You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Gob. Pablo Borbon Kampus I
Lungsod ng Batangas
PAARALANG INTEGRADO

Banghay Aralin sa FILIPINO 9

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang 80% ng mga mag-aaral ay:

A. naipaliliwanag ang mensahe at katuturan ng kabanatang pag-aaralan.


B. naipapakita ang tamang respeto at pagmamahal sa mga guro.
C. nakagagawa ng mga naatang na gawaing inihanda ng guro.

II. Paksang Aralin

PAKSA: NOLI ME TANGERE: Kabanat 19- Mga Hinaing ng Isang Guro


SANGGUNIAN: MAHARLIKA: Wika at Panitikan ng Bayang Malaya III nina Lartec, et.
al (2010), pahina 115.
KAGAMITAN: LCD Projector, Laptop, Marker, Speaker, Ilang kagamitang biswal.
PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN: Mahalaga ang ginagampanang papel ng
guro sa lipunan.

III. Pamamaraan o Proseso ng Pagkatuto

Gawain ng GURO Gawain ng Mag-aaral


Panimulang Gawain
Pang-araw-araw na Gawain
a. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating “Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng
panalangin. Jules, pangunahan ang Espiritu Santo”…… (sa pangunguna ni Jules,
pagdarasal. magdarasal ang mga bata)

b. Pagbati “Good Morning Sir Noreen. We are 9


Magandang Buhay 9 Earth! Good Earth, Earth’s army in raising teamwork and
Morning. harmony.”

Bago umupo, pulutin ang mga “Salamat po, Sir.”


nakikitang kalat para sa ikalilinis ng ating
silid. Maraming salamat. Maari na kayong
maupo.

c. Pagdalo
Jimela, may liban ba ngayong “Wala po Sir.”
araw?

Mahusay, batid kong sabik kayong


madagdagan ang inyong kaalaman, kaya’t
huwag na nating patagalin at tayo ay
magsimula na.

1
d. Pagbabalik- aral
Kahapon ay tinalakay natin ang
Kabanata 18 ng Noli Me Tangere na
pinamagatang “Ang Mga Kaluluwang
Nagdurusa”. Ngayon, may inihanda akong
apat na sobreng naglalaman ng mga
katanungan. Ang mga sobreng ito ay inyong
ipapasa sa isa’t isa sa saliw ng isang
musika. Sa pagtigil ng tugtog, ang taong
huling may hawak ng sobre ang siyang
sasagot ng katanungan sa loob.
Nauunawaan ba? “Opo, sir!”

(Mas masusi kung ilalahad din ang mga (Isusulat ang posibleng tugon ng mga mag-
tanong sa balik-aral) aaral)

e. Pagganyak

Ngayon, bago tayo magpatuloy sa “Opo, handa na po kami.”


pagtalakay sa sunod na kabanata, may
isang video akong nais ipanood sa inyo.
Makinig at unawain ang mensaheng hatid 1. Tumahimik at huwag abalahin ang
ng video. Handa na ba? katabi
Bago natin simulant ang panonood, 2. Huwag malikot at huwag tayo nang
ano-ano ang mga bagay na dapat tandan tayo.
habang nanonood? 3. Magtala ng ilang mahalang detalye
tungkol sa pinanood

Magsimula na tayo ng panonood. https://www.youtube.com/watch?v=w


6T8_Ezm2Lo

Nauunawan ang napanood? Tungkol “Tungkol po ito sa mga guro noon at


saan ito, ______? ngayon.”

A. AKTIBITI

Mahusay, ngayon upang higit pang


maunawaan ang mensahe ng video,
papangkatin ko ang klase sa apat.
Maliwanag ba? “Opo, sir!”

Ok, simulan na ang pagbilang. “Opo, sir!”

Lahat ba ay may kagrupo na? “Opo, sir!”


Ngayon, pumunta ng tahimik sa inyo
mga kagrupo. Nasa kanya- kanya na bang
pangkat?
Ibilog ang upuan para sa pag-uusap (Pagbunot ng mga lider sa kanilang gawain)
ninyo mamaya. Bago magsimula, pumunta
dito sa unahan ang nagsisilbing lider ng
bawat pangkat upang bunutin ang gawain.

