You are on page 1of 31

El Filibusterismo iskrip nina DAPH at CRCP

Introduction:

Labing-tatlong taon na ang nakalilipas, Ngunit wala pa ring nakaalpas. Tila wala
ng lunas, kay dilim ng bukas Naaalala mo pa ba? Ang pagdurusa? Ang pang-aabuso?
Ang paghihirap? Ang korupsiyon? Ang pagiibigang hinadlangan? Ang bawat dahilan ng
paglaban? Uulitin ko, naaalala mo pa ba? Halina't tunghayan ang muling
pagsasabuhay ng CPE 2-B sa nobela na inialay sa tatlong paring martir. Mula sa
panulat ni Dr. Jose Rizal, Ang El Filibusterismo.

Scene 1: Kabanata 1: SA IBABAW NG KUBYERTA


Settings: Umaga ng Disyembre, ang sinasabing mapagpanggap na Bapor Tabo ay
pumalaot. Lulan ang mga matapobreng mayayaman sa itaas ng bapor, at ang mga
Indiyo, Tsino, at Mestizo na nagsisiksikan sa napakasikip at maduming babang
parte ng Bapor.

For actors: (Tignan natin ang mga pangyayari sa Bapor Tabo.) Nakatayo si Donya
Victorina at pinakikiramdaman ang takbo ng Bapor, habang ang mga padre, si Don
Custodio, si Ybañez (Ben Zayb) at Simoun at nakaupo at naguusap-usap.

Donya Victorina: Ano ba naman 'yan! Napakabagal naman ng takbo ng Bapor na 'to!
Susmaryosep. Tiyak na bibilis ang bapor na 'to kung wala ang mga Indiyo na yan,
haynako. Dapat talaga wala na ang mga Indiyo, walang Indiyo dito, walang Indiyo
sa bayan, walang indiyo sa sandaigdigan! Hindi ba? (mapapansin niyang walang
pumapansin sa kanya) Hmp!

Simoun: (Tatayo, at lalakad) Ang lunas ay napakadali, at hindi ko alam bakit wala
pang nakakaisip nito. (titingin sa mga padre) Dapat ay humukay ng isang tuwid na
kanal mula sa pagpasok ng ilog hanggang sa paglabas, isang kanal na maglalagos sa
Maynila. At dapat na tabunan na ang dating Ilog-Pasig, sa gayon ay hindi
maaaksaya ang lupa at iikli ang ating paglalakbay. Mawawala rin ang mga dakong
mababaw.

Ben Zayb: (iiling) Isang planong yankee ang iyong naiiisip. (tatango ang lahat,
maliban kay Don Custodio na tatayo)

Don Custodio: Ipagpaumanhin niyo, Senior Simoun, ngunit hindi ako sumasang-ayon.
Magiging magastos at makasisira ang iyong ideya.

Simoun: (mahinahon, pero maangas ang dating) 'Edi sumira kung kinakailangan. Don
Custodio: At saan naman kukuha ng ipangbabayad sa manggagawa?

Simoun: Walang ibabayad, Don Custodio, dahil mga bilanggo ang gagawa.

Don Custodio: Hindi sasapat ang mga bilanggo!

Simoun: Kung kukulangin, pagagawain natin ang mga taong bayan, mapa-matanda man o
bata! Pagta-trabahuhin sila!

Don Custodio: (magugulat, at sandaliang hindi iimik) Ngunit, Senior Simoun, gulo
ang kahahantungan niyan.
Simoun: (tatalikod) gulo? (tatawa) wala ka bang alam sa kasaysayan? Naghimagsik
ba ang mga taga-ehipto kahit minsan? Lumaban ba ang mga bilanggong Hudyo? Don,
akala ko'y nauunawaan mo ang kasaysayan.

Don Custodio: Pero, hindi mga taga-ehipto o hudyo ang kaharap mo! (tatayo si
Padre Salvi)

Padre Salvi: At ang mga taong ito, ay minsan nang naghimagsik. Simoun: Pero tapos
na. Lumipas na ang mga panahon na 'yon. Bigyan man sila ng maraming gawain at
patawan man ng matataas na buwis, hindi na sila muling maghihimagsik. (aalis)

Isagani: At alam mo bang sa bahay ng aking tiyo nagtatago ang kanyang esposo?

Basilio: Totoo?

Isagani: Totoo! (darating si Simoun)

Simoun: Magandang araw, mga ginoo. Tila kayo'y nagkakatuwaan, maaari ba akong
makisali sa usapan niyo? Basilio, pauwi ka ba para magbakasyon?

Basilio: Opo, Senior Simoun.

Simoun: Sino naman itong kasama mo?

Basilio: Siya po si Isagani. Isagani, siya si Senior Simoun. Simoun: Bueno,


saluhan niyo na lang ako sa pag-inom ng serbesa.

Basilio: Paumanhin, Senior, pero hindi kami umiinom ng alak.

Simoun: Hindi umiinom? Masama raw ang puro tubig ang iniinom, ani ni Padre
Camorra.

Isagani: (naiiinis) Hindi tulad ng alak, nakapapatay ng apoy ang tubig. At kapag
ito ay nagalit, ang tubig ay maaaring lumawak at maging dagat na nakakawasak.
Kapag pinainit at naging singaw, nakatutunaw. (sisikuhin siya ni Basilio)

Basilio: Ipagpaumanhin niyo, Senior Simoun, kami po'y aalis na. (tatango si
Simoun, at aalis na ang dalawa, habang naglalakad ay bubulong siya kay Isagani)
Napakatapang mong sumagot kay Senior Simoun, Isagani.

(Sa kabilang banda, nagkakaroon ng diskusyon ang Kapitan at Padre Florentino.)

Kapitan: Padre, bakit naririto pa rin kayo? Hinihintay na kayo sa itaas.

Padre Florentino: Aakyat din ako, may kakausapin lang.

Kapitan: (lalakad papaalis) Padre Florentino, halina sa taas! Naroon pala sila
Padre Camorra at Padre Salvi! (hindi sasagot si Padre Florentino) Kung hindi ka
po aakyat ay baka isipin ng mga padre na iniiwasan mo sila.

Ben Zayb: Indiyong Ingles!

Scene Two: Kabanata 2: SA ILALIM NG KUBYERTA


Kapitan Basilio: Kumusta na si Kapitan Tiyago?

Basilio: Ganun pa rin po, ayaw pa rin magpagamot. Ngayon po ay inutusan niya
akong pumunta sa San Diego para tignan ang paupahang bahay.
Kapitan Basilio: (iiling) Naku, noong bata pa kami niyan ni Kapitan Tiyago, wala
pa ang droga na 'yan. (sisingit si Isagani)

Isagani: Mawalang-galang na po, pero ang opyo ay isang halaman, hindi droga.
Hindi ba, Basilio?

Basilio: Tama, kaibigan.

Kapitan Basilio: Osiya, pagusapan nalang natin ang akademya ng wikang Kastila.
Palagay ko ay hindi matutuloy 'yan, dahil tututulan ni Padre Sibyla.

Basilio: Nakahanda na po ang mga guro, pati ang paaralan. Sumalungat man si Padre
Sibyla, hinihintay nalang naman po naming ang permiso pagkatapos makipagkita ni
Padre Irene kay Kapitan Heneral.

Kapitan Basilio: (tatawa) 'e saan naman kayo kukuha ng salapi?

Basilio: Mag-aambag po ang bawat mag-aaral, ang mga guro ay hati sa Pilipino at
Kastila. Handog naman ni Macaraig ang mga kagamitan.

Kapitan Basilio: Mabuti. Sana ay mapagtagumpayan niyo 'yan. Sige, ako'y aalis na.
(aalis)

Basilio: (haharap kay Isagani) Uy, ano nga pala ang sabi ng tiyo mo tungkol kay
Paulita? (ngingiti lang si Isagani) Teka, kaibigan, namumula ka ata! Binanggit ko
lang ang pangalan niya. (tatawa) Ganiyan ba kapag umiibig?

Isagani: (iibahin ang usapan) Alam mo ba, Basilio, pinakiusapan ako ni Donya
Victorina na hanapin si Don Tiburcio?

Basilio: Pumayag ka naman kasi mahal mo si Paulita.

Padre Florentino: Kakausapin ko lang ang pamangkin kong si Isagani, may


ihahabilin lamang ako sa kanya at ako'y susunod na rin sa taas. (aalis ang
kapitan at lalapit sa kanya si Isagani) Isagani, huwag kang aakyat sa taas ng
kubyerta habang ako'y naroroon. Baka isiping inaabuso natin ang kabutihang loob
ng kapitan.

Isagani: Masusunod po. (aalis ang padre) Sinungaling, ang totoo naman ay ayaw
niyang kausapin ko si Donya Victorina.

Scene 3: Kabanata 3: ANG MGA ALAMAT


(Matapos makita ng ibang tauhan ang magagandang tanawin sa kubyerta ay papasok si
Simoun.)

Don Custodio: Saan kayo galing, senyor Simoun? Hindi mo nakita ang magagandang
tanawin kanina.

Simoun: Sa ibaba. Wala akong interes sa mga tanawin, marami na ang nakita ko
niyan. Ang gusto ko malaman ang tungkol sa mga alamat nila, ano ba ang mga
kuwento-kuwentong ginagawa ng mga tao dito?

Kapitan: Kung sa alamat, ang Ilog Pasig ay mayaman. Isa na rito ang Alamat ng
"Malapad na Bato". Bukod doon, may isa pa pong alamat na tumutukoy naman sa isang
kweba. Ito ang alamat ni Donya Geronima.
Simoun: Alamat ni Donya Geronima? Interesado ako niyan, Kapitan, ikwento mo nga
ang alamat na 'yan.

Kapitan: Ah, hindi rin ako masyadong.. (kabadobg tumawa) Si Padre Florentino,
Senyor Simoun ang higit na nakakaalam sa alamat.

Padre Sibyla: (umismid) Paanong hindi niyo alam ang kuwentong ito? Halos lahat ng
tao'y may alam tungkol dito.

Donya Victorina: Kahit na, ikuwento mo nalang!

Ben Zayb: Hmm, intiresado na rin ako. Ano ba ang istorya nito?

[[ Ang Alamat ay patungkol sa isang binata na nangako sa isang paraluman na


pakakasalan niya ito ngunit dahil sa labis na pag- aaral ng binata, mang pangako
niyang ito ay nawala sa kanyang isipan. Ang dalaga naman ay patuloy pa ring
naghihintay sa iniirog niya, siya ay si Donya Geronima. Nagulat na lamang siya na
naging arsobispo nang mabalitaan pala na ang binata. Nagmakaawa ang dalaga na
siya'y pakasalan, upang hindi mapahiya, nagpagawa ng kweba ang binata para sa
Donya. Dahil sa karangyaan ng Donya, gabi-gabing nagkakaroon ng handaan sa
kanyang kweba. Isang araw, umupaw ang tubig sa ilog at pinasok ang kweba, kasabay
rin nito ang biglang pagkawala ng nasabing Donya. Nilimot na ng panahon ang
kwento ni Donya Geronima at iilan nalang sa mga mamamayan ang nakakaalala nito.]]

Ben Zayb: Napakagandang alamat! Napakasentimental. Isusulat ko iyan sa pahayagan.

