You are on page 1of 7

QUARTER 3 - MODULE 2

LEARNING COMPETENCIES

A. Ang Matanda at Ang Dagat(Nobela)

Guro sa Filipino

Ang Matanda at Ang Dagat (Nobela)

 SIMULA
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito
ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng ating mga mag-aaral. Ang
magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang limitado sa silid- aralan kundi maging
sa inyong tahanan.Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating
mga mag-aaral upang mapatnubayan sila sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;


a Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na elemento nito
b.Naisusulat ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga
Pilipino
c.Nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa o
panunuring pampanitikan.

 ACTIVITY
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. Ito ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan.


Binubuo ito ng yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari sa buhay ng mga
tao na bukod sa nagbibigay- aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan
ng mga mambabasa.
A. Dula B. Sanaysay
C. Nobela D. Tula

2. Nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela?


A. Banghay B. Tauhan
C. Tagpuan D. Tema

3.Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao,bagay at


pangyayari.
A.Damdamin B. Pananalita
C. Pamamaraan D. Simbolo

4. Paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.


A. Pamamaraan C. Tagpuan
B. Tauhan D. Tema
5. Ito ay ang diyalogong ginamit sa akda.
A. Pananalita B. Pamamaraan
C. Tagpuan D. Tema

Page 1 of 7
 GABAY NA TANONG
1. Ano kaya ang nagging papel ng mga panitikang Pilipino sa ating bansa?
2. Paano ito nakatutulong sa ating pagkakakilanlan?
3. Dapat bang ipagmalaki ang mga likhang Pilipino? Sa anong paraan?

 DISCUSSION
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani at ng katunggali sa isang masining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod-sunod at magkakaugnay.

Ang mga pangyayaring ito ay may kani-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo


ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga
kabanata -maraming tauhan at pangyayari na kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan. Ang
nobela bilang panitikan ay may mga elementong kagaya ng mga sumusunod:

Mahahalagang Elemento ng Nobela:

1. Tagpuan. Lugar at panahon ng mga pinangyarihan

2. Tauhan. Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela

3. Banghay. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela

4. Pananaw. Panauhang ginagamit ng may-akda

a. Una kapag kasali ang may-akda sa kuwento

b. Pangalawa kapag ang may-akda ay nakikipag-usap

c. Pangatlo kung batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda

5. Tema. Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela

6. Damdamin. Nagbibigay- kulay sa mga pangyayari

7. Pamamaraan. Istilo ng manunulat

8. Pananalita Diyalogong ginagamit sa nobela

9. Simbolismo. Nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay


at pangyayari.
Ang layunin ng nobela ay gumising sa diwa at damdamin, nanawagan sa talino ng guniguni,
upang mapukaw ang damdamin ng mambabasa, magbigay aral tungo sa pag-unlad ng buhay
at lipunan at nagbibigay din ito ng inspirasyon sa mambabasa at napupukaw nito ang kaalaman
ng tao sa pagsulat ng nobela.

Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang


tuluyan. Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng
buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin
at kamalayan ng mga mambabasa.

Sa nobela, maraming mga pangyayari ang inilahad, samantalang sa maikling kuwento,


iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento
ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay dito ay
may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat
bansang pinanggalingan nito.

Page 2 of 7
Ang mga sumusunod ay katangiang dapat taglayin ng nobela:
a) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan,
b) pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan, c) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin, d)
pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at
relihiyon, e) malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad, at f) nag-iiwan ng
kakintalan.

Ang Nobela

Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang


tuluyan.Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng
buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin
at kamalayan ng mga mambabasa.

Sa nobela maraming mga pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling kuwento,


iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento
ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay dito ay
may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat
bansang pinanggalingan nito.

Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Ito ay ang sumusunod: a)
maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan, b.) pagsaalang-alang sa
kailangang kaasalan, c) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin, d) pumupuna sa lahat ng
larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon, e) malikhain at
may dapat maging maguniguning paglalahad, at f) nag-iiwan ng kakintalan.

Nobelang “Ang Matanda at Ang dagat”

Mapapansin sa nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ang pananaw realismo. Matapat
na pagsasalamin ng realidad ang ginawa ng panitikan para higit nitong mapaunlad ang lipunan.
Nakatuon ito sa nilalaman ng teksto at ang matapat nitong paggagad sa lipunan.

