You are on page 1of 36

Ikalawang Bahagi

SINING NG PAGLALAHAD

Isa sa mga pangunahing sining ng pakikipagtalastasan ang paglalahad. Isa itong


anyo ng sulatin o katha na ang layunin ay lumikha ng isang sapat at walang-kiling na
pagpapaliwanag ng anumang bagay na maaaring maabot ng isipan ng tao. Ang sining
na ito'y madalas nating gamitin sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
Sa pamamagitan ng paglalahad, naipararating natin sa kinauukulan ang damdaming
nais nating ipahayag. Mabisang instrumento ito upang maipaliwanag ang kahulugan ng
isang salita, kung paano ginagawa ang isang bagay, ang pagsasakatuparan ng isang
simulain o layunin, ang pagkakilala natin sa isang bagay o tao o dili kaya'y sa isang
haka o palagay gayundin ng mga teorya. Dahil dito, mahalaga sa isang estudyante na
lubos niyang maunawaan ang sining ng paglalahad. Kabilang sa sining na ito ang
paglalagom, pagbibigay ng katuturan, pag-uulat, pagpapaliwanag ng kung paano
ginagawa ang isang bagay, sanaysay, pangulong tudling o editoryal, talambuhay na
palahad at pamumuna.
Midterm Sining ng Komunikasyon

MGA HAKBANGIN SA PAGSULAT NG SULATIN

Anuman ang kathang sinusulat, maging paglalarawan, paglalahad, pagsasalaysay


o dili kaya'y pangangatwiran, dapat na isaalang-alang ng isang estudyante ang mga
sumusunod na hakbangin:

1. Pumili ng isang kawili-wili at makabuluhang paksa. Mahalaga na ang


pagpapaliwanag sa paksa ay malinaw. Kilalanin ang mga suliranin at pag-isipan
kung saan makakukuha ng mga impormasyon.
2. Mangalap ng mga materyales na maaaring magamit sa pagpapaliwanag. Ang
mga kabatiran na galing sa mga materyales ay itala nang maayos. Gayundin,
ang paliwanag ay maaaring ibatay sa sariling karanasan, obserbasyon, interbyu,
haka o palagay. Tandaan na ang estudyanteng mahilig magbasa ay kadalasang
malawak ang kaalaman sa iba't ibang paksa.
3. Piliin ang mga materyales na subok na. Ang pagpapahalaga sa mga ito ay
makatutulong nang malaki upang ang sulatin ay maging mabisa, makabuluhan at
makatotohanan.
4. Iplano nang maigi ang mga kaisipan. Ang pagbubuod at pagbabalangkas ay
makatutulong nang lubos.
5. Gawin ang unang draft.
6. Pagwawasto at pagreresiba - bigyang-diin ang estilo, baybay ng mga salita,
pagpapaganda ng mga pangungusap at talata.

Ang Mga Anyo ng Dula sa Panahon ng Kastila

Ang mga anyo ng dula sa panahon ng Kastila ay mauuri sa:

A. Ang moro-moro
B. Ang sarsuwela
C. Ang sinakulo
D. Ang tibag
E. Ang duplo
F. Ang karagatan
G. Ang karilyo
H. Ang panunuluyan

Page 2
Midterm Sining ng Komunikasyon

Tandaan din na sa pagsusuri, ang mga sangkap ng mga bagay na sinusuri ay


pinaghihiwa-hiwalay at ang pagkakaugnay nila ay ipinaliliwanag. Sa ibaba ay
matutunghayan ang isang halimbawa ng maikling pagsusuri.

Paksa:
Ang Dulaang Pilipino

Layunin:
Ipaliwanag ang kahulugan ng dulaang Pilipino. batay sa kaisipang ng mga
Pilipino.

Pagsusuri:
Ang dula – ang pinakakaluluwa ay ang tinatawag na mimesis, ang imitasyon ng
aksyon.
Ang dulang kanluranin – may tiyak na orihinal na tagpuan, tauhan, kasuotan at
entablado.
Ang dulaang Pilipino – dulang naglalarawan at nagsasalaysay ng pag-iisip, pag-
uugali, damdamin at pagkilos ng mga Pilipino.

Ang paghahanay ng mga kaisipan ay makatutulong nang lubos upang maging


maayos ang katawan ng sulatin. Sa puntong ito, iminumungkahi ni Dr. Rufino Alejandro
ang mga sumusunod na hakbang:

1. Magsimula sa mga bagay na alam na, patungo sa pa kilala. mga bagay na di


2. Magsimula sa payak, patungo sa masalimuot.
3. Magsimula sa tiyak, patungo sa masaklaw.
4. Magsimula sa masaklaw, patungo sa tiyak.
5. Magsimula sa di-gaanong mahalaga, patungo sa lalong mahalaga.

Sa pagsulat ng katha, tandaan na ang pagtatalata ay dapat na "ibagay sa haba


nito." Kapag ang katha ay maikli lamang, ang isang pangunahing kaisipan ay maaaring
mapaloob sa iisang talata.

Page 3
Midterm Sining ng Komunikasyon

MGA BAHAGI NG SULATIN O KATHA

Sa pagsulat ng isang sulatin, tandaan na ang anumang sulatin ay dapat na


magtaglay ng tatlong mahahalagang bahagi: ang simula, ang katawan at ang wakas.
Isaalang alang na ang isang katha na may mabisang simula ay makatutulong nang
malaki upang maging mabisa rin ang kabuuan nito.

Bagamat ito'y hindi nangangahulugan na ang katawan ng sulatin ay hindi na


pagtutuunan ng pansin sapagkat dito napapaloob ang mga kaisipan na nais nating
iparating sa kinauukulan. Gayundin, ang wakas ay dapat ding maging makatas at
mabisa sapagkat nakasalalay dito ang kakintalang nais itanim sa diwa't isip.