Simoun: Hmm, Ano sa palagay mo Padre Salvi? Hindi ba't mas mainam na ipinasok ang
Donya sa beateryo, halimbawa, doon sa Sta. Clara. Doon ay pwede niyang dalawin
ang donya na hindi pinaghihinalaan ng mga tao. Sa nasabing monesteryo rin,
maaaring kumpisalin ng arsobispo ang dalaga at mag komunyon sa kanya. Padri
Salvi: Mga alamat ang pinag-uusapan natin, bakit na- napunta sa kumpisal at
komunyon? Bweno, may alam akong isang alamat na talagang walang kalamat-lamat at
sa ganda ay walang katapat. Ito ay ang milagro ni San Nicolas. Tungkol ito sa
isang Intsik na sakay sa isang bangka. Nang dumaan ang sinasakyan sa harap ng
simbahan ay biglang lumabas ang isang dimonyo na nagkatawang buwaya. Inihampas
nito ang mahabang buntot ikinataob ng bangka, natakot ang Intsik at nagbigkas
nang malakas ang pangalan ni San Nicolas kaya naging bato ang buwaya.

Ben Zayb: Papasok na pala tayo sa lawa. Kapitan, alam niyo ba kung saang dako ng
lawa napatay ang isang pilibusterong nagngangalang... ano nga 'yon... Cuevarra,
Navera O... Ibarra? (Napatingin lahat sa kapitan.)

Kapitan: Tumingin kayo roon (itinuro ang isang bahagi) Ayon sa mga guwardiya-
sibil na humabol sa mga tulisan, si Ibarra, nang makitang wala na siyang ligtas
ay tumalon mula sa bangka at lumangoy. Sa tuwing lilitaw ang kanyang ulo ay
pinauulanan siya ng bala. Doon sa malayo ay hindi na siya makita, ngunit ang
tubig sa dakong iyon ay nagkulay dugo. Iyan ang nangyari, labingtatlong taon na
ngayon ang nakararaan.

Ben Zayb: (bahagyang humina ang boses) Kaya ang kanyang katawan ay...
Padre Salvi: (pagalit) Ay sumama sa kanyang ama. Sa bangkay na isa pang
Pilibustero.

Simoun: (kukunot ang noo)

Ben Zayb: Ano ang nangyayari sa inyo, senyor Simoun? Namumutla ka yata.
(sarkastikong tumumawa at kumutya) Ikaw, na isang manlalakbay, nahihilo sa isang
patak ng tubig na ito?

Kapitan: Ang lawang ito ay hindi ninyo dapat tawaging isang patak lang ng tubig.
Ito'y mas malaki pa sa kahit anong lawa sa Suwisa, at kahit pagsama-samahin pa
ang lahat ng lawa Espanya. Marami na akong nakitang marinerng nahihilo rito.

Scene Four: Kabnata 4: SI KABESANG TALES


Juli: (nagwawalis) Kuya, makakapag-aral din kaya ako sa Maynila tulad mo?

Tano: Siyempre naman. (lalabas si Tandang Selo at Kabesang Tales) Ama! Kailan ba
makakapag-aral si Juli sa Maynila?

Juli: (iiling at titigil sa pagwawalis) Kuya-

Kabesang Tales: Sa susunod na taon, Juli. Magsasaya ka nang mahaba at mag-aaral


na sa Maynila gaya ng mga dalaga sa bayan. (tatakbo si Juli at yayakapin ang ama
sa tuwa)

Juli: Salamat, ama!

Tano: Iniisip lang niyan si Basilio at ang pangakong kasal sa kanya. (ibabato ni
Juli ang walis kay Tano, tatawa at tatakbo, agad naman siyang hahabulin ni Tano)

Kabesang Tales: (bubuntong-hininga) Maganda ang ani natin, ama.

Tata Selo: Aba'y kung maganda, ano ang iyong ipinag-aalala?

Kabesang Tales: (lalakad) Ang mga prayle. Ang mga mapang-abusong prayle.

Tata Selo: Hayaan mo. Wala kang mapapala sa pag-aalala sa mga bagay na 'yan.

Darating si Padre Camorra, Padre Salvi at mga Guwardiya Sibil.

Kabesang Tales: Magandang araw, padre. Bakit po kayo naparito?

Padre Camorra: Magbayad ka ng buwis! Dalawang-daang piso ang kinakailangan.

Kabesang Tales: Ha! Dalawang-daang piso?

Padre Salvi: Kung hindi ka magbabayad, ibibigay sa maglilinang sa lupaing ito.


iba ang

Kabesang Tales: Pero, ako ang naghirap na mag-tanim at mag-ani dito. Dugo, pawis,
at luha ang inialay ko para lang maiahon ang pamilya ko sa hirap.

Padre Camorra: Ngunit hindi mo pagmamay-ari ang lupain. Ito ay sa korporasyon.


Kabesang Tales: Pagmamay-ari? Bakit? May kasulatan ba kayo na nagpapatunay na sa
inyo ang lupaing ito? Padre Camorra/ Padre

Salvi: Meron!

Kabesang Tales: Nasaan naman 'yon?

Padre Salvi: At bakit kinakailangan mong makita?

Kabesang Tales: Dahil hindi ako magbabayad ng buwis hangga't wala akong
nakikitang katibayan na sainyo nga ang lupaing ito!

Tata Selo: (hahawakan ang balikat ni Tales) Anak, tama na 'yan. (babalik ang
magkapatid at yayakap sa kanilang ama ng makita ang mga guwardiya sibil)

Kabesang Tales: Hindi! Hindi ako papayag na nayuyurakan ang ating karapatan.
(kakalas sa yakap ng mga anak, hihilain ni Tata Selo ang mga bata. Aakmang
susugurin ni Tales ang mga padre, agad naman siyang tinutukan ng armas)

Padre Camorra: Ginagalit mo ako, Tales! Kunin niyo ang anak niya at gawing
guwardiya sibil! (papaluin ng armas si Tata Selo at hihilain sa kaniya si Tano)

Juli: Kuya! Bitawan niyo siya. Ama!

Kabesang Tales: Tano! Tano! Huwag ang aking anak!

Aakayin ng mga guwardiya sibil si Tano paalis. lalaban pa sana si Kabesang Tales
ngunit mas malakas ang mga Guwardiya Sibil at dinakip din siya. Naiwan si Juli na
naghihinagpis sa tabi ng kanyang Tata Selo. babalik ang isang guwardiya sibil at
kakausapin si Juli. Guwardiya Sibil: Binibini, limang daang piso ang hinihingi ng
aming pinuno, kundi ulo ng iyong ama ang kapalit. (aalis)

Juli: Saan ako kukuha ng limang daang piso? (malulungkot. kukunin niya sa bulsa
niya ang kwintas.) Ang agnos na ito, ito nalang ang solusyon. Ngunit, bigay ito
ni Basilio, at hindi pa rin ito sapat. Mamasukan kaya ako kay Hermana Penchang
bilang utusan?

Scene Five: Kabanata 5: ANG NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO

Settings: Gabi na nang makarating si Basilio sa San Diego. Naantala kasi ang
kanyang paglalakbay dahil ang kanyang kutsero ay walang dalang sedula at hinarang
ito ng mga guwardiya sibil.

Guwardiya Sibil: Tigil! (titigil ang kalesa) Nasaan ang sedula mo?

Sinong: (hahanapin ang sedula, pero di makikita) Nalimutan ko po. (hihilahin siya
pababa ng mga guwardiya sibil at bubugbugin)

Si Basilio ay nakatingin lang sa mga tanawin at hindi ito napansin. Nang makita
ito ni Basilio, naawa siya sa kutsero. Pababalikin ng mga guwardiya sibil si
Sinong.

Basilio: Heto, ang bayad.

Sinon: Sobra-sobra po ito, ginoo.


Basilio: Tanggapin mo na 'yan, ako'y paparito na.

Sinong: Salamat, ginoo.

Guwardiya Sibil: Sandali, bakit hindi umiilaw ang lampara ng karwahe mo?
Napakalaking krimen na ang ginagawa mo! (hihilain niya ulit si Sinong at
bubugbugin nila)

(Sa kabilang banda, ipinagpatuloy na ni Basilio ang kanyang paglalakbay sa


makipot at nagliliwanag na bintana ng bahay sa San Diego. Ang mga nagkikislapang
parol na nakasabit ay sumisimbolo na bisperas na ng kapaskuhan. Napapansin ang
mga bahay ay nagmumukhang mahirap, ngunit ang tahanan ni Kapitan Tiyago ay
nabubukod tangi sa lahat.)

Nakatayo si Kapitan Basilio, at Alperes na nag-uusap. Nakikinig naman si Basilio


sa malayo.

Kapitan Basilio: Dadalo ako, Senior Simoun. Pero siguraduhin niyo lamang na
masisiyahan kami sa mga alahas niyo, patunayan niyong kayo ang dapat tingalaing
mag-aalahas sa buong mundo. Sayang naman ang mga papuring ibinibigay ko sa'yo.

Alperes: Pipilitin kong makadalo, kailangan ko kasi ng relo, ngunit baka ako'y
maging abala at ipakiusap ko na lamang kay Kapitan Basilio na ipili na lang ako
sa mga koleksyon mo. Ito na ang bayad ko. (iaabot niya ang bayad kay Kapitan
Basilio pero tatanggihan niya)

Kapitan Basilio: Naku, huwag na. Regalo ko na sa iyo ang relo, itago mo na lang
yang pera.

Alperes: Nakakahiya naman po.

Kapitan Basili: (tatawa) Magagalit ako sa iyo kung ngayon mo ako babayaran sa
harap ng ating mga kaibigan. (darating si Padre Salvi at sisingit sa usapan)

Padre Salvi: Gusto ko rin sanang magpabili sayo ng isang magandang pares ng
hikaw, Kapitan Basilio. Sa kumbento ko na lamang babayaran.

Basilio: (nagsasalita habang naglalakad patungo sa mga nag- uusap) Kung totoo ang
mga balita, nakukuha lang niya sa kalahating halaga ang mga tunay na alahas na
ipinagbibili niya. Siya ay tumutubo ng sobra-sobra! Nakalulungkot lang na ang
tusong dayuhan kagaya niya ay kumikita ng sobra-sobra sa sarili nating bayan.
(nakita siya ng kawaksi at nagdiretso na siya sa paglalakad patungo sa bahay ni
Kapitan Tiyago)

Basilio: Napakatagal ko nang nawala rito, anong mga bagong pangyayari?

Kawaksi: Dalawang manggagawa na raw po ang ikinulong. Ang isa raw po ay


ipinatapon. Nabalitaan niyo po ba ang araw-araw na napi-pesteng kalabaw?

Basilio: Wala ka bang magandang balita na maibibigay sa akin? Tungkol sa ating


bayan?
Kawaksi: Tungkol sa ating bayan? Isa pong kasama natin ang sumakabilang buhay na,
yun pong matandang namamahala sa gubat. Sabi-sabing hindi raw po siya pinayagang
mailibing.

Basilio: Ha? At bakit naman?

Kawaksi: Kailangan daw po ng sementeryong paglilibingan, at ritwal na isasagawa


sa simbahan.

Basilio: Hindi rin naman importante sa akin ang bangkay na'yan, mas kailangan ko
ang mga namatay na may sakit para mapag-aralan at maoperahan. Wala na bang ibang
balita maliban diyan sa mga patay-patay?

