You are on page 1of 5

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 9

Ang Ama

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ng may
90% ang mga sumusunod:
A. Natutukoy ang mga tauhan sa kwento;
B. Naipaliliwanag ang pagkakasunod-sunod ng kwento; at
C. Naibibigay at naikikintal sa isipan ang mensahe na nais iparating ng kwento.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Ang Ama
Sanggunian: http://filipinosiyam.blogspot.com/2015/07/ang-ama-kuwento-
singapore.html

III.Kagamitan:
Laptop
Powerpoint Presentation

IV. Pamamaraan: Pasaklaw


GAWAING – GURO GAWAING MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain

 Pagdarasal
Mag-aaral 1, maaari mo bang
pangunahan ang ating panalangin? Mag-aaral 1: Opo.

 Pagtala ng mga lumiban sa klase


Mag-aaral 2, sino ba ang mga Mag-aaral 2: Wala pong lumiban sa klase
lumiban sa klase ngayon? ngayong araw.

Mabuti naman kung gayon.


Magandang umaga po!
Magandang umaga!

B. Pagganyak
Bago tayo tumungo sa ating aralin,
atin munang gisingin ang inyong mga Handa na po.
natutulog na diwa. Handa na ba kayo?

Mayroon akong ipapakitang larawan


at ibahagi niyo sa klase ang karanasang
hindi ninyo malilimutan sa pagkain na iyon. Opo
Maliwanag ba?
Narito ang larawan:

(Ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng


karanasang hindi nila malilimutan sa
pagkain ng pansit.)

(Pagkatapos ng aktibidad)

Ang pansit guisado ay may malaking


gampanin sa kwentong ating tatalakayin
natin ngayong araw na ito. Sa tingin niyo,
ano kaya ito? Ang Ama po.

C. Pagtalakay sa Paksa / Pangkatang


Gawain
Magaling! Ang tatalakayin natin
ngayong araw na ito ay isang maikling
kuwentong Singaporean na pinamagatang
“Ang Ama” na isinalin ni Mauro R. Avena.

Bago ang lahat, ano ba ang maikling Ang maikling kwento po ay isang akdang
kuwento? pampanitikan na naglalaman ng maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na kinabibilangan ng isa o
ilang mga tauhan.

Magaling! Ang isang maikling kuwento


ay natatapos sa isang upang lamang.
Isang halimbawa nga nito ay ang akdang
“Ang Ama”. Ito ay kuwento ng isang ama
na walang pakialam sa kanyang pamilya
at tanging sarili lamang ang iniisip.

Ating panoorin ang isang animated


video tungkol sa kuwentong “Ang Ama”.
Ihanda ang inyong papel at panulat at itala
ang mga mahahalagang impormasyon na
makukuha ninyo mula sa akda.

https://www.youtube.com/watch?v=2V (Ang mga mag-aaral ay panonoorin ang


p4yRRh2g4 bidyo tungkol sa akdang “Ang Ama”.)
(Pagkatapos ng bidyo)

Naiintindihan niyo ba ang bidyo? Opo.

Ngayon, upang malaman ko kung


nakinig talaga kayo at naiintindihan ninyo
ang kuwentong inyong pinanood,
magkakaroon tayo ng isang pangkatang
gawain. Hahatiin ko kayo sa tatlong (Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa
pangkat sa pamamagitan ng breakout tatlong pangkat sa pamamagitan ng
rooms. breakout rooms).

Bawat pangkat ay bibigyan ng .


bahagi, ang SIMULA, GITNA, at WAKAS.
Bawat bahagi ay mayroong kaakibat na
gabay na tanong na tatalakayin ninyo sa
klase. Mayroon kayong limang (5) minuto
upang maisagawa ito.

Para sa unang pangkat, ang


tatalakayin ninyo ay ang SIMULA. Narito
ang mga katanungan na inyong sasagutin:
1. Paano sinimulan ng may akda
ang kuwento?
2. Sino-sino ang mga pangunahing
tauhan sa akda? Banggitin ang
katangian ng bawat isa.