1. Ang simula - ito'y dapat ibatay sa haba ng sulatin. Ang isang sulating maikli ay
maaaring simulan ng isang pangungusap o maikling talata. Dapat itong maging
makatas at makatawag-pansin nang sa ganoon ay mapanatili ang kawilihan. Iba't ibang
paraan ang maaaring gamitin sa pagpapanimula ng isang sulatin:

a. Isang katanungan
Halimbawa:
Ano ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay mahiwaga. Ito'y nadarama ng
bawat tao.

b. Makatawag-pansing pangungusap
Halimbawa:
Patuloy na namiminsala ang mga salot na sasakyan: ang mga
carnapper, ang mga mabibilis na mandarambong ng mga sasakyan.

c. Isang pambungad na salaysay


Halimbawa:
"Ang pinagsakitan ng isang henerasyon ng mga Pilipino na
pinaggugulan ng angaw angaw na piso ay hindi dapat iwaksi na lamang at
sukat o durugin sa iisang iglap sa pamamagitan ng isang pagguhit lamang
ng panulat." Sa bisa ng pangungusap na iyan ay hinatulan ni Hukom
Gregorio T. Lantin ang ipinagsakdal na Wikang Filipino noong bisperas ng
pagdiriwang ng ika-67 kaarawan ng Republika.

d. Isang diyalogo
Halimbawa:
"Wikang Ingles," sigaw ng mga Pilipinong nakatali sa kulturang
kanluranin.

Page 4
Midterm Sining ng Komunikasyon

e. Isang sipi
Halimbawa:
"May romansa ang aking paglalakbay sa Suwisa. Tiyak na ako'y
babalik doon." Ito'y nabanggit ni Gemma Cruz sa kanyang liham para sa
mga magulang.

f. Ang pagbanggit ng kasaysayan o mga pangyayaring nasa likuran ng paksa.


Halimbawa:
Nalikha ang kasuotang Maria Clara makaraan ang 1880 nang
pinaparisan pa ang damit ni Reyna Victoria sa buong daigdig, pati na sa
España. Kaya marahil may malaking nakalaylay na manggas, maraming
pala muting engkahe, saka maluwang na saya. Karaniwan nang makapal
na seda ang sayang binubuo ng maraming piraso.

g. Isang makatas na pangungusap


Halimbawa:
Napakainam na mapabilang sa panahong ito. Lahat ng mali ay
kasalanan ng panahong nauna sa atin at itutuwid naman ng panahong
hahalili sa atin.

h. Tahasang paglalahad ng suliraning ipaliliwanag


Halimbawa:
Makikilala mong pinakamasidhi at pinakamarahas ang pagkapoot
ng isang bayan sa mga taong may pinakamababang pinag-aralan.

2. Ang katawan - pagsama-samahin ang mga magkakauring kaisipan at ayusin batay sa


makatwirang pagkakasunud-sunod. Sa pag-uuri uri, tandaan na ang mga bahagi ay
dapat na magkaroon ng maliwanag na pagpapangkat pangkat. Ang paghahati ay dapat
magkaroon ng iisang tiyak na batayan. Gayundin ang kabuuan ng mga bahaging
lumabas ay dapat na maging kapantay ng buong uring pinaghati-hati sa simula. Sa
ibaba ay makikita ang isang halimbawa ng pag uuri-uri.

a. Pagpapahayag ng punong kaisipan


Halimbawa:
Ang tungkuling gumawa para sa ikauunlad ng bayan at ipagtanggol
iyon laban sa anumang panganib, diyan sumisilang ang banal na tungkulin
ng pagkamakabayan.

b. Paggawa ng isang haka o dili kaya'y hula


Halimbawa:
Tinataya na sa loob ng sampung taon, ang ating bansa dahil sa
kalagayang ito ay gagapang sa hulihan ng ibang mga bansa sa matuling
pag-unlad ng daigdig.

Page 5
Midterm Sining ng Komunikasyon

c. Paglalagom ng buong nilalaman sa loob ng isang pangungusap


Halimbawa:
Kung walang pag-ibig sa kapwa, mapapawi ang mga tao sa daigdig
at ang mga pamayanan, samahan at maging ang buhay ng tao ay
matutulad sa tuyong dahon ng punongkahoy na liliparin ng hangin.

d. Isang kawikaan
Halimbawa:
Sambunton mang lason ang sa iyo'y isipin, di ka mamamatay kung
di mo kakanin.

e. Isang sipi
Halimbawa:
Wika pa nga ni Clodualdo del Rosario sa artikulong nalathala sa
Philippine Free Press: "Ang sinumang pinunong makapagpaparusa at
makapagpapatapon sa mga lumalabag sa batas ay sila lamang nararapat
na tawaging kampeon ng mga manggagawa."

f. Pagpapahiwatig ng pasyang higit na hinihingi ng sinundang pagpapaliwanag.


Halimbawa:
Gumamit ng Ingles, Kastila, at iba pa, subalit huwag limutin ang
sariling wika.

g. Pananariwa ng suliraning binanggit sa simula


Halimbawa:
Totoo ngang sa bawat bahagi ng kasaysayan ng isang bansa, ang
tunay na nasyonalismo ang nagkakaloob sa kanyang bayan ng kaukulang
lakas upang gapiin ang mga suliranin ng kanyang panahon.