(Isinalaysay ng katiwala ang malungkot na pangyayari na pagdakip ng mga sibil kay


Kabesang Tales. Naalala naman ni Basilio ang kanyang kasintahang si Juli.)

Basilio: Sabi ko, magandang balita. Tila lahat ng sinabi mo ay nagpalungkot


lamang sa akin.

Papasok si Basilio sa silid niya at hihiga sa kama, bubuksan niya ang bintana at
tinanaw ang buong bayan at hindi niya inaasahang may mga luha nang tumulo mula sa
kanyang mga mata.

Scene Six: Kabanata 6 at 7: SI BASILIO AT SI SIMOUN


Scene ambiance: Naulila sa murang edad. Nasaksihang malagutan ng hininga ang
kanyang ina at namatay ang kanyang nag-iisang kapatid. Naglibing sa sariling ina
at isang misteryosong lalaki. Nagsumikap. Pinalad at kinupkop ni Kapitan Tiyago.
Ilan lamang yan sa mga nangyari sa buhay ni Basilio. Ngayon, nagbalik siya ulit
sa San Diego at kaniyang pinuntahan ng palihim ang puntod ng ina.

Basilio: (uupo sa tabi ng puntod, at parang iiyak, bubuntong hininga) Ang tagal
na rin nang huling punta ko rito. Naaalala ko pa rin lahat, napakatagal na pero
parang andito pa rin ang sakit. (tatayo siya ng may nakita siyang liwanag na
paparating) Ano 'yon? Oh! Si Ginoong Simoun. (magtatago siya sa puo, at
pinagmasdan si Simoun na naghuhukay at may dalang malaking kahon, dahil sa
kuryosidad niya, nilapitan niya na si Simoun) Maaari ko po ba kayong matulungan,
ginoo?

Simoun: (magugulat nang margining ang boses ni Basilio, lilingon) Anong ginagawa
mo rito?

Basilio: Hmm. Labing-tatlong taon ang nakararaan, sa mismong lugar na ito rin
tayo nagkita. Sa palagay ko'y kayo ang nagbigay sa akin ng isang pakikiramay.
Ikaliligaya ko pong tumulong sa iyo.

Simoun: (ikakasa ang baril at itututok kay Basilio) Sino ba ako sa tingin mo?

Basilio: Isang taong dakila, sa aking pananaw. Taong pipiliin ng lahat, di gaya
ko. Kagaya kong patay na at ang tinamong kasawian ay labis kong ipinagdaramdam.

Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Maaari mo 'yang ikapahamak.
Hindi mo ba naiiisip na maaari kang mamatay sa mga kamay ko ngayon? Totoong
naparito ako labing-tatlong taon na ang nakararaan, para sa isang magiting kong
kaibigan. Ang nasimulan niyang pakikipaglaban sa karapatan ng mga Pilipino, na
ngayon ay ipagpapatuloy ko. Tapos ngayong pagbabalik ko, malalaman kong ang lason
sa lipunan ay tuluyan nang kumalat. At tila nagpapaalila ang mga kabataan!
Nagpapaalipin!

Basilio: Hindi totoo yan. Kung hindi sa pag-aaral ng mga kabataan sa wikang
kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ito ang magbubuklod sa mga
Pilipino.

Simoun: Isang pagkakamali! Hindi ito kailanman magiging wikang pambansa! Aanhin
natin 'to? Itatago lamang nito ang mga karapatan natin! Ang ating mga pagkatao!

Basilio: Mali ang iyong iniisip, Ginoong Simoun.

Simoun: At ano naman ang makukuha mokapag nakatapos ka? Sasaya ba ang bayan
natin? Lalaya ba ang mga tao? At hahayaan mo na lang ang iyong ina at kapatid na
mabulok sa ilalim ng lupa habang tinatapaktapakan ng mga taong mismong pumatay sa
kanila?

Basilio: Anong gusto mong gawin ko, Ginoong Simoun? Kaya ko ba silang ipaglaban?
Ni hindi ko nga maipaglaban ang sarili ko! Isa lamang akong hamak na estudyante,
walang kwenta!

Simoun: Dapat mo ring singilin ang lipunan gaya ko. Pinaslang ang kapatid mo, at
nabaliw ang nanay mo, parehong hindi nagkamit ng katarungan. Kapwa tayo ay uhaw
sa katarungan, kaya sa halip na labanan natin ang isa't isa, (ibababa ang baril)
Dapat tayo ay magtulungan. Kung papayag kang pumanig sa aking mga plano. (hindi
sasagot si Basilio at dahan-dahang aalis, at iiwan si Simoun)

Simoun: (tatawa) Magtatapos siya ng medisina, tapos tutubusin niya ang kasintahan
niya? 'Yan lang ang plano niya sa bayang ito? Aanhin niya ang mga pangarap niya
sa buhay na 'yon kung hindi siya malaya at ang mga tao sa mismong bayan nila.
Bakit kailangan pa nilang magpa-alila para lang magkaroon ng mapayapang buhay?
(aalis)

Scene Seven: Kabanata 8: MALIGAYANG PASKO!


Hermana Penchang: Juli, bukas ka na magsisimula.

Juli: Ha? Pero pasko po bukas.

Hermana Penchang: Sige, ibalik mo na lang ang mga perang pinahiram ko sayo.

Juli: (yuyuko) Opo, darating ako bukas. (aalis si Hermana Penchang, didiretso
naman siya sa harap ng birhen)

(Si Juli ay isang babaeng pilit naninindigan na ang kanyang mga panalangin ay
masasagot ng isang himala. Nakagawian na niya ng gumising umaga, at umaasang sana
ay hindi na muling sisikat ang araw.)

Juli: Mali. Wala ngang himala. Tila ang panalangin kong huwag na muling sumikat
ang araw ay hindi talaga magkakatotoo. (hihinga ng malalim) Ama, Tata Selo, Tano,
Basilio. Para sa inyo ito. (aalis)
Hermana Bali: (papasok kasama si Tata Selo) Haynako Juli! Dalian mo! Ang lolo mo,
diyos ko po!

Juli: (tatakbo) Ha! Tata Selo! Anong nangyari, tata?

Tata Selo: (umiiyak at hindi sasagot)

Juli: (yayakap) Tata Selo, huwag ka na pong umiyak. Ano po bang problema mo?

Tandang Sel: Bakit ganito ang mga nangyayari sa atin, Juli, apo? Hindi ko na
kinakaya ang mga nangyayari sa atin. (uubo)

Juli: (iiyak) Tata Selo, tahan na po, malalagpasan natin 'to! Matatapos natin ang
unos na 'to. Maninilbihan na po ako kay Hermana Penchang para sa perang inutang
natin sa kanya bilang pantubos. Kaya tumahan ka na po, Lolo, magiging maayos din
ang lahat.

Scene Eight: Kabanata 9: ANG MGA PILATO


Hermana Penchang: Binibigyan tayo ng ganitong pagsubok ng Diyos sapagkat tayo ay
makasalanan, o may mga kamag-anak na nagkasala na dapat ay naturuan ng kabanalan,
kaya ayan, pinarurusahan sila ng panginoon. Kaya ikaw, Juli! Tuturuan kita
magbasa at magdasal. Aralin mo ang mga librong 'yan, at humiling ka na matubos mo
na ang iyong ama.

Juli: Opo, maraming salamat po, Hermana Penchang.

(Mabalik naman tayo sa tahanan nila Kabesang Tales.)

Kabesang Tales: (lalakad na pagalit, sinusundan ng mga guwardiya sibil at ng


Alperes) Lupa ko ito! Hindi ba't walang maipakitang papeles ang mga mapang-
abusong prayle na 'yan! Nasaan na ang pruweba niyo? Amin ito! Akin ito! Hinding-
hindi ako magbabayad!! Alpere: Aba't matigas ka talaga, Tales! (hahawakan si
Kabesang Tales ng mga guwardiya sibil at magpupumiglas siya)

Kabesang Tales: Bitawan niyo ko! Saan niyo ko dadalhin?

Guwardiya Sibil: Sumama ka nalang! Kailangan ka pang tubusin ng mga kaanak mo!

Juli: (darating siya na tumatakbo at hinihingal) Bitawan niyo na po ang ama ko!
Babayaran ko, pakawalan niyo lang siya! (ibabagsak si Kabesang Tales ng mga
guwardiya sibil at aalis, tatakbo naman agad si Juli sa ama niya, iiyak)

Hermana Bali: (darating kasama si Tata Selo) Juli! Juli! Nako, ang lolo mo!

Juli: Tata Selo! Anong nangyari sa inyo!?

Extra (1): Naku, napipi na ba talaga si Tandang Selo? Nakakaawa naman sila.

Extra (2): Siguro'y hindi na talaga nakayanan ang mga pinagdadaanan nila. Tandang
Selo: (pipiliting magsalita pero walang lalabas sa mga bibig niya kundi mga iyak)

Juli: Diyos ko po! Ano na ba 'tong nangyayari sa atin!

Aalis si Kabesang Tales at iiwanan sila na magkakayakap.


Scene Nine: Kabanata 10: KAYAMANA'T KARALITAAN
Settings: Sa bahay ni Kabesang Tales gustong makituloy ni Simoun. Ang tahanan
niya ay nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Kasama ni Simoun ang dalawang
utusan, kaya mayroon na siya ng lahat ng kailangan niya at tanging hangad niya
lang ang makituloy sa bahay ni Tales ng isang gabi at dalawang araw.

Scene ambiance: Ipinakita naman ni Kabesang Tales ang isang magandang kaugalian
ng mga Pilipino, na kahit siya ay lugmok na sa kahirapan, malugod niya pa ring
tinatanggap ang mga bisita sa kanyang bahay.

Simoun: Maaari ba akong makituloy sa tahanan mo, Tales? (tatango lamang si Tales
at hindi sasagot) Narito ako para magbenta ng mga alahas, Kabesang Tales.

Kabesang Tales: Paumanhin, pero wala akong pera pambili ng mga mamahaling alahas
mo at hindi ko 'yan kailangan.

Simoun: Ayos lamang 'yon, ipapakita ko nalang sa iyo ang aking revolver.

Kabesang Tales: Mag-iingat ka, ang mga sibil ay may mga baril na kayang maiputok
sayo kahit na sa malayo. (hindi na makakasagot si Simoun nang biglang dumating
ang mga bibili ng mga alahas)

Sinan: Napakaganda naman ng kwintas na ito, magkano po ito?

Simoun: Hmm, dahil kasing ganda mo naman ang kwintas na iyan, ibibigay ko na yan
syo sa murang halaga.

Sinang: Talaga? Salamat po! (ililibot ni Simoun ang tingin niya at makikita ang
isang pamilyar na kwintas)

Simoun: S-saan galling ang kwintas na ito?

Kabesang Tales: Sa anak ko 'yan.

Simoun: Kung gayon ay bibilhin ko ang kwintas na ito kapalit ng kahit anong
magustuhan mo sa mga binibenta ko.

Kabesang Tales: (iiling) Ah hindi, hindi pwede, Ginoong Simoun. Sa anak ko po


yan, at hindi ko yan binibenta. Pasensiya.

Simoun: Ganoon ba? Sige. Ayos lang, matutulog na ako. (papasok na si Simoun sa
isang silid)

Kabesang Tales: (maglalakad-lakad sa loob ng bahay) Kailangan ko nang kumilos.


