You are on page 1of 38

Ang Matanda at Ang Dagat

Karapatang Ari 2023-2024 ng mga

Mag-aaral ng pangkat 5 ng 10-Newton

Ang lahat ng karapatan ay sarili ng mga mag-aaral ng pangkat 5

Ng 10-Newton. Walang bahagi nito ang maaaring ilathala

Ninuman sa anumang anyo ng walang pahintulot ng mga may-akdang mag-aaral.

Disenyo ng Pabalat ni Kathleen DS. Priela

Ginamit na tipo ng aklat:

Times New Roman

i
PAUNANG SALITA

Ang panitikan ang siyang masaganang pinagdadaluyan ng diwa at maituturing kayamanan ng isang

bansa dahil sumasalamin ito sa kanilang sariling kultura, kaugalian, kaisipan, pamumuhay at kasaysayan.

Ginawa ang aklat na ito upang mabigyang pansin ang tungkol sa nobela, isang uri ng panitikan mula

sa Kanluran partikular na sa United States of America at upang malaman ng mambabasa ang kahulugan at

halimbawang akda na nakasulat dito. Ito ay binubuo ng isang aralin na naglalaman ng isa sa obra maestrang

nobela ni Ernest Hemingway na pinamagatang “The Old Man and the Sea” (Ang Matanda at ang Dagat), isang

nobelang may masalimuot ngunit kapana-panabik na yugto. Upang subukin at malaman ang antas ng pag-unawa

ng mag-aaral, may inihandang kaukulang pagsasanay tungkol sa akda. Bahagi ng aralin ang pagtatalakay sa

paggamit ng pahayag sa pagsang-ayon at pagtutol sa pagbibigay ng puna o panunuring pampanitikan kung saan

ito rin ay may kaukulang pagsasanay. Ang mga pagsasanay ay may papataas na antas ng gawain upang higit na

malinang ang kahandaan ng mga mag-aaral sa pagkakatuto.

Inaasahang makatutulong ang aklat na ito sa mga mag-aaral mula sa ikasampung baitang upang

malinang ang kanilang pag-unawa at pagpapahalaga sa akdang pampanitikan tulad ng nobela na mula sa isang

bansa sa Kanluran. Gayundin, ang pagpapalago at pagpapaunlad ng kaalaman sa tulong ng gramatika at retorika

ii
PAGKILALA

Nais naming iparating ang taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa lahat ng indibidwal na

naging bahagi upang mabuo at matapos ang proyektong ito sa Filipino. Una, si Bb. Maricris P.

Hernandez, na buong puso at isipan na naglaan ng oras upang tulungan kaming masimulan at

matapos ang aming aklat. Siya ang naging gabay, nagbigay liwanag sa aming landas, at ang

taong nagpaunlad sa buong ideya.

Lubos kaming nagpapasalamat sa aming mga magulang lalo na sa kanilang suporta at

inspirasyon. Mula sa simula ng aming proyekto hanggang sa pagtatapos nito, nagbigay sila ng

tulong pinansyal kalakip ng payo at gabay. Dahil sa inyong suporta, mas naging matatag at

determinado kaming tapusin ang buong nilalaman ng aklat.

Malugod din naming pinasasalamatan ang di-mabilang na biyaya at patnubay ng Diyos.

Ipinagpapasalamat namin ang pagbibigay niya sa amin ng kaalaman at lakas ng loob na

kinakailangan upang tapusin ang aming aklat. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi namin

magagawa ang iba’t ibang parte ng aklat. Ang pangalan ng Diyos na bumabalot sa bawat pahina

ng aming pagsusumikap ay isang malaking karangalan.

Sa huli, hindi matatapos ang aklat na ito kung hindi dahil sa aming mga sarili, marapat

lamang na pasalamatan namin ang aming mga sarili dahil sa pagpupunyagi, kasipagan,

kahusayan at paglalaan ng oras kung kaya’t humantong sa tagumpay ang proyektong ito.

iii
TALAAN NG NILALAMAN

ARALIN 2.3 Ang Matanda at Ang Dagat

Karapatang Ari --------------------------------------------------------------------------------- i

Paunang salita ------------------------------------------------------------------------------------------------- ii

Pagkilala ----------------------------------------------------------------------------------------- iii

Paunang Gawain --------------------------------------------------------------------------------- 1-3

Pagpapakilala sa Nobela ------------------------------------------------------------------------ 4-5

Bansang Pinagmulan ---------------------------------------------------------------------------- 5-7

Talasalitaan ---------------------------------------------------------------------------------------- 7-8

Akdang Tinalakay -------------------------------------------------------------------------------- 9-16

Karagdagang Gawain ---------------------------------------------------------------------------- 17-18

Gramatika ----------------------------------------------------------------------------------------- 18-27

Gawain --------------------------------------------------------------------------------------------- 28

Konsepto ------------------------------------------------------------------------------------------- 29

Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------------------------------------- 30-32


PAUNANG GAWAIN

Class Feud

Panuto: Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa dalawang (2) grupo. Bawat grupo ay pipili lamang ng 4 na

para sa kanila ay mahuhusay na kalahok. Bibigyan ang bawat pangkat ng 1 minuto upang pag-usapan ang

paksa. Bilang huling hamon sa nagwaging pangkat ay bubuo sila ng isa o dalawang pangungusap mula sa

mga naging kasagutan na magpapahayag tungkol sa ibinigay na salita.

Mekaniks:

a. Upang malaman kung sino ang unang sasagot, pipili ng tig-isang kalahok ang bawat pangkat. Sila ang

unang magtatagisan at kinakailangang paunahan sa pagpindot ng bell na nasa harapan.

b. Sa pagtukoy kung alin ang pangkat na magpapatuloy, kinakailangang mas mataas ang posissyon ng

naging kasagutan ng kanilang kalahok kumpara sa sagot ng katunggali.

c. Papipiliin ang kalahok na may mataas na posisyon ng kasagutan kung hindi maglalaro (pass) o maglalaro

(play).

d. Kapag pinili ng unang kinatawan na magpatuloy, parehong katanungan lang ang sasagutin ng lahat

e. Kung magkamali ng tatlong beses ang unang pangkat magkakaroon ng pagkakataon ang kabilang grupo

na sumagot at kapag tumpak ang kanilang kasagutang mapupunta sa kanila ang puntos.

" Nagsurvey kami ng isang daang tao ang top 5 na sagot ang hinihingi, "Ano ang kadalasang salita ang

maiuugnay sa tuwing naririnig ang nobela?"

