You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XI
Sangay ng Davao del Norte
NEW CORELLA NATIONAL HIGH SCHOOL
New Corella, Davao del Norte

Banghay Aralin sa Filipino 9


Abril 18, 2023
Kasanayang Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at bayani ng Kanlurang
Pampagkatuto Asya F9PS-IIIg-h-56

I. Layunin Pagkatapos ng isang oras na talakayan, 85% sa mga mag-aaral ay inaasahang;

Kaalaman: Natutukoy ang mga salitang naglalarawan na ginamit sa kuwento;


Apektib: Napahahalagahan ang gamit ng pang-uri sa paglalarawan ng isang tao,
hayop, bagay, lugar, at pangyayari; at
Saykomotor: Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at bayani
ng Kanlurang Asya

Paksa: Pang-uri bilang mga salitang naglalarawan sa kulturang Asyano at Bayani ng


II. Nilalaman Kanulurang Asya
Kagamitan: Laptop, downloaded videos, at powerpoint presentation
Sanggunian: SLK sa Filipino 9; Modyul 8, ikatlong Markahan

III.
Pamamaraan

Panimulang a. Panalangin
Gawain b. Pagbati
10 minuto c. Pagtala ng lumiban
d. Pagbibigay ng mga alituntunin bago ang talakayan

> Guro: “Mangyaring ipaalala ko sa inyo ang ating alituntunin sa loob ng ating silid-aralan:

1. Kung may mga katanungan, huwag mag atubiling magtanong. Itaas lamang ang
inyong kamay.
2. Kung may nagsasalita, tulad ng pagbabahagi ng kanilang ideya, kailangang
makinig - iyan ay respeto.
3. Huwag mang-bully sa inyong kaklase dahil lang siya ay naiiba sa inyo. Palaging
tandaan na intindihin natin ang bawat isa.
4. Bawat ideya na mayroon tayo ay mahalaga kaya huwag mag-atubiling ibahagi ito
sa klase.
5. Hangga’t maaari, gamitin natin ang wikang Filipino sa pagsagot sa ating
talakayan.
> Guro: “Nagkakaintindihan ba tayo class?
Anotasyon:
KRA 2: Learning Environment
Objective 5: Managed learner behavior constructively by applying positive and
non-violent discipline to ensure learning-focused environments. (PPST 2.6.2)
-Sa bahaging ito ang guro ay naghihikayat sa mga mag-aaral na maging aktibo sa
talakayan at nagpapaalala na igalang ang guro at kapwa mag-aaral.
e. Paglalahad ng mga layunin

Panlinang na
Gawain

Pagbabalik-aral *Paglalahad ng mg tanong:

5 minuto 1. Ano ang pamagat ng epiko na napanood kahapon?

2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

3. Ilarawan ang tagpuan ng Ramat at Sita.

4. Ilahad ang simula, gitna, at wakas ng epiko.

Gawain 1. Numero ay kwentahin, salita’y tuklasin.


a. Pagganyak
*Papangkatin ng guro ang klase sa lima.
5 minuto
Diskripsyon ng Gawain: Sa loob ng 5 minuto, bubuohin ng bawat pangkat ang salita sa
pamamagitan ng pagkwenta ng mga numero at pag-intindi sa mga larawang ibibigay ng
guro na nakasulat sa Bondpaper. Ang unang makakasagot ang siyang panalo.

