Professional Documents
Culture Documents
Characters of El Filibusterismo
Simoun- Niko
Donya Victorina- Ariane
Tiburcio de Espanada- Carol
Paulita Gomez- Vilma
Ben Zayb- Jake
Padre Sibyla- Vincent (JV)
Padre Camorra- Darille
Don Custodio- Marion
Padre Salvi- Ralfh
Padre Irene- Neil
Padre Florentino- Rence
Isagani- Fitz
Basilio- Michael
Kapitan Tiago- Jessica
Quiroga- Michi
Kabesang Tales- Jaime
Juli- Sarah
Makaraig- Vincent Paragas
Padre Millon- Jherwin
Placido Penitente- Amadea
Senor Pasta- Rosalie
Tandang Selo- Jomar
Sandoval- Trisha
Kabesang Andang- Johnray
Pepay- Reynante
Padre Fernandez- Kelly
Don Timoteo- Lorena
Tano- Kenji
Kapitan Basilio- Camille
Kabanata 1: Sa Kubyerta
Buwan ng Disyembre noong pumalaot ang Bapor Tabo sa Ilog Pasig galing Maynila at Patungong
laguna. Ang Bapor na ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng mga reverendos at illustrisimos at daong ng
pamahalaan.Ang Bapor Tabo ay may hirarkiya bilang pagpapakita ng uri ng tao ay kapangyarihan.
Nasa ibaba ang mga Instik at Indiyo. Samantala, nasa itaas naman ng kubyerta ang mga Prayle.
Lumapit ang isang katulong para sabihing hinahanap si Isagani ng kan’yang tiyong si Padre Florentino.
Kapitan: “ Padre Florentino, tayo ay magtungo sa kubyerta. Baka isipin ng mga prayle na ayaw niyo
silang makahalubilo.”
Napilitan ang pare na pagbigyan ito at ipinatawag si Isagani para iwasan ang kapitan ang hindi
maanyayahan sa kubyerta.
Padre Florentino: “ Iwasan mo ang kapitan upang hindi maanyayahan sa kubyerta. Baka akalain ng iba
ay inaabuso natin ang kagandang loob ng kapitan.”
Nagkuwento si Padre Salvi tungkol sa isang Intsik na hindi binyagan na nabagbag na ang bangka sa ilog
at muntik makain ng buwaya. Naging bato ang buwaya dahil sa himala ni San Nicolas.
Ben Zayb:” Kahanga-hanga. Nais kong isulat bilang isang artikulo.”
Simoun: “ May dalawang katanungan. Una, ano kaya ang nangyari sa buwayang naging bato?
Nakatakas kaya ito? O nadurog na parang isang bato? Ikalawang tanong, ang mga natuyong hayop
kaya na nakita ko sa mga museo sa Europa ay binuo ng sianunang santo?”
Padre Camorra: “Sino ang makapagsasabi?”
Padre Sibyla: “Dahil alamat ang ating pinag-uusapan. Marahil ang kapitan ay maraming nalalaman.”
Ben Zayb: “Oo nga pala, Kapitan. Alam mo ba kung saang dako ng lawa mapatay ang osang Guevarra,
Navarra, o Ibarra?”
Donya Victorina: “ Siya nga! Saan nga ba rito, Kapitan? May naiwan kayang bakas dito sa tubig?”
Kapitan: “ Tumingin kayo sa dakong roon… Ayon sa kwento, labintatlong taon na ang nakalipas,
tinutugis noong ng mga kawal si Ibarra nang siya’y tumalon sa lawang ito at pagbabarilin hangga’t sa
kanilang paningin at sa dakong iyon sa may pampang, ang tubig ay nahkulay-dugo.”
Ben Zayb: “ Kung ganoon ang kanyang bangkay ay…?”
Padre Sibyla: “Nakasama na ng kanyang ama sa lawang ito.”
Padre Salvi: “ Hindi ba’t isang pilibustero ang kanyang ama?”
Ben Zayb: “ Pinakamurang libing, hindi ba Padre Camorra?”
Padre Camorra: “Ang isang pilibustero kailanma’y hindi magkakaroon ng marangyang libing.
Ben Zayb: “ Ayos lang po ba kayo, Ginoong Simoun?”
Dahil sa pag-asenso hinirang siya bilang kabesa de barangay kaya siya ay tinawag na Kabesang tales.
Padre Camorra: “Hindi ba‘t tama ang iyong ama, Telesforo? Wala kang mahihita kung patuloy kang
mag-mamatigas.”
Kabesang Tales: “Handa akong makipag-usapin maipag-laban lamang ang karapatan
namin!”(Bahagyang lumapit upang sugurin ang dalawang prayle, pinigilan ng mga Guwardiya Civil si
Tales na sugurin ang mga prayle at tinutukan siya ng riple).
Padre Camorra: (Bumaling sa mga Guwardiya Civil). “Qué barbaridad! Kunin ang anak na lalaki at
gawing Guwardiya Civil!” (Pinalo ng riple ang ulo ni Tata Selo at hinila si Tano).
Juli: “Bitiwan niyo siya! Ama!”
Kabesang Tales: “Hindi! Wag ang aking anak!”
Tano:” Ama! Juli! Aaahhh!” (Aalis ang mga Pari at Guwardiya Civil)
(Bumalik ang mga Guwardiya Civil at sinabi kay Juli).
Guwardiya Sibil: “Limang daang piso ang hinihingi ng aming pinuno! Kung hindi‘y mamamatay ang
iyong ama, binibini.”
Juli: (Sa sarili).” Saan ako kukuha ng limang daang piso? Ang mga alahas! Liban lamang itong Agnos.
Handog ito sa akin ni Basilio” (Hahalikan ang Agnos, isusuot ang Agnos) “Ngunit ito‘y hindi sapat.
Tama! Mamamasukan muna ako kay Hermana Penchang.”
Kabanata 20: Ang Nagpapalagay
Nasa loob ng tanggapan si Don Custodio habang masusing pinag-aaralan ang mga papeles at
kasulatan.
Don Custodio:”Pumayag ang kapitan heneral na ako ang maging tagapaghatol sa panukala ng mga
estudyante ukol sa pagkakaroon ng akademya ng wikang kastila sapagkat isa akong Buena tinta! Isang
mapagkakatiwalaan o mapapaniwalaan. Hay! Papaano ba ito?” (Mapapakamot sa ulo) “Kumunsulta
na ako kay Ginoong pasta subalit malabo ang gusto niyang mangyari. Nagttanong na rin ako kay Pepay
subalit wala itong naipayo at sa halip pa ay hiningian pa ako ng dalampu’t limang piso para sa
pampalibing ng ale nitong namatay.”
Nagpasya si basilio na maglakad dala ang kanyang maleta. Nang mapadaan siya sa bahay ni Kapitan
BAsilio ay kakikitaan mo ito ng karangyaan. Hindi sinasadyang narinig niya ang mga usapan dahil na
rin malalaks ang boses ng mga naguusap-usap
Kapitan Basilio: “Pupunta kami Senyor Simoun. Makakaasa kayong pupunta kami sa Tiani. Pero
siguraduhin ninyong masisiyahan kami sa mga alahas ninyo! Patunayan niyo na kayo lamang ang mag
– aalahas na tinitingala sa buong mundo. Sayang kung pabubulaanan niyo lamang ang mga papuring
ibinibigay sa inyo.”
