mga intsik, na hindi marunong mag latin ang lubos na
naninigarilyo na opyo. Ah! Kung inihandog lamang ni Kapitan Tiyago kay Cicero! Tungkol naman sa Akademya
ng Wikang Kastila. Sinisiguro ko sa inyo na hindi ninyo ito
maisasakatuparan.
Isagani: Maisasakatuparan po, Señor. Nangako sa amin si Padre Irene na niregaluhan namin ng
isang pares ng kastanyong kabayo. Siya ay makikipagkita sa Kapitan- Heneral.
Kapitan Basilio: Hindi iyon mahalaga! Sasalungat pa rin kayo ni Padre Sibyla.
Isagani: Hayaan ninyo siyang sumalungat. Nandito yan ngayon sa bapor dahil magtutungo siya sa
Los Baños kung nasaan naroon ang kapitan-heneral.
Kapitan Basilio: Oo nauunawaan ko. Pero saan naman kayo kukuha ng Pondo???
Isagani: Mayroon din kami, Señor. Bawat estudyante ay mag-aambag ng isang real.
Kapitan Basilio: Subalit... paano ang mga propesor?
Basilio: Mayroon na rin po. Kalahati po sa kanila ay mga Pilipino at ang kalahati naman po ay mga
kastila.
Kapitan Basilio: at ang gusali?
Basilio: Si Macaraig, ang mayamang si Macaraig ay pahihintulutan kaming gamitin ang isa sa
kanyang mga bahay.
Kapitan Basilio: Gaya ng layo ng pagtakbo nito, hindi narin ganoon kasama ang inyong ideya.
Yaman din lamang na hindi kayo masyadong mahusay sa pagsasalita ng Latin, ay pag-aaralan nyong
mag Kastila man lang. Yan ang patunay kung bakit paurong ang ating pag-usad. Noong panahon
namin ay natuto kaming mag-Latin dahil sa mga aklat namin ay nakalimbag sa Latin. Ngayon naman
ay nakalimbag sa wikang Kastila ang inyong mga aklat ngunit hindi naman kastila ang ginagamit nilang
pangturo! Hay! Aetas paretium pejor avis tulit nos nequiores! Ang katandaan ng ating mga ama, na mas
masama pa sa kanilang mga ama, ay nagdudulot ng mas masama sa kanila
Isagani: Tingnan mo itong mga makalumang tao, lagi nilang nakikita nag kahirapan sa lahat ng
bagay. Mas mapapansin pa nila ang kakulangan kaysa sa kabutihan nitoat nais nilang maging maayos sa lahat
ng bagay.. Hay naku!!
Basilio: Mukhang palagay siya sa tiyo mo dahil sa pag-uusap nil sa makalumang panahon.. Maiba
lamang, ano nga pala ang sabi ng tiyo mo tungkol kay Paulita? (kinikilig si Isagani)
Isagani: uhmm… pinangaralan niya ako tungkol sa pag-aasawa. Sinabi ko sa kanya na walang
katulad si Paulitang kaibig-ibig, edukada at isang ulila dito sa Maynila.
Basilio: Tama ka! Siya’y mayaman, maganda, matalino at walang kapintasan maliban na lang sa
Tiya niyang mapangutya. (tatawa sila ni Isagani)
Isagani: Napag-usapan na rin lang ang kaniyang Tiyahin. Alam mo ba na nakiusap siyang hanapin
ko ang kanyang asawa?
Basilio: (nabigla & nagtataka) S-si Donya Victorina? At nangako ka pa para lang mapanatili ang
inyong kasintahan?
Isagani: natural! Pero ang problema ay natatago ang kanyang asawa… sa bahay ng aking tiyo!
(tatawa ulit sila) Yan ang dahilan kung bakit hindi nagpupunta sa kubyerta ang aking tiyo. Baka raw
kasi usisahin siya ni Doña Victorina tungkol kay Don Tiburcio. (simoun pababa then sasabat)
Simoun: Kamusta Basilio? Bakasyon na ba kayo? Ang maginoo bang ay iyong kababayan? (titigan si
Isagani mula Ulo hanggang paa, titingin ng masama si isagani) kamusta? Naman ang buhay niyo sa
lalawigan? (nakitingin kay Basilio)
Basilio: (nagtataka) bakit? Hindi ba kayo pamilyar dito?
Simoun: paano ko malalaman kung hindi pa ako nagtutungo doon? Nasabihan lamang ako na
napakahirap ng mga tao doon kaya’t hindi sila bumibili ng alahas.
Isagani: (galit & firm ang boses) Hindi kami bumibili ng alahas sapagkat hindi naming ito kailangan!
Simoun: teka-teka… huwag kayong magalit binata. Ngunit dahil naisip ko lang na halos lahat ng mga parokya
ay hawak ng mga prayleng indiyo na ang mga prayle ay mamamatay para sa parokya at ang mga
pransiskano’y kuntento sa mahirap na pagkukurahan kaya’y pag ibinigay iyon sa mga klerigong indiyo ay dahil
makikilala ang mukha ng hari roon… ah! Siya nga pala halikayo mga binata at uminom tayo para sa kaunlaran
ng inyong lalawigan.
Basilio: maraming salamat po Señor… ngunit hindi po kami umiinom ng alak.
Simoun: (disappointed) Mali iyang ginagawa niyo! Mabuti ang alak sa katawan!.. sabi nga ni Padre
Camorra ay kakulangan ng siglang bayang ito ay buhat sa mga naninirahang umiinom ng sobrang
tubig. (sasabat si isagani pero sisikuhin siya ni basilio)
Basilio: ah!… mabuti . sabihin niyo kay Padre Camorra na kapag uminom siya ng tubig sa halip na
alak o serbesa, marahil ay makikinabang ang lahat at hindi pagkakaabalahan pa ang mga sabi-sabi.
Isagani: (seryoso & galit) sabihin ninyo sa kanya, na ang tubig ay matamis at maaring inumin;
nilulunod nito ang alak o serbesa at pinapatay ang apoy. Kapag pinainitan ang tubig, ito ay nagiging
singaw; kapag ginambala naman, nagiging dagat na minsang nagwasak sa sangkatauhan at gumimbala sa
buong mundo.
Simoun: (nagulat) hmmm… magandang sagot, pero nangangamba ako na tanggapin ito ni Padre
Camorra bilang biro at tanungin ako kung kailan nagiging singaw ang tubig at kailan ito nagiging isang dagat.
Isagani: (galit & seryoso) kapag naiinitan ng apoy ang tubig, magiging singaw ito. Magiging dagat
naman ito kapag ang maliliit at hiwa-hiwalay na ilog ay sama-samang pinakilos ng tadhana, bunga ng
kasawian sa banging hinuhukay ng mga tao.
Basilio: (pabiro ang tono) hindi, Señor Simoun. Higit na mabuting sipiin itong tula ng aking kaibigang si
Isagani:
“Tayo ay tubig, at ikaw ay apoy, animo;
sapagkat nais mo ito, sa gayon hayaan natin ito!
Tayo ay namuhay nang magkasama
At ang apoy ay kailanman hindi tayo magkatagpo!
Ngunit pinagbuklod ng marunong na siyensiya,
Sa pagkukuluan ng maalab na sinapupunan,
Nang walang galit, walang dahas,
Tayo ay umanyong singaw, ang ikalimang elemneto,
Pagsulong, buhay, liwanag at pagkilos!”
Simoun: pangarap! Hmpf! Ang makina ay halos magkabanggaan. Samantala, kukunin ko ang
serbesa. (exit)
Basilio: ano ang nangyari sa iyo?
Isagani: (pailing-iling) kakaiba ang taong iyon, nakadarama ako sa kanya ng pangingilabot, halos
takot…
Basilio: Sinisiko na kita pero hindi mo pa rin ako pinapansin. hindi mo ba alam na tinatawag nila ang
isang iyon na kayumangging kardinal? Ha?
Isagani: ANO?! Kayumangging kardinal?!
Basilio: O kaya naman itim na kabunyian, kung gusto mo.
Isagani: Ha? (pailing-iling & confused) Hindi kita maintindihan…
Basilio: o sige, ganito lang yon, si Richelieu ay may tagapayong unggoy na tinatawag na abuhing
kabunyian. Tapos, si Señor Simoun naman ay ang tagapayo ng Kapitan-Heneral.
Isagani: ANO?!… Talaga?!.. totoo ba’ng sinasabi mo?
Basilio: Haay.. gaya ng narinig ko sa kung sino na pinupuri siya kapag nakaharap ngunit patalikod na
nagsasalita laban sa kanya.
Isagani: Binibidita rin ba niya si Kapitan Tiyago?
Basilio: Mula ng dumating siya ay itinuring na siyang tiyak na karibal para sa mana. Alam kong
makikipagkita siya sa Kapitan-Heneral tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila.
Lalaking taga-silbi: (punta kay Isagani) pinapatawag po kayo ng inyong tiyuhing si Padre
Florentino.. (aalis ang taga-silbi & Isagani)
Narrator: isa sa mga bangko sa likurang bahagi ng kubyerta, kanilang ang ibang mga pasahero ay
nakaupo si Padre Florentino na nakatitig sa tanawin . natatangi siya sa katutubong Pari dahil wala
siyang bisyo at mapagkumbaba sa karamiha. Naging malungkot ang kanyang karanasan sapagkat
hindi niya ginustong pumasok sa seminaryo, sinunod lamang niya ang kahilingan ng kanyang ina. Siya
nagmula sa isang mayamang pamilya na taga-Maynila ngunit kailanman ay hindi niya naramdam ang
pagpaparing bokasyon. Ngunit dahil sa matinding pagkakainigan ng kanyang ina sa arsobispo ay
tuluyan na siyang naging pari sa gulang na 25. dahil ditto ay nagpakasal sa iba ang babaing kanyang
pinakamamahal. Nagretiro siya noong sumiklab ang kaguluhan ng 1872 at mula noon ay namuhay
siya ng payapa sa baybayin ng Dagat Pasipiko kasama ng kanyang Pamangking si Isagani.