3. Ang wakas - ito ay dapat ding ibagay sa haba ng sulatin. Maaari itong buuin ng isang
pangungusap, isang talata o dili kaya'y isang kabanata. Sa ibaba ay makikita ang ilang
paraan ng pagwawakas ng isang sulatin.

a. Isang katanungan
Halimbawa:
Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos?

b. Masining na wakas.
Halimbawa:
Unti-unti, lumalayo ang kanyang yabag sa aking pandinig.

Page 6
Midterm Sining ng Komunikasyon

c. Pagbubuod
Halimbawa:
Ang tagumpay ay nangangailangan ng pagpapakasakit,
determinasyon at mabuting layunin.

Ihanda ang manuskripto – isulat nang maayos ang sulatin. Tandaan na ang
isang malinis at maayos na katha ay makatutulong sa mabilis at malinaw na pag-
unawa.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG PAGLALAHAD

1. Ang paglalahad ay dapat na may layuning magpaliwanag, linawin ang isang


pangyayari, hagap at katotohanan.

2. Ito ay nagbibigay ng impormasyon o kaalaman at nagsusuri.

3. Ito ay dapat na batay sa isang matalinong panukala.

4. Kailangang mabigyang-diin ang bawat bahagi ng sinusulat, ayon sa kahalagahan.

5. Ilahad ang pangkat ng mga magkakaugnay na bagay o kaisipan.

6. Ito ay dapat magtaglay ng mga sumusunod na katangian:

a. kawilihan
b. kaakit-akit
c. kasiglahan
d. kasidhian
e. buhay
f. sining at kagandahan

Page 7
Midterm Sining ng Komunikasyon

MGA PARAAN NG PAGLALAPI

Ang paglalapi ay ang pagbubuo ng salita sa pamamagitan ng pagsasama ng


panlapi at salitang-ugat. Nagkakaroon lamang ng iba't ibang anyo at kahulugan ang
salitang-ugat kapag ito ay kinakabit sa iba't ibang panlapi. May iba't ibang paraan ng
paglalapi sa Filipino. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Pag-uunlapi – ang panlapi ay makikita sa unahan.

Mga halimbawa:

um- + alis = umalis


ma- + ganada = maganda
ipa- + kain = ipakain
paki- + kuha = pakikuha

2. Paggigitlapi - ang panlapi ay makikita sa gitna ng salitang-ugat.

Mga halimbawa:

-in + malas = minalas


-um + tawag = tumawag

3. Panghuhulapi - ang panlapi ay makikita sa hulihan ng salitang-ugat.

Mga halimbawa:

-in + walis = walisin


-an + dilig = diligan
-hin + basa = basahin

4. Pag-uunlapi at paggigitlapi - ang panlapi ay makikita sa unahan at sa gitna.

Mga halimbawa:

i- + -in- + balik = ibinalik


mag- + -um- + kahog = magkumahog

Page 8
Midterm Sining ng Komunikasyon

5. Pag-uunlapi at paghuhulapi - ang panlapi ay makikita sa unahan at sa hulihan.

Mga halimbawa:

pag- + kain + -an = pagkainan


paki + sabit + -an = pakisabitan

6. Paggigitlapi at paghuhulapi - ang mga panlapi ay makikita sa gitna at hulihan.

Mga halimbawa:

-in- + tahi + -an = tinahian


-in- + takas + -an = tinakasan

7. Pag-uunlapi, paggigitlapi at paghuhulapi o tinatawag na laguhan. Ang mga


panlapi ay makikita sa unahan, gitna at hulihan.

Halimbawa:

Ipag- + -um- + sigaw + -an = ipagsumigawan

Page 9
Midterm Sining ng Komunikasyon

ANG PANGNGALAN

Ang pangngalan ay bahagi ng pananalitang nagpapakilala ng tao, bagay, lunan o


pangyayari.

Kayarian o Kaanyuan ng Pangngalan

1.) Payak - binubuo ng salitang-ugat lamang.

Mga halimbawa:

look halaman
mata awit
hagdan bangko

2.) Maylapi - binubuo ng salitang batayan at panlaping makangalan. Sa ibaba ay


ang mga panlaping makangalan.

A. Mag-

Ang panlaping mag – ay may dalawang kahulugan:

1) Nagsasaad ng kahulugang magkamag-anak o may kaugnayan o


pinagsamahan. Ito ay may kailanang dalawahan.

Mga halimbawa:

magkapitbahay magkababayan
magkaibigan magkapatid
magkamag-anak magkasambahay
magninong magkumpare
maglola mag-asawa

2) Nagsasaad ng kahulugang ang taong may gawaing tulad ng isinasaad ng


salitang-ugat. Ang unang katinig, patinig o unang pantig ng salitang ugat ay
inuulit.

Mga halimbawa:

magsasaka mag-iisda
magpuprutas magtataho
magtetela magkakarne

Page 10
Midterm Sining ng Komunikasyon

B. mang-/mam-/man-

Dalawang kahulugan ang maaaring ibigay nito:

1) Gawain o hanapbuhay

Mga halimbawa:

mangingisda manggagantsilyo
mambabalagtas manggagamot
manlalaro mandudula

2) Ugali o gawi

Mga halimbawa:

manloloko mandurukot
mambibintang mamimilit
mandaraya mang-aaway

Tandaan:

a. Ang salitang-ugat na nagsisimula sa d. 1, r, s, t kapag inuunlapian ng


mang-, ang panlaping mang ay nagiging man-. Gayundin, may mga
pagkakataong nawawala ang tunog ng unang titik ng salitang-ugat.

Mga halimbawa:

mansisira maninira
mantutukso manunukso

b. Ang salitang ugat na nagsisimula sa pat b kapag inuunlapian ng mang- ang


panlaping mang-ay nagiging mam-.

