You are on page 1of 17

Detailed Lesson Plan in Filipino 9

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan Timog-Kanluran Asya.

B. Pamantayang sa Pagganap
Ang mag-aaral ay inaasahang makapagsasagawa ng panghihikayat tungkol sa pagbasa
ng ibat ibang akdang Timog-Kanluran Asya.

C. Pamantayang sa Pagkatuto
 Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring
maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan. (F9PB-IIIa-50)

 Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin.


(F9WG-IIIb-C-53)

D. Layunin sa Pagkatuto
 Naibibigay ang mga pangunahing tauhan sa parabulang “Ang
Alibughang Anak.”
 Natutukoy ang pang-uri na ginamit sa pangungusap.
 Nabibigyang halaga ang aral na matutunan sa parabulang “Ang Alibughang
Anak.”

II. NILALAMAN
Paksa: Pagbasa: Ang Alibughang Anak

Wika o Gramatika: Uri ng Pang-Uri

III. KAGAMITANG PANTURO

a. Sangunian: Internet, PLUMA 9 –Phoenix Publishing House INC.


King Crown Beard - Free vector graphic on Pixabay, Prince clipart. Free download
transparent .PNG | Creazilla, Vector Illustration Of Young Prince Cartoon Royalty
Free SVG, Cliparts, Vectors, And Stock Illustration. Image 77914843.
(123rf.com)

b. Kagamitang Panturo: Power Point at Visual Aids

c. Karagdagang Sangunian sa pagkatuto sa DEPED LR Portal: MELC, Currivulum


Guide.

IV. PAMAMARAAN:
GURO MAG-AARAL
A. BALIK-ARAL SA NAKARAANG
ARALIN AT/O PAGSISIMULA
ARALIN

Magandang umaga sa inyong lahat.


Magandang Umaga din po Bb.
Sisimulan ang talakayan sa isang mataimtim na
pagdadasal na pamumunuan ni Jem.
(Magdadasal)
(Tatawagin ng guro ang pinuno ng klase upang
malaman kung sino ang lumiban sa klase.) Mika
may lumiban ba sa klase ngayong araw?

Mabuti kung ganon sapagkat ang ating aralin Wala po ma’am!


ngayon ay siguradong malulugdan ninyo.

Bago tumungo sa bagong talakayan magbabalik-


aral muna tayo tungkol sa mga aralin na pinag-
usapan natin kahapon.

Ano ang aralin na pinag-usapan natin kahapon?

Magaling! Ano ang ibig sabihin ng Alamat?

Tama! Ang alamat ay tumutukoy sa pinagmulan Alamat po ma’am.


ng mga bagay-bagay na maaaring kapulutan ng aral.
Pinagmulan po ng mga bagay-bagay.
May mga katanungan pu ba sa paksang tinalakay
natin kahapon?

Kung gayon atin nang simulan ang talakayan sa


araw na ito pero bago iyon ibibigay ko muna ang
ilang paalala para sa pagdaloy ng talakayan.
Wala na po ma’am.
Una, makinig ng mabuti sa talakayan.

Pangalawa, maging aktibo sa talakayan, hintayin na


tawagin ang iyong pangalan bago magsalita.

Pangatlo, Ihanda ang mga kagamitan para sa ating


talakayan.

Maliwanag po ba?

May nais pa ba kayong liwanagin?

Kung gayon atin nang talakayin at pag-

Opo.

Wala na po
aralan ang akdang nagmula sa mayamang kultura ng
isa sa mga bans ana matatagpuan sa Timog
Kanluran Asya.
B. PAGHAHABI NG LAYUNIN
Sa pagtalakay ng paksa, inaasahang makakamit
natin ang mga sumusunod na kasanayan;

 Napatutunayang ang mga


pangyayari sa binasang parabula ay
maaaring maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan. (F9PB-IIIa-50)
a. Naibibigay ang mga pangunahing tauhan sa
kwentong “Ang Alibughang Anak.”
b. Nabibigyang halaga ang aral na matutunan sa
kwento.

 Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na


nagpapasidhi ng damdamin. (F9WG-IIIb-C-
53)
a. Natutukoy ang pang-uri na ginamit sa
pangungusap.

Lahat ng mga iyan ay kailangan natin makamit sa


pagtatapos ng talakayan.

Handa na ba kayo?

Kung ganon tayo na’t magsimula. Opo!

C. PAG-UUGNAY NG MGA
HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN

Kahapon may pinadala ako sa inyo na larawan ng


inyong ama. Tama ba?
Opo.
Kunin ito at tatawag ako ng ilang mga mag- aaral na
maglalahad ng ilang paglalarawan sa kanilang ama.
Ilahad kung ano ang kanyang pangalan? Ano ang
kanyang trabaho? At bakit mo siya iniidolo?

(Pipili ng 3 representante ang guro upang


maglahad ng kanilang kwento tungkol sa kanilang
ama.)
Unang Mag-aaral: Ang pangalan ng aking
tatay ay Rodrigo. Hindi po siya ang pangulo
ng pilipinas, kapangalan niya lamang po ito.
Ang trabaho niya nagtitinda ng manok sa
palengke. Iniidolo ko siya dahil hindi
niya kami
pinapabayaan, lahat ng mga
pangangailangan naming sa araw-araw ay
binibigay niya. Hindi niya din nakakalimutan
ang mga mahahalagang okasyon sa aming
pamilya kahit madami siyang iniisip at
ginagawa, iyon ang hinahangaan ko sa kaniya.

Maraming salamat sa iyong binahagi. Masaya ako


na pinaaalagahan mo ang trabaho at sakripisyo ng
iyong ama. Susunod na magbabahagi.
Ikalawang Mag-aaral: Magandang umaga po.
Ang pangalan po ng aking papa ay Nelson
siya po ay isang mananahi. Mayroon po
kaming maliit na shop sa aming bahay nakung
saan doon po pumupunta ang kaniyang mga
kostumer. Hinahangaan kopo siya dahil
kahit hirap na hirap napo siya sa kakapasok
ng sinulid sa karayom pinipilit niya padin
pong magtrabaho para may makain po kami
sa pang-araw-araw. Lagi niya po kaming
pinagsasabihan na pagbutihin ang aming pag-
aaral dahil ito lamang ang mapapamana niya
sa amin.

Napakagandang kwento naman ang iyong binahagi.


Marahil maraming naantig sa kwento ng iyong
buhay patungkol sa iyong tatay. Iyon din ang
pangarap ko sa inyo lahat pagbutihin ang pag-aaral
upang makatulong at masuklihan ang sakripisyo ng
inyong mga magulang.
Maraming salamat, ngayon dumako na tayo sa
panghuli magbabahagi. Magandang umaga po, Ipinagmamalaki ko
pong ibahagi sa inyo ang aking tatay. Ang
pangalan po niya ay Nestor isa po siyang
construction worker. Mahal na mahal kopo
ang aking tatay dahil alam kopo mahirap
ang kaniyang ginagawa. Kahit sa sobrang
init po ng panahon pinipilit po niyang
magtrabaho para sa aming pamilya.
Ginagawa niya ang lahat para makapag-aral
kaming limang magkakapatid. Kahit na
mahirap di mo makikita sa kaniyang mukha
ang hirap lagi po siyang nakangiti at
pinapalakas ang aming loob. Kahit mahirap
po ang buhay masaya po ako dahil
magkakasama po kaming buong pamilya.

Magaling! Maraming salamat din.


Napakasarap pakinggan ang iyong mga kwento.
Masaya ako na ipinagmamalaki niyo ang mga
tatay/papa/daddy o kahit anupang tawag niyo sa
inyong ama. Mas masaya sana kung naririnig ng
inyong tatay ang lahat ng inyong sinabi. Kaya ang
habilin ko sa inyo kahit pinapagalitan kayo ng
inyong mga magulang sana huwag kayong magtanim
ng sama ng loob dahil lahat ng mga ginagawa nila
ay para inyong ikakabuti. Maliwanag?

