You are on page 1of 10

ARALIN 3.

2
Isang Masusing Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng Ikatlong Baitang

I. Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:
a. Matukoy ang iba't ibang programa ng pamayanan na makatutulong sa pagpapanatili
ng kalinisan at kaayusan sa pamayanan at bansa.
b. Ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga pook pampubliko ay tungkulin at
]pananagutan ng bawat isa sa atin.
c. Pagsunod sa alituntunin ng pamayanan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan.

II. Paksang Aralin


a. Paksa:
Ikatlong Markahan
2. Likas-kayang Pagunlad (Sustainable Development)
2.1. Kalinisan at Kaayusan (Cleanliness and Orderliness)
b. Mga Kagamitan:
● Lapis
● Glue
● Crayons
● Notebook
● Bond paper

c. Mga Sanggunian:
● K to 12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon sa Pagpapakatao, pp. 48-49
● Learning Materials Baitang 3 Unit 3, Edukasyon sa Pagpapakatao

III. Gawaing Pampagkatuto

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Anyayahan ang mga mag-aaral na tumayo (Inaasahan na ang mga bata ay taimtim na
at tumahimik. Iyuko ang ulo at damhin ang nananalangin)
presensya ng panginoon.
Panginoon, ang aking sandigan,
Nagdarasal ako - Iyong patnubayan,
Bigyan itong isipan ng karunungan,
Upang magamit ko sa aking kinabukasan.
Ituro mo sa akin ang daang matuwid,
Igawad mo ngayon ang iyong pag-ibig,
Ang araw na ito ay muli mong biyayaan,
Gayundin ang bawat isa sa amin.
Amen.

2. Pagbati

Magandang Araw mga bata ! Magandang Araw din po Teacher!

Kamusta kayo sa araw na ito? Mabuti naman po!

Matapos nito ay anyayahan ang lahat na (Inaasahan na ang mga bata ay naglalahad
sumali sa pag-awit at pag indak ng kantang ng kanilang nararamdaman at kanilang
"Kung Ikaw ay Masaya, Pumalakpak" kalagayan, sumunod ay magalak na
nakikilahok sa pagkanta)

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Sino ang nakakaalam ng larong “Simon Ako po, Teacher!
Says”?
(Ang guro ay magpapanggap bilang Simon,
at ang mga bata ang magiging manlalaro.
Ang guro ay magbibigay ng utos sa mga
bata. Ngunit, susundin lamang nila ang utos
ng guro kapag mayroong panandang
“Simon says” ang utos ng guro.
Halimbawa, “Simon says, sumayaw. Kapag
wala namang pananda, mananatiling
nakatayo lamang ang mga manlalaro.)

Naiintindihan niyo ba? Opo Teacher!

Simon says …..


…… pulutin ang kalat sa inyong paligid (Pupulot ng kalat)
…… ayusin ang inyong mga upuan (Aayusin ang upuan)
…… ipalakpak ang “Good Job Clap” (Gagawin ang Good Job Clap)

2. Paglalahad ng Paksa
(Ipakita ang lupon ng mga letra sa klase.)

P__S__O_

Mula sa lupon ng mga letrang ito, tayo ay Opo, maliwanag po ang inyong paliwanag.
bubuo ng isang salita. Nais ko ngayon na
inyo itong hulaan. Sa kada limang
segundong lumipas, tatawag ako ng isa sa
inyo upang magbigay ng letra na maaaring
nabibilang sa salitang ito. Isusulat ko ang
letra sa naayong patlang kung ito ay
nabibilang at muli akong mag-aantay ng
limang segundo. Kung hindi naman ito
nabibilang ako ay patuloy na tatawag
hanggang sa may makakuha ng letra.
Malinaw ba ang aking paliwanag?
Mahusay! Tandaan, maaari niyong hulaan
ang salita kahit kailan sa loob ng ating
aktibidad. Pagsunod po ang sagot Teacher!