Inihandang Gawain:

2
Ilahad ang pagkakaiba ng guro noon sa
guro ngayon.
Paraan ng PAGTATANGHAL: 3

Ibigay ang paninindigan sa


katanungang, “Alin ang mas mabuting
gamitin ng guro: PAMALO o
PANGARAL?”
Paraan ng PAGTATANGHAL: 4

Bumuo ng isang senaryong


pampaaralan na kinasasangkutan ng
isang guro.
Paraan ng PAGTATANGHAL: 2

Ihanay ang halaga ng isang guro sa


lipunan gamit ang graphic organizer na
ibibigay ng guro.
Paraan ng PAGTATANGHAL: 1

Lahat ba ay may nabunot na Gawain? “Opo, sir!

Pakibasa ng naatang sa inyo Pangkat (Pagbasa sa naatang na gawain)


I.

May katanungan pa sa gagawin? “Wala na po, sir!”

Pangkat II, anong gawain ang nabunot (Pagbasa sa naatang na gawain)


niyo?
Nauunawaan ba ang gagawin? “Opo, sir!”

Pangkat III, pakibasa ng gawain (Pagbasa sa naatang na gawain)


ninyo?

May paglilinaw pa ba? “Wala po, sir.”

Panghuli, Pangkat IV, pakibasa ng


nabunot niyong gawain? (Pagbasa sa naatang na Gawain)

Maliwanag ba ang gagawin? “Opo, sir.”

Ok, ngayong may gawain na ang lahat


ng pangkat, simulan na ang pag-uusap. (Pag-uusap ng bawat grupo)
Binibigyan ko lamang kayo ng 10 minuto
upang makapagplano at makapaghanda sa
gawain.
Pansinin ang pamantayang ito para sa
ikagaganda pang lalo ng inyong
pagtatanghal. Pakibasa nga, _______?

3
PAMANTAY BAHAGD (Pagbasa sa pamantayan)

AN AN
Pagtatanghal/
70%
Nilalaman
Kooperasyon 15%
Impak sa Madla 10%
Yell 5%
KABUUAN: 100%

B. ANALISIS
Ano nga ba ang pagkakaiba ng guro “Ang guro po noon ay gumagamit ng
noon sa guro ngayon? Maari mo bang pamalo bilang paraan ng pagtuturo
ibigay ang inyong detalyadong samantalang ngayon po ay bawal ng gumamit
paglalarawan, ___________? ng kahit anumang pamalo sa pagtuturo.”

Mahusay! Malaki nga ang


pagkakaiba ng guro noon sa guro noon sa
maraming aspeto.
Kung ikaw ang papipiliin, anong
pamamaraan ang gusto mong gamitin ng “Nais ko pong magkaroon ng gurong
iyong mga guro? Bakit? Maari ko bang hindi gumagamit ng pamalo sa pagtuturo
marinig ang iyong kasagutan, ________? dahil hindi naman po paraan ito upang
maunawaan naming mga bata ang aralin. “

Magaling, batid kong mas pipiliin


niyo ang gurong may “demokrasya” sa
pagtuturo.
Sa papaanong paraan nakatutulong “Ang mga guro po ang nagsisilbing
ang isang guro? Ikaw nga, __________? modelo para sa kabataan ngayon. Sila po’y
aktibong tumutulong sa ating pamayanan at
lubos na iginagalang.”

Mahusay! Tunay ngang mahalaga


ang papel na ginagampanan ng guro hindi
lamang sa buhay ng kanyang mga mag-
aaral kundi maging sa lipunang
ginagalawan niya.

Ano ang nahihinuha niyo sa “Sa akin pong palagay ang tatalakin po
tatalakayin natin ngayong araw? __________? natin ngayong araw ay may kinalaman sa
isang guro.”

Magaling, titingnan natin kung ang


iyong kasagutan ay tama.
Matapos ang inyong
naggagandahang pagtatanghal, dadako na
tayo sa sunod na kabanata. Tulad ng dati,
tahimik tayong makikinig sa videong
ipapanood ko sa inyo. Nauunawaan ba? “Opo, sir.”

4
Handan a ang lahat?

C. ABSTRAKSYON
“Ang amin pong napakinggan ay tungkol
Tungkol saan ang napakinggan? sa pag-uusap ni Crisostomo Ibarra at ng isang
Ikaw nga, _________? guro sa San Diego.”