* Kabanata

* Simbolismo

1
* Banghay

* Kakintalan

* Matanda at ang Dagat

Gawain 2: Nagbasa Ka? Susubukin Kita?

Bilang patunay na binasa mo ang ibinigay na nobela bago magsimula ang pagtalakay (online),

basahin ang mga pangungusap sa ibaba at isulat sa unang kolum kung sang-ayon o di sang-ayon na nabasa ang

pahayag sa tatalakaying akda. Siguradihng wasto ang iyong sagot para mapatunayang ika’y nagbasa.

Sang-Ayon o

Di Sang-Ayon Pahayag

Isang oras ito bago siya unang dinunggol ng pating.

Maigsi ang lubid dahil binawasan niya ito ng ipinatigil sa aso.

Inulos niya ito ng mahusay na salapang sa ubos-kayang ipinukol ng

kaniyang kamay na nanlalagkit sa dugo.

Sana’y isa lang itong panaginip ngayon at hindi ko sana nabingwit

ang isda at nag-iisa akong nakahiga sa mga diyaryo.

“Mag-isip ka ng bagay na malungkot at kininase, tanda”, sabi niya.


Isinilang ka para maging isang mangingisda tulad ng isda na

ipinanganak para maging isang isda.

Hindi ngayon ang oras para isipin kung ano ang wala ka. Isipin mo

kung ano ang magagawa sa kung ano ang naririyan.

Maraming sugat na dapat ikinabahala, hindi makatutulong ang

pagdurugo para huwag pulikatin ang kaliwa.

NOBELA
Alam mo ba na...

ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan? Binubuo

ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa

nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.

Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling kuwento, iisang pangyayari

lamang ang inilalahad. lisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkakaiba lamang ito sa

nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng

mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggalingan nito. Ang isang nobela ay may mga

katangiang dapat taglayin. Ito ay ang sumusunod:

a.) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan,

b.) pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan,

c.) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin,

d.) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon,

e.) malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad,

f.) nag-iiwan ng kakintalan.

Elemento ng Nobela

1. Tagpuan-lugar at panahon ng mga pinangyarihan

2. Tauhan sa nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela

3. Banghay-pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


4. Pananaw-panauhang ginagamit ng may-akda

a. una-kapag kasali ang may- akda

b. pangalawa- ang may-akda ang nakikipag-usap

c. pangatlo-batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda

5. Tema-paksang- diwang binibigyang-diin sa nobela

6. Damdamin - nagbibigay-kulay sa mga pangyayari

7. Pamamaraan - estilo ng manunulat/awtor

8. Pananalita – diyalogong ginamit

9. Simbolismo - nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari.

BANSANG PINAGMULAN

Cuba

Ito ang bansa na kung saan isinulat ng amerikanong si Ernert Hemmingway ang kanyang nobelang Ang

Matanda at Ang Dagat (The Old Man and The Sea). Ang bansang Cuba ay may malaking gampanin sa nobelang

ito sapagkat dito ay naka sentro ang pamumuhay, paniniwala, at mga kultura ng mga taga-Cuba.

Kasaysayan

Dating pinaninirahan ng mga katutubong tribong Amerindiyano ang Cuba bago marating ni Christopher

Columbus noong 1492, na inangkin ang pulo para sa kaharian ng Espanya. Nanatiling kolonya ang Cuba ng

Espanya hanggang sumiklab ang digmaang Kastila-Amerikano noong 1898, pagkatapos ay nakamit nito ang

5
kalayaan bilang isang de facto na protektorado ng Estados Unidos noong 1902. Ang mahinang republika ay

nagdulot ng pagtaas ng pulitikang radikal at alitang panlipunan, at kahit pinagsikapan patatagin ang sistemang

demokrasya, sumailalim sa diktaturya ni Fulgencio Batista ang Cuba noong 1952. Ang lumalaking kaguluhan ay

nagdulot ng pagpapatalsik kay Batista noong Hulyo 26, na pagkatapos ay nagtatag ng bagong pamahalaan

sumailalim sa pamumuno ni Fidel Castro. Simula nong 1965, ang bansa ay pinamumunuan ng Partido

Komunista sa Kuba.

Heograpiya

Ang bansang Cuba ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Caribbean, Gulpo ng Mexico at Karagatang

Atlantic. Binubuo ito ng mga isla at kapuluang pinalilibutan ng Mexico (Yucatan Peninsula ) sa Kanluran,

Estado ng Florida, USA, at Bahamas sa Hilaga, Haiti sa Silangan at Cayman Island sa Timog.

Ayon sa nobela, naibanggit na ito ay nasa isang Cuban na nayon at nagsimula ang kuwento kung saan

nangingisda si Santiago na Pursigidong makahuli ng isda.

Wika

Espanyol ang pangunahing wika ng bansang Cuba, tinatawag din itong Cuban Spanish. Ang pagbigkas sa

Cuban Spanish ay katangi-tangi, kung saan maraming nagsasalita ang gumagamit ng 'seseo' (pagbigkas ng 's' at

'z' na pareho), pagbagsak ng 's' na mga tunog sa dulo ng mga salita at bago ang mga consonant, at isang

partikular na 'r' na tunog na kilala. bilang 'rotacismo.' Ang Cuban Spanish ay mayroon ding malakas na

ritmikong intonasyon na naiimpluwensyahan ng mga wikang Aprikano.

Kultura

Ang kultura ng mga taga-Cuba ay naimpluwensyahan ng magkaibang kultura na nagmula sa Europa at iba

pang bansa.

6
Uri ng Pamumuhay

Pangingisda ang isa sa pangunahing pamumuhay ng mga sa bansang Cuba na kung saan ito rin ay naipakita

sa nobela bilang hanap-buhay ng pangunahing tauhan sa nobela.

TALASALITAAN

Dentuso – isang uri ng pating na nagtataglay ng malalaki at matatalim na ngipin

Dinungol – malakas na pagdapo ng kamao

Dumukwang- paraan ng pag-abot sa isang bagay na naka unat ang braso.

