You are on page 1of 24

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 6
0
Nobela mula sa France

Kagawaran ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas


Filipino-Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Nobela mula sa France
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Jocylene R. Cahutay


Mga Editor: Miguela L. Heyasa
Renaden M. Secretaria
Geraldine B. Mediante
Genelyn J. Abatayo
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD

Mga Tagapangasiwa

Tagapangulo: Arturo B. Bayocot, PhD, CESO III


Direktor ng Rehiyon

Mga Katuwang na Tagapangulo:


Victor G. De Gracia Jr., PhD, Ceso V Mala Epra B. Magnaong, Chief CLMD
Katuwang na Direktor ng Rehiyon Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV Bienvenido U. Tagolimot Jr., PhD EPS-ADM
Tagapamanihala, Sangay ng Bukidnon Elbert R. Francisco, PhD, Chief CID
Shambaeh A. Usman, PhD Amelia L. Tortola, EdD Filipino
Katuwang ng Tagapamanihala, Rejynne L. Ruiz, LRMDS Manager
Sangay ng Bukidnon Jenny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolosco, Division Librarian II

Department of Education – Division of Bukidnon


Office Address: Fortich street, Sumpong, Malaybalay City 8700 Bukidnon
Telefax: 088-813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph.

ii
iii
Aralin Ang Kuba ng Notre Dame
1
Sa araling ito inaasahang maipamalas mo ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa nobela na pinamagatang “Ang Kuba ng Notre Dame”. Buod
lamang ito na isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo. Ang nobelang ito ay isinulat ni
Victor Hugo na itinuring na isa sa mahusay na manunulat sa mundo.

Alamin

Kompetensing Lilinangin.
 Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang
pampanitikan sa pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw.
(F10PB-Ig-h-68)

Balikan

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang tungkol sa Maikling Kuwento


na nag mula sa bansang France na kung saan napag-aralan natin ang kanilang
kultura, kaugalian at tradisyon. Ngayon ay inaasahang maipamalas mo ang pag-
unawa at pagpapahalaga sa nobela na pinamagatang “Ang Kuba ng Notre
Dame”. Pero, bago ‘yan basahin mo muna at unawain ang isang Tips para sa
Pagbasa.

Tuklasin

Gawain 1: Lagyan ng / ang kahon kung ang pangungusap ay may kaugnayan sa


nobela at X naman kung walang kaugnayan sa nobela.
1. isang kwento o kasaysayan
2. binubuo ng sukat at mga talata
3. binubuo ng mga kabanata
4. bungang-isip /katha na nasa anyong prosa
5. tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaring kapulutan
ng mga impormasyon.
6. tumutugon sa mga katanungang Sino,ano,kalian saan?
7. isang pag-aaral
8. naglalahad ng isang kawil ng kawili-wiling mga pangyayari na
pinaghahabi-habi sa isang mahusay na pagbabalangkas.

1
9. naglalarawan ng isang kakintalan
10. paggamit ng malikhaing guniguni
11. maraming pangyayari ang inilalahad
12. itinuturing na makulay,mayaman at makabuluhang anyo ng
Panitikan
13. tungkol ito sa mga diyos at diyosa
14. naglalahad ito ng pananaw at opinion tungkol sa tiyak na
paksa.
15. maliwanag at maayos ang mga tagpo at kaisipan

Suriin

NOBELA
Ang nobela ay isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga
pangyayariing pinagdikit sa pamamagitian ng balangkas. Bukod rito, ang
pangunahing layunin ng isang nobela ay ang paglahad ng hangarin ng bida at
kontra bida ng kuwento. Ito ay ginagawa sa isang malikhaing pagsasalaysay ng
pangyayari.
Elemento ng Nobela
1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa- ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayari.

Basahin ang buod ng nobelang isinulat ni Victor Hugo na “Ang kuba ng


Notre Dame” Alamin kung makikita ba ang magagandang mukha ng bansang
France sa kanilang panitikan mula sa akda. Gayundin bigyang pansin mo rin kung
paano naiiba ang nobela sa iba pang akdang pampanitikan sa pagkilala sa kultura
at kaugalian.
Ang Kuba ng Notre Dame
Ni Victor Hugo

Noong unang panahon mayroong isang kuba na sobrang napakapangit na


si Quasimodo na nagkakagusto kay La Esmeralda, isang napakagandang
mananayaw. Ngunit hindi lang si Quasimodo ang may gusto kay La Esmeralda,
maging ang paring kumupkop kay Quasimodo na si Claude Frollo at ang kapitan

2
ng tagapagtanggol ng kaharian na si Phoebus ay nabighani rin. Labis ang
pagnanasa ni Frollo kay La Esmeralda kung kaya't sinunggaban niya ito isang araw
na naglalakad mag-isa. Nailigtas si La Esmeralda ng pilosopong si Pierre
Gringoire. Dinakip si Quasimodo at nakatakdang bitayin ngunit nakiusap si La
Esmeralda kaya't hindi nabitay si Quasimodo.