Mga halimbawa:

mambibigkas mambubukas
mambabasa

Page 11
Midterm Sining ng Komunikasyon

c. Sa mga salitang ugat na nagsisimula sa k, g, m, n, ng, 1, w, y, a, e, i, o, u,


ang panlaping mang- ay hindi nagbabago. Ginagamitan ng gitling ang mga
salitang ugat na nagsisimula sa patinig.

a. -in-/-hin

Ang mga panlaping ito'y nagsasaad ng kahulugan ng uri ng


luto.

Mga halimbawa:

minatamis pinakbet
sinigang pinaksiw
tinola nilaga

b. -an/-han

Tatlong kahulugan maaaring isaad nito:

1. Pook o ganapan ng kilos

Mga halimbawa:

upuan basurahan
tindahan kainan
tulugan dasalan

2. Panahon ng pagkakaganap

Mga halimbawa:

himagsikan binyagan
halalan kasalan

3. Kahulugang-gantihan

Mga halimbawa:

kagatan halikan
subuan damayan
huntahan satsatan

Page 12
Midterm Sining ng Komunikasyon

c. Pa-

Ito'y nagsasaad ng tatlong kahulugan:

1) Kagamitan para sa bagong layunin

Mga halimbawa:

padasal paabot
parangal pataba

2) Kahulugang pag-uutos

Mga halimbawa:

paluto paabot
paiwan pabalot

3) Kahulugang pagpapakilala sa pagpapairal ng kautusan

Mga halimbawa:

Parusa palakad

d. ka-/-an

Nagsasaad ito ng tatlong kahulugan:

1) Kahulugang kalahatan kabuuan

Mga halimbawa:

kalangitan kanayunan
kabukiran karagatan

Page 13
Midterm Sining ng Komunikasyon

2) Kahulugang kabasalan

Mga halimbawa:

karunungan kamangmangan
katahimikan kasukdulan
kasayahan kasidhian

3) Kahulugang panahon o lugar

Mga halimbawa:

katanghalian kailaliman
kaitaasan kaibabawan

e. pang-/pam-/pan

Ito'y nagbibigay ng kahu lugang kagamitan para sa isang


layunin.

Mga halimbawa:

pang-isis pansigang
pamburol pandakot
pangkasal pang-araro

Ang mga tuntunin sa mang-ay katulad din sa

f. pang-...-an/-han

Nagsasaad ito ng dalawang kahulugan:

1. Pook ng pangyayarihan

Mga halimbawa:

pamantasan (pang+pantas + -an)

pamilihan (pang + bili + -han)

Page 14
Midterm Sining ng Komunikasyon

2. Kinalabasan o kautusan

Mga halimbawa:

panitikan (pang + titik + -an)


panawagan (pang + tawag + -an)
pamahalaan (pang + bahala + -an)

g. Taga-

Ang panlaping ito'y nag sasaad ng dalawang kahulugan:

1) Pinagmumulan o tirahan

Mga halimbawa:

tagailog taga-Cebu
tagabundok taga-Butuan

2) Gawain o tungkulin

Mga halimbawa:

tagaihaw tagabasa
tagaluto tagaplantsa
tagasara tagabantay

h. pa-...-an/-han

Ito'y may tatlong kahulugan:

1. Pook

Mga halimbawa:

patahian paminggalan
palamigan pagamutan

Page 15
Midterm Sining ng Komunikasyon

2. Sabay-sabay na pagganap o palitang-galaw

Mga halimbawa:

pasaringan parinigan
paalaman pasunuran

3. Pagpapaligsahan

Mga halimbawa:

pabagalan pataasan
pabilisan pakinisan

i. -ero/-era

Nagsasaad ng gawain o pag kakakilala. Ang ero ay


nagsasaad ng kasariang panlalaki samantalang ang -era ay
pambabae. Ang mga salitang may ganitong panlapi ay karaniwang
mga salitang hiram sa wikang Kastila.

Mga halimbawa:

kutsero doktora
tinder kundoktora
inhinyero inhinyera
kusinero kusinera

Page 16
Midterm Sining ng Komunikasyon

3.) Tambalan

Ang tambalang anyo ng pangngalan ay maaaring uriin sa dalawa.

a. Malatambalan - kapag ang bawat isang salitang-ugat na


pinagtambal ay hindi nawawala ang kahulugan.

Mga halimbawa:

babaeng-lansangan dalagang-bukid
binatang-lunsod

b. Tambalang ganap - kapag nawawala ang kahulugan ng mga


salitang pinagtambal.

Mga halimbawa:

dalagambukid - uri ng isda


anakpawis - taong nabubuhay sa hirap
bahaghari - ang kulay na likha ng prismo

4.) Inuulit

Ito'y ang pag-uulit ng salitang-ugat na kadalasan ay nagkakaroon ng


dagdag na hulapi.

Mga halimbawa:

laru-laruan bayan-bayanan
magu-magulang sinta-sintahan
bahay-bahayan

Page 17
Midterm Sining ng Komunikasyon

Mga Uri ng Pangngalan

1. Pantangi – kapag tumutukoy sa tiyak na pangalan ng tao, bagay, lunan o


pangyayari.

Ang pagsulat nito'y nagsisimula sa malaking letra.

Mga halimbawa:

Luntiang Rebolusyon
Jose de la Peña
Gng. Trinidad Tumogdan
Bb. Elsie Villaflor
Banaag at Sikat
Sampaloc, Lungsod ng Maynila

2. Pambalana – tumutukoy sa di tiyak na pangalan at nasusulat sa maliit na letra


lamang.

Mga halimbawa:

bata durian
silid ilaw
damit bulaklak

Page 18
Midterm Sining ng Komunikasyon

Kailanan ng Pangngalan

Ang pangngalan ay may tatlong kailanan.