Pangkat una

4x4=__ 1 ng

Pangkat dalawa

1000÷50=___ 64÷4=_ 4x4


_
Pangkat tatlo

10+7-4= a 12x12÷12= 11x11÷11= 14

Pangkat Apat

10+7-4= 3x3=_ 14x14÷14= 4+4 i 196÷14=_


_ __

Pangkat Lima

169÷13= 11x11÷11= 441÷21=


P 21x3=

196÷14=_ 23 a 9x2=_ 3x3=_


__
*Sagot

Matapang
Tapat
Malakas
Mahinhin
Mapagkunwari

Anotasyon:
KRA 1: Content Knowledge and Pedagogy
Objective 1: Applied knowledge of content within and across curriculum teaching areas.
(PPST 1.1.2)
Objective 2: Used a range of teaching strategies that enhance learner achievement in
literacy and numeracy skills. (PPST 1.4.2)
KRA 2. Learning Environment and Diversity of Leaners
Objective 4. Managed classroom structure to engage learners, individually or in groups,
in meaningful exploration, discovery and hands-on activities within a range of physical
learning environments. (PPST 2.3.2)
-Kakikitaan ng integrasyon sa asignaturang Matematika ang nasa gawain 1.
- Sa pamamagitan ng nasa gawain 1, nagalugad ng mag-aaral ang pagkatuto sa
pangkatang gawain.
Gawain 2. Batay sa sagot ninyo sa Gawain 1, pumuli ng karakter sa epikong Rama at Sita na
angkop para sa paglalarawan ng katangian nila.

Tanong: Batay sa nabuo ninyong mga salita sa unang gawain, Ano ang tawag sa mga ito?

Pang-uri
adjective bahagi ng pananalita

turing pangngalan panghalip

b. Paglalahad Ang pang-uri o _________sa ingles ay isang __________ na nagbibigay kahulugan o


________ sa ngalan ng bagay, tao, lugar, pangyayari, at marami pang iba.

10 minuto Ang pang-uri ay kadalasan ginagamit para bigyan linaw ang isang uri ng ____________
(noun) o ___________(pronoun).

Kaantasan ng Pang-uri

*Lantay
Naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip.
Hal. Ipinaglalaban na ng kababaihan ng modernong panahon ang kanilang karapatan.
* Pahambing
Nagtutulad ang pahambing na pang-uri sa dalawa o higit pang pangngalan o
panghalip.
*May dalawang uri ng pahambing na pang-uri.

a. Pahambing na magkatulad. Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing,


kasing-, magkasing-, magsing-. Ipinapakilala ang magkapantay na katangian ng
dalawang bagay na pinaghahambingan.

Hal. Sa kasalukuyan, ang kababaihan at kalalakihan ay magkasinghusay na sa iba’t


ibang larangan.

b. Pahambing na di magkatulad. Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng


pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang higit, lalo, mas, di gaano,
at tulad.

Hal. Di-hamak na mapagpursige ang mga taong lumaki sa hirap kaysa lumaki sa
mayaman.

Pasukdol

Ang pasukdol na antas ng pang-uri ay katangiang namumukod o nagngingibabaw


sa lahat ng pinaghahambingan.

Pananda: pinaka, napaka, ubod ng, sobra, hari ng, pag-uulit ng pang-uri

Hal. Ang pinakamabisang paraan upang ipaglaban ang karapatan ng kababaihan ay


ang magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa kanilang karapatan.

Gawain 3.
Pumili ng taong tinuturing niyong bayani sa buhay at ilarawan sila gamit ang inyong nabuong sagot.
Ang gawing ito ay may nakalaang limang minuto lamang.

Anotasyon:
KRA 2: Learning Environment & Diversity of Learners
Objective 6. Used differentiated, developmentally appropriate learning experiences to
address learners’ gender, needs, strengths, interests and experiences. (PPST 3.1.2)
-Sa bahaging ito ang guro ay naghihikayat sa mga mag-aaral na maging aktibo sa talakayan at
pinapahalagahan ang karanasan ng bawat mag-aaral.

*Sa bahaging ito, manonood ang mag-aaral ng isang video tungkol sa mayamang kultura ng
Asya at bayani ng kanlurang Asya.

https://www.youtube.com/watch?v=Md6963tqpRI
https://www.youtube.com/watch?v=WXQW6tL_Vi0

c. Paglalapat Pagkatapos mapanood ang nasabing video, ilalahad ng guro ang mga tanong na nasa ibaba:

15 minuto 1. Batay sa napanood ninyo, ilarawan ang kultura ng Asya.

