You are on page 1of 8

SIBONGA COMMUNITY COLLEGE

Sibonga, Cebu
Bachelor of Elementary Education
General Education

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 1


I. Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang iba't ibang bahagi ng paaralan,pangalan at lokasyon;
b. Nasasabi ang kahalagahan ng paaralan;
c. Nakukulayan ng tama ang pisikal na kapaligiran ng paaralan

II. Paksang Aralin


Paksa: “Ang Aking Paaralan”
Sanggunian: Curriculum Guide
Kagamitan: Laptop at projector
Pagpapahalaga: Kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Bata


A.Panimulang Gawain
 Pagbati Magandang umaga din po maam.
Magandang umaga mga bata!

 Pagdarasal Tatayo ang mga bata


Magsitayo ang lahat para sa
panalangin

 Pamamahala sa silid-
aralan
Bago kayo umupo,maari ba Aayusin ang mga upuan at magpupulot
ninyung pulutin ang makikitang ng makikitang basura
mga basura at ayusin ninyo
ang inyun mga upuan

 Pagtsetsek ng mga
lumiban at hindi sa
klase Wala po maam
Sino ang lumiban ngayong
araw
A. Balik-Aral
Kahapon ay pinag-aralan natin
ang araling tungkol sa “Ang Aking
Pamilya” na kung saan ay pinag-
aralan natin ang mga kasapi ng
isang pamilya.
Tatay po!
Sinu-sino ang mga kasapi ng
isang karaniwang pamilya?
Magbigay ka ng isa, Jay Ann?

Magaling!
Nanay po!
Sino pa ang kasapi ng isang
karaniwang pamilya? Donabel?

Tama!

Bukod sa nanay at tatay, sino o Anak o mga anak po!


sinu-sino pa ang mga kasapi ng
isang karaniwang pamilya?
Jessica?

Magaling!

Napag-aralan din natin ang mga


tungkulin ng mga kasapi ng
pamilya. Ang tatay at nanay po ang nagtutulungan
sa pagha-hanapbuhay, paggawa sa
Anu-ano ang mga tungkulin ng bahay at pag-aalaga sa mga anak.
tatay at nanay? Evangeline?

Tama!
Ang anak naman po ang tumutulong sa
Ano naman ang mga tungkulin ng gawaing - bahay.
mga anak? Johnrey?

Magaling mga bata, natutuwa ako


dahil natatandaan niyo pa ang
pinag-aralan natin kahapon.

B. Pagganyak

Mga bata, may ipapakita ako sa


inyo na iba’t-ibang larawan. Ang
mga larawan na ito ay may
(mga upuan) (mga libro)
kinalaman sa ating aralin.

(kompyuter) (pagkain)

(mga bola) (lagayan ng gamot)


Anu-anong mga larawan ng bagay Mga upuan po.
ang inyong nakikita? Magbigay ng isa,
Joesman?

Magaling!

Ano pang bagay ang nakikita mo,


Vivian? Mga libro po.

Tama!

Magbigay ka pa ng isang bagay na


Kompyuter po.
nasa larawan, Chat?

Magaling!

Anong bagay pa ang nasa larawan, Pagkain po.


Rose?

Tama!
Mga bola at lagayan ng gamot po.
Bukod sa mga libro, mga upuan,
kompyuter at pagkain, anu-ano pa ang
mga bagay na nasa larawan, Maria?

Magaling!
Sa paaralan po.
Sa tingin ninyo, saan kaya madalas
makikita ang mga bagay na nasa
larawan?

Tama ang lahat ng inyong mga sinabi,


ang mga bagay tulad ng mga upuan,
mga libro, kompyuter, pagkain, mga
bola at lagayan ng gamot ay Opo.
kadalasang nakikita natin sa loob ng
paaralan.

Ngayon ay tutungo na tayo sa ating


bagong aralin, handa na ba kayo?

C. Paglalahad / Talakayan

(magpapakita ang guro ng “slide


presentation” para sa bagong aralin)

- Ang pag-aaralan natin ngayon ay


tungkol sa “Ang Aking Paaralan”.

- Ang paaralan ay mahalaga


sapagkat dito natututo ng
maraming bagay ang mga
batang tulad ninyo.

- Ang paaralan ay tulad ng


pangalawang tahanan at ang
mga guro naman ang ating
pangalawang magulang.

- Ang pangalan ng ating paaralan Ang pangalan ng ating paaralan ay


ay Sibonga Central Elementary Sibonga Central Elementary School.
School. Ang lokasyon ng ating
paaralan ay nasa Sibonga,
Cebu.

- Ano ang pangalan ng ating


paaralan, Gab?

- Magaling!
- May iba’t-ibang bahagi ang
paaralan tulad ng silid-aralan,
silid-aklatan, kompyuter room,
kantina, gymnasium at klinika.

- Anu-ano ang mga bahagi ng isang Silid-aralan po.


paaralan? Magbigay ng isa,
Jasmine?

- Tama!

- Ano pa ang bahagi ng paaralan? Silid-aklatan po.