A. Isahan – ginagamitan ng panandang ang.

Mga halimbawa

(ang) ina (ang) makinilya


(ang) papel (ang) bolpen
(ang) aso (ang) bahay

B. Dalawahan – ginagamitan ng panlaping mag- at ka.

Mga halimbawa:

maglola magkaibigan
kabayan kadugo
mag-ama magninong
kalaban kalahi

C. Maramihan-ginagamitan ng panandang ang mga.

Mga halimbawa:

ang mga anak ang mga bata


ang mga guro

Gayundin, ang paggamit ng panlaping mag- at pag-uulit ng unang katinig-


patinig o unang patinig ng salitang-ugat.

Mga halimbawa:

mag-iina mag-anak
magkakababayan magkakaibigan
mag-aama

Page 19
Midterm Sining ng Komunikasyon

Kasarian ng Pangngalan

1. Panlalaki

Mga halimbawa:

tiyo bana ama


tandang abugado barako
kalalakihan bayaw Lito

2. Pambabae

Mga halimbawa:

hipag ina tiya


inahen ate lola
abugada libay dete
ninang Lita dumalaga

3. Hindi tiyak – may kasarian ngunit hindi tiyak kung pambabae o panlalaki.

Mga halimbawa:

kapatid kapitbahay
manok pinsan
kalaro ibon
kamag-anak kamag-aral
kalabaw

4. Walang kasarian – kasarian walang buhay at walang

Mga halimbawa:

aklat gubat
dagat ilaw
tsinelas bahay

Page 20
Midterm Sining ng Komunikasyon

PANGHALIP

Ang panghalip ay bahagi ng panalita na panghalili sa pangalan ng tao, bagay, lunan o


pangyayari.

Mga Uri ng Panghalip

1. Panghalip panao

Ang panghalip panao ay nahahati sa tatlong uri:

a. Panghalip panao sa ang:

Panauhan Isahan Maramihan

Una ako kami


Una at ikalawa kata tayo
Ikalawa ikaw, ka kayo
Ikatlo siya sila

Pansinin na ang ikaw at ka ay iisang anyo lamang. Ang ikaw ay madalas


gamitin sa simula ng pangungusap, samantalang ang ka ay sa ibang lugar ng
pangungusap.

Mga halimbawa:

Ikaw ang maghuhugas ng pinggan.


Nagluto ka ba ng ulam?

Gayundin, ang kata ay pinagsamang una at ikalawang panauhang kapwa


nag-iisa lamang.

b. Panghalip panao sa ng:

Panauhan Isahan Maramihan

Una ko namin
Una at ikalawa nila natin
Ikalawa mo ninyo
Ikatlo niya/nya nila

Page 21
Midterm Sining ng Komunikasyon

c. Panghalip panao sa sa:

Panauhan Isahan Maramihan

Una akin amin


Una at ikalawa kanita atin
Ikalawa iyo inyo
Ikatlo kaniya/kanya kanila

Ang panghalip na panao sa sa ay nagsasaad ng pag aari o ganapan. Pag-


aari kapag ito'y nauuna o sumusunod sa isang pangngalan at ang gamit nito'y
opsyunal.

Mga halimbawa:

(sa) ating pagkain ito


(sa) iyong maleta ang nawala

Kapag nagsasaad ng ganapan ang gamit ng sa ay sapilitan.

Mga halimbawa:

sa atin sa inyo
sa kanila sa amin

2. Panghalip pamatlig

Ito ay nagsasaad ng layo ng mga bagay na nagsasalita at sa nakikinig o


kinakausap. Ang panghalip pamatlig ay nahahati sa tatlong uri.

a. Panghalip pamatlig sa ang:

iyan – nagsasaad na ang bagay na pinag uusapan ay malapit sa


kinakausap at malayo sa nagsasalita o malayu-layo pareho sa kanila.

iyon – nagsasaad na ang bagay ay malayo. pareho sa nag-uusap o


higit na malayo kaysa sa iyan.

ito – nagsasaad na ang pinag-uusapan ay lalong malapit sa


nagsasalita kaysa sa kinakausap o maaaring malapit sa kanilang kapwa

iri – kapag ang bagay na pinag-uusapan ay napakalapit sa nagsasalita.

Page 22
Midterm Sining ng Komunikasyon

b. Panghalip pamatlig sa ng:

nito - malapit sa nagsasalita


niyan/nyan - malapit sa kinakausap
niyon/noon/nyon - malayo sa nag-uusap

c. Panghalip pamatlig sa sa:

dito/rito – lugar na malapit sa nagsasalita


diyan/dyan/riyan – lugar na malapit sa kinakausap
doon/roon- lugar na malayo sa nag-uusap

Tandaan na ginagamit ang dito, diyan/dyan at doon kapag ang sinusundan


nila ay katinig at rito, riyan at roon kapag ang sinusundan ay patinig.

3. Panghalip pananong

a. Sino – panghalip pananong na panao. Tiyakang pangungusap ang sagot sa


tanong na may panghalip pananong na sino. Ito ay may panandang ang o si.

Mga halimbawa:

Tanong: Sino si Rosario Dizon?


Simuno Panaguri
Sagot: (Si Rosario) ang pinuno.

Tanong: Sino ang dekano?


Simuno Panaguri
Sagot: Si Angelito Flores ang dekano.

Kapag ginagamit ang pangmaramihang sinu sino, ito ay sinasagot ng sina.

Halimbawa:

Tanong: Sinu-sino ang mga artista ng dula?


