You are on page 1of 5

College of Teacher Education

Matina Campus, Davao City


Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

MASUSING BANGHAY ARALIN


Ika-9 na Baitang
Mataas na Paaralan ng Maa
Maa, Lungsod ng Dabaw

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga
sumusunod na layunin:

a. Nahihinuha ang mensahe na nais ipahiwatig ng parabula,


b. Nakapagsasadula ng kaparehong pangyayari na naganap o nagaganap sa tunay
na buhay na may kaugnayan sa bawat pangyayaring naganap sa parabulang
naitalakay; at
c. Nasusuri ang katangian at elemento ng parabula batay sa napakinggang
talakayan sa klase.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Parabula
B. Pamagat: Parabula ng Alibughang Anak (Lucas 15:11-32 sa Bagong Tipan)
C. Sanggunian:
Aklat: Pinagyamang Pluma 9 – Aklat 1
Internet: Alibughang Anak (The Prodigal Son - Filipino Dubbed). Mula sa
https://youtu.be/BiXh9RncUKg
https://www.slideshare.net/MartinGeraldine/parabula-250230788

III. Mga Kagamitang Pampagtuturo


TV, Laptop, Bluetooth Speaker, PowerPoint Presentation, Visual Aids, at Sticky
Notes

IV. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin 1. Pambungad na Panalangin
2. Pagpapaayos ng Upuan Magsisitayo ang lahat bilang pagbibigay
3. Pagbati -galang sa maikling panalangin.
4. Pagtala ng Liban 2. Pagpapaayos ng Upuan
College of Teacher Education
Matina Campus, Davao City
Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

Aayusin ng mga mag-aaral ang


kanilang upuan.
3. Pagbati
“Magandang umaga po, Bb. Nicolle.
Ang kapayapaan ay sumasainyo at
mabuhay!”
4. Pagtala ng Liban
(Checking of attendance with a twist)
Isisigaw ang salitang “Darna!” sa halip
na “Narito po, Ma’am.”

B. Pagganyak

 Ready, Set, Go List!

“Ako ay isang Mabuting


Anak/Kapatid”

Panuto: Gamit ang ibinigay na sticky Itatala ang mga katangian at gawi
note, itala ang iyong mga katangian o bilang patunay na sila’y mabuting mga
mga gawi na makapagpapatunay na anak o kapatid.
ikaw ay isang mabuting anak o kapatid.
Magiging alisto at makikinig nang maigi
Pagkatapos ay tatawag ang guro ng
sa babanggiting bilang ng hanay o
dalawang mag-aaral sa pamamagitan
hilera ng guro.
ng First/Last Man Standing na teknik
(magbabanggit ang guro ng bilang ng Kokolektahin at ididikit ng mga mag-
hanay (column) o hilera (row) na aaral na nakaupo sa harapan ang mga
kumakatawan sa inuupuan ng mga sticky notes sa graphic organizer na
mag-aaral. Kapag sinabing “last man nakapaskil sa pisara.
standing”, ang huling tatayo ang siyang
tatawagin. Samantala, kapag sinabi
namang “first man standing”, kung sino
ang unang tatayo ang siyang isa sa
mga tatawagin) at ibabahagi sa harap
ng klase ang kanilang naitala.

C. Paglalahad ng Aralin Panonoorin ng mga mag-aaral ang


Panonood/Pakikinig: Parabula ng nasabing parabula.
Alibughang Anak

D. Pagsusuri sa Parabula Sagot:


Mga Tanong: Iba-iba ang inaasahang kasagutan ng
 Kung ikaw ang ama sa parabula, mga mag-aaral.
ibibigay mo ba ang iyong
ipamamana sa iyong anak kahit
ikaw ay buhay pa?
 Makatarungan ba ang ginawa ng
ama sa pagtanggap sa kanyang
College of Teacher Education
Matina Campus, Davao City
Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

anak na muling nagbalik? Kung


ikaw ang nasa katayuan ng ama,
ganoon din kaya ang iyong
gagawin?
 Masisisi mo ba ang anak na
panganay na maghinanakit sa
kanyang ama? Kung ikaw ang
nasa kanyang kalagayan,
ganoon din kaya ang iyong
gagawin? Ipaliwanag.

