You are on page 1of 17

El Filibusterismo

Sa Los Banos
KABANATA 11
ASHLEY SOPHIA ADOAN
Paglinang ng mga talasalitaan
1. Nangaso- panghuhuli ng mga hayop
2.Usapin- paksa o pinag-uusapan
3.Armas de salon- sandatang pambulgaw o pandekorasyon
4. Bininbin-
5. Kabalintunaan- kasinungalingan, kabulaanan,
6. Natigatig- nababahala
7. Mapanganib- delikado
8. Tresilyo- sugal na baraha
1 Nangaso sa Bosoboso ang Kapitan Heneral at ang
Gobernadorcillo kasama ang ilang kawal at
kawani.Ngunit dahil may kasamang musiko at wala
siyang nahuli na ibon o usa.Kamuntik nang pagbihising
usa ang mga kawani.Ayon sa Kapitan Heneral ay
mainam na raw na wala siyang nabaril na usa sapagkat
likas itong maawain sa mga hayop. Ang totoo ay lihim
siyang natutuwa sapagkat walang makakakita at
makaaalam na tila siya isang baguhang mangangaso na
hindi makatama ni isang ibon o usa. Kung
magkakaganoon ay malalagay sa alanganin ang kanyang
karangalan. Kaagad silang bumalik sa Los Banos.
2. Noong araw ding iyon ay naglalaro ng
tresilyo ang Kapitan Heneral, si Padre Sibyla,
at si Padre Irene sa may sala, habang galit na
galit naman si Padre Camorra na walng alam
sa mga nangyayari. Ang totoo ay nagtatalo
ang dalawang kura sapagkat sila ay
manghihingi ng pabor sa Kapitan Heneral.
Ngayong araw kasi ang pag-uusapan ang
tungkol sa paaralang binabalak ng mga mag-
aaral.
3 Habang nagsusugal ay sinimulang ihain ng kalihim
ang mga gawain sapagkat sadyang masipag ang
kapitan at ayaw nitong may nasasayang na panahon.
Inisa-isa ng kalihim na banggitin ang mga
nakahandang usapin sa araw na iyon gaya ng
pagpapalit ng tungkulin, suspensiyon, at pagpapatapon
ng mga ito sa malalayong lugar. Ang lahat ay
naghihintay sa magiging desisyon ng kamahalan
tungkol sa Akademya ng Wikang Kastila. Naroon din
sa silid na iyon sina Don Custodio ata ang isang
prayleng Dominikano, si Padre Fernandez.
4 Tuluyan nang nagalit si Padre Camorra nang muling
sadyain ni Padre Irene na magkamali sa pagsusugal upang
manalo ang Kapitan Heneral. Kaya naman umalis na lamang
ang una at magtungo sa kabilang silid.

5 Inanyayahan ni Padre Sibyla si Padre Fernandez na sumali


upang humalili kay Padre Camorra ngunit tumanggi ang
prayle sapagkat hindi raw sita marunong. Kaya naman si
Simoun ang pumalit sa pwesto ni Padre Camorra. Nagbiro si
Padre Irene na maaaring itaya ni Simoun ang kanyang mga
brilyante. Sumang-ayon naman si Simoun sa hamon ng kura
at sinabing wala raw maitataya ang kura.
6 Kaya naman ayon kay Simoun ay masisiyahan na lamang na
bayaran siya ng mga pangako. Ang kay Padre Sibyla ay ang
pagsasabi na siyaa ay tumatanggi sa kahirapan, pagkamababang-
loob at pagkamasunurin. Sumunod naman ay ang kay Padre Irene.
Ayon kay Simoun ay dapat siyang mangako na si Padre Irene ay
tatanggi sa pagtitimpi sa sarili at pagiging mapagbigay sa kapwa.
Ang mga maliit na bagay daw na iyon ay brilyante niya ang
magiging kapalit.