Kapitan ng Barko: Padre Florentino, halikayo at umakyat tayo sa kubyerta dahil naroroon ang
mga prayle at kung hindi ka aakyat ay maiisip nilang ayaw niyong makisalamuha sa kanila
(tatango si Padre Florentino then aalis ang kapitan)
Padre Florentino: Buti na lamang at nasabihan ko si Isagani na huwag umakyat ng kubyerta…
haaay!
Narrator: Habang nasa Kubyerta ay naiisip ni Isagani na iniiwas siya ng kanyang tiyo na makausap si Doña
Victorina.
>>nagiisip si Isagani<<
END OF KABANATA 2

Kabanata 3: MGA ALAMAT


(tawanan. Entrance padre florentino, bati)
Padre Sibyla: (habang tumatawa) Masamang panahon! Masamang panahon!
Padre Irene: Hindi naman! Huwag ninyong sabihin ‘yan… Sa Hong Kong, naisasagawa ninyo nang
maayos ang inyong mga gawain! Nakapagpapatayo pa nga kayo ng gusali eh… Doon ‘yon!
Padre Sibyla: Tingnan ninyo! Hindi ninyo nakikita ang aming mga gastusin. Ang mga nangungupahan sa
aming mga biyenes ay nag-uumpisa nang magreklamo.
Padre Camorra: (masayang sasabat) Huwag na! Tama na ang pagdaing ninyo kung hindi ay mananangis
ako. Nagsisimula nang dumaning ang mga indiyo. Tignan ninyo, gusto na nila ngayon banggitin ko ang mga
halaga na itinakda ng arsobispo na si Don Basilio Sanchez upang hindi na tumaas ang presyo ng bilihin.
(aakyat si simoun)
Don Custodio: saan kayo nanggaling? Hindi ninyo naabutan ang pinakamagandang bahagi ng
byahe!
Simoun: (habang paakyat) Tsk! Nakakita na ako ng napakaraming ilog at tanawin kaya interesado
lamang ako sa mga bagay na nagbibigay ng mga alamat.
Kapitan: (sisingit) mga alamat!? Mayaman ang ilog pasig diyan… mayroong alamat ng “malapad na
bato”. Ito’y tungkol sa isang bato na sinasabing sagrado dahil tahanan daw ito ng mga espirito. Pero nawala
rin ang paniniwala na banal ang bato kaya ginawa itong kanlungan ng mga tulisan at bandido. Mula sa tuktok
ng bato, madali nilang nahaharang ang mga dumadaan. Lumipas ang panahon, nagpatuloy ang kwento
tungkol sa mga tumataob na bangka… Mayroon pang ibang alamat… tulad ng alamat ni donya Geronima. Di
ba padre florentino? Maari mo bang ilahad ito sa amin?
Padre Florentino: Naku! Wag na. Alam na yan ng buong mundo… (Tinginan sina Simoun, Ben
Zayb, Padre Irene at Padre Camorra)
Simoun: paumanhin.. pero di po namin alam ang alamat na yan. (kukulitin si padre florentino na ikwento na)
Padre Florentino: (Sigh) sige na nga… dati raw may isang estudyante na nangakong magpakasal
sa isang dalaga sa kanilang nayon, ngunit nakalimutan niya ito. Dahil sa tapat ang dalaga ay
naghintay siya para sa lalaki… lumipas ang panahon at inaksaya niya ang kanyang kabataan sa paghihintay.
Ben Zayb: anong nangyari sa lalaking nangako sa kanya?
Padre Florentino: ayun! Nabalitaan na lang ng dalaga na naging arsobispo na ang kanyang
minamahal sa Maynila… dahil dito, nagdamit ng panlalaki ang babae at pumunta sa maynila para hanapin ang
lalaki. Nagpakilala siya dito upang hinging tuparin ang pangako niya sa kanya. Imposible ang hiling na ito,
kaya nagpatayo ang arsobispo ng isang kweba kung saan maninirahan ang babae. Sa kwebang ito namatay at
inilibing si Donya Geronima. Ayon sa kwento dahil sa sobrang katabaan ni donya geronima kailangan niyang
pumasok ng patagilid sa kweba sumikat siya bilang engkantada dahil sa kaugalian niyang pagtatapon ng pilak
na plato. Isang lambat ang hinahatak sa ilalim ng tubig na nakakasalo sa mga nahugasang kagamitan.
Dalawang taon na ang nakalipas at nabubura na ang alaala ng mga indiyo kay donya geronima.
Ben Zayb: ABA! Isang magandang alamat yan ha? Gagawa ako ng artikulo tungkol diyan. (sasabat sana si
Donya Victorina ngunit naputol siya ni Simoun)
Simoun: Ano ang masasabi ninyo, Padre Salvi? Sa tingin ninyo, tama ba na binigyan ng arsobispo
ang babae ng kweba? Hindi ba’t mas mabuti kung sa beateryo na lang siya dinala? Halimbawa… (mag-iisip
kunwari) sa Santa Clara? (padre sibyla & padre salvi na-shock)
Simoun: Dahil hindi isang asal maginoo ang pagbibigay ng isang kweba upang matirahan ng isang
taong binigo natin ang pag asa. Mas marangal kung siya’y dinala sa beateryo ng Santa Clara. Anong masasabi
ninyo?
Padre Salvi: Hindi ko maaring husgahan ang inasal ng arsobispo.
Simoun: Ngunit kayo na panrelihiyong gobernador ng simbahan na siyang tumatayo sa lugar ng
arsobispo, ano ang maari niyong ginawa kung nangyari sa inyo ‘yon? (Nagkibit balikat si Padre Salvi at
kalmadong tumugon)
Padre Salvi: Walang katumbas ang sakit ng pagninilay… Ngunit dahil mga alamat ang pinag-uusapan natin,
huwag natin kalimutan ang himala ni San Nicolas! ikukwento ko ito kay Señor
Simoun na maaring hindi ito alam.
Ben Zayb: sige nga ito’y ikwento ninyo.
Padre Salvi: dati, ang ilog ay puno ng mga buwayang sobrang laki na nagpapataob sa mga bangka
sa pamamagitan ng pagpalo ng kanilang buntot. Isang araw may isang taksil na intsik, na tumagging maging
kristiyano, ang dumaan sa may simbahan ngunit may nagpakita sa kanyang demonyo sa anyong buwaya at
tinaob ang kanyang bangka upang lamunin siyaat dalhin sa impyerno. Inspirado marahil ng Diyos ang intsik sa
mga oras na iyon kaya’t humingi siya ng tulong kay San Nicolas at sa isang iglap ay naging bato ang buwaya.
Sinasabi ng mga nakakatanda na sa panahon nila ay madaling makilala ang halimaw sa mga nakasabog na
piraso ng bato na naiwan doon. Ako mismo ay nakasisiguro sa inyo na kaya ko paring makilala ng malinaw
ang ulo ng buwaya. At kung titignan iyon napakalaki ng halimaw.
Ben Zayb: (tinig pang propesor at ang hintuturo niya ay gumuguhit ng mga bilog sa hangin)
Nakamamangha-nakamamanghang alamat. Npakagandang batayan para sa isang artikulo. Ang mga katangian
ng halimaw, ang tubig ng ilog, ang mga palumpon ng damo…mainam na paksa sa pag-aaral ng relihiyon.
Kakatwa ang intsik na nakahingi ng tulong sa kalagitnaan ng panganib sa isang santong nadinig niya lamang
sa iba at hindi niya pinaniniwalaan. (Napatingin si Ben Zayb kay Simoun na mukhang nag aalala tpos
tatanungin kung ano ang iniisip nito)
Simoun: (seryoso sa pagsasalita tpos ung hintuturo nkapatong sa noo) tungkol sa dalawang mahahalagang
bagay, dalawang katanungan na maaari ninyong isama sa inyong artikulo. Una, anong maaaring nangyari sa
demonyo pagkakita nito sa sarili na bigla na lamang nakulong sa isang bato? Tumakas ba siya? Nanatili ba siya
doon? At ikalawa, maaari bang ang mga pinatigas na hayop na aking nakita sa iba’t ibang museo sa Europa ay
mga biktima ng isang makalumang santo?
Padre Camorra: (sisingit sa paguusap) Sinong nakakaalam? Sinong nakakaalam?
Padre Sibyla: Tutal ay mga alamat ang ating pinaguusapan, tayo ay pumasok sa lawa. (desribe ang lawa at
bundok namadadaanan )
Ben Zayb: Siya nga pala kapitan, alam ba ninyo kung sang bahagi ng lawa namatay ang isang
nagngangalang Guevarra, Navarra o Ibarra? (lahat titingin sa kapitan except simoun na parang may hinahanap
dun sa mga baybayin)
Doña Victorina: Ay oo! Saan kapitan? Maari bang may naiwang mga bakas sa katubigan? (napakurap ang
kapitan, nayamot, ngunit nagpakita ng pagsusumamo ang mata ng lahat, nagpatuloy
sa paglalayag at tumingin sa baybayin)
Kapitan: (nananakot & siniguradong walang nakikinig na iba) Tumingin kayo roon, ayon sa naghanda ng
pagtugis, nang mapagtanto ni Ibarra na napapalibutan na siya ng mga guardia ay tumalon siya mula sa
bangka malapit sa kinabutasan. Pagkatapos ay lumangoy siya ng distansiyang mahigit sa dalawang milya;
pinauulunan siya ng bala sa tuwing aangat ang ulo sa paghinga. Sa mas malayo pa ay nawala na ito sa
paningin ng mga tumutugis at sa kaunti pang distansiya, malapit sa baybayin, nakita nila ang tubig na
nagkulay dugo na. Ngayon ay eksaktong labintatlong taon na ang nakalipas nang maganap iyon.
