You are on page 1of 9

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG PAGPAPAKTAO 3

I. Layunin:
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Matukoy ng mga katangian ng isang taong matatag at maipaliwanag ang
kahalagahan ng pagiging matatag sa kanilang personal na buhay.
b. Makapagbuo ng mga konkretong hakbang na maaari nilang gawin upang
mapalakas ang kanilang sariling katatagan at kahandaan sa harap ng mga
hamon sa baitang na tatlo.
c. Makapagbalik-tanaw sa mga naunang karanasan na nagpapakita ng
kanilang katatagan at magamit ito bilang inspirasyon sa pagpapalakas ng
kanilang sariling pagkakataon sa hinaharap.
II. Paksang Aralin:
Paksa: MATATAG AKO, KAYA KO!
Kagamitan: Mga Larawan,Manila Paper,Scotch tape, Laptop
Sangunian : Edukasyong Pagpapakatao Unang Markahan sa Baitang na
tatlo(module) Pahina 1-19
Pagpapahalaga: Pagtanggap sa sarili at pagpapalakas ng tiwala sa sarili bilang
mahalagang salik sa pagkakaroon ng katatagan sa anumang sitwasyon.
III. Pamamaraan:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL


A. PAGHAHANDA

Magandang Umaga mga bata !


Magandang Umaga din po Binibining Mercy.
Nakapag agahan na baa ng lahat?

Mabuti naman at kayong lahat ay nakapag-


umagahan na.Laging tandaan,Huwag
kalimutang kumain bago pumasok sa paaralan.

Tumayo muna tayong lahat at magdasal.

Bago natin umpisahan an gating aralin ngayong (Tumayo ang mag-aaral)


araw, ay mag kakaroon muna tayo ng
kasunduan.
Una,Pag nasa harap si teacher, makinig at (Nakikinig ang mga mag-aaral)
tumahimik.Pangalawa, Huwag makipagusap sa
katabi or sa ka klase kung hindi naman ito
importante,Pangatlo itaas ang kamay pag
sasagot or may sasabihin kay teacher.
Maliwanag ba mga bata?
(Sabay sabay sumagot ang mag aaral na “Opo
May Lumiban bas a inyong klase mga bata? “)
Mabuti naman at walang lumiban sa klase niyo Wala po
ngayong araw.
Tignan niyo ang iyong mag upuan at e tsek kung
may mga basura at pulutin ito, pagkatapos
umupo kayo ng maayos.

B. BALIKARAL (Sumunod ang mga mag-aaral)


Bago natin umpisahan ang bago nating aralin,
balikan muna natin ang inyong napag aralan
kahapon, may nakakaalala bas a inyo mga bata?

( Tinaas ni Roselyn ang kanyang kamay)


Roselyn: tungkol po sa mga nararapat gawin
Okay tama ka ng isang mabuting mag-aaral.

Ang mga nararapat gawin ng isang mabuting


mag aaral, Ano ano ba ito?

(Tinaas ni Shaira ang kanyang kamay)


Shaira: Palagi pong makinig sa teacher at mag
Korek! Tama ka, Ano pa mga bata? aral po tapos po makinig po sa mga
matatanda.

(Tinaas ni Judy lee ang kayang kamay)


Judy lee: susundin po ang mg autos ng aming
magulang at mga nakakatanda samin ng may
pagkukusa po at hindi patabog.
Tama, Mahusay! Masaya ako at may natutunan
kayo sa itinuro ko sa inyo. Ngayon naman mga
bata gusto niyo bang sumayaw at kumanta?

C. PAGGANYAK (Sabay sabay sumagot ang mag-aaral ng


“Opo”)
Sige,tapikin ang balikat ng iyong katabi at
sabihing “kapatid, partner tayo”

(Sabay sabay ang mag aaral na tumapik sa


kanilang katabi at naghanap ng kapareho)
Ngayon mga bata,dahil nakapag hanap na kayo
ng inyong kapares, Kakanta tayo ng “Hesus ang
sandigan, hindi magigiba” Sundan niyo ako.
(Sinundan ng mga mag-aaral ang ginagawa ng
Si hesus ang sandigan, hindi magigiba (X2) guro)
Kasing tatag ng kabundukan,hindi magigiba.