Mahusay! Ano nga ba ang naging “Si Rafael Ibarra po ang tumulong sa
papel ni Rafael Ibarra sa buhay ng guro? kanya upang makapagturo. Binigyan po niya
Ikaw nga, __________? ito ng mga kagamitan, maging ang mga mag-
aaral.”

Magaling, si Rafael nga ang


tumulong sa guro upang maibahagi nito
ang kanyang kaalaman sa mga bata.
Matapos marinig ni Crisostomo “Nais po niyang ipagpatuloy ang
Ibarra ang kabutihan ng kanyang ama, ano nasimulan ng kanyang amang pagtulong sa
ang sinabi nito sa guro? guro. Nasabi po din niya na mas gugustuhin
niyang tumulong kaysa makapaghiganti sa
mga taong may kasalanan sa kanilang mag-
ama.”

Mahusay! Matapos ngang


malaman ni Crisostomo ang kabutihan ng
kanyang ama ay hinangad nitong
ipagpatuloy kung ano man ang nasimulan
nito.

Kung ikaw ang nasa katayuan at “Opo, dahil po hindi natin dapat
kalagayang ni Crisostomo, kaharap ang pamalagiin sa ating puso’t isipan ang galit at
guro, masasabi mo rin kayang kaya mong paghihiganti, bagkus ay ituon natin ang ating
patawarin ang mga nagkasala sa iyo at sa buhay sa paggawa ng mabuti”.
iyong ama? Maari ko bang marinig ang
iyong opinyon, _______?

Mahusay! Kabutihan nga dapat “Sinabi po ng guro na wala silang libro o


ang ating pairalin habang tayo ay larawang magamit; kawalan po ng interes ng
nabubuhay. Ano-ano nga bang hinaing ang mga batang mag-aral at wala po silang
isiniwalat ng guro kay Crisostomo?________? sariling gusali kaya nakikituloy lamang sila sa
silong ng kumbento kung saan nakatira rin
ang kura”.

Magaling! Nasabi mo nga na ang “Ipinahihiya po siya ng kura sa mga bata


paaralan ay nakatayo lamang sa silong ng at bago daw po magturo ng ibang asignatura
kumbento kung saan namamalagi ang kura, ay dapat munang kabisaduhin ng mga bata
ano ang naging reaksyon nito sa pagtuturo ang 15 misteryo ng rosary at aklat ng
ng guro? Ikaw nga, _______? katesismo. Ipinabalik din po niya ang
pamamalo sa mga bata dahil hindi raw siya
sumusunod sa kanyang tungkulin bilang
guro”.

Mahusay! Mapapansin natin na “Wala pong ginawa ang guro kundi


kontra ang kura sa paraan ng pagtuturo ng sundin ang kura dahil kailangan po niya ang
guro ngunit ano ang ginawa ng guro? lagda nito upang makuha ang sahod niya sa
kabisera”.

5
Magaling! Ang lagda pala ng kura
ay kailangan upang makasahod ang guro
kaya nagkibit-balikat na lamang ito sa
pangungutya ng kura at walang magawa
kundi sumunod dito.
Sumunod ang guro sa kagustuhan “Nawala po sa guro ang itinuturing
ng kura ngunit anong nawala sa kanya? Sa niyang kapamilya’t kaibigan - ang mga bata
papaanong paraan nawala ang mga ito sa dahil sa pagsunod niya sa kagustuhan ng
kanya? __________? kurang ibalik ang paraan ng pamamalo sa
kanyang pagtuturo”.

Mahusay, itinuturing ngang “Hindi na po ito katanggap-tanggap at


kapamilya’t kaibigan ng guro ang mga bata may nakahanda pa pong kaparusahan para sa
ngunit dahil sa pamamalo ay nawala ang sinumang gurong masasangkot sa maling
mga ito sa kanya. Sa panahon ngayon, gawaing ito”.
katanggap-tanggap pa rin ba ang
pamamaraang ginamit ng guro? __________?

Magaling! Tama bang sumunod ang “Kung ang titingnan po natin ang
guro sa kura kahit ang kapalit nito’y ang nakaraan, tama lang po ang ginawa ng guro
pagpapahalaga sa kanya ng mga bata? dahil nakasalalay rin sa kura ang kakainin
niya sa araw-araw at isa po ang kura sa
makapangyarihan sa San Diego pero kung sa
ngayon pong may kalayaan na tayong
ipahayag ang ating opiyon, hindi na po tama
ito”.

