You are on page 1of 7

Banghay-Aralin sa Filipino 9

I. Layunin

Pagkatapos ng animnapung minutong pagtalakay sa aralin, ang mga mag-aaral ay


inaasahang matamo ang mga sumusunod:
A. Nabibigyang-kahulugan ang mga salita at Nagagamit ito sa makabuluhang
pangungusap.
B. Nailalarawan ang mga tauhan at tahanan ni Kapitan Tiago batay sa kaugnayan
sa iba pang tauhan at ugaling ipinamamalas.
C. Naipapaliwanag ang mga kaugaliang Pilipino batay sa inilarawan sa teksto.
D.Naibabahagi ang sariling damdamin, ideya o opinyon na may kaugnayan sa
paksa.

II. Paksang Aralin

Paksa: Kabanata I: Isang Pagtitipon


Sanggunian: Obra Maestra Noli Me Tangere Pahina 3-6
Kagamitan: Mga kagamitang biswal, laptop

III. Pamamaraan

Guro Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga liban
d. Pagsisiyasat sa kapaligiran

B. Pagganyak
Magpapakita ng iba’t-ibang
larawan ang guro.

Ano ang ginagawa ng mga tao sa


larawan? Sila ay masayang sama-sama.
Ano ang inyong napansin sa mga larawan?

Sila ay masayang kumakain ng buong


Anong katangian mayroon ang mga pamilya
Pilipino?

(Magbibigay ng opinyon ang mag-aaral.)


Tama, magaling! Ito ay nagpapakita ng
kaugalian ng mga Pilipino sa pakikitungo
sa kanilang kapwa.

Lahat ng ipinakita kong larawan sa inyo ay


may kinalaman sa ating talakayan.

Paglalahad
Ang tatalakayin natin ngayong umaga ay
isa sa kabanata mula sa Noli Me Tangere,
ito ay ang Kabanata I:Isang Pagtitipon

Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang


isinulat ni Dr. Jose P. Rizal at inilathala
noong 1887 sa Europa.

Paglinang sa Talasalitaan Bago tayo


tuluyang tumungo sa ating talakayan,
sagutin muna natin ang mga
matatalinhagang salita na maaaring
makasagabal sa inyong pagkatuto.

Talasalitaan
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga
kasingkahulugan ng mga salita na nasa Hanay
A at gamitin ito sa makabuluhang
pangungusap.

Hanay A
Piging
Walang-Habas
Kalansing
Bukas-Palad 5.Bantog

Hanay B

Walang Galang Pagtitipon Matulungin


Malakas ang Loob Kilala
Tunog

E. Pagtalakay
Ngayong nasagutan na natin ang mga
matatalinhagang salita, tayo nang tumungo
sa ating talakayan. Kahapon ay nagkaroon
tayo ng paunang pagbasa sa ating
tatalakayin at upang manumbalik sa ating
ala-ala ang mga pangyayari sa kabanatang
ito, ating kilalanin ang mga tauhan sa
Kabanata I- Ang Pagtitipon.

Magpapakita ng larawan ang guro.

Sa inyong palagay, Sino siya?

Si Kapitan Tiyago ay mayaman at malapit


sa mga prayle. Si Kapitan Tiyago

Sino kaya siya?

Si Tiya Isabel ay pinsang babae ni Kapitan Si Tiya Isabel


Tiyago. Siya rin ang tagapangasiwa sa
handaan.

Sino naman ito?

Si Padre Sibyla ay Padreng Dominiko na Si Padre Sibyla


pormal at maingat sa pananalita.

Susunod, Sino siya?

Si Padre Damaso
Tama,Si Padre Damaso ay isang
matandang pare Pransiskano na masalita at
mabilis kumilos.
Sino naman kaya siya? Si Tinyente Guevarra

Mahusay, Si Tiyente Guevarra ang


tinyente ng mga gwardiya sibil.

Sino kaya ang mga ito?


Si Don Tiburcio De Espadanya at Si Donya
Victorina
Magaling, Sila ang mag-asawang huling
dumating sa piging.

Nakikilala nyo na ba ang mga tauhan sa


Kabanata I? Opo, nakikilala na namin.

