You are on page 1of 5

1.

Talakayin sa inyong mga pangkat ang mga tanong at magsulat ng sanaysay ukol sa paksa:
“Anu-ano ang mga implikasyon ng mga maituturing na iba-ibang mapanuring
pananaw sa pag-aaral ng nobela?” Kailangan magkaroon ng malinaw na argumento o
pangungusap pantesis ang papel. Hindi ito dapat bumaba sa 1,000 salita o lumampas
1,500 salita.

Batayan ng pagsusuri: Pagbubuod ng iba-ibang mapanuring pananaw sa nobela (40%);


Pagpapakilala sa mga implikasyong pagkatuto (30%); Kalakasan ng kabuuang argumento
o tesis (20%); Kalidad ng pagkakasulat at komposisyon (10%)

Nobela:

      Ang nobela ay isang mahabang likhang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na


pinaghahabi sa pamamagitan ng isang mahusay na pagbabalangkas na ang pangunahing hangarin
ay maipalabas ang hangarin ng kapwa bida at katunggali nito sa isang malikhaing pagsasalaysay
ng mga kawi kawil na pangyayari ayon sa pagkakasunod sunod at pagkakaugnay ugnay nito.
Ang bawat pangyayari ay may mahalagang papel na ginagampanan sa kabuuan ng nobela.  

Mga Katangian ng Nobela:

 malinaw at maayos ang pagkakasulat ng mga tagpo at kaisipan


 pumupuna sa lahat ng aspeto ng buhay
 malikhain at maguni - guni ang paglalahad
 pumupukaw sa damdamin ng mambabasa at kawili-wili
 isinasaalang - alang ang kaasalan
 maraming ligaw na tagpo at kaganapan
 ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
 malinis at maayos ang pagkakasulat
 kaaya - aya
 maraming magagandang tagpo kung saan higit na nakikilala ang mga tauhan

Mga Uri ng Nobela:

 Nobela ng Kasaysayan
 Nobela ng Pagbabago
 Nobela ng Pag – ibig o Romansa
 Nobela ng Pangyayari
 Nobelang Panlipunan
 Nobela ng Tauhan

Ang nobela ng kasaysayan ay uri ng nobela na nagbibigay - buhay sa mga nakalipas na


pangyayari o mga nakalipas na.

Ang nobela ng pagbabago ay uri ng nobela na nagbibigay - diin sa mga pangyayaring


nakapagpabago ng ating buhay at sistema.

Ang nobela ng pag - ibig o romansa ay uri ng nobela na pumapaksa sa pag - ibig maging ito
man ay pag - ibig sa Diyos, sa bayan, at sa kapwa.

Ang nobela ng pangyayari ay uri ng nobela na nagbibigay - diin sa mga pangyayari sa nobela.

Ang nobelang panlipunan ay uri ng nobela na tumatalakay sa pang araw araw na buhay ng tao
at ng mga taong nasa paligid niya.

Ang nobela ng tauhan ay uri ng nobela na ang mga pangyayari ay umiikot sa pangunahing


tauhan at iba pang tauhang may kinalaman sa kanya.

Mga Layunin ng Nobela:

1. Gisingin ang diwa at damdamin ng mga mambabasa.


2. Tawagin ang talino ng guni - guni.
3. Magbigay - aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.
4. Magsilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
5. Magbigay inspirasyon sa mga mambabasa.
6. Pukawin ang kaalaman ng mga tao sa pagsulat ng nobela.
Kung babasahin at aaralin ang nobela, ito ay mapapansin ang naging suliranin sa pagitan ng
pamahalaan at simbahan kung saan nakalahad sa akda na noong unang panahoon ay mas
naniniwala ang mga tao sa kakahayahan at kapangyarihan ng simbahan na kaya nitong paikutin
ang ano mang deisyon ng estado para sa bansa ngunit sa pagdaan ng panahon ay nabaliktad ang
sitwayson dahil sa pahayag ng santa iglesia ay mas nagkaroon ang gobyerno ng sapat na
kapangyarihan upang maisagawa nila ang mga ninanais nila para sa bansa at kung uungkatin
naman ang naging relasyon ng pamahlan at simbahan sa napapanahon ay naging maayos naman
ito sa kanya kanayang pananaw at paniniwala at upang maipagpatuloy ito mas ikakaganda ng
bansa kung patuloy ang dalawang ito na magkaintindihan.

Naging parte den ng impliksyon sa nobela ang magkapatid na si Crispin at Basilio na anak ni sisa
kung saan si sisa ay isang mapagmahal na ina nahumaharap sa malubhang sakit sa utak sanhi ng
kanyang pag aalala sa dalawang minamahal na anak at dahil dito ay nakaranas ang dalawang
bata ng Child labor kung saan maaga silang naghanap buhay para sa kanilang mga sarili na dapat
ay ginagawa at responisbilidad ng kanilang magulang bagamat nagaganap pa rin ang suliranin na
ito hangang sa napapanahon patuloy pa den an pagtaas ng porsyento ng mga batang hindi nakaka
pagaral hangang ngayon ay patuloy pa din itong binibigyang solusyon ng mga nakatataas.

