You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Lungsod ng Lipa
Pambansang Paaralang Sekondarya ng Lungsod ng Lipa

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10

Panitikan

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa at pagpapahalaga ng mga


bansang kanluranin

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla


(social media)

C. Mga Pamantayan sa Pagkatuto

F10PT-IIe-73
A. Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa
kahulugan
F10PN-IIe-73
B. Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda
F10PS-IIe-75
C. Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na dagli

II. Paksang Aralin

A. Panitikan: ARALIN 2.2 Ako po’y Pitong Taong Gulang


(Dagli mula sa Rehiyon ng isa sa mga Isla ng Caribbean)
B. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
C. Kagamitang Panturo:
1. Sanggunian
Mga pahina sa Gabay ng Guro: Panitikang Pandaigdig:Modyul para sa
Mag-aaral

Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources:


https://www.google.com/search?q=child+labor&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0a
hUKEwiU2bun_rnkAhVbQd4KHWQ-CakQ_AUIEigB&biw=1366&bih=657

2. Iba pang Kagamitang Panturo

Biswal, Laptop,Telebisyon
III. Proseso ng Pagkatuto
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Pang-araw-araw na Gawain
Pambungad na Gawain
1. Pagbati sa klase
(THEME SONG NG SHOWTIME)
Its showtime!
Nakilala nyo ba ako? Hindi po!
Tingnan ang aking mga mata?
Tingnan ang aking mga labi?
Ako lang naman ang tinatawag nilang dyosa ng
kagandahan at nag iisang Anne Bunganga ng
Showtime na si Anne Curtis!

Bilang tanda na kasama kayo sa programa ay


bibigyan ko kayo ng tag-iisang “Coupon” na kayo ay
may tsansang manalo ng mga naglalakihang
papremyo.

2. Pagdarasal
Bago magsimula ang programa
Gabay sa panginoon ay dapat mauna.
Magsitayo ang lahat,
Dahil ang dasal ay tunay na agimat!
(Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na
siyang mangunguna sa panalangin)
(Pangungunahan ng isang mag-
aaral)
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Sa pagkakataong ito,
Upang hindi maligaw sa patutunguhan,
bibigyan ko muna kayo na dapat ninyong
tandaan.
Magkakaroon muna tayo ng tsek at ito ay
tatawagin nating “DAGLI Tsek”.

D- umating na ang oras, ngiti sa katabi’y


ibigay
A- yusin ang hanay ng mga upuan
G- amitin ang kamay sa pagpulot ng mga
basura/kalat sa iyong paligid
L- aging isa-isip at isa puso ang bawat aral na
ating matutunan
I- handa na ang sarili at bumati na ng
MAGANDANG ARAW AT MABUHAY!

4. Pagtatala ng Liban

Upang malaman natin kung sino ang hindi


makakasama sa programa, nais kong kantahin ninyo
ito:

Tingin sa Kanan, Tingin sa Kaliwa


Hanapin Hanapin
Kung sino ang wala.

Itaas ang kanang kamay kung ang katabi ay wala.


(Ang ilang mag- aaral ay itataas
ang kanang kamay upang sabihin
kung sino ang liban ngayong
araw)
A. Aktibiti

A.1 Balik aral sa nakaraang aralin at/o


pagsisimula ng bagong aralin

1. Ano nga muli ang paksang tinalakay


noong nakaraang araw?
Ang huli pong tinalakay noong
nakaraang araw ay Panag-uri at
Paksa po.
2. Ano ang pinagkakaiba ng Panag-uri at
Paksa?
Ang pagkakaiba po ng Panag-uri
at Paksa, Ang panag –uri po ay
nagpapahayag po ng tungkol sa
paksa samantalang ang paksa po
ay ang pinag –uusapan sa
pangungusap.
Dahil batid kong lubha kayong naligayahan sa
pagbalik sa nakaraan,
ARAL: Dahil sa nakaraan ka lumigaya, Sa nakaraan
ka rin nasaktan, Sa nakaraan ka binalikan, Sa
nakaraan ka rin nya iniwanan, Kaya importante ang
nakaraan kasi dun ka may natutunan.