7 Habang ang ibabayad naman ng Kapitan Heneral ay limang araw


na pagpapakulong; pagkakapiit sa isang lugar sa loob ng limang
buwan; pagpapatapon ng dalawandaang bilanggo na walang
natalang pangalan, sa malalayong lugar; at pagpapabaril sa isang
taong pipiliin ni Simoun at limang pagpatay sa bawat lalawigan sa
loob ng limang buwan.
8 Kakaiba ang naging mga hamon ni Simoun kaya naman
napalapit sina Don Custodio, Padre Fernandez, at mga
mataas na kawani. Ang isa ay nagtatanong kung ano ang
maaaring mapala ni Simoun sa kanyang mga hinihiling.

9 Para daw malinis ang bayan at maalis ang mga


masasamang loob na naglipana sapagkat sawa na siya na
pulos kabutihan ang naririnig. Ipinalalagay ng lahat na kaya
ganito ang naging hiling ng alahero ay dahil sa
pagkakaharang sa kanya ng mga tulisan. Ayon kay Simoun
ay bininbin siya ng mga tulisan, kinuha nito ang kanyang
dalawang rebolber at matapos ang isang araw ay
pinakawalan din siya.
10 Marami raw dalang armas ang mga tulisan. Dahil dito lalagda na
ng kautusan ang kapitan ng magbabawal sa pagdadala ng armas
upang hindi na maragdagan pa ang armas ng mga tulisan. Isang
malaking kabalintunaan ito, ayon kay Simoun, dahil tanging ang
mga tulisan lamang daw ang mga napapagod sa araw-araw nilang
pagkain. Dugtong ni Simoun na kung ang nakahuli sa kanya ay ang
mga prayle, tinutukoy si Simoun nang sabihin na ang mga tulisan sa
lungsod ang higit na dapat katakutan.

11“Parang kayo,”sagot ni Padre Sibyla na tila natatawa.

12 “Tulad natin”ganti naman ni Simoun. “Tayo ay di-lantarang mga tulisan.


Kaya naman kung tayo ay pupunta ng bundok ay mawawala ang problema ng
bayan at hindi na maaabala pa ng kalihim ng heneral.”
13 Ika-11:30 na nang umaga ng huminto ang lahat sa paglalaro at
pagbibiruan. Ayon sa heneral ay may kalahating oras pa bago
mananghalian at marami pa silang dapat pag-usapan.

14 Napagpasyahan ng heneral na ipagbawal ang mga armas de


salon. Agad namang tumutol dito ang mataas na kawani sapagkat
kahit saang bansa ay pinapayagan ang armas de salon. Mahina
lamang ang mga armas de salon at bukod dito ay manok lamang ang
kayang patayin nito. Palaging sinasalungat ng mataas na kawani ang
mga pasya ng heneral. Ngunit kahit na ganoon ay wala namang
nangyayari sa mga pagtutol nito. Nagbigay naman ng payo si
Simoun na huwag ipagbawal ang armas de salon at sa halip ay
ipagbili ang mga ito na walang anim na milimitro. Ito nga ang
nasunod.
15 Sumunod namang pinag-usapan ang tungkol sa paaralan sa
Tiani. Humingi raw ng maayos na paaralan ang guro sa Tiani dahil
marami nang sira ang kasalukuyang ginagamit na paaralan. Sinabi
naman ni Padre Sibyla na kung gustong magturo kahit saan ay
maaari.

16 Sadyang maraming reklamo ang gurong iyon kaya siya ay


itinuring na pilibustero. Ipinasya ng heneral na mas mabuti pa raw
na tanggalin na ang guro sa kanyang tungkulin. Kaya naman ipinag-
utos ng heneral na ang lahat ng gurong dadaing sa kanilang
tungkulin ay ipatatanggal. Natigatig naman ang mataas na kawani
sa naging pasya ng heneral na tanggalin ang guro sa kanyang
katungkulan.
17 Ipinagtanggol ng mataas na kawani ang guro dahil sa halip na
tulungan ito ay napasama pa at natanggalan ng hanapbuhay.
Malaking halaga na raw ang nailabas ng pamahalaan sa pagbili ng
mga kagamitan para sa paaralan, ngunit dahil sa walang maayos na
paaralan ay madaling nasisira ang mga kagamitan sa loob.

