You are on page 1of 33

EL FILIBUSTERISMO

kabanata 1: Sa kubyerta

Narrator: Umaga ng Disyembre ng maglayag ang Bapor Tabo, patungong Laguna, sakay ang
napakaraming pasahero, habang binabagtas ang paliku-likong Ilog Pasig. Maituturing na ngang
barko ng lahing pilipino ang Bapor tabo o mas kilala sa tawag na daong ng pamahalaan dahil
pinamunuan ang mga Reverendos at Ilustrimos. Ito’y gawa sa bakal at animo’y hugis tabo, kung
saan nakuha ang pangalan nito. Nahahati ito sa 2 bahagi, sa itaas ay ang kubyerta at dito
matatagpuan ang mga manlalakbay na nakasuot- Europeo, mga prayle at mga kawani ng pribadong
tanggapan na nananabako habang tumitingin sa tanawin. Ang tanging babae lamang dito ay si Doña
Victorina na kahalubilo ang mga Europeo.

Doña Victorina: ( inis + taray+ pasosyal) Ang bagal naman ng bapor na ito! Hmpf! ( makakakita
ng small boats & indios) Hay! Ano ba naman ang mga maliliit na bangkang iyon?! Mga sagabal sa
daanan! Pati ang mga Indiyo! Dito pa sa ilog naliligo at naglalaba! ( inis~!) Mga perwisyo sa mundo!
Umagang-umaga, sinisira na nila ang araw ko! Mga Pesteng Indiyo!

>>mga tao nakatingin sa kanya, Doña Victorina deadma lang<<

Donya Victorina: Kapitan! (pupuntahan ang kapitan) Kapitan! Bakit sa bahaging iyon pumupwesto
ang mga hangal mong tauhan?

Kapitan: Dahil napakababaw roon, Señora (close eyes)

Donya Victorina: At bakit napakamahinahon ng takbo ng bapor na ito?! Hindi ba pwedeng bilisan
ang takbo ng makina?!

Kapitan: Sapagkat sasadsad tayo sa palayan, Señora (ituturo ang palayan through his lips)

Narrator: Abala sa pagkukwentuhan ang mga pasahero sa kubyerta na sinadya nila upang hindi
makahalubilo si Donya Victorina, dahil sa kanyang kayabangan.

Ben Zayb: Hay nako !! Ang Ilog Pasig ay masyadong paliku-paliko! Dapat ituwid ito! Dapat itong
ituwid! Dahil dito, mabagal ang pag-usad ng bapor!

Padre Camorra: Tama! Dapat hanapan nila ng paraan para palalimin ang ilog Pasig! Diba? Para
naman bumilis ang usad ng bapor at mga sasakyang pandagat!

>>adlib, Ben Zayb & P. Camorra sigawan<<

>>P. Salvi intervenes, quiet na sila<<

Padre Salvi: May Alam ka ba tungkol sa pantas ng agham, ha? Alam mo ba kung sino sila? (sabay
smirk) May isang tulay sa Puente del Capricho na hindi natapos dahil sa sinabi nilang mahina at
marupok daw ito? (parang matalino ang dating) Pero tingnan niyo buo parin ito hanggang ngayon
kahit anong dumaan lindol at bagyo, hindi parin ito nabubuwag!
Padre Camorra: Yan din ang nais kong sabihin! A- ang Puente del Capricho at ang mag pantas ng
agham, y-yan din ang aking sasabihin Padre Salvi.

>>Ben Zayb, tahimik lang & nakangiti; Padre Irene tahimik lang din, tumatango<<

Padre Salvi: (natutuwa) Ngunit hindi ibig sabihin ay wala kayo sa katwiran dahil ang problema ay
ang lawa (singit Doña Victorina)

Donya Victorina: (taray + pasosyal) Dahil walang maayos na lawa rito sa Pilipinas

>> nagkatinginan ang mga nag-uusap, enter simoun<<

Simoun: Madali lamang yan! At hindi ko mabatid kung bakit walang nakaisip nito! Dapat ito simulan
sa paghuhukay ng isang tuwid na kanal mula sa bunganga ng Ilog Pasig hanggang sa labasan nito
sa lagusan ng Maynila. Ang tuwid na kanal na ito ay magsisilbing ilog at ang lupng nakuha dito ay
itatambak sa luma. Hindi ka na nagsayang ng lupa, napaikli pa ang oras ng paglakbay, Oh diba?
Simple lang?

Ben Zayb: Ah! Isang planong yankee ang iyong naisip ( tango lahat except for Don Custodio)

Don Custodio: Ipagpaumanhin ninyo, Señor Simoun, ngunit hindi ako sumang –ayon. Tila yata
masyadong magastos at mapaminsala ang inyong panukala ( mayabang ang tono ng boses)

Simoun: Eh di, sumira kung kailangan! (Mahinahon ngunit nag iinsist ang dating)

Don Custodio: At saan naman kukunin ang salapaing ibabayad sa manggawa? (inis + yabang+ a
bit powerful)

Simoun: Pagtrabahuhin ang mga bilanggao at hindi sila babayaran. (nag iinsist pa rin)

Don Custodio: Ngunit hindi sapat ang kanilang bilang, Señor simoun.

Simoun: kung kukulangin ay pagawain natin ang taong bayan, ang mga matatanda, kabataan,
bata- pagtrabahuhin sila. Sa halip na sapilitang 15 araw, pagawain sila ng tatlo, apat, limang buwan
at pagdalhin sila ng sariling pagkain at gamit. Para ito sa bayan, diba?!

[nagulat si Don Custodio, then iterrupts]

Don Custodio: Subalit, S- Señor Simoun..

Simoun: Wag na kayong tumutol, Don Custodio, Sa ganyang paraan lamang maisasakatuparan
ang mahalagang proyekto nang walang kahit anong gastos. Sa ganitong sistema rin naitayo ang
mga tanyag na istruktura sa iba’t ibang bansa. Gaya ng piramide, Lawa ng Maoris at ang coliseo sa
Roma. Sa tingin ko ay isa itong magandang ideya. At isa pa pumupunta tayo sa roma at sa ehipto,
sinasamba ang mga Faraon at ang pamilya Antonina. Huwag na tayong maglokohan, ang patay ay
nananatiling patay at tanging malalakas lamang ang kinikilala.

Don Custodio: Ngunit, Señor Simoun, ang panukalang iyan ay maaring magdulot ng kaguluhan.
Simoun: Kaguluhan? Ha!Ha!Ha! naghimagsik ba ang mga taga-ehipto kahit minsan? Lumaban ba
ang mga bilanggong Hudyo kay Tito? Ginoo, akala ko’y marami kayong nalalaman sa kasaysayan?

Don Custodio: Hindi mga taga ehipto o mga hudyo ang kakaharapin ninyo!

[Pasok si P. Sibyla]

P. Sibyla: At ang mga taong ito ay minsan ng naghimagsik, nang obligahin silang magbuhat ng
malalaking troso para sa paggawa ng isang barko.

Simoun: Ngunit lumipas na ang mga panahon na iyo. Ha!Ha! Ang bansang ito ay hindi
maghihimagsik kahit pagawain man ng mabigat o patawan ng mataas na buwis. Maari silang..
(lingon kay P. Salvi) hindi ba’t nabanggit ninyo sa akin, Padre salvi, ang bahay-pagamutan sa Los
Baños kung saan naroon ngayon ang kanyang kamahalan? Hindi ba’t kayo mismo ang nagsabing
naitayo ang bahay pagamutan na iyon dahil sa sapilitang pagpapagawa sa taong bayan sa
pamumuno ng isang relihiyoso at sa mando ng latigo? Maaring sa ganitong paraan din itinayo ang
Puente del Capricho, ngunit nag-aklas ba ang taong bayan?

[magsasalita na sana si P. Salvi ngunit sumingit sai Simoun]

Simoun: Hindi! Ang sinabi ay sinabi na. Kaya’t huwag na kayong bulong ng Latin, Padre Sibyla.
Para ano pa nandiyan kayong mga prayle kung mag-aaklas din lang ang mga taong bayan?

[napahiya si P. Salvi, Don Custodio, at namutla sa galit]

Don Custodio: Amerikanong Mulato! (inis + galit)

Ben Zayb: Isang indiyong ingles. Nakilala siya ng kapitan-heneral sa Havana at sa aking palagay
ay pinahiram niya ito ng pera. Dahil dito, nag babayad-utang ang kapitan Heneral kaya’t
pinahintulutan siyang makaparito at gawin ang naisin. Magpayaman sa pagbebenta ng mga alahas
na maaring hindi totoo. Napakawalang- utang na loob na matapos perahan ang mga Indiyo! Pwe!

Don Custodio: ang mga panukalang hindi isinasangguni sa mga taong matagal nang naninirahan
dito sa Pilipinaas ay hindi magdudulot ng maganda. Isang panukalang nangangailangang pag-ukulan
ng malaking halaga. May isang bagay akong imumungkahi sa inyo (sasabat sana si Ben Zayb but
nagpatuloy si D. Custodio) Bago ang ano pa man, may nais akong ipanukala na mas payak, kapaki-
pakinabang at para sa ikalilinis ng lawa. (Ben Zayb interrupts)

Ben Zayb: At ano naman ang proyektong ito???

Don Custodio: Nakakita na ba kayo ng itik?

Ben Zayb: Sa inyong palagay hinuhulinnamin iyon sa lawa. (naguguluhan + medyo nagulat)

Don Custodio: Hindi, Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang tinutukoy ko ay tulad ng inaalagaan sa
Pasig at Pateros. Alam ba ninyo ang kinakain nila? ( nagmamayabang)

Padre Camorra: Ngunit, ano naman ang kinalaman nito sa proyektong ito?
Don Custodio: Papag-alagain ko ng itik ang lahat ng naninirahan sa baybayin ng lawa at makikita
ninyo ang palalalimin ng mga itik ang ilog sa paghuhuli ng makakaing suso. Ganyan ka-simple ang
aking panukala.

Ben Zayb: Papahintulutan po ba ninyo akong ilathala ang kanyang panukala?

Doña Victorina: Ngunit, Don Custodio... kung ang lahat ng tao sa baybayin ng lawa ay mag-
aalaga ng itik ay dadami ng balot. Nakakadiri! Mabuti pang taburan na lang yang lawang iyan! Hay
naku!

END OF KABANATA I
Kabanata 2

-Sa Ilalim ng Kubyerta-

Narrator: Dumako naman tayo sa ilalim ng kubyerta, kung saan iba’t – ibang tagpo ang
masasaksihan gawa ng nandito ang karamihan ng mga pasahero. Sila’y nakaupo sa mga bangko at
bangkitong kahoy, katabi ng mga maleta, bakol at tampipi, dalawang hakbang mula sa mainit na
makina na syang sanhi ng makabutas-bagang amoy ng langis at umaalingasaw na amoy ng tao.
Lahat sila ay abala sa iba’t-ibang bagay tulad ng pagninilay sa tanawin, paglalaro ng baraha at
pakikipag-kwentuhan gaya na lamang nila BASILIO at ISAGANI.