Alperes: “Sisikapin ko hong pumunta, kailangan ko ng isang relo, ngunit kung ako ay maging abala ay
pakikiuasapan ko na lang si Kapitan Basilio na ako ay kaniyang pilian na lang sa mga koleksiyon ninyo.
Heto po ang bayad ko.” (Tangkang iaaabot ang pera kay Kapitan Basilio ngunit ito ay kaniyang
tatanggihan).
Kapitan Basilio: “Huwag na po tinyente. Regalo ko na lang po sa inyo ang relo. Itago niyo na lang ho
ang pera. “
Alperes: “Hindi niyo maaaring hindi po tanggapin ang bayad na ito. Mapapahiya po ako rito.”
Kapitan Basilio: “Magagalit ako sa inyo kung ngayon nyo ako babayaran sa harap ng ating mga
kaibigan. Hayaan ninyong magtuos tayo pagdating na ng alahas sa inyong kwartel. “
(Sumingit sa usapan si Padre Salvi).
Padre Salvi: “Gusto kong magpabili rin sa inyo Kapitan Basilio, isang magandang pares ng hikaw ang
ipakikikuha ko sa inyo. Pagdating na po sa kumbento babayaran ko.”
(Si Basilio sa sarili habang naglalakad pagkatapos mapakinggan ang usapan).
Basilio: “Napakatuso! Pinagtubuan niya lahat ng tao! Kung totoo ang mga balita, nakukuha niya raw sa
kalahati lang ang tunay na halaga ng mga alahas na ipinagbibili niya. Nangangahulugan na siya ay
tumutubo ng sobra – sobra. Nakakalungkot isiping ang mga katulad niyang mga dayuhan ang
kumikita.”
(Pagkarating sa bahay ni Kapitan Tiyago, kausap ang katiwala)
Katiwala: “May ilan din pong namatay na kalabaw.”
Basilio: “Wala ka na bang ibabalita sa’kin kundi panay ganyan?”
Katiwala: “Ang isa po nating kasama ay namatay, ang matandang tagabantay ng kaingin, subalit ayaw
siyang bigyan ng misang pangmahirap sapagkat mayaman daw ang ating panginoon.”
Basilio: “Ano ang ikinamatay?”
Katiwala: “Katandaan.”
Kabanata 6: Si Basilio
Sa sementeryo
Umupo siya sa isang bato at nagsimulang magmuni-muni.
Si Basilio ay isang ulila. Nakita niya nang malagutan ng hininga ang kaniyang ina, siya ang naglibing
dito kasama ang isang misteryosong amerikano. Dahil sa ulila, pinagsikapan niya ang makapag – aral.
May kakaibang talento siya. Magaling siya sa pag - mememorya. Subalit dahil sa siya ay sakitin ay
hindi niya nagagampanan ang trabaho, dahilan upang siya ay mapalayas. Pinalad siya at kinupkop ni
Kapitan Tiago sa San Diego. Kapalit ng paninilbihan, siya ay nakapag – aral sa magandang paarlan. Sa
San Juan De Letran. Dahil sa kaniyang kahusayan siya ay inilipat sa mas magandang paaralan.
Nagtapos siya sa Ateneo. Sa kaniyang kolehiyo, ay mas pinili ni Kapitan Tiaago na mag medisina siya
kaysa mag abogasya sa Santo Thomas. Taun – taon hindi niya nakaliligtaang dalawin ang puntod ng
ina sa burol basta siya ay may pagkakataon. Dito ay nasasabi niya ang kaniyang mga saloobin.. balak
niyang pakasalan ang nobyang si Juli kapag siya ay nakapagtapos sa pag – aaral at bumuo ng sarili
niyang pamilya. Ngayong nagbalik siya ulit sa San Diego, kaniyang pinuntahan ng palihim ang puntod
ng ina.
Basilio: “Matagal na rin noong huling punta ko rito.Naaalala ko pa rin ang mga pangyayari, sariwa pa
ang lahat sa aking isip. Parang kailan lang ang mga sakit na sinapit ko. “
Kabanata 7: Si Simoun
Pauwi na si Basilio nang may mabanaagang liwanag sa kagubatan at may marinig na yabag at
kaluskos. Natagpuan niyang naghuhukay si Simoun. Nagpasya si Basilio na lumantad at magpakilala.
BAsilio: “Maaari ko po ba kayong tulungan, Ginoong Simoun?”
Nabigla si Simoun at natigilan sa kinatatayuan
Simoun: (Gulat na liningon ni Simoun ang tinig at may kung anong huhugutin sa bulsa). “Anong
ginagawa mo sa gubat na ito?”
Basilio: “Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labing tatlong
taon na ang nakakaraan. Sa aking palagay kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay,
ikaliligaya ko kung ako‘y makatutulong naman sa inyo.”
(Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio).
Simoun: “At sa tingin mo‘y sino ako?” (Humakbang paurong).
Basilio: “Isang taong ipinalalagay kong napakadakila. Isang taong ipinagpapalagay ng lahat, maliban sa
akin, na patay na at ang tinamong kasawian ay labis kong ipinagdaramdam.”
Simoun: “Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong ikapahamak.
Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking kamay? Totoong ako‘y naparito may
labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para
ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayo‘y nagbalik ako upang
ipagaptuloy ang kanyang nasimulan. Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa
lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinakikinggan!”
Basilio: “Hindi Ginoong Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay
hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga
Pilipino.
Simoun: Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang wikang
ito? Itatago lamang ng huwad na wikang ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga pagkatao!”
Basilio:” Ginoong Simoun, mali ang inyong iniisip.”
Simoun: “At ano ang iyong mahihita kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang masaya ang
iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang bang hahayaan ang iyong
ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya mismong pumatay sa
kanila”
Basilio: “Ano ang nais ninyong gawin ko, Ginoong Simoun? Kaya ko ba silang ipaglaban gayong ako
mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin ang
aking ina at iharap sa hukuman ang kanyang bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-
sinong kastila.”
Simoun: “Katulad ko ay may dapat ka ring singilin sa lipunan. Pinaslang ang kapatid mo at hindi
nabigyan ng katarungan ang pagkabaliw ng nanay mo. Kapwa tayo uhaw sa katarungan. Sa halip na
wasakin natin ang isa‘t – isa dapat lang tayo ay magkasama. Tama ka ako nga ang iyong nakita
labingtatlong taon na ang nakararaan. Sinundan ko ang isang matalik na kaibigan na inialay ang buhay
para sa akin. Kung papayag ka ay pumanig ka sa aking mga plano.”
(Ngunit umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang kinatatayuan.)
Simoun: “Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Mamamatay ang mahihina at matitira ang mga
malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang.”
Matagal nang nakaalis si Juli at mataas na ang araw nang dumungaw si Tandang Selo sa may bintana
para panoorin ang mga taong nakabihis ng dadalo ng misang mayor. Nakita ni tandang Selo ang
kanyang kaibigan na dumaan sa harap ng kanyang bahay, at labis niya itong ikinalungkot na hindi man
lang siya nakapagbigay ng anumang aguinaldo lalo na sa kanyang apo na si Juli. Dinalaw siya ng mga
kamag-anak kasama ang kanilang mga anak.
(Nagmano ang mga bata kay Tandang Selo)
Kamag-anak 1: “Kamusta na po kayo, itay?”
Laking gulat ni Tandang Selo na hindi siya makapagsalita. Nagpumulit siyang ngumiti ngunit nanginig
ang kanyang labi na nagpakawala ng impit na tunog.
