You are on page 1of 16

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin Natin
Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nasusuri ang binasang kabanata na nobela bilang isang akdang papanitikan sa
pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw (F10PB-Ig-h-68).
 Naibibigayang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo. (F10PN-
Ig-h-67)
 Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata (F10PS-Ig-h-
69).
 Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
(F10WG–Ig-h-62).
 Naisusulat ang isang pangyayari sa tunay na buhay na may pagkakatulad sa mga
piling pangyayari sa kabanata ng nobela (F10PU-Ig-h-69).
 Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa
binasang kabanata ng nobela (F10PD-Ig-h-66).

Subukin Natin
A. Panuto. Basahin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Akdang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring pinagkabit kabit sa
pamamagitan ng isang mahusay na balangkas na ang pangunahing layunin ay
maipalabas ang hangarin ng kapwa bida at katunggali nito sa isang malikhaing
pagsasalaysay.
A. Maikling Kuwento B.Parabula C. Nobela D. Dula
2. Anong katangian ang ipinakita ng munting prinsipe nang sabihing hindi niya alam
ang kahulugan ng salitang napaamo?
A. Siya’y nagkukunwari upang makuha ang loob ng alamid
B. Siya’y wala pang gaanong nalalaman ukol sa mga bagay-bagay sa daigdig ng
mga tao.
C. Siya’y naghahanap ng kaibigang magiging guro o tagapagturo.
D. Sadyang mahina ang kanyang ulo at wala siyang nalalaman.
3. Anong katangian naman ang ipinakita ng alamid nang sabihan ang munting
prinsipe “hindi ka tagarito”?
A. Siya’y mapanghusga at mabiis magbigay ng kanyang opinyon.
B. Siya’y maawain at agad nakadama ng pagkaawa sa prinsipe.
C. Siya’y matalino at mabilis nakababasa sa kilos o sinasabi ng iba.
D. Siya’y naghahanap ng taong maaaring maging kaibigan.
4. Anong katangian o damdamin ang nadama ng alamid sa usapang ito nang sabihin
niyang wala talagang perpekto?
A. pagkasuklam B.pagkagalit C. pagkadismaya D. paghihirap
5. May mabuting puso at pag-unawa sa iba, higit na mababa ang tingin niya sa kanyang
sarili kaysa iba.
A. Alamid B.Piloto C. Elsa D. Munting Prinsipe
6. Ang nagturo at nagpayo sa prinsipe ng mga mahahalagang bagay.
A. Alamid B.Piloto C. Prinsipe D. Elsa
7. Siya ay nag-uubos ng kaniyang buong panahon sa pagbibilang sa mga bituin sa
paniniwalang ang mabibilang niya’y mapapasa kanya,
A. Hari B. Tagasindi ng ilaw C. Hambog D. Mangangalakal

1
8. Nakakita rin siya at nakipag-usap sa isang bulaklak na may tatlong talulot umakyat sa
pinakamataas na bundok na kanyang nakita sa pag-asang may matatanaw siyang mga
tao kapag nasa tuktok na siya nito subalit wala rin siyang nakita maliban sa mga batong
nasa paligid. Aling salita ang ginamit na nagsasaad ng paghihiwalay at pagbubukod?
A. Kapag B. Maliban C. Subalit D. Nasa
9. Isang di makatao ___ di-makatarungang gobyerno na nagbibingi-bingihan sa daing ng
mamayan. Aling salita ag angkop na salita sa pangungusap?
A. Bukod B. Pati C. At D. Kaya
10. Nagkakilala ang tagapagsalaysay na isang piloto at ang munting prinsipe nang
bumagsak ang eroplanong piloto sa disyertong Sahara. Aling salita ang ginamit na
nagsasaad ng pagdaragdag
A. Munti B. At C. Na D. Nang

B. Panuto: Tukuyin kung anong elemento ang mga sumusunod na pahayag ng mga
pangungusap. Hanapin sa kahon at Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
A. Tagpuan D. Tauhan G. Banghay
B. Pananaw E. Tema H. Pamamaraan
C.Simbolismo F. Damdamin I. Pananalita
11. Ito’y paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.
12. Ito’y nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.
13. Ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela.
14. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela.
15. Ito ay panauhang ginagamit ng may-akda.