Noong mga oras na iyon ay nahulog na ang loob ni Quasimodo kay La


Esmeralda. Sa kabilang banda, may nagtangkang pumatay kay Phoebus ang
katipan ni La Esmeralda at pinaratangan si La Esmeralda kaya't pinagdesisyunan
siyang bitayin. Nang oras na siya ay bitayin ay sumugod ang mga magnanakaw
na kaanak ni La Esmeralda upang ipagtanggol siya at nandoon din si Quasimodo.
Pinapili ni Frollo si La Esmeralda kung gusto ba nitong mabitay o mahalin na
lamang siya ngunit mas gusto pang mamatay si Esmeralda kaysa mahalin si Frollo.

Noong makita ni Quasimodo na wala ng buhay si La Esmeralda ay labis


siyang nasaktan at bigla na lang naglaho ngunit kalaunan ay natagpuan ang isang
kalansay ng kuba na nakayakap sa kalansay ni La Esmeralda.

Pagyamanin

Gawain 2: Ilarawan ang magkaibang wakas ng mga tauhan na masasalamin sa


nobela. Gamitin ang kasunod na dayagram sa pagsagot.

QUASIMODO CLAUDE FROLLO

HINAHARAP NG MGA TAUHAN SA NOBELA

LA ESMERALDA PHOEBUS

3
Isaisip

Gawain 3. Pag-isipan mo!


Panuto: Bumuo ng mahalagang konsepto na natutuhan mula sa aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong.

1. Paano nakatulong ang mga pangyayari at tauhan sa pagpapakilala ng kultura


o bansang kanilang pinagmulan?

________________________________________________________________

2. Anong mga katangian ng mga tauhan ang nagpapakilala sa kultura o bansang


kanyang pinagmulan?

________________________________________________________________

Isagawa

Gawain 4: Suring Tauhan


Panuto: Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa nobelang binasa at paano
ipinakilala ang kultura o pagkakakilanlan ng bansang kanyang pinagmulan.
Gayahin ang pormat sa pagsagot.

Paano ipinakita
ang kakaibang
Tauhan Paano mag-isip o Ano ang kanyang katangian mula sa
kumilos saloobin bansang
pinagmulan
La Esmeralda

Claude Frollo

Quasimodo

Phoebus

Tayahin

Panuto: Pilin at isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa


ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon
na nakikibahagi sa kasiyahan. Anong katotohanan sa buhay ng tao ang
ipinakita sa pangyayari?
A. Pagsaboy ng kahihiyan sa kapwa C. Pagdiriwang ng kapistahan
B. Pagpapasaya sa sambayanan D. Pagbabayad ng utang

4
2. Matapos ang ilang taon, natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod
ang libingan ni La Esmeralda at nasilayan ang kalansay ng kuba na
nakayakap sa katawan ng dalaga. Anong katotohanan sa pangyayaring ito ang
maiuugnay natin sa totoong buhay?
A. Ang tunay na pagkakaibigan ay laging nagdadamayan.
B. Ang wagas na pagmamahal ay hanggang kamatayan.
B. Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing marangal.
D. Ang pagmamahal sa kaibigan ay pagsama kahit saan.
3. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang
ng kaunting awa sa kanya ang dalaga. Alin sa sumusunod ang larawang
maiuugnay natin sa tunay na buhay?
A. Isang lalaking sugatan ang damdamin dahil sa kabiguan
B. Isang amang pinagkaitan ng pagmamahal ng isang anak
C. Isang manliligaw na hindi ginusto ng nililigawan
D. Isang lalaking sumuko na sa kabiguan
4. Nang makita ni Quasimodo si La Esmeralda na nakaputing bestida at wala
nang buhay ay naramdaman niya ang di maipaliwanag na damdamin kaya
niyakap niya ito nang mahigpit. Alin sa mga sumusunod ang kasalukuyang
pangyayari na maihahalintulad dito?
A. Isang lalaking nagpakasal sa bangkay ng kasintahan
B. Isang lalaking di matanggap ang sinapit ng asawang OFW
C. Isang lalaking hinukay ang libingan ng asawa
D. Isang lalaking nagkamali sa pagpili ng asawa.
5. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may
sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may
sala. Aling pangyayari sa kasalukuyan ang maiuugnay natin sa bahaging ito
ng nobela?
A. Isang lalaki ang napabalitang pinatay ng hindi kilalang salarin.
B. Isang lalaki ang bigla na lamang inatake sa puso sa isang sayawan.
C. Isang lalaking nakasagupa ng away sa gitna ng inuman.
D. Isang lalaki ang walang habas na pinagtataga dahil sa away sa lupa.
6. Tinatawag siyang babaeng “hamak na mananayaw” at anak ng magnanakaw.
A. La Esmeralda C. Quasimodo
B. Sister Gadule D. Phoebus
7. Anong sangkap ng dula ang itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip
8. Alin sa sumusunod na elemento ng dula ang tumutukoy sa mga binibitiwang
linya ng mga aktor?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip
9. Alin sa sumusunod na sangkap o elemento ng dula ang nagsasabuhay sa mga
tauhan sa iskrip?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip
10. Anong sangkap ng dula ang tumutukoy sa pook na pinagpasyahang
pagtatanghalan ng dula?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director

