You are on page 1of 5

Ang Klase sa Pisika

Narrator: Ang silid aralan ay maluwang na parihaba, naiilawang mainam at presko dahil sa
hanging nanggagaling sa malalaking bintana. Tatlong malalalking mga haligi ang makikita sa
mga dingding na ito na ngayon ay puni ng mga mag-aaral na nakaayos ng pagkakaupong pa-
abakada. Ang plataporma ng propesor ay may hagdan sa magkabilang panig at matataguang
kaharap ng pinto na may larawan ni Sto.Tomas Aquinas. Maliban sa nakakatawag-pansing pisara
na ang paligid ay kamagong na may nababasang hurrah na sinulat pa noong unang araw ng
pasukan ay walang makikitang kagamitang pangturo sa silid-aralan na masasabing kapaki-
pakinabang o hindi man.
Narrator: Isang matabang mag-aaral na mukhang inaantok at nangagtatayo at matitigas na
animo’y balahibo ng sepilyo ang malakas na naghikab. Natawag ang pansin ng propesor at
ginawa siyang halimbawa.
Padre Milon: Kamusta, antukin? Masyadong tamad,ha! Siguro hindi mo alam ang liksyon?
Narrator: Pinakikisamahan ni Padre Milon ang kanyang mga estudyante. Ang sinabi ni Padre
Milon ay hindi nakasugat ng damdamin sa klase. Sa halip ay nakaaaliw at karamihan ay
nabunghalit ng tawa. Ito ay karaniwang nangyayari. Ngunit ang inaantok ay hindi natawa.
Tumayo’t pumungos-pungos at nagsimulang bumigkas:
Matabang mag-aaral: Ang salamin ay anumang makinis na ibabaw na ginawa upang Makita ang
anumang ihaharap dito.
Padre Milon: Magaling! Tingnan natin. Ang salamin ay maaring metal o bubog? Ngayon,
halimbawang pakitaan kita ng isang pirasong kahoy, halimbawa ay kamagong na makintab at
barnisado o may tina na walang dudang kakikitaan anumang iharap dito. Paano mo paguuri-uriin
ang ganitong mga Salamin?
Narrator: Ang mag-aaral, marahil dahil sa hindi niya alam ang sagot, o hindi niya naunawaan
ang tanong, ay nagpumilit na sumagot sa pamamagitan ng pagpapakita ng natutuha niya sa
leksiyon at nagmamadaling nag-usal ng:
Matabang mag-aaral: Ang una ay yari sa tanso o iba’t ibang uri ng metal at ang pangalawa ay
yari sa bubog na kininis.
Padre Milon: Tut, tut, tut, hindi yan ang tanong. Ang sbai ko’y sumaiyo nawa ang Diyos at ang
sagot mo ay mamahingang mapayapa!
Narrator: Inulit ng propesor ang kanyang tanong. Ang naguguluhang mag-aaral ay hindi
malaman kung ano ang sasabihin. Hindi niya malaman kung isasama niya ang kamagong sa
metal, marmol bilang bubog, at iwanan na ang may tina sa uring neutral? Ang kanyang kalapit na
si Juanito Palaez ay nagdikta ng:
Juanito Pelaez: Ang kamagong na salamin ay inuuri sa salaming kahoy!
Narrator: Hindi pa natatagalang idikta ang sasabihin, kaya napabunghalit ng tawa ang buong
klase.
Padre Milon: at ikaw, mapagrunung-runungan, tingnan natin, anong masasabi mo sa salamin, na
ang ibabaw, nilang ibabaw, habang ang pang-ibabaw o ang katawang kinakapitan nito ay siyang
substansya. Ngayon anong masasabi mo rito?
Juanito Pelaez: Ako? Masasabi roon? Walang anuman.
Narrator: Nasagot sana ng binata na hindi niya alam ang lahat ng pinagsasabi ng propesor.
Naguguluhan siya sa napakaraming ibabaw na binanggit. Pinigil siya ng kanyang pagpapahalaga
sa sarili. Pawiwang nagpatuloy siya na nagtitiim ang bagang.