Modyul
Nobela mula sa France
6
Panitikan: Ang Munting Prinsipe (Nobela mula sa France)
ni Antoine de Saint-Exupery
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Gramatika at Retorika: Pagpapahayag ng Magkakasunod at
Magkakaugnay ng mga Pangyayari

Balikan Natin
Gawain 1. Hanapan Tayo!
Panuto. Isulat ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari ng Nobelang, “Ang Kuba ng Notre
Dame” sa tulong ng direksyon patungong simbahan.

2
Tuklasin Natin
Gawain 2. Magbasa at Unawain
Panuto. Hanapin sa Hanay B ang kilalang manunulat ng pamagat ng nobela sa Hanay A.
Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
____1. William Shakespears A. The Oldman and the Sea
____2. Victor Hugo B. The Cave and Shadows
____3. Nick Joaquin C. Sense and Sensibility
____4. Jane Austen D, Les Miserables
____5. Ernest Hemingway E. Romeo and Juliet

Mahalagang malaman natin at maunawaan kung ano ang nobela, layunin, katangian at
elemento nito.
NOBELA – Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari
na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas sa tulong ng kabanta - isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng
isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
ELEMENTO:
1. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
a. kapag kasali ang may-akda sa kuwento
b. ang may-akda ay nakikipag-usap
c. batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan - estilo ng manunulat
8. Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
https://tl.wikipedia.org/wiki/Nobela

Talakayin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang isang buod na nobela na may pamagat na “Ang Munting
Prinssipe” mula sa basang Prances. Piliin ang Letra ng tamang sagot at pagkatapos, isulat
ito sa patlang.
MGA TAUHAN SA AKDA:
1. Ang munting prinsipe - ang bida ng kuwento. May mabuting puso, may pag-unawa
sa iba. Higit na mababa ang tingin niya sa kanyang sarili kaysa sa iba.
2. Ang piloto - ang tagapagsalaysay sa kwento.
3. Alamid- ang naturo sa prinsipe ng napakahalagang bagay.