5
11. Ito ay sangkap ng dula na siyang nagpapakahulugan sa isang iskrip?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director
12. Dumating si La Esmeralda at lumapit ang dalaga sa kanya na may hawak na
isang basong tubig.Pinainum siya.Paano inilarawan si La Esmeralda sa
pahayag?
A. may malasakit sa kapwa C. may kabutihang loob
B. may malaking pagkagusto D. may pagmamahal
13. Sino ang sumulat ng akdang Ang Kuban g Notre Dame?
A. Guy de Maupassant C. Lualhati Bautista
B. Victor Hugo D. Eros Atalia
14. Sino ang pinananiwalaan na dating mayaman subalit nawalan ng bait nang
mawala ang anak na babae?
A. La Esmeralda C. Claude Frollo
B. Sister Gudule D. Phoebus
15. Sino ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian?
A. Pierre Gringoire C. Phoebus
B. Claude Frollo D. Quasimodo

Karagdagang Gawain

Gawain 5: Ihambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga


pangyayari sa binasang nobela. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot.

Pangyayari Ang kuba ng Notre Dame Napanood na dula


(Pamagat)

Pangyayari 1

Pangyayari 2

Pangyayari 3

6
Aralin
2 Dekada 70
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang isa pang halimbawa ng Nobela na
isinulat ni Lualhati Bautista. Bahagi ng araling ito ang pag-aaral ng mga pang-
ugnay o pangatnig na ginagamit bilang hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari o mga salita na magbibigay-linaw sa mga mahihirap na bahagi ng
akda.

Alamin

Kompetensing Lilinangin
 Nailalarawan ang kultura ng mga tuhan na masasalamin sa kabanata
(F10PS-Ig-h-69)

Balikan

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang tungkol sa Nobelang “Ang


Kuba ng Notre Dame” Ngayon ay pag-aaralan mo ang isa pang halimbawa ng
nobelang isinulat ni Lualhati Bautista ang dekada “70. Ngayon inaasahan na
maunawaan at mabibigyang pansin ang pagkakaiba ng nobela sa iba pang uri
akdang paampanitikan upang makilala ang kultura at kaugalian ng isang bansa.

Tuklasin

Gawain 1: Pamilya mo, hahanapin ko!


Panuto: Hanapin at piliin sa loob ng kahon ang mga tauhan ng nobelang Dekada
“70. Isulat ang mga ito sa loob ng concept organizer na nasa ibaba.

Amanda Atarah Julian Gani Bingo


Gani Em Yen Jason Jules
Amarah

Mga Tauhan: Dekada ‘70

1. 2.

3. 4. 5.

6. 7.

7
Gawain 2: Karanasan Ko, Pinagdaanan Mo
Panuto: Magbigay ng halimbawang pangyayaring maiuugnay sa kasalukuyan
batay sa inilalarawan ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gayahin ang pormat sa ibaba
1. Si Julian naman ay naging manhid at parang walang pakialam sa kakulangan
nadarama ng kaniyang asawa, naging walang kibot sa mga problemang
kinakaharap ng kanilang pamilya. Kaugnay na pangyayari sa kasalukuyan

2. Ang pagkakamali at mga kabiguan ng kanyang mga anak ay nagagawang isisi


ni Amanda sa kanyang sarili,Iniisip niya marahil mayroon siyang pagkakamali
sa pagpapalaki sa mga ito. Kaugnay na pangyayari sa kasalukuyan.

Suriin

Dekada’70 (buod)
Ni Lualhati Bautista

Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamamayang


Pilipino. Isang di-makatao at di-makatarungang gobyerno na nagbibingi-bingihan
sa daing ng mamamayan. Laganap sa bansa noong Martial law ang ibat-ibang
klase ng krimen gaya ng salvaging. Magkabila ang rallies at iba pang
demonstrasyon na kinabibilangan ng mga estudyante imbes na nag-aaral ay
nakikipaglaban upang makamit ang kalayaan at ito ang lubhang bumabagabag kay
Amanda Bartolome, isang tipikal na maybahay, ina ng 5 anak na pulos lalaki. Ang
kanyang buhay ay umikot na lang sa pagiging ina at asawa at nakuntento na siya
sa pagiging ganito kahit na kakulangan ang nadarama niya para sa sarili. May mga
pangarap siyang ninais din niyang matupad, itinuring niya na lang na ang
katuparan ng mga pangarap ng kanyang mga anak ay katuparin niya na rin.

