You are on page 1of 11

Filipino

Ikaanim na Markahan Modyul 6


Ikaanim Linggo
Alamin Natin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa Modyul 1
matutunghayan ang mga akdang pampanitikan. Ang mga araling ito ay tutugon sa mga
pangangailangan ng mga mag-aaral na maunawaan at matatanggap ang kultura, tradisyon
at pamumuhay ng iba’t ibang bansa. May mga gawain at aktibidades na inihanda para sa
mga mag-aaral tulad ng pagbabasa ng mga piling teksto at pagsusuri ng mga akdang
pampanitikan at mga gawaing panggramatika at retorika upang maging interaktibo at aktibo
ang pagtalakay sa mga aralin.
Ang Modyul na ito ay hinati sa mga aralin. Ito ay ang mga sumsunod:
 Aralin 6 – Nobela mula sa France
Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
 Nasusuri ang binasang kabanata na nobela bilang isang akdang papanitikan sa
pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw. F10PB-Ig-h-68
 Naibibigayang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo. F10PN-
Ig-h-67
 Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata. F10PS-Ig-h-
69
 Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
F10WG–Ig-h-62
 Naisusulat ang isang pangyayari sa tunay na buhay na may pagkakatulad sa mga
piling pangyayari sa kabanata ng nobela. F10PU-Ig-h-69
 Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa
binasang kabanata ng nobela. F10PD-Ig-h-66

Subukin Natin

Panuto: Basahin mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Akdang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring pinagkabit kabit sa
pamamagitan ng isang mahusay na balangkas na ang pangunahing layunin ay
maipalabas ang hangarin ng kapwa bida at katunggali nito sa isang malikhaing
pagsasalaysay.
A. Maikling Kuwento B.Parabula C. Nobela D. Dula
2. Anong katangian ang ipinakita ng munting prinsipe nang sabihing hindi niya alam
ang kahulugan ng salitang napaamo?
A. Siya’y nagkukunwari upang makuha ang loob ng alamid
B. Siya’y wala pang gaanong nalalaman ukol sa mga bagay-bagay sa daigdig ng mga tao.
C. Siya’y naghahanap ng kaibigang magiging guro o tagapagturo.
D. Sadyang mahina ang kanyang ulo at wala siyang nalalaman.
3. Anong katangian naman ang ipinakita ng alamid nang sabihan ang munting prinsipe
“hindi ka tagarito”?
A. Siya’y mapanghusga at mabiis magbigay ng kanyang opinyon.
B. Siya’y maawain at agad nakadama ng pagkaawa sa prinsipe.
C. Siya’y matalino at mabilis nakababasa sa kilos o sinasabi ng iba.
D. Siya’y naghahanap ng taong maaaring maging kaibigan.
4. Anong katangian o damdamin ang nadama ng alamid sa usapang ito nang sabihin niyang
wala talagang perpekto?
A. pagkasuklam B.pagkagalit C. pagkadismaya D. paghihirap
5. May mabuting puso at pag-unawa sa iba, higit na mababa ang tingin niya sa kanyang
sarili kaysa iba.
A. Alamid B.Piloto C. Elsa D. Munting Prinsipe
6. Ang nagturo at nagpayo sa prinsipe ng mga mahahalagang bagay.
A. Alamid B.Piloto C. Prinsipe D. Elsa
7. Siya ay nag-uubos ng kaniyang buong panahon sa pagbibilang sa mga bituin sa
paniniwalang ang mabibilang niya’y mapapasa kanya,
A. hari B. tagasindi ng ilaw C. hambog D. mangangalakal
8. Nakakita rin siya at nakipag-usap sa isang bulaklak na may tatlong talulot umakyat sa
pinakamataas na bundok na kanyang nakita sa pag-asang may matatanaw siyang mga
tao kapag nasa tuktok na siya nito subalit wala rin siyang nakita maliban sa mga batong
nasa paligid. Aling salita ang ginamit na nagsasaad ng paghihiwalay at pagbubukod?
A. kapag B.maliban C. subalit D. nasa
9. Isang di makatao ___ di-makatarungang gobyerno na nagbibingi-bingihan sa daing ng
mamayan. Aling salita ag angkop na salita sa pangungusap?
A. bukod B. pati C. at D. kaya
10.Nagkakilala ang tagapagsalaysay na isang piloto at ang munting prinsipe nang
bumagsak ang eroplanong piloto sa disyertong Sahara. Aling salita ang ginamit na
nagsasaad ng pagdaragdag?
A. munti B. at C. na D. nang
Panuto: Tukuyin kung anong elemento ang mga sumusunod na pahayag ng mga
pangungusap. Hanapin sa kahon at Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