Si hesus ang sandigan, hindi magigiba (X2)


Kasing tatag ng kabundukan,hindi magigiba. (Masayang sumasayaw ang mga bata at
(https://www.youtube.com/watch? kumakanta.)
v=3wNb_OnHMsE)

Nag enjoy ba kayo mga bata? (Sabay sabay sumagot ang mga mag aaral ng
“Opo”

D. PAGLALAHAD
(Tinaas ni Josh ang kanyang kamay)
Naobserbahan niyo ba ang ating kinanta at Josh: Opo teacher, sabi po sa kanta si hesus
sinayaw mga bata? po ang sandigan, hindi magigiba.

Korek, Tama ka, sa kinata natin si hesus ang


sandigan hindi magigiba, ibig sabihin palagi (Nakikinig ang mag aaral)
nating iisipin na si hesus ang ating sandigan
hindi tayo magigiba. At dahil dyan Matatag ka
at kaya mo!

E. PAGTATALAKAY
Ang ating paksa ngayong araw ay MATATAG
AKO, KAYA KO!

May ipapakita akong larawan, at sabihin sa akin (Sabay sabay sumagot ang mga mag-aaral ng
kung ano ang larawan na ito. “Puno po teacher”)

Tama kayo, ito ay puno, ngayon tatalakayin


natin ang Paksang Matatag ako, Kaya ko sa
tulong ng puno na ito, ang pagkakaroon ng
isang matatag na kalooban ay mahalaga sa
isang batang katulad mo. Ano ang mga nakikita (Tinaas ni Philippe ang kanyang kamay)
niyo na parte ng puno na ito mga bata ? Philippe: May ugat, sanga, bunga at dahon po
teacher.

Mahusay! Tama ang punong ito ay may ugat,


sanga, bunga at dahon, tulad sa ating mga tao
upang maging matatag tayo kailangan natin
Unawaiin ang ating sarili at ating mga
kakayahan, tulad din ng isang puno,pag
binagyo maaring malagasan ng dahon pero
patuloy itong lalago at nakatayo, kailangan
nating pagkatiwalaan ang ating mga sarili ng sa
ganun ay hindi tayo madaling matumba.
Pangalawa ay ang pagtanggap sa ating
(Tinaas ni roselyn ang kanyang kamay )
pagkakamali, ginagawa niyo ba ito mga Roselyn: Nag sosorry po ako kay mama
bata?Halimbawa pag aksidente niyong nabasag teacher, kahit po alam ko pong papagalitan
ang paboritong baso ng inyong nanay, inaamin niya ako.
niyo ba or tinatago?

Okay, tama kailangan kahit alam nating


mapapagalitan tayo, or natatakot tayong
sabihin ang totoo, ay dapat aminin natin na mali
tayo, dahil isa ito sa hakbang ng ating pagkatutu
at pagbabago upang maging maunlad na
indibwal.
Pangatlo ang paggalang at pagmamahal
sa sarili, tulad ng puno na ito, or mga puno sa
inyong paligid kahit bumagyo, or alipustahin ito
ng mga ibang tao, patuloy pa rin itong nakatayo
at lumalago, kaya kailangan mahalin natin ang (Tinaas ni Pearl ang kanyang kamay)
ating sarili, at tandaan na may purpose tayo sa Pearl: Maging nurse po teacher
buhay, may mga pangarap tayong kahit
mahirap abutin, makakamit natin tiwala lang.
Ano ba ang inyong pangarap mga bata? (Tinaas ni Albert ang kanyang Kamay)
Albert: Maging engineer po teacher.

Sino pa?

(Sabay sabay sumagot ang mga bata ng


Wow, lahat tayo may pangarap kaya naman “Hindi po”)
kailangan natin magsikap, pangapat naman na
katangian ng isang matatag na mag aaral ay ang
Pagtulong sa Iba, pag ba nadapa ang
inyong ka klase tatawanan niyo ba ito?

Tama, huwag natin tawanan, bagkus tulungan


natin makatayo. Paano ba tayo makakatulong
sa ating kapwa at pamayanan? Simple lang
makakatulong tayo sa tamang pag didisiplina sa
ating sarili na itapon ang ating basura sa tamang (Sabay sabay sumagot ang mga bata ng “Opo
basurahan, tumawid sa tamang tawiran, at ”)
dahil hindi tayo nabubuhay para sa sarili
lamang, kaya kailangan tumulong sa ating
kapwa kahit sa maliit na paraan.
Naiintindihan ba mga bata?