Galanos – isang uri ng pating

Hambalos- paghampas

Haywey- lansangang-bayan

Huhupa- mawawala, lilipas

Inginasab- kinagat

Inulos- tinakot

Kagungongan- kawalan ng kaalaman

Kipkip- taglay o dala sa ilalim ng kilikili

Kumampay- iginalaw ang kamaKumislot- gumalaw

Lanseta – isang uri ng kutsilyo

7
Lumalagatok- tumutunog

Mahilatsa- isang uri ng carbohydrate na hindi natutunaw ng ating katawan

Mako – isang uri ng pating na siyang tinuturing na pinakamabilis na isda sa dagat

Nagpupuyos – sumisiklab ang galit

Naiwawaglit- maiwala, nakalimutan

Nakapangunyapit- pagkapit o paghawak na mahigpit, karaniwang upang hindi magalit

Napatid- pagkatisod habang naglalakad, kusang phalanx ng paa

Nalagot- napatid, naputol

Paghaginit – isang hanging mabilis o mabilis na sasakyan, pagharurot

Pagkakaulos- pagkakasaksak

Pakislot – paggalaw ng mga hibla ng laman, lalo na sa mga bagong katay na hayop

Pahalihaw- mabilis

Popa- likurang bahagi ng isang sasakyang pandagat

Prowa – unahang bahagi ng isang sasakyang pandagat kagaya ng bangka o barko

Sagpangin – mabilisan at biglaang pagsakmal

Salapang – isang kagamitang ginagamit sa pangingisda

Timon – isang mahalagang bahagi ng kasangkapan ng barko sa pag-maniobra

8
AKDANG TINALAKAY

Ang Matanda at Ang Dagat

Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel Santiago “The Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway

Maayos silang naglayag at ibinaba ni Santiago ang kaniyang mga kamay sa tubig-alat at sinikap na

linawin ang kaniyang isip. Mataas ang cumulus clouds at may sapat na cirrus sa ibabaw kaya alam ng matanda

(Santiago) na tatagal ang simoy sa buong magdamag. Palaging tinitingnan ng matanda ang isda para makatiyak

na totoo ito. Isang oras ito bago siya unang dinunggol ng pating.

Hindi aksidente ang pating. Pumaimbabaw siya mula sa kalaliman ng tubig habang tumitining at

kumakalat ang maitim na ulap ng dugo sa dagat na isang milya ang lalim. Napakabilis niyang pumaimbabaw at

walang kaingat-ingat na binasag ang rabaw ng asul na tubig at nasinagan siya ng araw. Pagkaraa’y bumalik siya

sa tubig at sinundan ang amoy at nagsimulang lumangoy patungo sa direksiyon ng bangka at ng isda.

Kung minsan, naiwawaglit niya ang amoy. Pero malalanghap niya itong muli, o kahit bahagyang-

bahagya lang ng amoy nito, at mabilis at masigla siyang lalangoy para sundan ito. Isa siyang napakalaking

pating na Mako, ang katawan ay sadyang para lumangoy na kasimbilis ng pinakamabilis na isda sa dagat at

napakaganda ng kaniyang kabuuan maliban sa kaniyang panga. Kasing asul ng isdang-espada ang kaniyang

likod, at pilak ang tiyan, at madulas at makisig ang kaniyang balat. Kahawig siya ng espada maliban sa

kaniyang dambuhalang panga na nakatikom ngayon habang matulin siyang lumalangoy, halos nasa rabaw,

parang kutsilyong humihiwa sa tubig ang mataas niyang palikpik sa likod. Sa loob ng sarado niyang panga,

nakahilig paloob ang kaniyang walong hanay na ngipin. Hindi siya katulad ng karaniwang hugis-piramidong

ngipin ng karamihang pating. Kahugis sila ng mga daliri ng tao kapag nakabaluktot na parang sipit. Kasinghaba

sila halos ng mga daliri ng matanda at sintalas ng labaha ang talim sa magkabilang gilid. Ito ang isdang nilikha

para manginain sa lahat ng isda ng dagat, napakabilis at napakalakas at armadong-armado kaya wala silang

sinumang kaaway. Binilisan pa niya ngayon


9

nang malanghap ang mas sariwang amoy at humiwa sa tubig ang kaniyang asul na palikpik sa likod.

Nang makita ng matanda na paparating ito, alam niyang isa itong pating na walang takot at gagawin ang

lahat ng gusto nitong gawin. Inihanda niya ang salapang at hinigpitan ang lubid habang pinagmamasdan niya

ang paglapit ng pating. Maigsi ang lubid dahil binawasan niya ito ng ipinangtali sa isda.

Malinaw at matino ang isip ng matanda ngayon at buong-buo ang pasiya pero halos walang pag-asa.

Sa loob-loob niya, makatagal sana ang katinuang ito. Pinagmasdan niyang maigi ang malaking isda habang

pinanonood ang paglapit nito. Mas mabuti pang naging isang panaginip lang ito, sa loob-loob niya. Hindi ko

siya mapipigil sa pag-atake sa akin pero baka makuha ko siya. Dentuso, sa loob-loob niya. Malasin sana ang

nanay mo.

Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at nang sagpangin nito ang isda, nakita ng matanda ang

pagbuka ng bunganga at ang kakatwa nitong mata at ang lumalagatok na pagtadtad ng mga ngipin habang

nginangatngat ang karne sa may ibabaw ng buntot. Nakaangat sa tubig ang ulo ng pating at lumilitaw ang likod

at naririnig ng matanda ang ingay ng balat at lamang nalalaslas sa malaking isda nang isalaksak niya ang

salapang sa ulo ng pating sa dakong nagtatagpo ang guhit ng mga mata at ang guhit ng ilong. Walang gayong

mga guhit. Ang naroon lamang ay ang mabigat at matulis na ulong asul at ang malalaking mata at ang

lumalagutok, umuulos, nanlalamong mga panga. Pero ang kinalalagyan ng utak ang napuruhan ng matanda.

Inulos niya ito ng mahusay na salapang na ubos-kayang ipinukol ng kaniyang kamay na nanlalagkit sa dugo.

Inulos niya ito nang walang pag-asa pero may katatagan ng pasiya at lubos na hangaring maminsala.

Kumampay ang pating at nakita ng matanda na walang buhay ang mga mata nito at muli itong

kumampay, at napuluputan siya ng dalawang ikid ng lubid. Alam ng matandang patay na pero hindi ito

matanggap ng pating. Pagkatapos, nakatihaya, humahagupit ang buntot at lumalagutok ang mga panga, sinuyod

ng pating ang tubig tulad sa paghaginit ng isang speed-boat. Puti ang tubig sa hambalos ng kaniyang buntot at

tatlong sangkapat ng katawan ang nakaangat sa tubig nang mabanat ang lubid, kuminig at saka nalagot. Saglit
na humigang tahimik sa ibabaw ng tubig ang pating at pinanood siya ng matanda. Pagkaraa’y dahan-dahan itong

lumubog. 10

“Mga kuwarenta libras ang dala niya,” malakas na sabi ng matanda. Tinangay nito ang salapang ko at

ang buong lubid, sa loob-loob niya, at nagdurugo ngayon ang isda ko at marami pang susunod.