A. Tagpuan D. Tauhan G. Banghay


B. Pananaw E. Tema H. Pamamaraan
C.Simbolismo F. Damdamin I. Pananalita

11. Ito’y paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.


12. Ito’y nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at Pangyayari
13. Ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
14. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela -
15. Ito ay panauhang ginagamit ng may-akda: a. kapag kasali ang may-akda sa kuwento
b.ang may-akda ay nakikipag-usap c. batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda.

Modyul Nobela mula sa Frances


6
A.Panitikan: Ang Munting Prinsipe
(Nobela mula sa France)
Ang may-akda Antoine de Saint-Exupery
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
B.Gramatika at Retorika: pagpapahayag ng magkakasunod at
magkakaugnay ng mga pangyayari
Balikan Natin

Gawain 1. Hanapan Tayo!


Panuto. Isulat ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari ng Nobelang, “Ang Kuba ng
Notre Dame” sa tulong ng direksyon patungong simbahan.

Wakas

Kakalasan
Kasukdulan

Suliranin
pangyayari
Ikalawang

Unang
pangyayari Panimula

Tuklasin Natin
Sa seksyon ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan
Gawain 2.
Panuto. Hanapin sa Hanay B ang kilalang manunulat ng pamagat ng nobela sa Hanay A.
Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
____1. William Shakespears A. The Oldman and the Sea
____2. Victor Hugo B. The Cave and Shadows
____3. Nick Joaquin C. Sense and Sensibility
____4. Jane Austen D, Les Miserables
____5. Ernest Hemingway E. Romeo and Juliet

- Mahalagang malaman natin at maunawaan kung ano ang nobela , layunin,


katangian at elemento nito.
NOBELA – Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas sa tulong ng kabanta - isang
makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling
ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela.
ELEMENTO:
1. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda A. Kapag kasali ang may-akda sa
kuwento B. Ang may-akda ay nakikipag-usap C. Batay sa nakikita
D. Obserbasyon ng may-akda
5. Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan - istilo ng manunulat
8. Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayari
https://tl.wikipedia.org/wiki/Nobela

Talakayin Natin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtiay ang iyong
pag-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto.
Panuto. Basahin at Unawain ang isang buod na nobela na may pamagat na “Ang
Munting Prinssipe” mula sa basang Prances.Piliin ang Letra ng tamang
sagot at pagkatapos, isulat ito sa patlang.
 Maaari mo din itong panoorin sa link na ito upang lubos mong maunawaanang
daloy ng kuwento https://youtu.be/Z7UwVNLsnTo (english version)
MGA TAUHAN SA AKDA:

1. Ang munting prinsipe - ang bida ng kuwento. May mabuting puso, may pag-
Unawa sa iba. Higit na mababa ang tingin niya sa kanyang sarili kaysa sa iba.
2. Ang piloto - ang tagapagsalaysay sa kwento.
3. Alamid- ang naturo sa prinsipe ng napakahalagang bagay.

Ang Munting Prinsipe


(Buod ng Nobela)
https://youtu.be/Z7UwVNLsnTo (english version)

