Professional Documents
Culture Documents
KABANATA 1-10
I. KARAKTER
a) Pangunahing Tauhan
Donya Victorina
Don Custodio
Simuon
Padre Salvi
Padre Sibyla
Padre Camorra
b) Extras
Kapitan ng Bapor
Kapitan Basilio
II. SCRIPT
(gun fires)
(Switches shirts)
(Continue running)
Guwardiya Sibil 1: Nasaan nag-suot ang mga yun! Bilisan niyo, ang babagal!
Guwardiya Sibil 2: Nandoon sila sa gilid ng dalampasigan at paalis sakay ang isang
bangka!
Guwardiya Sibil 1: Mga tanga! Huwag niyo silang hayaan maka takas!
(as gun fires continue, Elias gets shot once more and falls off the boat)
(the civil guard calls out Ibarra’s name thinking he was the one shot)
*end of flashback*
First song: Liwanag sa Dilim by Rivermaya (sung by all actors, extras, and dancers)
Narration: Isang umaga noong Disyembre, tumulak sa lalawigan ng Laguna ang malaki
at bilog na hugis na bangkang Bapor Tabo. Dahil sa laki nito, para itong naghahari sa
mga tubig na dinaanan nito ngunit nagresulta din ito sa napakabagal na ugsad ng Bapor.
Donya Victorina: ¡Dios mío, qué calor hace hoy! Ang babagal at ang kukupad! Parang
ilang siglo na tayong naglalayag sa sobrang bagal. Wala na bang ikabibilis itong Bapor?
Nararamdaman ko na ang pawis na namumuo sa noo ko!
Donya Victorina: Oh Jusko! Mga walang silbing mga Indio! Ang tatamad! Usad
pagong! Kung sana’y mawala sila rito sa Pilipinas, oh kung kaya’t sa buong daigdig,
marahil ay mas bibilis ang paglayag ng Bapor na’to! Malas!
(Don Custodio, Simuon, Padre Sibyla, Padre Salvi, and Padre Camorra enter)
Don Custodio: Oh por favor, Donya Victorina. Huminahon ka at baka matunaw ang mga
makukulay na koloretes sainyong mukha, hindi na kataka-taka na nagtatago na naman
ang iyong asawa.
Simuon: Donya Victorina, huwag mo masyadong pakuluin ang inyong dugo sapagkat
ang solusyon sa suliraning ito ay napaka dali lamang. Sa katunayan, hindi ko alam kung
bakit wala pang nagmungkahi sa ideyang ito.
Simuon: Simple lamang ang aking mungkahi. Gumawa sana ng isang kanal na
papasukan ng ilog hanggang sa paglabas at pararaanin sa Maynila. Lilikha ito ng bagong
ilog sa pamamagitan ng paggawa ng kanal at sarhan na ang dating Ilog Pasig. Sa ganitong
paraan, ay mas iikli ang oras ng ating paglalakbay at hindi masayang ang mga karatig na
lupa.
Don Custodio: Simple? Paumanhin kung ako’y tututol sainyong mungkahi, ngunit saan
ba natin pupulutin ang salaping pambayad sa mga manggagawa?
Simuon: Sino namang nagsabing pasasahurin ang mga manggagawa? Isa pa’y sapilitang
pagtatrabahuhin ang mga bilanggo, bihag, matatanda at mga binata at batang lalaki.
Don Custodio: Oh Simuon, huwag ka’ng magbigay ng kahit isang katiting na tiwala
diyan sa mga walang kwentang mga Indio, sapagkat ay makikita nila ito bilang isang
hudyat para maghimagsik.
Simuon: Hudyat para maghimagsik? Paumanhin sa rin iyo, Don Custodio, ngunit
naghimagsik ba ang mga taga – Ehipto nang buuin nila ang piramide? Eh ang mga
bilanggong Hudyo laban kay Tito, sila ba ay nag – alsa? Hindi ko inakalang ang isang
edukadong tao na katulad ninyo ay ganito pala kahina pagdating sa kasaysayan.
Don Custodio: Hindi naman iyan ang tinutukoy ko, Simuon, Baga man ay nagawa ng
mga Ehipto ang mga piramide, hindi naman sila ang makakaharap mo. Sapagkat ang mga
maduduming Indio na may masamang balak ang pinagkakatiwalaan mo.
Simuon: Don Custodio, malayo na ang panahong iyong tinutukoy. Ang Pilipinas ngayon
ay iba na sa Pilipinas noon. Paniguradong hindi na sila maghihimagsik kahit pa bigyan
sila ng maraming trabaho o patawan ng malaking buwis.
Simuon: Wala ng kung anu – ano pa. Ang nasabi ay nasabi na! At kayo Padre Sibyla,
huwag na ninyong subukang magsalita ng mga kabalbalan. Ano naman ang kabuluhan
ninyong mga prayle kung ang bayan ay maghihimagsik? (umalis)
Don Custodio: Tsk! Sigurado ako na ang kanyang mungkahi ay magdudulot lamang sa
atin ng higit na pinsala kaysa sa mabuti. Sino ba’ng nasa tamang pag-iisip ang
magtitiwala sa mga Indio?
