You are on page 1of 4

Ang Simbahang Katolika at ang Repormasyon

Ang Simbahang Katolika sa Paglakas ng Europa


 Isa ang Simbahang Katolika sa mga malalakas na impluwensiya sa patuloy na pag-unlad ng
kultura at kabihasnan sa Europa sa panahong Medieval.
 Makikita ang impluwensiyang ito sa mga likhang sining at panitikan na umusbong sa
panahon ng Renaissance.
 Maging ang mga tanyag na pintor at iskultor ay may mga likhang sining na may temang
relihiyoso.
 Naging kilala rin sa mga panahong ito ang mga pilosopo na mula sa simbahan, katulad ni
Thomas Aquinas, ang may akda ng Summa Theologica na isa sa pinakamahalagang
akdang pampilosopiya na umusbong sa panahong ito.
 Bukod sa mga akdang pilosopikal, sa panahong Medieval din umusbong ang
arkitekturang Gothic. Isa sa pinakamagandang halimbawa nito ay ang Katedral ng Notre
Dame sa Paris.
 Noong ika-14 na daantaon, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng simbahan at ng estado. Dahil
dito ay lumipat sa Avignon, katimugang bahagi ng Pransya, ang Santo Papa Clement V
noong 1309.
 Isa si Papa Clement V sa pitong Santo Papa na nanirahan dito. Tinawag ang panahon na ito
na Avignon Papacy.
 Natapos ang paninirahan ng Santo Papa sa Pransya noong 1376 nang bumalik ito sa Roma.
 Kumalat sa labas ng Europa ang Katolisismo sa panahon ng pagtuklas.
 Lumaganap sa Europa ang merkantilismo bilang isang konsepto at sistemang pang-
ekonomiya sa mga huling taon ng Renaissance.
 Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan nakabatay ang lakas at
kapangyarihan ng isang kaharian sa dami ng ginto at pilak na mayroon ito.
 Dala ang paniniwalang ito, ang mga kaharian sa Europa ay nagsimulang magpadala ng mga
ekspedisyon upang makatuklas ng mga bagong lupain at maghanap ng ginto at pilak sa mga
bagong lupaing ito.
 Bukod dito, ninais ng mga Europeo na makahanap ng mga likas na yaman at mga kalakal na
maaaring mapagkakitaan sa mga pamilihan sa Europa.
 Ang Espanya at Portugal ang nanguna sa pagpapadala ng mga ekspedisyong naglalayong
makatuklas ng mga bagong lupain.
 Ang mga ekspedisyong mula sa Portugal at Espanya ay kadalasang binubuo hindi lamang
ng mga sundalo, kundi maging ng mga misyonaryong Katoliko na inatasang binyagan ang
mga taong naninirahan sa mga bagong teritoryong kanilang matutuklasan.

Ang Kilusang Repormasyon


 Noong 1500, halos lahat ng tao sa Kanlurang Europa ay kasapi sa Simbahang Katolika.
 Sa panahong ito, naging isang malakas na institusyon ang simbahan sa Europa.
 Noong 1300, nagsimulang hingiin ang mga reporma sa simbahan, at noong 1600, halos
kalahati ng mga Katoliko sa Kanlurang Europa ay sumama sa mga bagong relihiyosong
pangkat na itinatag ng mga repormistang tinawag na Protestante.

Repormasyong Protestante
Ang Repormasyong Protestante ay isang pag-aalsa o protesta upang magkaroon ng reporma sa
Simbahang Katolika.

Mga Pagkilos para sa Repormasyon


Alemanya
 Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ni Charles V at ng mga prinsipeng Aleman na sumuporta
kay Martin Luther.
 Nakita ng mga prinsipeng ito ang pagkakataon na makalaya sa pamamgitan ng pagbibigay
ng buwis sa Roma.
 Hindi na napilit ni Charles V na bumalik sa Katolisismo ang mga prinsipeng Aleman.
 Winakasan ng Peace of Augsburg ang digmaang ito.
 Sa kasunduang ito, kinilala ni Charles V ang simbahang Lutheran, at binigyan niya ng
kalayaan ang mga estadong Aleman na pumili ng relihiyon.
 Ang hilagang bahagi ng Alemanya ay naging Protestante, habang ang timog at kanluran ay
nanatiling Katoliko.

