You are on page 1of 2

DETAILED LESSON PLAN IN Araling Panlipunan 1

MAY MGA TUNTUNING SINUSUNOD ANG PAMILYA


I.

II.

LAYUNIN:
Ang mga mag-aaral ay inaasahan na makasunod sa tuntunin ng
pamilya.
PAKSA:
MAY MGA TUNTUNING SINUSUNOD ANG PAMILYA
Araling Panlipunan 1
Aralin 9
pp. 131-145
MATERYALES: Visual Aid

III.

PAMAMARAAN:
TEACHERS ACTIVITY
A. PANIMULANG GAWAIN

PUPILS ACTIVITY

Magandang hapon mga bata!

Magandang hapon din po teacher!

Sino ang mga liban sa klase?

(Babanggitin ng mga bata ang mga


kaklaseng liban sa klase)

B. PAGLALAHAD
Sino-sino nga po ang mga miyembro ng isang pamilya?
Nella: Nanay
Jared: Tatay
Miko: Ate
Phoebe: Kuya
Liann: Bunso
Magaling!
Alam niyo ba na kayong mga bata ay may mga
tuntuning kailangang sundin sa ating pamilya?
Ang mga tuntunin ay mahalaga sapagkat ito ay gabay
sa mabuting asal.
Natututo ang mga bata ng kagandahang asal kung
maliit pa lamang sila ay itinuturo na sa kanila ang
pagsunod sa mga tuntunin.
Paano niyo ba naipapakita ang paggalang sa inyong
mga magulang?

Sa pamamagitan ng pagmano o pag


halik tuwing darating o aalis sa bahay.
Paggamit ng po at opo.
Pag-sunod sa mga iniuutos.

Magaling!
At maipapakita din natin ang pag-galang sa ating
pamilya sa pamamagitan ng pag tawag sa kanila ng
mga angkop na pangalan kagaya ng:
Ate
Kuya
Lola

Lolo
Tiyo
Tiya

Manang
Manong
Apo

Ditse
Impo

Paano naman ang mga tao sa ating komunidad. Ang

mga tao sa ating paligid. Ang hindi kabilang sa ating


pamilya?
Kailangan din natin silang igalang. Lalo na kung sila ay
nakatatanda. Sapagkat sila ay tumutulong sa atin.
Paano natin maipapakita ang paggalang sa kanila?
Ating basahin ang dayalog sa pahina 134 at 135 ng
inyong aklat.
Atin naming isa-isahin ang mga tuntunin sa loob ng
tahanan.
Buksan ang inyong aklat sa pahina 138.

Opo.

Naunawaan niyo nap o ba ang mga tuntunin na ating


dapat sundin sa loob at labas ng tahanan?
Magaling!
C. PAGTATAYA
Sagutan at kulayan ang Kasanayan A ng pahina 142 ng
inyong aklat.
VI. TAKDANG ARALIN:
Kulayan ang Kasanayan B ng pahina 143 ng inyong aklat.

ANDREA F. HERMOSA
Intern

You might also like