Sagot: Sina Edgarito, Cecile, Betty at Beverly.

b. Ano – panghalip pananong na pambalaki na tumutukoy sa mga bagay,


gawain at mga katangian. Ang sagot sa pangungusap na may panghalip
pananong na ano ay walang pananda.

Mga halimbawa:

Page 23
Midterm Sining ng Komunikasyon

Tanong: Ano ang ulam ninyo?


Sagot: Pinakbet. (ang ulam namin)

Tanong: Ano ang sagot mo?


Sagot: Wala. (ang sagot ko)

c. Alin – panghalip na pananong na tumutukoy sa mga tao o bagay at ang


sagot ay tiyakang pangungusap na nagsisimula sa ito/iyan/iyon.

Mga halimbawa:

Tanong: Alin ang silid mo?


Sagot: Ito ang silid ko.

Ito'y may anyong pamparami na alin-alin at sinasagot ng ang mga ito.

Mga halimbawa:

Tanong: Alin-alin ang mga damit mo?


Sagot: Ang mga ito ang mga damit ko.

d. Kanino – panghalip pananong na sinasagot ng mga pangungusap na


nagpapahayag ng pag-aari.

Halimbawa:

Tanong: Kaninong pera ito?

Sagot: 1. (Sa) akin.


2. Pera niya.
3. Pera ni Inay.

Ito'y may anyong pamparaming kani-kanino. Kapag ang tanong ay may


para kanino, ito'y sinasagot ng para sa/kay.

Halimbawa:

Tanong: Para kanino ang pagkain?


Sagot: Para kay Lao.
Para sa katulong.
Para sa kapitbahay.
Para sa bata.

Page 24
Midterm Sining ng Komunikasyon

e. Ilan – panghalip pananong na ginagamit sa unahan ng mga pangngalang


nabibilang.

Halimbawa:

Tanong: Ilan ang kaklase mo?


Sagot: Apatnapu't isa.

f. Gaano – panghalip pananong kasama ng pangngalang di-nabibilang (mass


nouns). Sinasagot din ito ng pangngalang di-nabibilang na pinangungunahan
ng salitang pamparami.

Halimbawa:

Tanong: Gaano karaming kape ang dadalhin mo?


Sagot: Dalawang kilo. (ng kape ang dadalhin ko)

g. Magkano – ginagamit sa pagbili o pagbibili

Halimbawa:

Tanong: Magkano ang durian?


Sagot: Tigwawalong piso.

h. Kailan – sinasagot ng mga pahayag na panahon.

Halimbawa:

Tanong: Kailan ang alis ni Itay?


Sagot: Sa Lunes.
Sa a-otso ng Abril.
Bukas.
Mamaya.

i. Saan – sinasagot ng pangungusap na ganapang may panandang sa.

Halimbawa:

Tanong: Saan ang opisina mo?


Sagot: Sa tapat ng Faculty Lounge.

Page 25
Midterm Sining ng Komunikasyon

1) Saan – sa nagtatanong ng higit na tiyak na lugar.

Halimbawa:

Tanong: Saan sa Rajah Indarapatra Hall ang silid mo?


Sagot: Sa silid bilang 59.

2) Tagasaan – sinasagot ng taga- at ngalan ng lugar na pinagmulan.

Halimbawa:

Tanong: Tagasaan ang iyong kasintahan?


Sagot: Taga-Pagadian.

3) Nasaan – sinasagot ng pangungusap na ganapang may na at


pinagungunahan ng sa okay.

Halimbawa:

Tanong: Nasaan ang notbuk mo?


Sagot: Nasa kanya.
Nasa bahay.
Nasa kay Efrain.
Nariyan.
Narito.
Naroon

j. Paano – sinasagot ng pangungusap na may pang abay na pamaraan.

Halimbawa:

Tanong: Paano siya natulog?


Sagot: Natulog siya nang padapa.

k. Bakit – kailangan ay sagot na sugnay at pinangungunahan ng dahil, kasi,


pagkat, sapagkat.

Halimbawa:
Tanong: Bakit siya umiiyak?
Sagot: Kasi nawala ang pantalon niya.
Dahil nawala ang pantalon niya.
Sapagkat nawala ang pantalon niya.

Page 26
Midterm Sining ng Komunikasyon

4. Panghalip na panaklaw

Mga halimbawa:

iba kulang
ilan kapwa
isa sarili
lahat sinuman
marami anuman
kaunti alinman

WASTONG GAMIT NG MGA BANTAS

Anumang akda ang ating susulatin, maging ito'y paglalahad, pagsasalaysay,


paglalarawan o pangangatwiran, mahalagang malaman natin ang tamang gamit ng
mga bantas.

1) Ang tuldok

a. Ginagamit ito sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos.

Mga halimbawa:

1. Si Pilandok ay ikinasal kay Bagoaraga.


2. Makulay ang epikong "Indarapatra at Sulayman."
3. Mangingisda ka sa Lawa ng Lanao.
4. Balatan mo ang durian.

b. Ginagamit din ito sa mga pinaikling titik sa ngalan ng tao at sa mga


salitang dinaglat.

Mga halimbawa:

1. Gloria Macapagal Arroyo - G.M.A.


2. Lilia Quindoza Santiago - L.Q.S.
3. De La Salle University - D.L.S.U.
4. Binibini-Bb.
5. Kagalang-galang - Kgg.

c. Ginagamit pagkatapos ng mga tambilang at titik sa bawat hati ng


isang balangkas o ng talataan.

Page 27
Midterm Sining ng Komunikasyon

Mga halimbawa:

1.
A.
1.
2.
3.
B.
1.
2.

2) Pananong

a. Ito ay ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong.