2. Sa mga nalaman ninyong bayani sa kanlurang asya, ilarawan sila batay sa kanilang ambag
sa bansa.

3. Ano ang kahalagahan ng pang-uri sa paglalarawan ng isang tao, hayop, bagay, lugar, at
pangyayari?

4. Bilang isang mag-aaral, ano ang gamit ng pang-uri sa pakikipagtalastasan mo araw-araw?

5. Paano nakakatulong ang mga salitang naglalarawan sa kasiningan ng akda?

Anotasyon:
KRA 1: Content Knowledge and Pedagogy
Objective 1: Applied knowledge of content within and across curriculum teaching areas.
(PPST 1.1.2)
Objective 3: Applied a range of teaching strategies to develop critical and creative
thinking, as well as other higher- order thinking skills. (PPST 1.5.2)
-Kakikitaan ng integrasyon sa asignaturang Araling Panlipunan ang mga tanong ng guro sa
bahaging ito.

Ang pang-uri o adjective sa ingles ay isang bahagi ng pananalita na nagbibigay kahulugan o


turing sa ngalan ng bagay, tao, lugar, pangyayari, at marami pang iba.

Ang pang-uri ay kadalasan ginagamit para bigyan linaw ang isang uri ng pangngalan (noun) o
panghalip (pronoun).

Kaantasan ng Pang-uri
Lantay
Pahambing

Paglalahat
5 minuto
Pasuk

IV. Ebalwasyon Gawain 4.

10 minuto Panuto: Ibigay ang kaantasan ng pang-uri batay sa salitang nakasalungguhit. Gamit ang
inyong cellphone at app ng messenger, piliin ang Puso na emoji kung lantay, Like
kung pahambing at Care kung pasukdol.

1. Dalisay ang pagmamahal ni Rama kay Sita.

2. Higit na malakas si Rama kaysa ni Ravana.

3. Tapat na kaibigan ni Rama si Lakshaman.

4. Si Sita ang napakagandang babae sa kanilang tribu.

Gawain 5.

Panuto: Pilin ang angkop na pang-uri na nasa loob ng panaklong para makabuo ng isang
diwa ng pangungusap. Isulat ito sa kalahating papel.

5. (Magkahawig, Magkaiba) ang kultura ng mga bansang nasa Asya.

6. Ang classical music ng Kanlurang Asya ay (makulay, mahina) na simula pa noong


1930s.

7. (Di-gaanong, Napaka) matatangkad ang mga Israeli kaysa sa Omani.

8. Isang (matiwasay, magulo) na bansa ang Turkey sa ilalim ng kanilang unang


pangulong si Ataturk.

9. Ang (magandang, mapait) relasyon ng mag-asawa ay sangkap ng kulturang sakop ng


Kanlurang Asya.
10. Si Mustafa Ataturk ay isang (mabuting, hari ng tapang) turkong opisyal ng
sandatahang lakas, at nagtatag ng Republika ng Turkiya at naging unang pangulo nito.

Anotasyon:
KRA 3: Curriculum and Planning
7. Planned, managed and implemented developmentally sequenced teaching and
learning processes to meet curriculum requirements and varied teaching contexts. (PPST
4.1.2)
9. Selected, developed, organized and used appropriate teaching and learning resources,
including ICT, to address learning goals. (PPST 4.5.2)
KRA 4: Assessment and Reporting
Objective 10. Designed, selected, organized and used diagnostic, formative and
summative assessment strategies consistent with curriculum requirements. (PPST 5.1.2)
- Gumagamit ng cellphone ang mag-aaral bilang paraan ng pagsagot sa pagtataya.
- Ang guro ay gumamit sa Bloom’s Taxonomy at 4A’s na lesson plan.
- Sinusukat ng guro ang kakayahang natamo ng mag-aaral pagkapos ng klase.

V. Karagdagang Magsaliksik Ka!


Gawain
Panuto: Magsaliksik ng iba pang bayani sa Kanlurang Asya at sumulat ng limang
pangungusap na kakikitaan ng angkop na pang-uri sa paglalarawan ng nasabing
bayani. Direktang ipasa ito sa aking gmail account, reynaaclon@gmail.com
Anotasyon:
KRA 3: Curriculum and Planning
9. Selected, developed, organized and used appropriate teaching and learning resources,
including ICT, to address learning goals. (PPST 4.5.2)
KRA 4: Assessment and Reporting
Objective 10. Designed, selected, organized and used diagnostic, formative and
summative assessment strategies consistent with curriculum requirements. (PPST 5.1.2)

Reyna Q. Aclon
Teacher I

You might also like