You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa FILIPINO 10

Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapa-


halaga sa mga akdang pampanitikan.

I. Mga Layunin:
A. Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay
sa konteksto ng pangungusap.
B. Nakapagbibigay ng sariling wakas sa kwentong binasa
C. Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan.

PANGKATAUHANG PAGPAPAHALAGA
II. Paksa:
Aralin 1.4
A. Panitikan: ANG KWINTAS
Maikling kwento mula sa France
Ni Guy de Maupassant
B. Gramatika at Retorika: Panghalip Bilang Panuring sa mga Tauhan
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
Kagamitan: Kartolina, Manila Paper, Pentil Pen at Laptop
Modyul 10 TG, at LM
III. Pamamaraan:
Panimula:
Paglalahad ng impormasyon tungkol sa mga bansa ng Mediterranean A.
Tuklasin:
1. A. Gawain I.Hanapin Mo
Hanapin ang mga larawan ng mga kasuotang napapabilang sa sumusunod na bansa.
a. Thailand d. Vietnam g. Spain
b. France e. Greece
c. India f. Russia
1.Nasasalamin ba sa uri ng kasuotan ang antas sa lipunan ng isang tao?
2. Nakikilala rin ba ang ugali o pagpapahalaga ng isang tao sa pamamagitan ng
kanyang pananamit?

B.Gawain 2:Ilarawan Mo
Para sa iyo, anu-ano ang katangian ng isang huwarang babae o lalaki? Magbigay ng
tatlong katangian at isulat sa loob ng hugis puso.

2. Paghahawan ng Sagabal
1. Nais ni Mathilde na panuyuan siya ng mga binata.
(igagalang, kilalanin, liligawan)
2. Naghahangad ang mga magulang ng Dote dahil nais nilang umangat ang
buhay. (bigay-kaya, abot-kaya, hindi-kaya)
3. Siya ay may taglay na alindog, nakahahalina si Mathilde. (ganda, akit, rikit)
4. Siya’y napuputos ng lumbay.
(balot,puno, lipos)
5. Naglalaro sa kanyang balintataw ang lahat ng nangyari.
(diwa, isipan, puso)
Ipagagamit sa pagbuo ng pangungusap ang mga bagong salita.

B.Pagbabasa/ Paglalahad
Basahin ang akdang “Ang Kwintas” nang
tahimikan. Tanong Pagganyak
Ano kaya ang kinahihinatnan ng pangunahing tauhan pagkatapos dumalo
sa isang pagtitipon?
C.Pagtatalakay sa Akda
1. a. Pagsagot sa tanong pagganyak
b. Paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan
c. Isalaysay ang pangunahing suliranin ng tauhan? Bakit?
d. Paano niya ito nasusulusyunan?Angkop ba ang kanyang ginawa?
e. Kung kayo ang nasa kanyang katayuan, gagawin niyo rin ba ang kanyang
ginawa?
2.Pangkatang Gawain
Papangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo at ipagagawa ang sumusunod:
Panuto:Bubuo ng sariling wakas sa kwentong binasa

Pangkat I: Pagsasadula Pangkat 3: Pag-awit Pangkat 5: Pagsasalaysay


Pangkat 2: Pantomina Pangkat 4: Pagguhit

3.Pagbabahagi sa kalalabasan ng pangkatang gawain


4.Karagdagang Paliwanag
May nalalaman ba kayong akda ng ating bansa na kahalintulad ng akdang ating
nabasa?
D. Pagpapahalaga
Ano ang pagpapahalagang pangkatauhan ang binibigyang-diin sa akda?
E.Pagsasanib ng Gramatika/Retorika
1.Magbibigay ang guro ng mga pangungusap na hango sa binasang akda.
a. Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang pranses sa Paris.Ito ang sentro ng
moda, pagluluto, sining at arkitektura.
b. Ang France ay una nang tinawag na Rhineland.Noong panahon ng Iron Age at Roman
Era, ito ay tinawag na Gaul.
c. Sila ay sopistikado kung manamit. Mahilig din sila sa masasarap na pagkain at
alak.Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasayahan.
d.Labis ang kanyang pagdurusa at paghihinagpis dahil sa may paniniwala siyang
isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay. Taglay ni
Mathilde ang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyang kalagyan sa buhay.
2.Kunin ang mga salitang may salungguhit
3.Tanungin ang mga mag-aaral kung anong bahagi ng pananalita ang mga salitang
may salungguhit.
4.Ano ang tawag sa panghalip na ginagamit bilang panuring?Ano ang Anapora? Ano
ang Katapora?
5. Magpabigay ng sariling halimbawang pangungusap na ginagamitan ng panghalip
na Anapora at Katapora.

IV. Pagtataya
A. Ibigay ang kahulugan ng mahihirap na salita
1.Siya’y isang abang tagasulat.
2.Sa balana ang proyekto ng gobyerno.
3.Siya’y pauntul-untol na sumagot sa tanong ng kanyang asawa.
B. Gamitin ang wastong panghalip na angkop sa patlang ng bawat pangungusap.
1. Ang bata ay nanalo sa paligsahan at naiuwi ___ ang 2 libong piso sa
bahay.
2. ____ay nakikinig sa talakayan ng tagapagsanay sa buong araw. Ang
mga partisipanti ay aktibong nagpapalitan ng kuro ng paksang tinatalakay.
3. Dinalaw ____ ang maysakit. Nagbigay si Lalaine ng pera sa ina.
C. Bumuo ng sariling wakas sa kwentong “Nagmamadali Ang maynila”.
V. Kasunduan:
Sa ¼ na bahagi ng papel, gumawa ng tiglilimang pangungusap na Anapora at Katapora.

You might also like