Ben Zayb: at ang bangkay niya?
Padre Sibyla: kasama ng kanyang ama, hindi ba’t isa rin siyang Pilibustero, isang rebelde, Padre
Salvi?
Ben Zayb: Iyan ay talagang walang kwentang libing, hindi ba Padre Camorra?
Padre Salvi: (habang tumatawa)lagi kong napapatunayang ‘yang mga rebelde ang siyang hindi
nagbabayad ng marangyang libing.
Ben Zayb: (nakita si simoun na walang imik at malalim ang iniisip) Ano’ng problema, Señor Simoun?
Nakakaramdam ba kayo ng pagkahilo? Kayo na isang beteranong manlalakbay, at dito pa sa ilog na ito na
tulad lamang ng isang patak ng tubig?
Kapitan: (huminto sa pagmamasid ng tanawin) Kung ganoon, hayaan ninyong sabihin ko sa inyo,
hindi ba’t tinatawag mo itong isang patak ng tubig lamang? Nagkakamali kayo sapangkat ang lawang ito ay
mas malaki pa sa anumang lawa sa Swiza at sa pinagsama-samang lawa sa Europa. Nakakita na ako ng
datihang manlalakbay na sumama ang pakiramdam dito.
END OF KABANATA 3

Kabanata 7: Si Simoun
Narration: Paalis na sana si basilio ng may nakita siyang liwanag sa gitna ng mga puno, mga sanga at
kadilimang naghahari sa kagubatan at makarinig ng mga kaluskos ng mga paa. Nakakita si Basilio ng anino sa
gitna ng pook na iyon at mabilis na nagmartsa patungo sa kanyang kinakatayuan.
Basilio: (natatakot) marami na akong nasuri na mga bangkay at nakitang mga taong nagaagawbuhay,
hindi ako dapat matakot, pero… marami na ring bali-balita tungkol sa lagim ng gubat na ito.
>>Huminto ang anino sa kabilang gilid ng balete at nakita ito muli ni basilio mula sa pagitan ng ng dalawang
ugat ng punong kahoy. Mula sa suot na damit ay kinuha nito ang isang ilawan na may malakas na lente,
ipinatong ito sa lupa at nalantad ang suot na botang pangabayo. May kinuha itong bagay sa loob ng bulsa,
isang matalim na asarol na inilipat sa dulo ng dalang tungkod<<
Basilio: teka.. hindi bat siya ang… ang.. ang magaalahas na si simoun! Siya nga! Hindi ako maaaring
magkamali! Ang lalaking ito, ang lalaking ito ang siyang humukay ng libingan ng aking ina labingtatlong
taon na ang nakalilipas. Wala na ang asul na salamin na nagpapabago sa kanyang kaanyuan, maliban sa
pagputi ng kanyang buhok, pagkakaroon ng mga bigote, at pamamayat ng kanyang mga bisig ay nanatiling
mapanglaw ang kanyang mga mata. Pero.. naguguluhan ako!?.. kasabay ng estranghero na itim ang
pagkamatay ni Ibarra ngunit papanong???? Nais kong tuklasin ang misteryong bumabalot sa pagkatao ng
taong ito subalit nangingibabaw pa rin ang aking takot. (makalipas ang ilang sandali)
Basilio: (Nagtindig habang papalapit kay simoun) Maaari ko po ba kayong matulungan Ginoo? Labintatlong
taon na ang lumipas magmula nang gawan niyo ako ng paglilingkod, inilibing ninyo ang labi ng aking ina kung
inyo pang naaalala kaya aking ikalulugod kung pahihintulutan niyo ako na tulungan at paglingkuran kayo.
Simoun: (bumunot ng baril, ikinasa at tinutukan si basilio) Sino ba ako sa tingin ninyo?
Basilio: sa tingin ko po ay isa kayong napaka dakilang tao. Isang tao na inakala ng maraming tao,
maliban sa akin, ay patay na at ang natanggap na kabiguan ay labis kong pinagdadalamhati.
*(katahimikan) makalipas ay lumapit si simoun sa binata at ipinatong ang kamay nito sa binata sa kabila
ng kanyang pagdududa.
Simoun: Basilio, ikaw ngayon ay nagmamay-ari ng isang lihim na maaring magdala sakin sa kapahamakan
at ngayong nadiskubre mo na ang isa pa na kapag nalantad ay sisira sa aking plano. Para sa aking kaligtasan
at pati na rin sa aking mabubuting layunin ay dapat kong isara ang iyong labi habambuhay dahil ano pa ang
halaga ng buhay ng isang tao kung ikukumpara sa nais kong maipatupad? Hindi alam ng kahit sino na naririto
ako, may taglay akong sandata at kayo ay wala. Maaaring ibintang ang inyong pagkamatay sa mga tulisan ng
lugar na ito, subalit hahayaan ko na ika’y mabuhay dahil na rin sa aking paniniwalang ito’y hindi ko
pagsisisihan. Nagsipag kayo at nagtiyaga, at gaya ko ay may nmga pautang sa lipunan na dapat singilin.
Pinaslang ang nakababata ninyong kapatid at nabaliw naman ang inyong kaawa-awang ina, ngunit lahat sa ng
ito ay walang katarungan ang sa iyo’y naigantimpala. Kayo at ako ay may ay magkatulad at kasama sa mga
taong masidhi ang pagnanais sa katarungan, kaya sa halip na sirain natin ang isa’t-isa ay magtulungan na
lamang tayo. (katahimikan) Tama, dumating ako rito labingtatlong taon na ang nakalilipas na may sakit at
bigo, upang magbigay respeto sa aking kaibigang may mabuting kaluluwa na pumanaw dahil sa akin at sa
pagging biktima ng masamang sistema na umiiral sa ating bansa noon pa man. Naglibot ako sa buong mundo,
nagtrabaho ng buong araw at gabi upang makaipon ng malaking halaga upang maisakatuparan ang aking
mga plano. Ngayon, bumalik ako para was akin ang sistema sa pamamagitan ng pagsulong ng mga kasamaan
nito at pagbabaon nito sa hukay, kahit na bumaha pa ng dugo at luha. Kung ito lamang ang magpapatunay sa
kanyang mga kasalanan. (gumamit ng tinig na nakapanghihilakbot) Nagbalik ako sa isla bilang nakamaskarang
negosyante, binagtas ko ang mga bayan-bayan. Ginamit ko ang aking kayamanan upang makilala at kahit
saan man ako naroon ay iba’t-ibang katakawan ang aking nasaksihan. Pinalakas ko an gang katalampasanan
at buktot na Gawain nang sa gayon ay mawili ang bayan sa anyo ng kammatayan at ipinagibayo ko ang mga
ligalig at pagdurusa upang ligalig at pagdurusa upang sa pag-ilag dito ay humanap ng solusyon. Pinigilan ko
ang paunlad ng kabuhayan upang wala ng kasindakan ang mga tao kung maghirap at lalong maging klalunos-
lunos. Ipinagpatuloy ko ang pangangamkam upang magdahop ang bayan. Hindi pa ito ang nagging sukdulan
ng aking kaligayahan. Pinukaw ko ang pagaalsa at sinugatan ang mga tao sa kanilang maselang bahagi.
Ngunit ng malapit ko na mapabulok ang sistema na ay saka naman kayo dumating. Kayong mga kabataan na
punumpuno ng pangarap subalit kulang naman sa karanasan. Magkakabuklod ninyong pinagsikapang
mapalapit sa espanya sa pamamagitan ng kwintas na rosas ngunit ang totoo’y naka kadena kayo ng matigas
na bakal. Humingi kayo ng pagkakapantay-pantay ng karapatan, ang paggagad sa kastila ng inyong paguugali
ngunit hindi ninyo namamalayang ang hinihingi niyo ay kamatayan at pagkasira ng inyong bansa at
pagbubunyi sa panga-alipin. Ano ang mangyayari sa sa iyo sa hinaharap? Isang liping walang pagkakakilanlan,
isang bansang nahubdan ng kalayaan. Lahat ng tungkol sa inyo ay magiging hiram maging ang inyong
kapintasan. Gusto niyong maging parte ng espana at kung sakali namang ipagait ito ay hindi man lamang
kayo makararamdam ng hiya. At kung sakaling maibigay ito, anung gagawin ninyo? Pinakamainam na sa inyo
ang maging kabiilang sa mga bansang naghihimagsik at nagpapatupad ng digmaan, at maging katulad ng
mga republika sa Timog Amerika na walang kakuntentuhan. Bakit pa kayo naghahangad na matuto ng wikang
kastila? Gusto niyo pa bang madagdagan ang higit sa apatnapung wika sa isla? Walang duda, lalong titindi ang
hindi pagkakaunawaan.
Basilio: sa kabaligtaran, Ang pagkakaroon ng kaalaman sa wikang kastila ay maaaring makapag-isa sa atin ng
gobyerno, na siya namang magbubuklod sa buong kapuluan.
Simoun: malaking pagkakamali! Hinayaan ninyong madala ang inyong mga sarili sa mga matatamis na salita
nang hindi pinag-aaralan ang mga bagay-bagay para siyasatin ang mga epektong makukuha ninyo sa ganyan.
