You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Division of Pampanga
REMEDIOS NATIONAL HIGH SCHOOL
Lubao, Pampanga
S.Y. 2019 - 2020
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

Petsa : Ika-23 ng Hulyo, 2019


COT: 1

Layunin:

A. F10PT-Ig-h-67
Naibibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang ginamit sa akda

B. F10PB-Ig-h-68
Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan

C. F10PS-Ig-h-69
Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa kabanata

II. Paksang Aralin


A. Panitikan: “Ang Kuba ng Notre Dame”
Nobela mula sa France
The Hunchback of Notre Dame ni Victor Hugo
Isinalin ni Willita A. Enrijo
B. Gabay ng Guro: Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, pp. 27-28
C. Kagamitang pag-mag-aaral: Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, pp. 77-81
D. Mga kagamitan: sipi ng akda, laptop, tv, mga larawan

III. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral
Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ang pangungusap ay may kaugnayan sa nobela.

1. Isang kwento o kasaysayan


2. Binubuo ng sukat at mga talata
3. Binubuo ng mga kabanata
4. Bungang-isip/katha na nasa anyong prosa
5. Tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga
impormasyon
6. Tumutugon sa mga katanungang Sino? Ano? Kalian? At Saan?
7. Isang pag-aaral
8. Naglalahad ng kawil ng kawili-wiling pangyayari na pinaghabi-habi sa isang
mahusay na pagbabalangkas
9. Naglalarawan ng iisang kakintalan
10. Paggamit ng malikhaing guni-guni
B. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan. Magbigay ng komento hinggil sa mga ito.

C. Pag-alis ng Sagabal

Pangkatang Gawain: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit. Gamit ang
teknik MATHinik.
1. Nang araw ding iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa
pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakibahagi sa kasiyahan.
(16-15)+13(-2)-11(+11)-11(+8)+11
2. Sa paghahanap ng makakain , nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La Esmeralda.
(14-13)+10(-2)+11(-19)
3. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng matinding
panibugho sa nasasaksihan.
(16-15)+6(+12)-14(+14)-14(+7)+3(+4)
4. Nang sumapit ang hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay La
Esmeralda.
(16-15)+10(-2)+2(-2)+7(-15)+6+(+4)-2+11(-19)
5. Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig nila nagbaba ng kautusan ang
parliyamentaryo na paaalisin si La Esmeralda sa katedral.
(9+3)-3(-2)+13(-19)+18
D. Pagkilala sa May-akda
Powerpoint Presentation

E. Pagtalakay sa Aralin

Pangkatang Gawain:

Gawain 1: Pagsusuring Tauhan - Pagpapakilala sa mga tauhan sa nobela.

Mga Tauhan Papel Na Ginampanan


Quasimodo
La Esmeralda
Claude Frollo
Phoebus
Pierre Gringoire
Sister Gudule

Gawain 2: Banghayin Mo (Star Story Organizer) – Pagsasalaysay sa nobela


Pipili ng kulay ng tatsulok ang bawat pangkat. Bawat kulay ay may nakalaang Gawain
na bubuo sa nobela.

Kasukdulan

Suliranin Kakalasan

ANG KUBA NG
NOTREDAME

Simula Wakas

Gawain 3: Ilarawan Mo! – Ilarawan ang magkaibang wakas ng mga tauhan na masasalamin sa nobela.
Gamitin ang kasunod na dayagram sa pagsagot.

Claude
Frollo

Hinaharap
ng mga La
Quasimodo tauhan sa Esmeralda
nobela

Phoebus
Gawain 4: Kultura, Kilalanin! – Maglahad ng mga pangyayari o bahagi sa nobela na magpapakilala sa
kultura o pagkakakilanlan ng bansang pinagmulan ng akda. Itala sa tsart.

Bahagi o Pangyayari sa Akda Kultura o Pagkakakilanlan ng Bansa

F. Pagpapahalagang Pangkatauhan
Anong aral ang nais ipaabot ng may-akda sa kanyang nobela?

G. Paglalahat
Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang pampanitikan sa pagkilala sa kultura at
kaugalian ng isang bansa?

IV. Ebalwasyon

Maikling Pagsusulit. Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____1. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa
pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakibahagi sa kasiyahan. Ipinapakita
sa pahayag na ang mga tao sa Paris ay ___________________.
a. masayahin b. mapanghusga c. maalalahanin d. mainipin
_____ 2. Uri ng panitikan na naglalahad ng isang kawil ng mga pangyayari na hinabi sa isang mahusay
na pagkakabalangkas.
a. nobela b. maikling kuwento c. tula d. sanaysay
_____ 3. Ang tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na nobela ay _________,
___________ at _____________.
a. may tugma, sukat at himig
b. sumasagot sa tanong na sino? ano? at bakit?
c. isa ang kuwento o kasaysayan, isang pag-aaral at paggamit ng malikhaing guni-guni
d. binibigyang- halaga ang kilos o galaw, ang pagsasalita at kaisipan ng tauhan
_____ 4. Ang nobela ay binubuo ng mga ________________.
a. saknong b. taludtod c. kuwento d. kabanata
_____ 5. Ang tauhang si Frollo sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame” ay isang paring nag-alaga sa
kubang si Quasimodo. Paano siya ipinakilala bilang kontrabida sa akda?
a. stereotypical b. hindi stereotypical c. tauhang bilog d. tauhang lapad
_____ 6. Ang kuba ng Notre Dame ay itinanghal bilang _____________________.
a. Papa ng Roma b. Hari ng Notre Dame c. Papa ng Kahangalan d. Hari ng Kabaitan
_____ 7. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kanya.
Sinong tauhan ang tinutukoy sa panghalip na siya?
a. Gringoire b. Frollo c. Esmeralda d. Quasimodo
_____ 8. Dumating si La Esmeralda. Lumapit ang dalaga sa kanya na may hawak na isang basong tubig.
Pinainom siya. Paano inilarawan si La Esmeralda sa pahayag?
a. may malasakit sa kapwa c. may malaking pagkagusto
b. may kababaang loob d. may magandang mukha
_____ 9. Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok at doon
hinanap ang dalaga. Ano ang damdamin ang nanaig kay Quasimodo sa pahayag?
a. pag-aalala c. kagalakan
b. katusuhan d. pag-iisip
_____ 10. Nang mamataan si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman ay inihulog
niya sa tore ang paring kumupkop sa kanya. Ano ang nagtulak kay Quasimodo na gawin ito kay
Frollo?
a. matinding galit c. matinding hinanakit
b. matinding pagdurusa d. matinding pasasalamat
V. Takdang Aralin
Basahin at unawain ang “Dekada 70”. Kaugnay na teksto ng nobelang Ang Kuban g
Notredame. Pagkatapos, paghambingin ang dalawang nobela gamit ang venn diagram.

Inihanda ni;

LYRE D. GUEVARRA
MT-I

Binigyang puna ni:

JOCELYN D. BALUYUT
Punungguro

You might also like