[Basilio, Isagani & Kapitan Basilio, nag-uusap, the others; adlib]

Basilio: Hay.. gaya pa rin ng dati si Kapitab Tiyago, ayaw magpagamot kaninuman, kaya’t
pinuntahan ko siya sa San Diego ngunit mas nais niya pang mapag-isa upang malaya siya
makagamit ng opyo.tsk tsk.. (umiiling)

Kapitan Basilio: Tunay ngang salot ng modernong panahon ang opyo. Kahit alam ng mga
matatanda ang kasaysayn ng opyo, hindi parin nila ito inabuso at habang popular ang klasikong
pag-aaral, ang opyo ay isa lamang medisina. Alam naman natin na ang mga intsik, na hindi
marunong mag latin ang lubos na naninigarilyo na opyo. Ah! Kung inihandog lamang ni Kapitan
Tiyago kay Cicero! Tungkol naman sa Akademya ng Wikang Kastila. Sinisiguro ko sa inyo na hindi
ninyo ito maisasakatuparan.

Isagani: Maisasakatuparan po, Señor. Nangako sa amin si Padre Irene na niregaluhan namin ng
isang pares ng kastanyong kabayo. Siya ay makikipagkita sa Kapitan- Heneral.

Kapitan Basilio: Hindi iyon mahalaga! Sasalungat pa rin kayo ni Padre Sibyla.

Isagani: Hayaan ninyo siyang sumalungat. Nandito yan ngayon sa bapor dahil magtutungo siya sa
Los Baños kung nasaan naroon ang kapitan-heneral.

Kapitan Basilio: Oo nauunawaan ko. Pero saan naman kayo kukuha ng Pondo???

Isagani: Mayroon din kami, Señor. Bawat estudyante ay mag-aambag ng isang real.

Kapitan Basilio: Subalit... paano ang mga propesor?

Basilio: Mayroon na rin po. Kalahati po sa kanila ay mga Pilipino at ang kalahati naman po ay mga
kastila.

Kapitan Basilio: at ang gusali?

Basilio: Si Macaraig, ang mayamang si Macaraig ay pahihintulutan kaming gamitin ang isa sa
kanyang mga bahay.

Kapitan Basilio: Gaya ng layo ng pagtakbo nito, hindi narin ganoon kasama ang inyong ideya.
Yaman din lamang na hindi kayo masyadong mahusay sa pagsasalita ng Latin, ay pag-aaralan
nyong mag Kastila man lang. Yan ang patunay kung bakit paurong ang ating pag-usad. Noong
panahon namin ay natuto kaming mag-Latin dahil sa mga aklat namin ay nakalimbag sa Latin.
Ngayon naman ay nakalimbag sa wikang Kastila ang inyong mga aklat ngunit hindi naman kastila
ang ginagamit nilang pangturo! Hay! Aetas paretium pejor avis tulit nos nequiores! Ang katandaan
ng ating mga ama, na mas masama pa sa kanilang mga ama, ay nagdudulot ng mas masama sa
kanila

Isagani: Tingnan mo itong mga makalumang tao, lagi nilang nakikita nag kahirapan sa lahat ng bagay. Mas
mapapansin pa nila ang kakulangan kaysa sa kabutihan nitoat nais nilang maging maayos sa lahat ng bagay..
Hay naku!!

Basilio: Mukhang palagay siya sa tiyo mo dahil sa pag-uusap nil sa makalumang panahon.. Maiba
lamang, ano nga pala ang sabi ng tiyo mo tungkol kay Paulita?

(kinikilig si Isagani)

Isagani: uhmm… pinangaralan niya ako tungkol sa pag-aasawa. Sinabi ko sa kanya na walang
katulad si Paulitang kaibig-ibig, edukada at isang ulila dito sa Maynila.

Basilio: Tama ka! Siya’y mayaman, maganda, matalino at walang kapintasan maliban na lang sa
Tiya niyang mapangutya. (tatawa sila ni Isagani)

Isagani: Napag-usapan na rin lang ang kaniyang Tiyahin. Alam mo ba na nakiusap siyang hanapin
ko ang kanyang asawa?

Basilio: (nabigla & nagtataka) S-si Donya Victorina? At nangako ka pa para lang mapanatili ang
inyong kasintahan?

Isagani: natural! Pero ang problema ay natatago ang kanyang asawa… sa bahay ng aking tiyo!
(tatawa ulit sila) Yan ang dahilan kung bakit hindi nagpupunta sa kubyerta ang aking tiyo. Baka raw
kasi usisahin siya ni Doña Victorina tungkol kay Don Tiburcio.

(simoun pababa then sasabat)

Simoun: Kamusta Basilio? Bakasyon na ba kayo? Ang maginoo bang ay iyong kababayan? ( titigan
si Isagani mula Ulo hanggang paa, titingin ng masama si isagani) kamusta? Naman ang buhay niyo
sa lalawigan? (nakitingin kay Basilio)

Basilio: (nagtataka) bakit? Hindi ba kayo pamilyar dito?

Simoun: paano ko malalaman kung hindi pa ako nagtutungo doon? Nasabihan lamang ako na
napakahirap ng mga tao doon kaya’t hindi sila bumibili ng alahas.

Isagani: (galit & firm ang boses) Hindi kami bumibili ng alahas sapagkat hindi naming ito
kailangan!

Simoun: teka-teka… huwag kayong magalit binata. Ngunit dahil naisip ko lang na halos lahat ng
mga parokya ay hawak ng mga prayleng indiyo na ang mga prayle ay mamamatay para sa parokya
at ang mga pransiskano’y kuntento sa mahirap na pagkukurahan kaya’y pag ibinigay iyon sa mga
klerigong indiyo ay dahil makikilala ang mukha ng hari roon… ah! Siya nga pala halikayo mga binata
at uminom tayo para sa kaunlaran ng inyong lalawigan.

Basilio: maraming salamat po Señor… ngunit hindi po kami umiinom ng alak.

Simoun: (disappointed) Mali iyang ginagawa niyo! Mabuti ang alak sa katawan!.. sabi nga ni Padre
Camorra ay kakulangan ng siglang bayang ito ay buhat sa mga naninirahang umiinom ng sobrang
tubig.

(sasabat si isagani pero sisikuhin siya ni basilio)

Basilio: ah!… mabuti . sabihin niyo kay Padre Camorra na kapag uminom siya ng tubig sa halip na
alak o serbesa, marahil ay makikinabang ang lahat at hindi pagkakaabalahan pa ang mga sabi-sabi.

Isagani: (seryoso & galit) sabihin ninyo sa kanya, na ang tubig ay matamis at maaring inumin;
nilulunod nito ang alak o serbesa at pinapatay ang apoy. Kapag pinainitan ang tubig, ito ay nagiging
singaw; kapag ginambala naman, nagiging dagat na minsang nagwasak sa sangkatauhan at
gumimbala sa buong mundo.

Simoun: (nagulat) hmmm… magandang sagot, pero nangangamba ako na tanggapin ito ni Padre
Camorra bilang biro at tanungin ako kung kailan nagiging singaw ang tubig at kailan ito nagiging
isang dagat.

Isagani: (galit & seryoso) kapag naiinitan ng apoy ang tubig, magiging singaw ito. Magiging dagat
naman ito kapag ang maliliit at hiwa-hiwalay na ilog ay sama-samang pinakilos ng tadhana, bunga
ng kasawian sa banging hinuhukay ng mga tao.

Basilio: (pabiro ang tono) hindi, Señor Simoun. Higit na mabuting sipiin itong tula ng aking
kaibigang si Isagani:

“Tayo ay tubig, at ikaw ay apoy, animo;

sapagkat nais mo ito, sa gayon hayaan natin ito!

Tayo ay namuhay nang magkasama

At ang apoy ay kailanman hindi tayo magkatagpo!

Ngunit pinagbuklod ng marunong na siyensiya,

Sa pagkukuluan ng maalab na sinapupunan,

Nang walang galit, walang dahas,

Tayo ay umanyong singaw, ang ikalimang elemneto,

Pagsulong, buhay, liwanag at pagkilos!”


Simoun: pangarap! Hmpf! Ang makina ay halos magkabanggaan. Samantala, kukunin ko ang
serbesa. (exit)

Basilio: ano ang nangyari sa iyo?

Isagani: (pailing-iling) kakaiba ang taong iyon, nakadarama ako sa kanya ng pangingilabot, halos
takot…

Basilio: Sinisiko na kita pero hindi mo pa rin ako pinapansin. hindi mo ba alam na tinatawag nila
ang isang iyon na kayumangging kardinal? Ha?

Isagani: ANO?! Kayumangging kardinal?!

Basilio: O kaya naman itim na kabunyian, kung gusto mo.

Isagani: Ha? (pailing-iling & confused) Hindi kita maintindihan…

Basilio: o sige, ganito lang yon, si Richelieu ay may tagapayong unggoy na tinatawag na abuhing
kabunyian. Tapos, si Señor Simoun naman ay ang tagapayo ng Kapitan-Heneral.

Isagani: ANO?!… Talaga?!.. totoo ba’ng sinasabi mo?

Basilio: Haay.. gaya ng narinig ko sa kung sino na pinupuri siya kapag nakaharap ngunit patalikod
na nagsasalita laban sa kanya.

Isagani: Binibidita rin ba niya si Kapitan Tiyago?

Basilio: Mula ng dumating siya ay itinuring na siyang tiyak na karibal para sa mana. Alam kong
makikipagkita siya sa Kapitan-Heneral tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila.

Lalaking taga-silbi: (punta kay Isagani) pinapatawag po kayo ng inyong tiyuhing si Padre
Florentino.. (aalis ang taga-silbi & Isagani)

Narrator: isa sa mga bangko sa likurang bahagi ng kubyerta, kanilang ang ibang mga pasahero ay
nakaupo si Padre Florentino na nakatitig sa tanawin . natatangi siya sa katutubong Pari dahil wala
siyang bisyo at mapagkumbaba sa karamiha. Naging malungkot ang kanyang karanasan sapagkat
hindi niya ginustong pumasok sa seminaryo, sinunod lamang niya ang kahilingan ng kanyang ina.
Siya nagmula sa isang mayamang pamilya na taga-Maynila ngunit kailanman ay hindi niya
naramdam ang pagpaparing bokasyon. Ngunit dahil sa matinding pagkakainigan ng kanyang ina sa
arsobispo ay tuluyan na siyang naging pari sa gulang na 25. dahil ditto ay nagpakasal sa iba ang
babaing kanyang pinakamamahal. Nagretiro siya noong sumiklab ang kaguluhan ng 1872 at mula
noon ay namuhay siya ng payapa sa baybayin ng Dagat Pasipiko kasama ng kanyang Pamangking si
Isagani.