Ayaw na niyang tingnan ang isda dahil nagkagutay-gutay na ito. Nang sagpangin ang isda, para siya

rin ang nasagpang.

Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko, naisip niya. At siya ang pinakamalaking dentuso

na nakita ko. At alam ng Diyos na nakakita na ako ng malalaki.

Hindi kapani-paniwalang makatatagal siya, naisip niya. Sana’y isa lang itong panaginip ngayon at

hindi ko sana nabingwit ang isda at nag-iisa akong nakahiga sa mga diyaryo.

“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya

magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon

at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino. Pero mas

matalino ako kaysa kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas armado lang ako.

“Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang

anumang dumating.”

Pero dapat akong mag-isip, naisip niya. Dahil iyon na lang ang natitira sa akin. Iyon at ang beisbol.

Ewan ko kung magugustuhan ng dakilang DiMaggio ang pagkakaulos ko sa kaniya sa utak. Walang bagay ‘yon,

sa loob-loob niya. Kayang gawin iyon ng kahit sino. Pero sa palagay mo ba’y malaking partida ang mga kamay

ko kaysa mga taring buto? Hindi ko malalaman. Hindi ako nagkaroon kahit kailan ng sugat sa aking sakong

maliban noong minsan na nakagat ito ng page nang matapakan ko siya nang lumalangoy at naparalisa ang

ibabang binti at kumirot nang napakatindi.

“Mag-isip ka ng isang bagay na masaya, tanda,” sabi niya. “Bawat sandali’y papalapit ka na sa bahay.

Mas magaan ngayon ang paglalayag mo dahil sa pagkawala ng kuwarenta libras.”


11

Alam na alam niya kung ano ang maaaring mangyari pagsapit niya sa panloob na bahagi ng agos. Pero

wala nang magagawa ngayon.

“Oo, meron pa,” malakas niyang sabi. “Puwede kong itali ang aking lanseta sa puluhan ng isang

sagwan.”

Kaya ginawa iyon habang kipkip ang timon at nakatapak sa tela ng layag.

“Ngayon,” sabi niya. “Isa pa rin akong matanda. Pero meron akong armas.”

Sariwa ngayon ang simoy at maayos siyang naglayag. Tiningnan niya ang bungad na bahagi ng isda at

bumalik nang bahagya ang kaniyang pag-asa.

Kalokohan ang hindi umasa, sa loob-loob niya. Bukod pa’y naniniwala akong kasalanan ‘yon. Huwag

kang mag-isip tungkol sa kasalanan, naisip niya. Marami nang problema ngayon kahit walang kasalanan. T’saka

hindi ko ito naiintindihan.

Hindi ko iyon naiintindihan at hindi ko sigurado kung naniniwala ako roon. Kasalanan sigurong

patayin ang isda. Iyon ang palagay ko kahit na ginawa ko iyon para ako mabuhay at mapakain ang maraming

tao. Pero lahat naman ay kasalanan. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan. Masyado nang huli para diyan

at may mga taong binabayaran para gawin iyon. Hayaan mong sila ang mag-isip tungkol doon. Isinilang ka para

maging isang mangingisda tulad ng isda na ipinanganak para maging isang isda. Mangingisda si San Pedro at

gayundin ang ama ng dakilang

DiMaggio.

Pero gusto niyang pag-isipan ang lahat ng bagay na kinasasangkutan niya at nang husto at nag-isip

siya nang nag-isip tungkol sa kasalanan. Hindi mo pinatay ang isda para lamang mabuhay ka o para ibenta

bilang pagkain, sa loob-loob niya. Pinatay mo siya dahil sa iyong dangal at dahil isa kang mangingisda. Minahal
mo siya noong siya’y buhay pa at minahal mo siya pagkatapos. Kung mahal mo siya, hindi kasalanang patayin

mo siya.

12

O mas malaking kasalanan ‘yon?

“Sobra kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi.

Pero tuwang-tuwa kang patayin ang dentuso, naisip niya. Nabubuhay siya sa buhay na isda, tulad mo.

Hindi siya isang tagahalungkat ng basura o isa lamang gumagalang gutom tulad ng ilang pating. Maganda siya

at marangal at walang kinakatakutan.

“Napatay ko siya sa pagtatanggol ko sa sarili,” malakas na sabi ng matanda.

“At pinatay ko siyang mahusay.”

Bukod pa, naisip niya, pinapatay naman ng lahat ang isa’t isa, kahit paano. Kung paano ako pinapatay

ng pangingisda, gayon din niya ako binubuhay. Binubuhay ako ng bata, sa loob-loob niya. Hindi ko dapat

masyadong linlangin ang aking sarili.

Sumandig siya sa gilid at pumilas ng kapirasong karne ng isda sa pinagkagatan ng pating. Nginuya

niya ito at napansin niya ang kalidad at sarap ng lasa nito. Matigas ito at makatas, parang karne, pero hindi ito

pula. Hindi ito mahilatsa at alam niyang mataas ang magiging presyo nito sa palengke. Pero hindi matatanggal

ang amoy nito sa tubig at alam ng matanda na may dumating na malaking kamalasan. Panatag ang simoy.

Medyo umatras ito sa may hilagang silangan at alam niya

ang ibig sabihin niyon ay hindi ito huhupa. Tumanaw sa malayo ang matanda pero wala siyang makitang mga

layag at wala na rin siyang makitang ni balangkas o usok ng anumang bangka. Ang naroon lamang ay ang

isdang-lawin na patalon-talon sa magkabilang gilid ng kaniyang prowa at ang mga dilaw na kumpol ng damong

Gulpo.
Ni wala siyang makitang isa mang ibon. Dalawang oras na siyang naglalayag, nagpapahinga sa popa at

paminsan-minsa’y ngumunguya ng kapirasong karne ng marlin, nagsisikap na magpahinga at magpalakas, nang

makita niya ang una sa dalawang pating.

13

“Ay,” malakas niyang sabi. Walang salin para sa katagang ito at marahil ay isa lamang itong ingay na magagawa

ng gayong tao, hindi sinasadya, na nakararamdam sa pagbutas ng pako sa kaniyang kamay at pagtagos nito sa

kahoy.

“Galanos,” malakas niyang sabi. Nakita na niya ngayon ang pag-angat ng pangalawang palikpik sa

likuran ng una at natukoy niya na ang mga ito ay pating na hugis-pala ang nguso batay sa kayumanggi, hugis-

tatsulok na palikpik at sa pahalihaw na galaw ng buntot. Naamoy nila at tuwang-tuwa sila at sa kagunggongan

ng kanilang matinding gutom, naiwawaglit nila at natatagpuan ang amoy sa kanilang katuwaan.

