You are on page 1of 6

Teorya

- Pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw at
sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito.
Panitikan
- Ito’y pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa
bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat, at sa paraang abot-kaya ng mangangatha o manunulat.

Teoryang Pampanitikan
– Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan,
kabilang ang layunin ng may-akda sa pasulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa.
Dulog
– isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo.

Iba’t ibang Uri ng Teoryang Pampanitikan


1. Teoryang Historikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.
 Ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit sa mga akdang
pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa
panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama rito
ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat
ang ating pananampalataya
Halimbawa:
Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
• Ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng kasaysayan na maipapaliwanag sa pamamagitan ng
pagbabalik ala-ala sa panahong kinasasangkutan ng pag-aaral Mga Halimbawa
•“Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni Dr. Jose Rizal •“Florante at Laura” ni Francisco Balagtas
•“Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog” ni Julian Cruz Balmaceda
•“Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog” ni Inigo Ed. Regalado •“Hulyo 4,1954” ni Dionisio S. Salazar
•Dekada 70 ni Lualhati Bautista
•Etsa-Puwera ni Jun Cruz Reyes
•Pilipino: Isang Depinasyon ni Ponciano B. P. Pineda
•EDSA ng Kasaysayan ni Rodel M. Jaboli
•Ugat ni Genoveva Edroza Matute
2. Teoryang Bayograpikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.
Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
 Ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang pampanitikan, siya ang nagsusulat o
sumusulat ng mga akdang pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang ito
ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat na akda, makababasa tayo ng ilang mga
pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang mas mapaganda pa nito ang paghubog sa
kanyang sinulat na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang kababasaan ito ng
kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais niyang ihatid sa mga mambabasa.
Halimbawa:
 ‘Si Boy Nicolas’ ni Pedro L. Ricarte
 Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes
 Reseta at Letra: Sa Daigdig ng Isang Doktor-Manunulat ni Dr. Luis Gatmaitan
 Florante at Laura: Kay Selya ni Francisco Balagtas
 Mga Gunita ni Matute
 Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo Reyes

3. Teoryang Sosyolohikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan
ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng
lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
 Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang
akda rin sy nsgiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa kuwentong “TATA SELO” ni
Rogelio Sikat ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at
pagturing dito na mababang uri.
Halimbawa:
Sa kuwentong “TATA SELO” ni Rogelio Sikat ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. Ang pang
aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.
4. Teoryang Klasismo/Klasisismo
 Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa
buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
● Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista. ‘Hindi rin angkop ang paggamit ng mga salitang balbal.
Hindi rin angkop ang labis na emosyon.
Halimbawa:
‘Florante at Laura’ ni Francisco Balagtas
 Ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang manunulat. Mga halimbawa nito ay ang MARS CITY, FUSE BOX,
POSPORO.

5. Teoryang Romantisismo
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay
ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang
napupusuan.
 Ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon.
Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay
ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa
kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng
espiritwalidad at hindi mga bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at
paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng kapuri-puri at
magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.
Halimbawa:
 ‘Noli Me Tanger’ at ‘El Filibusterismo’ ni Dr. Jose P. Rizal
 ‘Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog’ ni Julian Cruz Balmaceda
 ‘Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog’ ni Inigo Ed Regalado

6. Teoryang Realismo
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-
alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
 Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay
at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.
Halimbawa:
 AMBO
Isang maikling kuwentong isinulat ni Wilfredo Virtusio. Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang
dahilan ng paghihirap ng maraming mamamayan. Sinasalamin nito ang kawalang pakialam ng mga
opisyales na walang ibang inatupag kung hindi ang magkamal ng salaping nagmumula sa paghihirap ng
mga taong ang nais lamang ay maibigay ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.
 Bangkang Papel
Isinulat ni Genoveva Edroza- Matute. Ito ay unang nailathala noong 1946. Nailimbag ito sa
librong Piling Maiikling Kuwento.
Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera. Unang nailathala
ang maikling kwentong Bangkang Papel noong 1946, ang taon kung saan nagkamit ng Pilipinas ang tunay na
kalayaan. Ito rin ang unang taon kung saan maaring maglathala ng mga kwento ang awtor. Bakas sa kwento ang
kinimkim na saluobin ng awtor tungkol sa digmaan noong pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.Ang
kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing nakakakita siya ng mga batang nag
papalutang ng bangkang papel.
 Mga Ibong Mandaragit
Nobela ni Pambansang Alagad ng Sining Amado V. Hernandez, (1969) ITO ay tungkol sa paghahanap
ng makatwirang pagbabago sa sistemang piyudal, at pagnanais ng mga tao na lumaya mula sa mga
makapangyarihang puwersang panlipunang patuloy na nagpapahirap sa mga dukha.
7. Teoryang Pormalismo/Pormalistiko
 Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang
nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
 Ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na
katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo. ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy
ang: nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda.
Mahalaga ang teksto para masuri ang tema o paksa sa akda.
1. Ang sensibilidad ng mga tauhan.
2. Pag-uugnayan ng mga salita.
3. Istruktura ng wika.
4. Metapora.
5. Imahen.
6. Ginagamit din ito ng tinatawag na Organic Unity o ng may kabuuang kaisahan.