Kapitang ng Barko: Padre Florentino, halikayo at umakyat tayo sa kubyerta dahil naroroon ang
mga prayle at kung hindi ka aakyat ay maiisip nilang ayaw niyong makisalamuha sa kanila

(tatango si Padre Florentino then aalis ang kapitan)


Padre Florentino: Buti na lamang at nasabihan ko si Isagani na huwag umakyat ng kubyerta…
haaay!

Narrator: Habang nasa Kubyerta ay naiisip ni Isagani na iniiwas siya ng kanyang tiyo na makausap
si Doña Victorina.

(nagiisip si Isagani)
Kabanata 3: MGA ALAMAT

(tawanan. Entrance padre florentino, bati)

Padre Sibyla: (habang tumatawa) Masamang panahon! Masamang panahon!

Padre Irene: Hindi naman! Huwag ninyong sabihin ‘yan… Sa Hong Kong, naisasagawa ninyo nang
maayos ang inyong mga gawain! Nakapagpapatayo pa nga kayo ng gusali eh… Doon ‘yon!

Padre Sibyla: Tingnan ninyo! Hindi ninyo nakikita ang aming mga gastusin. Ang mga nangungupa-
han sa aming mga biyenes ay nag-uumpisa nang magreklamo.

Padre Camorra: (masayang sasabat) Huwag na! Tama na ang pagdaing ninyo kung hindi ay
mananangis ako. Nagsisimula nang dumaning ang mga indiyo. Tignan ninyo, gusto na nila
ngayon banggitin ko ang mga halaga na itinakda ng arsobispo na si Don Basilio Sanchez
upang hindi na tumaas ang presyo ng bilihin.

(aakyat si simoun)

Don Custodio: saan kayo nanggaling? Hindi ninyo naabutan ang pinakamagandang bahagi ng
byahe!

Simoun: (habang paakyat) Tsk! Nakakita na ako ng napakaraming ilog at tanawin kaya interesado
lamang ako sa mga bagay na nagbibigay ng mga alamat.

Kapitan: (sisingit) mga alamat!? Mayaman ang ilog pasig diyan… mayroong alamat ng “malapad na
bato”. Ito’y tungkol sa isang bato na sinasabing sagrado dahil tahanan daw ito ng mga
espirito. Pero nawala rin ang paniniwala na banal ang bato kaya ginawa itong kanlungan ng
mga tulisan at bandido. Mula sa tuktok ng bato, madali nilang nahaharang ang mga
dumadaan. Lumipas ang panahon, nagpatuloy ang kwento tungkol sa mga tumataob na
bangka… Mayroon pang ibang alamat… tulad ng alamat ni donya Geronima. Di ba padre
florentino? Maari mo bang ilahad ito sa amin?

Padre Florentino: Naku! Wag na. Alam na yan ng buong mundo… (Tinginan sina Simoun, Ben
Zayb, Padre Irene at Padre Camorra)

Simoun: paumanhin.. pero di po namin alam ang alamat na yan. (kukulitin si padre florentino na
ikwento na)

Padre Florentino: (Sigh) sige na nga… dati raw may isang estudyante na nangakong magpakasal
sa isang dalaga sa kanilang nayon, ngunit nakalimutan niya ito. Dahil sa tapat ang dalaga ay
naghintay siya para sa lalaki… lumipas ang panahon at inaksaya niya ang kanyang kabataan
sa paghihintay.

Ben Zayb: anong nangyari sa lalaking nangako sa kanya?

Padre Florentino: ayun! Nabalitaan na lang ng dalaga na naging arsobispo na ang kanyang
minamahal sa Maynila… dahil dito, nagdamit ng panlalaki ang babae at pumunta sa maynila
para hanapin ang lalaki. Nagpakilala siya dito upang hinging tuparin ang pangako niya sa
kanya. Imposible ang hiling na ito, kaya nagpatayo ang arsobispo ng isang kweba kung saan
maninirahan ang babae. Sa kwebang ito namatay at inilibing si Donya Geronima. Ayon sa
kwento dahil sa sobrang katabaan ni donya geronima kailangan niyang pumasok ng patagilid
sa kweba sumikat siya bilang engkantada dahil sa kaugalian niyang pagtatapon ng pilak na
plato. Isang lambat ang hinahatak sa ilalim ng tubig na nakakasalo sa mga nahugasang
kagamitan. Dalawang taon na ang nakalipas at nabubura na ang alaala ng mga indiyo kay
donya geronima.

Ben Zayb: ABA! Isang magandang alamat yan ha? Gagawa ako ng artikulo tungkol diyan.

(sasabat sana si Donya Victorina ngunit naputol siya ni Simoun)

Simoun: Ano ang masasabi ninyo, Padre Salvi? Sa tingin ninyo, tama ba na binigyan ng arsobispo
ang babae ng kweba? Hindi ba’t mas mabuti kung sa beateryo na lang siya dinala?
Halimbawa… (mag-iisip kunwari) sa Santa Clara?

(padre sibyla & padre salvi na-shock)

Simoun: Dahil hindi isang asal maginoo ang pagbibigay ng isang kweba upang matirahan ng isang
taong binigo natin ang pag asa. Mas marangal kung siya’y dinala sa beateryo ng Santa
Clara. Anong masasabi ninyo?

Padre Salvi: Hindi ko maaring husgahan ang inasal ng arsobispo.

Simoun: Ngunit kayo na panrelihiyong gobernador ng simbahan na siyang tumatayo sa lugar ng


arsobispo, ano ang maari niyong ginawa kung nangyari sa inyo ‘yon?

(Nagkibit balikat si Padre Salvi at kalmadong tumugon)

Padre Salvi: Walang katumbas ang sakit ng pagninilay… Ngunit dahil mga alamat ang pinag
uusapan natin, huwag natin kalimutan ang himala ni San Nicolas! ikukwento ko ito kay Señor
Simoun na maaring hindi ito alam.

Ben Zayb: sige nga ito’y ikwento ninyo.

Padre Salvi: dati, ang ilog ay puno ng mga buwayang sobrang laki na nagpapataob sa mga bangka
sa pamamagitan ng pagpalo ng kanilang buntot. Isang araw may isang taksil na intsik, na
tumagging maging kristiyano, ang dumaan sa may simbahan ngunit may nagpakita sa
kanyang demonyo sa anyong buwaya at tinaob ang kanyang bangka upang lamunin siyaat
dalhin sa impyerno. Inspirado marahil ng Diyos ang intsik sa mga oras na iyon kaya’t
humingi siya ng tulong kay San Nicolas at sa isang iglap ay naging bato ang buwaya.
Sinasabi ng mga nakakatanda na sa panahon nila ay madaling makilala ang halimaw sa mga
nakasabog na piraso ng bato na naiwan doon. Ako mismo ay nakasisiguro sa inyo na kaya
ko paring makilala ng malinaw ang ulo ng buwaya. At kung titignan iyon napakalaki ng
halimaw.

Ben Zayb: (tinig pang propesor at ang hintuturo niya ay gumuguhit ng mga bilog sa hangin)
Nakamamangha-nakamamanghang alamat. Npakagandang batayan para sa isang artikulo.
Ang mga katangian ng halimaw, ang tubig ng ilog, ang mga palumpon ng damo…mainam na
paksa sa pag-aaral ng relihiyon. Kakatwa ang intsik na nakahingi ng tulong sa kalagitnaan
ng panganib sa isang santong nadinig niya lamang sa iba at hindi niya pinaniniwalaan.

(Napatingin si Ben Zayb kay Simoun na mukhang nag aalala tpos tatanungin kung ano ang iniisip
nito)

Simoun: (seryoso sa pagsasalita tpos ung hintuturo nkapatong sa noo) tungkol sa dalawang
mahahalagang bagay, dalawang katanungan na maaari ninyong isama sa inyong artikulo.
Una, anong maaaring nangyari sa demonyo pagkakita nito sa sarili na bigla na lamang
nakulong sa isang bato? Tumakas ba siya? Nanatili ba siya doon? At ikalawa, maaari bang
ang mga pinatigas na hayop na aking nakita sa iba’t ibang museo sa Europa ay mga biktima
ng isang makalumang santo?

Padre Camorra: (sisingit sa paguusap) Sinong nakakaalam? Sinong nakakaalam?

Padre Sibyla: Tutal ay mga alamat ang ating pinaguusapan, tayo ay pumasok sa lawa.

(desribe ang lawa at bundok namadadaanan )

Ben Zayb: Siya nga pala kapitan, alam ba ninyo kung sang bahagi ng lawa namatay ang isang
nagngangalang Guevarra, Navarra o Ibarra?

(lahat titingin sa kapitan except simoun na parang may hinahanap dun sa mga baybayin )

Doña Victorina: Ay oo! Saan kapitan? Maari bang may naiwang mga bakas sa katubigan?

(napakurap ang kapitan, nayamot, ngunit nagpakita ng pagsusumamo ang mata ng lahat,
nagpatuloy sa paglalayag at tumingin sa baybayin)

Kapitan: (nananakot & siniguradong walang nakikinig na iba) Tumingin kayo roon, ayon sa
naghanda ng pagtugis, nang mapagtanto ni Ibarra na napapalibutan na siya ng mga guardia
ay tumalon siya mula sa bangka malapit sa kinabutasan. Pagkatapos ay lumangoy siya ng
distansiyang mahigit sa dalawang milya; pinauulunan siya ng bala sa tuwing aangat ang ulo
sa paghinga. Sa mas malayo pa ay nawala na ito sa paningin ng mga tumutugis at sa kaunti
pang distansiya, malapit sa baybayin, nakita nila ang tubig na nagkulay dugo na. Ngayon ay
eksaktong labintatlong taon na ang nakalipas nang maganap iyon.

Ben Zayb: at ang bangkay niya?

Padre Sibyla: kasama ng kanyang ama, hindi ba’t isa rin siyang Pilibustero, isang rebelde, Padre
Salvi?

Ben Zayb: Iyan ay talagang walang kwentang libing, hindi ba Padre Camorra?

Padre Salvi: (habang tumatawa)lagi kong napapatunayang ‘yang mga rebelde ang siyang hindi
nagbabayad ng marangyang libing.
Ben Zayb: (nakita si simoun na walang imik at malalim ang iniisip) Ano’ng problema, Señor
Simoun? Nakakaramdam ba kayo ng pagkahilo? Kayo na isang beteranong manlalakbay, at
ditto pa sa ilog na ito na tulad lamang ng isang patak ng tubig?

