You are on page 1of 9

DETAILED LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 1

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang impormasyon tungkol sa sariling paaralan: pangalan,
lokasyon, at mga bahagi.
b. Nasasabi ang kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata.
c. Nakukulayan ng tama ang pisikal na kapaligiran ng paaralan.

II. Paksang Aralin


Paksa: “Ang Aking Paaralan”
Sanggunian: Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 1
Alma M. Dayag (pahina 161-166)
Kagamitan: Mga iba’t ibang larawan na kadalasan nakikita sa paaralan (flashcards), mga
larawan ng bahagi ng paaralan (slide presentation), Laptop, puzzle at Sagutang Papel
Pagpapahalaga: Kahalagahan ng paaralan sa buhay ng mga bata.

III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin (Nagsimula ng magdasal ang mga mag-aaral.)
Magsitayo muna ang lahat para sa panalangin.
(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral upang
pangunahan ang panalangin.)

2. Pagbati

Magandang umaga, mga bata! Magandang umaga din po, Teacher Rochelle!

Kamusta naman ang aking mga estudyante ngayong araw na Okay lang po, Teacher!
ito?

Aba’t mabuti naman kung ganon.

Bago natin simulan ang ating klase magkakaroon muna tayo


ng kasunduan para maayos ang daloy ng ating talakayan.

Una, makinig kapag may guro sa harapan. Pangalwa, huwag


makipag-daldalan sa klase kung hindi importante. At higit sa
lahat itaas ang kamay kapag aalis sa upuan o kung gusto
sumagot.

Nagkakaintindihan ba tayong lahat? Kung oo, gusto kung


sumagot kayo ng “Opo, Opo!” Opo! Opo!

Bago tayo magpatuloy, wala bang liban sa klase ngayong


araw? Wala po, Teacher!

Magaling dahil kumpleto kayo ngayong lahat.

3. Balik-Aral
Kahapon ay pinag-aralan natin ang aralin tungkol sa "Ang
Aking Pamilya" na kung saan ay pinag-aralan natin ang mga
kasapi ng isang pamilya.

Sinu-sino ang mga kasapi ng isang karaniwang pamilya?


Magbigay ka ng isa, Gizebelle? Tatay po!

Magaling!

Sino pa ang kasapi ng isang karaniwang pamilya? JM? Nanay po!


Tama!

Bukod sa tatay at nanay, sino o sinu-sinu pa ang mga kasapi


Anak o mga anak po!
ng isang karaniwang pamilya?

Magaling!

Napag-aralan din natin ang mga tungkulin ng mga kasapi ng


pamilya.

Anu-ano ang mga tungkulin ng nanay at tatay? Gia?


Ang tatay at nanay po ang nagtutulungan sa pagha-
hanapbuhay, paggawa sa bahay at pag-aalaga sa mga
anak.
Tama!

Ano naman ang tungkulin ng mga anak? Joebelle?


Ang anak naman po ang tumutulong sa gawaing-
bahay.
Magaling mga bata, natutuwa ako dahil natandaan niyo pa
ang pinag-aralan natin kahapon.
B. PAGGANYAK Libro po.
Mga bata, may ipapakita ako sa inyo na iba’t ibang larawan.
Ang mga larawan na ito ay may kinalaman sa ating aralin.

Kompyuter po.

Pagkain po.

Mga bola po.

Lagayan ng Gamot po.


Anu-anong mga larawan ng bagay ang inyong nakikita?
Magbigay ng isa, Edward?
Upuan po, Teacher.
Tama!

Ano pang bagay ang inyong nakikita? Haziel?

Magaling! Sa paaralan po!

Magbigay ka pa ng isang bagay na nasa larawan, Kim?

Mahusay!

Anong bagay pa ang inyong nakikita sa larawan?

Magbigay ka pa nga ng isang bagay na nasa larawan, Jeanly? Opo, Teacher!

Bukod sa libro, kompyuter, pagkain, mga bola, at lagayan ng


gamot, ano pang bagay ang nasa larawan, Michelle?

Magaling!

Sa tingin niyo saan kaya madalas makita ang mga bagay na


ito?

Tama! Ang lahat ng inyong mga sinabi ay ang mga bagay


tulad ng upuan, libro, kompyuter, mga bola, at lagayan ng
mga gamot ay kadalasang nakikita natin sa loob ng paaralan.

Ngayon ay tutungo na tayo sa ating bagong aralin, handa na


ba kayo?
C. PAGLALAHAD/TALAKAYAN
(Magpapakita ang guro ng “slide presentation” para sa
bagong aralin)
Ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa “Ang Aking
Paaralan”

Ang paaralan ay mahalaga sapagkat dito tayo natututo ng


maraming bagay ang mga bata tulad ninyo.

Ang paaralan ay tulad ng pangalawang tahanan at ang mga


guro naman ay ang inyong pangalawang magulang. Mga estudyante: Manuel S. Enverga University
Foundation – Catanauan Inc. po Teacher.