Kumuha ng pandikit dito sa harap at ilagay Ninyo


lahat ang mga larawan ng inyong ama sa pisara. Opo!
Upang magkaroon kayo ng inspirasyon para
makinig.

(Pupunta sa harapan at ididikit ang mga


larawan ng kani-kanilang ama.)

D. PAGTALAKAY NG BAGONG
KONSEPTO AT PAGLALAHAD
NG BAGONG KASANAYAN #1

Ngayon ano nga ba ang kaugnayan ng ginawa natin


kanina sa ating paksa ngayong araw.

Handa na ba makinig ang lahat? Kung

ganon tayo na’t magsimula. Opo!

Pamilyar ba kayo sa larong “Squid Game”?

Magaling kung ganon dahil maglalaro tayo ng Opo!


ganoon habang tayo ay nag-aaral.
Sa laro natin mayroon dalawang bahagi. Kailangan
niyong makatungtong sa ikalawang bahagi para
manalo kayo sa ating gawain ngayong araw.

Para sa unang bahagi, Hahatiin ko kayo sa apat na


grupo bawat tanong na ibabato ko sa inyo kailangan
niyong sagutin ng tama sa loob ng sampung segundo.
Kapag tama ang inyong sagot makakakuha kayo ng
isang puntos. Kung sino ang makakakuha ng
pinakamaraming puntos sila ang mananalo para sa
unang bahagi.

(Ihahati sa apat na pangkat ang mga mag-


Ngayon handa na bang matuto at
aaral.)
maglaro? Opo.

Magaling! Humanda ang bawat grupo at makinig


sa akin. Ang paksa natin ngayong araw ay isang
parabula na pinamagatang “Ang Alibughang Anak”.

Alam niyo ba kung ano ang ibig sabihin ng


parabula?

Unang tanong saan hinahango ang mga kwentong


parabula? (Magbibilang ng sampung segundo)

Unang pangkat- walang sagot


Ikalawang pangkat- walang sagot
Ikatlong pangkat- bibliya
Aba, nagbasa ang mga ikatlong pangkat. Magaling Ika apat na pangkat- walang sagot
ang tamang sagot ay bibliya.
Dahil ang mga parabula ay mga kwento na nagmula
sa bibliya. Ang ibabahagi ko na sa inyo ay ang
akdang “Ang Alibughang Anak” na makikita sa
Lucas 15:11-32.

Bago ko ilahad sa inyo ang kwento, talakayin muna


natin kung sinu-sinu nga ba ang mga pangunahing
tauhan sa kwento.

Meron tayong tatlong pangunahing tauhan sa


kwento.

Una ay ang ama-


siya ay isang mayaman na tao. Marami siyang ari-
arian kaya’t hinahangaan siya ng mga tao sa kanilang
nayon.

Ikalawa ay ang panganay na anak- Siya ay


isang masunurin na anak ngunit siya ay
naiinggit sa kanyang bunsong kapatid.

At ang huli ay ang bunsong anak- Siya


ay isang batang suwail ngunit ng siya ay
matauhan ay nagbalik sa kanyang ama at
nagpakumbaba.

Upang maalis ang ating mga haka-haka tungkol sa


ugali ng bawat tauhan dumako na tayo sa ating
kwento.
Ang Alibughang Anak
Parabula
(Isasalaysay ng guro ang kwento gamit ang
estratehiya tanong-sagot) (Larong Squid Game)

Sinimulan ang kwento sa pagpapakilala ng isang


ama na ubod ng yaman na may dalawang anak na
lalaki.

Ikalawang katanungan sino ang nagsabi na kukunin


niya na kaniyang mana o hati sa kaniyang ama?
(Magbibilang ng sampung segundo)
Unang pangkat- bunso Ikalawang
pangkat- panganay Ikatlong pangkat-
bunso
Ika apat na pangkat- bunso
Magaling, ang bunso ang nagsabi na kukunin niya
na ang mana o hati sa kaniyang ama. Dahil gusto na
niyang umalis. Kung kaya’t makalipas ang ilang
araw pinagbili niya ang kaniyang mga mana na
kinuha at siya ay umalis at nagtungo sa malayong
lugar. Doon niya ginastos ang kaniyang kayamanan
hanggang dumating na siya ay naghirap.