Ang wikang Kastila ay hindi kailanman magiging pangkaraniwang wika ng bansa. Hindi ito bibigkasin ng mga
tao dahil walang katugma sa kanilang iniisip at nadadrama ng kanilang puso. Ang bawat bayan ay may sariling
wika at damdamin ano ang mapakikinabangan niyo sa wikang niyan? Papatayin nito ang pagkamamamayan
ninyo sa bansang ito mapapasailalim ang inyong sariling pag-iisip sa ibang isipan kaya sa halip na kayo’y may
kalayaan kayo’y nagiging tunay na alipin. Kayo na nagsasalita ng wikang Kastila ay tuluyan ng makakaligtaan
ang sariling wika samantalang ni hindi ninyo nga maisulat at maintindihan ang wikang yan. Pinipilit ninyong
hubdan ang inyong mga sarili ng inyong panbansang pagkakilanlan nakalimutan niyo na hangga’t iniingatan
ng mga tao ang kanilang wika ay mapananatili ang kanilang kalayaan
>>katahimikan<<
Simoun: nakita ko ang simula na mga makakastilang grupong ito at nagdusa ako ng buong magdamag
nabahala ako dahil may grupo ng kabataan na may kakaibang talino at kakahayahan subalit naniniwala na
gumagawa sila ng tama subalit ang ginagawa nila ay pagkalaban sa kanilang bansa. Ilang beses ko nang
tinangkang lapitan kayo, ngunit nag-aalala ako na masamain ninyo ang mga sasabihin ko ito ang dahilan
hahayaang mabuhay ka Basilio kahit na batid kong humaharap ako sa panganib dahil maaari ipagkanulo mo
ako balang araw. Kailangan ko ng tulong ninyo,gamitin ninyo ang inyong impluwensya sa mga kabataan para
labanan ang pagnanais sa kastila, sa pamumuhay, ang pantay-pantay nba karapatan na magbibigay daan
lamang para tawagin kayong manggagaya.Kung tumanggi silang ituro ang kanilang wika, ay palaguin ninyo
ang inyo ipakilala sa marami kaysa hangaring maging isa lamang na lalawigan ng espana ang bansa.
Basilio: Ginoo, napakalaki ng karangalan na ibinigay ninyo sa akin sa pamamagitan ng pagsasabi sa akin ng
inyong mga plano kaya’t ibig kong magtapat at sabihin sa inyo na ang gusto niyo sa akin ay higit pa sa aking
kalakasan. (adlib ipakita na hindi kumbinsido sa mga nais ni simoun) Wala sa loob ko ang paghihiganti
sapagkat hindi na ito makapagbabalik ng kahit hibla ng buhok ng aking ina o ngiti sa labi ng aking kapatid.
Narration: Bakas sa mukha ni Basilio ang hindi pagsangayon kay simoun kaya naman iniba na
lamang ni simoun ng paksa ng usapan.
END OF KABANATA 7
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
>>Si Simoun ay nasa baryo sagpang kasama ang dalawa niyang tauhan na may bitbit na mga baul na
naglalaman ng alahas, sa gitna ng karalitaan ay hindi naman nakalimutan ni kabesang Tales ang
nakasanayang tradisyon ng mga Pilipino ang pagiging malugod na pagtanggap sa mga bisita<<
Simoun: Mahal na ginoo, kung inyo po sanang pahihintulutan ay nais kong magpalipas ng ilang araw dito sa
inyong tahanan para kasi sa akin ay ito ang pinaka-komportable at isang magandang lugar para sa aking
pakikipag-kalakalan.
Kabesang Tales: Isa pong karangalan ang makasama ang tulad ninyo kahit sa panandaliang panahon
lamang ditto sa aming abang tahanan. Maari po kayong manatili rito hanggang sa gusto ninyo.
Simoun: Salamat mahal na ginoo. Subalit, matanong ko lang, sapat kaya ang aking rebolber para
protektahan ang aking sarili nabalitaan ko kasi na maraming tulisan ang nagkalat ngayon dito.
Kabesang Tales: Mayroon silang mga armas na kayang pumutok nang malayuan.
Simoun: Ang rebolber na ito ay hindi pangmalapitan! Tingnan ninyo (barilin ang sanga ng isang puno) higit
dalawandaang metro ang layo noon ngayon maari niyo bang sabihin sa akin kung sapat na ito?
Narration: Unti-unti na ngang dumating ang ilang pamilya sa bahay ni kabesang Tales sa balitang naroon
ang magaalahas. Si kapitan Basilio, hermana Tika at ang anak na si Sinang ay handing gumastos ng hindi
bababa sa 3000. Naroroon din naman si hermana Penchang Upang bumili ng singsing na gawa sa diamante
para ipangregalo sa birhen ng Antipolo na kanyang ipinangako sa kanyang panata. Lahat ng cast na involved:
(sabihin sa isa’t-isa) Maligayang pasko! Umupo sa silya.
Hermana Penchang: Diyos ko! Susmaryosep! Angbabaing iyon! Hindi man lamang niya alam ang tamang
paraan ng pagdarasal, limampung ulit ko na siyang pinabasa ng akda ni tandang bayo Macunat subalit wala pa
ring naiiwan sa kanyang ulo na tila salaan.
Hermana Tika: Sino? Sino bang iyong tinutukoy aking kapanalig?
Hermana Penchang: Sino pa eh di ang kaawa-awang si juli! Pagkaganda-ganda na bigla na lamang lumabas
na kabute na itinanim ng tikbalang. Hay naku! Dapat siyang kaawaan! Sa palagay ko’y ibinigay siya sakin ng
panginoon para hamunin ako sa paglalapit ng dalaga sa kanya.
Simoun: (ilalabas ang mga baul ng kayamanan at alahas) Mayroon ako ritong mga kayamanang pagaari
ng ng mga taong markado ang mga pangalan sa ating kasaysayan. Tulad na lamang ng kwintas ni Cleopatra,
mga mamahaling hikaw na pagaari ng mga babae s aroma noong panahon pa ni pompey. Ang singsing na ay
pagaari ng prinsesa ng lambelle na si maria Antoinette. Subalit tanging sa museo ko lamang maaring ipagbili
ito paumanhin mga minamahal kong tagapagtangkilik.
Sinang: Handa pong magbayad ang aking ama ng hindi hihigit sa P3000 para sa mga alahas na aming bibilin,
nais kop o ng mga antic (bakas ang pananabik)
Hermana tika: (kukurotin at bubulong kay sinang) Wag kang magpahalatang gusting gusto mo ang mga
iyan baka tayo mahalan.
Hermana Penchang: Nais kong bumili ng singsing na napalalamutian ng diamante,ito ay aking iaalay sa
birhen ng antipolo parte ng aking panata.
Simoun: Tignan mu hang isang ito, (titignan ni hermana penchang at nagsabing bibilin niya na ito.) ipagbibili
ko iyan sa inyo sa halagang P3000 libo
Hermana Penchang: (pabulong) napakamahal naman ng singsing na ito?
>>Bumiili ng alahas sila sinang at kanyang pamilya at matapos ay umalis<<
Kabesang Tales: Ang Isang kayamanan lamang na taglay ng magaalahas na ito ay kayang bumago sa takbo
ng aking pamumuhay, kaya nitong palayain ang aking anak at ibalik sa akin ang lupang sa akin ay kinamkam.
Isang insulto sa naghihirap na kagaya ko ang kanyang kayamanan. Kung kukuha ako ng isa maari ko na…..
Kabesang Tales: (lalabas at makikita sina padre Clemente at ang bagong nagmamay-ari ng kanyang lupain.)
Padre Clemente: (tatawanan lamang si Tales)
*Kinabukasan: tatlong pagpatay ang napabalita Una ay si Padre Clemente na administrador ng lupa ng
simbahan, ang bagong may-ari ng lupa at nag kanyang asawa na nalaslas ang lalamunan at pinuno ng lupa
ang bibig.
Simoun: Ahh..(naghihikab. bagong gising) Bakit kaya naririto ang aking rebolber? Bakit walang laman!
(makikita ang liham). Patawarin niyo ako ginoo, kung nagawa ko man kayong pagnakawan. Subalitb ang aking
mahigpit na pangangailangan ang nagtulak sa akin na gawin ang bagay na iyon at bilang kapalit ng inyong
rebolber, iniwan ko ang laket na inyong ninanais ninyo. Kinailangan ko ng armas upang umanib sa mga
tulisan. Pinapayuhan ko kayong wag ng magpatuloy sapagkat kapag kayo’y bumagsak sa aming mga kamay
ay hindi naming kayo ituturing na panauhin at hihingan namin kayo ng nalaking tubos.
END OF KABANATA 10
KABANATA 11 – LOS BAÑOS
Narration: Isang malaking kahihiyan para sa isang Kapitan-Heneral ang hindi makatama ng isang hayop sa
pangangaso. Anon a nga lang naman ang sasabihin ng mga Indiyong mahusay mangaso.
(naglalakad papuntang Los Baños)
Kapitan Heneneral: (umiinom at masaya)
Kapitan Heneneral: hahaha… panalo na naman ako Siguradong hindi na kayo mananalo sa akin sa susunod
Padre Irene: napakagaling niyo talaga Kapitan Heneneral
Padre Sibyla: Sang-ayon ako diyan
Padre Camorra: (patagong naiinis)
Padre Sibyla at Padre Irene: (nag-aalala)
Kapitan Heneneral: Sinasabi ko na nga aba ay matatalo ko kayo. Kita niyo ang dami niyong pagkakamali.
Narration: Sa ibabaw ng hapag na laruan ay nakataya ang ikalulusog ng pag-iisip ng mga Pilipino kaya’t
minarapat na magpatalo nila Padre Sibyla para makuha ang simpatya Kapitan Heneneral.