Kung bibigyan naman ng pansin masasabi kong maihahalintulad ko sa Ibarra sa sumulat ng akda
na si Joze Rizal sa kadahilanang parehas lamang sila ng adhikain para sa lipunan, sila ay
sumisimbolo sa isang mamayang Edukado at my pagmamalasakit sa kapwa.

Naging batayan ang akda upang maging maging salamin sa unang panahon ipinahayg dito ang
mga sulurinanin na hinaharap ng lipunan noong unang panahon at kung ano ang mga solusyon
na puwedeng gawin.

Sa ating pagbasa at pagkatuto sa mga nobela ni Dr. Jose Rizal, kung ating iintindihin at
uunawain, naghahatid ito ng mensahe ukol sa pagpapatibay ng nasyonalismo at patriotismo
nating mga Pilipino. Pinalawak din nito ang ating perspektibo sapagkat ang mga mamamayan ay
may iba't ibang interpretasyon at pananaw sa pagkakaintindi rito lalong lalo na sa paraan ng
pagsusulat ng kaniyang nobela. Dahil sa pagkakaroon ng iba't ibang opinyon dito, maaaring
hindi magiging epektibo ang pagkatuto at maipagsasawalang bahala lamang ang nais ipahatid na
mensahe ng may akda sa kaniyang nobela. Sa pagkakaroon ng iba't ibang mapanuring pananaw
sa nobela, ang mga mambababasa ay maaaring mahikayat o mag-iba ng ang tingin o paniniwala
nila sa ibang bagay, gaya nalamang ang pananaw ng mga Katoliko sa Nobela ni Rizal. Naniwala
silang inaatake o nagpapakita ito ng masamang imahe ng Simbahan kaya't ipinaglalaban nila
noon na huwag isulong ang batas rizal.

Ang pag-aaral ng nobela ay isang masusing pagsusuri upang mas maintindihan ang mga
sinasabi ng manunulat noon at ang nais niyang ipahiwatig. Ang El Filibusterismo at ang Noli
Me Tangere ang dalawang katangi-tanging libro na gawa ni Rizal ay hango sa buhay ng mga
Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga kastila. ito ay isang kuwento upang maging
daan para ihikayat ang mga tao na ipaglaban ang kanilang mga karapatan at sarili laban sa
pagiging malupit ng mga kastila noong unang panahon. Ipinakita niya ang estado ng bansa,
etnikong kategorya ng mga tao at estilo ng pamumuhay noon. Tinawag si Rizal na bayani ng
ating bansa dahil naging simbolo siya ng nasyonalismo at katapangan na ipaglaban natin ang
sarili nating bansa. Si Rizal din ang nagbigay ng daan para sa mga Pilipino na lumaban para
sa Kalayaan na nararanasan natin ngayon.

Madaming naging argumento noon dahil sa Batas Rizal na dapat bang ituro ang mga libro ni
Rizal sa kolehiyo, maraming mga pananaw ang mga mambabatas sa mga gawa ni Rizal
kaya’t nagkaroon ng mga debate ukol dito. Mayroong mga iba’t ibang pananaw sa pag-aaral
ng nobela sa kadahilan ng iba’t ibang paguunawa ng bawat isa. Katulad na lamang ni
Constantino, ayon sakanya hindi siya sumasangayon sa pag-aaral ng nobela ni Rizal sapagkat
kinokontra ni Rizal ang rebolusyon, naniniwala si Rizal na kalayaan ay hindi
nangangahulugang pagtiwalag mula sa pamumuno ng Espanya, kundi pagkakaroon ng
pantay na karapatan katulad ng tinatamasa ng mga mananakop. Para kay Constantino, si
Bonifacio ang karapat dapat maging bayani hindi si Rizal dahil si Bonifacio ang namuno sa
mga tao para mag-aklas sa ganap na Kalayaan. Isa pa, hindi niya masabi kung ano ang
naging kontribusyon ba ni Rizal sa Kalayaan ng mga Pilipino noon. Bukod dito, maraming
implikasyon pa ang lumilitaw sa nobela. Dahil ang nobela ay ginawa upang malinawan ang
mga tao kung ano ang naging karanasan noong panahong ng Kastila, kung paano ipinakita
ang mga kalupitan ng prayle at ang diskriminasyon, ang mga nilalaman ay base sa totoong
mga kaganapan kahit na ang nobela ay ginawang parang kathang-isip lamang. Isang
implikasyon na lumitaw ay ang pagkakaroon ng salungat na opinyon ng simabahang katoliko
na hanggang sa kasalukuyan ay nagaganap. Ito ay dahil sa nobela, makikita ang pagiging
malupit ng mga prayle tulad nalang ni Padre Damaso, sapagkat mayroong panggagahasa na
nangyari sa nobela, maging sa totoong buhay ay nangyayari ang ganun.

Dahil sa nobela ni Rizal nagkaroon tayo ng sariling konsepto ng bansa kung saan Malaya
tayong gawin ang mga gusto natin para sa ikauunlad ng bansa. Kaya’t nararapat na siya ay
bigyan ng respeto at pigura.

You might also like