Una, ang panganay na si Jules, may liberal na pag-iisip. Naging isang


komunista, di-man matatawag na isang tunay na propesyon dito na niya natagpuan
ang katuparan ng kanyang pangarap para sa anak nila ni Mara at iba pang
kabataan naghahangad ng mabuting kinabukassan.

Sumunod si Gani, maagang nag–asawa’t nagkaanak ngunit mabilis din


silang nagkahiwalay ni Evelyn. Ang pangatlo ay si Em, pinakamatalino sa

8
magkakapatidnaging isang magaling na manunulatsa isang lingguhang
pahayagan na tumutuligsa sa Martial Law.

Ikatlo, ang pinakamalambing na si Jason, ang kakulangan niya bilang


estudyante ay matagumpay na napagtatakpan na katangian niya bilang anak.
Pagkatapos, ang bunsong si Bingo namulat sa mundong walang katahimikan at
walang katiyakan, ngayo’y magtatapos nang kolehiyo.

Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga


anak, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaag ng
pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sa
katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala lamang
ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa inasal
niya. Nagkalamigan sila ni Julian.

Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules. Pupunta


raw siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang
gagawin nito sa Bikol. Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May
pang-uuyam na sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling
mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules. Nahuli si Jules at dinala sa Kampo
Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa
ng mga sundalo.

Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala


itong pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi,
may tawag na tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana.
Nagtanung-tanong sila sa mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit
hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga
anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si
Jason. Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang
kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya
umalis. Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon
ng ng kanilang pag-uusap, ng kanilang pagkakaunawaan. Pinalaya si Jules.

Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng kanyang simulain.


Ibinalik siya sa Kampo Crame. Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay-
sabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daang bilanggong pulitikal. May kani-
kanya nang buhay ang kanyang mga anak, mula kay Jules hanggang kay Binggo.
Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi magtatagal at maiiwan na sila
ni Julian. Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa mundong
ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na rin sa mga
gawaing para sa kapwa at bayan.

9
Pagyamanin

Gawain 3: Suring Tauhan


Panuto: Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa nobelang binasa at paano
ipinakilala ang kultura o pagkakakilanlan ng bansang kanyang pinagmulan.
Gayahin ang pormat sa pagsagot.

Paano ipinakita ang


Tauhan Paano mag-isip o Ano ang kanyang kakaibang katangian mula
kumilos saloobin sa bansang pinagmulan
Amanda
Julian
Jules
Gani
Jason
Bingo
Mara

Isaisip

Gawain 4. Pag-isipan mo!


Panuto: Sagutin nang buong husay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Paano nakatulong ang paglalapat ng teoryang humanism sa pagpapakilala ng


kultura o kaugalian ng bansa?

2. Ilarawan ang kaugalian o kultura na masasalamin sa binasang buod.

Isagawa

Gawain 5: Panuto: Ihambing ang pagkakaiba o pagkakapareho ng pananaw ng


may-akda tungkol sa Pamilya? Pag-ibig? Magbigay ng patunay.
Ang Kuba ng Notre Dame Dekada ‘70

Pamilya

10
Pag-ibig

Patunay

Tayahin

Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay wasto
at Mali naman kung ang pahayag ay di-wasto.

1. Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng ibayong hirap sa mamamayang


Pilipino.
2. Laganap sa bansa noong Martial law ang ibat-ibang klase ng krimen gaya ng
salvaging.
3. Magkabila ang rallies at iba pang demonstrasyon na kinabibilangan ng mga
estudyante imbes na nag-aaral ay nakikipaglaban upang makamit ang
kalayaan.
4. Si Amanda Bartolome isa sa mga tauhan ng nobelang dekada “70.
5. Nagkaroon ng apat (4) na anak ang mag-asawang Amanda at Julian.
6. Paulit-ulit na binabalikan ni Amanda ang masasayang alaala ng kabataan ng
kanyang mga anak.
7. Hindi sinuportahan ni Julian ang adhikain ng kanyang mga anak.
8. Sa loob ng 27 taon ng pagiging asawa at ina sa kanyang palagay hindi siya
ganap na umuunlad bilang tao.
9. Ang mga pagkakamali at mga kabiguan ng kanyang mga anak ay nagawa
niyang isisi sa kanyang asawa na si Julian.
10. Magiting na nanindigan Si Amanda hanggang sa huli.
11. Ang dekada’70 ay isang maikling kwento.
12. Binibigyang-diin ng Dekada “70 ang mahalagang papel na ginagampanan ng
mga magulang sa paggabay sa kanilang mga anak sa mga usaping katulad
ng kalayaan o karapatang pantao o peminismo at marami pang iba.
13. Simbolismo ang tawag sa pamamaraan o istilo ng manunulat.
14. Banghay ang tawag sa nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao,
bagay at pangyayari.
15. Damdamin ang paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.