>>kaharap ng Kapitan Heneneral ang isang kawani sa isang kwarto habang naglalaro ng baraha<<
Kapitan Heneneral: Ngayon ay ililipat ko ng mga kawani sa mga dapat nilang kalagyan na bayan. Ang ilan
naman ay aalisan ng katungkulan at ipapatapon sa malayong lugar.
>>Don Custodio at kawani ay naglalakad sa isang sulok at si padre Fernandez naman ay malalim ang iniisip
samantalang sin Simoun at ben Zayb ay naglalaro ng bilyar at nagtatawanan sa kabilang kwarto<<
PadreSibyla: Padre fernandez, ibig ninyo po bang maglaro?
Padre Fernando: lalo akong hindi marunong
Kapitan Heneneral: kung gyon ay papuntahin ditto si Simoun
Kalihim: (lalapit sa Kapitan Heneneral habang di pa naglalaro) Ano po ang pasya niyo sa mga nasamsam na
sandata?
>>dadating si Simoun<<
Padre Irene: ibig ba ninyong palitan si padre Camorra, Senior simoun? Ngunit ang itataya ninyo ay ang mga
brilyante sa halip na salapi.
Simoun: walang problema sa akin kung gayon! At ano naman ang itataya ninyo?
Padre Sibyla: at ano naman ang itataya namin?
Simoun: Aba! Kayo ni Padre Irene ang magbabayad ng pagkakawanggawa, panalangin, kabaitan hindi ba??
Padre Sibyla: Alam ninyong ang kabaitan ay tagalay ng bawat isa hindi tulad nang mga brilyante ninyo na
palipat-lipat ng kamay. Ang kabaitang tagalay ay nasa pagkatao na namin
Simoun: Kung gayon ay papayag akong bayaran na alamng ninyo ng mga pangako. Sabihin niyo na lang
Padre Sibyla: Lilimutin ko nang limang araw ang karalitaan ang kababaang-loob at pagkamasunurin. Kayo
naman Padre Irene ay ganito: Lilimutin ko ang kalinisan ng ugali, ang pagkamahabagin at iba pa. ( natatawa
pagkatapos sabihin)
Padre Irene: nakakapagtakang tao ito si Simoun, kung anu-ano ang iniisip
Simoun: ( tatapikin ang Kapitan Heneneral) Ang ibabayad naman ng Kap.Hen sa akin kung sakaling matalo
ay ang pagkakaroon niya ng kapangyarihang ipabilanggo ang isang tao nang limang araw o buwan, o
pagpapatapon sa isang taong walang nakatalang pangalan o isang utos sa guardia civil na makabaril ng
bilanggo habang inihahatid sa bilangguan.
EXTRA: ngunit Ginoong Simoun, ano ang mapapala ninyo sa panalo ng kabaitan, mga pagpapatapon at mga
pagpatay?
Simoun: Bakit? Kailangan linisin ang bayan at lipunan ang lahat ng may masasamang budhi.
EXTRA : at hanggang ngayon ba ay galit pa kayo sa mga tulisan, gayong maaaring hiningan kayo ng mas
malaking tubos. Huwag naman kayong mawalan ng utang ng loob.
Simoun: ipinagtatapat ko na binihag ako ng mga tulisan ngunit matapos akong magising ay pinabayaan nila
akong maglakad ng walang hinihinging tubos maliban sa 2 kong rebolber at 2 punyo. At kinakamusta pa nila
ang Kapitan Heneneral (titingin sa Kapitan Heneneral.)
Kapitan Heneneral: Dahil diyan ay lalagdaan ko ang kautusan ukol sa mga sandata upang maiwasan ang
pagkakaroon ng armas ang mga tulisan.
Simoun Huwag! Huwag! Para sa akin, ang mga tulisan ang mas may karangalan sa lupaing ito.
>>tututol dapat si Don Custodio<<
Simoun: Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok kundi nasa mga tulisan sa loob ng bayan at
lungsod.
Padre Irene: Gaya niyo?
Simoun: Tunay nga, gaya ko at gaya nating lahat. Magtapatan na tayo total ay wala naman nakakarinig na
Indiyo dito! Kapag sa gubat tayo nanirahan ay lalabas ang bagong lipunan at ang tao mismo ang mag-aayos
ng sarili niyang buhay.
( kalihim- naghihikab at nag-uunat tapos ang iba ay nagtatawanan)
Kap.Hen: ( bibitawan ang baraha) Siya tama na ang biruan at sugalan, magtrabaho na tayo at marami pa
akong dapat lutasin.
Narration: Sa araw na iyon ay pag-uusapan ang tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila kaya’t naroon sina
P. Irene at P. Sibyla
(papasok ang isang kalihim at may sasabihin sa Kap. Hen)
Kap.Hen: Ano ba? Ano ba?
Kalihim: Ang panukala tungkol sa pagbabawal sa paggamit ng mga armas
Kap.Hen: ipagbawal ngayon din
Mataas na Kawani: Ipagpatawad po ninyong sabihin ko na alinmang bansa ay pinahihintulutan ang
paggamit ng armas de salon.
Kap.Hen: Hindi tayo tutulad sa kanila
Kalihim: may apat na buwan pa lamang ngayon nang pagtibayin ang hindi pagbabawal sa paggamit ng
armas dito
Simoun: magagwan yan ng paraan
Kwani: Paano?
Simoun: madali yan! Ipagbili lamang ang mga armas de salon ng wala pa sa anim ni milimetro ang kalibre.
MK: (bubulong) hindi ako sang-ayon sa panukala niya
Kalihim: (may hawak na papel at biglang papasok) Ang guro sa Tiani ay humihingi ng malaking bahay
upang..
Padre Camorra: (agad na sasabat) Ano pang malaking bahay? Mayroon na siyang sariling kamalig
Kap.Hen: wala akong kinalaman sa bagay na iyan! Sa namamahala sa pangasiwaan siya dapat humingi.
Padre Camorra: ang guro na iyan ang isang Pilibustero!
Padre Sibyla: ang totoo ay ang sinuman ang ibig na magturo ay maaaring magturo saanman.
Kap.Hen: maraming karaingan ang naririnig ko sa guro na iyan, mabuti pa’y alisin siya!
Kalihim: Alisin!
Kap.Hen: ang mga guro ditto ay umaabuso. Kalabisan ang paghingi ng higit pa sa inang bayan.
PILIBUSTERISMO!
Ben Zayb: inang bayan muna, bago ang lahat, an gating pagka-Kastila
KapHen: sa susunod ang lahat ng dumaing ay tanggalin sa tungkulin.
(ipapahayag ni Don Custodio ang panukala niya sa lahat)
Don Custodio: napakadali lang ang solusyon diyan kamahalan. Gawing paaralan ang mga sabungan kahit sa
loob ng sanlinggong araw.
KapHen: mainam na panukala. Nadaig tayong lahat!
Padre Camorra: Ngunit ang totoo ay may sabong sa buong linggo at yamang ang pasabong ang
nagbabayad sa pamahalaan ay hindi nararapat na..
KapHen: (biglang sasagot) Kung gayon ay huwag magpaaral sa mga araw na iyon! Lalong kasalaulaan ang
magkaroon ng mabubuting gusali para sa mga bisyo at para sa karunungan ay wala.
Padre Irene: ngunit alalahanin ninyong nagbibigay sa pamahalaan iyang mga sabungan na iyan.
KapHen: tama na yan! May iba akong balak para sa usapin na iyan. May iba pa bang dapat pag-usapan?
Kalihi: Ang kahilingan ng mga estudyante na makapagbukas ng Akademya ng Wikang Kastila
Narration: May mga anim na buwan na naghihintay ng pasiya ang mga estudyante ukol sa usaping ito.
Naging kakatwa naman ang namayaning katahimikan kaya’t nagtanong ang kapHen.
KapHen: ano naman ang kuro-kuro niyo?
Padre Sibyla: isa yang matahimik na pag-aalsang may tatak at slyo
MK: pag-aalsa?
Padre Sibyla: kinabibilangan ito ng mga kabataang tinatawag na kawal ng masidhing pagbabago. Kabilang
ditto ay si Isagani
Padre Irene: mayroon pang isa. Makaragui o MAcaraig, mayaman , mapitagan at kalugog-lugod.
Padre Sibyla: at mayroon pang isang nagngangalang Basilio.
KapHen: Aha! Aha! Ganoon pala! Itala ang mga pangalang iyan
MK: ngunit heneral, hanggang ngayon po ay wala kaming nababatid na anumang masamang ginawa ng mga
akbataan na iyan.
Padre Camorra: Subalit ang mga Indiyo ang hindi dapat matuto ng wikang Kastila
Matututo lamang silang mangatwiran sa atin
( magsasalita si Padre Fernandez at makukuha ang atensyon ng lahat)
Padre Fernandez: Huwag kayong maghihinanakit kung iba ang aking palagay. Sinsabi ko na hindi tayo dapat
mapagkait. Maipagkakaloob natin ng walang panganib ang pagtuturo ng wikang kastila
Padre Fernandez: nasa matuwid ba ang kanilang hinihingi? Kung nasa matuwid ay ibigay natin sa kanila ang
akademya hanggang sila ay magsawa. Huwag tayong hangal. Tularan natin ang mga Heswita.