Nagkakilala ang tagapagsalaysay na isang piloto at ang munting prinsipe nang


bumagsak ang eroplanong piloto sa disyertong Sahara. Habang pinag-iisipan niya kung
paano aayusin ang nasirang eroplano at kung saan kukuha ng dagdag na makakain at
maiinom ay dumating ang munting prinsipe. Nag paguhit ito sa kanyang isang tupa at
pagkatapos ng ilang ulit na pagguhit na kuha rin niya ang guhit na nagustuhan ng muntin
gprinsipe, isang kahong may ilang butas at paliwanag na ang tupa ay nasa loob ng kahon.
Dito nagsimula ang hindi pangkaraniwang pagkakaibigan ng dalawa.
Ang munting prinsipe ay nagmula sa planetang halos kasinlaki lang ng isang bahay,
ang Planetang 325 na tinatawag ng mga taga-daigdig na Planetang B-612. Labis niyang
minamahal at iniingatan ang kaniyang munting planeta kaya naman binabantayan niya ang
pagtubong puno ng baobab mula sa buto nitong nagkalat sa kaniyang planeta. Kapag kasi
napabayaang lumaki ang punong baobab ay tiyak na wawasakin nito ang munting planeta.
Isang araw, isang rosas ang tumubo sa planeta at ito’y labis na minahal ngm unting prinsipe.
Gayumpama’y sumama ang loob ng prinsipe sa rosas dahil sa isang pagsisinungaling o
pagkukunwaring kanyang nagawa. At ang prinsipe’y nagbalak lumayo. Sa araw ng kaniyang
paglayo’y humingi ng paumanhin ang rosas at sila’y nagkabati subalit itinuloy pa rin ng
prinsipe ang kaniyang paglisan.
Sa kanyang paglalakbay sa iba’t-ibang planeta ay nakakilala siyang mga taong sa
pananaw ng munting prinsipe ay abala sa mga bagay na wala namang halaga o walang
katuturan tulad ng haring wala namang nasasakupan, ang hambog na gustong-gustong
siya’y hinahangaan kahit wala naman siyang nagagawang kahanga-hanga, ang
lasenggong umiinom dahil sa kahihiyan sa kanyang pagiging lasenggo, ang
mangangalakal na nag-uubos ng kaniyang buong panahon sa pagbibilang sa mga bituin sa
paniniwalang ang mabibilang niya’y mapapasa kanya, at ang tagasindi ng ilaw na hindi
nauunawaan kung bakit kailangan niyang gawin ang pagpatay-sindi sa ilaw subalit
ginagawa niya pa rin dahil ito ang tungkuling nakaatang sa kanya. Napag-isip-isip ng
prinsipe na sa mga taong nakilala niya sa kaniyang paglalakbay, maaaring napagtatawanan
ng iba ang tagasindi ng ilaw subalit para sa kanya, ang taong ito ay natatangi dahil siya lang
ang kaisa-isang nag-iisip sa kapakanan ng iba maliban sa kanyang sarili.
Sa ikaanim na planetang kanyang dinalaw ay nakilala niya ang isang heograpo na
walang nalalaman tungkol sa mga anyong-lupa at anyong-tubig na nasa kanyang planeta
subalit ito ang nakapagmungkahi sa kanyang magtungo sa planetang Daigdig. Mula rin sa
heograpo ay na laman niyang hindi nagtatagal ang buhay ng isang bulaklak. Bigla tuloy
niyang naalala ang kanyang naiwang rosas at nag-alala siya para rito.
Sa pagdalaw ng munting prinsipe sa planetang Daigdig ay napadpad siya sa
disyertong Sahara kaya’t ipinagtaka niya kung bakit wala siyang nakikitang tao. Sa halip,
nakakita siyang ahas na ang mga sinasabi’y nakakubli sa mga palaisipan. Sinabi nitong
siya’y makapangyarihan sa pagkat ang kanyang kamandag ay makapagpapabalik sa
sinuman sa lupaing kanilang pinagmulan.
Nakakita rin siya at nakipag-usap sa isang bulaklak na may tatlong talulot umakyat
sa pinakamataas na bundok na kanyang nakita sa pag-asang may matatanaw siyang mga
tao kapag nasa tuktok na siya nito subalit wala rin siyang nakita maliban sa mga batong
nasa paligid. Dito siya sumigaw at narinig ang alingawngaw o echong na kanyang boses na
inakala niyang sumasagot kaya’t nagdulot ng pagkalito sa kanya. Nagpatuloy siya sa
paglalakbay hanggang sa marating niya ang isang harding punum-puno ng mga rosas –
nalungkot siya sapagkat naalala niyang muli ang kanyang rosas at ang kasinungalingang
pinaniniwalaan niya, nasiya ang nag-iisang rosas sa buong mundo.
Sa kaniyang paglalakbay ay nakilala niya ang isang alamid. Sa pamamagitan ng
alamid kanyang napagtanto na bagama’t napakaraming rosas sa mundo, ang kanyang
rosas ay naiiba, ito’y hindi pangkaraniwan kundi natatangi sapagkat ito ang rosas na
inalagaan at minahal niya. Ang rosas na ito ay kanya. Mula sa alamid kanyang na batid ang
napakahalagang aral na ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata
sapagkat ang tunay na halaga ng bagay ay puso lamang ang nakadarama.
Sumapit ang ikawalong araw ng piloto sa disyerto at sa pagtatapos ng
pagkukuwentong munting prinsipe ng munting prinsipe sa kanyang mga naging karanasan
sa daigdig ay naubos na rin ang kahuli-hulihang patak ng tubig na unti-unti niyang inumin
samantalang hindi pa naaayos ang kanyang eroplano. Pinilit siya ng prinsipeng maglakad
upang maghanap ng balong mapagkukunan ng tubig. Nang makakita sila ng balon ay
masaya silang uminom subalit makikita sa kilos at pananalita ng prinsipe ang kasabikang
makabalik sa kaniyang planeta at muling makita ang kanyang rosas. Pag sapit ng ika-isang
taong anibersaryo ng pagdating ng prinsipe sa planetang Daigdig ay siya ring araw na
naayos ng piloto ang kanyang eroplano. Masaya sana niya itong ibabalita sa prinsipe subalit
nang sumapit siya sa kanilang tagpuan ay narinig niya itong nakikipag-usap. Kausap ng
prinsipe ang makamandag na dilaw na ahas. Ninais niyang pigilan ang prinsipe at ang ahas
sa kanilang balak na pabalikin ang prinsipe sa kanyang planeta sa pamamagitan ng
kamandag na taglay ng ahas subalit huli na. Natuklaw ng ahas ang prinsipe at ito’y patay na
bumagsak nang wala man lang ingay sa buhanginan.
Labis na ikinalungkot ng piloto ang pagkamatay ng prinsipe subalit na bawasan ang
kanyang pagdadalamhati nang hindi na niya nakita ang katawan ng prinsipe kinabukasan.
Inisip niyang nakabalik nga ang munting prinsipe sa kanyang planeta at umasa siyang
sana’y nagkatagpo silang muli ng kanyang rosas. Sa pagdaan ng panahon, ang kanyang
pangungulila ay napupunan ng pagtingin niya sa mga bituin kung saan tila naririnig niya ang
mataginting na halakhak ng kanyang munting kaibigan.