3
Ang Munting Prinsipe
(Buod ng Nobela)
https://youtu.be/Z7UwVNLsnTo (english version)
Nagkakilala ang tagapagsalaysay na isang piloto at ang munting prinsipe nang
bumagsak ang eroplanong piloto sa disyertong Sahara. Habang pinag-iisipan niya kung
paano aayusin ang nasirang eroplano at kung saan kukuha ng dagdag na makakain at
maiinom ay dumating ang munting prinsipe. Nag paguhit ito sa kanyang isang tupa at
pagkatapos ng ilang ulit na pagguhit na kuha rin niya ang guhit na nagustuhan ng muntin
gprinsipe, isang kahong may ilang butas at paliwanag na ang tupa ay nasa loob ng kahon.
Dito nagsimula ang hindi pangkaraniwang pagkakaibigan ng dalawa.
Ang munting prinsipe ay nagmula sa planetang halos kasinlaki lang ng isang bahay,
ang Planetang 325 na tinatawag ng mga taga-daigdig na Planetang B-612. Labis niyang
minamahal at iniingatan ang kaniyang munting planeta kaya naman binabantayan niya ang
pagtubong puno ng baobab mula sa buto nitong nagkalat sa kaniyang planeta. Kapag kasi
napabayaang lumaki ang punong baobab ay tiyak na wawasakin nito ang munting planeta.
Isang araw, isang rosas ang tumubo sa planeta at ito’y labis na minahal ngm unting prinsipe.
Gayumpama’y sumama ang loob ng prinsipe sa rosas dahil sa isang pagsisinungaling o
pagkukunwaring kanyang nagawa. At ang prinsipe’y nagbalak lumayo. Sa araw ng kaniyang
paglayo’y humingi ng paumanhin ang rosas at sila’y nagkabati subalit itinuloy pa rin ng
prinsipe ang kaniyang paglisan.
Sa kanyang paglalakbay sa iba’t-ibang planeta ay nakakilala siyang mga taong sa
pananaw ng munting prinsipe ay abala sa mga bagay na wala namang halaga o walang
katuturan tulad ng haring wala namang nasasakupan, ang hambog na gustong-gustong
siya’y hinahangaan kahit wala naman siyang nagagawang kahanga-hanga, ang lasenggong
umiinom dahil sa kahihiyan sa kanyang pagiging lasenggo, ang mangangalakal na nag-
uubos ng kaniyang buong panahon sa pagbibilang sa mga bituin sa paniniwalang ang
mabibilang niya’y mapapasa kanya, at ang tagasindi ng ilaw na hindi nauunawaan kung
bakit kailangan niyang gawin ang pagpatay-sindi sa ilaw subalit ginagawa niya pa rin dahil
ito ang tungkuling nakaatang sa kanya. Napag-isip-isip ng prinsipe na sa mga taong nakilala
niya sa kaniyang paglalakbay, maaaring napagtatawanan ng iba ang tagasindi ng ilaw
subalit para sa kanya, ang taong ito ay natatangi dahil siya lang ang kaisa-isang nag-iisip sa
kapakanan ng iba maliban sa kanyang sarili.
Sa ikaanim na planetang kanyang dinalaw ay nakilala niya ang isang heograpo na
walang nalalaman tungkol sa mga anyong-lupa at anyong-tubig na nasa kanyang planeta
subalit ito ang nakapagmungkahi sa kanyang magtungo sa planetang Daigdig. Mula rin sa
heograpo ay na laman niyang hindi nagtatagal ang buhay ng isang bulaklak. Bigla tuloy
niyang naalala ang kanyang naiwang rosas at nag-alala siya para rito.
Sa pagdalaw ng munting prinsipe sa planetang Daigdig ay napadpad siya sa
disyertong Sahara kaya’t ipinagtaka niya kung bakit wala siyang nakikitang tao. Sa halip,
nakakita siyang ahas na ang mga sinasabi’y nakakubli sa mga palaisipan. Sinabi nitong
siya’y makapangyarihan sa pagkat ang kanyang kamandag ay makapagpapabalik sa
sinuman sa lupaing kanilang pinagmulan.
Nakakita rin siya at nakipag-usap sa isang bulaklak na may tatlong talulot umakyat
sa pinakamataas na bundok na kanyang nakita sa pag-asang may matatanaw siyang mga
tao kapag nasa tuktok na siya nito subalit wala rin siyang nakita maliban sa mga batong
nasa paligid. Dito siya sumigaw at narinig ang alingawngaw o echo ng na kanyang boses na
inakala niyang sumasagot kaya’t nagdulot ng pagkalito sa kanya. Nagpatuloy siya sa
paglalakbay hanggang sa marating niya ang isang harding punum-puno ng mga rosas –
nalungkot siya sapagkat naalala niyang muli ang kanyang rosas at ang kasinungalingang
pinaniniwalaan niya, nasiya ang nag-iisang rosas sa buong mundo.
Sa kaniyang paglalakbay ay nakilala niya ang isang alamid. Sa pamamagitan ng
alamid kanyang napagtanto na bagama’t napakaraming rosas sa mundo, ang kanyang
rosas ay naiiba, ito’y hindi pangkaraniwan kundi natatangi sapagkat ito ang rosas na
inalagaan at minahal niya. Ang rosas na ito ay kanya. Mula sa alamid kanyang na batid ang
napakahalagang aral na ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata

4
sapagkat ang tunay na halaga ng bagay ay puso lamang ang nakadarama.
Sumapit ang ikawalong araw ng piloto sa disyerto at sa pagtatapos ng
pagkukuwentong munting prinsipe ng munting prinsipe sa kanyang mga naging karanasan
sa daigdig ay naubos na rin ang kahuli-hulihang patak ng tubig na unti-unti niyang inumin
samantalang hindi pa naaayos ang kanyang eroplano. Pinilit siya ng prinsipeng maglakad
upang maghanap ng balong mapagkukunan ng tubig. Nang makakita sila ng balon ay
masaya silang uminom subalit makikita sa kilos at pananalita ng prinsipe ang kasabikang
makabalik sa kaniyang planeta at muling makita ang kanyang rosas. Pag sapit ng ika-isang
taong anibersaryo ng pagdating ng prinsipe sa planetang Daigdig ay siya ring araw na
naayos ng piloto ang kanyang eroplano. Masaya sana niya itong ibabalita sa prinsipe subalit
nang sumapit siya sa kanilang tagpuan ay narinig niya itong nakikipag-usap. Kausap ng
prinsipe ang makamandag na dilaw na ahas. Ninais niyang pigilan ang prinsipe at ang ahas
sa kanilang balak na pabalikin ang prinsipe sa kanyang planeta sa pamamagitan ng
kamandag na taglay ng ahas subalit huli na. Natuklaw ng ahas ang prinsipe at ito’y patay na
bumagsak nang wala man lang ingay sa buhanginan.
Labis na ikinalungkot ng piloto ang pagkamatay ng prinsipe subalit na bawasan ang
kanyang pagdadalamhati nang hindi na niya nakita ang katawan ng prinsipe kinabukasan.
Inisip niyang nakabalik nga ang munting prinsipe sa kanyang planeta at umasa siyang
sana’y nagkatagpo silang muli ng kanyang rosas. Sa pagdaan ng panahon, ang kanyang
pangungulila ay napupunan ng pagtingin niya sa mga bituin kung saan tila naririnig niya ang
mataginting na halakhak ng kanyang munting kaibigan.

Gawain 3. Talasan ang Isipan!


Panuto. Piliin ang kasing kahulugan batay sa konstekto ng pangungusap. Bilugan ang letra
ng tamang sagot.
1. Ang kahulugan ng kanyang sinasabi ay nakakubli sa mga palaisipan.
A. Nakatiklop B. Nakikita C. Nakatagpo
2. Sa dinami-dami ng rosas sa mundo ay sadyang natatangi ang aking rosa dahil
ito’y aking minamahal at inalagaan
A. Naiiba B. Napakaganda C. Napakayaman
3. Ang kanyang paglisan ay labis na ikinalungkot ng kanyang kaibigan.
A. Pagtangis B. Pagkabigo C. Pag-alis
4. Ang hambog na gustong-gustong siya’y hinahangaan kahit wala naman siyang
nagagawang kahanga-hanga.
A. Masunurin B. Mayabang C. Matiyas
5. Ang tagasindi ng ilaw na hindi nauunawaan kung bakit kailangan niyang gawin
ang pagpatay-sindi sa ilaw subalit ginagawa niya pa rin dahil ito ang tungkuling
nakaatang sa kanya.
A. Tagabukas B. Tagasara C. Tagapinid

Gawain 4. Pag-unawa sa Binasa


Panuto. Basahing mabuti ang mga tanong.
1. Paano at saan nagtagpo ang munting prinsipe at pilotong tagapagsalaysay?
2. Ilarawan ang katangian ng piloto at Ang Munting Prinsipe ayon sa akda?
3. Sino-sino ang mga taong natagpuan niya sa iba’t ibang palaneta? Ilarawan at Ihalintulad
sa kasalukuyan
4. Sino ang nagpayo sa kanyang magtungo sa planetang Daigdig?
5. Paano naipaliwanag ng alamid sa munting prinsipe ang pagiging espesyal ng kanyang
rosas sa kabila ng napakaraming katulad na rosas sa daigdig
6. Sa paanong paraan nakabalik ang munting prinsipe sa kanyang planeta? Paano siya
inaalala ng kaibigan niyang piloto?
7. Ipaliwanag ang ilang kaisipan na nakapaloob sa akda
A. “Ang pagkakaibigan ay nangyayari sa isang tiyak na dahilan.”
B. “May isang tao o bagay ang manantiling natatangi para sa iyo dahil ito ay may
kakaibang taglay na halaga para sa iyo.