11
Aralin
3
Pagsasadula
Pag-aaralan mo sa araling ito ang tungkol sa dula bilang sining na may
layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa mga manonood sa
pamamagitan ng kilos, diyalogo ng mga tauhan at iba pang aspeto nito.

Alamin

Kompetensing Lilinangin
 Naisasadula ang isang pangyayari sa buhay na may pagkakatulad sa mga
piling pangyayari sa kabanata ng nobela. (F10PU-Ig-h-69).

Balikan

Napag-aralan mo sa nakaraang aralin ang mga Dikada ‘70 na siyang


nagbibigay-linaw o nagbubukas isipan ng mga Pilipino tungkol sa pamamahala ng
bansa. Ngayon naman ay pag-aaralan naman natin ang tungkol sa Pagsasadula.
Ano ba ang pagsasadula? Nakakatulong ba ito sa paglinang ng ating kaisipan, o
sarili? Bago natin tatalakayin may inihanda akong mga gawain na may kaugnayan
sa paksang tatalakayin.

Tuklasin

Gawain 1: Sangkap mo, hahanapin ko!


Panuto: Hanapin at piliin sa loob ng kahon ang mga elemento o sangkap ng
dula. Isulat ang mga ito sa loob ng concept organizer na nasa ibaba.
kuwento o kasaysayan iskrip o banghay tanghalan
gumaganap o aktor malikhaing guniguni tagadirehe
pag-aaral diyalogo manonood

1.
2.
6.

ELEMENTO
O SANGKAP NG DULA

3.
5.

4.

12
Gawain 2: Karanasan Ko, Pinagdaanan Mo
Panuto: Magbigay ng halimbawang pangyayaring maiuugnay sa kasalukuyan
batay sa inilalarawan ng bawat bilang.
1. Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa
ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon
na nakikibahagi sa kasiyahan. Kaugnay na pangyayari sa kasalukuyan

2. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang


ng kaunting awa sa kanya ang dalaga. Kaugnay na pangyayari sa
kasalukuyan

Suriin

SANGKAP O ELEMENTO NG DULA

1. Iskrip. Ito ay ang pinakakaluluwa ng isang dula. Lahat ng bagay na


isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip. Walang dula kung
walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang sumusunod:

A. Banghay. Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o


sitwasyon.
B. Gumaganap o aktor. Sila ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip,
nagbibigkas ng diyalogo, nagpapakita ng ibat-ibang damdamin at sila
ang pinanonood na tauhan sa dula.
C. Tagpuan. Ito ang panahon at pook kung saan naganap ang
pangyayaring isinasaad sa dula.
D. Diyalogo. Ito ang mga binibitawang linya ng mga aktor upang
maipakita at maipadama emosyong ipinapahiwatig ng bawat linya.
E. Eksena at Tagpo. Ito ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga
tauhan at ang pagpapalit ng ibat-ibang tagpuan na pinangyarihan ng
mga pangyayari.
F. Pag-arte. Dito ipinapakita ng mga aktor ang pagkilos o pag-arte sa
harap ng mga manonood ayon sa katauhan ng karakter na
ginagampanan sa dula.
2. Tanghalan. Pook o lugar na pinagpasyahang pagtatanghalan ng isang dula.
Halimbawa: kalsada; silid-aralan; at iba pa.
3. Tagadirehe o Direktor. Siya ang nagpapakahulugan sa iskrip, nag-iinterpret
sa mga ito, pagpapasya sa hitsura ng tagpuan, damit ng mga tauhan,
hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng ng diyalogo ng mga
tauhan.

13
4. Manonood. Hindi maituturing na dula ang isang pagtatanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao sapagkat ang layunin ng dula ay maitanghal at
mayroong makasaksi o makapanood.
5. Tema. Ito ang pinakapaksa ng isang dula.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ISKRIP

1. Laging isaisip ang mga sangkap na bumubuo ng isang iskrip; banghay,


tauhan, diyalogo, tagpuan at eksena.
2. Ang isusulat na iskrip ay dapat malinaw at madaling maitindihan.
3. Ang manunulat ay dapat gumamit ng mga salitang madaling maunawaan.
4. Tandaan na ang iskrip ay manuskrito ng isang audio-visual na materyal
kung saan nakasulat ang sumusunod: a) Bersyon ng mga salitang dapat
sabihin; b) Mensahe na dapat ipabatid; c) Gabay ng tagaganap, direktor at
tagaayos ng tunog at musika
5. Gawing maikli at simple ngunit naglalaman ng mahahalagang
impormasyon.