Namasukan siya sa isang mayamang lalaki.


Mayroon siyang inaalagaang hayop.

Ikatlong tanong anong hayop ang inalagaan niya


sa isang mayamang tao? (Magbibilang ng
sampung segundo)

Unang pangkat- manok Ikalawang


pangkat- kambing Ikatlong pangkat-
Iba-iba ang inyong sagot ang tamang sagot ay baboy. tupa
Sa kaniyang pagtatrabaho dito hindi sapat ang Ika apat na pangkat- baboy
kaniyang pagkain kung kaya napag-isip-isip niya
ang kaniyang ginawa. Nasabi niya sa kaniyang sarli
na buti pa ang mga alila ng kaniyang ama ay sapat
ang kanilang pagkain samantalang ako ay
namamatay na sa gutom.

Naisapan niyang bumalik sa kaniyang ama at


sasabihin na siya ay nagkasala sa Diyos at sa kanya.
Hindi na siya karapat-dapat tawagin anak, ang nais
na lamang niya ay
maging isang alila nito. At iyon nga ang kaniyang
ginawa. Bumalik siya sa kanila.

Malayo palang natanawan na siya ng kaniyang


ama, tumakbo ito papunta sa kaniya, niyakap at
hinagkan. Sinabi ng bunsong anak ang gusto
niyang sabihin ngunit tinawag ng kaniyang ama
ang isa niyang alila. May pinakuha ito sa kanila
upang suotin ng bunso niyang anak.

Ika-apat na tanong ano ang dalawang bagay na


pinakuha ng ama sa isang alila? (Magbibilang ng
sampung segundo) Unang pangkat- damit
Ikalawang pangkat- kupya at damit
Ikatlong pangkat- sing-sing at tsinelas Ika
apat na pangkat- tsinela at damit
Ang tamang sagot ay sing sing at tsinelas.
Magaling ikatlong pangkat. Sing sing nga at tsinelas
ang pinakuha ng ama. Pinakuha niya din ang guya
at pinapatay upang kumain at magsaya sapagkat
bumalik ang kaniyang bunsong anak. Nasa bukid
noon ang kaniyang panganay na anak. Pagkauwi nito
narinig niya ang tugtugin at sayawan sa kanilang
tirahan. Tinawag niya ang isang alila at nagtanong.
Nalaman niya ang dahilan. Hindi lumabas ng
bahay ang panganay na anak hanggang sa may
pumasok sa bahay.

Ikalimang tanong, Sino ang pumasok sa bahay


upang tingnan ang panganay na lalaki?
(Magbibilang ng sampung segundo)

Unang pangkat- bunso


Ikalawang pangkat- ama
Ikatlong pangkat- ama Ika
Ang tamang sagot ay ama, ang ama niya ang apat na pangkat- ama
pumasok sa tirahan. Nagalit ang panganay na anak
niya dahil nainggit siya sa kadahilanang siya ay
hindi ginawan ng masama, hindi iniwan at
pinaglingkuran niya ito sa maraming panahon ngunit
ni minsan hindi niya ito binigyan ng kahit isang
biserong kambing subalit ang kanyang bunsong
kapatid ay gumawa ng masama ngunit ipinagpatay
pa ito ng isang guya. Ang sagot ng ama ay lagi
niya siyang kapiling, lahat ng ari-arian niya ay sa
kaniya na kaya dapat tayong magsaya sapagkat
ang iyong kapatid ay namatay at muling nabuhay.
Doon nagtatapos ang kwento.

Kung mapapansin niyo parang bitin ang kwento.