5
Pagyamanin Natin

Pagsusuri sa Pelikulang Himala


https://blognichar.wordpress.com/2013/05/19/pagsusuri-sa-pelikulang-himala/

Pinalabas noong 1982, ang Himala nina Ishmael Bernal at Ricardo Lee ay isa sa
pinakatanyag na pelikula sa Pilipinas. Pinangungunahan ng sikat na artistang si Nora Aunor,
ang Himala ay kilala sa kakaiba nitong kwento kumpara sa madalas na pelikulang Pilipino.
Ang pelikulang Himala ay isang kwento na pumapalibot sa dalagang si Elsa (na
ginanap ni Nora Aunor) at ang kanyang baryong Cupang. Si Elsa ay isang dalagang nagsabi
na ang Birheng Maria ay nagpakita at kumausap sa kanya. Ito daw ay sinabihan siya na siya
ay magkakaroon ng kakayahang makapaggaling ng mga tao. At ng lumipas ang ilang araw,
ang kakayahang ito ay napamahagi nga sa kanya, at hindi nagtagal siya ay sumikat. Ang
pagkasikat ni Elsa ay nagdulot din ng pagkakilala o pagsikat ng baryong Cupang. Rumami
ang mga turista at bisitang pumupunta dito upang makita at humingi ng tulong kay Elsa.
Dahil na din dito sari saring negosyo ang kumalat at nagbukas sa baryong Cupang. Marami
dito ay ang pagbebenta ng mga bagay na may mukha at pangalan ni Elsa upang
makapagakit ng mga bumibling turista. Nagbukas din ng “Stripper House” o club ang isa sa
pinakamatalik na kaibigan ni Elsa noong siya ay bata pa. Ang mga ito ay ang nagpalaganap
ng kaguluhan sa baryo. At isang hapon, habang umaakyat si Elsa at ang kanyang kaibigang
si Chayong sa burol, kung saan nakita ni Elsa ang Birheng Maria, sila ay na
pinagsamantalahan ng mga lalaking turista. At dahil dito, ang kaibigan ni Elsa na si Chayong
ay nagpakamatay. At hindi nagtagal, tumigil na ding magamot si Elsa ng mga karamdaman.
Ngunit ng akalaing Imakulada Konsepsyon si Elsa ang paniniwala ng mga tao sa kanya ay
nagbalik. At sa isang malaking pagtititpon sa burol, si Elsa ay binaril ng sinabi niyang
“Walang himala”.
Ang kwentong Himala ay hindi lamang tumatalakay sa usaping relihiyon at
pananampalataya, ngunit ito din ay nagpapakita ng mga katotohanan ukol sa ating kultura at
tradisyon, gobyerno, at usaping pemenismo. Sa isang parte sa kwento, ipinakita ang isang
katangian ng mga Pilipino at ito ay ang paniniwala sa mga kasabihan ng mga matatanda
lalong lalo na ukol sa kamalasan. Tayong mga Pilipino ay naniniwala sa kamalasan at ito ay
malaking impluwensya sa atin ng mga Intsik. Sa palabas, ang mga taga baryo ay naniniwala
na ang Cupang ay malas at sinumpa. Malaking epekto ng paniniwalang ito ay ang nagdulot
sa mga pagiisip at aksyon ng mga tao sa baryong iyon.
Isa din ay ang usapin ukol sa gobyerno. Ang Mayor ng baryo ay malaki ang tingin
sa kanyang sarili ng sumikat ang Cupang. Siya ay ang nagtakda kung ano ang mga
gagawin ng sumikat si Elsa at ng bumagsak ito. Dito makikita natin ang katotohanang
maraming politika ay ang nagaasal Diyos dahil na din sa kapangyarihang hawak nila. At
ang huli ay ang usaping peminismo. Sa pelikula, makikita kung paano nakikita ng lipunan
ang mga Filipina o mga babae. Sila ay nakikita sa dalawang kategorya lamang: banal o
puta (malandi). Sa ating lipunan na, lalong lalo na noon, ay konerbatibo, ang mga babae ay
mabilis husgahan ayon sa kanilang opinyon, pag-iisip at gawain.

Gawain 5.