A.2 Pagganyak
May kakilala ba kayo na sa murang edad pa
lamang ay nagtatrabaho na?
(Ang ilang mag-aaral ay itataas
ang kanilang kanang kamay)
Bakit kaya mas pinipili nilang
maghanapbuhay kaysa mag aral?
Kaya po mas pinipili po nilang
magtrabaho kaysa mag aral dahil
po sa hirap ng buhay ngayon.
(Ang ilang mag –aaral ay may iba
pang kasagutan)

Ngayong araw na ito ay magkakaroon tayo


ng isang laro na kung saan gagayanin nyo kung ano
ang nakalagay sa larawan at tatawagin nating “Copy
Cut”

Sa pagpapangkat ay nakaalinsunod sa
kulay ng “Coupon” na ibinigay ko sa inyo kanina.
TIngnan ang inyong mga hawak na coupon.
(Magsasama-sama na ang mga
mag-aaral sa kani- kanilang
grupo)
Bibigyan ko lamang kayo ng sampung (10) segundo
upang gawin ang gawain at kung sino ang may
wastong kasagutan/panggagaya ay makakatanggap
ng premyo.

Ano ang napansin niyo sa mga larawang ginawa


ninyo kanina? Tungkol po sa mga batang
maagang nagtatrabaho.

Sa inyong palagay, ayos lang ba na


maghanapbuhay sa ganoong edad? Pangatwiranan..
Hindi po. Kasi po ang mga batang
tulad naming ay dapat nasa
eskwelahan at nag-aaral.
(Ang ilang mag-aaral ay may iba
pang kasagutan).
Ang mga kasagutan nyo ay may malaking
kaugnayan sa paksang ating tatalakayin

B. Analisis

B.1 Pagtatalakay sa akda ukol sa “Ako po’y


pitong taong gulang” (Dagli mula sa rehiyon ng
nasa mga isla ng Caribbean)

Ngayon ay tutungo na tayo sa ikalawang bahagi


ng programa at ito ay tatawagin nating “Sine Mo to!”
Ang inyong tagapagsalaysay, Anne Curtis.
Makinig sa aking kwento. Ako’y tatawag sa klase na
gaganap sa mga tauhan na aking ikukwento.
(Ang mga Mag –aaral ay nakikinig
na at naghahanda na sa
talakayan)
ATING UUMPISAHAN ANG KWENTO...
May isang babae na nagngangalang
Amelia at ito ay si______(pipili ang guro).
Sya ay magpapakilala gamit ang pagkanta.
“Hello. Ang pangalan ko po ay
Amelia at nakatira ako sa isang
isla sa Caribbean. Ako po’y pitong
taong gulang. Noon po’y ibinigay
ako ng aking mahihirap na
magulang sa isang mayamang
pamilya na nakatira sa lungsod.”
Si Amelia ay may pinaglilingkurang pamilya.
Ang among babae na si (pipili ang guro) at
ang among lalaki na si (pipili ang guro) at sila’y
papasok at rarampa na parang mga modelo.

Ang among babae ay uutusan na pagalit si


Amelia.
“Umigib ka ng tubig sa isang
balon na malapit sa atin.
Balansehin mo ang mabibigat na
banga sa iyong ulo!”
At gagawin ito ni Amelia

Ang among lalaki ay uutusan ng malambing si


Amelia.
Maghanda ka na ng almusal at
ihain mo na!
Pero nahuli si Amelia na gawin yun. Sya ay pinalo
ng kanyang amo ng sinturon.
Biglang dumating ang Panganay na anak ng
kanyang amo na si (pipili ang guro)at inutusan na
ihatid sa paaralan ang limang taong gulang na anak
na lalaki na si (pipili ang guro)

Silang dalawa ay magsasampol ng sayaw ng budots.

Pagkatapos ihatid ni Amelia ay maghahanda at


ipaghahain na ng tanghalian ang pamilya.

Magsasarili o magmomomento si Amelia at siya ay


umiiyak sa isang sulok at may sinsasabi sya kanyang
sarili.

“Kung hindi pa po oras ng


pagkain, kailangan ko pong
mamili ng pagkain sa palengke at
gawin ang mga utos nila,
asikasuhin ang apuyan, walisan
ang bakuran, labhan ang mga
damit at hugasan ang
pinagkainan at linisin ang kusina.”
Ang kanyang among babae ay galit na galit na
dumating sa sala at inutusan si Amelia na hugasan
ang kanyang mga paa ngunit si Amelia ay sinampal
niya na walang dahilan. Ipinapanalangin ni Amelia na
hindi n asana galit ang kanyang amo bukas.

Si Amelia ay magsasalita na mala-sisa.