Ngayon, narito ang isang video clip na


nagsasalaysay sa pangyayari sa unang
kabanata. ( Magpapakita isang video clip ang guro)

Ngayon upang mas lalo pa nating


maunawaan ang inyong napanood
magkakaroon tayo ng isang Pangkatang
Gawain.
Hahatiin ko sa apat na pangkat ang buong
klase. Sa bawat pangkat ay mayroong
maatas na Gawain. Mayroon akong
ibibigay na puzzle at bubuuin ito upang
malaman kung ano ang inyong gagawin.

Pangkatang Gawain

UNANG PANGKAT (Masipag)


Sa pamamagitan ng Tableau, ipakita ang
unang pangyayari sa Pagtition. Ipaliwanag.

IKALAWANG PANGKAT
(Matulungin)
Maghanda ng isang dula na nagpapakita sa
pagpapakilala ni
Padre Damaso sa mga Indio. Ipaliwanag.

IKATLONG PANGKAT (Mapagparaya)


Umisip ng isang kanta na may kaugnayan sa
pinapahayag sa kwento ng Noli Me Tangere.

IKAAPAT NA PANGKAT (Matapang)


Gumawa ng isang islogan na makukuhang
aral sa Unang Kabanata.

Paraan ng pagmamarka sa gagawing


aktibidad
Kraytirya: Malinaw at hindi lumalayo sa
paksang tatalakayin.

10 puntos- maayos at malinaw na


naitanghal ang mga kaisipan at ideya sa
harap ng klase. Nauunawaan ng lubos. 8
puntos- maayos na naitanghal ngunit may
ilang detalyeng hindi malinaw.
6 puntos- maayos na naitanghal ngunit
may ilang detalyeng hindi inilahad at hindi
gaanong malinaw.
4 puntos- nakapagtanghal subalit kulang
ang detalyeng inilahad at hindi malinaw. 2
puntos- nakapagtanghal subalit maraming
detalye ang kulang at hindi malinaw na
nailahad.

F. Sintesis
Sa kabuuan ano ang nais na ipabatid ang
nabuong larawan?

Ito po ay ang pagtitipon na hinihanda ni


Kapitan Tiago. At ito po ay ang pagtanggap
ng mga panauhin.
Magaling! Ito ay ang pagtitipon na
inihanda ni Kapitan Tiago. At sa
pamamagitan ng larawan na ito. Ito ay may
kaugnayan sa ating pagkaPilipino. Ito ay
ang pagtanggap ng mga panauhin.
Kilala tayo sa pagiging magaling sa
pakikitungo.

Pagpapalalim
Kung Ikaw si Kapitan Tiago tutulungan
mo ba lahat ng mga taong lumalapit sayo?
Opo, dahil gusto ko pong tumulong sa mga
Magaling! Tayo ay tumulong sa kapwa at nangangailangan.
higit sa lahat kapag tayo ay tumutulong
nararapat na ito ay taus sa ating puso.

Sa iyong palagay, bakit nasasabi nilang


mangmang ang mga indio?

Magaling! Dahil ang iba ay hindi na


nakapag-aaral dahil sa kahirapan Ngunit
hindi dahil hindi sila nakapag-aral ay dapat Siguro po dahil hindi sila nakapag-aral.
na natin silang apak-apakan.

Papalawig
Sa panahon ngayon, nangyayari pa ba ang
bonggahang paghahanda tuwing pista o
anumang selebrasyon?

Opo! Dahil ang iba ay ito na ang kanilang


nakagawian.

IV. Maikling Pagsusulit


Panuto: Sagutin ang isang katanungan sa pamamagitan ng sanaysay. Gumawa ng lima
hanggang sampung pangungusap.
Paano mo ilalarawan ang mga kaugaliang Pilipino sa mga Pagtitipon batay sa binasang
teksto? Ihambing ang iyong sariling karanasan sa pagdalo ng mga handaan sa
kasalukuyang panahon, ganoon din ba ang puspusang paghahanda ng mga Pilipino
ngayon?

V. Takdang Aralin

Pumili ng isang tauhan sa Kabanata I na nagpapakita ng inyong kaugalian at ipaliwanag.

You might also like