6
Panuto. Suriin ang pangyayari sa tulong ng elemento ng nobela ang dalawang nobela.
Elemento Munting Prinsipe Himala

Tauhan

Tagpuan

Pananaw

Tema

Damdamin

Pananalita

Simbolismo

2. Ipaliwang ang pinakamalalim na kaisipan na nakapaloob sa dalawang nobela.


A. “Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na
halaga ng bagay ay puso lamang ang nakadarama.”
B. Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang
gumagawa ng himala, tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos, walang
himala!”

3. Anong kulturang Frances at Kulturang Filipino ang nakita mo na magkatulad at


magkaiba?

Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag ng magkakasunod at


magkakaugnay ng mga pangyayaring nabasa, narinig nasaksihan o likhang isip lamang.
Ang mga pangyayari ay may simula, gitna at katapusan. Sa paglalahad ng mga ito,
may mga panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Karaniwan ito ay kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig na :
- At, saka, pati – na nagsasaad ng padaragdag na kaugnay na pangyayari
- Kapag, ‘pag, kung, sakali – nagsasaad ng panubali
- Maliban, bukod sa, bukod kay – na nagsasaad ng paghihiwalay o
pagbubukod ng pangyayari o sitwasyon.
- Kaya, kaya naman, bunga nito – na nagsasaad ng kinahinatnan o
kinalabasan ng naunang pangyayari.
Maaring magamit ang mga panandang hudyat na bagong simulan, una, sumunod nito,
pagkatapos, sa katapusan, bilang pagtatapos at sa wakas – sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari.

7
Gawain 6. Panuto. Punan ng angkop na panandang hudyat sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari ag patlang.
1. Nakakita rin siya at nakipag-usap sa isang bulaklak na may tatlong talulot umakyat sa
pinakamataas na bundok na kanyang nakita sa pag-asang may matatanaw siyang mga
tao kapag nasa tuktok na siya nito subalit wala rin siyang nakita_______ sa mga batong
nasa paligid.
A. Saka B. Maliban C. Bukod D. Pati
2. Sa nobelang Himala, ang mga taga baryo ay naniniwala na ang Cupang ay malas at
sinumpa. Malaking epekto ng paniniwalang ito ay ang nagdulot sa mga pag-iisip at
aksyon ng mga tao sa baryong iyon _______ maraming tao ang natatakot.
A. Kaya B. Kapag C. Bunga nito D. Saka
3. Labis na ikinalungkot ng piloto ang pagkamatay ng prinsipe subalit na bawasan ang
kanyang pagdadalamhati______ hindi na rin niya nakita ang katawan ng prinsipe
kinabukasan.
A. Pati B. Kapag C. Bukod D. Kaya naman
4. Nagkakilala ang tagapagsalaysay na isang piloto_____ ang munting prinsipe nang
bumagsak ang eroplanong piloto sa disyertong Sahara
A. Pati B. Saka C. Kaya D. At
5. Sa pagdaan ng panahon, ang kanyang pangungulila ay napupunan ng pagtingin niya sa
mga bituin _____ naririnig niya ang mataginting na halakhak ng kanyang munting
kaibigan na naisip niya nakauwi na sa kanyang bayan.
A. Bukod sa B. Bukod kay C. Kaya naman D. Bunga nito

Tandaan Natin

Gawain 7. Share ko Lang!


Panuto. Ano-ano ang mga nadagdag sa iyong kaalaman tungkol sa akdang Nobela at sa
mga elemento nito? Makatutulong kaya ito sa pagsusuri ng isang Kuwento? Dugtungan.
Natutuhan ko sa nobela _______________________________________
Napatunayan ko na ang _______________________________________
Patutunayan ko na ito ay _______________________________________

Isabuhay natin

Gawain 8. Art Canva


Panuto. Sa kabila ng marming pagbabago sa kulturang Filipino base sa mga ilang
negatibong nabasa natin sa nobela. Sa panahon ngayon higit natin kailangan ang
pagkakaisa at pagtutulungan dulot ng pandemik. Gumawa ng isang poster na
nagpapakita ng pagmamalasakit sa isa’t isa sa tulong ng mga paalala na may paksang
“Bayanihan: Heal as One Act”