Mga kamag-anak: “Napipi na! Napipi na!”
Dumating si Kapitan Basilio kasama ang asawa at anak na si Sinang upang bumili ng alahas sa
halagang tatlong libong piso kay Simoun.
Simoun: “ Hindi ninyo maiibigan ang tubog lang sa ginto o huwad na bato. Nakakatitiyak ako na ang
hanap ninyo ay mga brilyante."
Sinang: “Oo nga po, mga brilyante.”
Simoun: “mayroon ngang alahas na talagang antigo. Mayroon akong kuwintas ni Cleopatra na
natagpuan sa piramide, mga singsing ng senador at kabalyerong Romano na natagpuan sa gumuhong
cartago.”
Kapitan Basilio: “Marahil ay iyong ipinadala ni Anibal matapos ang digmaan sa Cannea.”
Simoun: “Mayroon din ditong hikaw na galing sa Roma.”
Sinang: “Ang dalawang hikaw na iyan” sambit niya habang nakahawak sa ina.
Kapitan Basilio: “Higit na antigo ang mga alahas ng mga Romano.”
Simoun: “Masdan ninyo ang asul na batong ito na animo’y walang malay at tahimik. “ ani nito kay
Kabesang Tales. “Ito ang mga kuwintas ni Cleopatra, hindi ko matiyak kung magkano ang halaga nito
subalit ito’y laan sa mga museo at mayayamang pamahalaan lamang ang makakabili nito.”
Simoun: “Wala ba kayong nais ipagbili sa akin?”
Sinang: “Ang laket po ni Maria Clara?”
Kabesang Tales: “Siya nga ano?”
Sinang: “Iyon ay relikaryong may brilyante at Esmeralda. Iyon ay alahas ng aking kaibigan na
nagmongha.”
Hinalughog ni Kabesang Tales ang ilang kahon at nakita niya ang relikaryo. Sinuri iyon ni Simoun at
tiniyak na iyon ang relikaryo ni Maria Clara.
Sinang: “Nagustuhan ko ito. Magkano ninyo ito ipagbibili sa akin?”
Natigilan si Kabesang Tales
Kabesang Tales: “ Limang daang piso…limang daang piso?”
Kinuha niya ito at pinagmasdan
Kabesang Tales: “Kung maaari po’y nais ko munang hingiin ang pahintulot ng aking anak. Babalik ako
bago gumabi.”
Kapitan: Talagang napaka-bait sakin ng tadhana, sinusuwerte talaga akol (Sa kabilang gilid ay
masayang nagkwe-kwetuhan sila Don Custodio at Padre Fernandez)
Narrator: Sa ibang direkyon nandoon sina Simoun at Ben Zayb na humahalakhal tila aliw na aliw sa
isa’t-isa
Padre Camorra: (biglang tatayo sa paglalaro) O Hesus! Daig ko pa ang ninanakawan! Akala nyo yata’y
namumulot ako ng pera! (tapos biglang aalis)
Padre Irene: Maitataya ng Heneral kung ano man ang kanyang nais, ngunit kaming mga pari lamang
Simoun: Ah! (pigil nya dito) Ang itataya ninyo ay kawanggawa, mga dalangin at kabaitan, Gawin natin
mas mainam ang larong ito. Kapalit ng aking mga hiyas. Ikaw padre Sibyla ay limang araw kakalimutan
ang pagkakawang gawa, karalitan at pagkakamasunurin. Ikaw naman, Padre Irene ay lilimutin ang
kalinisan ng ugali ang pagka-maunawain at iba pa. At sa inyo naman po kapitan ay ang pag-uutos ng
pagbabaril sa iisang bihag habang pinaghahatid-hatiran.
Padre Irene: Ngunit ginoong Simoun, Ano ang mapapala ninyo sa mga panalo ng kabaitan sa
bunganga? At mga buhay na tao? Ang pagta-tapon at ang mga pag-patay.
Simoun: Ah! Marami, sawang-sawa na kong makarinig ng mga kabutihan at hangad ko’y lahat ng
Nakakalat sa daigdig, mailgay sa isang sako upang itapon sa dagat lilipunin ang masama at lilinisin ang
bayan.
Padre Irene: Kakikitaang ika’y may galit at poot sa mga tulisan, ‘di po ba?
Simoun: Sa mga tulisang sa bundok ang sama kundi nandito sa bayan at mga lungsod.
Padre Sibyla: Hindi ba may nagpanukala nagawing paaralan ang mga sabungan? Pero merong
tumutol Dahil nagbabayad daw ng apat na raan at limampung libong piso.
Kawani: Nag-sadya ako rito para humiling sa kapitan na tulungan ang dalagang tatlong beses ng
nagpapabalik-balik nito, kawawa naman!
Kapitan Heneral: Sige ibigay ang mga kakailanganin ng paaralan! Padalhan ng kalatal ang namumuno
sa kuwartel upang ang kanyang nuno ay palayain. Hindi na nila masasabing tayo’y hindi marunong
maawa.
Juanito: Lubos akong nasiyahan. Akalain mo bang anyayahan ako ng kura sa tiyani na doon
mamahinga? Aba? Nagpaunlak ako! Kilala mo siya marahil. Si Padre Camorra, lubha siyang
mapagbigay at matapat Hinaharana naming lahat ang mga magagandang dalaga roon. Anong
nangyari sa klase kahapon?
Placido: Mabuti!
Tadeo: Ang ganda-ganda naman niya! Sabihin niyo lamang sa propersor na may sakit ako, susunduin
ko lamang ang babaeng iyon.
Estyudante: Mahaba ito, tignan mo. Ito ay protesta sa kahilingan. Si Macaraig at ang kanyang mga
Kasama ay may kahilingan ukol sa pagtatago ng akademya ng wikang kastila.
Placido: Paumanhin, ngunit hindi ko talaga yan maaring pirmahan hangga’t hindi ko mauunawaan
kung
Para saan, bukod dun, ayokong makalaban si Macaraig. (pumasok si Placido sa loob ng klase.)
Sinadya ni Placido na paingayin ang takong ng kanyang sapatos upang marinig siya ng propesor
Ipinaulit binasa ng propesor sa pisika na si padre millon ang mga isinaulong aralin nang walang labis at
walang kulang. Isang binatang mataba na mukhang laging inaantok ang naghikab at nag inat. Nakita
siya
Ng propesor.
Padre Millon: Hindi mo alam ang leksyon ano?! Tamad! Napaka-antukin mo!
Padre millon: ikaw juanito sagutin mo ang tanong ko…. Ang nasa likuran ba’y nakapagpapabago sa
nasa
Harapan o hindi?
Hindi alam ni juanito ang sagot. Hinudyatan niya si placido ngunit ito ma’y hindi alam ang sagot .
Niyapakan niya si placido sabay sabing…
Placido: Araaaaayy!!!
Narinig ng prayle ang sigaw. Nakita at nahulaan niya ang nangyari. Tinawag niya si placido.
Padre Millon: Ikaw ganoong multo! Tumayo ka at sumagot! Kung ang salaming metal ay gawa sa
tanso o
Iba pang metal. Tama o hindi?
Padre Millon: Mas mainam ang tawag sayong Placidong bulong! Labin limang araw na liban! Isa na
Lamang at magbabakasyon ka na!
Padre Millon: Sa tuwing liliban ka ng iisang araw, lima ang katumbas. Ilang ba ng limang makalima?