Ben Zayb: Kung sabagay, ikaw naman Don Custodio, ano naman ang iyong panukala?
Don Custodio: Ako? Kung sa tutuusin ay mas mainam pa ang aking mungkahi. Nais
kong pag – alagain ng itik ang mga taong nananahan malapit sa ilog. Ang mga itik ay
kakain ng suso kasama ang mga buhangin sa ilalim ng lawa na kung makukuha ay mas
mapapalalim pa ang tubig at mas mapabubuti ang takbo ng bapor.
Donya Victorina: Asquerosa! Kung maraming mag – aalaga ng pato ay tiyak na dadami
na rin ang balot! Pwe! Nakapandidiri!
*next chapter*
Basilio: Ang init-init naman dito! Sobrang sikip at hindi ako makagalaw.
Isagani: Oo nga, sa sobrang lapit natin ay naghahalu- halo ang mga amoy
Basilio: Oh Kapitan, magandang araw ho sainyo! Mabuti naman ang kalagayan ko, ito at
pinagpapatuloy ko ang pag-aaral ko ng medisina.
Basilio: Mabuti rin ang kalagayan ni Kapitan Tiyago, ngunit ayaw niyang pumayag na
siya’y alaagan pa! Sa katunayan nga ho eh, pinatungo ako sa San Diego sa udyok ng
ilang araw upang dalawin ang bahay roon. Pero ang totoo, gusto lamang niyang humithit
ng opyo!
Kapitan Basilio: Napaka perwesyo talaga ng opyo na yan! Noong araw, ang mga nuno
ay gumagamit ng opyo ngunit hindi kailanman inabuso ito, para lamang sa mga layuning
panggamot. Maiba naman tayo iho, kamusta na ang inyong balak na ipatayo ang
Akademya sa Wikang Kastila? Sa aking palagay ay hindi niyo ito maisasakatuparan.
Kapitan Basilio: Eh yung ibang mga prayle? Si Padre Sibyla? Alam mo naman ang
pang-uugali niya
Isagani: Ano naman ho kung siya ay sasalungat? Nakasalalay pa rin sa Kapitan Heneral
ng Los Baños ang huling desisyon. Walang magagawa si Padre Sibyla kung sasang-ayon
ang Kapitan Heneral.
Kapitan Basilio: Kung sa bagay, hindi man natin napag – aaralan ang Latin ay mapag –
aaralan naman ang wikang Kastila. Sa pamamagitan nito, malalaman ng buong mundo na
tayo’y lumalakad ng paurong. (aalis)
Isagani: Hays! Kapitan Basilio nga naman, puro pamimintas at negatibo ang lumalabas
sa kanyang bibig!
Basilio: Pagbigyan mo na, medyo may kaedaran na rin… Uhm.. Oo nga pala. Ano ang
opinyon ng iyong amain sa namamagitan sainyo ni Paulita?
Basilio: Oh! Bakit naman napaka-pula ng iyong mga pisnge? Iba talaga ang nagagawa ng
pagmamahal sa isang tao.
Isagani: Gaya ng sabi ko, siya ay perpekto at ginawa ng mga diyos para sakin… Ngunit..
Isagani: At alam mo ba? Ipinapahanap niya pa sa akin ang tumakas niyang asawa? Kung
hindi lang dahil sa iniirog ko ay hindi ko na sana pinatulan! Basta para kay Paulita kahit
sino pa yan, titiisin ko para lang sakanya.
Simuon: At bakit naman ang lubhang masaya ang mga binatang ito? (enters)
Basilio: Ah, Senor, ito pala ang kaibigan ko’ng si Isagani, isa po siyang magaling na
makata at nag-aaral ngayon sa Ateneo. Hindi ka po ba nakadalo sa kanilang bayan?
Simoun: Bakit naman hindi? Ayon kay Padre Camorra, ang pag-inom raw ng maraming
tubig ay sanhi ng kahinaan ng mga tao sa Pilipinas.
Basilio: Sabihin niyo po kay Padre Camorra na huwag puro alak ang kanyang inumin
upang hindi siya maging sanhi ng mga alimuom.
Isagani: Sabihin niyo rin sa kaniya na matamis at naiinom ang tubig ngunit pumapatay
ng apoy. Ito’y nag-aalab kapag umiinit at kapag ito’y namuhi at nagiging karagatang
minsan ng lumunod at nagpayanig sa daigdig.
Kapitan: Padre Florentino!Kayo pala! Halina sa itaas! Naroroon ang ibang mga prayle!
Kapitan: Sige na Padre Florentino, minsan lamang ito. Baka po isipin ng mga prayle sa
itaas na ayaw ninyo silang makasama.
Padre Florentino: Sige Kapitan papanhik na lamang ako. May sasabihin lamang ako sa
aking pamangkin.
Padre Florentino: (lalapit kay Isagani) Isagani, ako’y papanhik lamang sa itaas.
Isagani: Ganon ho ba? Tayo na (lalakad)
Padre Florentino: (hahawakan ang braso ni Isagani) Sandali lang Isagani, magparito ka
nalang. Masyado ng nakakahiya sa Kapitan kung pareho pa tayong aakyat. Baka isipin na
pinagsasamantalahan natin ang kanyang kabaitan.