Pero palapit sila nang palapit. Mabilis na iniligpit ng matanda ang tela at isinisiksik ang timon.

Pagkaraa’y kinuha niya ang sagwang tinalian niya ng lanseta. Maingat na maingat niyang binuhat ito dahil

nagpupuyos sa sakit ang kaniyang mga kamay. Pagkaraa’y ibinukas-sara niya ang mga ito roon upang lumuwag

sila. Isinara niya nang mahigpit para matiis ang sakit at huwag mamilipit at pinagmasdan niya ang pagdating ng

mga pating.

Nakikita niya ngayon ang kanilang malapad, sapad, hugis-palang mga ulo at ang kanilang malalapad,

puti ang dulong palikpik sa dibdib. Sila ay mga kamuhi-muhing pating, masama ang amoy, tagahalukay ng

basura at mamamatay, at kapag sila’y gutom, kinakagat nila ang sagwan o katig ng isang bangka. Ang mga

pating na ito ang pumuputol sa paa at kampay ng mga pagong kapag nakakatulog sa ibabaw ang mga pagong, at

nanagpang sila ng taong nasa tubig, kung sila’y gutom, kahit hindi amoy dugo ng isda o malansan ang tao.

“Ay,” sabi ng matanda. “Galanos. Sige, Galanos.”


Dumating sila. Pero dumating silang di tulad ng Mako. Pumihit ang isa at naglaho sa paningin sa

ilalim ng bangka at naramdaman ng matanda na naalog ang bangka habang kumikislot siya at hinihila ang isda.

Pinanood ng isa ang matanda, naningkit ang dilaw na mga mata, at sinagpang ng kaniyang panga ang isda sa

dakong nakagat na. Kitang-kita ang guhit sa ibabaw ng kaniyang kayumangging ulo at likod na hugpungan ng

utak at gulugod at inulos ng matanda ang lanseta sa sagwansa hugpungan, hinugot ito, at muling iniulos sa

dilaw, tila sa pusang mata ng pating.

14

Binitiwan ng pating ang isda at dumausdos, lulon-lulon ang kaniyang nakagat habang

siya’y namamatay.

Gumigiwang pa ang bangka dahil sa pamiminsala sa isda ng isa pang pating at binitiwan ng matanda

ang layag para makabaling ang bangka at mapalitaw ang pating mula sa ilalim. Pagkakita niya sa pating,

dumukwang siya sa gilid at hinambalos ito. Laman lamang ang tinamaan niya at matigas ang balat at hindi niya

halos naibaon ang lanseta. Hindi lamang ang kaniyang mga kamay ang nasaktan sa kaniyang pag-ulos kundi

pati ang kaniyang mga balikat. Pero mabilis na pumaimbabaw ang pating, una ang ulo, at tinamaan ito ng

matanda sa gitnang-gitna ng sapad na ulo habang lumilitaw sa tubig ang nguso at inginasab sa isda. Hinugot ng

matanda ang talim at muling inulos sa dating lugar ang isda. Nakakapit pa rin siya sa isda, sarado ang panga, at

sinaksak ito ng matanda sa kaliwa nitong mata. Nakapangunyapit pa rin doon ang pating.

“Hindi pa rin?” sabi ng matanda at inulos niya ang patalim sa pagitan ng gulugod at utak. Madali na

ngayon ang ulos na iyon at naramdaman niyang napatid ang litid. Binaligtad ng matanda ang sagwan at isiningit

ang talim sa panga ng pating para buksan ito. Pinilipit niya ang talim sa panga ng pating para buksan ito.

Pinilipit niya ang talim at habang dumadausdos ang pating, sabi niya, “Sige, galanos. Dumausdos ka nang isang

milya ang lalim. Sumige ka at katagpuin ang iyong kaibigan, o baka iyon ang iyong ina.”

Pinunasan ng matanda ang talim ng kaniyang lanseta at inilapag ang sagwan. Pagkaraa’y nakita niyang

lumulobo ang tela at layag at ibinalik niya ang bangka sa dating paglalayag.
“May sangkapat niya siguro ang natangay nila at ang pinakamahusay na laman,” malakas niyang sabi.

“Sana’y panaginip lang ito at hindi ko sana siya nabingwit kailanman. Ikinalulungkot ko, isda. Dahil doo’y mali

ang lahat.

Tumigil siya at ayaw na niyang tingnan ang isda ngayon. Said na ang dugo at lulutang-lutang, kakulay

siya ng pilak na likod ng salamin at nakikita pa rin ang kaniyang mga paha.

“Hindi ako dapat nagpakalaot-laot, isda” sabi niya. “Hindi para sa iyo o para sa akin. Ikinalulungkot ko, isda.

15

“Ngayon sabi niya sa sarili. Tingnan mo ang pagkakatali ng lanseta at tingnan mo kung nalagot.

Pagkatapos ay ayusin mo ang iyong kamay dahil marami pang darating.

“Nakapagdala sana ako ng bato para sa lanseta,” sabi ng matanda matapos tingnan ang tali sa puluhan

ng sagwan. “Dapat akong nagdala ng bato.” Marami kang dapat dinala, sa loob-loob niya. Pero hindi mo dinala,

tanda. Hindi ngayon ang oras para isipin kung ano ang wala ka. Isipin mo kung ano ang magagawa sa kung ano

ang naririyan.

“Sobra kang magpayo ng mabuti,” sabi niyang malakas. “Sawa na ko r’on.”

Kinipit niya ang timon at ibinabad ang dalawang kamay sa tubig habang umuusad ang bangka.

“Alam ng Diyos kung gaano ang nakuha ng huling iyon,” sabi niya. “Pero hamak na mas magaan siya

ngayon.” Ayaw niyang isipin ang nagkagutay-gutay na tiyan ng isda. Alam niyang sa bawat pakislot na bunggo

ng pating ay napipilas angkarne at ngayo’y sinlapad ng haywey sa dagat ang nalilikhang bakas ng isda na

pagsusumundan ng lahat ng pating.

Mairaraos ng isang tao ang buong taglamig sa isdang iyon, sa loob-loob niya. Huwag mong isipin iyan.