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Anong sangkap ng dula ang tumutukoy sa pook na pinagpasyahang
pagtatanghalan ng dula?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director
2. Anong sangkap ng dula ang itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip
3. Alin sa sumusunod na elemento ng dula ang tumutukoy sa mga binitiwang
linya ng mga aktor?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip
4. Alin sa sumusunod na sangkap o elemento ng dula ang nagsasabuhay sa
mga tauhan sa iskrip?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. iskrip
5. Ito ay sangkap ng dula na siyang nagpapakahulugan sa isang iskrip?
A. karakter C. diyalogo
B. tanghalan D. director
6. Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa
ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon
na nakikibahagi sa kasiyahan. Anong katotohanan sa buhay ng tao ang
ipinakita sa pangyayari?
A. Pagsaboy ng kahihiyan sa kapwa B. Pagpapasaya sa sambayanan
C. Pagdiriwang ng kapistahan D. Pagbabayad ng utang
7. Matapos ang ilang taon, natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod
ang libingan ni La Esmeralda at nasilayan ang kalansay ng kuba na
nakayakap sa katawan ng dalaga. Anong katotohanan sa pangyayaring ito ang

14
maiuugnay natin sa totoong buhay?
A. Ang tunay na pagkakaibigan ay laging nagdadamayan.
B. Ang wagas na pagmamahal ay hanggang kamatayan.
C. Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing marangal.
D. Ang pagmamahal sa kaibigan ay pagsama kahit saan.
8. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang
ng kahit kaunting awa sa kanya ang dalaga. Alin sa sumusunod ang larawang
maiuugnay natin sa tunay na buhay?
A. Isang lalaking sugatan ang damdamin dahil sa kabiguan.
B. Isang amang pinagkaitan ng pagmamahal ng isang anak.
C. Isang manliligaw na hindi ginusto ng nililigawan.
D. Isang lalaking sumuko na sa kabiguan.
9. Nang makita ni Quasimodo si La Esmeralda na nakaputing bestida at wala
nang buhay ay naramdaman niya ang di maipaliwanag na damdamin kaya
niyakap niya ito ng mahigpit. Alin sa mga sumusunod ang kasalukuyang
pangyayari na maihahalintulad nito?
A. Isang lalaking nagpakasal sa bangkay ng kasintahan.
B. Isang lalaking di matanggap ang sinapit ng asawang OFW.
C. Isang lalaking hinukay ang libingan ng asawa.
D. Isang lalaking nagkamali sa pagpili ng asawa.
10. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay biglang may
sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding naglaho ang may
sala. Aling pangyayari sa kasalukuyan ang maiuugnay natin sa bahaging ito
ng nobela?
A. Isang lalaki ang napabalitang pinatay ng hindi kilalang salarin.
B. Isang lalaki ang bigla na lamang inatake sa puso sa isang sayawan.
C. Isang lalaking nakasagupa ng away sa gitna ng inuman.
D. Isang lalaki ang walang habas na pinagtataga dahil sa away sa lupa.
11. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga sangkap ng iskrip sa isang
dula?
A. Oras C. Dayalogo
B. Banghay D. Karakter
12. Alin sa sumusunod ang ganap na paglalarawan ng isang iskrip?
A. Pinakawakas ng dula C. Pinakatawan ng dula
B. Pinakasimula ng dula D. Pinakakaluluwa ng dula
13. Sa iskrip, ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan ay tinatawag
na___
A. tagpo C. linya
B. eksena D. pag-arte
14. Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung walang
mga ____
A. direktor C. manonood
B. tanghalan D. actor
15. Sino ang nagpapakahulugan sa iskrip, nagpapasya sa itsura ng tagpuan,
damit ng mga tauhan at paraan ng pagganap?
A. direktor C. manonood
B. tanghalan D. actor

15
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang yugtong iskrip na may eksenang nagpapakita ng


pang-aalipusta at pang-aapi sa kapwa dahil sa taglay nitong kapansanan sa
pisikal na katangian. Ang pamantayang nasa ibaba ay ang gagamitin sa
pagmamarka

Pamantayan sa Pagbibigay ng Marka

Pamantayan Bahagdan (%)

Pagsunod sa pamantayan sa pagsulat 50%


ng iskrip

Kaangkupan sa tema o paksa 25%

Wastong gamit ng wika 25%

KABUUAN 100%

Aralin Mga Panandang Pandiskurso


4
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang mga panandang pandiskurso. Bahagi
ng araling ito ang pag-aaral ng mga pang-ugnay o pangatnig na ginagamit bilang
hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o mga salita na magbibigay-
linaw sa mga mahihirap na bahagi ng akda.

Alamin

Kompetensing Lilinangin
 Nagagamit ang mga angkop na hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. (F10-Ig-h-62)

Balikan

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang tungkol sa nobela.


Matatandaan na ito ay binubuo ng mga kawing-kawing na pangyayari na inilalahad
sa pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo at hinabi sa isang mahusay na
pagkakabalangkas. Sa pagsasalaysay ng isang kuwento o nobela ay nakatutulong
nang malaki ang mga panandang pandiskurso. Ito ang susunod na paksang
iyong pag-aaralan. Subalit, bago mo ipagpatuloy ay iwasto mo muna ang paunang
pasulit na sinagot mo.