Placido: Labing-lima po.
Padre Millon: Kapag ikaw ay lumiban nanaman ng ilang beses pa, mamarkahan pa kita ng isang guhit
Dahil hindi mo alam ang leksyon ngayon.
Placido: Hindi ko maintindihan kung bakit yung mga taong madalas liban sa klase ay magagawang
makapag ulat!
Padre Milon: Hindi ba pwedeng liban sa klase ngunit alam ang leksyon? Pilosopo na hindi pa
marunong
Sa leksyon!!!!
Placido: tama na Padre! Tama na!! liagay niyo ang guhit na gusto mong ilagay ngunit wala kayong
Karapatang laitin ako. (sabay alis)
Kasakalukuyang nagpupulong sa bahay ni macaraig ang mga istudyanteng sina isagani, sandoval,
juanito, Pecson at iba pang estudyante. Paksa ng kanilang pagpupulong ang tungkol sa pagpapatayo
ng akademya ng wikang kastila.
Pecson: Si Macaraig lamang ang hinihintay naten. Oh, ayan napala syal
Macaraig: Kaninang umaga ay nagpakita ako kay Padre Irene at nabanggit nya sa akin na sa Los Banos.
daw pinag-uusapan ang lahat, ngunit sinabi ding ang lahat daw ay tutol ngunit hinayaan na nila na ang
katastaasang lupon ng paaralang primary ang mga desisyon.
Pecson: Ngunit hindi naman kakikitaan ng pagkilos ang mga lupong iyan!
Macaraig: Iyang-iya din ang aking sinabi kay padre Irene. Ang sabi niya’y si Don Custodio ng iilang
Sangguni ng lupon ang siyang magde-desisyon.
Macaraig: Sinabi ni Padre Irene na “Malaki na ang ating tinamo. Nagawa na natin na ang ating
kahilingan ay malingan sa isang kapasyahan kung tayo daw ay makiki pag-ugnayan kay Don Custodio
ay magagawa
Natin mahingi ang kanyang pagsang-ayon.”
Isagani: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga kalaguyo?
Pelaez: Huwag kana ngang maarate pal isipin mo na lamang ang ginahawang maidudulot pa atin nun.
Upang paboran nila tayo, kilala ko ang babae, si Matea.
Isagani: Hindi naman siguro masama kung ating susubukan ang mga paraan hindi mahalay tignan
kakausapin ko si Ginoong Pasta ngunit kung hindi ako palasing magtagumpay tyaka natin gawin ang
ibang paraan
Macarig: Marahil ay tama si Isagani, hintayin natin ang resultang pakikipag-usap ni Isagani kay
Ginoong pasta.
Nagtungo si Isagani sa kinaroroonan ni ginoong pasta. Si ginoong pasta ay isang bantog na mananggol
sa Maynila. Sinadya ito ni isagani upang pakiusapan na kung maaari ay payuhan si Don costudio na
pumanig sa kanila kung sakaling ito ay sumangguni sa kanya.
Ginoong Pasta: Ito’y lupain ng mga panukala, magpatuloy kayo. Isagani, kamusta na ang inyong
amain?
Isagani: “Naparito ho ako para makiusap po sa inyo na mamagitan sa aming panig, kung sakaling
sumagguni sa inyo si Don Custodio. Kayo po ay lubos naming pinagkaka-tiwalaan.”
Ginoong Pasta: “Ayokong makielam sa ganyang mga usapan. Totoong nangungusa ko sa pag-ibig sa
lupaing sinilangan at naghahangad ng pag-unlad ngunit di ganoon kadaling sumulong. Masyadong
maselan ang aking kalagayn kailangan kong pag-ingat sa aking mga ari-arian.”
Isagani:” Hindi po naming ninanais na malagay kayo sa kagipitan at alanganin kahit kakaunti lamang
po ang aking aking nalalaman sa mga batas at mga pagpapasya sa ating makiisa sa mga adhikain ng
pamahalaan at sikaping sya’y mailunsad mabuti ang bawat layunin naming ay iisang lamang, sadyang
magkakaiba lang ng pamamaraan.”
Ginoong Pasta: “Kahanga-hanga kasagutan ngunit ipagpaumanhin mo ngunit ako’y hindi parin
pumapayag.”
Isagani: “Lagi po saking sinasabi ng aking ama ng alalahain ko ang iba tulad ng sa sarili. Ito’y hindi para
sa aking sarili kundi para sa iba.”
Isagani: “Kapag nagkaroon na ako ng ibang katulad sa inyo at lumingon sa aking nakaraan at nakitang
ang mga nag-awa ko’y para sa sarili lamang at hindi sa baying nagbgay sa akin ng lahat kapag nag-
kaganyan ang putting buko ko’y nagsisilbing tinik at sa halip na matuwa, mahihiya ako! (sabay yuyuko)
Mawalang galang po, mauuna na ko.”
Ginoong Pasta: “Kaawa-awang binate, kung lahat sanay nag-isip at kumikilos kagaya niya.”
Simoun: “Papasok*
Quiroga: Simoun! Gulat akong Makita ka rito! Ano ang iyong pakay?
Simoun: Pumunta lamang ako rito para singilin ka sa utang mo sakin na siyam na libong piso.
Simoun: Ganoon? Ganito na lamang. Babawasan ko ng dalawang libo ang iyong utang kung papayag
kang itago sa bodega nyo ang mga armas na dumating.
Quiroga: Huh?
Simoun: Hindi ka dapat mangamba. Ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay.
Narrator : Sabi pa ni Simoun na gagawan ito ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay
lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga.
Narrator : Ang pangkat naman ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India
para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo. Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-
uusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Ginoong
Leeds.
Narrator: Maganda ang gabi. Ang perya’y punong-puno ng panonoorin at manonood. Ang
labindalawang galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds. Tuwang- tuwa si Padre
Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si Paulita na kasama
nina Isagani at Donya Victorina. Punyales! Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang
makamundong prayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani nama’y inis sa bawa’t tumititig kay
Paulita.
Narrator: May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre Camorra.
Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa. Marami
ang lilok na anyong Prayle. May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit ang
damit, nakalupasay at namimirinsa ng lumang damit.
Ben Zayb: yan ay ayon sa pamagat na ‘la Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas.
Narrator: isa namang kuwadro ang naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang mga kamay at
tinuturuan ng mga guwardiya sibil.
Camorra: “Tinignan yung isang picture Ano naman ito? Nakakatawa naman ito hahaha
Narrator: May nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang mag-aalahas.
Ben Zayb: Baka natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds. Makikita
mo’t ang lahat ay sa salamin lamang.
Mr. Leeds: Pumasok kayo sa aking tanghalan.. Makikita niyo rito ang ulong nagsasalita ng pawing
katotohanan.
Mr. Leeds: Ito ay galing Ehipto, Natagpuan ko ito sa piramide ni Khufu. Ito ay may lamang abo at isang
kapirasong papel Sa pagbigkas ng mga salitang
Nasa papel ay mabubuhay ang esfinghe.
Imuthis: Ipinanganak ako sa panahon ni Amasis. Galing ako sa paglalakbay sa Gresya, Assyria, at
Persia. Sa pagdaan ko sa Babylonia ay nakatuklas ako ng isang lihim. Sa takot nila na ibunyag ko ang
kanilang lihim ay kinasangkapan nila ang banal na batang saserdote.