Kapitan: (huminto sa pagmamasid ng tanawin) Kung ganoon, hayaan ninyong sabihin ko sa inyo,
hindi ba’t tinatawag mo itong isang patak ng tubig lamang? Nagkakamali kayo sapangkat
ang lawang ito ay mas malaki pa sa anumang lawa sa Swiza at sa pinagsama-samang lawa
sa Europa. Nakakita na ako ng datihang manlalakbay na sumama ang pakiramdam dito.
KABANATA IV

Narrator: Sariwa pa sa alaala ni Tandang selo ang pagkalinga niya kay Basilio bagama’t pumuti na
ang kanyang buhok. Gumanda na ang kanilang pamumuhay kaya’t hindi na siya
nangangahoy tulad ng dati; bagkus ay abala naman siya sa paggawa ng walis.

(Tandang Selo & Kabesang Tales)

Kabesang Tales: (sigh) Itay, dahil sa aking pagsisikap ay malapit na nating maabot ang ating mga
pangrap… haay! Sa wakes!

Tandang Selo: tama ka anak… kung may tiyaga may nilaga, ika nga magpapatuloy ka lang sa
iyong adhikain at huwag sumuko…

Kabesang Tales: (naging malungkot) sayang nga lang at wala na ang aking mag-ina upang
sakisihan ang natatamasa nating tagumpay…

Tandang Selo: (tatapikin si K.Tales sa balikat) Hay, anak… huwag mo masyadong isipin ang
pagkamatay ni Lucia at ng iyong asawa, ang mahalaga ay nandito pa kami nila Tano at Juli
para sa iyo.

Kabesang Tales: (tatango) Maraming salamat ama.. (biglang may maalala) Siya nga pala may
dumating kaninang mga Relihiyoso at sinabi na pagmamay-ari daw nila ang lupain na ito..

Tandang Selo: Ganun ba? Ano naman ang napagkasunduan ninyo?

Kabesang Tales: Napagkasunduan naming magbabayad ako ng dalawampung piso o tatlumpung


piso taun-taon bilang upa natin sa kanilang lupain… Haay! Naku! ( malulungkot uli &
disappointed)

Tandang Selo: pagpasensiyahan mo na lang, dahil kung kakalabanin mo sila sa korte ay malaki
ang magagastos mo. Isipin mo na lang na natalo sa sugal ang tatlumpung piso mo o kaya ay
nahulog sa tubig at nalulon ng buwaya.

Pagkalipas ng isang taon…


Kabesang Tales: (galit & inis) Argh! Sumusobra na talaga ang mga prayleng yan!..

(papasok si Tandang Selo & Juli)

Tandang Selo: O! Anak, bakit?.. anong nangyari?

Kabesang Tales: (galit & inis) Paano, yang mga prayleng iyan nais nila akong pagbayarin ng
Limampung piso taun-taon imbis na tatlumpung piso na siyang napagkasunduan… sumosobra na
talaga sila!

Tandang Selo: Magpasensiya ka pa! Isipin mo na lang na dumating ang mga kamag-anak ng
buwaya. (tapik sa shoulders ni K. Tales)
Juli: (malungkot) Ngunit paano na ako makakapag-aral sa Maynila? Kailan ako magkakaroon ng
magandang damit?

Tandang Selo: hayaan mo, sa susunod na taon ay makakapagsuot ka na rin ng mahahabang


bestida at makakapagaral sa Maynila tulad ng ibang kababaihan. (Juli nods)

Narrator: ngunit dumating ang taong iyon ngunit wala pa ring nangyayari sa pangako kay Juli. Lalo
pang tumaas ang buwis sa lupa ni Tales kaya’t napakamot na lamang siya ng ulo.

Kabesang Tales: Hindi maari!.. kailangan gumawa ako ng paraan, hindi sapat na magkamot
lamang ako ng ulo.. ngunit paano ko mababayaran ang dalawangdaang piso na hinihingi nila sa
akin? (pailing-iling)

(papasok si tandang selo)

Tandang Selo: anak, gaya ng magpasensya ka hangga’t kaya mo… huwag kang sumuko ng basta-
basta.

Kabesang Tales: (malungkot) Pero itay, kukunin nila lahat ng meron tayo kapag hindi ako
nakapagbayad… at ayokong masayang lang ang pinaghirapan natin sa loob ng ilang taon…

Tandang Selo: Ano na ang balak mong gawin?

Kabesang Tales: (galit at inis) Magrerebelde ako!… hindi ako magbabayad ng kahit isang sentimo
at isusuko ko lamang ang lupaing ito sa sinumang magdidilig ng sarili niyang dugo rito!
Tandang Selo: (nagmamakaawa & nagaalala) ANAK! Maghunos dili ka! Iyan huwag na huwag
mong gagawin… tandaan mo na ang sinumang nanalo sa korte ay naiiwang hubad.
Kabesang Tales: (galit) ipinanganak tayong walang saplot sa katawan, itay. At kapag tayo’y
namatay, babalik tayo sa pagiging abo.
Narrator: Hindi pa rin nagbabayad si kabesang Tales at ipinaglaban ang karapatan niya sa lupain.
Nakasalalay ang kinabukasan ng kanyang pamilya sa kasong kanyang ipinaglalaban.
Kabesang Tales: Kung araw-araw ay maglilimos ako sa isang pulubi upang hindi niya ako gambalain,
sinong magsasabi sa akin na patuloy kong limusan ang pulubi gayin inaabuso na niya ang aking kabaitan?
Narrator: Walang sinuman ang makaimpluwensiya kay Tales na umatras sa laban. Maging ang
Gobernador ay kinausap siya upang takutin ngunit hindi siya natinag nito.

Tandang Selo: (nag-aalala) Anak.. hindi ka ba nababahala sa sitwasyon mo? Maging ang
gobernador ay kianausap ka na ngunit hindi ka pa rin natakot o nagpaapekto man lang.

Kabesang Tales: (galit & pailing-iling) HMF! Walang sinuman ang makapipigil sa akin.. hindi ko
isusuko ang lupain iyon, maliban lamang kung may hihigit sa sakripisyo ko sa pagpapalago ng
lupaing iyon.

Narrator: Natalo si kabesang Tales laban sa mga prayle ngunit umapela siya sa laban ditto. Dinala
niya ang kanyang baril at nagpatrulya sa paligid ng lupain.
(tano kinuha ng militar)

Tano: (umiiyak & hinihila ng mga militar) Itay, Tulungan niyo po ako!
Juli: TANO! (iiyak & titingin kay k. Tales) Itay, anong gagawin natin?
Kabesang Tales: (naiiyak na pero pinipigilan) Hindi ko alam.. kailangan kong magbayad sa mga
abogado.. kapag nanalo ako sa kaso, alam ko kung paano siya mababawi muli at kapag natalo ako,
hindi ko rin naman siya kakailanganin pa.
Narrator: Marami na ang nangyari paglipas ng ilang buwan. Pinaghinalaan ding mamamatay tao si
Kabesang Tales dahil sa pagdadala niya ng baril. Dahil dito ay ipinag-utos ng Kapitan-Heneral na
ipagbawal ang pagdadala ng baril at kukumpiskahin ang mga ito sa sinumang magtangkang
lumabag sa kautusan. Isinuko naman ni Tales ang kanyang baril ngunit nagdala pa rin ng itak.
(Tandang selo & Tales)
Tandang Selo: haay naku anak.. ano ang laban ng itak sa mga armas ng tulisan?
K. Tales: Kailangan kong protektahan ang lupang binungkal ko at bawat tubo na makiktang
umusbong sa lupain na iyon ay katumbas ng buti ng asawa ko.
Narrator: Isang araw ay nahuli si Tales ng mga tulisan at natalo siya laban sa mga ito.
(Juli & Tandang Selo naguusap)
Juli: (nangangamba) Ano na po ang gagawin natin lolo? Natatakot po ako para kay itay?
Tandang Selo: Sa tingin ko ay kailangan nating manghingi ng tulong sa gobernadorsilyo, sa
hukom, sa eskribador at sa tinyente ng guardia civil kung maari… Ibenta mo ang mga natitira
sa’yo… sadyang napakalupit ng tadhana para sa atin.

Juli: Paano kung hindi pa sapat ito upang ipang bayad sa mga tulisan? Maari ng matapos ang
palugit nila sa atin na 2 araw. Kung hindi ay pupugutan nila si Itay (naiiyak)

Tandang Selo: Hayaan mo, iha... Huwag kang mawalan ng pag-asa (iko-comfort si Juli)

Narrator: marami ang tumulong sa mag-lolo. Kabilang dito ay si Hermana Bali.

[Hermana Bali + Juli usap w/ other kapit bahays]

Hermana Bali: Sa tingin ko Juli, isangla mo na lang ang inyong bahay sa halagang dalawang daan
limampung piso at bayaran mo na lamang ito kapag nanalo sa kaso.

Juli: Ngunit hindi ko po ito maaring gawin... ito na lamang po ang natitirang pag-aari namin.

[pasok si Hermana Penchang]

Hermana Penchang: Nabalitaan ko ang inyong sinapit...papautangin kita sa isang kundisyon.

Juli: Maraming salamat po...kahit ano gagawin ko para sa aking ama.


Hermana Penchang: Manilbihan ka bilang katulong sa akin.

Juli: Po?! (teary eyed) s-sige po... pumapayag na po ako.

Hermana Penchang: Magaling! Bukas ng umaga ay magsimula ka na... maliwanag ba?!

Juli: Opo... Maraming salamat po (malungkot)

Narrator: Di nagtagal ay nalaman ito ni Tandang Selo at lubha niya itong ikinalungkot. Maging si
Juli ay nalungkot sa sinapit ng kanyang pamilya. Lalo na at bukas na ang dating ni Basilio galing
Maynila.

Juli: Hindi ko na maaring mahalin si Basilio... dahil malalaman niyang hinayaan kong magdusa
kaysa ibenta ang laket niya... Paalam mahal ko

~KATAPUSAN NG KABANATA IV~

Kabanata V (Noche Buena ng isang kutsero)


Narrator: Narating ni Basilio ang bayan ng San Diego kung saan ginaganap ang prusisyon para sa
pagdiriwang ng gabi ng kapaskuhan ngunit...

Guardia Civil: Nasaan ang iyong sedula?

Kutsero: Po???.. Naku, mukhang naiwanan ko yata iyon.. Pasensya na po Señor.

Guardia Civil: Anong pasensya?! Hindi Maari ito!... Bumaba ka sa iyong karwahe (GALIT)

Kutsero: Maawa na po kayo Señor, Hindi kopo sinasadyang maiwanan ang aking sedula.

Guardia Civil: Sa kampo ka na mag-paliwanag!

Narrator: Matapis ang pangyayaring iyon ay naantalang muli ang kanilang paglalakbay ng
magsimula na annng prusisyon.