Inilalarawan din sa linyang ito ang karanasan at lipunan na parang sa tunay na buhay.
Ninais na ilarawan ang ugali at gawi ng tao at ng kanyang kapaligiran na pareho ng kanilang
anyo sa buhay.Naniniwala ang may-akda na hindi dapat pigilin ang katotohanan na mas dapat
bigyang pansin ang tauhan hindi ang banghay.
Basahin mo at unawain ang nobelang isinalin sa Filipino ni Jesus Manuel Santiago mula sa
“The Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway.

Ang Matanda at ang Dagat

Page 3 of 7
Buod

Sa loob ng 84 na araw ng pagpalaot ni Santiago ay wala siyang nahuling isda. Itinuring


niya itong “Salao” o ang pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan sa pagpalaot sa dagat.
Pinagbawalan ng mga magulang ni Manolin na kanyang aprentis na sumama sa kanya.

Sa ika-85 na araw ng Salao ay tumungo siya sa Gulf Stream. Nakahuli siya ng isang
marlin gamit ang mga pamain niya sa pangingisda. Ngunit sa lubhang laki nito ay hindi niya
maiakyat sa kanyang bangka. Patuloy siyang nakipagbuno sa isdang Marlin sa loob ng tatlong
araw hanggang sa napatay niya ito. Nakatawag ngpansin sa mga pating ang dugo ng Marlin.
Napatay ni Santiago ang mga pating pero naubos na ang marlin. Nakarating si Santiago sa
baybayin at agad umuwi. Mabilis siyang nakatulog nang mahimbing.

Nagkagulo ang mga mangingisda sa nakita nilang Marlin na nahuli ni Santiago. Inakala
ng mga turista ng Cafe na nakahuli siya ng pating. Nag-aalala si Manolin sa kanyang amo at
pinuntahan niya ang bahay nito. Umiiyak siya nang makitang siya’y ligtas at nakatulog lamang.
Nang magising si Santiago ay nag-usap ang dalawa at nangako sa isa’t isa na sila ay
magkasama na tuwing mangingisda. Sa muling pagtulog ni Santiago, siya ay nanaginip, ang
kanyang kabataan.

Pagpapahalaga

Ang layunin ng may-akda ay dapat sa bawat hamon ng buhay ay huwag tayong


sumuko kahit anong mangyari, kahit halos lahat ng tao sa paligid natin ay tinalikuran na tayo.

Sa buhay natin, kapag tinalikuran na tayo ng mundo ay may isang tao na nandyan
para sayo at hinding-hindi ka iiwan. Mas nalalaman natin ang tunay na kahulugan ng
buhay kapag nasa bingit na tayo ng kamatayan.

Ang bida sa nobela na si Santiago ay isang matandang manginigsda. Siya ay


nakahuli ng isang malaking isdang marlin. Pinatay niya ang mabangis na pating upang
maprotektahan ang kanyang sarili.

Page 4 of 7
Ang pating na isang mabangis na lamang dagat ay pinatay ni Santiago na
kumain sa malaking marlin.

Kaibigan ni Santiago si Manolin, isang batang lalaki. Siya ay tapat na tagapaglingkod ni


Santiago. Siya rin ang pinakamalapit na kaibigan ni Santigao. Si Manolin ay
nagmamalasakit sa matanda at pinapalakas nito ang loob ng matanda.

Ang tema ng nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ay nagpapakita ng pakikibaka ng


isang tao laban sa kalikasan at sa hamong dumarating sa buhay natin. Kung
tutuusi’y naipakikita sa nobela ang relasyon ng tao at ng hayop. Nagpapakita rin ito ng
Christian allegory kung saan inihahalintulad ang pinagdaanan ni Hesus at Santiago sa
nobela.

Ang nobela rin ay nagpapakita ng pagkakaibigan na hindi edad ang


n a g i n g b a s e h a n k u n g s a a n s i S a n t i a g o a y kumakatawan sa matanda at si Manolin
naman ay kumakatawan sa bata. At ipinapakita ang isang magandang relasyon na
namagitan sa kanila. Ang kakulangan ng isa ay pinupunuan ng isa.