Kailangan ko nang gumanti. (makikita niya ang bag ni Simoun na may lamang
revolver, kukunin niya ito) Humanda kayo, dadanak na ang dugo. (aalis)

(Kinabukasan ay hindi na matagpuan si Kabesang Tales sa kaniyang bahay, gayon din


ang revolver na pagmamay-ari ni Simoun. Nakakita na lamang si Simoun ng isang
liham at ang kwintas na nais niyang bilhin mula kay Kabesang Tales.)

Scene Ten: Kabanata 11: LOS BANYOS


Scene ambiance: Mangangaso dapat ang Kapitan Heneral, pero dahil sa takot niyang
mapahiya kapag wala siyang napatay na ibon o usa, mas ginusto na lang niyang
umuwi. Bumalik sila sa Los Banyos, ika-tatlumpu't isang araw na ng Disyembre.)

Nasa bahay sila ng kapitan heneral at naglalaro sina Padre Sibyla, Padre Camorra,
Padre Irene at si Kapitan Heneral.

Kapitan Heneral: (tatawa ng malakas) Talagang sumasang-ayon sa akin ang tadhana!


Siniswerte talaga ako. (magkakatinginan si Padre Irene at Padre Sibyla)

(Sa kabilang gilid ay masayang nagku-kwentuhan sila Don Custodio, Padre


Fernandez, at isang kawani. Sa isang banda naman ay naroon sila Simoun at Ben
Zayb na humahalakhak habang nagkukwentuhan.)

Padre Camorra: Jusko! Para akong ninakawan. Akala niyo ba'y namumulot lang ako ng
pera? Aalis na nga ako, nagagalit na ang mga indiyo sa pagbabayad ng buwis!
(aalis)

Padre Irene: Gusto mo bang makipaglaro sa amin, Ginoong Simoun?

Kapitan Heneral: Halika, makipaglaro ka sa amin, Simoun.

Simoun: Ah, ganito. Ang itataya niyo ay ang inyong mga manggagawa, mga panalangin
at kabaitan. Ang itataya ko naman ay ang aking mga hiyas. Sayo, Padre Sibyla,
limang araw mong kakalimutan ang pagkakagawang gawa, karalitaan at
pagkamasunurin. Ikaw naman, Padre Irene, lilimutin mo ang kalinisan ng ugali,
pagkamaunawain at iba pa. Sayo naman, Kapitan Heneral, ang pag-uutos ng
pagbabaril sa iisang bihag habang pinaghahatid-hatiran.

Padre Irene: Ngunit, Ginoong Simoun, ano naman ang maipapala mo sa mga 'yon? Ang
mga buhay na tao? Ang pagtatapon? Ang mga pag- patay?

Simoun: Marami! (tatawa) Sawang-sawa na kong nakaririnig ng mga mapanlinlang na


kabutihan, at gusto ko ang lahat ng nakakalat sa daigdig ay mailagay sa isang
sako upang itapon sa dagat. Lilipunin ang lahat ng kasamaan at lilinisin ang
bayan.

Padre Irene: May galit ka ata sa mga tulisan, di po ba?

Simoun: Hindi ako nagtatanim ng galit sa mga tulisan sa kabundukan, kundi nasa
loob ng bayan at mga lungsod.

Padre Sibyla: Hindi ba't may panukala nang gagawing paaralan ang mga sabungan.
Pero may mga tumutol daw dahil nagbabayad sila ng apat na raan at limampung-
lipong piso ang nagpapasabong ng walang kahirap-hirap!

Kapitan Heneral: Tama na ang biruan. Hindi maipapasara ang mga paaralan dahil
lang sa mga pasugalan. Magbibitiw muna ako sa aking puwesto bago mangyari 'yan.
May binabalak na ko tungkol dyan.

Kawaksi: Mawalang-galang, Kapitan, Ang guro ng Tiyani ay humihingi ng maayos na


paaralan.

Kawaksi: Nag-sadya ako rito para humiling sa Kapitan Heneral na tulungan ang
dalagang tatlong beses nang pabalik-balik rito, kaawa-awa siya.
Kapitan Heneral: Sige, ibigay ang mga kailangan ng paaralan. Nang sa gayon ay
hindi na nila tayo masasabihang wala tayong awa.

Scene Eleven: Kabanata 12: PLACIDO PENITENTE


Scene ambiance: Malungkot na naglalakad si Placido Penitente patungo sa
pamantasan, ito'y dahil sa ayaw na niyang mag-aral gaya nang nasabi niya sa mga
sulat niya sa Ina. Alamin natin kung bakit.

Extra (1): Hala, 'diba si Placido 'yon? (maglalakad si Placido Penitente at


hihinto, magbabasa ng isang sulat)

Extra (2): Alam mo ba kung saan siya nag-aaral?

Extra (1): Balita ko'y nag-aaral siya sa Unibersidad ng Santo Tomas eh!

Extra (2): Oh? Siya siguro ang pinakamatalinong estudyante ni Padre Valerio!
(darating si Juanito kasama si Tadeo, mapapansin si Placido at tatakbo siya
patungo rito.)

Juanito: (tatapikin si Placido) Placido Penitente! Kumusta ka na?

Placido Penitente: Ayos lang.

Juanito: Alam mo bang labis akong nasiyahan kahapon, dahil inanyayahan ako ng
isang guro sa Tiyani na doon muna magpahinga! Aba syempre, tinanggap ko! Siguro
kilala mo si Padre Camorra, napakabait niya! (tatawa at sisikuhin si Placido
Penitente) Hinarana naming ang magagandang dilag roon, ano nga pala ang nangyari
sa klase kahapon?

Placido Penitente: Ayos lang rin.

Maglalakad si Paulita Gomez na sinusundan ni Isagani, mapapatingin ang mga


estudyante kay Paulita.

Tadeo: Napakaganda naman 'nun! Paki-sabi nalang sa professor na may sakit ako,
susundan ko lang ang babaeng iyon. (nagmamadaling umalis si Tadeo, at si Placido
naman ay pupunta na sa klase, makikita niya ang mga estudyante)

Padre Millon: Penitente. Penitente! Dalian mo, pirmahan mo rin ito.

Placido Penitente: Ano ba 'yan? Pasensiya, ngunit hindi ako pumiprima sa mga
papeles na hindi ko alam. Kailangan ko munang mabasa 'yan.

Extra (1): Napakahaba nito kung babasahin, tungkol ata ito sa protesta sa
kahilingan. Si Macaraig at ang kanyang mga kasama ay may hiling tungkol sa
pagtatago ng akademiya ng wikang kastila.

Placido Penitente: Pasensiya, pero hindi ko talaga maaaring pirmahan yan hangga't
hindi ko naiiintindihan kung para saan, bukod dun, ayokong makalaban si Macaraig.
(habang naglalakad paalis ay nilalakasan niya ang mga hakbang)

Padre Millon: Bastos! Magbabayad ka sakin, Placido Penitente.


Scene Twelve: Kabanata 13: ANG KLASE NG PISIKA
Scene ambiance: Habang nagkaklase si Padre Millon ay mayroon siyang isang
estudyante na natutulog.)

Padre Millon: (lalapitan at hahampasin ang estudyanteng natutulog) Hindi mo alam


ang leksyon, ano? Tamad! Napaka-antukin mo! (yuyuko ang estudyante) Sige, kung
kalaing, metal, at bubog ang salamin, anong uri ang kahoy na may makintab na
barnis o marmol na binuling maiigi?

Extra (2): (hindi sasagot)

Juanito: (pabulong) Sabihin mo, Narra!

Extra (2): Narra.

Padre Millon: Mali! (tatawa ang lahat ng estudyante) Napakabobo! Umupo ka nga!
Sige, kung ano ang ibabaw ay siyang salamin, bale wala ang harapan, ang mahalaga
lamang ay ang nasa likuran. Hindi ba?

Scene Thirteen: Kabanata 14: ANG TAHANAN NG MGA MAG-AARAL

Settings: Malaki ang bahay na tinitirahan ni Makaraig. Maluwag ang bahay na ito
at puro binata ang nakatira na iba-iba ang edad at pag-uugali. Ngunit iisa ang
kanilang hangarin, ang makapagpatayo ng Akademya sa Wikang Kastila. Magkakasama
sila Pecson, Isagani, Sandoval, at Juanito sa sala.

Pecson: Napakatagal naman ni Makaraig. (papasok si Makaraig) Ayan na pala siya.

Makaraig: Nakipagkita ako kay Padre Irene. Nabanggit niya sakin na sa Los Banyos
daw pinag-usapan ang lahat, at lahat daw ay tutol. Pero, hahayaan nila ang Katas-
taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang magdesisyon. (bubuntong-hininga)

Pecson: Ha? Pero hindi kumikilos ang lupong 'yan.

Makaraig: Sinabi na rin yan ni Padre Irene. Sabi niya'y si Don Custodio, isa sa
mga sangguni ang magdedesisyon.

Pecso: Paano kung laban sa atin ang desisyon?

Makaraig: Malaki na ang ating tinamo. Nagawa na natin ang ating kahilingan ay
mabigyan ng pasya, yan ang sabi ni Padre Irene. Kung tayo daw ay makikipag-
ugnayan kay Don Custodio ay baka makuha natin ang kanyang pagsang-ayon.

Sandoval: Sa paanong paraan naman tayo makikipag-ugnayan sa kanya?

Makaraig: Dalawang paraan lang ang aking naiiisip. (magtitinginan sila)

Pecson: Ang intsik na si Quiroga!

Sandoval: Ang mananayaw na si Pepay!


Isagani: Wala na bang ibang paraan? Maaari naming si Ginoong Pasta ang ating
lapitan.

Sandoval: Ah! Ang abogadong tagapayo ni Don Custodio?

Isagani: Oo, Kamag-aral siya ng aking ama. Problema lang ay kung papaano natin
siya lalapitan para pakiuisapan.

Makaraig: Hindi ba't si Ginoong Pasta ay may kalaguyong mananahi?

Isagani: Wala na ba tayong ibang paraan bukod sa pagbibigay ng kanilang mga


kalaguyo?

Juanito: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo nalang ang ginhawang maidudulot nun
kapag sila ay pumanig sa atin. Kilala ko ang kalaguyo niya, si Matea!

Isagani: Wala naman sigurong masama kung susubukan natin ang mga paraang hindi
mahalay tignan. Kakausapin ko muna si Ginoong Pasta, kapag hindi gumana, tsaka na
natin gawin ang ibang paraan.

Makaraig: Tama si Isagani. Sige, hintayin na lang natin ang resulta ng pakikipag-
usap niya.

Scene Fourteen: Kabanata 15: SI GINOONG PASTA


Scene ambiance: Si Ginoong Pasta ay isang bantog na abogado. Sinadya ni Isagani
na magtungo sa kanya para pakiusapan si Don Custodio. Tunghayan natin ang sumunod
na eksena.

Isagani: (papasok) Magandang araw po, Ginoong Pasta.

Ginoong Pasta: Ikaw pala, Isagani. Tumuloy ka. Kumusta na ang iyong ama?

Isagani: Mabuti naman po ang kaniyang kalagayan.

Ginoong Pasta: Mabuti kung gayon. Ano naman ang sadya mo rito?