Kutsero: (sign of the cross) Ama namin.. Señor, tuwing panahon ng mga santo ay siguradong
walang guardia civil. Hindi mabubuhay ng matagal ang mga iyan kung may mamalo ng dulo ng
baril.

Narrator: Pagkatapos ng imahen ni Matusalem ay sumunod ang tatlong Mago na sakay ng maliliit
na kabayong sumasayaw.

Kutsero: wala ngang kahit isang guardia civil noon, kundi yang itim na nasa gitna ng dalawang
Español ay tiyak mapupunta sa piitan… hay! Alam ba ninyo Señor kung ang kanyang kanang paa ay
malaya na ngayon?

Basilio: Huh?! Kanang paa? Kanino?

Kutsero: Sa hari po..

Basilio: Sinong hari?

Kutsero: Ang ating hari, ang hari ng mga indiyo

[ napangiti si Basiilio, nag buntong hininga ang kutsero then kwento about the history of Bernardo
Carpio]

Kutsero: Kapag nakalaya na ang kanyang kanang paa, ibibigay ko sa kanya ang aking kabayo.
Maninilbihan at mamatay ako para sa kanya…palalayain niya tayo sa kamay ng mga guardia civil.

Narrator: Dumating ng ang grupo ng mga batang lalaki na may dalang ilaw, kandila at parol na

papel, kasunod si San Jose at ang Birheng Maria.. Naging abala sa panunood ang kutsero.

Basilio: Ginoo, magpatuloy ka na.. (deadma lang & tingin sa paligid)

Guardia Civil: Namatay ang ilawan ng inyong kartel! Hindi maaari iyon! Sumama ka sa amin sa
kuwartel!
[sabay bitbit sa kutsero then Basilio baba sa karwahe]

Narrator: walang nagawa si Basilio kundi ang maglakad na lamang patungo sa bahay ni Kapitan
Basilio

Basilio: Huh? Hindi ba’t si Sinang iyon?

[ nag uusap-usap sina Simoun, Kap. Basilio, Kura & Tinyente ng guardia civil]

Kapitan Basilio: Naiintindihan namin, Señor Simoun, pupunta kami sa Tiani upang tingnan ang
inyong mga alahas

Alperes: Ako rin, gusto kong ring pumunta. Kailangan ko ng relo, pero marami akong gagawin at
pupuntahan. Kung maari ay si Kapitan Basilio na lang ang gagawa nito para sa akin.

Kapitan Basilio: Iyon na nag regalo sa inyo sa kapaskuhan

Alperes: hindi ko matatanggap yan, kapitan.

Kapitan Basilio: Pag-usapan na lang natin yan pagkatapos.

Kura: Nais kong magagandang hikaw na may mataas na kalidad. Saka na lang natin pag-usapan
ang halaga.

Kapitan Basilio: Huwag kayong mag-alala padre. Ako na ang bahala sa inyo

[pasok si Basilio]

Basilio: Itong taong ito ay walang pinalalampas …Magnenegosyo kahit saan. Bibili ng mga alahas
sa kalahating presyo at ibebenta bilang panregalo. Lahat ng tao’y nakikipagnegosasyon maliban sa
amin.

Kapitan Basilio: Namatay na ang matandang lalaki na tagapangalaga ng kagubatan ngunit


tumanggi ang kura na bigyan ito ng mahirap na misa dahil ayon sa kanya ay mayaman ang amo
nito.

Basilio: HO?! Ano po ang kanyang ikinamatay?

Kapitan Basilio: Hay!!! Namantay siya sa katandaan.

Basilio: Namatay sa katandaan? Tsk-tsk.. Kung namatay lang sana sa sakit. Wala na po ba kayong
ibang balita sa galing sa sagpung?

Kapitan Basilio: Haay! Dinukot nila si kabesang Tales.

Basilio: Po?! Kaawa-awa naman ang kanilang sinapit.. kamusta na kaya si Juli?

Kabanata 6: Si Basilio
Narration: Nang magsimulang tumunog ang kampana ng simbahan para sa panaggabing simba ay
dali-daling nagtungo ang mga tao sa simbahan na nagdulot ng sari-saring ingay.
Basilio: (palingap-lingap habang bumababa sa hagdan ni kapitan tiyago) Dapat kong siguraduhing
walang sumusunod sa akin para na rin sa aking kaligtasan..

*patungo ako ngayon sa gubat ng mga Ibarra, na ngayo’y pagaari na ni kapitan tiyago.

Basilio: hay… sa wakas nakarating din ako , matapos kong bagtasin ang mga burol at ilog muli
makakapiling ko ang aking ina. (mananalangin adlib!)

Sinamantala ko na ang pagkakataon upang dalawin ka rito aking ina, dahil bukas magtutungo ako
sa tahanan nila kabesang tales.

Inay, nangungulilia na ako sa inyo ni crispin, 13 taon na ang nakakararaan magmula ng mawala
kayo. Salamat na nga lang at may mga taong tumulong sakin ng kayo’y mawala. Katulad ng lalaking
tumulong sa akin para kayo ay ilibing at si kapitan Tiyao na kumupkop sa akin at nagpapa-aral mag-
pasa-hanggang ngayon. Malapit na akong magtapos ng aking pagaaral ng medisina aking ina, kahit
pa abogasya ang nais ni kapitan Tiyago para sa akin mabuti na nga lamang ay napagisip-isip niya na
mapakikinabanggan niya ang aking pinagaralan sa paggawa ng mga lason na mailalagay sa tari ng
kanyang mga manok na pangsabong. Tandang-tanda ko pa noong ako’y bago-bago pa sa maynila
at nagsimulang magaral, nilalayuan nila ako dahil sa aking kasuotan at inakala na ako’y walang alam
ngunit pinatunayan ko na ako’y palaban kaya naman nabansagan nila ako na isang loro, napahanga
ko sila inay sa aking angking galing at pag gamit ng tungkod at sable at magtatapos ako, taglay ang
pinakamataas na karangalan sana nga lang ay narito kayo ngayon upang tunghayan ang aking
tagumpay. Kumikita na rin ako ngayon ng sarili kong pera dahil sa aking panggagamot, kaya kaya
ko nang bumili ng mga magagarang damit at tuparin ang pangakong kasal kay Juli.

Kabanata 7: Si Simoun

Narration: Paalis na sana si basilio ng may nakita siyang liwanag sa gitna ng mga puno, mga
sanga at kadilimang naghahari sa kagubatan at makarinig ng mga kaluskos ng mga paa. Nakakita si
Basilio ng anino sa gitna ng pook na iyon at mabilis na nagmartsa patungo sa kanyang ki-
nakatayuan.

Basilio: (natatakot) marami na akong nasuri na mga bangkay at nakitang mga taong nagaagaw-
buhay, hindi ako dapat matakot, pero… marami na ring bali-balita tungkol sa lagim ng gubat na ito.

*Huminto ang anino sa kabilang gilid ng balete at nakita ito muli ni basilio mula sa pagitan ng ng
dalawang ugat ng punong kahoy. Mula sa suot na damit ay kinuha nito ang isang ilawan na may
malakas na lente, ipinatong ito sa lupa at nalantad ang suot na botang pangabayo. May kinuha itong
bagay sa loob ng bulsa, isang matalim na asarol na inilipat sa dulo ng dalang tungkod.

Basilio: teka.. hindi bat siya ang… ang.. ang magaalahas na si simoun! Siya nga! Hindi ako maaar-
ing magkamali! Ang lalaking ito, ang lalaking ito ang siyang humukay ng libingan ng aking ina
labingtatlong taon na ang nakalilipas. Wala na ang asul na salamin na nagpapabago sa kanyang
kaanyuan, maliban sa pagputi ng kanyang buhok, pagkakaroon ng mga bigote, at pamamayat ng
kanyang mga bisig ay nanatiling mapanglaw ang kanyang mga mata. Pero.. naguguluhan ako!?..
kasabay ng estranghero na itim ang pagkamatay ni Ibarra ngunit papanong???? Nais kong tuklasin
ang misteryong bumabalot sa pagkatao ng taong ito subalit nangingibabaw pa rin ang aking takot.
(makalipas ang ilang sandali)

Basilio: (Nagtindig habang papalapit kay simoun) Maaari ko po ba kayong matulungan Ginoo?
Labintatlong taon na ang lumipas magmula nang gawan niyo ako ng paglilingkod, inilibing ninyo ang
labi ng aking ina kung inyo pang naaalala kaya aking ikalulugod kung pahihintulutan niyo ako na tu-
lungan at paglingkuran kayo.

Simoun: (bumunot ng baril, ikinasa at tinutukan si basilio) Sino ba ako sa tingin ninyo?
Basilio: sa tingin ko po ay isa kayong napaka dakilang tao. Isang tao na inakala ng maraming tao,
maliban sa akin, ay patay na at ang natanggap na kabiguan ay labis kong pinagdadalamhati.

*(katahimikan) makalipas ay lumapit si simoun sa binata at ipinatong ang kamay nito sa binata sa
kabila ng kanyang pagdududa.

Simoun: Basilio, ikaw ngayon ay nagmamay-ari ng isang lihim na maaring magdala sakin sa kapa-
hamakan at ngayong nadiskubre mo na ang isa pa na kapag nalantad ay sisira sa aking plano. Para
sa aking kaligtasan at pati na rin sa aking mabubuting layunin ay dapat kong isara ang iyong labi
habambuhay dahil ano pa ang halaga ng buhay ng isang tao kung ikukumpara sa nais kong
maipatupad? Hindi alam ng kahit sino na naririto ako, may taglay akong sandata at kayo ay wala.
Maaaring ibintang ang inyong pagkamatay sa mga tulisan ng lugar na ito, subalit hahayaan ko na
ika’y mabuhay dahil na rin sa aking paniniwalang ito’y hindi ko pagsisisihan. Nagsipag kayo at
nagtiyaga, at gaya ko ay may nmga pautang sa lipunan na dapat singilin. Pinaslang ang nakababata
ninyong kapatid at nabaliw naman ang inyong kaawa-awang ina, ngunit lahat sa ng ito ay walang
katarungan ang sa iyo’y naigantimpala. Kayo at ako ay may ay magkatulad at kasama sa mga taong
masidhi ang pagnanais sa katarungan, kaya sa halip na sirain natin ang isa’t-isa ay magtulungan na
lamang tayo. (katahimikan)

Tama, dumating ako rito labingtatlong taon na ang nakalilipas na may sakit at bigo, upang magbi-
gay respeto sa aking kaibigang may mabuting kaluluwa na pumanaw dahil sa akin at sa pagging bik-
tima ng masamang sistema na umiiral sa ating bansa noon pa man. Naglibot ako sa buong mundo,
nagtrabaho ng buong araw at gabi upang makaipon ng malaking halaga upang maisakatuparan ang
aking mga plano. Ngayon, bumalik ako para was akin ang sistema sa pamamagitan ng pagsulong ng
mga kasamaan nito at pagbabaon nito sa hukay, kahit na bumaha pa ng dugo at luha. Kung ito
lamang ang magpapatunay sa kanyang mga kasalanan. (gumamit ng tinig na nakapanghihilakbot)