Gawain 3. Talasan ang isipan!


A. Panuto.Piliin ang kasing kahulugan batay sa konstekto ng pangungusap. Bilugan
ang letra ng tamang sagot.
1. Ang kahulugan ng kanyang sinasabi ay nakakubli sa mga palaisipan.
A. nakatiklop B. nakikita C. nakatagpo D.nakayuko
2. Sa dinami-dami ng rosas sa mundo ay sadyang natatangi ang aking rosa dahil ito’y aking
minamahal at inalagaan
A. naiiba B. napakaganda C. napakayaman D.nag-iisa
3. Ang kanyang paglisan ay labis na ikinalungkot ng kanyang kaibigan.
A. pagtangis B. pagkabigo C. pag-alis D.pagtakbo
4. Ang hambog na gustong-gustong siya’y hinahangaan kahit wala naman siyang
nagagawang kahanga-hanga,
A. masunurin B. mayabang C. matikas D.mayaman
5. Ang tagasindi ng ilaw na hindi nauunawaan kung bakit kailangan niyang gawin
ang pagpatay-sindi sa ilaw subalit ginagawa niya pa rin dahil ito ang tungkuling
nakaatang sa kanya.
A. tagabukas B.tagasara C.tagapinid D.taga-ikot
Gawain 4. Pag-unawa sa Binasa
A. Panuto. Basahin mabuti ang mga tanong at sagutin.
1. Paano at saan nagtagpo ang munting prinsipe at pilotong tagapagsalaysay?
2. Ilarawan ang katangian ng piloto at Ang Munting Prinsipe ayon sa akda?
3. Sino-sino ang mga taong natagpuan niya sa iba’t ibang palaneta? Ilarawan at Ihalintulad
sa kasalukuyan
4. Sino ang nagpayo sa kanyang magtungo sa planetang Daigdig?
5. Paano naipaliwanag ng alamid sa munting prinsipe ang pagiging espesyal ng kanyang
rosas sa kabila ng napakaraming katulad na rosas sa daigdig
6. Sa paanong paraan nakabalik ang munting prinsipe sa kanyang planeta? Paano siya
inaalala ng kaibigan niyang piloto?
7. Ipaliwanag ang ilang kaisipan na nakapaloob sa akda
A. “Ang pagkakaibigan ay nangyayari sa isang tiyak na dahilan.”
B. “May isang tao o bagay ang manantiling natatangi para sa iyo dahil ito ay may
kakaibang taglay na halaga para sa iyo”
Wika at Gramatika

Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag ng magkakasunod at


magkakaugnay ng mga pangyayaring nabasa, narnig nasaksihan o likhang isip lamang.
Ang mga pangyayari ay may simula, gitna at katapusan. Sa paglalahad ng mga
ito, may mga panandang diskurso na naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Karaniwan ito ay kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig na:
- At, saka, pati – na nagsasaad ng padaragdag na kaugnay na pangyayari
- Kapag, pag, kung, sakali – nagsasaad ng panubali
- Maliban, bukod sa, bukod kay – na nagsasaad ng paghihiwalay o
pagbubukod ng pangyayari o sitwasyon.
- Kay, kaya naman, bunga nito – na nagsasaad ng kinahinatnan o kinalabasan
ng naunang pangyayari.
Maaring magamit ang mga panandang hudyat na bagong simulan, una,
sumunod nito, pagkatapos, sa katapusan, bilang pagtatapos at sa wakas – sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

Gawain 6.
Panuto: Punan ng angkop na panandang hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ag patlang.
1. Nakakita rin siya at nakipag-usap sa isang bulaklak na may tatlong talulot umakyat sa
pinakamataas na bundok na kanyang nakita sa pag-asang may matatanaw siyang mga
tao kapag nasa tuktok na siya nito subalit wala rin siyang nakita_______ sa mga batong
nasa paligid.
A. saka B. maliban C.bukod D. pati
2. Sa nobelang Himala, ang mga taga baryo ay naniniwala na ang Cupang ay malas at
sinumpa. Malaking epekto ng paniniwalang ito ay ang nagdulot sa mga pag-iisip at
aksyon ng mga tao sa baryong iyon _______ maraming tao ang natatakot.
A. kaya B. kapag C.bunga nito D. saka
3. Labis na ikinalungkot ng piloto ang pagkamatay ng prinsipe subalit na bawasan ang
kanyang pagdadalamhati______ hindi na rin niya nakita ang katawan ng prinsipe
kinabukasan.
A. pati B. kapag C.bukod D. kaya naman
4. Nagkakilala ang tagapagsalaysay na isang piloto_____ ang munting prinsipe nang
bumagsak ang eroplanong piloto sa disyertong Sahara
A. pati B. saka C.kaya D. at
5. Sa pagdaan ng panahon, ang kanyang pangungulila ay napupunan ng pagtingin niya sa
mga bituin _____ naririnig niya ang mataginting na halakhak ng kanyang munting
kaibigan na naisip niya nakauwi na sa kanyang bayan.
A. bukod sa B. bukod kay C.kaya naman D. bunga nito.
Tandaan Natin

Sa sekdyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa Aralin. Layunin nito matulungan


kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kaalaman.
Gawain 7: Share ko Lang
Panuto. Ano-ano ang mga nadagdag sa iyong kaalaman tungkol sa akdang nobela
at sa mga elemento nito? Makatutulong kaya ito sa pagsusuri ng isang
Kuwento? Dugtungan

Natutuhan ko sa nobela _______________________________________

Napatunayan ko na ang _______________________________________

Patutunayan ko na ito ay ________________________________________

Isabuhay natin

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang
ma proseso kung ano ang natutuhan mo mula sa aralin
Gawain 8. Art Canva
Panuto. Sa kabila ng maraming pagbabago sa kulturang Filipino batay sa mga ilang
negatibong nabasa natin sa nobela. Sa panahon ngayon higit natin kailangan ang
pagkakaisa at pagtutulungan dulot ng pandemik. Gumawa ng isang poster na
nagpapakita ng pagmamalasakit sa isa’t isa sa tulong ng mga paalala na may
paksang, “Bayanihan: Heal as One Act “ Gamitin ang CANVA apps sa pagbuo
ng inyong poster. Ipost ito sa inyong FB Classroom page