Mark?

- Magaling!

- Magbigay ka pa ng isang bahagi Kantina po.


ng paaralan, Exodus?

- Tama!

- Bukod sa silid-aralan, silid-aklatan Klinika, Gymnasium at kompyuter room


at kantina, anu-ano pa ang mga po.
bahagi ng paaralan, Jay Ann?

- Magaling!

- Makakatulong ang mga bahaging


ito para lalo pang matuto ang mga
mag-aaral.

- Ito ang silid-aralan. Dito nagtuturo


ang mga guro at natututo ang mga
mag-aaral.

- Anong bahagi ng paaralan


nagtuturo ang guro at natututo ang
mga bata, Patrick? Sa silid-aralan po.

- Tama!

- Ito naman ang silid-aklatan. Dito


natin madalas makikita ang mga
aklat at magasing magagamit ng
mga mag-aaral sa kanilang pag-
aaral.

- Saan madalas makikita ang iba’t-


ibang mga aklat, Jane?

- Magaling! Sa silid-aklatan po.


- Ang ibang paaralan ay may mga
espesyal na silid tulad ng
kompyuter room. Dito natututo
ang mga bata na gumamit ng
kompyuter.

- Anong bahagi ng paaralan Sa kompyuter room po.


natututong mag kompyuter ang
mga batang katulad niyo? Gab?

- Tama!

- Ito ang kantina. Dito bumibili ng


masusutansiyang pagkain at
kumakain ang mga mag-aaral.

Sa kantina po.
- Saan madalas bumibili ang mga
bata ng masustansiyang
pagkain? Jasmine?

- Magaling!

- Ang paaralan ay karaniwang


mayroon ding gym o gymnasium
kung saan ginagawa ang
malalaking okasyon tulad ng
pagtatapos o graduation.

Sa gymnasium po.

- Anong bahagi ng
paaralanmadalas ginaganap ang
graduation? Mark?

- Tama!

- Ito ang klinika. Dito binibigyan ng


panglunas o gamot ang mga
simpleng sakit ng mag-aaral.

Sa klinika po.

- Saan naman binibigyan ng


paunang lunas kapag nagkasakit
ang mga bata? Exodus?
- Magaling
- Ang ating paaralan ay mahalaga
dahil ito ang ating pangalawang
tahanan kaya’t ating mahalin at
ipagmalaki dahil dito tayo
natututo ng maraming
mabubuting bagay.

D. Paglalahat

- Mga bata, may ipapakita ako sa


inyong mga larawan at sasabihin
ninyo sa akin kung ano ang
inyong nakikita.
Sibonga Central Elementary po.
- Ano ang pangalan nga ating
paaralan, Sam?

- Tama!
Silid-aralan po.
- Anu-ano pa ang mga larawan na Silid-aklatan po.
inyong nakikita? Kompyuter room po.
Kantina po.
Gymnasium po.
Klinika po.

- Ano ang tawag natin sa mga Mga bahagi ng paaralan.


lugar na nabanggit?

- Maari mo bang basahin ang 1. Ang pangalan ng ating paaralan ay


nakasulat sa pisara, Zaldy? Sibonga Central Elementary School.
2. May iba’t ibang bahagi ang paaralan
tulad ng silid-aralan, silid-aklatan,
kompyuter room, kantina, gymnasium at
klinika.
- Sabay sabay nating basahin ang
nakasulat sa pisara.

E. Paglalapat

- Bakit mahalaga ang paaralan sa


buhay ng isang batang tulad mo?
Zaldy? Ang paaralan po ay mahalaga dahil dito
po natututo ng maraming bagay ang
- Paano mo maipapakitang mga bata.
mahalaga sa iyo ang paaralan
mo?Vincent?
Sa pamamagitan po ng pagpapanatili ng
F. Talang Gawain kalinisan po ng paaralan.
- Ngayon naman ay bibigyan ko
kayong lahat ng isang Talang
Gawain. Maaari niyo bang ilabas
ang inyong mga pangkulay?
- Babasahin ko ang panuto
nainyong susundan.

- Panuto:
Kulayan ang larawan ng paaralan
tulad ng larawan na nasa itaas.

- Bibigyan ko kayo ng sampung


(10) minuto para sa pagkukulay.

- Maaari niyo nang ipasa ang


inyongmga talang gawain.

G. Pagtataya
- Ngayon naman ay bibigyan ko
kayong lahat ng Sagutang Papel
para naman sa isang maikling
pagtataya. Ito ay inyong
sasagutan sa loob ng limang(5)
minuto.
- Babasahin ko ang panuto na
inyong susundan.

- Panuto:
Pagdugtungin ang mga larawan
ng bagay na nasa Hanay A sa
mga larawan ng bahagi ng
paaralan na nasa Hanay B.

H. Takdang-Aralin

- Gumupit ng iba’t ibang larawan


ng bagay na makikita sa loob ng
paaralan .Lagyan ng pangalan
kung saang bahagi ng paaralan
ito makikita. Idikit ito sainyong
kwaderno.

You might also like