Juanito Pelaez: Ang salamin ay anumang kininis na ibabaw…
Padre Milon: Kung ganoon, ayon sa iyo, ang salamin ay ang ibabaw, kung ang salamin ay ang
ibabaw hindi mahalaga kung ano ang nasa ilalim nito, kaya masasabi natin na ang pangibabaw
ay ang salamin. Inaamin mo ba ito o hindi?
Narrator: Lalong nagsipagtayuan ang buhok ng binata.
Padre Milon: Sumasang-ayon kaba o hindi?
Juanito Pelaez: Sumasang-ayon ako sa anumang sabihin mo, padre.
Narrator: Naibulong niya sa sarili. Ngunit hindi niya nailakas sa takot na pagtawanan ng klase.
Napakahirap ng kanyang kalagayan. Nararamdaman niya na hindi basta na lamang siyang
palalagpasin ng pari. Tingnan na lamang ang kanilang mga parokya at lupain. May parang
nagbubulong sa kanya na itinanggi ang lahat. Bigla niyang naalaala ang isang opisyal sa korte na
nagsabi sa kanya na sinumang nagtatanggi ng lahat ay walang pananagutan sa lahat.
Narrator:Hinudyatan siya ni Juanito Pelaez at sa pagpapadala sa masama niyang kapalaran ay
ganito ang ipinahayag.
Matabang mag-aaral: Sumang-ayon ako, padre!
Padre Milon: Sumasang-ayon ka. Magaling kung ganoon.
Narrator: Tumingin ang binata sa mga tagadikta at nakita niyang nabigla ang mga ito at walang
masabi. Nanlumo siya. Napatingin sa itaas na nagwiwikang..
Matabang mag-aaral: Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan!
Padre Milon: Ano ang kalabasan.
Juanito Pelaez: Ah, Juanito ikaw iyon, ano? Sige tingnan natin kung malulutas mo ito.
Narrator: Si Pelaez na isa sa kanyang mga paborito, ay dahan-dahang tumayo sabay siko kay
Placido Penitente na kasunod niya ang pangalan sa listahan. Ito ay nangangahulugan ng paghingi
ng tulong.
Juanito Pelaez: Hindi ako sumasang-ayon padre,
Padre Milon: O, kung ganoon , ako ay magpapatunay ng kinalabasan. Batay sa iyo ang kininis na
ibabaw ang bumubuo sa salamin.
Juanito Pelaez: Hindi ako sumasang-ayon (hinihila ni Placido ang damit)
Padre Milon: Ano kamo? Sang ayon sa iyo?.....
Juanito Pelaez: Kung ganoon, maniniwala ka na ang nasa ilalim ay nakaaapekto na nasa ibabaw?
Placido Penitente: Hindi rin ako sumasang-ayon doon!
Narrator: Ginagaya ni Placido, na siyang nagdidikta, ang estratehiya ng mga Intsik: iwasan ang
masakop sa pamamagitan ng di pagtanggap ng kahit na mukhang walang kamuwangang
itinatanong.
Narrator: Hindi na malaman ni Juanito kung paano sasagutin ang kategorikal na tanong na ito.,
kaya kinalabit niya si Plaido. Pero hindi rin malaman ni Placido ang isasagot. Nabaling ang
paningin ng propesor sa isa sa mga mag-aaral na naghuhubad ng kanyang buts, dahil sa
kasikipan.
(mag-aaral na naghuhubad ng buts)
Narrator: Sinasamantala ni Juanito ang pagkakataong ito upang apakan sa paa si Placido.
Juanito Pelaez: Magsalita ka naman!
Placido Penitente: Aray! Walanghiya ka!
Narrator: Narinig ng propesor ang sigaw ni Placido at nahulaan na niya ang nangyayari.
Padre Milon: Ikaw Ginoong Multo, labis ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili na wari’y ikaw
ang tagapagligtas, titingnan natin kung maliligtas mo ang iyong sarili. Sagutin mo ang tanong.
