You are on page 1of 5

PANGALAN: JASON SAN ANTONIO

KURSO: Filipino 14
PROGRAMA/TAON: BSED 3B- FILIPINO
PETSA NG PAGPASA:

YUNIT 3: ANG NOBEL AT ANG KASAYSAYAN NITO

GAWAIN #1:

Panuto: Mamili ng isang nobela sa sumusunod na mga pamagat. Basahin ito at bigyan ng
paglalarawan ang kabuuang aspeto ng nobela. Maglaan ng ibang papel para rito.
Mga Nobela:

Urbana at Feliza
Noli Me Tangere
Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz

Canal De La Reina Liwayway Arceo


Apoy sa Madaling Araw ni Dominador Mirasol

Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz

PAMAGAT

Ang nobelang ito ni Jose Esperanza Cruz ay nagpapakita ng mga kaugalian ng mga
pilipino noon at maging ngayon. Ang maging padalos-dalos na desisyo kahit hindi sigurado kung
makakabuti ba ito sa atin. Halimbawa na lamang ng nangyari sa dalawang kapatid ni Maria
Caridad, ipinatigil nila ang kasal nito kay Andres upang lumuwas ng maynila at doon daw ay
gaganda ang kanilang pamumuhay ngunit naging kabaliktaran ito dahil sa pagsiklab ng digmaan.
Tinuligsa rin dito ang uri ng pamumuhay na ipinaranas ng mga Amerikano. Ang paninirahansa
lungsod ay itinumbas sa pagtangkilik sa kalakaran ng buhay na maka- at mala- Amerikano. Ito
ay isang masamang klase at estilong pamumuhay na hindi dapat tangkilikinat tularan. Ayon pa sa
kanila, nararapat lamang itong itakwil at iwaglit at may pangangailangan ang mga Pilipino na
muling tuklasin ang kanilang kailangan.

GAWAIN #2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
1. Gaano kahalaga ang nobela sa Pinitikan ng Pilipinas?
Sagot: Kung ating babalikan, ang nobela ni Jose Rizal ang isa sa gumising at nagmulat ng ating
isipn na mga Pilipino. Ito ang naging daan upang mamulat tayo at malaman kung ano nga ba ang
tunay na dinaranas ng bansang Pilipinas. Dahil dito ay masasabi nating mahalaga ang nobela
sapagkat dito ay may natututunan tayo, nagkakaroon tayo ng kabatiran at kaalaman sa anomang
bagay.

2. Paano mo mapapahalagahan ang nobelang Pilipino na mapanatili ito hanggang sa mga


susunod na henerasyon?

Sagot: Sa tingin ko, bilang isang mag-aaral at nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino,


mapapahalagahan ko ang nobelang pilipino sa pamamagitan ng pagtangkilik dito at
pagpapakilala sa mga magiging estudyante ko sa hinaharap. Ipaintindi sa kanila na ang mga
nobelang pilipino halimbawa na lamang ng mga isinulat ni Rizal ang siyang nagmulat sa mga
pilipino at nagpabatid sa kung ano ang talagang nangyayari sa bansang pilipinas.

YUNIT 4: BATAYANG KAALAMAN SA NOBELANG FILIPINO

GAWAIN #1
PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
1. Magsaliksik ng ilan pang kahulugan ng nobela

Sagot:

 Ang nobela ay isang uri ng sining pampanitikan na nahahati sa maraming kabanata.


 Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na isang naratibong kalikasan at isang tiyak na
haba. Nasusulat ito sa prosa at nagsasalaysay ng mga kathang-isip na mga kaganapan o
batay sa totoong mga kaganapan.
 Ang nobela ay isa ring uri ng panitikan na may kasamang ganitong uri ng mga gawa. Ito
rin ang hanay ng mga akdang nobela ng isang may-akda, panahon, wika o istilo.
 Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na
nahahati sa mga kabanata. Ang kathang ito ay karaniwang nabibilang sa katergoryang
piksyon, samakatuwid, ito ay karaniwang kathang isip lamang ng manunulat. Naglalaman
ito ng dalawa o higit pang mga tauhan, maraming pangyayari at may kaganapan sa iba’t-
ibang tagpuan. Binubuo ito ng 60,000 hanggang 200,000 na salita o 300-1,300 pahina.
Ang kathang ito ay hindi mababasa sa isang upuan lamang sapagkat mahaba at madami
ang mga kaganapan dito.