Narration: Nagkaroon ng mainitang diskusyon at napawalang-bahala ang presensiya ng KapHen. Lahat ay
nagsasalita kabilang na si Ben Zayb na nakikipagtalo kay Padre Camorra
( tatayo ang kapHen at matitigi ang usapan)
KapHen: sa ora ng meryenda na lang natin pag-usapan ang mga iyan
Kalihim: baka sumama ang kanilang mga sikmura
KapHen: bueno bukas na lang ipagpatuloy ang diskusyon
MK: (lalapit sa kapHen at may sabihin) ang anak na babae ni kabesang tales ay humihingi ng tulong upang
mapalaya ang kanyang may sakit na lolo
KapHen: hindi nab a ako maaaring kumain ng mapayapa!
MK: tatalong araw na siyang pabalik-balik ditto, kawawa naman
KapHen: (mapapakamot sa ulo) Sige! Padalhan ng sulat ang tinyente ng mga guardia civil para palayain
END OF KABANATA 11
KABANATA 16
ANG PAGHIHIRAP NG ISANG INTSIK
NARRATOR: Pagsapit ng gabi, ay nagdaos ang negosyanteng Intsik na si Quiroga ng magarbong salu-salo sa
itaas ng kanyang tindahan sa daang Escolta. Napakaraming dumalo rito kabilang na ang mga prayle, militar,
kawani, kasosyo, negosyante, mamimili at padrino. Ang kanyang tindahan ang pinagkukunan ng lahat ng
pangangailangan sa mga parokya at kumbento, at maging ng mga kawaning nais umutang ng paninda.
PANAUHIN: Nabalitaan ko na may pagsasalo mamaya sa bahay ni Quiroga. At nabalitaan ko rin na maraming
pupunta rito. Kasama na rito ang mga kilalang may katungkulan sa gobyerno, pati na rin ang mga prayle.
2ndPANAUHIN: Ah, oo, nabalitaan ko nga. Maging ako ay imbitado sa salu-salong ito.
SA BAHAY NA NI QUIROGAAAAA!
KAWANI: Napakaganda naman ng mga palamuti dito sa bahay ni Quiroga! Kahit ang mga likmuang ito na
gawa pa sa Vienna. At ang mga bangkitong ito na mula pa sa Canton.
NEGOSYANTE: Tama ka diyan! Napansin ko rin itong mga kuwadrong bughaw na gawa pa sa Canton o
Hongkong. Pati na ang mga kromo ng mga babaeng alipin ng Sultan.
PANAUHIN: O? Ah! Nandito pala si Quiroga! Napakaganda naman ng damit na kanyang suot!
QUIROGA: (thoughts ni quiroga) Alam ko! Hindi kayo dumating para sa’kin kundi dahil sa’king hapunan.
(aloud) Mga ginigiliw kong panauhin, maraming salamat sa inyong pagdalo sa munting salu-salo na aking
idinaos. Nawa’y masiyahan kayo ngayong gabi. Siya nga pala, handa na ang hapunan tayo ng magsalu-salo.
(mga tao punta sa kainan)
[adlib, tawanan.. nagsasaya ]
>>Pasok si simoun<<
Quiroga: Senyor Simoun! Nanadito na pala kayo… halina’t tayo’y magsalu-salo.
Simoun: maraming salamat senyor! Ngunit ako’y naghapunan na.
Quiroga: Ganun Ba? Heto’t uminom ka na lamang ng alak
[tawanan, kwentuhan,]
Negosyante: Hay naku! Humihina na ang aking negosyo! At natatakot ako na baka tuluyan na itong
bumagsak.
Negosyante 2: Gayun din ang aking negosyo. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Senyor Simoun! Ano sa
tingin niyo ang dapat kong gawin?
Simoun: Ano?? Ako??? Hinihingi niyo ang aking opinyon?
Negosyante: At bakit naman hindi?
Simoun: Uhmm…. Sa tingin ko ay dapat niyong pag-aralan kung bakit nag-tatagumpay ang ibang mga
bansa, at gayahin niyo ang ginagawa nila.
Negosyante: At bakit sila nagtatagumpay, ginoong simoun?
Don Timoteo: Ang hindi parin natatapos na mga daungan ang nakapagpapabigat sa kalakalan! Hay!! Tulad
ng sinasabi ng aking anak, para itong bahay na gagamba na Penelope na hinahabi at kinakalas… at ang mga
buwis
Negosyante: At dumaraing kayo! Kautusan ng K Heneral na ipagiba ang mga bahay na gawa sa magagaang
materyale! Kayo ka-aangkat pa lamang ninyo ng Galbasinadong yero!
Don Timoteo: OO! Ngunit magkano naman ang nagastos kosa kautusang yang?! Pagkatapos hindi pa
ipapatupad sa loob ng isang buwan ang demolisyon kailangang hintayin pa ang kwaresma at pagdating ng iba
pang inangkat. Ang gusto ko sana’y ipagiba ang mga ito sa lalong madaling panahon. bukod pa dito ano ang
ipang-bibili sa akin ng mga may-ari ng bahay ay pawang mahirap sila?
Negosyante: Mabibili ninyo rin ang mga bahay sa munting halaga.
Don Timoteo: At pagkatapos ay gawan ng paraan na mapawalang bisa ang kautusan at ipag-bili muli ang
mga bahay sa dobleng halaga. Ganyan ang hanapbuhay!
Narrator: Iniwan ni Simoun ang dumraing na mga manga-nga-lakal. Ngunit nakaharap niya naman si
Quiroga. Na biglang naging malungkot ang dating palangiting mukha. Ginagalang ni Quiroga si Simoun, dahil
sa mayaman ito, sa balitang malapit ito sa K. Hen. Na-alala niya ang winika ni Simoun ukol sa pagiging
masunurin ng bansa.
[simoun at quiroga nag-uusap adlib..]
Simoun: Naibigan ba niya ang mga purselas?
Quiroga: [intsik ang salita] Nakoww! Ginoo Simoun. Akien lugi akien magsak!
simoun: [tinatago ang tawa] Ikaw? Malulugi?? Mukhang hindi kapani-paniwala iyon.
Quiroga: Hindi mo alam akien lugi!
[simoun and quiroga punta sa isang silid ]
Quiroga: Ang totoo niyan Senyor, hindi talaga para sa akieng asawa ang pulseras… Para ito sa babaeng
kaibigan ng isang opisyal na mataas ang tungkulin. Kailangan ko ang tulong niya , para tumubo ng anim na
libong piso. Sa isang kalakal ..Pinapili ko siya sa 3 purselas…
Simoun: at anong nangyare?
Quiroga: Hay naku! Nagulat ako ng piliin niya ang 3 purselas. Senora, ako’y nalugi! Hayyy…
Simoun:(natatawa) ganito na lang, kapag may pumunta rito upang mangutang, sa’kin niyo ito ituro. Ililigtas
ko kayo sa mga mangungutang.
Quiroga: Naku! Maraming salamat senor Simoun. Maasahan niyo ang aking tulong.
Simoun: (umiiling) Kailangan ko pa naman ng salapi, akala ko ay mababayaran ninyo ako. Ayaw ko lamang
na malugi ka sa iyong negosyo kaya gagawin ko na lang na pitong libo ang utang mong siyam na libong piso
kung papayag kang itago sa iyong bodega ang mga inangkat kong baril.
Quiroga: (shocked) B-b-b-baril?!!
Simoun: Wag kayong mabahala! Hindi ko kayo ipapahamak. Unti unti ko itong itatago sa mga bahay bahay at
pagkatapos ay hahalughugin. Makukulong ang mga may ari ng bahay at malaki ang magiging kita ko sa
paglakad ng mapalaya ang mga bilanggo.
Quiroga: Ngunit Senor Simoun…(nagaalinlangan) Hindi ba’t mapanganib ang binabalak mo?
Simoun: Kung ayaw mo naman, sa iba na lang ako hihingi ng tulong pero kailangan ko ang siyam na libong
piso mo.
Quiroga: Hayy…. Sige, pumapayag na ako Senor Simoun.
Simoun: (pleased) Mabuti naman.. Maraming salamat sa iyong kooperasyon.
Quiroga: Halika na at bumalik na tayo sa kasiyahan.
(BUMALIK NA SILA SA MAY MGA TAONG NAGTATAWANAN…NAGSISIYAHAN…UMIINOM)
Ben Zayb: May nalalaman ka ba tungkol sa magnetismo? Espiritismo? Madyik? At iba pang may mga
kinalaman dito?
Padre Camorra: Ha! Syempre naman no! Anu bang tingin ninyo sa’kin? Isang Indiyong walang alam?!
Juanito Pelaez: Nabalitaan niyo na ba ang idinaraos na perya sa Quiapo?
Ben Zayb: At anu naman ang kapana panabik tungkol dito?
Juanito Pelaez: Ang mahika ni Mr. Leeds! Nakakapaglabas daw siya ng pugot na ulo sa loob ng kahon at ako
mismo ay nakasaksi rito.
Ben Zayb: Hmm… Sa tingin ko’y isa lang itong kaso ng optika.
Padre Camorra: Nagkakamali ka! Dahil lamang ito sa espiritismo!
(BACKGROUND FIGHTING,NOISES…PADRE SALVI NANANAHIMIK)
Simoun: Mas mabuti pang panuorin natin ito para malaman kung sino ang tama o mali?
Padre Salvi: Ngunit mahirap makipagsiksikan sa mga tao.
Don Custodio: Sumasang ayon ako sainyo reverendo.
Ben Zayb: Basta! Ako na ang bahalang makipagusap kay Mr. Leeds. At walang ibang makakapasok habang
nanunuod tayo.
END OF KABANATA 16
Kabanata 32: Mga Ibinunga ng mga Paskin
Ipinapakita ang isang lalaking mag-aaral na nagbabasa ng isang liham na galing sa kanyang ina
Ina: Minamahal kong anak, pakiusap, umuwi ka nalang at tulungan mo ang itay sa pagsasaka. Galing sa
minamahal mong ina.