(Tatawag ng mga bata upang mabuo ang


salita)

Magaling! ● Utos
● Babala
Ano-ano kaya ang mga sinusunod natin? ● Paalala
● Mga karatula sa ating paligid
● Procedure sa libro

Opo, sapagkat lagi kong ginagawa ang mga


utos na ibinibigay sa akin
Masasabi niyo ba na kayo ay masunurin?
Bakit?

3. Pagtatalakay
Ngayon, nais ko na ilabas niyo ang inyong
mga saguting papel. Sa inyong kuwaderno,
isulat niyo ang lahat ng alituntunin na iyong
naririnig o nakikita sa pang-araw-araw na
buhay. Magsulat lamang ng limang
alituntunin. Opo Teacher!

Tapos na ba kayo?

Magaling!

Pag-isipan ang iyong sagot. Lagyan niyo ng


hugis puso sa tabi nito, kung ito ay lagi
niyong sinusunod sa tuwing ito ay maririnig
o makikita niyo. Hugis tatsulok naman kung
paminsan-minsan lamang at hugis bilog
kung bihira lamang inyo itong sundin. (Itataas ang mga lapis)

Itaas nga ang inyong mga lapis kung kayo


ay tapos na.

Magaling! (Magtataas ng kamay ayon sa tanong ng


guro)
Ilan sa inyo ang may limang puso sa inyong
gawain? (Magtataas ng kamay ayon sa tanong ng
guro)
Ilan ang may tatlong puso o mababa at
dalawang tatsulok o higit pa? (Magtataas ng kamay ayon sa tanong ng
guro)
Ilan naman ang may tatlong tatsulok o
mababa at dalawang bilog o higit pa? (Magtataas ng kamay ayon sa tanong ng
guro)
Ilan ang may limang bilog?

Napakahusay! Halos lahat sa inyo ay laging


sumusunod sa mga alituntunin. (Maaaring magkakaiba ang sagot ng bata)

Maaari bang mayroon sa inyo na magbahagi


ng isang alituntunin na may puso?

Mahusay!
● Sinusunod ko ito sapagkat ito ay
Bakit mo palaging sinusunod ang makakabuti sa aking pagkatao.
alituntunin na ito?

Maraming salamat sa iyong sagot.


(Maaaring magkakaiba ang sagot ng bata)
Ngayon, may isa ba sa inyo na maaaring
magbahagi ng isang alituntunin na may
tatsulok o bilog?
● Hindi po, sapagkat ako ay nahirapan
Sa tingin mo, tama ba ang iyong naging (o nasaktan) ng hindi ko ito sundin.
desisyon sa hindi pagsunod? Bakit?

Tama! ● Dapat tayong sumunod sa


alituntunin sapagkat ito ay ginawa
Bakit kaya lagi tayong dapat sumunod sa upang protektahan at pangalagaan
alituntunin na itinakda sa atin? kami. Ito ay para sa aking ikabubuti
at hindi dapat sinusuway.
Tama!
● Kapag hindi ito sinusunod, maaari
kaming mahirapan sa aming mga
Ano ang mangyayari kung ito ay ating hindi gawain at hindi kami matuto. Mas
gagawin? lalo na, maaari itong ika pinsala
namin.

● Opo nasunod po kami. Sasawayin ko


po siya at sasabihin na hindi ito
Dulot ng pagkalat ng virus na Corona, ang magandang gawin sapagkat maaari
ating gobyerno ay nagtatag ng mga siyang mahawaan ng sakit.
alituntunin upang tayo ay protektahan. Sa
mga alituntunin na ito kayo ba ay
sumusunod? Ano ang iyong gagawin kung
sakali na may kakilala ka na lumabag dito?

Napakahusay!