Nagbalik ako sa isla bilang nakamaskarang negosyante, binagtas ko ang mga bayan-bayan. Ginamit
ko ang aking kayamanan upang makilala at kahit saan man ako naroon ay iba’t-ibang katakawan
ang aking nasaksihan. Pinalakas ko an gang katalampasanan at buktot na Gawain nang sa gayon ay
mawili ang bayan sa anyo ng kammatayan at ipinagibayo ko ang mga ligalig at pagdurusa upang
ligalig at pagdurusa upang sa pag-ilag dito ay humanap ng solusyon. Pinigilan ko ang paunlad ng
kabuhayan upang wala ng kasindakan ang mga tao kung maghirap at lalong maging klalunos-lunos.
Ipinagpatuloy ko ang pangangamkam upang magdahop ang bayan. Hindi pa ito ang nagging sukdu-
lan ng aking kaligayahan. Pinukaw ko ang pagaalsa at sinugatan ang mga tao sa kanilang maselang
bahagi. Ngunit ng malapit ko na mapabulok ang sistema na ay saka naman kayo dumating. Kayong
mga kabataan na punumpuno ng pangarap subalit kulang naman sa karanasan. Magkakabuklod
ninyong pinagsikapang mapalapit sa espanya sa pamamagitan ng kwintas na rosas ngunit ang to-
too’y naka kadena kayo ng matigas na bakal. Humingi kayo ng pagkakapantay-pantay ng karapatan,
ang paggagad sa kastila ng inyong paguugali ngunit hindi ninyo namamalayang ang hinihingi niyo
ay kamatayan at pagkasira ng inyong bansa at pagbubunyi sa panga-alipin. Ano ang mangyayari sa sa
iyo sa hinaharap? Isang liping walang pagkakakilanlan, isang bansang nahubdan ng kalayaan. Lahat ng
tungkol sa inyo ay magiging hiram maging ang inyong kapintasan. Gusto niyong maging parte ng espana
at kung sakali namang ipagait ito ay hindi man lamang kayo makararamdam ng hiya. At kung
sakaling maibigay ito, anung gagawin ninyo? Pinakamainam na sa inyo ang maging kabiilang sa mga
bansang naghihimagsik at nagpapatupad ng digmaan, at maging katulad ng mga republika sa Timog
Amerika na walang kakuntentuhan. Bakit pa kayo naghahangad na matuto ng wikang kastila?
Gusto niyo pa bang madagdagan ang higit sa apatnapung wika sa isla? Walang duda, lalong titindi
ang hindi pagkakaunawaan.

Basilio: sa kabaligtaran, Ang pagkakaroon ng kaalaman sa wikang kastila ay maaaring makapag-isa


sa atin ng gobyerno, na siya namang magbubuklod sa buong kapuluan.

Simoun: malaking pagkakamali! Hinayaan ninyong madala ang inyong mga sarili sa mga matatamis
na salita nang hindi pinag-aaralan ang mga bagay-bagay para
siyasatin ang mga epektong makukuha ninyo sa ganyan. Ang wikang Kastila ay hindi kailanman
magiging pangkaraniwang wika ng bansa. Hindi ito bibigkasin ng mga tao dahil walang katugma sa
kanilang iniisip at nadadrama ng kanilang puso. Ang bawat bayan ay may sariling wika at damdamin ano
ang mapakikinabangan niyo sa wikang niyan? Papatayin nito ang pagkamamamayan ninyo sa bansang ito ma-
papasailalim ang inyong sariling pag-iisip sa ibang isipan kaya sa halip na kayo’y may kalayaan kayo’y nagig-
ing tunay na alipin. Kayo na nagsasalita ng wikang Kastila ay tuluyan ng makakaligtaan ang sariling
wika samantalang ni hindi ninyo nga maisulat at maintindihan ang wikang yan. Pinipilit ninyong hub-
dan ang inyong mga sarili ng inyong panbansang pagkakilanlan nakalimutan niyo na hangga’t iniin-
gatan ng mga tao ang kanilang wika ay mapananatili ang kanilang kalayaan
*katahimikan
Simoun: nakita ko ang simula na mga makakastilang grupong ito at nagdusa ako ng buong mag-
damag nabahala ako dahil may grupo ng kabataan na may kakaibang talino at kakahayahan subalit
naniniwala na gumagawa sila ng tama subalit ang ginagawa nila ay pagkalaban sa kanilang bansa.
Ilang beses ko nang tinangkang lapitan kayo, ngunit nag-aalala ako na masamain ninyo ang mga
sasabihin ko ito ang dahilan hahayaang mabuhay ka Basilio kahit na batid kong humaharap ako sa
panganib dahil maaari ipagkanulo mo ako balang araw.

Kailangan ko ng tulong ninyo,gamitin ninyo ang inyong impluwensya sa mga kabataan para labanan
ang pagnanais sa kastila, sa pamumuhay, ang pantay-pantay nba karapatan na magbibigay daan
lamang para tawagin kayong manggagaya.Kung tumanggi silang ituro ang kanilang wika, ay
palaguin ninyo ang inyo ipakilala sa marami kaysa hangaring maging isa lamang na lalawigan ng es-
pana ang bansa.

Basilio: Ginoo, napakalaki ng karangalan na ibinigay ninyo sa akin sa pamamagitan ng pagsasabi sa


akin ng inyong mga plano kaya’t ibig kong magtapat at sabihin sa inyo na ang gusto niyo sa akin ay
higit pa sa aking kalakasan. (adlib ipakita na hindi kumbinsido sa mga nais ni simoun) Wala sa loob
ko ang paghihiganti sapagkat hindi na ito makapagbabalik ng kahit hibla ng buhok ng aking ina o
ngiti sa labi ng aking kapatid.

Narration: Bakas sa mukha ni Basilio ang hindi pagsangayon kay simoun kaya naman iniba na
lamang ni simoun ng paksa ng usapan.

Kabanata 8: Maligayang Pasko

Juli: (bagong gising) Ahh… ang himala ng mahal na birhen! ( nagtungo sa altar lumuhod at nag-
dasal matapos ay tiningnan ang pera na kanyang hiniling sa birhen.) Wala? Tuluyan na nga talagang
nagging malupit ang kapalaran para sa akin. Ang himala ng birhen na tangi kong pagasa upang
makaligtas sa napipinto kong pagiging katulong ay nawala na.. (iyak) Dapat ko na rin sigurong
kalimutan si basilio sapagkat ang isang taong may mataas na pinagaralan na tulad niya ay Malabo
ng tuparin ang pangakong kasal sa isang babaeng katulong lang. ( halikan ang relikaryong ginto)
Malapit na akong umalis kaya dapat na akong maghanda, ipagtitimpla ko muna ng salabat ang lolo.

*nakita ni juli ang lolo na nakatingin sa kanya halatang sinusulit ang mga huling sandal na masisi-
layan ang kanyang babaeng apo.

Juli: Mano po lolo, maya maya po ay aalis na ako.

Tandang Selo: Apo iingatan mo ang sarili mo, palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.

*umalis na si juli na hindi napigilan ang emosyon dahil na rin sa paggunita sa masayang pamilya nila
na ngayon ay watak-watak na.

*(magpakita ng mga eksena na ayaw ng bata ang pasko dahil kurot lamang ang inaabot nila. Mag-
pakita ng mga batang nagpapakita ng talent)

Kabanata 9: Si Pilato

Mga taong chismosa: Naguusap tungkol sa mga kamalasan na sinapit ng pamilya ni kabesang
tales.

Tinyente ng mga G.S.: Muli, hinirang ako upang samsamin ang mga armas na hawak ng mga
tulisan na may hawak sa ama ni juli.
Padre Clemente: Hindi ako ang may kasalanan, sinabi ko lamang na may mga armas na hawak
ang mga tulisan kahit pa alam ko na kapag nagkasugapaan ang mga ito at ang mga guardia sibil ay
walang duda na malalagay sa kapahamakan ang kaawaawang si tales.
Basta wala akong kasalanan!

Hermana penchang: isa kang kaawa-awang nilalang, dalaga ka na subalit hindi mo pa din alam
ang tamang paraan ng pagdarasal mabuti na lamang at napunta ka sa aking puder dahil maliligtas
ka na sa pagkasunog sa walang hanggang apoy. Siguro nga ay binigyan ang pamilya mo ng mga
problemang matitindi upang mailapit kita sa panginoon. Basahin mo ng 5o beses ang libro ni tan-
dang basyo macunat makatatanggap ka ng indulgencia, sinasabi ko sayo.

Kabesang tales: (papunta sa lupang kanyang sinasaka) sa wakas ay nakalaya rin ako, ang lupa
ko, mayroon ng bagong nagmamay-ari?

Padre Clemente: Hahahahahaha! Ngayon ikaw na ang bagong magmamay-ari ng lupang ito ha-
haha! Nawa’y ikay magsipag at pagyamanin ang lupang ito na pagaari namin, hahaha!

Kabesang Tales: ang mga walang hiyang iyon! Ako ang nagpakahirap upang palaguin ang lupang
iyon, matapos ang lahat ng aking paghihirap! Kinuha na nila sa akin ang lahat lalo pa’t kailangan
naming lisanin ang aking tahanan sa loob ng tatlong araw dahil sa bias ng utos ng hukuman. Hinde,
isa lamang itong panaginip! Hindi mawawala ang mga pinaghirapan ko… Bunga ito ng aking
puyat,pagod at sariling pawis. Nasan ang katarungan? Nasaan?

Kabanata 6: Si Basilio
Narration: Nang magsimulang tumunog ang kampana ng simbahan para sa panaggabing simba ay
dali-daling nagtungo ang mga tao sa simbahan na nagdulot ng sari-saring ingay.

Basilio: (palingap-lingap habang bumababa sa hagdan ni kapitan tiyago) Dapat kong siguraduhing
walang sumusunod sa akin para na rin sa aking kaligtasan..
*patungo ako ngayon sa gubat ng mga Ibarra, na ngayo’y pagaari na ni kapitan tiyago.

Basilio: hay… sa wakas nakarating din ako , matapos kong bagtasin ang mga burol at ilog muli
makakapiling ko ang aking ina. (mananalangin adlib!)

Sinamantala ko na ang pagkakataon upang dalawin ka rito aking ina, dahil bukas magtutungo ako
sa tahanan nila kabesang tales.