18 Ipinayo naman ni Don Custodio na sa halip na magpatayo pa ng


panibagong paaralan ay bakit hindi na lamng gamitin ang mag
sabungan. Kung tutuusin daw ay tuwing Linggo at kapistahan
lamang ito gimagamit at maliban doon ay nakatiwangwang lamng
ito. Ayon sa heneral ay pag-aaralan muna niya ang payo ni Don
Custodio bago siya magdesisyon.
19 Isinunod naman ang usapin tungkol sa panukala ng mga mag-aaral na
magkaroon ng Akademya ang Wikang Kastila. Hiningi ng heneral ang opinyon
ng mataas na kawani; sumang-ayon naman ito at pinuri pa ang naging
panukala ng mga mag-aaral. Hindi naman sumang-ayon dito si Padre Sibyla
dahil raw sa panahon ng ganitong kahilingan at isa rin itong paraan na
paghamak sa kanila ng mga Dominikano. Ayon naman kay Simoun ay kahina-
hinala ang panukalang ito.

20 Isa-isang binanggit ang mga mag-aaral na may panukala sa naturang


paaralan. Si Isagani raw ay mahilig sa pagbabago at pagsulong kaya naman
ito ay mapanganib. Agad naman itong ipinagtanggol ni Padre Fernandez
sapagkat siya ay nasisiyahan. Ayon kay Padre Camorra ay walang galang daw
ang mag-aaral na si Isagani sapagkat nang ito ay kanyang itulak ay itinulak
din siya nito. Samantala, ang mayamang si Macaraig, ayon naman kay Padre
Irene, ay kasiya-siya at magalang. Inihabilin ito sa kanyang tagatangkilik na
kondesa. Si Basilio naman, ayon kay Padre Salvi, ay namatay ang kanyang
ama sa isang kaguluhang hindi na niya matandaaan.
21 Ipinagtanggol ng mataas na kawani ang mga mag-
aaral ngunit sinalungat agad ito ni Padre Camorra
sapagkat hindi raw dapat matutong mangastila ang
mga Indio. Tiyak daw na matututo rin silang
makipagtalo sa kanila.

22 Ayon naman kay Padre Sibyla ay may lihim na


pakikipaglaban ang panukalang ito. Kapag nasunod
dila at natalo ang mga pari, yayabang ang mga mag-
aaral at sila ay matutuwa. Pagkatapos nito ang
pamahalaan ang isusunod pabagsakin.
23 Nagsalita naman si Padre Fernandez. “Bakit natin
iisiping tayo ay natalo nila? Pagbigyan natin ang kanilang
kagustuhan upang sila ay matuwa sa atin at matuting
tumanaw ng utangb na loob tulad ng ginagawa ng mga
Heswita.”

24 Lalo namang ikinagalit ni Padre Sibyla nang mabanggit


ang mga Heswita. Umigting ang pagtatalo ng lahat kaya
naman hindi na sila nagkaunawaan. Tumayo na ang kapitan
sa kanyang upuan dahil nakahanda na ang tanghalian.
Ipagpapatuloy na lamang daw ang mga maseselang usapin
matapos kumain at baka hindi sila matunawan.
25 Pabulong namang isiningit ng mataas na
kawani sa Kapitan Heneral ang tungkol sa anak
na dalaga ni Kabesang Tales na humihiling na
palayain na ang kanyang nuno na nasa kulungan
bilang kapalit sa kanyang ama.

26 Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya at


agad namang sumang-ayon ang heneral.
MARAMING
SALAMAT

You might also like