16
Tuklasin

Gawain 1. Gawin mo!


Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga pangungusap na may angkop na panandang
pandiskursong ginamit at ekis (X) naman kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
____1. Nagmamadali si Quasimodo dahil gusto niyang mailigtas si La
Esmeralda.
____2. Hindi matanggap ni Frollo na hindi siya kayang mahalin ni La Esmeralda,
bunga nito ay nakabuo siya ng isang masamang balak para sa babae.
____3. Ang kanyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa
kanya na talikuran ang Panginoon kaya napagpasyahan niyang pag-
aralan ang itim na mahika.
____4. Kung sa pagiging kuba siya rin ang pinakapangit sa buong Paris.
____5. Kapag pakasalan mo ako, ililigtas kita sa parusang kamatayan.
Gawain 2: Word Concept
Panuto: Ibigay ang apat na mga pangkat at gamit ng mga Panandang
Pandiskurso. Gumuhit ng word concept organizer sa iyong papel at
ipaloob dito ang iyong sagot.

PANGKAT AT GAMIT
NG PANANDANG
PANDISKURSO

Suriin

Ang Panandang Diskurso


Ang mga panandang pandiskurso ay mga salita o mga parirala na
karaniwang kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig. Ito ay maaring
maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o di kaya’y maghimaton
o magbibigay-linaw sa mahihirap na bahagi ng babasahin.
May apat na pangkat at gamit ang mga panandang pandiskurso.
Tunghayan ang mga sumusunod:
 at, saka, pati – ang mga ito ay nagsasaad ng pagdaragdag ng mga
impormasyon
Halimbawa:
1) Tanggap niya ang kanyang sariling kaanyuan at tinanggap
din niyang siya’y itanghal na “Papa ng Kahangalan”.

17
2) Ginawa niyang maghigante para kay La Esmerald, saka siya
nagpatiwakal.

 maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa – ang mga ito ay nagsasaad
ng pagbubukod o paghihiwalay ng dalawang kaisipan o pangyayari.
Halimbawa:
1) Maliban sa sakit na nararamdaman mula sa mga latay ng latigo,
matinding kirot pa sa kanyang puso ang mga pangungutya’t
panghahamak sa kanya ng mga taong naroon.
2) Kaya niyang gawin ang lahat, huwag lang maparusahan si La
Esmeralda.

 tuloy, bunga nito, kaya naman – ang mga ito ay nagsasaad ng


kinalabasan o kinahinatnan ng mga pangyayari.
Halimbawa:
1) Naghahari ang maling paniniwala sa kanyang puso, bunga nito
ay nagkagulo ang buong palasyo.

 kapag, sakali, kung – ang mga ito ay nagsasaad ng mga kondisyon o mga
pasubali.
Halimbawa:
1) Maaring hindi matuloy ang parusang bitay sa iyo sakaling
papayag kang pakasalan ako.

Pagyamanin
Gawain 3
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

____ 1. Ang mga panandang pandiskurso ay ginagamit sa___


A. pagsisimula ng akda
B. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
C. pagtukoy ng mga pang-uri
D. pagtatapos ng isang akda
____ 2. Ang panandang pandiskurso na “maliban” ay nagpapahayag ng___
A. impormasyon C. kalalabasan
B. pagbubukod D. pasubali
____ 3. Natutuwa ako kapag nakikita kitang masaya. Ang salitang kapag ay
isang___
A. pang-abay C. pangatnig
B. panghalip D. pang-uri
____ 4. Kinikilalang hudyad sa pagsusunod-sunod sa mga pangyayari ang___
A. pang-abay C. pang-uri at Pang-ukol
B. pandiwa at Panuring D. pangatnig at Pang-ugnay
_____5. Ang mga panandang pandiskurso ay ginagamit sa___
A. paghiwa-hiwalay ng mga pangyayari
B. pagsanib ng mga kababalaghan