Placido: Nakakasar na talaga! Hinding hindi na ako babalik doon! Sinusumpa ko na ang pag-aaral!
(tapos nakita niya si Don Custodio at Sibyla)
Placido: e kung ihulog ko kaya tong mga to sa ilog?! Panira talaga ng araw oh!
(tas umuwi na siya)
Kabesang Andang: bakit andito ka na? hindi ba’t may kalase ka pa?
Kabesang Andang: Pero anak, nangako ako sa iyong ama na pagtatapusin kitang abogasya.. anon a
lamang ang sasabhin ko sa kanya kapag kami’y nagkita?
Placido: Tatalon na lang ako sa dagat manunulisan bago ako bumalik sa pamantansan.
(nakita niya si simoun)
Simoun: mabuti, lumalakad kayo ngayon ding gabi at makipag usap sa tinyente sabihin ninyo ang
kabesa at sasagot siya ng tales.
Kastilyero : subalit hindi pa handa ang distrito.. akala ko’y hihintayin hanggang kwaresma.
Simoun:hindi na natin sila kakailanganin.. kapag ipinag paliban pa ay marahil patay na si Maria Clara.
Simoun: Sandali na lamang at magkikita na tayo.Himagsikan ang naglayo saiyo saakin.. Himagsikan din
ang maglalapit satin. Nasaakin na ang tagumapay.. hindi na ako maaring umurong..(tas natulog na si
Simoun) Tas nakauwi na rin nun si Placido.
Placido: Nay ako’y papasok na, ako na ang ang bahala sa pamamanhikan upang hindi ka na maabala.
Nasa loob ng tanggapan si Don Custodio habang masusing pinag-aaralan ang mga papeles at
kasulatan.
Don Custodio:”Pumayag ang kapitan heneral na ako ang maging tagapaghatol sa panukala ng mga
estudyante ukol sa pagkakaroon ng akademya ng wikang kastila sapagkat isa akong Buena tinta! Isang
mapagkakatiwalaan o mapapaniwalaan. Hay! Papaano ba ito?” (Mapapakamot sa ulo) “Kumunsulta
na ako kay Ginoong pasta subalit malabo ang gusto niyang mangyari. Nagttanong na rin ako kay Pepay
subalit wala itong naipayo at sa halip pa ay hiningian pa ako ng dalampu’t limang piso para sa
pampalibing ng ale nitong namatay.”
Maraming tao ang nakapila sa Teatro de Variedades dahil may pagtatanghal ang nangngangalang
Ginoong Jouy. Ang paalabas ay isang dulang Pranses na pinamagatang “Les Cloches de Corneville.”
(hila hila ni Camaroncocido ang isang paang tila naninigas habang naglalakad at narinig niya ang
pagtawag ng isang matandang lalaki.)
Tiyo Kiko: “ binigyan nila ako ng mataas na pabuya dahil maganda ang aking pagkakadikit ng mga
paskildahilan para dumami ang manonood ng dula.”
Comaroncocido: “ Kung anim na piso ang binayad sa’yo, magkano kaya ang ibibigay nila sa mga prayle
na nagpapabawal ng palabas? Alam mo bang ang kikitain ng palabas na ito ay iaabuloy nila sa
kumbento? Nakita mo ba kung sino ang humahakot ng mga manonood? Hindi ang kartil kundi ang
pastoral. Ang kalahati ng mga manonood sa teatro ay dahil ayaw sumunod sa kautusan ng mga prayle
at kalahati naman ay inaalam kung bakit ito ipinagbabawal.”
Umalis si Tiyo Kiko. Napansin niya ang lalaking nakasuot ng Amerikana na tila may iniiwasan
Comaroncocido:” Ano kayang mayroon? Magnanakaw o maniniktik? Ah, bahala sila sa mga buhay
nila!”
Unknown:” Isang putok ang hudyat. Ito ang utos na heneral.” umalis ang karwahe na sakay si Simoun
Comaroncocido: “ Kaawa-awang bayan!”
Ang magtiyang sina Paulita Gomez ar Donya Victorina ay dumating. Maging sila Tadeo at Padre Irene.
Nilapitan at binati ni Tadeo ang mga tulad niyang mag-aaral na sina Makaraig, Pecson, Sandoval at
Isagani.
Macaraig: “Manonood ba kayo?”
Tadeo: “Hindi na ako nakabili ng tiket.”(Nailing na wika nito)
Macaraig: “Halika na‘t sumama sa amin, hindi makakasama si basilio kaya saiyo na lang ang kanyang
tiket. Tara!”
Makaraig: Kailangan maging kalahok tayo sa pamamahal ng akademya at para mangyari iyon ay tayo
ay kukuha at hahanap ng pondo. Mayroong tesurero na maghahawak ng ating pananalapi at anumang
pangangailangan ay ibibigay na lamang sa atin.”
Tadeo: “ Kung ganoon at tayo ang lalabas na kabesa de barangay.”
Makaraig: “Magdiwang tayo at magkaroon ng salu-salo sabi ni Padre Irene.”
Sandoval:” Tama! Pagkaraang tumanggap ng palo at kailangang magsaya!”
Pecson: “Magdiwang tayo sa pansiteryang pinaglilingkuran ng mga hubad na Intsik.”
Kabanata 23: Isang Bangkay
Dumating si Simoun sa Hospital para kamustahin si Kapitan Tiyago
Simoun: (Nakakasindak na mukha) “Kamusta na ang maysakit?” Sabay tingin sa mga libro)
Basilio: “Mabagal ang tibok ng puso, mahinang-mahina ang pulso. Nawalan na sya ng gana sa
pagkain.” (Pabulong na wika ni Basilio na may malungkot na ngiti) “Pinagpapawisan siyang mabuti sa
madaling araw. Nakakalat na ang lason sa buong katawan niya. Maaaring mamatay siya anumang
oras. “
Simoun: (Matamlay na sagot) “Tulad ng Pilipinas! “
Basilio: “Lalo syang pinahina ng mga bangungot, ng mga pananakot!”
Simoun:” Tulad ng pamahalaan!”
Basilio: (Malungkot paring wika) “ilang araw na ang nakaraan, nagising siya sa dilim. Akala niya‘y bulag
na sya kaya nagwala sya at minura ako. Nagsuspetsa siyang dinukit ko ang kanyang mga mata. Nang
ilawan ko, napagkamalan niya akong si Padre Irene. Ako waw ang Tagapagligtas niya.. at—”(biglang
tumunog ang orasan; alas diyes na ng gabi. Kinumpas ni simoun ang kamay bilang pagtigil kay Basilio
na magsalita)
Simoun: “Making ka sa akin! Mahalaga ang bawat sandali. Sa loob ng isang oras, sa isang senyas ko,
magsisismula na ang himagsikan. Magsasara ang unibersidad bukas dahil ang makikita nyo ay labanan
at patayan lamang. Handa na ang lahat.. tiyak ko na ang aking tagumpay! Lahat ng di nakatulong ay
ituturing naming kaaway. Basilio! Naparito ako upang papiliin ka: sasama ka ba sa amin o ituturing
mong kaaway ang mga kasama ko?!”