Switzerland

 Sa Zurich, itinatag ni Ulrich Zwingli ang isang bagong simbahan, at tinanggap nito ang
karamihan sa aral ni Martin Luther.
 Mula rito, sumibol ang pangkat na tinawag na Anabaptist na naniwala na dapat
magkahiwalay ang simbahan at pamahalaan.
 Ang paniniwalang ito ay pinangambahang banta sa pamahalaan, kaya’t pinapatay ang
pinuno ng mga Anabaptist. Maraming Anabaptist ang umalis sa Switzerland at nagtungo sa
mga kalapit na bansa.
 Itinatag naman ni John Calvin ang Calvinism.
 Nagmula si Calvin sa Pransya at nagtungo sa Switzerland nang sinimulan ng pamahalaang
Pranses ang paghahanap sa mga erehe.
 Noong 1536 sa Switzerland, ipinalimbag niya ang akdang The Institutes of the Christian
Religion kung saan niya ipinaliwanag ang kaniyang mga paniniwala.
 Kabilang dito ang predestinasyon o paniniwala na ang lahat ng bagay sa mundo na
magaganap pa lamang ay naitakda na ng Diyos.

Scotland

 Ipinalaganap ni John Knox ang Protestantismo sa Scotland noon 1559, at tinawag


itong Presbyterianism.
 Ang simbahan sa bawat komunidad ay pinamahalaan ng isang maliit na pangkat ng mga
layko na tinawag na elders o presbyters.
 Mula sa organisasyong ito, ang mga tagasunod ni Knox ay tinawag na Presbyter.
 Nag-alsa ang mga maharlikang Protestante na pinamunuan ni Knox sa Scotland, at pinaalis
nila sa trono ang Katolikong reyna na si Mary Stuart.
 Ipinalit nila sa trono ang anak nito na si James IV, subalit ang kapangyarihan ay nasa kamay
ng mga Protestanteng maharlika.
 Itinatag nila ang isang pambansang simbahan at ginawang opisyal na relihiyon
ang Calvinism.

France

 Sa France, tinawag na Huguenots ang mga tagasunod ni John Calvin na naging


maimpluwensiya sa lipunan.
 Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Katoliko at Huguenot noong 1562.
 Upang ibalik ang kapayapaan, inihanda ang pagpapakasal ng isang lider ng
mga Huguenot sa isang kasapi ng pamilya ng hari.
 Sa araw ng kasal noon 1572, lumusob ang libo-libong katao, at pinatay nila ang mga lider
na Huguenot. Tinawag ang pangyayaring ito na St. Bartholomew's Day Massacre. Ang
insidenteng ito ay nagpasimula ng panibagong digmaan.
 Nagwakas ang digmaan nang ipatupad ni Haring Henry IV ang Edict of Nantes na nagbigay
ng karapatan at kalayaan sa relihiyon ng mga Huguenot.

Inglatera
 Ang Repormasyong Protestante sa Inglatera ay may malaking ugnayan sa politika.
 Si Haring Henry VIII ng Inglatera ay naghangad ng anak na lalaki upang magkaroon ng
tagapagmana at magpatuloy ang Dinastiyang Tudor.
 Hindi sila nagkaroon ng anak na lalaki ng kaniyang asawa na si Catherine ng Aragon, kaya’t
ninais niyang makipag-diborsyo upang magpakasal kay Anne Boleyn.
 Hindi pinagbigyan ni Papa Clement VII ang hiling ni Henry, kaya’t humiwalay ito sa
Simbahang Katolika.
 Ipinasa ng Parliament ang Act of Supremacy noong 1534 kung saan ang hari ang naging
pinuno ng simbahan ng Inglatera na tinawag na Anglican Church.
 Gayumpaman, pinanatili pa rin ng Simbahang Anglican ang mga gawaing Katoliko.
 Ipinasara ni Henry VIII ang lahat ng monasteryo, at kinuha niya ang lahat ng mga lupain ng
simbahan sa Inglatera.
 Nadagdagan ang kayamanan at kapangyarihan ng hari.