Ok, mahusay! Sa lahat ng narinig ni “Sinabi po niya sa guro na ipararating


Crisostomo mula sa guro, ano ang niya sa pulong kinabukasan ang mga hinaing
naipangako nito? ng guro.”

Mahusay. Titingnan natin kung


bukas kung nailahad nga ba ni Crisostomo
ang mga hinaing ng guro.
Nauunawaan na ba ngayon ang “Opo, lubos na po naming nauunawaan
Kabanata 19? Nauunawaan ang halaga at ang buhay at halaga ng guro sa lipunan.”
gampanin ng bawat guro sa ating lipunan?

D. APLIKASYON

Bukod sa Kabanata 19, may isang


katha ang tumatalakay din sa kabutihan ng
isang guro. Ito ay isinulat ni Genoveva
Edroza- Matute na may titulong, “Ang
Kwento ni Mabuti”
Ngayon, itatanghal ko sa inyo ang
buod ng kwentong ito upang lalo niyo itong (Pagbasa sa kwento)
maunawaan. Pakibasa nga, _____________.

Tungkol saan ang kwento? Anong “Tungkol po ito sa kabutihan ng isang


mapapansin dito? guro”.

Ok, mahusay. Ang lahat ng guro ay


may nagagawang mabuti sa kapwa.

6
Ngayon, nais kong ipakita ninyo ang
pagmamahal niyo sa inyong guro. Meron
ako ditong hugis pusong papel kung saan
isusulat niyo ang inyong mensahe o
pasasalamat sa isang gurong labis niyong
hinahangaan.
Matapos maisulat sa papel ang
mensahe, ididikit ito sa pisara sa porma ng
salitang:

GURO
(Pagkakapit ng hugis-pusong papel sa
pisara)

Palakpakan ang mga sarili. Kitang-


kita ko na lubos niyong pinahahalagahan
ang mga guro. Tunay ngang malaki ang
nagiging epekto ng isang guro sa buhay ng
bawat kabataan ditto sa ating mundo. Sila
ang humuhubog sa kanila, katulong ang
mga magulang na maging mabuting tao.

Batid kong nauunawaan niyo na ang


paksang ating tinalakay ngayong araw.
Para Makita ko kung natatandaan niyo pa
ang tinatalaky natin kanina, kumuha kayo (Pagkuha ng papel)
ng isang kapat (¼)na papel at sagutan ang
sumusunod:

May papel na bang lahat? “Opo, sir.”

Ok, simulan na.

E. EBALWASYON

Panuto: Isulat o ibigay ang hinihingi ng


bawat pahayag.
(Pagsasagot ng mga bata)
1. Siya ang tumulong sa guro upang
makapagturo ito sa mga bata.
2. Binatang mestisong nakapag-aral sa
Europa na kausap ng guro sa tinalakay
na kabanata.
3. Siya ang kumokontra sa paraan ng
pagtuturo ng guro sa ilalim ng
kumbento.
4. Ito ang nais ipabalik na paraan ng
pagtuturo sa guro.
5. Titulo o pamagat ng kwentong
isinulat ni Genoveva Edroza Matute.

Palitan ng papel. Lagyan ng “Iniwato ni”.


1. Rafael Ibarra
2. Crisostomo Ibarra
3. Kura

7
4. Pamamalo
5. Ang Kwento ni Mabuti
F. KASUDUAN
1. Sumulat ng isang tulang may
dalawang saknong tungkol sa inyong
paboritong guro.

2. Basahin at pag-aralan ang Kabanata


20.

Sanggunian: MAHARLIKA III

May katanungan pa ba sa takdang


aralin? “Wala na po, sir.”

Kung gayon, maraming salamat at “Thank you and Good Bye, Sir Noreen!”
paalam, 9 EARTH!

Inihanda ni:

NOREEN L. VILLANUEVA
Nagsasanay na Guro sa Filipino

Iniwasto ni:

G.MICHAEL TORRES-BATHAN
Gurong Tagapagsanay

Binigyang-pansin:

G.JONI ALBARICO
Puno ng Departamento, Akademiks

Pinagtibay:

Prof. VILMA R. AGUDA


Direktor, Paaralang Integrado

You might also like