Basilio: (Mapapa-isipna tila naguguluhan) “Ituturing na kaaway?”(Napapailing sa kalituhan)
Simoun: Hawak ko ang lakas na magpapakilos sa ating pamahalaan! Naglilibang sa teatro ang kanilang
pinuno ngayon, naghahangad ng isang gabiong ng kasiyahan. Hindi nila alam walang sinumang uuwi
para matulog nagayong gabi! <evil laugh> napaniwala ko ang rehimyento ng mga kawal na
paghihimagsik ito utos ng kapitan heneral at ang iba‘y mga prayle ang nagsabwatan. Salapi, trabaho at
paghihiganti ang nagpapakilos sa mga kawal. Marahil, sa pag-aalsangito nakikita nilang pinapatay o
pumapatay sila. Sinamahan ako hanggang dito ni Kabesang Tales! Huling alok ko na ito: papanig kayo
sa amin o masalanta sa poot ng aking mga tauhan? Kailangan may panigan kayo sa oras na ito!”
Basilio: (Biglang may maaalala)” si Maria Clara?”
Simoun:”Oo, nais kong iligtas mo siya.”(May pagsusumamo ang mata nito at boses) “Sinikap kong
mabuhay at makabalik sa aking bayan para lamang iligtas ang aking minamahal. Kailangang isagawa
ang himagsikang ito na magbubukas ng mga pinto ng kumbento!”
Basilio: (masasapo ang ulo)”Ginoo, ngunit patay na po si Maria Calara
Simoun: (Sarkastong tawa nito at biglang sisigaw) “Hindi totoo ‘yan! Buhay ang aking mahal! Buhay si
Maria Clara! Gusto niyo lang akong linlangin para makaiwas sa paghihimagsik. (Yuyugyugin ang
balikad ni basilio) kailangang iligtas natin siya o mamamatay kayo kinabukasan!” (Galit na sigaw na
ito)
Basilio: (Tataliwas ang tingin) “Ilang araw na po siyang maysakit. Bumisita ako sa kumbento at nabatid
ko ang nangyari.”
(Hahawakan niya ito sa braso habang gulat na nakatulala ito na maluha-luha)
Simoun: (Pasigaw at hinila ang kwelyo ng damit ni Basilio) “KASINUNGALINGAN!”
Basilio: (Pipigilan ito ni Basilio at Kukunin niya ang sulat sa libro nya na kaipit dito at iaabot kay
simoun) “Basahin nyo ang sulat na ito ni Padre Salvi na hatid ni Padre Irene kay Kapitan Tiyago.
Magdamag na umiyak ang maysakit, hinahagkan ang larawan ng kanyang anak at humihingi ng ng
tawad.Tinugtog kaninag hapon ang avunyas para sa kanya.
Simoun: (Sinapo ang ulo ng buong higpit)
Basilio” Kaawa-awang ginoo.”
Paulita: “Kaya lamang ako nagpunta roon ay para makita ka. Ngunit hindi mo ako pinapansin. Tila
napako ang mata mo sa magagandang babae.” Nagtatampo nitong ani “Ang aking tiya ang may gusto
kay Juanito. Tila ibig niya itong mapangasawa.”
Nagtawanan ang dalawa.
Isagani: “ Sa tuwing aking mamasdan ang kabundukan ay nakakaramdam ako ng kalayaan. Ilang libo
mang lungsod ay hindi ko ipagpapalit ang aking bayan. Totoong minamahal ko ito nang higit sa
anumang bagay bago pa man kita nakilala. Nakakawili ang mga ginawa ko ng paglilibot at pagsasaya
sa piling ng kalikasan, ang aking pagtatampisaw sa dalampasigan. Bago pa man kita nakilala ay iyon
ang aking mundo… ang aking pag-ibig. Isang pangarap sa akin na makita ang ganap na kalayaan at
kaunlaran ng aking bayan. At batid kong iyon ay magkakaroon ng katuparan sa mala’t madali.
Darating din ang panahon na magkakaroon ng daang-bakal patungo sa aming lalawigan.”
Paulita: “Kailan pa baka matanda na ako?”
Isagani: “ nasa atin ang magandang hinaharap.”
Paulita: “Pangarap? Sabi ni Tiya Torina, kailanman ay hindi maghahango sa pagkausbong ang bayang
ito.”
Isagani: “ Alam mo kung gaano kita kamahal. Kung walang nangyari at namatay ako sa aking
paniniwala, mamamatay ako sa aking paniniwala, mamamatay akong maligawa sapagkat
magniningning sa iyong mga mata ang pagmamalaki.”
Donya Victorina: “Paulita kailangan mo nang umuwi at baka sipunin ka.” sigaw nito
Sa Unibersidad. Ang ilan ay umuwi ang ilan naman ay may takot sa mukha. Nakita niya si SAndoval at
nagbingi-bingihan sa pagbati niya. Kabiliktaran naman ni Tadeo na masayang masaya sapagakta
walang pasok.
Basilio: “ Ano ba ang nagyari Tadeo?”
Tadeo: “ Walang klase at tiyak na aabutin ito ng ilang linggo. Ibibilanggo raw ang lahat ng miyembro
ng samahan” Bulakbol nitong ani.
Basilio: “ At talagang masaya ka pa?”
Tadeo: “ Ano ka ba hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Walang klase!” saka ito umalis na may ngiti sa
labi.
Ang Maynila ay punong-puno ng pagkabalisa. Ang balita ng napipintong paghihimagsik ay mga resulta
sa iba’t ibang mga reaksyon sa mga mamamayan.
Ben Zayb: “ Ako lang naman ang nag-iisip sa Pilipinas! Ang pagpapaaral ay masama, napakasama sa
Pilipinas! Dahil dito, tingnan ninyo ang mga nangyayari ngayon!”
Sa tahanan ni Simoun
Guardia Civil: “ Nandito na po tayo sa tahanan ni Ginoong Simoun ngunit hindi ito tumatanggap ng
panauhin.”
Quiroga: “Si Don custodio?”
Guardia Civil: “ Siya rin ay hindi tumatanggap ng panauhin.”
Quiroga: “Kay Ben Zayb na lang, mahihingian ko pa siya ng balita.”
Napakapit si Kapitan Tiago ng mahigpit sa pari at nagpilit bumangon. Inatake ang matandang lalaki,
nanginig at hindi nakapagsalita hanggang sa namatay na dilat ang mata. Napamulagat si Padre Irene
at dahil sa takot ay nagtatakbo ito.
Random Person: “ Hindi nakapangumpisal si Kapitan Tiago bago namatay kaya nararaoat lamang na
hindi ito mabigyan ng exequias o anumang seremonya.
Padre Irene: “ Ginagawa ang paghihigpit sa mga namatay na hindi na nga nakapangumpisal ay hindi
pa nakapagbayad. Subalit si Kapitan Tiago… kung ang Intsik nga na hindi bininyagan ay inililibing at
binigyan pa ng misa de requiem.”
Person 1: “Nakita ko ang nagliliwanag na kaluluwa ni Kapitan Tiago habang ito ay naghihingalo. Iyon
daw ay pagpapala ng langit daw sa pamisang nagawa nito noong siya ay nabubuhay pa.”
Person 2: “Hamunin kaya ni Kapitan Tiago ng sabong si San Pedro.Sa tingin ninyo, sino ang
mananalo?”
Don Primitivo: “Walang matatalo sapagkat ang pagkatalo’y kaugnay ng sama ng loob kaya ito’y
walang puwang sa langit.” pabirong sabi nito na sanhi ng pagtatawanan ng mga nakikiusyoso.
Aristorenas: “Kailangan may manalo! Sapagkat ang tagumpay ay nasa panalo!”