Dahil hindi natin alam kung ano ang ginawa ng
panganay na anak nito. Pero hindi yon ang
pinakapunto. Ang nais ipahayag dito ay ang huling
sinabi ng kaniyang ama na “ang iyong kapatid
ay namatay at muling nabuhay”
nangangahulugan na lahat ng tao ay may masamang
ginagawa walang perpektong tao ngunit ang
mahalaga doon tayo natuto. Marahil sa umpisa
nakakainis ang bunsong anak pero ang mahalaga
nagbago ito at muling nabuhay o muling bumalik,
nagpakumbaba at humingi ng tawad sa kaniyang ama
sa lahat ng kaniyang ginawa.

Ano ang aral na natutunan niyo sa kwento?


Huwag padalos dalos sa desisyon.
Magaling, kasi kung mapapansin niyo ang bunsong
anak ay padalos dalos sa kaniyang pag-iisip kung
kaya’t sa huli ay nagsisi ito. Ano pa bukod doon?

Tama, kailangan mahalin natin ang ating mga Mahalin ang mga magulang.
magulang. Huwag natin silang iiwanan dahil tayo
ang kanilang sandigan upang maging masaya ang
kanilang buhay. Mayroon pa ba?

Mahusay, Sino dito ang naiinggit sa kaniyang Huwag mainggit lalong lalo na sa
kapatid. Nararapat lamang na hindi tayo mainggit sa kapatid.
ating kapatid. Bukod sa magulang kailangan mahalin
niyo din ang inyong mga kapatid dahil kayo ang
magdadamayan sa hirap at ginhawa kapag nawala
na ang inyong mga magulang. Ilan lamang yan sa
mga aral na matutunan natin sa kwentong ating
tinalakay.

Naunawaan ba ang kwento? May

mga katanungan pa ba?

Opo.

Wala napo.

E. PAGTALAKAY NG BAGONG
KONSEPTO AT PAGLALAHAD
NG BAGONG KASANAYAN #2
Kung gayon dumako na tayo sa susunod na paksa,
Ang Wika o Gramatika.

Para sa Ika-anim na tanong. Ano ang tawag sa bahagi


ng pananalita ang tumutukoy sa paglalarawan ng
pangngalan o panghalip. (Magbibilang ng sampung
segundo)
Unang pangkat- pang-uri
Ikalawang pangkat- pang-uri
Ikatlong pangkat- pang-uri Ika
apat na pangkat- pang-uri
Magaling! Ang tamang sagot ay pang-uri Ang
Pang-uri o Adjective sa wikang ingles ay
naglalarawan na salita nakung saan ang tinutukoy o
inilalarawan niya ay pangngalan o panghalip.

Mayroon tayong dalawang Uri ng Pang-uri;

Uri ng Pang-uri

1. Panlarawan- Ang panlarawan ay


tumutukoy sa kulay, hugis, anyo, tekstura,
amoy, ugali at iba pa ng pangngalan o
panghalip.

Halimbawa:
Mabait ang aking ama.- Panlarawan

Panlarawan dahil ang pang-uri natin dyan ay mabait


ang salitang mabait ay ugali kaya ito ay
PANLARAWAN

Nagpakumbaba ang bunsong anak. -


Panlarawan

Panlarawan dahil ang pang-uri natin dyan ay


nagpakumbaba ang salitang nagpakumbaba ay
katangian kaya ito ay PANLARAWAN

Naunawaan po ba?
Opo.
2. Pamilang- Ang pamilang ay tumutukoy sa
bilang o dami ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa:
Dalawa ang anak ng ama sa kwento.
- Pamilang
Ang pang-uri natin dyan ay dalawa. Ang dalawa
ay dami kaya ito ay PAMILANG.

Kalahati ng kayamanan ng ama ang

ibinigay niya sa bunsong anak.


- Pamilang

Ang pang-uri natin diyan ay kalahati. Ang salitang


kalahati ay dami o bilang kung kaya tang sagot ay
pamilang.

Maliwanag po ba?
Opo ma’am.
Tingnan natin kung naiintindihan ninyo ang wika o
gramatika. Tukuyin kung pamilang o panlarawan.