Para sa ikalawang pangkat naman,


ang tatalakayin ninyo ay ang GITNA.
Narito naman ang mga katanungang
inyong sasagutin:
1. Ano ang suliraning kinaharap ng
mag-anak?
2. Sa paanong paraan nagbago
ang kanilang Ama? Ipaliwanag.

At para sa ikatlong pangkat, ang


WAKAS ang inyong tatalakayin. Narito ang
mga katanungang inyong sasagutin:
1. Ano ang naging wakas ng
kuwento?
2. Anong mga damdamin ang
nangibabaw sa pagtatapos ng
akda? Magbigay ng mga
pangyayari mula sa akda bilang
patunay.

Bago kayo magsimula, narito ang


pamantayan sa pagbibigay ng inyong
marka.
Batayan sa Pagpili at Pagbibigay ng
Marka

Nilalaman -------------------------------- 25 pts


Presentasyon --------------------------- 25 pts
Kabuuan -------------------------------- 50 pts

Inuulit ko, mayroon lamang kayong


limang minuto upang pag-usapan ang
inyong gagawin at pagkatapos ay
itatanghal niyo na ito sa klase. Bibisita ako
sa bawat breakout room upang sagutin
ang inyong mga katanungan kung
mayroon man. Maliwanag ba?
Opo.
Kung gayon, maaari na kayong
pumasok sa inyong mga breakout room.

(Pagkatapos ng limang minuto...) (Ang bawat pangkat ay itatanghal ang


kanilang mga nagawa.)

(Pagkatapos ng gawain...)

D. Paglalapat/Pagpapahalaga
Ano ba ang aral na nais ipahatid ng Mag-aaral 1: Nasa huli po ang pagsisisi.
kwentong “Ang Ama”? Mag-aaral 2: Habang nasa iyo pa,
pahalagahan mo.

Magaling! Hindi pinahalagahan ng


ama ang kanyang pamilya kung kaya’t
nagsisi siya bandang huli.

“Walang taong perpekto”. Marahil ay


gasgas na ang linyang iyan ngunit kahit
man bali-baliktarin natin ang mundo, iyan
ay isang katotohanan.Sa maikling
kwentong “Ang Ama” ay atin muling
natunghayan na totoo ang kasabihang ito.

Ang ama rito ay isang hindi


magandang halimbawa ng isang ama.
Siya ay isang irresponsableng ama. Bakit?
Sino bang ama ang gugustuhing
maglasing nang maglasing at uuwi na
halos hindi makalakad at pagkauwi ay
pagbubuhatan ng kamay ang mga anak?

Dito rin natin nasaksihan ang


kalupitan ng buhay. Marahil ay kung ikaw
si Moymoy, baka hindi mo kayanin. Sa
mga di nakakakilala sa kanya, si Moymoy ay
isang sakiting bata. Kaylupit ng kapalaran sa
kanya, dahil sa pagkakamali ng isang
irresponsableng ama ay siya ay nawalan ng
buhay.

Sa puntong ito, rito natin makikita na ang


tauhang ito ay isang tauhang bilog.
Bakit? Dahil siya ay nagbago. Nagbago siya
pagkatapos mamatay ni Moymoy. Dito natin
mapapatunayan na nasa huli ang pagsisisi.
Sising-sisi siya sa nangyari sa anak.
Kapagkuwa’y dumadalaw ito sa kaniyang
libingan bitbit ang supot ng naglalaman ng
mga tsokolate.
Naghihinagpis na tunay ang ama sa sinapit
ng anak.

Ang isa pang aral na ating matutunghayan


dito ay pahalagahan mo ang mga taong
nariyan, magigising ka na lang wala na pala
sila.
Opo.
Maliwanag ba?

E. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Kung kayo ang ina ni Mui-mui mapapatawad mu ba ang iyong asawa


sa kanyang nagawang kasalanan na mapatay ang sarili mong anak?
2. Kung ikaw si Mui-mui mapapatawad mo ba ang iyong ama sa kanyang
nagawa?
3. Bilang isa sa mga kapatid, anong damdamin ang iyong mararamdaman
kung nakikita mo na ang iyong sariling kapatid na may sakit ay
sinasaktan pa ng iyong ama?

F. Takdang-Aralin
Ibigay ang iba’t ibang elemento ng maikling kuwento.

You might also like