18
C. pagsususnod-sunod sa mga pangyayari
D. pagtugon sa mga katanungan
Para sa bilang 6-10.

A. Dahil C. Maliban E. kaya


B. Bukod sa D. huwag lang F. Kung

_____6. Sobra-sobra ang kanyang pag-aalala ____nabuo niya ang desisyong


iyon.
_____7. _______ sa taglay niyang kapangitan, siya ay itinanghal na” Papa ng
Kahangalan”.
_____8. _______sakit ng bawat latay ng latigong ipinapalo sa kanyang katawan,
may matinding kirot pang dulot sa kanyang puso ang bawat
pangungutya at panghahamak ng mga taong nakapaligid sa kanya.
____9. Kayang gawin ni La Esmeralda ang anumang bagay ___________
matuloy ang pagbitay kay Gringoire.
____10. _____________ pagiging mabait, si La Esmeralda ay isa ring
napakagan-dang dalaga.
____11. Ang hudyat na ito ay nagpapahayag ng pagdaragdag ng mga
impormasyon.
A. at C. maliban
B. kaya D. tuloy
____12. Ang panandang ito ay nagsasaad ng kondisyon o pasubali.
A. kaya C. kung
B. pati D. bukod sa
____13. Ito ay nagsasaad ng kinalabasan o kahihinatnan.
A. huwag lang C. bukod kay
B. bunga nito D. saka
____14. Ito ay maghimaton sa pagkakabuo ng diskurso.
A. pang-abay C. pang-ukol
B. panghalip D. pananda
____15. Ito ay nilalayong buuin kaya ginagamit ang hudyat sa pagsusunod-
sunod nito.
A. pangungusap C. karanasan
B. pangyayari D. kakintalan
Isaisip

Gawain 4. Pag-isipan mo!

Panuto: Bumuo ng mahalagang konsepto na natutuhan mula sa aralin sa


pamamagitan ng pagsagot sa tanong na:
1. Paano nakatutulong ang mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa pagkakaroon ng isang mabisang kuwento o salaysay na
nakapaloob sa nobela?

19
Isagawa

Panuto: Sumulat ng dalawang talatang pagsasalaysay ng ilang pangyayaring


kahalintulad sa isa sa mga nabasa mong nobela. Isaalang-alang ang paggamit ng
mga panandang pandiskurso.
Salungguhitan ang mga ito at tukuyin kung alin sa sumusunod ang isinasaad
a) pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon; b) pagbubukod o
paghihiwalay; c) kinalabasan o kinahinatnan; o kaya ‘y d) kondisyon o
pasubali.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman 40 %

Organisasyon o maayos na pagkakasunod-sunod 30 %

Gramatika at Retorika 30 %

Kabuuan 100 %

Tayahin

Panuto: Tukuyin kung ano ang isinasaad ng mga panandang pandiskurso na


nakasulat nang italisado sa mga pangungusap o pahayag. Piliin sa loob
ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

A. Pagdaragdag ng impormasyon C. Kalalabasan o kahihinatnan


B. Pagbubukod o paghihiwalay D. Kondisyon o pasubali
_____ 1. Siya’y sumasayaw sa harap ng Notre Dame at pinagkakaguluhan siya
ng mga tao.
_____ 2. Sapilitang pinaako kay La Esmeralda ang kasalanang hindi niya ginawa
saka pinatawan pa siya ng napakabigat na parusa.
______3. Sa sobrang galit ni Quasimodo ginulo niya ang buong Paris pati mga
inosente ay nadamay.
_____ 4. Kayang magsakripisyo ni Quasimodo huwag lang matuloy ang pagbitay
kay La Esmeralda.
_____ 5. Sinuway ni La Esmeralda ang lahat ng kagustuhan ng paring si Frollo
bunga nito ay pinatawan siya ng parusang kamatayan.
_____ 6. Nabuo sa isipan ni Quasimodo na siya’y magpapakamatay rin sakaling
matuloy ang pagbitay kay La Esmeralda.

20
_____ 7. Inakala ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda
Kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga.
_____ 8. Kapag sinunod mo ang lahat ng gusto ko, ibibigay ko sa iyo ang lahat
ng karangyaan sa buhay.
_____ 9. Maliban sa kanyang pagiging api, hinahamak din siya ng mga tao dahil
sa pangit niyang hitsura.
_____ 10. Bukod kay Quasimodo, marami pa sa buong paris ang may lihim na
pagtingin kay La Esmeralda.
Para sa bilang 11-15
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pagkakagamit ng mga panandang
pandiskurso ay angkop na gamitin at MALI naman kung hindi.

_____11. Nagmamadali si Quasimodo dahil gusto niyang mailigtas si La


Esmeralda.
_____12. Hindi matanggap ni Frollo na hindi siya kayang mahalin ni La
Esmeralda, bunga nito ay nakabuo siya ng isang masamang balak
para sa babae.
_____13. Ang kanyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok
sa kanya na talikuran ang Panginoon, kaya ay napagpasyahan
niyang pag-aralan ang itim na mahika.
_____14. Kung sa pagiging kuba siya rin ang pinakapangit sa buong Paris.
_____15. Kapag pakasalan mo ako, ililigtas kita sa parusang kamatayan.

Sanggunian

Filipino 10: Modyul sa mga Mag-aaral: Panitikang Pandaigdig


Filipino 10: Gabay ng Guro: Panitikang Pandaigdig
Filipino 9: Modyul ng Mag-aaral: Panitikang Asyano
Wika at Panitikan IV: Batayang Aklat
http://rosiefilipino10.webly.com/dula.html#/
https://www.scrib.com/doc/34412025/Dula
https://iamcarlitorobin.wordpress.com/tag/elemento-ng-dula/
https://www.slideshare.net/mobile/ladychu08/dula-155156...

21

You might also like