Mga halimbawa:

1. Nagtitinda ka ba ng banig?
2. Ikaw ba'y humahabi ng malong?
3. Masarap ba ang dudul at tiateg?
4. Marunong ka bang maglilok ng sarimanok?
5. Sino ang ikinasal sa masjid?

b. Ginagamit din ito sa loob ng panaklong upang magpahayag ng di-


katiyakan sa kawastuan ng sinundang salita o pamilang.

Mga halimbawa:

1. Nagkaroon ng water sprout sa Lawa ng Lanao noong ika-(?), ng


Oktubre, 1980.
2. Ipinanganak si Arnie Sebastian noong Enero 15, (?)1978.

3) Pandamdam

a. Ito ay ginagamit sa katapusan ng pangungusap na padamdam.

Mga halimbawa:

1. Nahulog ang bata!


2. Tinaasan daw ng suweldo ang mga empleyado ng Miriam College!
3. Aruy! nakagat ako ng ahas!

b. Ginagamit sa mga salita ng pandamdam.

Page 28
Midterm Sining ng Komunikasyon

Mga halimbawa:

1. Wow! Ang guwapo ni Leandro.


2. Naku! Nag-asawa na pala si Diether.
3. Aba! Tumaas na pala ang pamasahe sa eroplano.

4) Kuwit

a. Ito ay ginagamit sa mga bating panimula ng liham.

Mga halimbawa:

1. Mahal kong Flor,


2. Anabel,

b. Ginagamit sa bating pangwakas ng liham.

Mga halimbawa:

1. Lubos na nagmamahal,
Juhalim

2. Gumagalang,
Jam Maridul.

c. Ginagamit ito upang ihiwalay sa pangungusap ang salitang ginagamit na


patawag.

Mga halimbawa:

1. Boy, pakikuha ang mga papeles sa opisina ni Propesor Jose Pepito de


los Santos, Jr.
2. Delfin, pupunta ka ba sa Princess Lawanen Hall?

d. Ginagamit din ito sa paghihiwalay ng mga salita, parirala at mga sugnay


na sunud-sunod.

Mga halimbawa:

1. Kumain siya ng langka, lansones, abokado at papaya.


2. Nag-aaral si Jose, nagwawalis si Ruth at naglalaba si Gemma.

e. Ginagamit ito sa paghihiwalay ng araw at taon, e. bayan at lalawigan.

Page 29
Midterm Sining ng Komunikasyon

Mga halimbawa:

1. Sunset Court, Tibanga, Lungsod ng Iligan


2. Ika-2 ng Oktubre, 2001

f. Ginagamit ito sa paghihiwalay ng pamuno sa pangungusap.

Mga halimbawa:

1. Kapita-pitagang Gobernador Mohamad Ali Dimaporo, kagalang-galang


na Pangalawang Pangulo Ali Macawaris, magandang gabi po sa inyo.
2. Si Dr. Camar Umpa, isang Maranao, ay nakapaglakbay na sa America.

g. Ito ay ginagamit din sa paghihiwalay ng sinasabi ng nagsasalita sa ibang


bahagi ng pangungusap.

Mga halimbawa:

1. "Ang hindi marunong magsauli, ay walang karapatang manghiram,"


ang wika ni Efrain Atienza.
2. "Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa sarili,"
ang sambit ni Cielito del Mundo.

h. Ginagamit sa paghihiwalay ng mga sugnay ng isang pangungusap na


tambalan, kung ang mga sugnay ay pinag-uugnay ng mga pangatnig na
na, at, ngunit at o.

Mga halimbawa:

1. Manonood ka ba ng drama ng Sining Kambayoka, o matutulog na


lamang?
2. Hindi siya maliligo, ngunit maghihilamos na lamang siya.

i. Ginagamit pagkatapos ng pang-abay na panang ayon na oo at pang-abay


na hindi at sa mga salitang may himig pagdaramdam at siyang simula ng
pangungusap.
j.
Mga halimbawa:

1. Oo, dadalo sa pagtitipon si Atty. Eduardo Castelo.


2. Hindi, magkaklase muna ako bago umistambay sa Alabang Center.
3. Nakitam, e di nahuli ka sa klase.

Page 30
Midterm Sining ng Komunikasyon

5) Tuldukuwit

a. Ginagamit ito sa katapusan ng bating panimula ng liham-pangangalakal,


kung hindi man tutuldok ang gamitin.

Mga halimbawa:

1. Mahal na Tagapangulo;
2. Propesor Rosario B. Dizon;

b. Ang tuldukuwit ay ginagamit din sa pagitan ng mga sugnay ng


pangungusap na tambalan kapag hindi pinag-uugnay ng pangatnig.

Halimbawa: Hindi dapat umasa ang bagong kasal sa mga magulang;


samakatwid, nararapat na sila'y magsumikap upang mabuhay.

6) Tutuldok

a. Ito ay ginagamit kung ang oras ay sinusundan ng tambilang.

Mga halimbawa:

1. ika-10:00 ng umaga
2. ika-2:30 ng hapon

b. Ito ay ginagamit din pagkatapos ng bating panimula ng isang liham na


pormal.

Mga halimbawa:

1. Ginang:
2. Mahal na G. Christian Aguado:

c. Ginagamit din ito kung may enumerasyon o lipon ng mga salitang


halimbawa.

Mga halimbawa:

1. Ang mga tumulong sa trabaho ay ang mga sumusunod: Arnie, Jesson,


Armi, Len-Len at Malou.
2. Ang mga gamit sa paglikha ng larawan ay: kamera, developing tank,
photo enlarger, photo pans, orasan at mga kemikal.

Page 31
Midterm Sining ng Komunikasyon

7) Panipi

a. Ito ay ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita.