Isagani: May ipapakausap lang po sana kami na mamagitan ka sa aming panig. Kapag
po sumangguni sa inyo si Don Custodio, kayo po ay lubos naming pagkakatiwalaan.

Ginoong Pasta: Isagani, ayokong makialam sa mga ganyang usapan. Masyadong maselan
ang kalagayan ko, kaya't kailangan kong mag- ingat sa aking mga ari-arian.

Isagani: Hindi naman po namin gustong malagay kayo sa kapahamakan. Kahity


kakaunti ay may alam naman po kami sa batas at mga adhikain ng pamahalaan. Ang
bawat layunin namin ay iisa lamang, sadyang magkaiba lang ng paraan.

Ginoong Pasta: Napakagaling mong sumagot, Isagani, ngunit paumanhin, hindi pa rin
ako pumapayag.

Isagani: Lagi pong sinasabi sakin ng aking ama na alalahanin ko ang iba gaya ng
pag-alala ko sa aking sarili. Hindi lang po para sa akin ito, para rin sa iba.

Ginoong Pasta: Hindi mo alam yang mga sinasabi mo.

Isagani: (yuyuko) Mawalang-galang na po, aalis na ako. (aalis)

Ginoong Pasta: Kaawa-awa. Kung sana'y lahat ay gaya niya mag- isip at kumilos.
Scene Fifteen: Kabanata 16: ANG KASAWIAN NG ISANG INTSIK
Settings: Si Quiroga, isa siyang negosyanteng intsik. Isang araw ay napakaraming
kagalang-galang na tao ang pumapasok sa bahay niya. Alamin natin ang parte niya
sa istorya.

Quiroga: Tuloy, tuloy po kayo. Huwag kayong mahiya, pumasok kayo sa napakaganda
kong tahanan. (papasok sina Timoteo Pelaez, Mga Guwardiya Sibil, Mga Padre, at
Mga Kawaksi)

Timoteo Pelaez: (galit na pumasok) Hmp. Dahil sa mga intsik na yan kaya ako
nalulugi sa aking negosyo. Napakapangit naman ng mga palamuti sa bahay na 'to,
hindi bagay!

Quiroga: (hindi niya papansinin at lalapit kay Simoun na papasok pa lang)


Magandang araw, Ginoong Simoun, tuloy po kayo.

Simoun: Nasaan na pala ang inutang mong siyam na libong piso?

Quiroga: Paumanhin, Ginoong Simoun, pero wala pa akong pera. Nalulugi na ako.

Simoun: Hmm, (maglalakad palayo sa mga tao at susundan siya ni Quiroga) Babawasan
ko ang utang mo ng dalawang libong piso kung papayag kang itago ang mga armas na
dumating sa bodega mo.

Quiroga: Pero paano kapag-

Simoun: Kapag may pagsisiyasat na mangyayari, ililipat ang mga ito kaya wala kang
dapat ipag-alala.

Quiroga: (tatango) Sige, pumapayag po ako.

(Sa kabilang banda, naguusap-usap sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Camorra, at
ng iba pa.)

Ben Zayb: Alam niyo ba yung ulong nagsasalita ni Mr. Leeds?

Padre Camorra: Aba'y syempre. Bali-balita na yan dito sa bayan.

Don Custodio: Hindi ako maniniwala d'yan, hangga't hindi konasasaksihan.

Padre Camorra: Kung gayon, gusto niyo bang pumunta roon? (tatango ang lahat; Don
Custodio, Padre Salvi, Padre Irene, Ben Zayb, at Timoteo Pelaez)

Scene Sixteen: Kabanata 17: ANG PERYA SA QUIAPO


Scene ambiance: Nagpasya sina Simoun, Don Custodio, Padre Camorra, Padre Salvi,
Padre Irene, Ben Zayb at Don Timoteo Pelaez na magtungo sa Perya sa Quiapo para
tignan ang nagsasalitang ulo ni Mr. Leeds.

Settings: Napakaganda ng gabi, at punong-puno ng panonoorin at manonood ang


perya. Tunghayan natin ang mga pangyayari.

Padre Camorra: Napakaganda naman ng mga kababaihan dito! Hay! Parang gusto kong
maging kura dito sa perya! (kukurutin si Ben Zayb)
Ben Zayb: Aray!

Padre Camorra: Oy! Iyon oh, napakagandang binibini naman 'yon. (maglalakad si
Paulita Gomez, kasunod si Isagani at Donya Victorina) Para siyang anghel.
(papasok sila sa isang tindahan ng mga sculpture) Hoy, Ben Zayb, kamukha mo ang
isang yon oh! (tatawa)

Ben Zayb: Ikaw naman yun oh! (tatawa silang lahat) Ano naman ang larawang ito?

Padre Camorra: Hindi mo ba nababasang La Prensa Filipina'' iyan?

Don Custodio: Ang mga indiyo ay may kakayahan din pala sa paglililok.

Padre Camorra: Pansin niyo yang intsik na si Quiroga, kung pagmamasdang mabuti ay
kamukha ni Padre Irene.

Don Custodio: At yung indiyong-ingles naman ay kahawig ni Simoun! (tatawa ang


lahat, bigla namang aalis si Simoun)

Padre Salvi: Halina, pumunta na tayo kay Mr. Leeds.

Padre Camorra: Oh, asan na si Simoun? Putris! Natakot na ata baka pagbayarin
natin sa palabas ni Mr. Leeds!

Ben Zayb: (tatawa) Napaka-kuripot!

Scene Seventeen: Kabanata 18: ANG MGA KADAYAAN


(Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga manonood sa kanyang perya.)

Ginoong Leed: Tuloy kayo, mga ginoo at binibini. Pumasok sa aking tanghalan, at
tunghayan niyo ang ulkong nagsasalita ng katotohanan.

Ben Zayb: (kumapa-kapa) Nasaan kaya ang salamin? Ginoong Leeds: May nawawala po
ba kayo, Ginoo? Kung wala ay maaari po bang umupo na ang lahat para tayo'y
magsimula na. (uupo ang lahat)

(Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong kahoy sa kanyang
pagbabalik.)

Ginoong Leeds: Ito ay galing sa ehipto. Natagpuan ko ito sa piramide ni Khufu.


Ito ay may lamang abo at isang pirasong papel. Sa pagbigkas ko ng mga salitang
nasa papel ay mabubuhay ang esfinghe.

Extra (1): Ah, amoy bangkay!

Extra (2): Bakit amoy apat na pung daang taon?

Ginoong Leeds: Mga manonood, sa isang salita ko lamang ay mabubuhay ang esfinghe.
(tatahimik ang lahat) Deremof! (susulpot ang ulo)

Imuthis: Ako si Imuthis! Pinanganak ako sa panahon ni Amasis. Naglakbay mula


Gresya, Assyria, at Persia. At sa pagdaan ko sa Babylonia ay may natuklasan akong
lihim. Dahil sa takot nilang ibunyag ko ang lihim, kinasangkapan nila ang banal
na batang saserdote.
Ginoong Leeds: Siya ay umibig sa isang anak ng pari at nagging kaagaw niya rito
ang pari sa Abidos.

Imuthis: Sa kabilang buhay ay nasaksihan ko ang panghahalay ng batang saserdote


sa aking minamahal. (pagalit) Gaganti ako! Gaganti ako!! Humanda siya!

Padre Salvi: Mahabag ka! (mahihimatay) (babalik si Imuthis sa loob ng kahon, at


magkakagulo ang lahat)

Don Custodio: Diyos ko po! Dapat ay ipagbawal ang tanghalang ito!

(Kinabukasan ay nagpalabas ng utos ang Gobernador na nagbabawal sa palabas ngunit


wala na si Mr. Leeds, nagtungo ito sa Hong- Kong kasama ang kanyang lihim.)

Scene Eighteen: Kabanata 19: ANG MITSA


(Hindi na siya ang dating mapagtimpi, kaya galit nag alit na lumabas ng klase si
Placido Penitente. Tunghayan natin ang mga nangyari.)

Placido Penitente: (pabulong) Ako si Placido Penitente, ipakilala mong ikaw ay


may karangalan, ikaw ay matapang, at maginoo. Taga-Batangas, ang paglait ay
hinuhugasan ng dugo.

Kabesang Andan: (makikita si Placido Penitente na pagalit na naglalakad) Oh?


Bakit andito ka na? Hindi ba't may klase ka pa?

Placido Penitente: (titigil) Hindi na ko papasok! Masyado sila, masyadong


nangmamaliit!

Kabesang Andang: Ha? Eh ipinangako ko pa naman sa tatay mo na aalagaan kita, pag-


aaralin at gagawing abogado! Naku, ano nalang ang sasabihin ko sa kanya kapag
nagkita kami sa kabilang buhay?

Placido Penitente: (bubuntong-hininga) Aalis muna po ako saglit. (maglalakad)


Nakakainis. Mas gusto ko pang tumalon sa tulay o kaya'y sumali sa mga tulisan
kaysa sumali bumalik dun. Gusto kong maging malaya! (habang naglalakad ay
makikita niya si Simoun) Ginoong Simoun! (tatakbo) Ginoong Simoun, maaari po ba
akong mangutang sayo?

Simoun: Para saan? Teka, samahan ΠΟ muna ako. (tatango si Placido, at maglalakad
sila. Makakasalubong nila sina Isagani, Paulita Gomez at Juanito. Didiretso lang
sila sa paglalakad. Lalapitan ni Simoun ang kartilyero.)

Kastilyero: Senyor Simoun, nasa bayong na po ang mga pulbura. Ang mga bomba ay
handa na pong lahat.

Simoun: Mabuti. Makipag-usap kayo ngayong gabi sa mga kabo at tinyente.


Pagkatapos ay magpatuloy kayo sa lakad. May makikita kayong taong namamangka,
sabihin niyo ang "Kabesa'' at sasagot 'yon ng Tales''. Huwag nang mag-aksaya ng
panahon.

Kastilyero: May mangyayari po bang bago?

Simoun: Maraming mangyayari sa darating na linggo.


Kastilyero: Pero, hindi pa po handa ang distrito. Kala ko'y maghihintay pa tayo.

Simoun: (iiling) Baka kapag naghintay pa tayo ay patay na si Maria Clara.


(tatango ang kastilyero at aalis na, maglalakad na pabalik si Simoun at Placido)

Placido Penitente: Ginoong Simoun, ako'y aalis na muna. (aalis)

Simoun: (titingin sa harap) Sandali na lang, magkikita at magkakasama na ulit


tayo. Himagsikan man ang nagpalayo sa atin, Himagsikan din ang maglalapit sa
atin.

Scene Nineteen Kabanata 20: SI DON CUSTODIO


Scene ambiance: Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteheredondo ay
kilalang tanyag sa Maynila at tinaguriang Bueno Tinta. Nakapag-asawa siya ng
isang mayaman, at gamit ang yaman ng asawa, nagnegosyo siya kahit kulang sa
kaalaman. Nagtungo siya sa Espanya ngunit walang pumansin sa kanya doon dahil
kulang siya sa pinag-aralan, kaya nagbalik agad siya sa Pilipinas, dala-dala ang
kunwaring magandang karanasan sa Madrid na ipinagmamalaki niya.

Extra (1): Ano na palang balita sa Akademiya ng Wikang Kastila?

Extra (2): Alam ko si Don Custodio ang magpapasya kung ipapatupad pa ito eh.