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Matapos talakayin ang aralin, ang mga
mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat at
tahimik na pipila sa labas ng silid. Sa
pangunguna ng guro, ang mga bata ay
magtutungo sa iba’t-ibang lugar sa loob ng
paaralan upang obserbahan ang sitwasyon
ng kalinisan o kaayusan ng mga ito.
➢ Ano ang napapansin niyo sa ating
mga silid-aralan, hardin, kantina, ● Malinis po at maayos ang mga lugar
silid-aklatan at palaruan? na aking napuntahan.
● Makalat po ang harapan ng
silid-aklatan.
● Marami pong mga tuyong dahon sa
hardin.
(Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga
mag-aaral)
(Ito ang posibleng sagot ng mga bata)
➢ Sumusunod ba kayo sa mga ● Opo, may iskedyul kami na
alituntunin ng ating paaralan katulad sinusunod sa paglilinis ng aming
ng pagtatapon ng basura sa tamang silid.
tapunan at pagtulong sa paglilinis ng ● Opo, sa basurahan ko lang itinatapon
silid matapos ang klase? ang balat ng kendi at biskwit kapag
ito ay ubos na.

Pagkatapos nito ay babalik ang mga ● Sa ating paglalakad, nakita ko na


mag-aaral sa kanilang silid upang isulat sa malinis at maayos ang mga lugar sa
sagutang papel ang kanilang mga loob ng ating paaralan dahil ako ay
obserbasyon at napansin. responsable at disiplinado pati na
➢ Maaari mo bang ibahagi sa amin ang rin ang aking mga kamag-aral.
iyong obserbasyon, (pangalan ng
bata)?
Inaasahang mapapalawig nito ang kanilang
isipan sa pagsusuri ng kondisyon ng
kinabibilangan nilang kapaligiran o
komunidad.

2. Paglalapat ● Halimbawa ng tula:


Upang lubos na maunawaan ng mga bata Itapon ang basura sa tamang tapunan,
ang aralin, lilikha sila ng maikli at malayang Upang polusyon sa kapaligiran ay
taludturan na tula tungkol sa mga pagsunod maiwasan,
sa batas at alituntunin upang mapanatili ang Palagiang sundin ang mga patakaran na
kaayusan at kalinisan ng pamayanan. ating nakikita sa daan,
Dahil ito ay ating gabay para sa kaayusan at
IV. Pagtataya kalinisan ng pamayanan

Iguhit ang hugis kung ito ay

nagpapakita ng tamang gawi at kung ito


naman ay mali.
_________1. Itinapon ni Angel ang balat ng
kendi sa kalsada.
_________2. Tinulungan ni Mark ang
kanyang nanay maglinis ng kanilang
bakuran.
_________3. Si Lance ay pumitas ng
bulaklak sa hardin ng kanilang paaralan.
_________4. Tinapakan ni Marie ang mga
halaman sa daan.
_________5. Pinulot ni Ella ang nakakalat
na papel sa kanilang silid-aralan at itinapon
sa basurahan.
_________6. Nakiisa ang pamilya ni Robert
sa lingguhang paglilinis ng kanal sa
kanilang barangay.
_________7. Ikinalat ni Joy ang bote ng
softdrink sa kalye.
_________8. Sinunog ni Aling Josephine
ang kanilang basura sa loob ng bakuran.
_________9. Nagtanim ng buto ng mga
gulay si Mang Ramon sa malawak na bukid.
________10. Palagiang nagwawalis ng
silid-aralan si Rose bago umuwi.

V. Takdang Aralin ● Halimbawa ng mga larawan


Gumupit o humanap ng mga larawan na
nagpapakita ng pagtutulungan ng mga tao sa
isang pamayanan upang mapanatili ang
kaayusan at kalinisan dito. Idikit ito sa isang
malinis na papel at magsulat ng maikling
pagpapakahulugan.

Inihanda nina:
Belostrino, Angeline
Daclis, Ella Mae
Dy, Jasper
Odtohan, Angel
Ipinasa kay:
DR. MICHAEL M. NAEL

Araw ng Pagpasa:
Marso 3, 2021

You might also like