E. Pagtalakay sa Nilalaman
Ang Parabula at ang mga Elemento
nito
Ang parabula ay nagmula sa salitang
Griyego na parabole na nagsasaad ng
dalawang bagay (maaaring tao, hayop,
lugar, o pangyayari) para
paghambingin. Ito ay makatotohanang
pangyayaring naganap noong panahon
ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal
na Aklat.

1. Tauhan – sila ang gumaganap o mga


gumaganap sa isang kuwento na
hinango sa Banal na Bibliya na
maaaring makapagbigay ng aral sa mga
mambabasa.
2. Tagpuan – ito ang pinangyarihan ng
isang kuwento. Maaaring ito ay
tumutukoy sa lugar na pinagdausan ng
kuwento, oras, at panahon.
3. Banghay – ito ang paglalahad ng
pagkakasunod-sunod ng pangyayaring
naganap sa kuwento.
4. Aral o magandang kaisipan – ito
ang matututunan ng isang tao matapos
mabasa ang kuwento.

F. Pagtataya
Gawaing Pagganap:
 Lights, Camera, Arte!
Panuto: Ang mga pangyayaring
naganap sa parabulang naitalakay ay
maaari ring maganap sa kasalukuyan at
sa tunay na buhay. Hahatiin ang klase
sa limang pangkat at bawat pangkat ay
magsasadula ng kaparehong
pangyayaring naganap o nagaganap sa
College of Teacher Education
Matina Campus, Davao City
Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

kasalukuyan batay sa sitwasyon na


naitakda sa kanila.

Pangkat 1: Hiningi ng anak ang


kanyang mamanahin kahit buhay pa
ang magulang niya.
Pangkat 2: Nilustay ng anak ang
kanyang minana sa hindi wastong
pamumuhay.
Pangkat 3: Nang maghirap ang anak ay
namasukan ito bilang alila.
Pangkat 4: Dahil sa paghihirap, nagsisi
ang anak sa kanyang ginawa at naalala
ang magulang.
Pangkat 5: Bumalik ang anak at humingi
ng tawad sa magulang. Pinatawad ang
anak at pinatuloy muli sa kanyang
tahanan.

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng


marka batay sa sumusunod na
pamantayan:

Nilalaman (Kaangkupan ng paksa) – 10


puntos
Organisasyon (Pagkakasunod-sunod ng
pangyayari) – 5 puntos
Pagganap (Tinig, Tindig at Bigkas) – 5
puntos
KABUUAN – 20 puntos

(Bibigyan ang mga mag-aaral ng limang


minuto sa pag-eensayo.)
V. Takdang Aralin
 Gawain sa Pagkatuto
Panuto: Suriin ang parabulang “Ang Alibughang Anak” at punan ang talahanayan sa
ibaba batay sa hinihinging elemento nito.
Elemento ng
Parabula
Tauhan
Tagpuan
Banghay
Aral o
Magandang
Kaisipan
College of Teacher Education
Matina Campus, Davao City
Telefax: (082) 300-5456/300-0647 Local 102

Sagot:
Tauhan:
 Ang bunsong anak
 Ang panganay na anak
 Ang ama ng dalawang magkapatid
Tagpuan:
 Bahay at labas nito
 Mga lugar kung saan naglilibang ang mga tao kagaya ng inuman
 Tirahan ng mga baboy
Banghay:
1. Hiningi ng anak ang kanyang mamanahin kahit buhay pa ang magulang niya.
2. Nilustay ng anak ang kanyang minana sa hindi wastong pamumuhay.
3. Nang maghirap ang anak ay namasukan ito bilang alila.
4. Dahil sa paghihirap, nagsisi ang anak sa kanyang ginawa at naalala ang
magulang
5. Bumalik ang anak at humingi ng tawad sa magulang. Pinatawad ang anak at
pinatuloy muli sa kanyang tahanan.
Aral o Magandang Kaisipan:
 Maging mapagpatawad sa mga nagkamali at nagsisi.
 Ang mga humiwalay sa Diyos ay maaaring tanggapin niya muli kung
magpapakita ng taos-pusong pagsisisi at pagsisikap na makabalik.
 Kapag bumalik na ang alibughang anak, tanggapin natin sila gaya ng
pagtanggap sa kanila ng Diyos.

Inihanda ni:

KRISTINE NICOLLE E. DANA


Pre-Service Teacher, University of Mindanao

Sinuri:

LEONISA ESCAMIS
Teacher III

You might also like