8
Tayahin Natin

A. Panuto. Bilugan ang letra ng tamang sagot

1. Anong katangian ang ipinakita ng munting prinsipe nang sabihing hindi niya alam ang
kahulugan ng salitang napaamo?
A. Siya’y nagkukunwari upang makuha ang loob ng alamid
B. Siya’y wala pang gaanong nalalaman ukol sa mga bagay-bagay sa daigdig ng mga tao.
C. Siya’y naghahanap ng kaibigang magiging guro o tagapagturo.
D. Sadyang mahina ang kanyang ulo at wala siyang nalalaman.
2. Anong katangian naman ang ipinakita ng alamid nang sabihan ang munting prinsipe
“hindi ka tagarito”?
A. Siya’y mapanghusga at mabilis magbigay ng kanyang opinyon.
B. Siya’y maawain at agad nakadama ng pagkaawa sa prinsipe.
C. Siya’y matalino at mabilis nakababasa sa kilos o sinasabi ng iba.
D. Siya’y naghahanap ng taong maaaring maging kaibigan.
3. Anong katangian o damdamin ang nadama ng alamid sa usapang ito nang sabihin
niyang wala talagang perpekto?
A. Pagkasuklam C. Pagkadismaya
B. Pagkagalit D. Paghihirap
4. Ito’y elemento na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
A. Tema B. Sibolismo C. Kaisipan D. Pananaw
5. Ito ay ginagamit sa mga kuwento upang makita ang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa nobela
A. Damdamin B. Tagpuan C. Simbolismo D. Banghay
B. Panuto. Hanapin sa mga sumusunod ang angkop na panandang diskurso upang nabuo
ang kaisipan na ipinahahayag ng pangungusap
Tungkol sa kung Bilang paglalahat Pagkatapos katulad ng
6._______________ patuloy na ang pagsulong ng mataas na antas ng edukasyon sa Asya.
7. Magiging maayos ang sistema ng edukasyon _______________ palaging sinasanay ang
mga guro sa makabagong kaalaman.
8. ________________ na maiangkop ng mga bansang Asyano ang makabagong
teknolohiya, tiyak na maibibilang na rin sila sa mga idustriyalisadong bansa.
9. Ang Japan ay _______________ United states sa pagkakaroon ng mataas na antas ng
teknolohiya.
10. Ang bagong kurikulum ay _______________ lalo pang pagpapataas ng antas ng
karunungan.

C. Panuto: Tukuyin kung anong elemento ang mga sumusunod na pahayag ng mga
pangungusap. Hanapin sa kahon at Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
A. Tagpuan D. Tauhan G. Banghay
B. Pananaw E. Tema H. Pamamaraan
C. Simbolismo F. Damdamin I. Pananalita
11. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
12. Ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
13. Ito’y paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.
14. Ito’y nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
15. Ito ay panauhang ginagamit ng may-akda.

9
Gawin natin

Paggawa ng Islogan
Panuto. Gumawa ng isang islogan na tumatakay sa “Bayanihan: Heal as One Act”

10
Sanggunian
KAYUMANGGI - Batay sa Kurikulum na K-12 Kayumanggi 10 ni Ms. Gloria Alday, Angela
Ong, Magdela O. Jocson at Dr. Ana Maria Cabuhat Leo-Ross Publication. No.1 Broine St.,
Block 39, Lot 33 Phase III, Golden City, Imus Cavite

Video /Teksto / Image

https://tl.wikipedia.org/wiki/Nobela
https://youtu.be/Z7UwVNLsnTo
https://blognichar.wordpress.com/2013/05/19/pagsusuri-sa-pelikulang-himala/

11
Development Team of the Module
Writer: MARILOU M. MARTINEZ
Editors:
Content Evaluator: VIRGINIA O. BAYANI
JOSEPHINE M. PAGALING
Language Evaluator: MARIBEL B. SINGSON
JHON LESTER P. SANDIGAN
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA

Illustrator: MS. CAMILLE JEWEL L. GARCIA


Layout Artist: MR. LEO U. PANTI
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
DR. JENNIFER RAMA, EPS – Filipino
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

12
For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

13

You might also like