Gramatika at Retorika:
Paggamit ng Pahayag na Pagsang-ayon o Pagtutol sa Pagbibigay ng puna o Panunuring
Pampanitikan

Ang araling ito ay tungkol sa gramatika at retorika na ginagamit sa pagsang-ayon o pagtutol sa


pagbibigay ng puna o panunuring pampanitikan. Ang gramatika ay ang tamang paggamit ng
mga salita na pinapaganda ng tamang pagpili ng mga salita upang maging maganda at mas
kaakit-akit ang gagawing panunuri, iyan ang pinagsanib na gramatika at retorika.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Kaugnay ng pagiging interaktibo ng tao ang pagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon


hinggil sa kanyang karanasan, nakita o napanood, narinig at nabasa ay natural lamang. Sa
pagbibigay ng tiyak na reaksiyon sa mga ito, karaniwang humahantong sa pagsang-ayon o
pagtutol. Gayunpaman, ang konsepto ng pagtutol o pagsang-ayon ay maaari ring mapagsama
sa isang pangungusap. Maaari ring maipahayag ang argumento sa di-ganap na pagsang-ayon
o pagtutol sa tulong ng mga pang-ugnay. Suriin ang mga halimbawa sa ibaba:

 Totoo/Tinanggap ko/Tama ka/Talaga/ Tunay pero/ subalit/ ngunit/Datapwat


Halimbawa:

Talagang mahusay ang pagkaganap ng mga tauhan sa nobela.

 Tama ka/Totoo ang sinabi mo,pero/ngunit/subalit


Halimbawa:

Totoo naman na kakaunti ang kaniyang eksena, ngunit


nagpakita parin ng kahusayan sa pagganap bilang dalagang katutubo si
Angel Aquino.

 Sadyang/Totoong/Talaga/pero/ngunit
Halimbawa:

Sadyang malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa pakikipagkapwa.

Ang mga tao ay nagkakaiba-iba sa kanilang paniniwala, oryentasyon at prinsipiyo. Sa ganitong


paraan, sila ay hindi nagsasang-ayunan (disagree) at nagkakatugma (agree) sa kanilang mga
opinyon at paniniwala at kung minsan din ay may pag-aalinlangan (doubt) sila sa bawat
kakayahan (ability) o pahayag (statement) na siyang likas (natural) sa tao. Para maipahayag ang
pagkakatulad (similarity) o pagkakaiba (difference) sa mga opinyong gamit ang wikang
Filipino.Pag-aralan ang sumusunod:

Page 5 of 7
 Totoo/Tinanggapko/Tamaka/Talaga/Tunay-----pero/subalit/ngunit/
Datapwat.

 Tama ka/Totoo ang sinabi mo----pero/ngunit/subalit


 Sadyang/Totoong/Talaga/pero----ngunit

Mas madaling makuha ang mensahe ng manunulat kung ang mambabasa ay may malalim
na pag-unawa sa gramatika at retorika. Hindi maaaring maghiwalay ang gramatika at retorika
sa kahit ano mang akda. Ang gramatika ang maayos na paggamit ng mga salita at ang retorika
ang nagpapaganda sa daloy ng isang akda. Gaya na lang halimbawa ng pahayag na;

Apoy na pinainit o yelong pinalamig. Ang pahayag ay tama sa gramatika subalit mali sa
retorika. Pag sinabi nating apoy ay talagang mainit na iyan at at pag sinabi nating yelo ay
malamig. Ito’y halimbawa ng maling pagkakagamit ng retorika.

 EBALWASYON
Gumawa ng maikling balangkas mula sa nobelang
”Ang Matanda at Ang Dagat “ na nabasa. Sundan ang dayagram sa ibaba.

Kasukdulan

Tunggalian Kakalasan

Papataas na Pangyayari Wakas

Suliranin

Simula

Page 6 of 7
 TAKDANG ARALIN
Panuto: Tapusin ang mga pahayag na nasa kahon

Ang mga bagong kaalamang natutuhan ko ay________________________

Magagamit ko ang kaalamang ito sa__________________________________

Nais ko pang matutunan ang_______________________________________

Page 7 of 7

You might also like