Narrator: Masayang umupo si Juanito at dinilaan pa ang tagadikta. Ang tagadikta naman ay
namula sa kahihiyan na tumayo at di malaman ang sasabihin. Pinagmasdan muna siyang mabuti
ni Padre Milon. Naisip niyang masarap ipahiya ang galanteng binatang ito, na laging maayos ang
pananamit at halatang malaki ang tiwala sa sarili.
Padre Milon: Sinasabi sa aklat na ang salaming metal ay gawa sa tanso o iba pang metal, Tama o
Mali?
Placido Penitente: Kung iyon ang sinasabi sa aklat, padre…
Padre Milon: Iyan ang sinasabi sa aklat. Hindi mo naman siguro sasabihng mas magaling ka pa
sa aklat, Tama ba o Mali?
Placido Penitente: Kung iyan ang sinasabi sa aklat, padre….
Padre Milon: Ang lata ba ay metal?
Placido Penitente: Parang nga padre, batay sa aklat…
Padre Milon: Talagang ito ay metal. Kung ganoon masasabi natin na ang salaming bubog ay
salaming metal ngunit maaari itong magkapalit, paano mo iyan ipaliliwanag, Ginoong Multo.
Placido Penitente: Iyan ay… Ang ibig sabihin kong sabihin…
Padre Milon: Ang ibig sabihin niyan ay hindi mo maunawaaan ang leksiyon.
Narrator: Nagtawanan ang klase sa winika ng propesor. Npakagatlabi si Placido.
Padre Milon: Anong pangalan mo?
Placido Penitente: Placido (pabulong)
Padre Milon: Aha, Placido Penitente! Bibigyan kita ngayon ng iyong pagsisihan.
Narrator: Hindi pa makunteto sa mga ginawa sa kanya, tinawag pa siya para bumigkas sa araw
na iyon. Dahil sa kaba tatlong beses siyang nagkamali. Ang propesor naman ay tatango-tangong
binuksan ang talaan ng sunod-sunod na pangalan ng mga mag-aaral.
Padre Milon: Palencia, Palomo, Panganiban, Pedroza, Pelado, Pelaez, Penitente. Aha, Placido
Penitente! May labinlimang liban.
Narrator: Napamulagat si Placido.
Placido Penitrente: Labinlimang liban, labinlima, apat na beses pa lang akong nagkukulang at ito
ngayon kung sakali pa lang ang panlima!
Padre Milon: Susmaryosep, susmaryosep! Inaamin mong ikaw ay may limang ulit nang nagliban,
at Diyos na ang nagkaroon ng higit pa riyan.
Placido Penitente: Ngunit, padre, kung lalagyan ako ng kanyang Reverencia ng asero sa
pagsagot, dapat lamang na burahin ang marka ng aking libang ngayon.
Padre Milon: O, ganoon ha?
Placido Penitente: Imposible naman, propesor, na makakakuha ng cero sa pagsagot ang isang
liban sa klase.
Padre Milon: O, Pilosopo ka, mahirap palang unawain ha? Ang katotohanan ay katotohanan at
walang pwedeng umirap dito.
Narrator: Naubos na ang pasensiya ni Placido, ibinalibag niya ang kanyang aklat ---- tumayo at
hinarap ang propesor.
Placido Penitrente: Tama na, Padre, tama na! Mababawasan ng iyong Reverencia ang aking
marka hanggang ibig ninyo. Wala na akong balak na pumasok pa rito, sapagkat hindi na ako
makapagtitiis.
Narrator: Wala nang ibang salita at siya ay lumabas. Nabigla ang klase. Ngayon lang sila
nakakita ng ganoong pangyayari sa klase.
Padre Milon: Ang ibig matuto ay matututo kahit na walang akademya hindi katulad ni Placido!
Narrator: Hanggang matapos ang klase ay nagpatuloy nang nagpatuloy na mag-aaral ang
lumabas ng klase nang wala pa ring alam tulad nang sila ay pumasok pero nasisiyahan, dahil
parang naibsan ang pasan.

You might also like