Ang Kilusang Kontra-Repormasyon


 Maraming pagbabagong naidulot ang panahon ng Renaissance sa pag-iisip at pananaw ng
mga tao.
 Dahil sa pagpasok ng mga liberal na ideya, unti-unting namulat ang mga tao sa mga
kaganapan sa kanilang paligid, lalo na sa mga kaganapan sa Simbahang Katolika.
 Ito ang naging simula ng tinatawag na Repormasyon, kung saan may mga grupong
naglabas ng mga kamalian at kalabisan ng simbahan.
 Ang repormasyon na naganap noong ika-16 na daantaon ay isang panahon ng pagbabago
at pagkamulat ng mga tao. Sa panahong ito, unti-unting naging malinaw sa mga tao,
partikular sa mga Katoliko, na may mga pagkakaiba sa mga isinasagawa ng simbahan at sa
mga turo sa Bibliya.
 Ang pagkilala sa mga pagkakaibang ito ay nagbunsod ng pagbubuo ng ibang mga relihiyon,
na bagama’t naniniwala pa rin sa Bibliya at sa mga doktrina ng Kristiyanismo, ay mas
nakatuon na sa pagkakaroon ng malinis na pagkatao kaysa sa pagsunod sa mga utos ng
simbahan.
 Ang mga pangyayaring pampulitka at pang-simbahan sa mga panahong ito ay naging
dahilan din ng repormasyon, tulad ng patuloy na alitan ng mga pinuno ng simbahan at
pinuno ng mga pamahalaan sa Europa.
 Parehong ginamit ng pamahalaan at ng simbahan ang kanilang kapangyarihan upang
gawain ang mga bagay ayon sa kanilang personal na interes habang ang mga karaniwang
tao ay patuloy na nahihirapan.

Mga Pagkilos Kontra Repormasyon

 Isinagawa ng Simbahang Katolika ang kontra-repormasyon bilang tugon sa Kilusang


Protestantismo.
 Simula 1534 ay nagkaroon ng mga pagbabago sa Simbahang Katolika bilang tugon sa mga
batikos at kritisismo na natanggap nito mula sa mga Protestante.

Konsilyo ng Trent

 Isa ito sa mga pinakamalaking hakbang ng simbahan sa repormasyong Katoliko.


 Ipinatawag ito ni Santo Papa Pablo III noong 1545, at tumagal ito hanggang 1564.
 Nakabuo ng mga bagong dikreto at panuntunan ang konsilyo para sa mga Katoliko at sa
simbahan, tulad ng pagtatakda ng mataas na antas ng kaasalan para sa mga Katoliko, lalo
na sa mga kleriko.
 Nagpalabas din ang Konsilyo ng Trent ng isang index o listahan ng mga aklat na hindi dapat
basahin ng mga Kristiyano.

Inquisition
 Naging marahas din ang kontra-repormasyon dahil sa Ingkisisyon o Inquisition.
 Itinuturing ito ng mga historyador na isa sa mga pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan.
 Itinatag ng simbahan, sa pamumuno ni Papa Pablo III noong 1542, ang Kongregasyon ng
Ingkisisyon.
 Pangunahing layunin ng kongregasyon na magsiyasat at mag-espiya sa mga taong hindi
Katoliko.
 Pinarurusahan din ang mga taong makikitaan ng mga aklat na kasama sa Index of
Forbidden Books.
 Sa panahon ng Ingkisisyon, maraming mga Protestante ang pinarusahan at sinunog dahil sa
kanilang pagtangging itakwil ang kanilang paniniwala.
 Dahil dito, gumanti rin naman ang mga Protestante sa mga Katolikong ayaw tumiwalag sa
kanilang paniniwala.
 Ang anak ni Henry VIII na si Mary ay kilala sa bansag na Bloody Mary dahil sa kaniyang
pagsupil sa mga Katoliko.

Pagmimisyon ng mga Paring Heswita

 Malaki din ang papel na ginampanan ng mga pari tulad ng mga Heswita o mga miyembro
ng Society of Jesus sa kontra-repormasyon.
 Ang samahang ito ay itinatag ni Ignacio ng Loyola, isang dating sundalo na nagbalik-loob sa
Katolisismo at naglingkod sa Diyos.
 Ang pagmimisyon ng mga Heswita sa mga lugar katulad ng Hungary, Bohemia, at Poland ay
nagdulot ng pagbawi sa pananampalataya ng mga tao pabalik sa Simbahang Katolika.

You might also like