1. Isang biserong guya ang pinapatay ng


ama para sa kaniyang bunsong anak.
(Magbibilang ng sampung segundo)

Unang pangkat- Pamilang


Ikalawang pangkat- Pamilang
Magaling ang tamang sagot ay PAMILANG. Dahil Ikatlong pangkat- Pamilang Ika
ang pang-uri natin diyan ay isang biserong, bilang o apat na pangkat- Pamilang
dami yan kaya ito ay PAMILANG.

Susunod,
2. Malakas ang loob ng bunsong anak.
(Magbibilang ng sampung segundo)

Unang pangkat- Panlarawan Ikalawang


Napakahusay ang tamang sagot ay Panlarawan. pangkat- Panlarawan Ikatlong
Dahil ang pang-uri natin ay malakas ang salitang pangkat- Panlarawan Ika apat na
malakas ay naglalarawan kaya ito ay pangkat- Panlarawan
PANLARAWAN.

3. Matapat ang panganay na anak sa


kaniyang ama. (Magbibilang ng sampung
segundo)

Unang pangkat- Panlarawan Ikalawang


pangkat- Panlarawan Ikatlong
Mahusay ang tamang sagot ay Panlarawan. pangkat- Panlarawan Ika apat na
pangkat- Panlarawan
Dahil ang pang-uri natin dyan ay matapat ang
salitang matapat ay ugali kaya ito ay
PANLARAWAN. At ang panghuling tanong sa
unang bahagi ng Gawain ay;

4. Mayaman ang mag-ama sa kwento.


(Magbibilang ng sampung segundo)

Unang pangkat- Panlarawan Ikalawang


pangkat- Panlarawan Ikatlong
pangkat- Panlarawan Ika apat na
Tumpak, ang tamang sagot ay panlarawan dahil ang pangkat- Panlarawan
ginamit na pang-uri ay mayaman ang salitang
mayaman ay naglalarawan kaya ito ay
PANLARAWAN.

Ngayon tingnan natin kung sino ang nanalo para sa


ating unang bahagi ng Gawain.
Unang pangkat- 6 puntos
Ikalawang pangkat- 6 puntos
Ikatlong pangkat- 9 puntos Ika
apat na pangkat- 8 puntos
Ang panalo ay ang ikatlong pangkat at sila ang
maglalaban-laban sa susunod na bahagi. Ang mga
natalo sila ay hindi na kasali sa susunod na
bahagi. Ngunit kailangan padin makinig mabuti para
sa ating pagsusulit mamaya.

F. PAGLINANG SA KABIHASNAN

Upang malaman kung naiintindihan ang mga


tinalakay kanina. Para sa ikalawang bahagi
maghanda na.
Tukuyin ninyo ang mga pang-uri na ginamit sa
pangungusap at isulat din kung anong uri ng pang-uri
ito. Ngunit kailangan niyo muna sagutin ang
matematika na ipapakita ko. Tatlo ang kailangan
kong makita na sagot sa inyong papel. Kapag mali
ang inyong sagot hindi na kayo kasama sa laro.

Halimbawa:
(2+3+4) Maganda ang kwento kanina.

Sagot:
9 – Maganda- Panlarawan

Maliwanag? Miyembro ng ikatlong pangkat: Opo!


Simulan na natin.
(2+7+9=?) 1. Dalawang daang piso ang preso
ng baboy.
(Magbibilang ng sampung segundo)
Unang Mag-aaral: 17- Dalawang daan-
pamilang
Ikalawang Mag-aaral: 18- Dalawang
daan-pamilang
Ikatlong Mag-aaral: 18- Dalawang daan-
pamilang
Ika apat na Mag-aaral: 18- Dalawang daan-
pamilang
Ikalimang Mag-aaral: 18- Dalawang
daan-pamilang
Ika anim na Mag-aaral: 18- Dalawang daan-
pamilang
Ika pitong Mag-aaral: 18- Dalawang
Mali ang unang mag-aaral, hindi na siya kasali sa daan-pamilang
susunod na bilang.

(7+16-9=?) 2. Malaki ang puno ng manga.


