You are on page 1of 5

5E Lesson Plan

Guro: HAPPY P. EMRALINO

Petsa: Agosto 2, 2016

Asignatura/Grado: FILIPINO/IKASAMPUNG GRADO

Kgamitan: play money, colored paper, manila paper, pentel pen, tsart ng gawain,
rubric
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan

Layunin/kasanayang pampagkatuto: Naipakikita ang kakayahan sa pagsasalita sa


paggamit ng mga berbal at di-berbal na estratehiya

Ibat ibang estratehiya para matugunan ang ibat ibang pangangailangan


ng mag-aaaral:

Estratehiyang nakasentro sa mag-aaral (Child-centered strategy) Pangkatang Gawain


na tutugon sa ibat ibang talino ng mag-aaral ( Multiple Intelligences)

ENGAGEMENT

Pangkatang Gawain: Brainstorming


Pagbibigay ng opinyon sa sitwasyon na itatakda sa kanila.
EXPLORATION

1. Paglalahad ng aralin
Pagbibigay ng pagtalakay na tanong sa naging aktibiti. Pagkatapos na
maibigay ng bawat pangkat ang kanilang reaksiyon tungkol sa mga ibinigay
na sitwasyon, iuugnay na ito ng guro sa akdang parabula.
2. Paghahawan ng Balakid
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit ayon sa pagkakagamit sa pangungusap.
a. May nagsumbong sa amo na nilulustay ng kanyang katiwala ang
kanyang ari-arian.
b. Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin
sa kanilang tahanan.
c. Magkano ang utang mo sa aking amo? Sumagot ito, Isangdaang
tapayang langis po.
d. At tinanong naman niya ang isa, Ikaw gaano ang utang mo?
Sumagot ito, Isangdaang kabang trigo po.
e. Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas
nito.
f. Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat
sakim sila sa salapi.

3. Dugtungang pagbasa
1 | Page
Bawat pangkat ay magbabasa ng akda sa pamamagitan ng dugtungang
pagbabasa.
EXPLANATION

Malayang talakayan sa nilalaman at mensahe ng parabula

1. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.


2. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng
mga taong may
obligasyon sa kaniyang amo?
3. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo , kukunin mo ba ang ganitong uri ng
katiwala para sa
iyong negosyo?
4. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong
nalulugi ang iyong
negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?
5. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula?
ELABORATION
1. Pangkatang Gawain

Hahatiin ang klase sa limang pangkat.

Pangkat 1-5: Paglalapat ng mensahe ng parabula sa pang-araw-araw na buhay.


Ilalapat ng mga mag-aaral ang mensahe ng parabula sa pang-araw-araw na
pamumuhay sa pamamagitan ng berbal at di-berbal na estratehiya. (Dula-dulaan,
pagbabalita, talk show, tableau at pagguhit ng larawan.

2. Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral sa natapos na presentasyon.

EVALUATION

Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pag-uugnay sa buhay ng mensaheng


ipinahahayag ng parabula.

2 | Page
I. Kasanayang Pampagkatuto
Naipakikita ang kakayahan sa pagsasalita sa paggamit ng mga berbal
at di-berbal na estratehiya

A. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mensahe ng parabula
2. Naipamamalas ang kakayahan sa pagsasalita sa pamamagitan ng
ibat ibang estratehiya
B. Paksa
Ang Tusong Katiwala
Lukas 16:1-15
(Parabula)
Sanggunian: Gabay ng Guro p. 17
Modyul ng Mag-aaral pp. 47-48
Kagamitan: Play money, colored Paper, manila paper, pentel pen, tsart
ng gawain, rubrik,
larawan

II. Yugto ng Pagkatuto


A. Pang-araw-araw na gawain
1. Pagbati ng guro
2. Pagpapanatili ng kalinisan ng silid-aralan
3. Pagtatala ng liban sa klase.

B. Aktibiti
Pangkatang Gawain: Brainstorming
Pagbibigay ng opinyon sa sitwasyon na itatakda sa kanila.

C. Analisis
1. Paglalahad ng aralin

3 | Page
Pagbibigay ng pagtalakay na tanong sa naging aktibiti. Pagkatapos na
maibigay ng bawat pangkat ang kanilang reaksiyon tungkol sa mga
ibinigay na sitwasyon, iuugnay na ito ng guro sa akdang parabula.
4. Paghahawan ng Balakid
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap.
a. May nagsumbong sa amo na nilulustay ng kanyang katiwala
ang kanyang ari-arian.
b. Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman
sa akin sa kanilang tahanan.
c. Magkano ang utang mo sa aking amo? Sumagot ito,
Isangdaang tapayang langis po.
d. At tinanong naman niya ang isa, Ikaw gaano ang utang mo?
Sumagot ito, Isangdaang kabang trigo po.
e. Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang
ipinamalas nito.
f. Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus
sapagkat sakim sila sa salapi.

5. Dugtungang pagbasa
Bawat pangkat ay magbabasa ng akda sa pamamagitan ng
dugtungang pagbabasa.

D. Abstraksyon
Malayang talakayan sa nilalaman at mensahe ng parabula

3. Ipaliwanag ang suliraning kinakaharap ng katiwala.


4. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang
ng mga taong may
obligasyon sa kaniyang amo?
5. Kung ikaw ang may-ari ng negosyo , kukunin mo ba ang ganitong
uri ng katiwala para sa
iyong negosyo?
6. Kung ikaw ang amo, ano ang iyong gagawin kung mabalitaan mong
nalulugi ang iyong
negosyo dahil sa paglustay ng iyong katiwala?
7. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing mensahe ng parabula?

E. Aplikasyon/Paglalapat
8. Pangkatang Gawain

Hahatiin ang klase sa limang pangkat.

Pangkat 1-5: Paglalapat ng mensahe ng parabula sa pang-araw-


araw na buhay. Ilalapat ng mga mag-aaral ang mensahe ng
parabula sa pang-araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng

4 | Page
berbal at di-berbal na estratehiya. (Dula-dulaan, pagbabalita, talk
show, tableau at pagguhit ng larawan.

9. Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral sa natapos na


presentasyon.

F. Paglalahat/Paglalagom
Ilahad ang mahalagang mensahe na inyong natutunan sa akdang
tinalakay? Paano nakatutulong sa buhay ng tao ang mga mensaheng
ibig ipahatid ng binasang parabula?

G. Pagtataya
Sumulat ng isang slogan batay sa mensahe ng parabula. Isulat ang
sagot sa kalahating papel na pahalang.

H. Kasunduan
Pag-uugnay ng Pangyayari. Sagutan ang Gawain 7 na nasa pahina 49
ng aklat.

Inihanda ni:

Gng. Happy P. Emralino

5 | Page

You might also like