Extra (1): Ha? Sino si Don Custodio?

Extra (2): Siya ang tinatawag na Buena Tinta! (papasok si Don Custodio na
magtataray)

Don Custodio: Hay nako, mga indiyo nga naman. Tsk! Wala nang ginawang matino,
Walang anking talino, Walang maipagmalaki! (magugulat ang mga EXTRA at tatakbo
paalis) Ano ba naman yan, mauubos na ang oras ko at kailangan ko nang magpasya.
Kailangan ko nang magdesisyon! (may makikita siyang libro) Ito! Haynako
napakagaling ko talaga! Ang pagpapasya ay tapos na!

Scene 20: Kabanata 21: ANG ANYO NG TAGA-MAYNILA


Scene ambiance: May mangyayaring pagtatanghal sa Teatro De Variendades sa gabing
iyon, ubos ang mga ticket, at napakahaba ng pila sa pagpasok. Tunghayan natin ang
mga kaganapan.)

Camaronccocido: Naku! Napakaraming tao.

Tiyo Kiko: Kaibigan! Tignan mo 'to, piso sa mehiko! Binayaran kasi ako nang mahal
sa pranses. (tatawa) Maganda na ang pagkakadikit sa mga paskin sa kartel.

Camaronccocido: Kiko, kung anim na piso ang ibibigay ko sayo, magkano naman kaya
ang sa mga prayle?

Tiyo Kiko: Ha? Sa mga prayle?


Camaronccocido: Alam mo, Kiko, mga prayle ang may kagagawan ng mga ganito. Ang
kalahati ng mga nagsisipasok sa teatro ay manonood dahil sinasabi ng mga prayle
na huwag manood, at ang palabas dahil ipinagbabawal ng mga prayle. Mabuti ang
iyong mga paskin ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o
pagbabawal ng mga pari.

Tiyo Kiko: Kaibigang Camaronccocido, palagay mo kaya ay maaari akong mawalan ng


hanapbuhay dahil sa pagtulig sa ni Padre Salvi?

Camaronccocido: Maaari, Kiko. Humihirap na ang paghahanap ng salapi. (aakbay kay


Kiko at maglalakad na sila)

Simoun: (maglalakad papasok na may kasama) May isang putok kayong maririnig at
ito na ang hudyat, huwag kayong mabahala. Sundin niyo ang aking utos at baka
matataasan ang mga tungkulin niyo. (tatango ang kasama niya, at maglalakad na
ulit sila paalis)

Maraming tauhan ang makikita. Sina Camaronccocido at Tiyo Kiko ay naglilibot-


libot, papasok naman sa eksena sila Donya Victorina, Paulita Gomez at Juanito
Pelaez. Darating din sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani.

Sandoval: Oy, hindi ba't si Tadeo yun?

Makaraig/Pecson: Saan? (hahanapin nila sa maraming tao si Tadeo, samantalang si


Isagani ay nakatitig lamang kay Paulita)

Sandoval: Ayon oh, Tadeo! (lilingon si Tadeo at makikita sila, lalapit siya)

Makaraig: Hindi ba kayo papasok?

Tadeo: Hindi na umabot sa ticket, naubos na.

Makaraig: Buti may palko kami, pero hindi makakasama si Basilio. Ikaw nalang ang
sumama, halika na. (tatango si Tadeo at aalis na sila)

Scene Twenty-one: Kabanata 22: ANG PALABAS


(Napakaingay sa dulaan, at hindi pa nagsisimula ang palabas dahil wala pa ang
Kapitan Heneral. Inip na inip na ang mga tao kaya napakaingay na.)

Nakaupo si Pepay sa katabi ni Don Custodio, at kaharap ang mga estudyante. Nasa
harap naman ni Isagani nakaupo si Paulita, Juanito, at Donya Victorina.

Extra (1): Buksan niyo na ang tabing!

Extra (2): Siguro'y nakipagkagalit ang Kapitan Heneral sa mga prayle kaya't
tinatagalan niya ang pagdating.

Extra (1): Siguro nga. (mapapansin ang mga lalaking nagsisipol nang makita ang
mga kababaihan) Haynako, tignan mo ang mga kalalakihan doon. Nauuulol sa pag-
ibig! (pagalit na magpapaypay)

(Lampas na sa oras at hindi pa rin nagsisimula ang tanghalan. Dalawang palko na


lamang ang natitira, at may isang ginoo ang pumasok at umupo sa isang palko.)

Don Primitivo: (lalakad sa harapan ng ginoo) Umalis ka, akin ang upuan na iyan.
Ginoo: May pangalan mo ba? Wala naman diba.

Don Primitivo: Aba, hindi mo ba ako kilala? Sandali. Hoy, ikaw! (tatawagin ang
isang tagapamahala sa tanghalan) Paalisin mo nga ang hampaslupang ito sa upuan
ko.

Tagapamahala: Ginoo, maaari niyo po bang ibigay ang palko kay Don Primitivo?

Ginoo: Ayoko. (magagalit si Don Primitivo, sisigaw ang lahat ng tao sa tanghalan
ng "Laban! Laban! O Bawi! Bawi!'')

Extra (2): Hindi nila mapapaalis 'yan, mataas na tao yan sa pamahalaan. (pagalit
na aalis si Don Primitivo, kasunod ang tagapamahala)

Darating na si Kapitan Heneral. Magpapalakpakan ang mga tao. May lalabas na mga
mang-aawit.

Gertude at Serpolette: (kakanta ng awiting pranses)

Don Custodio: Ah! Ang mga babaeng pranses na ito!

Serpolette: Vous êtes tous laids! (Vu-Et-hes-Tuh-Leyd) (papalakpak ang isang


lalaki at magpapalakpakan na ang mga tao, tititig lang si Serpolette sa isang
lalaki)

Tadeo: Sino yung tinitignan niya? (hahanapin yung tinitignan ni Serpolette) Si


Padre Irene yun ah.

Sandoval: Oo, nakita ko si Padre Irene na nakikipagusap sa mga artistang babae


kanina.

(Mabilis na lumipas ang oras, at natapos na ang pagtatanghal.)

Pecson: (masaya) Magdiwang tayo sa isang pansiteryang paglilingkuran ng mga


Intsik na hubad!

Scene Twenty-two: Kabanata 23: ISANG BANGKAY


Camaronccocido: Nanood din ba si Basilio sa tanghalan kagabi?

Makaraig: Ah, hindi siya nakadalo dahil abala siya sa pag-aaral at pag-aalaga kay
Kapitan Tiyago. Gayong katutubos niya lamang kay Huli.

Makikitang may chinicheck na pasyente si Basilio. Papasok si Simoun.

Simoun: Kumusta siya?

Basilio: Masama. Halos hindi na tumitibok ang pulso niya, hindi na kumakain.
(bubuntong-hininga) Napunta na sa buong katawan niya ang lason, baka nga bukas
makalawa ay mamatay na siya, dahil lang sa maliit na dahilan.

Simoun: Mamamatay dahil sa maliit na bagay lang? Gaya ng Pilipinas?

Basilio: At lalong nagpapahina sa kaniya ay ang pagkatakot. Ang mga panaginip


niya.

Simoun: Tulad ng pamahalaan, Basilio! Pakinggan mo ako. Mahalaga ang bawat


sandali. Sa loob ng isang oras, sisiklab na ang himagsikan. Wala nang pamantasan,
tanging dugo at patayan ang matutunghayan. Kapag kami ay nagwagi, lahat ng hindi
tumulong sa amin ay magsisilbing kalaban, Basilio, nandito ako para tanungin kung
pipiliin mo ang iyong kamatayan o ang iyong kinabukasan.

Basilio: Ginoong Simoun-

Simoun: Nasa mga kamay ko na ang kalooban ng pamahalaan. Magpasya ka na, Basilio.
Kasama ko si Kabesang Tales, nasa baba siya at naghihintay. Gusto ko nang
simulant at tapusin ang himagsikang ito para makuha ko na si Maria Clara.

Basilio: Si Maria Clara?

Simoun: Oo, ililigtas ko siya. Nabuhay ako para iligtas siya, matapos lang ang
himagsikan at hindi ko na siya iaalis sa mga bisig ko.

Basilio: Ngunit, Ginoong Simoun, huli ka na.

Simoun: Ha?

Basilio: Wala na. Huli ka na. Patay na si Maria Clara.

Simoun: Hindi. Hindi! Sabihin mong hindi totoo yan! Hindi totoo yan! Buhay pa
siya, Basilio. Sabihin mong buhay pa ang nagpapabuhay sakin, Basilio!

Basilio: (may iaaabot na papel) Heto, ginoo, binigay ni Padre Irene. Liham
tungkol kay Maria Clara.

Simoun: Namatay? Namatay nang hindi ko man lang nalalaman? Paano na? Paano na ako
ngayong wala na ang buhay ko? (aalis)

Scene Twenty-three: Kabanata 24: MGA PANGARAP


(Nagpasyang magkita ni Paulita Gomez at Isagani sa Bagumbayan.)

Isagani: Anong problema, Paulita?

Paulita Gomez: Nakita kita sa tanghalan kagabi, tila titig na titig ka sa mga
pranses. Hmp! (magpapaypay si Paulita at tatalikod)

Isagani: Hmm, nakita rin kita kagabi. Ang saya-saya mo nga habang kasama mo si
Juanito Pelaez. (mapapaharap si Paulita na parang matatawa)

Paulita Gomez: Nagpapatawa ka ba, Isagani? Ang aking tiyahing si Donya Victorina
ang may gusto sa kaniya, hindi ako. Alam mo naman kung sino ang iniibig ko.

Isagani: Ako? (tatawa silang dalawa)

Paulita: Ikaw. Pero maiba tayo, ano pala ang pinagusapan niyo ng aking tiya?

Isagani: Tinanong niya lang ako kung alam ko kung nasaan si Don Tiburcio, pero
hindi ko sinabi. Nagtatago siya kila Padre Florentino.

Paulita: Hindi na kasi siya mapakaling mahanap si Don Tiburcio.

Isagani: Paulita, Alam mo bang gusto kong manirahan sa nayon? Kala ko nga ang
bayang iyon lang ang pinakamagandang bagay sa buhay ko, hindi pa pala, kasi hindi
pa kita nakikita noon. Ang bayan roon lang ang tanging nagpapasasya sakin, bago
pa tayo magkakilala. Pero nang makilala kita, sa tuwing babalik ako sa bayang
'yon, nakakaramdam ako ng kakulangan. Hanggang sa napagtanto ko na ikaw pala ang
kulang.

Paulita: Pero, Isagani, ayokong pumunta doon.

(Sa kabilang banda, ipinapatawag na ni Donya Victorina si Paulita Gomez.)

Donya Victorina: Paulita, ija! Halika na. (magtitinginan si Paulita at Isagani,


ngingiti) Isagani, sa nayon niyo ba nagtatago si Don Tiburcio?

Isagani: Hindi ko po alam.

Donya Victorina: Ah, Isagani, Anong masasabi mo kung magpapakasal ako kay

Juanito? (tatawa)

Isagani: (matatahimik, tititig kay Paulita) Maganda. Maganda!