Ang mga katangian na ito ay nagpapakita ng


isang MATATAG na mag-aaral nasa inyo ba ang
mga katangian na ito? Dahil kung nasa inyo ang
katangian na ito ay sigurado akong Matatag
kayo at kaya niyo lahat ng mga problema na
darating sa inyo, tulad ng isang punong ito,
maarawan man, maulanan, bumagyo,bumaha
naka tayo pa rin at lumalago , maaring
malagasan pero patuloy itong mamumuhay at
bubunga.

Palatandaan:
Ang mga karakter na ito ay pagpapakita ng
isang MATATAG na mag- aaral:

 Pagunawa sa Sarili
 Pagtanggap sa Pagkakamali
 Paggalang at Pagmamahal sa Sarili
 Pagtulong sa iba

Sa, kabuuan ang pagkatutu at pag aalala sa


mensaheng “MATATAG AKO, KAYA KO!” ay
magdudulot ng p ositibong epekto sa inyong
mga buhay sa pamamagitan ng paglakas ng
inyong kumpiyansa,positibong
pananaw,kakayahan sa pagresolbo ng
problema, at paglaban sa mga hamon ng buhay.

Naiintindihan ba mga bata? (Sabay sabay sumagot ang mga bata ng


“Opo”)
Ngayon naman ay subukan nating ang
indibidwal na pagsasanay. Kunin niyo ang
inyong kwaderno at sagutan ang mga
sumusunod.

Panuto: Ilagay sa patlang kung ito ba ay


nagpapakita ng Paguna sa Sarili,Pagtanggap sa
Pagkakamali,Paggalang at Pagmamahal sa Sarili, Mga sagot:
Pagtulong sa iba. 1. Pagtulong sa iba
2. Pagtulong sa iba
_________1. Madaming dala si mang kanor na 3. Pagmamahal at Paggalang sa sarili
gulay, kaya naisipan ni angela na tulungan itong 4. Paguna sa Sarili
magbuhat. 5. Pagtanggap ng pagkakamali
_________2. Senegregate ni alberta ang
kanilang basura.
________3.Kumakain si Cindy ng mga
masusustansyang pagkain.
________4.Alam ni dado na hindi niya kayang
magtrabaho, ngayong araw, kaya nagpaalam
sya sa knyang boss na siya ay liliban.
_______5.Nagsorry si angelina sa knyang
ina,dahil nabasag nito ang paboritong baso ng
kanyang ina. (Sumunod ang mga bata)

Okay, ipasa sa harap ang inyong mga papel mga


bata.

F. PAGLALAHAT (Tinaas ni Ken ang kanyang kamay)


Ano na ulit ang mga karakter ng isang Matatag Ken: Pagtulong po sa iba teacher at Paguna sa
na mag aaral mga bata? sarili.

(Tinaas ni Roselyn ang kanyang kamay)


Tama, paano natin ito makipapakita? Roselyn: Pagmay nakita po kaming
nangangailangan po ng tulong, tutulong po
kami sa abot po ng aming makakaya.

Tama,korek ano pa? (Tinaas ni Dapny ang kanyang kamay)


Dapny : Pagmamahal at paggalang sa sarili at
Pagtanggap ng aming pagkakamali.

(Tinaas ni Miguelito ang kanyang kamay)


Tama, paano natin ito makipapakita? Miguelito: Pag po may nagawang kasalanan
teacher, magsosorry po at sasabihin po ang
totoo.

Mahusay mga bata, at may natutunan kayo sa


ating paksa ngayon. Naway lahat ng natutunan
niyo ay e apply niyo sa inyong mga sarili at
huwag kakalimutan.

G. PAGLALAPAT
Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang
mga tanong.
Sitwasyon: Habang naglalaro, hindi sinasadyang
tamaan ng bola si Aaron ang isang paso ng
bulaklak na alaga ng kaniyang
nanay. Nang dumating ang kanilang nanay,
sinabi niya dito ang nangyari.
1. Sa iyong palagay, ano ang naramdaman ni
Aaron habang
hinihintay ang pagdating ng kaniyang nanay?
2. Kung ikaw si Aaron, gagawin mo rin ba ang
ginawa niya? Bakit?
3. Paano ipinakita ni Aaron ang katatagan ng
kalooban?
Pagkatapos sagutan,ipasa sa harap ang inyong
papel.

