You are on page 1of 4

Kabihasnang Tsino/Tsina

-Ang kabihasnang umusbong sa china na nananatiling pinakamatanda at


namamayaning kabihasnan sa daigdig na tinatayang nasa 4,000 taon na ang tanda.
-Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na
pamamahala. Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado,
partikular ang CONFUCIANISM at TAOISM ay lalo pang nagpapatulong at
nagpapatatag sa kabihasang Tsino.
Confucianism- Ito ang sistema ng etiko, edukasyon, at pagmakabansa at ang
pilosopiyang ipinalaganap ni Confucius na isang Tsinong pilosopo at isang guro na
siyang nagpaliwanag ng maraming bagay.
Confucius- isang kilala na Chinese philosopher na nagtatag ng
Confucianism.
Taoism- o “Daoism”, ito ay tumutukoy sa iba't ibang magkakaugnay na
pangpilosopiya at pangrelihiyon na mga dalawang libong taon at lumaganap sa
Kanluran. Ang Pangalang Taoismo ay nagmula sa dào, salitang Tsino na ang
ibig sabihin “ang daan”.
Lao-Tzu- isang kilala na Chinese Philosopher na nagtatag ng Taoism. Isa din
siyang manunulat na nagsulat ng TaoTeChing,
May labing-anim na dinastiya ang naghari sa rehiyon na ito. Xia o Hsia ang
sinasabing pinakaunang dinastiya na namayagpag sa Tsina. Kulang at di sapat ang
mga naitalang ebidensiya tungkol sa dinastiya na ito, kaya ito ay tinuturing na
lamang na isang alamat sa kasaysayan ng kabihasnan ng China.
Si Shih Huang Di ang pinakaunang Emperador ng Tsina. Napagkaisa niya ang
buong Tsina at ipinatupad ang sentralismong uri ng pamamahala. Siya rin ang
nagpasimula ng pagpapatayo ng Great Wall of China.

Great Wall of China- Ang great wall of china ay ipinatayo ng mga tsino
upang hindi sila masakop ng mga ibang dayuhan o maaari maging pang depensa
pagdating sa mga digmaan
Ang dinastiya ng Han ang pinakadakila sa lahat. Pinamunuan ito ni Liu Bang. Sa
pamumuno nito ay dumami ang mga bansang nasakop ng Tsina, kabilang dito ang
Manchuria, India at Korea.

Ang dinastiya ng Zhou ang pinakamatagal na namuno sa kabihasnan ng Tsina. Sa


panahon na ito lumabas ang mga samu’t-saring aral at pilosopiya sa pamamahala na
hanggang ngayon ay ginagamit pa rin sa makabagong lipunan. Ang dinastiya ng
Manchu ang pinakahuli. Ito ay pinamunuan ng mga dayuhang mula sa karatig lugar
ng Tsina.

Ang kabihasnan sa china ay umusbong sa tabing ilog malapit sa Yellow


River o Huang Ho. Ang yellow river ay ang pangatlong pinakamahaba na ilog
sa asya.
Dinastiyang Shang
-pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito.
-naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda sa mga panulat sa
Tsino na nakasulat sa mga oracle bones o mga tortoise shell at cattle bone.

Mga Ambag Ng Kabihasnang Tsina


1. Kaligrapiya – sistema ng pagsusulat gamit ang mga simbolong panlarawan
2. Ancestral Worshipping – Pagbibigay alaala sa ating mga yumaong ninuno at
pagbibigay alay
3. Paggamit ng bronze, jade, porselana at ivory
4. Paggawa ng dike, kalsada at mga irigasyon
5. Paggamit ng crossbow o pana bilang sandata sa pakikidigma
6. Paggamit ng wood block printing
7. Mga uri ng pananampalataya gaya ng Buddhism
8. Ang Civil service Examination para sa mga kawani ng pamahalaan
9. Mga matatalinong prinsipiyo at pilosopiya sa buhay
10. Paggamit ng pulbura para sa mga pailaw at bala ng baril
Pre-Test
Sagutan ang mga sumusunod;
_____________1. Ang kabihasnang umusbong sa china na nananatiling
pinakamatanda at namamayaning kabihasnan sa daigdig na tinatayang
nasa 4,000 taon na ang tanda.
_____________2. ipinatayo ng mga tsino upang hindi sila masakop ng mga
ibang dayuhan o maaari maging pang depensa pagdating sa mga digmaan.

____________3. Ilog kung saan naitatag ang Kabihasnang Tsina. Ito din
ang pangatlong pinakamalaking ilog sa buong Asya.

____________4. Ito ang sistema ng etiko, edukasyon, at pagmakabansa at


ang pilosopiyang ipinalaganap ng isang Tsinong pilosopo at isang guro na
siyang nagpaliwanag ng maraming bagay.
____________5. isang kilala na Chinese Philosopher na nagtatag ng
Taoism. Isa din siyang manunulat na nagsulat ng TaoTeChing.

____________6. sistema ng pagsusulat gamit ang mga simbolong


panlarawan.

_____________7. pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa


panahong ito.
_____________8. ito ay tumutukoy sa iba't ibang magkakaugnay na
pangpilosopiya at pangrelihiyon na mga dalawang libong taon at lumaganap
sa Kanluran.
_____________9. ang sinasabing pinakaunang dinastiya na namayagpag
sa Tsina.
_____________10. ang pinakaunang Emperador ng Tsina. Napagkaisa niya
ang buong Tsina at ipinatupad ang sentralismong uri ng pamamahala. Siya
rin ang nagpasimula ng pagpapatayo ng Great Wall of China.

You might also like