Magpahinga ka lang at ihanda ang mga kamay mo para sa ipagtanggol ang nalalabi sa kaniya. Balewala na ang

amoy ng dugo sa mga kamay ko ngayong nangangamoy ang buong dagat. Bukod pa’y hindi na sila gaanong
nagdurugo. Walang anumang sugat na dapat ikabahala. Baka makatulong pa ang pagdurugo para huwag

pulikatin ang kaliwa.

Ano pa ba ang puwede kong isipin ngayon? Naisip niya. Wala. Wala akong dapat isipin at hintayin

ang mga susunod pa. Sana nga’y panaginip lang iyon, sa loob-loob niya. Pero sino ang makapagsasabi? Baka

naman mapaigi pa ‘y

16

KARAGDAGANG GAWAIN

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap at pagkatapos ay piliin ang tamang

sagot.

1. Sino ang nagbaba ng kamay sa tubig?

a. Miguel

b. Samuel

c. Santiago

d. Simon

2. Ano ang tinitingnan ng matanda?

a. Tubig

b. Isda

c. Alon

d. Sagwan

3. Kapag gutom ang mga pating, ano ang kanilang kinakain?

a. Lubid

b. Basura

c. Sagwan o katig ng isang bansa

d. Tela
4. Ano ang mas higit na bibigyang pansin ng nobela?

a. Katotohanan

b. Tagpuan

c. Banghay

d. Sagwan

17

5. Pagkatapos na iligpit ng matanda ang tela, ano ang isiniksik niya?

a. Timon

b. Lanseta

c. Lubid

d. sagwan

II. Panuto: Sagutin ang sumusunod na pahayag.

6. Sa loob ng saradong panga ng pating,ano ang nakahilig paloob dito?

7. Anong isda ang nilikha para manginain sa lahat ng isda sa dagat?

8. Saan pwedeng itali ng matanda ang kaniyang lanseta sa pagsapit niya sa panloob na bahagi ng agos?

9. Ano ang mensahe o nais ipa batid ng nobela sa mga mambabasa?

10.Anong teoryang realismo ang ginamit sa nobela?ipaliwanag.

GRAMATIKA

Sa paglalahad ng opinion, iniiwasan ang pagtutol o pagsang-ayon sa binabasa. Bawat isa’y may kanya-

kanyang pananaw na dapat igalang, maging ito man ay pabor o hindi. Mahalaga ang pagiging magalang at
malumanay sa pagpapahayag ng opinion upang maiwasang masaktan ang damdamin. Sa araling ito, tatalakayin

ang mga hudyat na ginagamit sa pagsalungat at pagsang- ayon sa pamamgitan ng pagsanib ng gramatika at

retorika.

Kapag nabbing ng opinyon, nagging natural na bahhagi ito ng interaktibong pagiging tao, at madalas

18

itong magresulta sa pagsang-ayon o pagtutol. Gayunpaman, maaring isama ang ideya ng patutol o pagsang-ayon

sa isang pangungusap. Maaari ring maipahayag ang ang argumento sa di-ganap na pagsang-ayon o pagtutol sa

tulong ng pang-ugnay. Suriin ang mga halimbawa sa ibaba:

Totoo/Tinatanggap ko/Tama ka/Talaga/Tunay pero/subalit/ngunit/Datapwat

Halimbawa:

 Talagang mahusay ang pagkaganap ng mga tauhan sa nobela.

 Tama ka/totoo ang sinasabi mo, pero/ngunit/subalit

Halimbawa:

Totoo naman na kakaunti ang kaniyang eksena, ngunit nagpakita parin ng kahusayan sa pagganap bilang

dalagang katutubo si Angel Aquino.

 Sadyang/Totoo/Talaga/pero/ngunit

Sadyang malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa pakikipagkapwa.

Suriin

Natapos ka na at natutunan ang mga bagong kaalaman tungkol sa Gramatika at Retorika, lalo na sa Paggamit ng

Pahayag na Pagsang-ayon o Pagtutol sa Pagbibigay ng Puna o Panunuring Pampanitikan. Handa ka na para sa

ating talakayan.
Ang tao ay may iba't ibang paniniwala, oryentasyon, at prinsipyo. Ito ang nagiging sanhi kung bakit may

pagkakaiba-iba sa kanilang mga opinyon, at kung minsan, mayroong pag-aalinlangan sa kanilang kakayahan o

mga pahayag na likas sa bawat isa. Upang maipahayag ang pagkakatulad o pagkakaiba sa mga opinyon gamit

ang wikang Filipino, pag-aaralan natin ang mga sumusunod:

• Totoo/Tinanggapko/Tamaka/Talaga/Tunay-pero/subalit/ngunit/ Datapwat

- Talagang mahalaga ang paggamit ng gramatika at retorika sa pagsulat.

19

• Tama ka/Totoo ang sinabi mo----pero/ngunit/subalit - Tama ka sa iyong sinabi, ngunit may mga pagkakataon

na maaari itong maliwanagang ipaliwanag.

• Sadyang/Totoong/Talaga/pero----ngunit

- Sadyang may epekto ang retorika sa pagpapahayag ng ideya, ngunit dapat itong suportahan ng tamang

gramatika.

Ang masusing pag-unawa sa gramatika at retorika ay makakatulong sa mas mabisang pagsulat at pagsusuri ng

mensahe ng manunulat. Ang gramatika ay tumutok sa wastong paggamit ng mga salita, habang ang retorika ay

nagbibigay kulay at ganda sa isang akda. Isang halimbawa ay ang pahayag na:

"Apoy na pinainit o yelong pinalamig."

Ang pahayag na ito ay tama sa gramatika, ngunit mali sa retorika. Ang apoy ay mainit, at ang yelo naman ay

malamig. Ito ay halimbawa ng hindi tamang paggamit ng retorika.

Balikan

Balikan muna natin ang nakaraang usapan ukol sa Gramatika at Retorika: Ang paggamit ng pahayag na

pagsang-ayon o pagtutol sa pagsusuri ng panitikan. Ano-ano ang mga pang-ugnay na magagamit kapag

sumasang-ayon o tumututol?
Sa pagsang-ayon, maaaring gamitin ang mga pang-ugnay na totoo, tunay, talaga, at iba pa. Samantalang sa

pagtutol, mahalaga ang mga pang-ugnay na hindi, ngunit, subalit, at iba pa.

Tuklasin

Sa pag-aaral ng maikling kuwento, mahalaga na suriin ang mga elementong bahagi nito, gaya ng mga tauhan,

tagpuan, tunggalian, simbolo, pahiwatig, magandang kaisipan, o pahayag. Dapat ding tingnan ang paraan ng

pagsisimula at pagwawakas nito.