IV. PAGTATAYA
I. Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong.

1. Ano ang ibig sabihin ng "Matatag Ako, Kaya Ko"?

a) Mahina ako.
b) May kakayahan at tiwala ako sa sarili.
c) Hindi ko kaya ang anumang bagay.
d) Walang kahulugan.

2. Anong maaaring maging epekto ng pagiging matatag at may tiwala sa sarili?

a) Pagkakalulong sa negatibong pag-iisip.


b) Pagpapalakas ng kumpiyansa at positibong pananaw.
c) Pagtanggap sa kawalan ng kakayahan.
d) Pag-aalala sa lahat ng oras.

3. Bakit mahalaga ang pagtanggap sa mga pagkakamali?

a) Para maging negatibo ang pananaw sa buhay.


b) Upang maging perpekto ang lahat ng oras.
c) Upang makapag-ambag sa pag-unlad at pagbabago.
d) Para hindi na magsikap pa.

4. Paano mo ipapakita ang iyong tiwala sa sarili sa pang-araw-araw na buhay?

a) Sa pamamagitan ng paglalaho.
b) Sa pamamagitan ng pagtanggi.
c) Sa pamamagitan ng pagiging tapat sa sarili at sa iba.
d) Sa pamamagitan ng pangungutya.

5. Ano ang pinakamainam na tugon sa mga hamon ng buhay?

a) Sumuko.
b) Magtaka.
c) Lumaban at magpatuloy.
d) Umiwas.

6. Bakit mahalaga ang pagtitiwala sa sarili?

a) Upang maging mas malungkot.


b) Upang maging mas maraming pagkakataon ng pagkakamali.
c) Upang maging matagumpay sa buhay.
d) Upang maging walang pag-asa.

7. Ano ang dapat gawin kapag mayroong pagkakamali?

a) Ipinagtatanggol ang sarili.


b) Iniisip ang pinakamagandang gagawin.
c) Sumuko.
d) Lumayo sa mga tao.
8. Paano mo matutulungan ang isang kaibigan na may problemang personal?

a) Bumaling sa ibang tao.


b) Maging matapat at makinig.
c) Itago ang mga problema.
d) Makialam sa personal na buhay ng iba.

9. Ano ang pinakamahalagang bagay sa pagtulong sa iba?

a) Ang pagtulong sa kanilang problema.


b) Ang pagsasabi ng mga bagay na nais mong marinig.
c) Ang pagkakaroon ng maayos na pakikitungo at pagpapakita ng pagmamahal.
d) Ang pagtulong nang walang hinihinging kapalit.

10. Ano ang magiging resulta ng pagiging matatag at may tiwala sa sarili?

a) Pagkakalulong sa takot.
b) Paglakas ng kumpiyansa at positibong pananaw sa buhay.
c) Pag-aalala sa lahat ng oras.
d) Pagkawala ng kakayahan.

Sagot:
1.(b) May kakayahan at tiwala ako sa sarili.
2.(b) Pagpapalakas ng kumpiyansa at positibong pananaw.
3.(c) Upang makapag-ambag sa pag-unlad at pagbabago.
4.(c) Sa pamamagitan ng pagiging tapat sa sarili at sa iba.
5.(c) Lumaban at magpatuloy.
6.(c) Upang maging matagumpay sa buhay.
7.(b) Iniisip ang pinakamagandang gagawin.
8.(b) Maging matapat at makinig.
9.(c) Ang pagkakaroon ng maayos na pakikitungo at pagpapakita ng pagmamahal.
10.(b) Paglakas ng kumpiyansa at positibong pananaw sa buhay.

V. TAKDANG ARALIN:
"Lakas at Tiwala sa Sarili" Drawing

Magpatulong kay ate or kuya na mag search sa internet ng mga larawan na nagpapakita ng sariling lakad
at tiwala sa sarili e print ito at idikit sa inyong kwaderno.

IPINASA NI: IPINASA KAY:


SARMIENTO,MERRY MERCY M. Dr. NESTY ESTEBAN

You might also like