Malungkot na binitawan ng lalaking magaaral ang liham at lumakad papalayo
Guro: Ito na ang iyong mga resulta sa inyong nagawang pagsusulit
At sabay na kinuha ng mga estudyante ang kanilang mga papel na nagdulot ng iba't-ibang mga reaksyon sa
mga magaaral
Pecson: Kasi naman eh… hay naku! … Hindi, okay lang yan!
Si Tadeo naman ay masayang-masaya habang sinusunog ang kanyang mga libro
Tadeo: Sa wakas! Nandito na rin ang walang katapusang bakasyon!
Malungkot na naglalagkad si Juanito na nakakuba
Juanito Pelaez: Paano na ito, mapipilitan na ako na sumama sa tatay sa kanyang pangangalakal
Si Makaraig naman ay pasikretong sinabi na…
Makaraig: Pupunta akong Europa!
Isagani at Sandoval: Hay! Salamat! Nakapasa tayo!
Ipapakita si Basilio na nasa kulungan
Basilio: Ang lungkot-lungkot naman rito…
Ang mga guardya sibil ay pinipilit na itanong at saktan si Basilio
Sa kulungan
Sinong: Ginoo, mayroon po akong dalang bagong balita
Basilio: Ano yun Sinong?
Sinong: Balita po galing sa Tiyani
Basilio: Tungkol saan?
Sinong: Tungkol po sa mga mahal ninyo
Basilio: Sino?
Sinong: Sina Juli at Tandang Selo po
Basilio: Anong nangyari sa kanila?
Sinong: Si Tandang Selo po’y nawawala
Basilio: Ano?! Kailan pa? Anong nangyari?! Si Juli?!?!?!
Sinong: Si Juli po…
Basilio: Ano?!
Sinong: Si Juli po ay… patay na
Basilio: Ano?!?!?! Bakit?! Anong nangyari?!?! Paano?!?
Ben Zayb: Ano kaya ang dapat kong isulat na balita? Hmmm… aha! Alam ko na! ang paggaling ni Simoun!
*Nagsimula magsulat sa papel at huminto sa pagsusulat upang magisip
Hmmm… totoo kaya ang mga sabi-sabing si Simoun ay magbibigay ng isang malaking piging bilang
pasasalamat sa kanyang paggaling at pamamaalam na rin daw sa bayang magpalago sa kanyang
kayamanan… kung sabagay, dahil aalis na siya kasama ng kapitan heneral, maaaring may katotohanan nga
ang balitang ito...
Paulita: Hindi na maaaring ipagpatuloy namin ni Isagani ang relasyong ito. Hindi matatawaran ang
pagkakamali niya. Nabilanggo siya. Hindi ko kayang umibig sa isang lalaking mali ang pagkakakilala sa
lipunan at sinisisi ng lahat
*Lumabas si Juanito Pelaez at kinausap ang sarili
Juanito Pelaez: Ito na ang pagkakataon ko na mapaibig si Paulita sa akin.
*Pagdating ni Paulita
Paulita! Paulita! Sana ay mapakinggan mo muna ang aking hiling. Ako ay matalino, maliksi, masayahain at
anak ng isang mayaman na mangangalakal. Mas makabubuti para sa iyo kung ako ang pakasalan mo.
Paulita: Kung sabagay, mas komportable nga ang magiging buhay ko kung ikaw ang pakakasalan ko
Juanito: Kalimutan mo na ang Indiong si Isagani. Ako na ang mahalin mo
Paulita: Oo, Ikaw nga ang mas nababagay sa akin.
*Maraming mga tao sa kalsada na masiglang nakikipag-usap sa isa’t- isa
Ale 1: Narinig n’yo ba ang tungkol sa salu-salong ibibigay ni Don Timoteo Pelaez sa kasal ng anak niya?
Ale 2: Ang swerte naman niya, nakuha ang bahay ni Kap.Tiyago, kasosyo pa si Simoun sa negosyo at ngayon
ikakasal ang anak sa isang maganda at mayamang babae.
Ale 3: Ang sabi-sabi, napakaengrande daw ng mangyayaring pagsasalo
Lalaki 1: At ang Kapitan Heneral daw ang magiging ninong. Sigurado akong si Simoun ang taong nag-aayos
nito
Ale 2: Kailan ba mangyayari ang kasal nila?
Ale 1: dalawang araw bago umalis ang kanyang kamahalan.
Lalaki 1: Si Simoun raw ay magreregalo ng mga brilyante at perlas sa ikakasal
Lalaki 2: Bakit naman napakagrande ng regalo niya?
Lalaki 1: Ito raw ang paraan niya na gulatin ang mga tao sa kanyang pamamaalam. Wala na namang natira
para sa kanya dito sa Pilipinas.
Lalaki 2: Sana, maimbitahan ako sa kasal na ito
Ale 1: Pinipiliit ko na nga ang asawa ko na bumili ng bakal at zinc para kaibiganin si Don Timoteo Pelaez
Ale 2: Tama ka diyan. Hindi maaaring hindi makasama sa okasyong ito!
END OF KABANATA 32
Kabanata 33: Ang Hulong Matuwid
Tagasalaysay: Sa wakas, dumating na rin ang pinakahinihintay na araw ni Simoun. Hindi umalis ang mang
aalahas sa kanyang bahay halos ng buong umaga kasi siya’y abalang-abala sa pag-aayos ng kanyang armas at
alahas. Nagbilin siya sa kanyang katulong na kapag may dumating na bisitang pangalan ay Basilio ay
papasukin na kaagad. Mula nang magkasakit si Simoun may pagbabago sa kanyang itsura na kapansin-pansin.
Ang kanyang mukha ay lalong tumigas at pumanglaw; lumalim ang guhit sa pagitan ng kanyang dalawang
kilay at ang kanyang ulo ay hindi na tayung-tayo. Sa lalim ng kanyang pagiisip, hindi niya narinig ang katok sa
pintuan. Nagulat siya nung ito’y umulit at sinabing “Tuloy.” Si Basilio ay dumating na. Pumasok ang binata sa
silid ng wala mang bati. Ang pisikal na pagbabago ng binata ay kagulat-gulat sa laki nito. Ang kanyang pisngi
ay humpak, ang buhok ay gusot-gusot. Samantala ang kanyang mata na dati’y malungkot ay ngayon may
kakaibang kislap.
Basilio: Ginoong Simoun, ako po’y naging masamang anak at kapatid. Halos apat na buwan ng nakaraan
nung kinausap mo ako tungkol sa iyong mga balak. Tumanggi ako pero sa huli tama kayo. Nung nagsimula
ang himagsikan ay hindi rin ako nakiisa kaya nang mabigo ang kilusan, ang kapalit ng aking ginawa ay
pagkabilanggo. Ang aking kalayaan ay ang aking utang na loob sa iyo. Ako’y handa ng maglingkod kasama ng
lahat ng mga sawimpalad.
Simoun: Salamat, binata, salamat! Pinawi mo ang aking mga pangamba at pag-aalinlangan. Nung nabigo ang
kilusan, ako’y iniwan ng marami dahil nakita nila ako sa kawalang pag-asa. Ikaw, isang binata ay nandito para
gisingin akong kumilos. Kapag tayong dalawa at nagsanib pwersa ay buong husay maisasagawa ang balak. Sa
kabundukan ko rin lamang nakita ang aking mga tauhan.
Tagasalaysay: Isinama ni Simoun si Basilio sa kanyang laboratoryo, kung saan niya tinatago ang kanyang
mga kimika.
*Maglalabas ng kahon na itim si Simoun.
Basilio: Ano iyan?
Tagasalaysay: Si Simoun ay naglabas ng isang ilawang may balat na ginto, na ang hugis ay tulad ng isang
granada na kasing laki ng ulo ng tao. May maliit na bitak na may maliliit na butil sa loob ito. Naglabas din siya
/ng isang prasko na naglalamang ng manilaw-nilaw na likido nang hindi nagpapaliwanag.
*Tinitingnan ni Basilio nang maigi ang prasko.
Basilio: Nitro-glicerina (pabulong) ? Nitro-glicerina! Pang dinamita!
Simoun: Oo, pero hindi lang ito basta nitro-glicerina. Ito ang mga luhang naipon, mga sinisikil na poot,
kawalang-katarungan, at mga pang-aapi. Kanina’y nagdadalawang isip akong gamitin ito, pero ang pagdating
mo ang naghikayat sa akin. Ngayong gabi, ang mga mapaniil ay maparurusahan na din sa wakas. Ang buong
Pilipinas ay maririnig ang pagsabog na wawasak sa bulok na balangkas.
*Inaayos na ni Simoun ang lampara.
Ngayong gabi ay may isang selebrasyon na magaganap. Ang lamparang ito ay ipapadala ko, at ilalagay ito sa
gitna ng kiyoskong pagkakainan. Napakaliwanag ng ilaw na ibibigay nito, pero hihina matapos ang
dalawampung minuto. Kapag itinaas nila ang mitsa ay sasabog ang kapsulo ng fulminato de mercurio at
sasabog ang bomba, kasama ng silid-kainan, kung saan itinago ko sa bubong at sahig nito ang saku-sakong
pulbura ng baril. Walang makaliligtas.
Basilio: Kung gayon ay hindi n’yo na po pala kinakailangan ang tulong ko.
Simoun: May iba akong ipapagawa sa iyo. Sa ganap na ikasiyam ng gabi ang bomba’y nakaputok na. Sa oras
na ito, ang mga kasama ko sa kilusan, ay magtitipun-tipon kasama ni Kabesang Tales sa labas ng bayan ng
Sta. Mesa upang lusubin ang siyudad. Ang mga militar naman ay paniniwalain ko na ang heneral ang may
pakana ng kunwaring himagsikang ito para siya’y magkaroon ng dahilang manatili sa kanyang tungkulin.