Sanggunian:
https://brainly.ph/question/400165

https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-novela

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-nobela/

GAWAIN #2
Panuto: Ibigay ang kahilingan sa bawat bilang.
1. Ito ang nagbibigay buhay at ang kumikilos sa akda.
SAGOT: Tauhan
2. Isang uri ng nobela na nagbibigay-diin sa kasaysayan o pangyayaring nakalipas na.
SAGOT: Nobelang Kasaysayan
3. Isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwiling mga mambabasa.
SAGOT: Nobelang Banghay
4. Ito ay ang panauhang ginamit ng manunulat (Point of view). Ito ay maaring maging una,
pangalawa o pangatlo.
SAGOT: Pananaw
5. Elemento ng nobela na nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
SAGOT: Damdamin
6. Kung ikaw ay magsusulat ng isang nobela, ano ang iyong gagawin para mapaganda ang mga
bahagi at elemento nito?
SAGOT: Kung ako ang susulat ng nobela, mapapaganda ko ito sa pamamagitang ng pagsunod
ng lahat ng elemento nito. Kailangan ay lahat ng elemento ay nakapaluob sa aking nobela.
Magsaliksik ng mga dapat gamitin na mga salita upang maging mabisa ang nobelang aking
isusulat. Kinakailangan din na magkaroon ako ng layunin kung bakit ko ito sinusulat at kung
para kanino ang nobelang ito.

GAWAIN #3

Panuto: Saguting ang sumunod na mga katanungan.

1. Ano-ano ang layunin ng iyong pagbabasa ng nobela?


Sagot: Ang layunin sa aking pagbabasa ng nobela ay upang pukawin ang aking isipan at
damdamin at makapulot ng magagandang aral na maaari kong iaplay sa aking pangaraw-araw na
pamumuhay.

2. Ano ang nagiging epekto sa ‘yo katapos mong magbasa ng isang nobela?
Sagot: Ang nagiging epekto nito ay depende sa kung ano ang paksa ng nobelang aking binabasa
ngunit sa lahat ng ito ay ang nakapupulot ako ng aral dahil halos lahat ng nobelang aking nabasa
ay may kapupulutan ng aral na maaari kong magamit sa pangaraw-araw na pakikitungo sa ibang
tao.

GAWAIN #4
Panuto: Basahin ang nobelang may pamagat na Ang Mestisa ni Engracio L. Valmonte. Suriin at
ibigay ang mga kahilingan na makikita sa sumusunod.

Basahin sa: http://www.gutenberg.org/files/13773/13773-h/13773-h.htm

I.
Uri ng Elemento: Nobelang Romansa

II.
Layunin ng nobela: (sa iyong palagay, ano ang nagging layunin ng may akda kung bakit niya ito
sinulat?)

III. Para sa akin, ang layunin ng may akda ay iparating sa mga mambabasa na kahit kailan at
hindi matuturuan at madidiktahan kung sino ang dapat nitong ibigin. Nais nitong mabatid na may
mga taong sakim at makasarili ang gagawin ang lahat makuha lang ang gusto nito kahit pa
makasakit pa ito ng ibang tao.

Katangian ng nobela: (ano-ano ang mga katangian ang makikita sa nobela?)

Ang nobela ay nagpapakita ng iba't-ibang katangian at kaugalian ng isang tao sa ating paligid.
Bawat tagpo ay pinupukaw nito ang isipan at damdamin ng mga mambabasa.

IV.

Elemento ng nobela:
a. Tagpuan: Maynila

b. Tauhan

 Taeng: magaaral ng kolehiyo


 Tirso Silveira: Isang makata at abogado
 Elsa - Pangunahing tauhan

c. Banghay:

Ang tagpuan ng nobela ang naging paraan ng pamumuhay sa matataas na antas ng lipunang
Pilipino. Ang mga pangunahing tauhan ng kuwento ay sina Elsa (ang mestiza), Tirso Silveira
(isang makata at abogado), at Teang (ang babaeng estudyante sa kolehiyo). Ang pangunahing
pinagtutuunan ng pansin ng nobela ay si Elsa, na isang mestiza na may lahing Kastila, ay ang
representasyon ng pagmamataas, pagkamakasarili, at paghamak ng mababang uri ng Pilipino. Si
Elsa ay umibig kay Tirso Silveira ngunit si Silveira ay umibig kay Teang, ang representasyon ng
pagiging coyness o diffidence, kabaitan, at init. Sina Elsa at Teang ay magkasalungat. Ang love
triangle, sa kabila ng mga plano ni Elsa na makuha ang puso ni Silveira, ay nagresulta sa
pagsasama nina Silveira at Teang. Si Elsa, bilang resulta ng kanyang pagkabigo, ay sumuko sa
pagkabaliw.
d. Pananaw: Una at pangalawang points of view
e. Tema: Tungkol sa pag-ibig at kabiguan

f. Damdamin: Nais ng nobelang ito na pukawin ang ating damdamin, ipaglaban ang taong ating
minamahal.
g. Pamamaraan : Gumamit ang may akda ng iba't-ibang tauhan na may iba't-ibang katangian at
paguugali.
h. Pananalita: Wikang Filipino at may halong englis
i.Simbolismo :

Elsa- sumusimbolo sa taong mapagmataas, makasarili at mapanghamak sa kapwa.

Taeng: sumisimbolo sa taong mapagkumbaba

You might also like