Padre Florentino: Isang huling bilin, Isagani, huwag mo’ng banggitin kay Donya
Victorina na ang kaniyang asawa ang nagtatago sa tahanan ng mga prayle.
*next chapter*
Padre Florentino: Hindi naman sa ganoon Padre. Marami lang akong inaasikaso sa
ibaba at kinamusta ko ang aking pamangkin.
(Papasok si Simoun)
Don Custodio: Señor Simoun, saan ba kayo nanggaling? Sayang at hindi ninyo nakita
ang mga magagandang tanawin habang tayo’y naglalayag.
Kapitan: Alamat pala ang iyong nais matuklasan eto at mayaman ang ilog sa mga
alamat.
Kapitan: Nakikita ba ninyo ang malaking batong iyan? Ayon sa mga sabi sabi, ang
malaking batong iyan ay sinasabing bahay ng mga espiritu,
Donyo Victorina: Oh Señor ten Piedad! Nakakatakot naman iyan!
Kapitan: Ngunit ang Alamat ng Malapad na Bahay Bato, ay tungkol sa isang binatang
nangakong magpakasal sa isang dalagang nagngangalang Donya Geronima. Subalit,
isang araw ay nabalitaan niya na lamang na naging Arsobispo ng Maynila ang kaniyang
nobyo. Nang siya’y dumako sa Arsobispo upang hilingin ang katuparan ng kaniyang
pangako, ipinagawa na lamang siya ng Arsobispo ng yungib na napapalamutian ng
baging.
Donyo Victorina: Nakakapangilabot! Ano kaya ang nangyari kay Donya Victorina sa
loob ng yungib?
Padre Florentino: Doon na siya nanihrahan, namatay at inilibing. May mga nagsasabing
siya raw ang diwata ng yungib dahil siya’y nakikita ng mga tao na naghahagis ng mga
pilak na ginagamit sa piging sa ilog.
Padre Salvi: Ikukwento ko naman ang alamat ng Buwayang Bato. Minsan may isang
Intsik na di bininyagan ang dumaan sa tapat ng isang simbahan. Walang anu – ano, isang
demonyo na nag – anyong buwaya ang nagpalubog sa kaniyang bangka upang siya’y
hilain sa impyerno. Humingi siya ng tulong kay San Nicolas. Sa isang iglap, naging bato
ang buwaya.
Don Custodio: Kumalma ka nga Donya Victorina sapagkat ito ay isang alamat lamang.
Ben Zayb: Maalala ko lang, batid ba ninyo kung saan napatay ang isang nagngangalang
Guevarra, Navarra, o Ibarra? (Simuon walks away)
Kapitan: Hindi kay Señor Simoun. Sa dakong iyon, sinasabing tumalon si Ibarra sa tubig
nang makita niyang pinaliligiran na siya. Sumisid siya sa ilalim at sa tuwing lumilitaw
ang kanyang ulo upang huminga ay pinauulanan siya ng bala. Sa dako roo’y hindi na siya
nakita at may nakakitang nagkulay dugo ang tubig. Ngayon ang ika-13 taon ng
pangyayari.
Padre Sibyla: Ay kasama ng bangkay ng kanyang ama. Hindi ba isa siyang pilibustero?
Ben Zayb: Señor Simoun, anong nangyari sa inyo? Bakit tila’y natigilan kayo?
*change set*
*next chapter*
Tano: Ano ang tinitingin tingin mo diyan Juli at wala ka sainyong diwa?
Juli: Alam mo kuya? Nais ko ring magkapag-aral sa Maynila katulad mo ngunit alam
kong hindi sapat ang kinikita ni ama para itaguyod tayong dalawa.
(Alapaap by Eraserheads)
Tano: Ang dahilan mo ba sa kagustuhan mo ay para mapantayan ang nobyo mo’ng nag-
aaral ng medisina?
Juli: Hindi lamang iyon ang aking hangarin! Nais ko ring makatulong sa iyo, kay ama, at
kay lolo.
Kabesang Tales: Magandang araw mga anak! Ako’y nakauwi na at tapos nang mag-ani
Tandang Selo: Oh, anak, andito kana pala at mukhang marami kang na ani.
Kabesang Tales: Oo nga ho, ama, masagana at marami nga akong inaani ngunit..
Kabesang Tales: Marami nga aking ani ngunit napakalaking buwis naman ang sinisingil
ng mga prayle sa akin.
Kabesang Tales: Pero ama, silay’y sumosobra na. Kailangan ko ring pangalagaan kung
ano ang pinaghirapan ko!
Tandang Selo: Anak, magtimpi ka! Walang mapapala kung lalabanan mo sila!
Kabesang Tales: Paano ako magtitimpi kung ako’y dinadaya sa aking paghihirap?
Lalaban ako para sa anong karapatdapat sa akin!
Basilio: Ang Pasko ay nagpapaalala sa akin sa iyo, Ina. Wala kang ginawa kundi gumawa
ng mabuti pero pinuna ka ng mga tao.