Halimbawa:

“Mag-init ka ng tubig," ang utos ng ina.

b. Upang ipakita na ang salitang ginamit ay banyaga.

Mga halimbawa:

1. Ang "developing tank" ay nilinis ni Christian.


2. Naghanda siya ng "marmalade."

c. Upang ipakita ang binanggit na pamagat ng isang aklat, pahayagan o


pamagat ng isang sulatin

Mga halimbawa:

1. Siya ay nagpabili ng "Asiaweek."


2. Ang may-akda ng dulang "Bayan-Bayanan" ay si Bienvenido Noriega,
Jr.

8) Panaklong

a. Ito'y ginagamit upang kulungin ang mga letra o bilang ng mga bagay na
binabanggit ng sunud sunod.

Mga halimbawa:

1. Isinulat kung ang kailanan ng pangngalan ay (a) isahan (b) dalawahan


o (k) maramihan.
2. Sabihin ang kayarian ng salita kung (1) payak (2) maylapi (3) inuulit (4)
tambalan.

b. Ginagamit din ito upang kulungin ang bahaging nagpapaliwanag ngunit


maaaring mawala o makaltas.

Mga halimbawa:

1. Si Frank G. Rivera (ang tagapagtatag ng Sining Kambayoka) ang


namahalang dula.

Page 32
Midterm Sining ng Komunikasyon

2. Si Jose Garcia Villa (may sagisag-panulat na Doveglion) ang may-akda


ng aklat

9) Gitling

a. Ginagamit ito sa pagitan ng mga salitang inuulit na may kahulugan.

Mga halimbawa:

1. balu-baluktot
2. anu-ano
3. pulang-pula
4. bahay-bahayan
5. kasal-kasalan

b. Ginagamit din ito sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at ng


salitang-ugat na nagsisimula sa patinig.

Mga halimbawa:

1. tag-araw
2. pang-ulan
3. mag-asawa
4. pag-aaruga

c. Ginagamit sa mga pagitang unlaping maka- at taga at ng mga


pangngalang pantangi.

Mga halimbawa:

1. maka-GMA
2. maka-Erap
3. taga-Australia
4. taga-Canada

d. Ginagamit kapag may nakakaltas na kataga sa pagitan ng dalawang


salitang pinagsama.

Mga halimbawa:

1. bahay-ampunan
2. anak-mahirap

Page 33
Midterm Sining ng Komunikasyon

3. tubig-kati

e. Ginagamit sa pagitan ng unlaping ika- at tambilang.

Mga halimbawa:

1. ika-20 ng Hulyo
2. ika-22 ng Setyembre
3. ika-7:00 ng umaga
4. ika-11:00 ng gabi

f. Ginagamit ito sa pagitan ng dalawang magkasalungat na pandiwa.

Mga halimbawa:

1. urong-sulong
2. itulak-kabigin
3. akyat-panaog
4. lulubog-lilitaw
5. labas-pasok

g. Sa pagitan ng mga salitang di at sa at mga salitang ikinakabit dito.

Mga halimbawa:

1. di-mahilig
2. di-gaano
3. sa-lilitaw
4. sa-susulpot

h. Sa pagitan ng panlaping magsa- at ng salitang ugat.

Mga halimbawa:

1. magsa-Darna
2. magsa-ahas
3. magsa-tagabulag
4. magsa-Dyesebel

i. Ginagamit din ito sa mga salitang pantig ng mga salitang magkasunod na


taludtod.

Page 34
Midterm Sining ng Komunikasyon

10) Gatlang

a. Ito'y ginagamit upang ipakilala ang pag-uulik-ulik sa isang usapan.

Mga halimbawa:

"Mahirap magmahal - lalo na't sa isang taong manhid."

b. Ginagamit ito sa halip ng panaklong.

Halimbawa:

Narito ang regalo sa iyo ni Delia-isang relo.

11) Tulduk-tuldok

a. Ginagamit sa mga salitang paputul-putol.

Mga halimbawa:

1. Kinidnap si...Ritchiel.
2. Nabangga ang kotse nina...nina Danny.

b. Ginagamit sa pagbibigay-uri sa mga bagay na kailangan pa ang


mahabang pagpapahayag.

Mga halimbawa:

1. Napakaganda...
2. Darling...

12) Kudlit

a. Ginagamit kapag may ponema o mga ponemang nakakaltas.

Mga halimbawa:

1. pula't puti
2. guro't estudyante
3. ako'y maglalakbay
4. balo'y natuyo

Page 35
Midterm Sining ng Komunikasyon

WASTONG GAMIT NG MALAKING TITIK

Ang malaking titik ay ginagamit sa mga sumusunod na kalagayan:

A. Sa simula ng mga pangngalang pantangi.

Mga halimbawa:

1. Teresita Fortunato
2. Lungsod Quezon
3. Guess
4.Ikalawang Digmaang Pandaigdig

B. Sa simula ng pangungusap.

Mga halimbawa:

1. Ang drowing ni Nato ay napakaganda.


2. Aba! Napakagaling mo pala.
3. Sino ang kasama mo kanina?
4. Maglaba at mamalantsa ka.

C. Sa mga Katawagan o Taguring Nagtatangi.

Mga halimbawa:

1. Dr. Teresita Ramos


2. Ate Sheila
3. Lolo Turing
4. Mister Fernando Sena

D. Sa mahahalagang salita sa isang pamagat pati na ang simula nito.

Mga halimbawa:

1. Bata, Bata... Paano Ka Ginawa?


2. Babae sa Bubungang Lata
3. Maynila sa mga Kuko ng Liwanag
4. Mga Kwentong Maranao

Page 36

You might also like