Donya Victorina: (maglalakad palayo sa kanila) Tama, kung magkakatuluyan si


Paulita at Isagani, mapapasaakin si Juanito! (hahalakhak)

Scene Twenty-four: Kabanata 25: TAWANAN AT IYAKAN


(Idinaos ang isang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista De Buen
Gusto. Labing-apat lahat sila, pinakyaw lahat ng lamesa. Matalim magsalita ang
mga estudyante, naghahalakhakan ng pilit pero may tunog ng hinanakit.)

Sandoval: Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at pansit sa lupa ng mga


binatang may magagandang kalooban!

Lahat: Woooh! (tatawa ang lahat)

Estudyante: Oy, narito na si Isagani!

Tadeo: Dapat si Basilio na lang ang inanyayahan natin, hindi si Juanito. Edi sana
malalasing natin siya at baka magsabi siya ng mga lihim.

Estudyante: Lihim tungkol sa mongha!

Makaraig: (sisigaw) Mga ginoo! Ialay natin kay Don Custodio ang mga buto ng manok
sa pansit-lanlang!

Pecson: Ang lumpiang instik na baboy ang laman ang kay Padre Irene!

Makaraig: Mga tortang alimango, gaya ng mga prayle! At ang pansit gisado na ito,
sa pamahalaan at bayan!

Tadeo at Isagani: Tutol ako!

Sandoval: Sige nga, magtalumpati ka, Tadeo!

Tadeo: Talumpati na lamang na natutunan ko sa klase.

Sandoval: Huwag na yon! (biglang tatayo si Pecson)

Pecson: Kung walang prayle at walang indiyo sa Pilipinas, Ano kaya ang nangyayari
sa pamahalaan natin ngayon? Mula kamusmusan hanggang sa libangan, puro mga prayle
ang kasama natin!
Estudyante: Teka, may nagmamanman sa atin! (mapapatingin ang lahat sa harapan)

Scene Twenty-five: Kabanata 26: MGA PASKIN


Scene ambiance: Naglalakad si Basilio nang umagang iyon papunta sa pamantasan,
para bisitahin ang mga pasyente at pagkatapos ay pupunta kay Makaraig para
mangutang. Pero habang papalapit siya sa pamantasan, napansin niya ang mga mag-
aaral na pinapalabas.

Basilio: Mawalang-galang na ho, ngunit ano pong nangyayari?

Estudyante: Natuklasan ang himagsikan! Marami ang nasasangkot! (bago pa


makapagsalita si Basilio, umalis na ang estudyante, may dumating naman na Guro)

Guro: Nagpunta ka ba sa pansiteria noong isang gabi?

Basilio: Masama ang pakiramdam ni Kapitan Tiyago kaya hindi ako nakarating sa
piging.

Guro: Buti na lang hindi ka nagpunta roon. Pero, kasapi ka ba sa samahan ng mga
mag-aaral?

Basilio: Opo, nag-ambag ako roon.

Guro: Naku! Umuwi ka na, sunugin mo ang mga kasulatang na sayo!

Basilio: Si Ginoong Simoun po?

Guro: Wala, wala siyang alam sa nangyari. (tatango si Basilio, makikita niya ang
kapwa mag-aaral at lalapit sa kanila)

Basilio: Hindi tayo mabibilanggo, hindi tayo dapat mabilanggo!

Estudyante: Hindi kapani-paniwalang ang mga kabataan ngayon ay mabibilanggo dahil


sa paghahangad ng kalayaan! Sino bang hangal ang sumulat sa mga paskin na 'yon!

Isagani: Wala tayong pakialam don, hindi tayo magsisiyasat kung saan may
panganib.

(Matapos ang mainit na diskusyon ng mga mag-aaral, umalis na si Basilio para


pumunta kila Makaraig.)

Makaraig: (makikita si Basilio) Pati ba ikaw?

Basilio: Nandito ako para kausapin ka.

Makaraig: (hahalakhak) Kapag payapa, wala ka. Pero kapag ganitong may himagsikan,
tsaka ka nagpapakita.

Basilio: (Makikita ang mga sibil at kabo na paparating) Pati ba ako?

Makaraig: (tatawa) Maaasahan mo ako, at sa ating pagtatapos ay aanyayahan natin


ang mga ginoong 'to. (isasakay silang dalawa sa karwahe)

Scene Twenty-six: Kabanata 27: ANG PRAYLE AT ANG ESTUDYANTE


Scene ambiance: Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang katedratiko.
Labis na ginagalang ito ng binata.

Padre Fernandez: (tatayo) Isagani, Nais ko kayong makausap. Natutuwa ako sa mga
kabataang may sari-sariling opinion kahit taliwas ito sa aking mga opinion. Ayon
sa sinabi mo'y nagdaos kayo ng piging, huwag ka sana magkaila.

Isagani: Totoo po.

Padre Fernandez: Hindi ko kayo sinisisi. Malaya kayong magsabi kung ano man ang
palagay niyo sa mga dominiko, ipinatawag kita para makipaglinawan sayo. Biruin
mo, sa libo-libong tinuruan ko sa Pilipinas, napakaraming tumutuligsa sa mga
prayle kapag nakatalikod pero 'pag naka harap ay humahalik sa kamay. Hindi ko ba
kayo binigyan ng pagkakataong magsalita sa aking klase?

Isagani: Mabuti po lahat ng nagawa niyo sa amin.

Padre Fernandez: Natatangi ka nga sa lahat, Isagani.

Isagani: Nagpapasalamat po ako sa inyo, Padre Fernandez. Hindi ako makikipagtalo


kung natatangi ako o hindi, tinatanggap ko ito. Hinihiling ko sa aking guro na
ibahin ang paksa ng usapan.

Padre Fernandez: Huwag niyong ipalagay na ako ang inyong guro, ako ay isang
prayle, at kayo ang mga Pilipino. Ngayon, ano ang hangad sa amin ng mga mag-aaral
na Pilipino?

Isagani: Tuparin ninyo ang inyong mga tungkulin, yan ang aming hiling.

Padre Fernandez: Hindi ba namin tinutupad an gaming mga tungkulin?

Isagani: Tungkulin niyong pagbutihin ang kabataan, akayin ito sa tama at mabuting
landas. At lumikha ng isang bayang marangal, matapat! Tumutupad ba ang mga prayle
sa kanilang mga tungkulin?

Padre Fernandez: Tinutupad namin.

Isagani: Sigurado ka? Imbis na isakatuparan lahat yan ng mga prayle ay


hinahadlangan pa nila ang pag-aaral ng mga kabataan ngayon. Ang mga itinuturo
niyo ay luma na at lipas na sa karunungan.

Padre Fernandez: Napakabigat na paratang naman ng mga yan, Isagani.

Isagani: Hindi po! Ang mga sinasabi ko ay mga suliranin ng mga mag-aaral at ng
mga prayle. Ang pagpili ng mga prayle kung sino lang ang tuturuan nila ay sanhi
ng mga galit sa loob namin.

Padre Fernandez: Ang karunungan ay itinatanim lamang sa kung sino ang dapat
magtamo nito, hindi sa mga taong walang mabuting puso at mabuting asal.

Isagani: (tatango) Pero, sagutin mo, Padre, Bakit may mga masasama at hindi
mabubuting-ugali? Hindi po ba dapat ay tumulong ang mga prayle at huwag hadlangan
ang pag-aaral namin, Huwag yun pipiliin niyo kung sino lang ang tuturuan niyo.
(wala nang masasabi si Padre Fernandez) Mauuna na po ako. (aalis)
Scene Twenty-seven: Kabanata 28: PAGKATAKOT AT ANG HULING SALITA KAY
KAPITAN TIYAGO
(Dumako naman tayo sa tahanan ni Kapitan Tiyago.)

Padre Irene: Kung hindi ako dumating, at nagsabing kumalma muna ay dumadanak na
siguro ang dugo ngayon. Wala rin naman silang mapapala sa Heneral, nanghihinayang
sila dahil wala roon si Simoun. Kung hindi lang siya nagkasakit eh.

Kapitan Tiyago: (hahawak kay Padre Irene at tatayo dahan-dahan) Hindi, hindi ko
na kaya. Dinakip nila si Basilio at hinalughog ng mga aklat at mga papeles ko.
Hindi, hindi, hindi ko na k- kaya. (malalagutan ng hininga, matutumba at
nakakapit pa rin kay Padre Irene)

Padre Irene: Kapitan Tiyago, Kapitan Tiyago! Gumising ka! (matatakot at tatakbo,
makakaladkad si Kapitan Tiyago)

(Sa kabilang dako, nagkakagulo na sa pamantasan.)

Extra (1): Nagsimula na ang himagsikan, naku! Ang daming napipinsala at


nasasaktan.

Extra (2): Pati sa Ermita, sumisiklab na ang himagsikan. May putukan na rin sa
Dulumbayan.

Estudyante (1): Nahuli ba si Tadeo?

Extra (2): Alam ko'y binaril na siya!

Estudyante (2): Huwag kayong masyadong malakas mag-usap, baka sabihing mga
kasabwat tayo.

Estudyante (1): Buti na lang sinunog ko na ang mga librong binigay niya sa akin.

Extra (1): Nabilanggo daw si Isagani?

Estudyante (2): Loko-loko kasi yang si Isagani. Hindi naman siya mahuhuli kung
hindi niya isinuko ang sarili niya eh.

Estudyante (1): Buti nga sa kanya.

Extra (2): Eh paano si Paulita Gomez?

Extra (1): Hindi namna siya mawawalan ng kasintahan eh. Pero baka ay iiyak yon
dahil malapit nang ikasal si Paulita sa isang kastila.

Estudyante (1): Kagagawan ni Padre Salvi ang kaguluhang ito.

(Marangal ang naging libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre Irene ang tagapamahala at
tagapagpatupad ng testamento ng kapitan.)

Padre Irene: Sa akin hinabilin lahat ni Kapitan Tiyago ang paghahati-hati ng


kaniyang ari-arian. Sa Santa Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga korporasyon
ng mga prayle ang lahat. May dalawangpung piso naman ay pangmatrikula ng mga
mahihirap na mag-aaral. Hindi na ibibigay ang dalawangpu't-limang piso kay
Basilio dahil sa masamang inasal nito.
Kapitan Tinong: Iaaalay ko sa kaniya ang lumang damit na pransiskano, mahalaga
iyon sa akin pero hindi ako magdadalawang- isip na ibigay na lang ito kay Kapitan
Tiyago.

Padre Irene: Lumang damit ang ipasusuot sa kaniya. Hindi naman tumitingin sa
kasuotan ang panginoon.

Scene Twenty-eight: Kabanata 29: SI JULI


Scene ambiance: Nabalita sa buong bayan ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang
pagkadakip kay Basilio. Maaari raw na ipatapon o patayin ang binate. At sa Enero
rin bibitayin ang tatlong paring martyr, Mga pari na iyon, bibitayin pa. Paano pa
kaya si Basilio?

Hermana Penchang: Sinasabi ko na sa kanya! Parusa na 'yan ng Diyos. Buti na lang


napaalis ko na dito si Juli, ayokong maka- away ang mga prayle noh!

(Ano na nga ba ang nangyayari kay Juli?)

Juli: Ano po?! Si Basilio! Wala man lang akong magawa sa nangyayari sa kaniya
ngayon. (iiyak)

Hermana Bali: Walang himalang mangyayari kung iiyak ka lang dyan, Juli.