(Magbibilang ng
sampung segundo)
Ikalawang Mag-aaral: 14- malaki-
panlarawan
Ikatlong Mag-aaral: 14- malaki-
panlarawan
Ika apat na Mag-aaral: 14- malaki-
panlarawan
Ikalimang Mag-aaral: 14- malaki-
panlarawan
Ika anim na Mag-aaral: 14- malaki-
panlarawan
Ika pitong Mag-aaral: 14- malaki-
panlarawan
Wala nagkamali punta tayo sa susunod na bilang.

(2+4+6+2=?) 3. Maliwanag ang sikat ng araw


ngayon. (Magbibilang
ng sampung segundo)

Ikalawang Mag-aaral: 14- maliwanag-


panlarawan
Ikatlong Mag-aaral: 14- maliwanag-
panlarawan
Ika apat na Mag-aaral: 14- maliwanag-
panlarawan
Ikalimang Mag-aaral: 14- maliwanag-
panlarawan
Ika anim na Mag-aaral: 14- maliwanag-
panlarawan
Ika pitong Mag-aaral: 14- maliwanag-
panlarawan
Magaling walang nagkakamali, pahirapan natin ng
konti sa susunod na bilang.

(7x6-40=?) 4. Walo ang takdang aralin ni Mia.


(Magbibilang ng
sampung segundo)
Ikalawang Mag-aaral: 4- walo -pamilang
Ikatlong Mag-aaral: 6- walo -pamilang Ika apat
na Mag-aaral: 2- walo -pamilang Ikalimang
Mag-aaral: 2- walo -pamilang Ika anim na
Mag-aaral: 6- walo -pamilang Ika pitong Mag-
aaral: 2- walo –pamilang
Iba’t iba ang inyong sagot sa matematika. Ang
tamang sagot ay 2-walo-pamilang. Hindi na kasali
ang ikalawang mag-aaral, ikatlong mag-aaral at
ika-anim na mag- aaral. Tatlo na lang natitira sino
kaya ang mananalo.

(4x9-12=?) 5. Dalawa ang guro nila sa Filipino.


(Magbibilang ng
sampung segundo)
Ika-apat na Mag-aaral: 24- dalawa -
pamilang
Ikalimang Mag-aaral: 14- dalawa -
pamilang
Magkakaiba ulit sila na sagot sa matematika. Ngunit Ika-pitong Mag-aaral: 4- dalawa -
ang tamang sagot ay 24-dalawa-pamilang. Ang pamilang
panalo para sa ating squid game ay si ika-apat na
mag- aaral. Palakpakan natin siya. Siya din ay
makakatanggap ng 20 puntos para sa performace
task.

(Papalakpak ang mga mag-aaral)

G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA
PANG- ARAW-ARAW NA BUHAY

Mayroon kayo makikita na puso at sad na larawan


sa ilalim ng inyong upuan, kunin ang mga ito. Gusto
ko lang makita kung ano ang mararamdaman niyo sa
mga sitwasyon na ibabagi ko sa inyo. Itaas ang puso

kung kayo ay sumasang-ayon at malungkot

na mukha naman kapag hindi.

1. Kailangan ang buong pamilya ay sama-


samang kumakain sa hapag
kainan? Puso o malungkot na mukha? Pipili
ang guro ng isa magbabahagi ng kaniyang
sagot.

puso- sumasang-ayon ako na kailangan


laging sabay-sabay kumakain sa hapag kainan
ang buong pamilya. Dahil ito lamang ang oras
para magkwentuhan ng mga bagay-bagay na
nangyayari sa pang-araw-araw.
Sumasang-ayon ako doon. Marahil ang ilan sa inyo
na sumagot ng sad dahil hindi ito nangyayari sa
kanilang bahay o madalang lamang. Ngunit
mahalaga ito upang sa ganoon magkaroon kayo ng
oras upang malaman ang mga nangyayari sa
inyong buhay.