Pamantayan
A. Orihinal 40
B. Masining 30
C. Nakakahikayat 30
Kabuuan 100

Tayahin Natin
Panuto.Bilugan ang letra ng tamang sagot
1. Anong katangian ang ipinakita ng munting prinsipe nang sabihing hindi niya alam ang
kahulugan ng salitang napaamo?
A. Siya’y nagkukunwari upang makuha ang loob ng alamid
B. Siya’y wala pang gaanong nalalaman ukol sa mga bagay-bagay sa daigdig ng mga tao.
C. Siya’y naghahanap ng kaibigang magiging guro o tagapagturo.
D. Sadyang mahina ang kanyang ulo at wala siyang nalalaman.
2. Anong katangian naman ang ipinakita ng alamid nang sabihan ang munting prinsipe
“hindi ka tagarito”?
A. Siya’y mapanghusga at mabilis magbigay ng kanyang opinyon.
B. Siya’y maawain at agad nakadama ng pagkaawa sa prinsipe.
C. Siya’y matalino at mabilis nakababasa sa kilos o sinasabi ng iba.
D. Siya’y naghahanap ng taong maaaring maging kaibigan.
3. Anong katangian o damdamin ang nadama ng alamid sa usapang ito nang sabihin
niyang wala talagang perpekto?
A. pagkasuklam C. pagkadismaya
B. pagkagalit D. paghihirap
4. Ito’y elemento na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
A. tema B. sibolismo C. kaisipan D. pananaw
5. Ito ay ginagamit sa mga kuwento upang makita ang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa nobela
A. damdamin B. tagpuan C. simbolismo D. banghay
B.Panuto. Hanapin sa mga sumusunod ang angkop na panandang diskurso upang nabuo
ang kaisipan na ipinahahayag ng pangungusap

Tungkol sa kung Bilang paglalahat Pagkatapos katulad ng

6. _____, patuloy na ang pagsulong ng mataas na antas ng edukasyon sa Asya.


7. Magiging maayos ang sistema ng edukasyon _______ palaging sinasanay ang mga guro
sa makabagong kaalaman.
8. _____ na maiangkop ng mga bansang Asyano ang makabagong teknolohiya, tiyak na
maibibilang na rin sila sa mga idustriyalisadong bansa.
9. Ang Japan ay ______ United states sa pagkakaroon ng mataas na antas ng teknolohiya.
10. Ang bagong kurikulum ay _______________ lalo pang pagpapataas ng antas ng
karunungan.
Panuto: Tukuyin kung anong elemento ang mga sumusunod na pahayag ng mga
pangungusap. Hanapin sa kahon at Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

A. Tagpuan D. Tauhan G. Banghay


B. Pananaw E. Tema H. Pamamaraan
C.Simbolismo F. Damdamin I. Pananalita
11. Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
12. Ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
13. Ito’y paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.
14. Ito’y nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at Pangyayari
15. Ito ay panauhang ginagamit ng may-akda:
A. Kapag kasali ang may-akda sa kuwento C. Batay sa nakikita
B. Ang may-akda ay nakikipag-usap D. Batay sa obserbasyon
Gawin natin

Gawain 9. Slogan
Panuto. Gumawa ng isang slogan na tumatakay sa, Bayanihan: Heal as One Act”
( Ibibigay ng guro ang pamantayang gagamitin)

Sanggunian
KAYUMANGGI - Batay sa Kurikulum na K-12
Kayumanggi 10 ni Ms. Gloria Alday, Angela Ong, Magdela O. Jocson at
Dr. Ana Maria Cabuhat
Leo-Ross Publication. No.1 Broine St, Block 39, Lot 33Phase III,
Golden City, Imus Cavite

Video /Teksto / Image


https://tl.wikipedia.org/wiki/Nobela
https://youtu.be/Z7UwVNLsnTo
https://blognichar.wordpress.com/2013/05/19/pagsusuri-sa-pelikulang-himala/

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writer: RAQUEL SALCEDO
Editors: VIRGINIA V. BAYANI
JOSEPHINE MENDEZ - PAGALING
Content Evaluator: MARIBEL B. SINGSON
Language Evaluator : JHON LESTER SANDIGAN
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA , EPS-FILIPINO
Illustrator: CAMILLE JEWEL L. GARCIA
Layout Artist: LEO U. PANTI
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like