“Ipinakain po sa akin ang kanilang


natirang pagkain, mas mabuti
naman po ito kaysa giniling na
mais na kinain ko po kahapon.
Gula-gulanit po ang aking damit
at wala akong sapatos. Hindi po
ako kailanman pinayagan ng
aking mga amo na ipaligo ang
tubig na iniigib ko para sa
pamilya. Kagabi po ay sa labas
ako natulog, kung minsan po ay
pinatutulog nila ako sa sahig sa
loob ng bahay. Nakalulungkot
pong isipin na hindi ako ang
mismong sumulat nito. Ayaw po
nila kasi akong payagang mag-
aral.
Dito nagtatapos ang “Ako po’y Pitong taong gulang”
Maging maayos po sana ang
Nauunawaan ba? araw ninyo. Amelia.”

B.2 Pag-aanalisa sa akdang tinalakay

Kung lubos nauunawaan ang ating tinalakay ay may Opo!


inihanda akong katanungan. Ang gawaing ito ay
tinatawag na na tatawagin nating “Mr. and Ms. Q &
A”.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa “Ako po’y pitong
taong gulang?
Ang mga tauhan po ay sina
Amelia, Among babae, Among
lalaki , panganay na anak at
limang taong gulang na
lalaki(Pamilyang
Pinaglilingkuran).
2. Anong mensaheng nais ipabatid ng akda?
Ang nais maipabatid ng kwentong
aking narinig ay wag natin
aksayahin ang panahon na may
tumutulong sa atin upang
makapag-aral.
(Ang ilang mag-aaral ay may iba
pang kasagutan)
3. Sa inyong palagay, saan humuhugot si Amelia para
kayanan ang lahat ng paghihirap na nararanasan
nya? Pangatwiranan ang iyong kasagutan.
Upang kayanan ang lahat ang
paghihirap na nararanasan ni
Amelia ay humuhugot sya ng
lakas sa kanyang pamilya dahil
sya lang mismo ang inaasahan.
(Ang ilang mag-aaral ay may iba
pang kasagutan)
4. Bilang kabataan, ano nais mong sabihin sa mga
nakararanas ng ganitong pangyayari?
Ang nais ko pong sabihin ay sana
ay wag silang panghinaan ng loob
dahil darating ang araw sila ay
aangat din.
(Ang ilang mag-aaral ay may iba
pang kasagutan)
C. Abstraksyon (indibidwal na gawain)

Bilang pasasalamat ni Amelia sa atin ay ibinigay


syang bola kung saan mahahalintulad nya ang buhay
ng isang tao.
Sa inyong pananaw, bakit mahahalintulad ang bola
sa buhay ng isang tao?
Dahil po ang bola ay bilog na
paikot ikot lamang. Minsan nasa
baba minsan nasa taas. Wala
pong permanente sa mundo kaya
kagaya po ni Amelia na parang
minalas sa buhay ay gagawin kop
o itong inspirasyon upang mag
aral ng mabuti.
Mahusay!
Ang buhay ng tao ay parang bola, minsan
gumugulong ng walang katapusan, nahihilo,
tumatalbog sa kanan at kaliwa. Minsan, nabubugbog,
minsan nauubusan ng hangin at karaniwan ay umiikot
ikot lang. Ang iba ay sinewerte at hindi naranasan
ang paghihirap sa buhay, kung baga sabi nila "may
gintong kutsara sa kanilang bibig." Ang iba naman ay
kasya lang at ang iba naman ay hikahos o isang
kahig isang tuka. Ang iba ang naghahanap ng
katanungan, kung bakit sila lumabas sa mundong
ibabaw. Hindi madali ang makibaka sa buhay, lakas
ng loob at tiwala sa sarili ay kailangan, lalo na kung
ang problema ay nagkasabay- sabay.

Kaya sasabihin natin kay Amelia na.. Laban lang


kaibigan, hindi ka nag-iisa sa iyong mga problema.
Lahat ay kaya nating malagpasan. Diyos ang ating
sandigan. Manalig lang tayo at tayo ay kanyang
gagabayan.

D. Aplikasyon (Pangkatang Gawain)


Sa pagkakataong ito ay dadako na tayo sa huling
parte ng programa na tatawagin nating TNT, “Tawag
ng Talento!”

Papangkatin ko kayo sa tatlo(3) batay sa likod


ng kulay ng “Coupon”

Pangkat Maarte
(Pag-arte/drama)

Pangkat I: Gumawa ng isang dula-dulaan, bigyang


wakas ang kwentong “Ako po’y pitong taong gulang”

Pangkat The Voice


(Pagkanta/Singing)

Pangkat II: Bumuo ng isang awit na nagpapatungkol


sa mga batang nangangarap sa kabila ng paghihirap.

