You are on page 1of 3

MULTIPLE INTELLIGENCE LEARNING CENTER OF TANAUAN CITY, INC.

Tanauan City, Batangas

May 09, 2014

Banghay-Aralin sa Filipino V
Uri ng Pangngalan

I. Layunin
Sa loob ng isang talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. makakabasa ng isang kwento;
2. nalalaman at natutukoy ang pangngalang pambalana at pantangi;
3. nasusuri ang mga uri ng pangngalang sa kwentong nabasa; at
4. napapahalagahan ang mga aral na makukuha sa kwento.

II. Paksang Aralin


Paksa: Uri ng Pangngalan
Sanggunian: Salamisim 6 pahina 51.
Kagamitan: Cartolina, chalk, chalkboard, aklat, kahon
Pagpapahalaga: Pagiging mapagmahal, kooperasyon
Paksang Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao, Matematika-Pagganyak

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsasaayos ng Silid Aralan
4. Pagtatala ng liban
5. Pagtatama ng Takdang Aralin
6. Balik-aral
B. Panlinang na Gawain
1. Pagbabaybay
Pagbababaybay sa Filipino 5
( Pre-test)
1. pangngalan 6. simbahan
2. pantangi 7. estudyante
3. pambalana 8. prutas
4. konkreto 9. pagsubok
5. di-konkreto 10. pag-ibig
2. Pagganyak
 Ipapangkat ng guro ang mga mag-aaral sa dalawa. Ang laro ay pinamagatang
“Fix me”.
 Magbibigay ng dalawang kartolina ang guro sa bawat pangkat na naglalaman
ng mga numero at kahon.
 Bawat pangkat ay makakatanggap ng kahon na naglalaman ng mga letra.
 Ilalagay nila ang mga letra sa numero kung saan ito kabilang.
 Ang unang pangkat na makatatapos ang itatanghal na panalo at
makakatanggap ng premyo.

3. Pagtatalakay
 Magbabasa ng kwento na pinamagatang “ Ang Dalawang Mukha ng Pag-Ibig”.
 Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa kwentong nabasa.
 Tutukuyin ng guro at ng mga mag-aaral ang mga pangngalan sa kwentong
nabasa.
 Susuriin ng guro at mga mag-aaral ang uri ng mga pangngalan nang kanilang
nahanap sa kwento.
 Itatalakay ang dalawang uri ng pangngalan at ang kahulugan nito.

4. Pagsasanay
 Magbibigay ang guro ng kahon sa mga mag aaral na naglalaman ng mga
salitang pangngalan. Ilalagay ng mga mag-aaral ang mga pangngalan sa
tamang kolum ng Pantangi at Pambalana.

5. Paglalahat
 Ano ang dalawang uri ng pangngalan
 Pantangi – Tiyak na ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay, at pangyayari.
Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa: Gng. Jane, Philippines, MILC
 Pambalana – di tiyak o karaniwang ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay,
at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa maliit na letra.
Halimbawa: kaibigan, tatay, nanay
* Ang pangngalang pambalana ay maaring konkreto at di-konkreto.
* konkreto – mga bagay na material, nakikita at maaring mahawakan.
Halimbawa: bandila, liwanag
* di-konkreto – nasa diwa, damdamin o isip, hindi nahahawakan o
nakikita.
Halimbawa: pagsisikap, pag-asa.
IV. Pagtataya

A. Panuto: Salungguhitan ang mga pangngalang sa pangungusap. Isulat sa patlang


ang PT kung Pantangi at PB kung Pamabalana.

______ 1. Maganda mamasyal sa Rizal Park.


______ 2. Gusto kong bumisita sa probinsya.
______ 3. Ang pinsan ko ay nakatira sa Amerika.
______ 4. Ang Pagsanjan Falls ay pinupuntahan ng mga turista.
______ 5. Gusto kong sumakay sa eroplano.

Sagot:
PT 1. Rizal Park
PB 2. probinsya
PT 3. Amerika
PT 4. Pagsanjan Falls
PB 5. eroplano

B. Panuto: Isulat sa patlang ang K kung konkreto at DK kung di-konkreto.

______ 6. takot
______ 7. halaman
______ 8. pag-ibig
______ 9. lapis
______ 10. pag-asa

Sagot:
6. DK 9. K
7. K 10. DK
8. DK

V. Takdang Aralin

 Sagutan ang Pagsasanay 6 at 7, pahina 52-53, Salamisim 5 Wika at Pagbasa.

Inihanda ni: _______________________


Teacher Ivann N. Ricafranca

You might also like