Inay, nangungulilia na ako sa inyo ni crispin, 13 taon na ang nakakararaan magmula ng mawala
kayo. Salamat na nga lang at may mga taong tumulong sakin ng kayo’y mawala. Katulad ng lalaking
tumulong sa akin para kayo ay ilibing at si kapitan Tiyao na kumupkop sa akin at nagpapa-aral mag-
pasa-hanggang ngayon. Malapit na akong magtapos ng aking pagaaral ng medisina aking ina, kahit
pa abogasya ang nais ni kapitan Tiyago para sa akin mabuti na nga lamang ay napagisip-isip niya na
mapakikinabanggan niya ang aking pinagaralan sa paggawa ng mga lason na mailalagay sa tari ng
kanyang mga manok na pangsabong. Tandang-tanda ko pa noong ako’y bago-bago pa sa maynila
at nagsimulang magaral, nilalayuan nila ako dahil sa aking kasuotan at inakala na ako’y walang alam
ngunit pinatunayan ko na ako’y palaban kaya naman nabansagan nila ako na isang loro, napahanga
ko sila inay sa aking angking galing at pag gamit ng tungkod at sable at magtatapos ako, taglay ang
pinakamataas na karangalan sana nga lang ay narito kayo ngayon upang tunghayan ang aking
tagumpay. Kumikita na rin ako ngayon ng sarili kong pera dahil sa aking panggagamot, kaya kaya
ko nang bumili ng mga magagarang damit at tuparin ang pangakong kasal kay Juli.

Kabanata 7: Si Simoun

Narration: Paalis na sana si basilio ng may nakita siyang liwanag sa gitna ng mga puno, mga
sanga at kadilimang naghahari sa kagubatan at makarinig ng mga kaluskos ng mga paa. Nakakita si
Basilio ng anino sa gitna ng pook na iyon at mabilis na nagmartsa patungo sa kanyang ki-
nakatayuan.
Basilio: (natatakot) marami na akong nasuri na mga bangkay at nakitang mga taong nagaagaw-
buhay, hindi ako dapat matakot, pero… marami na ring bali-balita tungkol sa lagim ng gubat na ito.

*Huminto ang anino sa kabilang gilid ng balete at nakita ito muli ni basilio mula sa pagitan ng ng
dalawang ugat ng punong kahoy. Mula sa suot na damit ay kinuha nito ang isang ilawan na may
malakas na lente, ipinatong ito sa lupa at nalantad ang suot na botang pangabayo. May kinuha itong
bagay sa loob ng bulsa, isang matalim na asarol na inilipat sa dulo ng dalang tungkod.

Basilio: teka.. hindi bat siya ang… ang.. ang magaalahas na si simoun! Siya nga! Hindi ako maaar-
ing magkamali! Ang lalaking ito, ang lalaking ito ang siyang humukay ng libingan ng aking ina
labingtatlong taon na ang nakalilipas. Wala na ang asul na salamin na nagpapabago sa kanyang
kaanyuan, maliban sa pagputi ng kanyang buhok, pagkakaroon ng mga bigote, at pamamayat ng
kanyang mga bisig ay nanatiling mapanglaw ang kanyang mga mata. Pero.. naguguluhan ako!?..
kasabay ng estranghero na itim ang pagkamatay ni Ibarra ngunit papanong???? Nais kong tuklasin
ang misteryong bumabalot sa pagkatao ng taong ito subalit nangingibabaw pa rin ang aking takot.
(makalipas ang ilang sandali)

Basilio: (Nagtindig habang papalapit kay simoun) Maaari ko po ba kayong matulungan Ginoo?
Labintatlong taon na ang lumipas magmula nang gawan niyo ako ng paglilingkod, inilibing ninyo ang
labi ng aking ina kung inyo pang naaalala kaya aking ikalulugod kung pahihintulutan niyo ako na tu-
lungan at paglingkuran kayo.

Simoun: (bumunot ng baril, ikinasa at tinutukan si basilio) Sino ba ako sa tingin ninyo?
Basilio: sa tingin ko po ay isa kayong napaka dakilang tao. Isang tao na inakala ng maraming tao,
maliban sa akin, ay patay na at ang natanggap na kabiguan ay labis kong pinagdadalamhati.

*(katahimikan) makalipas ay lumapit si simoun sa binata at ipinatong ang kamay nito sa binata sa
kabila ng kanyang pagdududa.

Simoun: Basilio, ikaw ngayon ay nagmamay-ari ng isang lihim na maaring magdala sakin sa kapa-
hamakan at ngayong nadiskubre mo na ang isa pa na kapag nalantad ay sisira sa aking plano. Para
sa aking kaligtasan at pati na rin sa aking mabubuting layunin ay dapat kong isara ang iyong labi
habambuhay dahil ano pa ang halaga ng buhay ng isang tao kung ikukumpara sa nais kong
maipatupad? Hindi alam ng kahit sino na naririto ako, may taglay akong sandata at kayo ay wala.
Maaaring ibintang ang inyong pagkamatay sa mga tulisan ng lugar na ito, subalit hahayaan ko na
ika’y mabuhay dahil na rin sa aking paniniwalang ito’y hindi ko pagsisisihan. Nagsipag kayo at
nagtiyaga, at gaya ko ay may nmga pautang sa lipunan na dapat singilin. Pinaslang ang nakababata
ninyong kapatid at nabaliw naman ang inyong kaawa-awang ina, ngunit lahat sa ng ito ay walang
katarungan ang sa iyo’y naigantimpala. Kayo at ako ay may ay magkatulad at kasama sa mga taong
masidhi ang pagnanais sa katarungan, kaya sa halip na sirain natin ang isa’t-isa ay magtulungan na
lamang tayo. (katahimikan)

Tama, dumating ako rito labingtatlong taon na ang nakalilipas na may sakit at bigo, upang magbi-
gay respeto sa aking kaibigang may mabuting kaluluwa na pumanaw dahil sa akin at sa pagging bik-
tima ng masamang sistema na umiiral sa ating bansa noon pa man. Naglibot ako sa buong mundo,
nagtrabaho ng buong araw at gabi upang makaipon ng malaking halaga upang maisakatuparan ang
aking mga plano. Ngayon, bumalik ako para was akin ang sistema sa pamamagitan ng pagsulong ng
mga kasamaan nito at pagbabaon nito sa hukay, kahit na bumaha pa ng dugo at luha. Kung ito
lamang ang magpapatunay sa kanyang mga kasalanan. (gumamit ng tinig na nakapanghihilakbot)
Nagbalik ako sa isla bilang nakamaskarang negosyante, binagtas ko ang mga bayan-bayan. Ginamit
ko ang aking kayamanan upang makilala at kahit saan man ako naroon ay iba’t-ibang katakawan
ang aking nasaksihan. Pinalakas ko an gang katalampasanan at buktot na Gawain nang sa gayon ay
mawili ang bayan sa anyo ng kammatayan at ipinagibayo ko ang mga ligalig at pagdurusa upang
ligalig at pagdurusa upang sa pag-ilag dito ay humanap ng solusyon. Pinigilan ko ang paunlad ng
kabuhayan upang wala ng kasindakan ang mga tao kung maghirap at lalong maging klalunos-lunos.
Ipinagpatuloy ko ang pangangamkam upang magdahop ang bayan. Hindi pa ito ang nagging sukdu-
lan ng aking kaligayahan. Pinukaw ko ang pagaalsa at sinugatan ang mga tao sa kanilang maselang
bahagi. Ngunit ng malapit ko na mapabulok ang sistema na ay saka naman kayo dumating. Kayong
mga kabataan na punumpuno ng pangarap subalit kulang naman sa karanasan. Magkakabuklod
ninyong pinagsikapang mapalapit sa espanya sa pamamagitan ng kwintas na rosas ngunit ang to-
too’y naka kadena kayo ng matigas na bakal. Humingi kayo ng pagkakapantay-pantay ng karapatan,
ang paggagad sa kastila ng inyong paguugali ngunit hindi ninyo namamalayang ang hinihingi niyo
ay kamatayan at pagkasira ng inyong bansa at pagbubunyi sa panga-alipin. Ano ang mangyayari sa
sa iyo sa hinaharap? Isang liping walang pagkakakilanlan, isang bansang nahubdan ng kalayaan. La-
hat ng tungkol sa inyo ay magiging hiram maging ang inyong kapintasan. Gusto niyong maging
parte ng espana at kung sakali namang ipagait ito ay hindi man lamang kayo makararamdam ng
hiya. At kung sakaling maibigay ito, anung gagawin ninyo? Pinakamainam na sa inyo ang maging
kabiilang sa mga bansang naghihimagsik at nagpapatupad ng digmaan, at maging katulad ng mga
republika sa Timog Amerika na walang kakuntentuhan. Bakit pa kayo naghahangad na matuto ng
wikang kastila? Gusto niyo pa bang madagdagan ang higit sa apatnapung wika sa isla? Walang
duda, lalong titindi ang hindi pagkakaunawaan.

Basilio: sa kabaligtaran, Ang pagkakaroon ng kaalaman sa wikang kastila ay maaaring makapag-isa


sa atin ng gobyerno, na siya namang magbubuklod sa buong kapuluan.

Simoun: malaking pagkakamali! Hinayaan ninyong madala ang inyong mga sarili sa mga matatamis
na salita nang hindi pinag-aaralan ang mga bagay-bagay para
siyasatin ang mga epektong makukuha ninyo sa ganyan. Ang wikang Kastila ay hindi kailanman
magiging pangkaraniwang wika ng bansa. Hindi ito bibigkasin ng mga tao dahil walang katugma sa
kanilang iniisip at nadadrama ng kanilang puso. Ang bawat bayan ay may sariling wika at damdamin
ano ang mapakikinabangan niyo sa wikang niyan? Papatayin nito ang pagkamamamayan ninyo sa
bansang ito mapapasailalim ang inyong sariling pag-iisip sa ibang isipan kaya sa halip na kayo’y may
kalayaan kayo’y nagiging tunay na alipin. Kayo na nagsasalita ng wikang Kastila ay tuluyan ng
makakaligtaan ang sariling wika samantalang ni hindi ninyo nga maisulat at maintindihan ang
wikang yan. Pinipilit ninyong hubdan ang inyong mga sarili ng inyong panbansang pagkakilanlan
nakalimutan niyo na hangga’t iniingatan ng mga tao ang kanilang wika ay mapananatili ang kanilang
kalayaan
*katahimikan
Simoun: nakita ko ang simula na mga makakastilang grupong ito at nagdusa ako ng buong mag-
damag nabahala ako dahil may grupo ng kabataan na may kakaibang talino at kakahayahan subalit
naniniwala na gumagawa sila ng tama subalit ang ginagawa nila ay pagkalaban sa kanilang bansa.
Ilang beses ko nang tinangkang lapitan kayo, ngunit nag-aalala ako na masamain ninyo ang mga
sasabihin ko ito ang dahilan hahayaang mabuhay ka Basilio kahit na batid kong humaharap ako sa
panganib dahil maaari ipagkanulo mo ako balang araw.