Don Primitivo: “Kung ganoon ay parehas silang panalo.”
Aristorenas: “Hindi iyon maaari, Ginoo. Sa sabungan ay laging panalo at talo.
Lumapit si Quiroga sa dalawang nagtatalo at inabutan ng tabako si Don Primitivo at saka tinanong.
Quiroga: “Sigulo puede kontalata pala isa sabungan con kilosto, a? Pag ako paktay na, akyen
kontalista, ja?”
Kapitan Heneral: “ Siya ang dapat maiwan, isang estudyanteng alila! Walang maghahabol sa kanya.:
Matas na Kawani: “Ipagpaumanhin ninyo Kapitan, ngunit may nakapagsabing isang estudyante ng
medisina ang binata at siya ay labis na pinupuri ng kanyang mga guro. Hindi siya dapat magpatuloy na
nambilanggo sapagkat matatapos na siya ng pag-aaral sa taong ito
Kapitan Heneral: “Mas lalong mabuti! Sapagkat hindi na malalagay sa panganib ng maraming sa tao sa
kanyang mga kamay.”
Mataas na Kawani: “Sa aking palagay, ang binatang iyan ay walang kasalanan at inosente sa lahat.”
Kalihim: “ Ang binatang iyan ay nahulihan ng ipinagbabawal na aklat.”
Mataas na Kawani: “Oo nga, mga aklat na pangmedisina at ilang mga polyetong mula sa Espanya na
hindi pa man lang naaalisan ng balot.”
Kapitan Heneral: “Mas mabuti siyang halimbawa para higit na matakot ang karamihan. Ganito ang
isang namumuno minsan ay kailangang magsakripiso ng isang kabutihan alang-alang sa kabutihan ng
nakararamu. Hindi kailangang malagay sa alanganin ang karangalan at kapangyarihan.
Mataas na Kawani: “Ngunit hindi po ba kayo nababahala sa inyong pananagutan?”
Kapitan Heneral: “ Ano ang aking ikababahala? Ginagawa ko ang aking tungkulin. Karapatan kong
gawib ang sarili kong kapasyahan, Kaya ba akong akusahan ng isang alila sa triburnal at tanungin ang
aking pananagutan?”
Mataas na Kawani: “Ngunit paano ang bayan?”
Kapitan Heneral: “Anong bayan? Ano ba sa akin ang bayan? Utang na loob ko ba sa kanya ang aking
posisyon?”
Mataas na Kawani: “Totoo ang Espanya ang humirang sa inyo at ang inyong posisyon at hindi nagmula
sa bayan. Ngunit hindi ba kailangan ninyong pangalagaan ang bayan upang hindi mapintasan ang
Espanya? Mas nararapat kayong gumawa ng mabuti sa ngalan ng bayang nagtakaga sa inyo dito
sapagkat bago kayo naparito ay nangako kayong magpapatupad ng karunungan at kabutihan ng
pamamahala.”
Kapitan Heneral: “Ano ba sa palagay mo ang ginagawa ko? Ako pa ay nagpapabaya. Inuutusan mo ba
ako ng dapat kong gawin?”
Mataas na Kawani: “Napakaganda ng bayang ito, Kamahalan. Ang mga mamamayan ang mababait at
masunurinm sila’y mapagtiis… nabubuhay silang patuloy na umaasa lamang. Ayokong mapawalay sila
sa Espanya. Higit na dakila ang bayang ito.”
Kabanata 32: Mga Bunga ng Paskil
Sa paaralan
Guro: “Ito na ang iyong mga resulta sa inyong nagawang pagsusulit.”
Samu’t saring mga hiyawan ng mga estudyante
Pecson: “ Hindi ako pumasa.” malungkot na ani nito, “papasok na lamang akong kawani sa hukuman”
natatawang saad nito.
Tadeo: “Ayos lang iyan Pecson. Hay! Sa wakas at bakasyon na.”
Sa Kulungan
Sinong: “May masama akong balita sa iyo, Basilio.”
Basilio: “Tungkol saan?”
Sinong: “ SI Juli ay patay na Tandang Selo ay nawaawala” malungkot na ani nito.
Makaraan ng ilang linggo, buwan nang Abril ay napabalitang ikakasal na si paulita Gomez kay Juanito
Pelaez.
Negosyante: “Sadya nga yatang may mga taong ipinanganak na swerte. Akalain mong nabili nga niya
ng napakamurang halaga ang bahay ni Kapitan Tiago, nakapagbenta ng maraming kalakal na yero,
naging kasyoso si Simoun at ngayon ay ikakasal na ang anak sa isang maganda at mayamang babae.
Hindi lahat ng tao’y may gan’yan na suwerte.”
Person: “Hindi niyo alam kung ano ang pinanggagalingan ng magandang kapalaran ni Don Timoteo.”
Juanito: “Kalimutan mo na ang Indiong si Isagani. Mas magiging komportable ang iyong buhay sa
piling ko, Paulita.”
Paulita: “Oo, ikaw ang nababagay sa akin.”
Naglalakad si Basilip ganap na ikapito ng gabi. Pinag-iisipan niyang mabuti ang kailangang gawin.
Nakita ni Basilio nang dumating ang karwahe ng bagong kasal na kung saan lulan sina PAulita at
Juanito.
Basilio: “Kaawa-awang Isagani! Ano kaya ang nangyari sa kanya?”
Pinag-iisipan nito kung isasama si Isagani sa binabalak nila ni Simoun. Sa huli ay naniwala siyang hindi
iibigin ni Isagani ang sumama sa isang karahasan. Nakita ni Basilio na dumating si Simoun na dala ang
isang regalong nakabalot. Naglalakad ito kasunod ng tila prusisyon ng mga tao. Naroon din ang
kutsero ni Simoun na si Sinong.
Masayang masaya si Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Naikasal na ang kanyang anak sa isang
mayaman at magandang babae at pinautang siya ni Simoun para sa gastusin ng kasal. Inilabas ang
pinakamamagandang plato, kubyertos at magagandang kasangkapang babasagin para sa handaan.
Sa loob ay may nakakita ng isang pirasong papel na ang nakasulat Mane thecel, pares na ang ibig
sabihin ay “tapos na ang kapangyarihan mo.”
Don Custodio: “Ito ay lagda ng isang pilibusterong may sampung taon nang mamatay” namumutlang
wika nito sa Kapitan Heneral.
Kapitan Heneral: “ipagpatuloy ang kasiyahan ito at huwag hayaang sirain ng isang masamang biro.”
Don Custodio: “Hindi ba’t ang kahulugan ng MAne thecel, pares ay papatayin tayong lahat?”
Natigilan ang lahat kasabay ang pagkahulog ng ilang kubyertos. Lumamlam na ang apoy sa mitsa ng
lamparang dala ni Simoun kaya’t inutusan ng Kapitan Heneral si Padre Irene na itaas ang mitsa. Ngunit
bago pa makakilos si Padre Irene, isang anino ang biglang sumulpot para kunina ang lampara. Mabilis
na tumakbo ang anino at itinapon sa ilog ang lampara. Nagkaroon ng kaguluhan sapagkat napasok
daw sila ng magnanakaw.
Pinuntahan ni Ben Zayb si Padre Camorra. Nalaman niya na ito ang nabiktimang pari.
Ben Zayb: “Huwag ninyong sasabihin ang mga iyan at marahil kayo ay nahihilo pa.”
