You are on page 1of 1

I.

Mga Layunin:
A. Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng
pangungusap.
B. Nakapagbibigay ng sariling wakas sa kwentong binasa
C. Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan.

II. Paksa:
A. Panitikan: ANG KWINTAS
Maikling kwento mula sa France
B. Gramatika at Retorika: Panghalip Bilang Panuring sa mga Tauhan
Sanggunian: Modyul 10 TG, at LM

III. Pamamaraan:
Panimula:
Paglalahad ng impormasyon tungkol sa mga bansa ng Mediterranean

A. Tuklasin:
Gawain I.Hanapin Mo
Hanapin ang mga larawan ng mga kasuotang napapabilang sa sumusunod na bansa.
Gawain 2:Ilarawan Mo

B.Pagbabasa/ Paglalahad
Basahin ang akdang “Ang Kwintas”.
Tanong Pagganyak
Ano kaya ang kinahihinatnan ng pangunahing tauhan pagkatapos dumalo sa isang pagtitipon?

C.Pagtatalakay sa Akda
a. Pagsagot sa tanong pagganyak
b. Paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan
c. Isalaysay ang pangunahing suliranin ng tauhan? Bakit?
d. Paano niya ito nasusulusyunan?Angkop ba ang kanyang ginawa?
e. Kung kayo ang nasa kanyang katayuan, gagawin niyo rin ba ang kanyang ginawa?
2.Pangkatang Gawain
Papangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo at ipagagawa ang sumusunod:
Panuto:Bubuo ng sariling wakas sa kwentong binasa
Pangkat I: Pagsasadula Pangkat 3: Pag-awit Pangkat 5: Pagsasalaysay
Pangkat 2: Pantomina Pangkat 4: Pagguhit
3.Pagbabahagi sa kalalabasan ng pangkatang gawain
4.Karagdagang Paliwanag
May nalalaman ba kayong akda ng ating bansa na kahalintulad ng akdang ating nabasa?

D. Pagpapahalaga
Ano ang pagpapahalagang pangkatauhan ang binibigyang-diin sa akda?
E.Pagsasanib ng Gramatika/Retorika
Magbibigay ang guro ng mga pangungusap na hango sa binasang akda.

IV. Pagtataya
A. Ibigay ang kahulugan ng mahihirap na salita
B. Gamitin ang wastong panghalip na angkop sa patlang ng bawat pangungusap.
C. Bumuo ng sariling wakas sa kwentong “Nagmamadali Ang maynila”.

V. Kasunduan:
Sa ¼ na bahagi ng papel, gumawa ng tiglilimang pangungusap na Anapora at Katapora.

You might also like