Kailangan ko ng tulong ninyo,gamitin ninyo ang inyong impluwensya sa mga kabataan para labanan
ang pagnanais sa kastila, sa pamumuhay, ang pantay-pantay nba karapatan na magbibigay daan
lamang para tawagin kayong manggagaya.Kung tumanggi silang ituro ang kanilang wika, ay
palaguin ninyo ang inyo ipakilala sa marami kaysa hangaring maging isa lamang na lalawigan ng es-
pana ang bansa.
Basilio: Ginoo, napakalaki ng karangalan na ibinigay ninyo sa akin sa pamamagitan ng pagsasabi sa
akin ng inyong mga plano kaya’t ibig kong magtapat at sabihin sa inyo na ang gusto niyo sa akin ay
higit pa sa aking kalakasan. (adlib ipakita na hindi kumbinsido sa mga nais ni simoun) Wala sa loob
ko ang paghihiganti sapagkat hindi na ito makapagbabalik ng kahit hibla ng buhok ng aking ina o
ngiti sa labi ng aking kapatid.

Narration: Bakas sa mukha ni Basilio ang hindi pagsangayon kay simoun kaya naman iniba na
lamang ni simoun ng paksa ng usapan.

Kabanata 8: Maligayang Pasko

Juli: (bagong gising) Ahh… ang himala ng mahal na birhen! ( nagtungo sa altar lumuhod at nag-
dasal matapos ay tiningnan ang pera na kanyang hiniling sa birhen.) Wala? Tuluyan na nga talagang
nagging malupit ang kapalaran para sa akin. Ang himala ng birhen na tangi kong pagasa upang
makaligtas sa napipinto kong pagiging katulong ay nawala na.. (iyak) Dapat ko na rin sigurong
kalimutan si basilio sapagkat ang isang taong may mataas na pinagaralan na tulad niya ay Malabo
ng tuparin ang pangakong kasal sa isang babaeng katulong lang. ( halikan ang relikaryong ginto)
Malapit na akong umalis kaya dapat na akong maghanda, ipagtitimpla ko muna ng salabat ang lolo.
*nakita ni juli ang lolo na nakatingin sa kanya halatang sinusulit ang mga huling sandal na masisi-
layan ang kanyang babaeng apo.

Juli: Mano po lolo, maya maya po ay aalis na ako.

Tandang Selo: Apo iingatan mo ang sarili mo, palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.

*umalis na si juli na hindi napigilan ang emosyon dahil na rin sa paggunita sa masayang pamilya nila
na ngayon ay watak-watak na.

*(magpakita ng mga eksena na ayaw ng bata ang pasko dahil kurot lamang ang inaabot nila. Mag-
pakita ng mga batang nagpapakita ng talent)

Kabanata 9: Si Pilato

Mga taong chismosa: Naguusap tungkol sa mga kamalasan na sinapit ng pamilya ni kabesang
tales.

Tinyente ng mga G.S.: Muli, hinirang ako upang samsamin ang mga armas na hawak ng mga
tulisan na may hawak sa ama ni juli.
Padre Clemente: Hindi ako ang may kasalanan, sinabi ko lamang na may mga armas na hawak
ang mga tulisan kahit pa alam ko na kapag nagkasugapaan ang mga ito at ang mga guardia sibil ay
walang duda na malalagay sa kapahamakan ang kaawaawang si tales.
Basta wala akong kasalanan!

Hermana penchang: isa kang kaawa-awang nilalang, dalaga ka na subalit hindi mo pa din alam
ang tamang paraan ng pagdarasal mabuti na lamang at napunta ka sa aking puder dahil maliligtas
ka na sa pagkasunog sa walang hanggang apoy. Siguro nga ay binigyan ang pamilya mo ng mga
problemang matitindi upang mailapit kita sa panginoon. Basahin mo ng 5o beses ang libro ni tan-
dang basyo macunat makatatanggap ka ng indulgencia, sinasabi ko sayo.

Kabesang tales: (papunta sa lupang kanyang sinasaka) sa wakas ay nakalaya rin ako, ang lupa
ko, mayroon ng bagong nagmamay-ari?

Padre Clemente: Hahahahahaha! Ngayon ikaw na ang bagong magmamay-ari ng lupang ito ha-
haha! Nawa’y ikay magsipag at pagyamanin ang lupang ito na pagaari namin, hahaha!

Kabesang Tales: ang mga walang hiyang iyon! Ako ang nagpakahirap upang palaguin ang lupang
iyon, matapos ang lahat ng aking paghihirap! Kinuha na nila sa akin ang lahat lalo pa’t kailangan
naming lisanin ang aking tahanan sa loob ng tatlong araw dahil sa bias ng utos ng hukuman. Hinde,
isa lamang itong panaginip! Hindi mawawala ang mga pinaghirapan ko… Bunga ito ng aking
puyat,pagod at sariling pawis. Nasan ang katarungan? Nasaan?

Kabanata 10: Kayamanan at karalitaan

*Si Simoun ay nasa baryo sagpang kasama ang dalawa niyang tauhan na may bitbit na mga baul na
naglalaman ng alahas, sa gitna ng karalitaan ay hindi naman nakalimutan ni kabesang Tales ang
nakasanayang tradisyon ng mga Pilipino ang pagiging malugod na pagtanggap sa mga bisita.
Simoun: Mahal na ginoo, kung inyo po sanang pahihintulutan ay nais kong magpalipas ng ilang
araw dito sa inyong tahanan para kasi sa akin ay ito ang pinaka-komportable at isang magandang
lugar para sa aking pakikipag-kalakalan.

Kabesang Tales: Isa pong karangalan ang makasama ang tulad ninyo kahit sa panandaliang pana-
hon lamang ditto sa aming abang tahanan. Maari po kayong manatili rito hanggang sa gusto ninyo.

Simoun: Salamat mahal na ginoo. Subalit, matanong ko lang, sapat kaya ang aking rebolber para
protektahan ang aking sarili nabalitaan ko kasi na maraming tulisan ang nagkalat ngayon ditto.

Kabesang Tales: Mayroon silang mga armas na kayang pumutok nang malayuan.

Simoun: Ang rebolber na ito ay hindi pangmalapitan! Tingnan ninyo (barilin ang sanga ng isang
puno) higit dalawandaang metro ang layo noon ngayon maari niyo bang sabihin sa akin kung sapat
na ito?

Narration: Unti-unti na ngang dumating ang ilang pamilya sa bahay ni kabesang Tales sa balitang
naroon ang magaalahas. Si kapitan Basilio, hermana Tika at ang anak na si Sinang ay handing gu-
mastos ng hindi bababa sa 3000. Naroroon din naman si hermana Penchang Upang bumili ng sings-
ing na gawa sa diamante para ipangregalo sa birhen ng Antipolo na kanyang ipinangako sa kanyang
panata.

Lahat ng cast na involved: (sabihin sa isa’t-isa) Maligayang pasko! Umupo sa silya.

Hermana Penchang: Diyos ko! Susmaryosep! Angbabaing iyon! Hindi man lamang niya alam ang
tamang paraan ng pagdarasal, limampung ulit ko na siyang pinabasa ng akda ni tandang bayo Ma-
cunat subalit wala pa ring naiiwan sa kanyang ulo na tila salaan.

Hermana Tika: Sino? Sino bang iyong tinutukoy aking kapanalig?

Hermana Penchang: Sino pa eh di ang kaawa-awang si juli! Pagkaganda-ganda na bigla na


lamang lumabas na kabute na itinanim ng tikbalang. Hay naku! Dapat siyang kaawaan! Sa palagay
ko’y ibinigay siya sakin ng panginoon para hamunin ako sa paglalapit ng dalaga sa kanya.

Simoun: (ilalabas ang mga baul ng kayamanan at alahas) Mayroon ako ritong mga kayamanang
pagaari ng ng mga taong markado ang mga pangalan sa ating kasaysayan. Tulad na lamang ng
kwintas ni Cleopatra, mga mamahaling hikaw na pagaari ng mga babae s aroma noong panahon pa
ni pompey. Ang singsing na ay pagaari ng prinsesa ng lambelle na si maria Antoinette. Subalit
tanging sa museo ko lamang maaring ipagbili ito paumanhin mga minamahal kong tagapagtangkilik.

Sinang: Handa pong magbayad ang aking ama ng hindi hihigit sa P3000 para sa mga alahas na
aming bibilin, nais kop o ng mga antic (bakas ang pananabik)

Hermana tika: (kukurotin at bubulong kay sinang) Wag kang magpahalatang gusting gusto muh
ang mga iyan baka tayo mahalan.
Hermana Pnchang : Nais kong bumili ng singsing na napalalamutian ng diamante,ito ay aking iaalay
sa birhen ng antipolo parte ng aking panata.

Simoun: Tignan mu hang isang ito, (titignan ni hermana penchang at nagsabing bibilin niya na ito. )
ipagbibili ko iyan sa inyo sa halagang P3000 libo
Hermana Penchang: (pabulong) napakamahal naman ng singsing na ito?

*Bumiili ng alahas sila sinang at kanyang pamilya at matapos ay umalis

Kabesang Tales: Ang Isang kayamanan lamang na taglay ng magaalahas na ito ay kayang bu-
mago sa takbo ng aking pamumuhay, kaya nitong palayain ang aking anak at ibalik sa akin ang lu-
pang sa akin ay kinamkam. Isang insulto sa naghihirap na kagaya ko ang kanyang kayamanan.
Kung kukuha ako ng isa maari ko na…..

Kabesang Tales ,(lalabas at makikita sina padre Clemente at ang bagong nagmamay-ari ng
kanyang lupain.)

Padre Clemente: (tatawanan lamang si Tales)

Kinabukasan: tatlong pagpatay ang napabalita Una ay si Padre Clemente na administrador ng lupa
ng simbahan, ang bagong may-ari ng lupa at nag kanyang asawa na nalaslas ang lalamunan at pin-
uno ng lupa ang bibig.

Simoun: Ahh..(naghihikab. bagong gising) Bakit kaya naririto ang aking rebolber? Bakit walang
laman! (makikita ang liham)

Patawari niyo ako ginoo, kung nagawa ko man kayong pagnakawan. Subalitb ang aking mahigpit na
pangangailangan ang nagtulak sa akin na gawin ang bagay na iyon at bilang kapalit ng inyong re-
bolber, iniwan ko ang laket na inyong ninanais ninyo. Kinailangan ko ng armas upang umanib sa
mga tulisan.

Pinapayuhan ko kayong wag ng magpatuloy sapagkat kapag kayo’y bumagsak sa aming mga kamay
ay hindi naming kayo ituturing na panauhin at hihingan namin kayo ng nalaking tubos.

You might also like