Lalabas sila sa kani-kanilang mga kuwartel at puputukan ang sinumang ituro ko. Ang mga tao ay matatakot
sapagkat iisipin nila na ipinautos silang ipapatay, at mag-aalsa na rin upang harapin ang kamatayan. Wala
silang sandata at kaayusan, kaya kailangan ay ikaw ang mamuno sa kanila. Dalhin mo sila sa bodega ni
Quiroga na pinagtaguan ko ng aking mga baril. Magtatagpo kami ni Kabesang Tales sa siyudad, at aagawin
naming ito habang sinasakop ninyo ang mga tulay sa kaugnog bayan. Magtitipun-tipon kayo upang
humandang tumulong sa amin. Papatayin ang mga kasangkot sa pakikipaglaban at ang lahat na tumangging
makipaglaban.
Basilio: Lahat?
Simoun: Lahat, mga Indio, Mestiso, Intsik Kastila. Lahat ng walang lakas ng loob at matibay na pananalig.
Kailangang mapalitan ng bagong dugo ang lipi. Nanginginig ka at natatakot na pumatay? Ang pagwawasak ng
kasamaan at pagtitiis ay matatawag kong paglikha at pagbibigay buhay!
Tagasalaysay: Ang mga matitinding salita ni Simoun ay nakapagsindak kay Basilio. Ang mahigit na tatlong
buwang pagkabilanggo ay nagpahina sa kanyang pag-iisip at ang kanyang pagkauhaw na makapaghiganti ay
bumulag sa kanya.
Basilio: Ano ang sasabihin ng daigdig sa ganoong pagpatay?
Simoun: Papupurihan ito ng daigdig. Ang pagpapatay ay pinapalakpakan ng buong mundo parang
pagkatapos ng isang dula kahit ito ay trahedya. Ang kaanyuan lamang ang pinapansin ng karaniwan tao, hindi
ang sanhi.
Basilio: Sang-ayon po ako. Anong halaga sa akin kung pumalakpak o tumuligsa ang daigdig na walang
pagtingin sa naaapi at mahihirap? Bakit ako magmamalasakit sa lipunang walang pagmamalasakit sa akin?
Simoun: Iyan ang ibig kong marinig sa iyo. [Kinuha ang rebolber sa kahon ng mesa at ibinigay kay Basilio]
Hintayin mo ako sa ganap na ikasampu, sa harap ng Simbahan ng San Sebastian para sa mga huling tagubilin.
Sa ganap na ikasiyam, nararapat na malayo, malayung-malayo ka na sa Daang Analoague!
Basilio: [Siniyasat ang baril, nilagyan ito ng punlo at itinagi sa loob ng kanyang tsaketa] Sa muling
pagkikita![Mabilis na umalis]
END OF KABANATA 33
Kabanata 39: KATAPUSAN
Mahal kong kapelyan:
Katatanggap ko lamang ng isang telegram mula sa aming kwartel. Español Escondido casa Padre Florentino
cojera remitira vivo muerto. Pagkat maliwanag ang telegram, pagsabihan niyo an gating kaibigan na huwag na
siyang paabot sa akin. Tutungo ako riyan sa ganap na ika-8 ng gabi upang hulihin siya.
Lubos na sumasainyo,
Perez
Don Tiburcio: A… Ang Victorinang ito, ang Victorinang ito. Maaari niya akong ipabaril!
P.Florentino: Sandali lamang Tiburcio?! Hindi ikaw ang tinutukoy ng liham kundi si Simoun!
Don Timoteo: (Habang nag-iimpake) Kailangan kong lumayo kundi malalagot ako sa aking asawang anlakas
lumamon ng pigrolak!
P.Florentino: Kung gayo’y, paalam na Don Tiburcio! Paminsan-minsan mag-mighty o kaya emperador light!
Don Tiburcio: Gawin nating light ang buhay!
P.Florentino: Oh siya sige! Bumalik ka hah!
Don Tiburcio: Ikaw rin bumalik ka?
P.Florentino: Saan?
Don Tiburcio: Sa Eternity! Humimlay ka na ulit!
P.Florentino: Ikaw talaga!
(Papilay-pilay na lumayo si Don Tiburcio at iniangat ang kanyang sombrero)
(Papasok ang utusan ng bahay)
Utusan: Padre, Nais po kayong makausap ni Ginoong Simoun!
P.Florentino: Ako?
Utusan: Hindi, Hindi, ako pa rin! Opo, kayo nga! Wag ka nang magpatumpik tumpik pa, Karakaraka!
(Bago makapasok si Padre Florentino ay uminom na si Simoun ng lason)
P.Florentino: Nahihirapan ba kayo, Ginoong Simoun?
Simoun: Kaunti po! Ngunit hindi ito magtatagal!
P.Florentino: (Nakita ang bote) Diyos ko! Ano ang ginawa ninyo, Ginoong Simoun? Ano ang ininom ninyo?
Simoun: Akala ko kasi magnolia grapes eh! Favorite ko ‘yun!
P.Florentino: Diyos ko! Diyos ko!
Simoun: Huli na ang lahat. Wala nang lunas!
P.Florentino: Ano ang ibig ninyong gawin ko? Sa ganap na ikaw-8… patay o buhay… patay,oo,ngunit hindi
buhay. Ano ang ginawa ninyo?
Simoun: Ang nagawa ay nagawa na. Hindi ako dapat mahulog nang buhay sa kahit kaninuman. Maaaring
pilitin nila akong malaman ang aking lihim.
P.Florentino: May gamut na panlunas pa, Ginoong Simoun. Mayroon akong apomorpina, eter.. kloroporma!
Simoun: Huli na. Baka yumao ako na dala ang lihim sa libingan.
(Nananalangin ang Padre sa paanan ni Kristo)
Simoun: Nagbalik ako mula sa Europa na punung-puno ng pag-asa at makukulay na pangarap. Subalit
nawalan ako ng pangalan, karangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, kalayaan at lahat na. Nakaligtas dahil sa
isang kaibigan sa Noli Me Tangere at sinumpa kong maghiganti. Ako si Juan Crisostomo Ibbara!
P.Florentino: Hahhh! Amanamin… sumasalangit ka… ! (Naputol)
Simoun: Sa tulong ng kayamanang ibinaon ko sa gubat, at nagtungo sa ibang bansa upang mangalakal.
Inudyukan kong gumawa ng kasamaan at lahat ng uri ng kawalang-katarungan.
P.Florentino: Patawarin ka ng Diyos, Ginoong………Simoun! Batid niyang tayo ay maaaring malinlang. Nakita
ang kaparusahan sa pamamagitan ng pagkakamit mo ng kamatayan sa kamay na rin ng mga taong iyong
inudyukan. Ang Diyos ay makatarungan. Hindi siya magpapabaya sa kanyang mithiin na itaguyod ang…!
Simoun: Kung gayon, bakit niya ako pinabayaan?
P.Florentino: Sapagkat pinili ninyo ang isang paraan na hindi niya masasang-ayunan! (Matigas ba sagot ng
Pari)
Simoun: Tinatanggap ko ang inyong paliwanag. Nagkamali ako. Ngunit dahil ba riyan, kung kaya ang Diyos
ninyong ito’y ipagkakait ang kalayaan sa isang bayan at ililigtas ang iba na lalong imbi kaysa sa akin? Bakit
pahahalagahan pa ng Diyos na iyan ang aking mga kabuktutan kaysa daing ng mga maraming sala?
P.Florentino: Ang mga karapat-dapat ay kailangang magtiis uppang malaman at lumaganap ang kanilang
adhikain. May kaloob din ang Diyos sa mga pag-uusig ng mga maniniil, Ginoong Simoun! Magtiis at gumawa!
Simoun: Matiis! Gumawa! Siyang kalooban ng Diyos! Papaniwalain ang mga tao na ang kanilang kamatayan
ay kanilang kaligtasan, na ang kanilang paggawa ay siyang ikagiginhiwa ng kanilang tahanan. Magtiis.. mag-
hirap..? Anong uri ng Diyos iyan?
P.Florentino: Tanging ang pag-ibig ang nakalilikha ng mga kahanga-hanga. Tanging kabutihan ang
makapagliligtas. Ang kaligtasan ay nangangahulugan ng kabutihan. Ang kabutihan ay nangangahulugan ng
kabutihan. Ang kabutihan ay pagpapakasakit. At ang pagpapasakit ay pag-ibig.
(Naghingalo si Simoun)
Simoun: (Unti-unting naghingalo at namatay)
P.Florentino: (Tumingin at kinuha ang maleta ni Simoun at itinapon ito)
Simoun: Mali! Hindi ‘yan ang maleta ko! ‘Yung isa!
P.Florentino: Ayy! Sorry po! Sige na! Mamatay ka na uli!
Simoun: (Biglang bagsak)
P.Florentino: (Tinapon ang maleta) Itago ka nawa ng kalikasan sa kalalim-laliman ng dagat, na kasama ng
mga korales at mga perlas sa walang katapusang dagat… Matututuhan kang kunin ng Diyos sa sinapupunan
ng mga alon. Samantala, diyan ay hindi ka na maghahasik ng kasamaan, hindi mo; ililiko ang tala, diyan ay
hindi ka na maghihimagkis ng kasamaan. Hindi mo; Liliko ang katuwiran, at hindi ka mag-uudyok ng
kasakiman.
END OF KANATA 39 (YEHEY FINISHED)

You might also like