Pangkat Baltazar
(Pagbigkas)

Pangkat III: Lumikha ng isang tula tungkol sa “Child


Protection Policy”.

Bibigyan ko lang kayo ng limang(5) minuto upang


tapusin ang nakalaang na gawain sa inyo.
At narito ang panukatan sa pagmamarka ng inyong
Presentasyon.
Pamantayan sa Pagmamarka:

Presentasyon 5 Puntos
Nilalaman 8 Puntos
Partisipasyon 2 Puntos

Kabuuan 15 puntos

Maaari na kayong magsimula.


(Ang mga mag-aaral ay pupunta
sa kani-kanilang pangkat at
magsisimula na sa kanilang
gawain)

*Paglalahad ng Pangkatang Gawain


*Pagbibigay FeedBack at input ng guro
Batid kong sapat na ang inyong kaalaman ay nais
kong sagutin ang aking inihandang mga katanungan.

IV. Ebalwasyon(Pagtataya)

Panuto: Itala ang mga salitang magkatulad at magkaugnay sa kahulugan sa bawat


pangungusap hinggil sa paksang tinalakay.

Halimbawa:
1. Noon po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na magulang dahil salat po kami sa lahat
ng bagay sa isang mayamang pamilya na nakatira sa lungsod.
SAGOT: mahihirap at salat

1. Umiigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa amin at kayang kaya ko poi to
dahil ito ay abot-tanaw ko lang po ito.

2. Napakahirap pong balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo at mga


matitinding problema aking kinahaharap sa kasalukuyan.

3. Galit po siya ngayong araw na ito at sinampal po niya ako dahil sa inis na kanyang
nararamdaman.

4.Gula-gulanit po ang aking damit, wala akong sapatos at sa paglipas ng panahon


parang sirang sira na po ang aking buhay.

5.Hindi po ako kailanman pinayagan ng aking mga amo na ipaligo ang tubig na iniigib
ko para sa pamilya at ako’y pinahintulutan maligo sa balon kapag tatlong araw na ang
nakakalipas.

V. Takdang aralin
1. Sagutin ang katanungang ito, Ano masasabi nyo sa mga batang nagtatrabaho para
sa mga magulang nila? Gawin ito sa isang buong papel. Ihanda ang sarili sa
pagbabahagi sa klase.

2. Magsaliksik tungkol sa Mga salitang Nagpapahayag ng Pangyayari at Damdamin.

Index of Mastery

SEKSYON BLG. NG MAG-AARAL INDEX

Inihanda ni

_________________________________
MAYBELYN D. VERGARA
Guro sa Filipino 10
AKO PO’Y PITONG TAONG GULANG

Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira ako sa isang isla sa Caribbean. Ako
po’y pitong taong gulang. Noon po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na magulang sa
isang mayamang pamilya na nakatira sa lungsod.

Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumigising po ako ng alas
singko

ng umaga. Umiigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa amin. Napakahirap pong
balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako
ng almusal at inihain ko po iyon sa pamilyang pinaglilingkuran. Medyo nahuli nga po
akong ng paghahain ng almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng sinturon.

Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang taong gulang na anak na


lalaki. Sumunod po, tumutulong ako sa paghahanda at paghahain ng tanghalian ng
pamilya. Kung hindi pa po oras ng pagkain, kailangan ko pong mamili ng pagkain sa
palengke at gawin ang mga utos nila, asikasuhin ang apuyan, walisan ang bakuran,
labhan ang mga damit at hugasan ang pinagkainan at linisin ang kusina. Hinihugasan
ko rin po ang mga paa ng aking among babae. Galit na galit po siya ngayong araw na
ito at sinampal po niya ako dahil sa galit. Sana’y hindi na po siya galit bukas.

Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang pagkain, mas mabuti naman po ito kaysa
giniling na mais na kinain ko po kahapon. Gula-gulanit po ang aking damit at wala
akong sapatos. Hindi po ako kailanman pinayagan ng aking mga amo na ipaligo ang
tubig na iniigib ko para sa pamilya. Kagabi po ay sa labas ako natulog, kung minsan po
ay pinatutulog nila ako sa sahig sa loob ng bahay. Nakalulungkot pong isipin na hindi
ako ang mismong sumulat nito. Ayaw po nila kasi akong payagang mag-aral.

Maging maayos po sana ang araw ninyo. Amelia

- Mula sa Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

2011. Lorimar Publication

You might also like