You are on page 1of 6

"el filibusterismo"

Kabanata XIII

Ang Klase sa Pisika


Padre Millon: Kumusta, Antukin? Masyadong tamad, ha! Siguro hindi mo
alam ang leksyon?

Estyudante: Ang ay anumang makinis na ibabaw na ginawa upang makita


ang anumang ihaharap dito.

Padre Millon: Magaling, tignan natin. Ang salamin ay maaaring metal o


bubog? Ngayon halimbawang pakitaan kita ng isang pirasong
kahoy, halimbawa ay kamagong na makintab at barnisado o
dyet na walang dudang kakikitaan ng anumang iharap dito.

Estyudante: Ang una ay yari sa tanso o iba’t ibang uri ng metal at


pangalawa ay yari sa bubog na kininis.

Padre Millon: Hindi iyan ang tanong. Ang sabi ko’y sumaiyo nawa ang Diyos
at ang sagot mo ay mamahingang payapa! Ang salamin ay
maaaring metal o bubog? Halimbawang palitaan kita ng isang
pirasong kahoy, halimbawa ay kamagong na makintab at
barnisado o dyet na walang dudang kakikitaan ng anumang
iharap dito.

Juanito Pelaez: Ang kamagong na salamin ay inuuri sa salaming kahoy.

Estyudante: Ang kamagong na salamin ay inuuri sa salaming kahoy!

Padre Millon: At ikaw, mapagrunung-runungan.Tignan natin, anong masasabi


mo sa salamin na ang ibabaw, bilang ibabaw, habang ang pang-
ibabaw o ang katawang kinakapitan nito na siyang sabstansya
na binago ng hindi esensyal na ibabaw na dahil ang ibabaw ay
insidente lamang ng sabstansya. Ngayon anong masasabi mo
dito?

Juanito Pelaez: Ako? Masasabi roon? Walang anuman .

Ang salamin ay anumang kininis na ibabaw…

Padre Millon: Kung ganoon ayon sa iyo, ang salamin ay ang ibabaw…
Kung ganoon, ipaliwanag mo ito kung ang salamin ay ang
ibabaw, hindi mahalaga kung ano ang nasa ilalim nito, dahil
ano man ang nasa ilalim ay makakaapekto sa ibabaw, kaya
masasabi natin na ang pang-ibabaw ay salamin .

Inaamin mob a ito o hindi?

Estyudante: Sumasang-ayon ako sa anumang sabihin mo, Padre.

Sumasang-ayon ako, Padre!

Padre Millon: Sumasang ayon ka…

Magaling kung ganoon, pwede kong alisin ang asoge sa


salamin at tapalan ko ng puno at magkakaroon pa rin tayo ng
salamin, ha? Ngayon magkakaroon tayo ng ano?

Juanito Pelaez: Puto!Puto!

Estyudante: Tumahimik ka, buwisit

Padre Millon: A, Juanito, ikaw iyon, ano?

Sige tignan natin kung malulutas mo ito.

Juanito Pelaez: Hindi ako sumasang-ayon ,Padre.

Padre Millon: O kung ganoon, Ako ay magpapatunay ng kinalabasan. Batay


sa iyo ang kininis ay ibabaw ang bumubuo sa salamin….

Juanito Pelaez: Hindi ako sumasang-ayon.

Padre Millon: Ano kamo? Sang-ayon sa iyo?

Juanito Pelaez: Hindi ko tinatanggap!

Padre Millon: Kung ganoon naniniwala ka na ang nasa ilalim ay nakakaapekto


sa nasa ibabaw?

Juanito Pelaez: Hindi rin ako sumasang-ayon doon!

Juanito Pelaez: Magsalita ka naman!


Placido: Aray! Walanghiya ka!

Padre Millon: Ikaw, Ginoong Multo

Hindi tinatanong subalit dahil sobra ang pagpapahalaga mo


saiyong sarili na wari’y ikaw ang tagapagligtas ay tignan natin
kung maliligtas mo ang iyong sarili. Sagutin mo amg tanong.