Halimbawa:
‘Suyuan sa Tubigan’ ni Macario Pineda

8. Teoryang Humanismo
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan
at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
 Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng
lahat ng bagay kaya’t kailangang ma-ipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa
pagpapasya. Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala
ang kultura.
 Ang pokus ng teoryang humanismo ay ang tao. Naniniwala ang mga humanista na ang tao ang sukatan
ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng
saloobin at kalayaan sa pagpapasya. Gaya ng ipinahahayag ni Protagoras, "Ang tao ang sentro ng
daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng kanyang kapalaran."Ninanais ng tao na sa
kanyang pakikiraan sa daigdig na ito ay may bakas siyang maiiwan upang ang kanyang buhay ay
magkaroon ng kabuluhan at malinaw na pagkilala sa isang di maikukubling kasaysayan.
Halimbawa:
 ‘Ang Pamana’ ni Jose Corazon de Jesus
9. Teoryang Eksistensyalismo
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang
sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
 Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyan halaga ang
kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran
Katangian ng Eksistensyalismo
•walang sariling simulain
•maihahambing sa romantisismo:
-tunay na paraan ng pagpapahayag at ekspresyon
•maihahalintulad sa modernismo:
-pinipilit kalimutan ang kasaysayan at nakaraan
•maikukumpara sa realismo:
-isinasantabi ang mga paksang ukol sa lipunan
• Hindi isang teoryang, kundi isang paniniwala
– hindi tunay ang buhay kung nakakulong sa sistema ng paniniwala (Sabangan, L.B.)
– ang bawat tao ay isang indibidwal na malaya at may pananagutan sa kanyang sarili
– Layunin lamang ng isang tao sa pakikipag-uganayan nito sa mundo ay may kinalaman sa pansariling
kapakanan
•Nais kilalanin ng eksistensyalismo ang kalayaan at hangaring awtentiko.
•Isinasaad ang katuturan ng pagiging isang tunay na tao sa kabila ng impluwensya ng mga socio- historical at
socio-political na mga paksa.
Halimbawa:

 Sa tulang “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla ay matutuklasan ang kanyang pagka-
eksistensyalista gaya ng mababasa sa ilang saknong sa tula

10. Teoryang Dekonstruksyon


 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa
may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng
pagtao at mundo.
 Ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga
mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhain ang mga namatay na sa akda!
Halimbawa:
Lagi ang bida ang mabuti at nangingibabaw sa wakas, at ang klontrabida naman ay malakas subalit natatalo
sa bandang huli.
11. Teoryang Imahismo
 Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan
kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga
imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
12. Teoryang Feminismo
 Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang
katangian ng tauhan.
13. Teoryang Arkitaypal
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga
simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin
muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda
ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng
may-akda sa mga mambabasa.
14. Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa
pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang
akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may
nag-udyok na mabago o mabuo ito.
15. Teoryang Markismo/Marxismo
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na
umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa
mga mambabasa.
16. Teoryang Moralistiko
 Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao –
ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling
sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
17. Teoryang Queer
 Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung
ang mga babae ay mayfeminismo ang mga homosexual naman ay queer.
18. Teoryang Kultural
 Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi
ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
19. Teoryang Feminismo-Markismo
 Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning
kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa
suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

You might also like