Nagtalo ang dalawa
Padre Camorra: “Ano ka bang tao ka! Bakit hindi ko malalaman ang nangyari?
Ben Zayb: “Basta, kailangang palabadin natin na maraming lumusob dito para magnakaw.”
Naputol ang pagtatalo nila nang may lumapit para sabihing nadakip na ang mga tulisan.
Person: “Nahuli na ho ang mga tulisan, Padre Camorra. Ang mga nahuli ay kabilang sa mga tauhan ni
Matanglawin na walang iba kundi si Kabesang Tales.”
KABANATA 38 EL FILI
Naging bukambibig si Matanglawin bilang tagahasik ng kasamaan. Sinasalakay niya ang mgalalawigang
sunud-sunuran sa mga maykapangyarihan. Sinasamsam niya ang mga sandata ngmga gwardia sibil na
nang-aalipin sa mga walang muwang na mga mamamayan. Sinusunogniya ang mga kabyawang pag-
aari ng mga pamilyang mapang-api sa mga kahabag-habag namga mananim ng tubo sa Batangan.
Sinusuklian niya ng kamatayan ang mga hukom na pangkapayapaan na naghahatid ng kawalang
katarungan sa komunidad ng Tianing tinitirhanng mga maralitang naghahangad ng gabinlid man lang
sanang katarungan.Sa sobrang galit ng mga pinunong pambayan ay pinaghuhuli nila ang sinumang
masalubong namagsasakang may baril o gulok na dala-dala.Sa kawalang katarungang ipinadama
nagising sa katotohanan ang mga ordinaryongmamamayan: ang mapaniil na pamahalaan o
mapangwasak na kamao ng isang bandido?
Carolino:”Tama na! Maawa ka naman sa kaniya. Duguan na ang tuhod ay iika-ika pa.”
Bilanggo:”Ang sakit! Ang sakit!”
Mautang:”Ha? Ano ika mo?”
Carolino:”Maawa ka naman sa kaniya. Katulad din natin sila.”
Bilanggo:”Parehas naman tayong kayumanggi ang balat, parehas din naman tayo ngpinagsimulan,
ngunit bakit ganito na lamang ang aming kinagigihasnan sa kamay ninyongmalulupit!”
Mautang:”Manahimik ka!”(sinaktan ulit ang bilanggo at tumingin ulit kay Carolino)
Mautang:” Talagang bago ka pa nga sa trabahong ito ng pagiging berdugo na kailanganglumatigo,
pumatay at maglibing sa sinumang nag-aalsa sa pamahalaang ating sinumpaa.”
Carolino:”Oo, tama ka, sa pamahalaang ating sinumpaan pero sinumpaan sa ngalan ngkatarungan!”
Mautang:”Pilipino ka nga pala at pilipino nga rin pala ako, pero kailangang maging marahas dintayo.
Kung lalambut-lambot ang mga sundalo tiyak na mag-aalsa ang lahat ng tao. Trabaho langnatin ito,
isantabi mo yang awa. May dapat magparusa at may dapat ding parusahan. Kanya-kanyang papel lang
ang ating ginagampanan.”
Korporal:” Dapa kayo, dapa!”
Korporal:”Humanda kayo sa labanan, naisahan tayo, nasa itaas pa ang mga kalaban, pagbarilinniyo
ang sinumang tatakbo. Ikaw na pinakabatang sundalo ko. Ipakita mo ngayon ang iyong tapang. Sige,
hanapinmo ang kaaway. Asintahin mo ang sinumang makikita mo. Huwag kang babalik na
walangdalang bangkay.”
Carolino: “Si…Sino po. A…Ako po ba?”
Korporal: “Oo, ikaw nga. Sino pa?” galit na saad nito.”Paputukan mo’t pasabugin ngayon din ang utak
ng demonyo!”
Mautang: “Huwag kang tumayu-tayo lang diyan! Bilisan mo! Bilisan mo!”
Carolino: (shut eyes after pulling the trigger)
Ang pinakabatang sundalo na naging Carolino ay si Tano. Ang matanda naming bumagsak satuktok ng
kabundukan ay si Tandang Selo.
Carolino: “Lolo, lolo! Patawarin niyo ako lolo, patawarin niyo po ako!”
Sa kapaitang naranasan sa buhay at kamatayan ay dilat na pumanaw ang isang dakilangmandirigmang
nagtanggol sa sambayanan
Padre Florentino: “Ang Diyos ay mapagpatawad, Ginoo. Sundin ninyo ang kalooban niya”
Simoun: “Kaloob ba ng Diyos ang kapuluang ito?”
Padre Florentino: “Ang magpatuloy sa kanyang kaawa-awang kalagayan? Nalaman kong hindi niya
pinapabayaan ang mga taong tumatawag o naniniwala sa kanya.”
Simoun: “Kung ganoon bakit niya ako pinabayaan?”
Padre Florentino: “Sapagkat mali ang naging pamamaraan ninyo. Ang naging tagapagligtas ng isang
bayan ay hindi nangangahulugan ng kapahamakan nito. Hindi katarungan ang lumikha ng isa pang
krimen. Pag-ibig ang tanging tagapagligtas, Ginoo.”
Simoun: “Kung ganoon ay nagkamali ako. Ano ba ang nagawa kong kasalanan kung susukatin ito sa
kasalanan ng mga namamahala? Bakit hindi na lang ako ang kanyang parusahan at ipagkaloob ang
tagumpay sa bayan?”
Padre Florentino: “Kailangan magtiis ang mga nilulupig upang higit silang maging karapat-dapat sa
pagkalinga ng Diyos. Higit na hahalimuyak ang amoy ng isang botelya ng pabangong nabasag,”
Simoun: “Kaya nga lalo kong hinangad na sila ay pagmalupitan. Ano ang dapat kong gawin ngayon?”
Padre Florentino: “Magtiis at gumawa!”
Simoun: “Madaling sabihin iyan ng mga taong hindi nagtiis. ANo pa ba ang naghihintay sa mga taong
labis na ang naging paghihirao ar wala nang matanaw na magandang bukas? Hindi ninyo nasaksihan
ang aking nasaksihan.”
Padre Flroentino: “Matapat at makatarungang Diyos. Diyos na nagpaparusa sa mga nagkasala at
nagbibigay ng biyaya sa mga nagpasakit. Ang pagtitiis at pagpapatibay at ang pagpapatibay at ang
pakikipagtunggali ay pagpapalakas. Huwag nating isisi sa iba ang ating kasawian.”
Ginagap ni SImoun ang kamay ng pari at masuyong pinisil
Padre Florentino: “Nasaan ang kabataang handang magpakasakit sa bayan?” pabulong na ani nito kay
SImoun
MAy kumatok na utusan at tinanglawan nito si Simoun na ito ay patay na
Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino. “Kawaan nawa ang taong nabuyo sa kanya na maging
magsama.
Kinuha niya ang maletang may laman na alahas ni Simoun at nagpunta sa karagatan. Hinigis niya ang
malita upang lamunin ng karagatan.
Padre Florentino: “Manatili ka sana sa kailaliman ng karagatan na walang hangganan, kasama ang
mga korales at perlas… Kung dumating ang isang panahon na kakailanganin ka para sa isang dakilang
mithiin, iluwa ka sana ng dagat sa pamamagitan ng utos ng DIyos. Samantala, Diyan ka muna upang
hindi maging kasangkapan ng kabuktutan at upang hindi maging tagapag-udyok ng kasakiman!”