Sinasabi sa aklat na ang salaming metal ay gawa sa tanso o iba


pang metal. Tama o Mali?

Placido: Kung iyon ang sinasabi sa aklat, Padre

Padre Millon: Iyan ang sinasabi sa aklat. Hindi mo naman siguro sasabihing
mas magaling ka pa sa aklat? Tama ba o mali?

Placido: Kung iyon ang sinasabi sa aklat, Padre

Padre Millon: Ang lata ba ay yari sa metal?

Placido: Parang nga, Padre, batay sa aklat

Padre Millon: Talagang ito ay metal, Ang salitang asoge ay nagpapakita na ito
ay may mercurio na isa pang metal. Kung ganoon, masasabi
natin na ang salaming bubog ay salaming metal. Kung pwede
itong magkapalit, kung ganoon sa klasipikasyon pa lang ay mali
na kaya, paano mo iyan ipapaliwanag, Ginoong Multo?

Placido: Iyan ay…..ang ibig kong sabihin ay….

Padre Millon: Ang ibig sabihin niyan ay hindi mo naunawaan ang leksyon,
miserabling multo, na ang ibig sumagip sa iba gayong hindi
masagip ang sarili.

Padre Millon: Ang pangalan mo?

Aha, Placido Penitente! Bibigyan kita ngayon ng iyong


pagsisisihan!
Padre Millon: Palencia, Palomo, Panganiban, Pedroza, Pelado, Pelaez,
Penitente. Aha! Placido Penitente! May labinlimang liban!

Placido: Labinlimang Liban, Padre?

Padre Millon: Labinlimang sinasadyang pagliliban

Kaya isa na lang at mababawas kana sa klase.

Placido: Labinlimang liban, labinlima, apat na beses pa lang akong


nagkukulang, at itong ngayon kung sakali pa lang ang panlima!

Padre Millon: Susmaryosep, susmaryosep!

Inaamin mong ikaw ay may limang ulit nang nagliban, at Diyos


na ang nakakaalam ng higit pa riyan. Ngayon, dahil minsan
lang ako magtsek ng liban, at sa bawat pagtsetsek ko, ang liban
ay nilalagyan ko ng limang tanda. Ngayon ilan ang limang
lima? Baka nakalimutan mo na ang iyong aralin sa
pagpaparami. Lima paramihin ng lima?

Placido: Dalampu’t lima

Padre Millon: Isa pa at alis kana, adiyos at ngayon sero sa pagsagot.

Placido: Ngunit Padre, kung lalagyan ako ng kanyang reverencia ng sero


sa pagsagot, dapat lamang na burahin ang marka ng aking liban
ngayon.

Padre Millon: O, ganoon ha?

Placido: Imposible naman, Propesor, na makakuha ng sero sa pagsagot


ang isang liban sa klase.

Padre Millon: O, pilosopo ka, mahirap palang unawain, ha?

Ang katotohanan at walang pwedeng umirap dito. Hindi mo ba


naiisip, pilosopo, na ang isang mag-aaral ay puwedeng maging
liban at hindi rin malaman ang leksiyin? Ano masasabi mo,
binatang pilosopo?
Placido: Tama na Padre, Tama na! Mababawasan ang iyong reverencia
ang aking marka hanggang ibig ninyo, wala na akong balak na
pumasok pa rito, sapagkat hindi na ako makapagtitiis.

Padre Millon; Kung ganoon, ang mga dati, na ni hind alam kung paano
sabihin ang si, Padre at no, Padre, ay ibig pa ngayong mas
makaalam kaysa sa mga nagturo sa kanila. Ang ibig matuto
kahit na walang akademya! Hindi malayong isa ang binatang
iyan sa mga kasama sa balak. Iligtas mo po, O Diyos, ang
espanya sa mga ganitong kaibigan! Nasan pa ang oras na
gugugulin niyo sa akademyang iyan gayong ang obligasyon
niyo sa klase ay hindi pa ninyo nagawa?Ang pag-aaral muna,
bago ang wikang kastila!

You might also like