Ang pangalan ng ating paaralan ay Manuel S. Enverga


University Foundation. Ang lokasyon ng ating paaralan ay
nasa Catanauan, Quezon.

Ano nga ang pangalan ng ating paaralan?

Tama mga bata!


May iba’t ibang bahagi ang paaralan tulad ng silid-aralan,
silid-aklatan, kompyuter room, kantina, gymnasium, at
klinika.

Makatutulong ang mga bahaging ito para lalo pang matuto


ang mga mag-aaral.

Ito ang silid-aralan. Dito nagtuturo ang mga guro at natututo


ang mga mag-aaral.
Ito naman ay ang silid-aklatan. Dito natin madalas makikita
ang mga aklat at mga magasin na magagamit ng mga mag-
aaral sa kanilang pag-aaral.

Ang sumunod naman na larawan ay ang kompyuter rum.


Ang ibang paaralan ay may mga espesyal na silid tulad ng
kompyuter rum. Dito natututo ang mga bata na gumamit ng
kompyuter.

Ito naman ay ang kantina. Dito bumibili ng masusustansiyang


pagkain at kumakain ang mga mag-aaral.

Ang paaralan ay ay karaniwang mayroon ding gym o


gymnasium na kung saan ginagawa ang malalaking okasyon
tulad ng pagtatapos o graduation.

Mga estudyante: Silid-aralan, silid-aklatan, kompyuter


rum, kantina, gym o gymnasium at ang klinika po
Teacher.

Ang ikahuling larawan naman ay ang klinika. Dito binibigyan


ng pangunahing lunas o gamot ang mga simpleng sakit ng
mga mag-aaral.

Ano nga uli ang iba’t ibang bahagi ng paaralan mga bata?

Mahuhusay mga bata!

Ang ating paaralan ay mahalaga dahil ito ang ating


pangalawang tahanan kaya't ating mahalin at ipagmalaki
dahil dito tayo natututo ng maraming mabubuting bagay. Manuel S. Enverga University Foundation – Catanauan
Inc. po Teacher.
D. PAGLALAHAT
Mga bata, may ipapakita ako sa inyong larawan at sasabihin
ninyo sa akin kung ano ang inyong nakikita, Fhea? Silid-aralan po.
Silid-aklatan po.
Kompyuter Rum po.
Kantina po.
Gymnasium po.
Klinika po.

Mga bahagi po ng paaralan.

1. Ang pangalan ng ating paaralan ay Manuel S.


Enverga University Foundation – Catanauan
Ano nga ang pangalan ng ating paralan? Inc.
2. May iba’t ibang bahagi ang paaralan tulad ng
silid-aralan, silid-aklatan, kompyuter rum,
kantina, gymnasium at klinika.
Anu-ano pa ang mga larawan na inyong nakikita?
Ang paaralan po ay mahalaga dahil dito po natututo
ng maraming bagay ang mga bata.

Ano ang tawag natin sa mga lugar na nabanggit?

Maaari nyo bang basahin ang nakalagay sa slide Sa pamamagitan po ng pagpapanatili po ng kalinisan
presentation? po ng ating paaralan.

E. PAGLALAPAT
Ngayon mga bata, mayroon akong ilang katanungan para
sainyo.

Una, bakit mahalaga ang paaralan sa buhay ng isang batang


tulad niyo? Itaas ang kamay ng gustong sumagot.

Magaling!

Paano mo maipapakitang mahalaga sa iyo ang paaralan mo? Opo, Teacher.


Jessa?

Tama! Tunay ngang mayroon kayong natututunan sa klase


natin.

Ngayon naman ay may ipapagawa ako sainyong group


activity na kung saan ang tawag dito ay “Paaralan Puzzle”.
Hahatiin ko kayo sa dalwang grupo at sa bawat grupo ay may
ibibigay ako sainyo ng piraso ng puzzle na kung saan ito ay
may kaugnayan sa iba’t ibang bahagi ng paaralan. Pagtapos
ninyong mabuo ito ay mayroong isang magpipresenta sa
unahan upang ipaliwanag kung ano ito at saan ito ginagamit.
Mayroon lamang kayong sampung (10) minuto para tapusin
ito.

Maliwanag ba mga bata?

IV. PAGTATAYA
Ngayon naman ay bibigyan ko kayong lahat ng Sagutang
Papel para naman sa isang maikling pagtataya. Ito ay inyong
sasagutan sa loob ng limang (5) minuto.

Babasahin ko ang panuto ng inyong susundan.

Panuto: Pagduktungin ang mga larawan ng bagay na nasa


Hanay A sa larawan ng bahagi ng paaralan na nasa Hanay B.
V. TAKDANG ARALIN
Gumupit ng iba’t ibang larawan ng bagay na makikita sa loob
ng paaralan. Lagyan ng pangalan kung saang bahagi ng
paaralan ito makikita. Idikit ito sa inyong kwaderno.

ACLAG, ROCHELLE F. | BEED 2

You might also like