20

Sa nobela, karaniwan na iniisa-isa ang mga katangiang pampanitikan nito, kasama ang mga elementong

matatagpuan sa maikling kuwento. Sa pagsusuri, kinakailangan ding tingnan ang aspekto ng lipunan, pulitika,

ekonomiya, at kultura na bumubuo sa nobela, pati na rin ang angkop na teoryang magagamit sa pagsusuri.

Mahalaga rin ang pagbibigay ng sariling opinyon o reaksyon sa binasa, napanood, o narinig.

Sa pagsusuri, mahalaga rin na maunawaan ang mga teoryang ginamit sa akda. Ito ay bahagi ng sistematikong

pagsusuri ng panitikan, at naglalaman ng pagsusuri sa nilalaman, kahalagahan, at istilo ng may-akda. Ang

pagsusuri ay nagbibigay-diin din sa interaktibong bahagi ng tao, kung paano siya nakikipag-ugnayan sa kanyang

karanasan. Importante rin ang pagtanggap sa katotohanan o realidad, tulad ng nakikita sa akda.

Sa kabuuan, ang pagsusuri ay naglalaman ng mahalagang bahagi ng pag-aaral ng panitikan, at ang layunin ay

maging malinaw ang pag-unawa ng mga mag-aaral ukol dito.

Suriin

Pag-isipan!

Ang pagbabasa ay nagbibigay daan sa pagkuha ng kaalaman ukol sa iba't ibang konsepto at impormasyon. Ang

layunin ng pagbasa ay bigyang halaga ang anumang akda o teksto. Ang kabatiran na matutunan mula dito ay

mas nagiging makabuluhan kapag sinuri nang buo ang akda.


Ang panunuri ay isang uri ng pagtalima na nagbibigay-buhay at kahulugan sa sining. Ito ay hindi lamang

nagbibigay ng pagsusuri o kahulugan, kundi isang anyo ng pagsusuri sa kabuuan ng tao, kasama ang anyo, asal,

kilos, wika, at pakikipag-ugnayan sa lipunan.

Ang suring-basa, sa kabilang banda, ay isang uri ng pagsusuri o review ng binasang teksto, tulad ng nobela,

maikling kwento, tula, sanaysay, at iba pang uri ng panitikan.

Ang pagsusuri o review ay nangangailangan ng pagsusuri sa nilalaman, kahalagahan, at estilo ng may-akda.

Maaring gamitin ang isang balangkas tulad ng sumusunod:

21

I. Pamagat, may-akda, genre

II. Buod (para sa maikling kwento, sanaysay, nobela)

III. Paksa

IV. Bisa (sa isip, damdamin)

V. Mensahe

VI. Teoryang ginamit (Naturalismo, Eksistensiyalismo, Realismo, at iba pa)

Ang buod ay maaring isulat sa lima hanggang anim na mahahalagang pangungusap. Samantalang ang paksa ay

sumasagot sa tanong na "tungkol saan ang binasa." Ang bisa sa damdamin ay tumutukoy sa nadarama ng

mambabasa at paano ito naantig emosyonal. Ang bisa sa isip ay ukol sa paano naapektohan ang pag-iisip ng

mambabasa.

Ang mensahe naman ay ang layunin ng teksto sa mambabasa. Ang teoryang ginamit ay naglalaman ng

kahalagahan ng panitikan sa lipunan, lalo na kung ang teksto ay naisulat sa isang mahalagang yugto ng

kasaysayan.

Mga Teoryang Pampanitikan


Ang teoryang pampanitikan ay isang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan ng

pagsusuri nito. Ito'y naglalaman ng iba't ibang teorya na naglalarawan ng katotohanan at kagandahan. Mahalaga

ang pagiging makatotohanan sa pagsalarawan ng anumang bagay o lipunan. Katulad ng isang akda,

nakakapagdulot ng ilusyon ang sobrang paghahangad sa materyal na bagay.

Mga Uri ng Teoryang Pampanitikan:

1. Moralistiko

- Sumusuri ng pagpapahalaga sa moralidad, disiplina, at kaayusan sa isang akda.

22

2. Sosyolohikal

- Nanghihinuha ng kalagayan ng lipunan noong panahon ng pagsusulat ng akda.

3. Sikolohikal

- Inilalarawan ang takbo ng isip, pananaw, at damdamin ng may-akda.

4. Formalismo

- Nakatuon sa istruktura at kabuuang anyo ng akda, kasama ang pagsusuri sa mga matatalinghagang pahayag.

5. Imahismo

- Gumagamit ng mga larawang-diwa o imahe upang maipahayag ang kagandahan ng akda.

6. Humanismo

- Nakatuon sa kakayahan at katangian ng tao sa iba't ibang aspeto.

7. Marxismo

- Nilalarawan ang laban ng magkasalungat na puwersa sa lipunan.


8. Arkepto/Arkitaypal

- Gumagamit ng modelo o huwaran sa pagsusuri ng mga simbolismo sa akda.

9. Feminismo

- Tumutok sa imahe, posisyon, at gawain ng mga babae sa akda.

10. Eksistensyalismo

- Binibigyang-diin ang malayang pagpapasya ng tao para maging indibidwal.

23

11. Klasisismo

- Pinahahalagahan ang katwiran, kabutihan, at kagandahan sa pagsusuri.

12. Romantisismo

- Nagbibigyang-halaga sa indibidwalismo, imahinasyon, at pag-ibig sa kapwa.

13. Realismo

- Itinutok sa pagsalarawan ng tunay na buhay at mga isyu sa lipunan.

Ang pag-unawa sa mga teoryang ito ay makakatulong sa masusing pagsusuri ng akda at magpapalawak ng

kaalaman hinggil sa lipunan, moralidad, kahirapan, at iba pa.

Mga halimbawa:

Pamagat: Titser
Awtor: Liwayway A. Arceo

Uri ng Panitikan: Nobela, isang serye mula sa magasing Liwayway noong 1950's

Wika: Pilipino

Taon ng Paglalathala: 1995

Tagapaglimbag: Ateneo de Manila University Press

Protagonista: Amelita Martinez at Mauro

Lugar: Isang pamayanan sa kanayunan ng Pilipinas

24

Punto de bista: Ikatlong Persona

Tema: Pakikialam ng ina sa pag-aasawa at propesyon ng anak, pag-iibigan ng dalawang guro sa kabila ng

kahirapan

BUOD:

TITSER

Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang Amelita at Mauro

na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa,

ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa

kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin

ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng

anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya

ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng

kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan. Nang

malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si Amelita
kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at

nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin

ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na

talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si

Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng

maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit

wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring

pinagmalasakitan ng gurong si Mauro. Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang

ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa

ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at

25

agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni

Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang

matinding pagtutol sa manugang na si Mauro. Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at

matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para

sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang

nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw.

Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya. Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig

ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si

Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa

kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong

akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata,

ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng

tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si
Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na

matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At

doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamal

26

ANG NINGNING AT ANG LIWANAG

Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata

upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay- bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na

sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay

madaya. Ating Hanapin ang liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang

masamang nakaugalian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo'y

nagpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapwa'y marahil naman ay isang magnanakaw:

marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang

pusong sukaban. Nagdaraan ang Isang maralita na nakakanghihirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangiti at

isasaloob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng

kanyang katawan na siya'y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang
nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito na nga ang dahilang isa pa na kung kaya ang

tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at dalita. Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na

inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalo na nga ang mga

hari at mga pinuno na pinagkakatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at walang ibang nasa

kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang Ikinainis at ikamatay ng bayan na nagbigay sa kanila ng

kapangyarihang ito. Tayo'y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa

dugo ng ating mga ugat ay magbalatkayo ng maningning. Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng

puspos na galang ay ang maliwanag at magandang-asal at matapat na loob. ang kahit sino ay walang

mapagningning pagkat di natin pahalagahan, at mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa

maliwanag na banal na landas ng katuwiran, Ang kaliluhan at ang katampalasan ay humahanap ng ningning

upang huwag mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang

pag-ibig na dalisay ay hubad, mahinhin, at

maliwanag na napapatanaw sa paningin. Mapalad ang araw ng liwanag! Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid ko,

27

ay matututo kayang kumuha ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?

Karagdagang Gawain: Punuin mo ako!

Panuto: Batid kung alam niyo na ang tungkol sa Gramatika. Punuin ang hinihinging datos na nasa ibaba batay sa

nabasang sanaysay na may pamagat na "Ang Ningning at ang Liwanag".

I. Pamagat, may-akda, genre

II. Buod (para sa maikling kwento, sanaysay, nobela)

III. Paksa

IV. Bisa (sa isip, damdamin)

V. Mensahe

VI. Teoryang ginamit (Naturalismo, Eksistensiyalismo, Realismo, at iba pa)


28

KONSEPTO

 Ang nobela ay binubuo ng mga yugto na mayroong kabanata na nagsasalaysay ng isang kawil ng mga

kawili-wiling pangyayari ng buhay ng mga tao kung saan hinabi ito mula sa isang mahusay na

pagkakabalangkas na halos pang-aklat ang haba.

 Bukod sa ito ay nagbibigay-aliw, ito rin ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng

mambabasa.

 Ang nobela ay hindi agad natatapos basahin sa isang upuan lamang, kailangan ang paggugol ng matagal

na oras at ang pagiging matiyaga at mabusisi ng mambabasa upang maintindihan ang buong banghay ng

kuwento.

 Isa sa mga halimbawa ng nobela ay Ang Matanda at Ang Dagat na siyang akdang pampanitikan na

tinalakay sa aklat na ito.


 Sa akdang ito, litaw na litaw ang pananaw na Realismo, sapagkat mababatid dito ang katapatan sa

pagsasalamin ng realidad para higit nitong mapaunlad ang Lipunan. Nakapokus ito sa nilalaman ng

teksto at mga matapat nitong pagpapahayag ng Lipunan.

 Ang karanasan at Lipunan ay inilarawan na maihahalintulad sa tunay na buhay. Inilarawan din dito ang

ugali at gawi g tauhan at ang kaniyang kapaligiran na pareho ng kanilang pagkilos at ng kanilang anyo

sa buhay.

 Mababatid sa nobela na ang tauhan ang higit na binibigyang-pansin hindi ang nobela.

 Ang tema nito ay nagpapakita ng pakikibaka ng isang tao laban sa kalikasan at hamong dumarating sa

buhay.

29

SUSI SA PAGWASTO

Class Fued

* Kabanata

* Simbolismo

* Banghay

* Kakintalan

* Matanda at ang Dagat


Gawain 2: Nagbasa ka ? Susubukin kita?

1. Sang-ayon

2. Di Sang-ayon

3. Sang-ayon

4. Sang-ayon

5. Di Sang-ayon

6. Sang-ayon

7. Sang-ayon

8. Di Sang-ayon

30

Karagdagang Gawain

I.

1. c.

2. b.

3. c.

4. d.

5. a.

II.
6. - Ang kaniyang walong hanay na ngipin

7. - Isa siyang pating na Mako

8. - Sa puluhan ng isang sagwan

9. -Ang mensahe sa nobelang Ang Matanda at ang Dagat ay pagharap sa realidad ng buhay.Sa buhay marami

tayong desisyon na dapat gawin para sa ating pansariling kaligayahan o para din saikabubuti ng nakararami.

Ngunit ang pagkamit nito ay hindi madali. Maaari tayong maharap sa suliraning maaari lamang malutas sa hindi

magandang paraan.

10. -Ang teoryang realismo sa kwentong ito ay ang katotohanan na hindi sa lahat ng panahon ay malas at hindi

sa lahat ng panahon ay swerte. Na kung mananlig at magsusumikap ka lamang, maaabot mo ang iyong nais

marating gaano man ito kahirap. Gaya na lamang ng matanda sa kwento, nakauwi parin sya ng matiwasay sa

kabila ng mga pagsubok na naranasan nya sa dagat.

31

Karagdagang Gawain: Punuin moa ko!

I. Pamagat, May-akda, Genre

Pamagat: "Ang Ningning at ang Liwanag" - May-akda: Emilio Jacinto - Genre: Sanaysay

II. Buod - Ipinakikita ng sanaysay ang kahalagahan ng liwanag sa pag-unlad ng tao at ng bayan, at ang

panganib ng pagmumukhang mahalaga ngunit mapanlinlang na ningning.

III. Paksa - Ang kahalagahan ng liwanag at ang panganib ng pag-iral ng ningning sa lipunan.
IV. Bisa (Sa Isip, Damdamin) - Nagsasaad ng pangangailangan ng tao na piliin ang liwanag sa halip na

magpadala sa ningning na maaring maging mapanlinlang.

V. Mensahe - Ang sanaysay ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng integridad, katarungan, at tapat na

paglilingkod sa bayan kaysa sa pambubudol o pagpapakita ng ningning na maaring maging hakbang

patungo sa katiwalian.

VI. Teoryang Ginamit - Teoryang Moralistiko

32

You might also like