2. Mahalaga ba na balikan natin kung saan


tayo nanggaling kahit na tayo ay
nakakaangat na?

puso- para sa akin mahalaga na bumalik


tayo at tumulong tayo sa mga taong nagbigay
sa atin ng inspirasyon kung nasaan tayo ngayon.
Napaka gandang kasagutan. Tama nga naman may
kasabihan nga tayo ang hindi lumingon sa
pinanggalingan hindi makakarating sa paroroonan.
Kaya’t wag magmataas kahit kayo ay nakakaangat
na kailangan pa din nakatuntong ang inyong mga
paa sa lupa.

3. Tama ba na matuto tayong magpakumbaba


kapag tayo ay may nagawang hindi mabuti?

puso- para sa akin opo wala naman pong


masama sa paghingi ng paumanhin sa mga taong
nagawan nating hindi mabuti. Ang masama ay
alam na nating tayo ang mali ngunit hindi pa
natin tinatanggap ang pagkakamaling ito.
Maraming salamat sa iyong opinyon, marahil
nangyari na sa iyo ang sitwasyong ito. Tama nga
naman, ang panginoon nga pinatawad niya tayo
kahit ilang beses na natin siyang pinagkalulo.
kaya’t kailangan buksan natin ang ating isipan at
puso na magpatawad sa mga taong nagagawan
natin ng kasalanan. Ayon nga sa aralin sa
Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP), Ang
pagpapatawad ay isang ugali na kailangan taglayin
ng bawat isa dahil ito’y makakapagbigay sa atin ng
mapayapang kaisipan sa pang-araw-araw nating
buhay.
H. PAGLALAHAT NG ARALIN

Bilang paglalahat ng ating aralin. Ano ulit ang


ibig sabihin ng parabula?
Ang parabula ay isang kwento na nagmula
o hinango sa mga kwento sa bibliya.

Magaling, kayo nga ay nakinig ng mabuti. Lagi


niyong tatandahan lahat ng kwento ay may mga aral
na matutunan kung kaya’t kailangan niyo
itong alalahanin upang
magamit niyo ito sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Ano nga ba ang tinalakay natin na wika o


gramatika? Tungkol sa uri ng pang-uri.

Mahusay, tandaan ninyo ang panlarawan at


pamilang ay mga uri ng pang-uri na kung saan
tumutukoy ito sa paglalarawan ng mga bagay-
bagay. Mahalaga ang mga ito upang maging
maliwanag ang paglalarawan sa salita o pahayag.

Wala na bang tanong?


Wala napo
Ngayon dumako na tayo sa pagsusulit.

I. PAGTATAYA NG ARALIN
Batid ko na kayo ay nakinig ng mabuti kumuha ng
isang buong papel at sagutin ang mga sumusunod;

(Gagamitin ang 3-2-1 na estratehiya.)

3- Maglahad ng tatlong pangyayari sa kwento na


nangyayari sa totoong buhay.

2- Gumawa ng dalawang pangungusap gamit ang


pang-uri upang maipahayag ang iyong masidhing
damdamin ukol sa tinalakay.

1-Magbigay ng isang aral na inyong natutunan sa


akdang tinalakay.
J. KARAGDAGANG GAWAIN PARA
SA TAKDANG-ARALIN

Para sa karagdagang gawain. Sagutin ang tanong.

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon paano mo


bibigyan ng wakas ang parabulang tinalakay?

Para sa inyong gawain maaari kang pumili ng


isang paraan kung paano mo ito nais gawin.
1. Pagbigkas- Maaari mong bigkasin ang iyong
ginawang wakas gamit ang video recorder or
voice record at isumite sa aking messenger
account.
2. Pagguhit- Maaari mo naman iguhit ang
iyong ginawang wakas sa isang malinis na
bondpaper o papel.
3. Pagsulat- Maaaring mo naman isulat ang
iyong ginawang wakas sa isang malinis na
papel o bond paper.

Sa paggawa ng wakas ng parabula siguraduhin na


magagamit ang mga pang- uri.

Kung saan kayo komportable at kung ano ang nais


ninyo kayo na ang pumili upang magawa ng
maayos ang inyong mga gawain.

You might also like