Juli: Pero, isang paraan na lang ang alam ko. Kahit kanino ako sumaklolo, Hermana
Bali, kay Padre Camorra pa rin ang bagsak ko.

Hermana Bali: Edi subukan mo, kung ito na lang talaga ang natitirang paraan.

Juli: Natatakot po ako! Hindi kaya ng aking budhi ang hinihiling na kapalit ni
Padre Camorra.

Hermana Bali: Hahayaan mo na lang mamatay ng tuluyan si Basilio sa likod ng mga


rehas? Nasa huli ang pagsisisi, Juli.

Juli: (tatango) Tama ka po, Hermana Bali.

(Sinunod nga ni Juli ang ideya ni Hermana Bali. Pumunta siya kay Padre Camorra
para humingi ng tulong, ngunit sa hindi inaasahan.)

Juli: AAAAH! (lalabas si Juli, tumatakbo, kumot na lang ang saplot niya. Tatalon
siya sa bintana)

Scene Twenty-nine: Kabanata 30: ANG MATAAS NA KAMANI


(Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli. Nakalaya na
ang mga estudyanye, una si Makaraig at ang pinakahuli ay si Isagani. Naiwan na
lamang doon si Basilio.)

Kawaksi (1): Tanging si Basilio na lang po ang hindi nakalaya. Patawarin niyo ako
kamahalan pero ayon sa nagsabi sa akin, Si Basilio ay isang mabuting mag-aaral na
nais lang makapagtapos ng medisina. Lahat ng guro niya ay nais ang kaniyang
pagkalaya.
Kapitan Heneral: Sa palagay ko ay mas nakabubuting hindi siya palayain.

Kawaksi (1): Wala naman po ata siyang kinalaman sa mga nangyaring kaguluhan.

Kawaksi (2): Pero, nahulihan siya ng mga aklat.

Kapitan Heneral: Minsan, mas mabuting iwaksi ang kabutihan ng isa para sa
kabutihan ng lahat, Dahil sa mga ginagawa ko, naisasaayos ko ang mga kasamaan ng
ating pinuno at ng iba.

Kawaksi (2): Ngunit hindi po ba magbubunga ng takot ang mga pagbibintang?

Kapitan Henera: Bakit ako matatakot kung may kapangyarihan akong humatol ayon sa
aking kagustuhan? Hindi ako maaaring masakdal ng kahit sino man.

Kawaksi (1): Paano naman ang bayan, Kapitan Heneral?

Kapitan Heneral: Anong mayroon sa bayan? Utang ko ba dyan ang katungkulan ko


ngayon? Yan bang bayan na yan ang naghirang sa akin?

Kawaksi (1): Hindi nga kayo hinirang ng sambayanang Pilipino, pero dapat ay
pakitaan niyo sila ng mabuti. Nandito ka dahil sa mga ipinangako mong
makatarungang pamamahala.

Scene Thirty Kabanata 31: ANG BUNGA NG MGA PASKIN, ANG HULING MATUWID, AT
ANG KASAL
(Dahil sa mga nangyari sa mga estudyante, maraming magulang ang hindi na
nagpaaral sa kanilang mga anak. Natuwa pa nga si Tadeo habang sinusunog niya ang
kanyang mga aklat. Marami ang hindi nakapagsulit na ibinigay ng serbisyo sibil,
lahat, maliban kay Basilio. Nasa bilangguan pa rin siya. Doon niya rin nalaman
ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Sinong, ang kutsero na palaging
dumadalaw sa kaniya.)

Ben Zayb: Maghanda ka naman ng magarbong piging sa bahay mo, Simoun!

Simoun: Maaari, pero wala akong bahay.

Ben Zayb: Dapat ay binili mo na ang bahay ni Kapitan Tiyago. Naunahan ka tuloy ni
Ginoong Timoteo Pelaez, wala pang bayad yon! Ikakasal na rin kasi ang anak niyang
si Juanito. Napakasuwerte talaga ng ibang tao hay!

Simoun: Ikakasal kanino?

Ben Zayb: Kasal ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez, iyong pamangkin ni Donya
Victorina.

(Parating na nga ang pinaguusapang kasal nina Paulita at Juanito. Hinintay-hintay


ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa. Si Simoun daw ang mamamahala,
kaya naman naguunahan na ang mga tao sa pakikipagkilala kay Simoun upang sila'y
anyayahan sa piging. Dumating na ang araw ng pag-alis ni Simoun kasama ang
Kapitan Heneral. Nakahanda na ang lahat. Pero bago ang lahat, nagkulong muna si
Simoun sa kaniyang silid.)

Simoun: Kapag may dumating na nagngangalang Basilio, patuluyin niyo agad. Siya
lang, maliwanag? (utos niya sa isang kawaksi)
Basilio: (kakatok) Ginoong Simoun? (bubuksan agad ito ni Simoun) Ginoo, ako'y
naging isang masamang anak at kapatid. Hindi ko pinansin ang paghihirap ng aking
ina at kapatid. Wala man lang akong ginawa! Tama ka, Ginoong Simoun. Utang ko
sayo ang aking paglaya, kaya nandito ako para manghingi ng sandata at handa na
akong lumaban para sa aking bayan.

Simoun: (makikipagkamay) Salamat, binata. Pinawi mo lahat ng agam-agam ko.


(bibitiw) Siguro nung umpisa, ang dahilan ng himagsikan para sa akin ay ang pag-
ibig. Pero hindi na ngayon, gusto ko nang imulat ang kanilang mga mata. (may
ipapakita kay Basilio)

Basilio: Nitro-Gliserina?

Simoun: Higit pa ito sa Nitro-Gliserina. Ngayong gabi ay may isang mahalagang


piging. Ito ay ilalagay sa gitna ng lamesang ipinagawa ko. Dalawangpung minuto
lang ay mawawala ang liwanag at kapag may gumalaw sa lamesa ay sasabog ito.
Sasabog lahat ang nasa silid-kainang pinagtaguan ko ng sako-sakong pulbura, na
kikitil sa maraming buhay.

Basilio: Edi hindi niyo kailangan ang tulong ko?

Simoun: May ibang tungkulin ka na dapat gawin. Ikaw ang mamumuno sa mga taong
bayan na lalaban, dadalhin mo sila sa tindahan ni Quiroga para mabigyan ng mga
sandata. Lahat ng tututol sa atin ay kailangang patayin.

Basilio: Lahat?

Simoun: (tatango) Lahat. Indiyo, Instik, Mestizo, Kastila! Tandaan mo, Basilio,
Ang mga amang duwag ay magbubunga lang ng anak na busabos.

Basilio: (kukunin ang revolver) Sige, sa huli nating pagkikita. (aalis)

(Dalawang oras na lamang ay sasabog na ang ilawan ni Simoun. Nasa daan si Basilio
at habang naglalakad siya ay makikita niya si Juanito at Paulita.)

Basilio: Kawawa naman ang kaibigan ko. Siguro kung hindi ako nakulong, naikasal
na rin kami ni Juli at isa na akong doctor.

Scene Thirty-one: Kabanata 32: ANG PIGING


Settings: Ikapito ng gabi, nagsisimula na ang lahat.

Pari: Ibigay na ang mga singsing.

Juanito Pelaez: Paulita Gomez, isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking
pag-ibig at katapatan.

Paulita Gomez: Juanito Pelaez, isuot mo ang singsing na ito bilang tanda ng aking
pag-ibig at katapatan. (magpapalakpakan ang lahat, aalis si Juanito at Paulita)

Timoteo Pelaez: Ang bagong kasal! (magpapalakpakan ang lahat sa pagpasok ni


Juanito at Paulita, kasunod si Donya Victorina)

Donya Victorina: Don Timoteo! (bebeso)


Timoteo Pelaez: Magandang gabi, Donya Victorina. Nasaan na ang mga padre?

Donya Victorina: Nariyan na rin sila. (papasok ang mga padre) Si Kapitan Heneral
na lang ang kulang.

Padre Irene: Binabati naming kayo, Paulita at Juanito.

Juanito: Maraming salamat po.

(Habang ang lahat ay nagkakasiyahan, may isang taong tumatanaw sa labas. Habang
naglalakad si Basilio, ay nakita niya ang taong ito.)

Basilio: Isagani! (tatakbo) Kaibigan! Kailangan na nating umalis dito. (hihilain


niya si Isagani, pero pipiglas ito.) Isagani, ano ba! Tara na!

Isagani: Hayaan mo ako dito, Basilio. Hayaan mo akong masaktan habang ang babaeng
minamahal ko ay napapasakamay ng iba. (itutulak niya si Basilio)

Basilio: Hindi tungkol dyan, Isagani. Isagani kasi kailangan na nating lumayo!
(hihilain ulit siya)

Isagani: Bakit pa ako lalayo, kung bukas, hindi na siya gaya ng dati.

Basilio: Haynako Isagani! Sasabog ang piging, dito na tatapusin ang himagsikan.
Mamamatay lahat ng tao dyaan, kaya kailangan na nating umalis.

Isagani: (matatahimik) Umalis ka na, kaibigan. Kung sasabog ang tahanang 'yan,
kasama si Paulita, mas mabuting mamatay na rin ako. Nang sa gayon ay magkasama pa
rin kami sa kamatayan.

Basilio: Kaibigan. (magyayakap sila, bago umalis si Basilio)

(Sa kabilang dako ay si Simoun at ang kanyang mga kasalanan, unti-unting


namamaalam kasabay ng pagmulat ng taong bayan ngunit kalakip ang pagsilay sa
isang madilim na katotohanan. May pagbabago nga ba? Ang bawat sakripisyo
magbubunga nga ba? Sa huli, may pag-asa ng aba?)

Padre Florentino: Matitiis ba ninyo ang paghihirap, Senyor Simoun?

Simoun: Matitiis ko pa, padre. Mawawala rin ang lahat pagkaraan ng ilang sandali.
Anumang oras ay tatalab na ang lason sa aking katawan. A-Alam kong hindi na
magtatagal at darating na ang walang hanggang kapayapaan.

Padre Florentino: Diyos ko! Napatalikod lang ako sandali, wa- wala nang laman ang
botelya!

Simoun: Wala nang lunas. Bago mag-alas ocho ay dadakpin ako rito buhay man o
patay. Pero hindi ako makapapayag na kunin nilang buhay.

Padre Florentino: Panginoon ko, bakit kailangang mangyari ito?

Simoun: Huwag kayong matakot. Ang nagawa ay nagawa na. Lumalalim na ang gabi.
Nais kong ilahad sa inyo ang aking lihim. Pe-Pero bago yan, may gusto lang sana
akong itanong sa inyo.

Padre Florentino: Ano iyon senyor Simoun? Itanong ninyo at lilinawin ko.

Simoun: (Nangingilid ang mga luha.) To-totoo ba na may isang dakilang Diyos na
gumagabay sa ka-kapalaran ng sangkatauhan?
Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Tandaan mong alam ni Bathala na
may mga kahinaan tayong humihila sa atin pababa. Subalit ang Panginoon natin ay
Panginoong nakatunghay sa mga krus na ating dinadala rito sa matiryal na
sandaigdigang ating ginagalawan. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na ikaw
ay nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat na nangyari.
Hindi nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi
ito tama. Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.

Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?

Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kailan man ay


hindi Siya naghangad ng masama para sa atin.

Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?

Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang
nakakagawa ng kadakilaan.

-film end-

You might also like