You are on page 1of 13

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan-Modyul 5:
Kalagayan at Bahaging
Ginagampanan ng Kababaihan
sa Asya
Araling Panlipunan – Baitang Pito
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Kalagayan at Bahaging Ginagampanan
ng Kababaihan sa Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Merylen O. Rodriguez
Editor: Rosario G. Caluya
Tagasuri: Pedro J. Dandal Jr., Margielyn E. Tomanggong, Nora A. Nangit
Tagaguhit: Teodorico A. Cabildo, Sergio M. Tupaz
Tagalapat: Esperidion D. Soleta Jr.
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Mariflor B. Musa
Melbert S. Broqueza
Danilo C. Padilla
Freddie Rey R. Ramirez
Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Pedro J. Dandal Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region

Office Address: 5th Floor Mabini Building, DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang Pito ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kalagayan at Bahaging
Ginagampanan ng Kababaihan sa Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdal oy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kalagayan at Bahaging Ginamgampanan ng
Kababaihan sa Asya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan .

ii
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

iii
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Alam mo ba kung ano ang kalagayan ng mga kababaihang Asyano noon at


ngayon? Marahil interesado ka rin na malaman. Ang susunod na modyul na iyong
aaralin ay inaasahang na iyong:

⚫ Nasusuri ang mga kalagayang legal at tradisyon ng mga kababaihan sa iba’t


ibang uri ng pamumuhay
Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa
Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)


Kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakakilanlang Asyano.

Tiyak na Kasanayan
Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa
sinaunang kabihasnan at ika-16 na siglo. (AP7KSA-IIg-1.10)

Subukin

Panuto: Sa iyong quiz notebook sagutan ang maikling pagsusulit. Titik lamang ang
isulat sa iyong napiling sagot.
Gawain: BABAE PO AKO: Ang mga salita na nasa Kolum A ay may kaugnayan sa
mga pahayag na nasa Kolum B. Tukuyin ang pagkakaugnay o tamang paglalarawan
sa pamamagitan ng pagpili ng tamang titik.

KOLUM A KOLUM B
A. Pambansang alagad ng sining sa sayaw
1. Corazon C. Aquino
B. Unang pangulo ng U.N Commission on the
2. Gabriela Silang status of women
3. Teresa Magbanua C. Joan of Arc ng Ilocos
4. Marcela Agoncillo D. Ina ng Demokrasya
5. Lea Salonga E. Unang Pilipino hukom ng International
6. Tandang Sora Criminal Court (ICC)
7. Francisca Reyes-Aquino F. Kauna-unahang nagtahi ng watawat ng
Pilipinas
8. Helena Benitez
G. Joan of Arc ng Visayas
9. Meriam Defensor-Santiago H. Tinaguriang Miss Saigon
10. Gregoria De Jesus I. Ina ng Balintawak
J. Lakambini ng Katipunan

1
1. Alin sa sumusunod na paglalarawan ang nagpapakita ng mataas na pagkilala
sa sinaunang kababaihang Asyano?
A. Sila ay itinuturing na mga babaylan at diyosa
B. Sila ay nagsagawa ng suttee
C. Sila ay nagsagawa ng footbinding
D. Sila ay nangunguna sa transaksyong pananalapi

2. Ang sumusunod na impormasyon ay naglalarawan ng mababang kalagayan ng


kababaihan sa mga relihiyon at pilosopiya sa Asya MALIBAN SA ISA;
A. Tinitingnan ang mga babae na nagbabawas ng kaban ng pamilya
B. Ang asawang babae ay kakain lamang pagkatapos kumain ang asawa
C. Mas mataas ang pagpapahalaga sa anak na lalaki kaysa babae
D. isa sa tradisyunal na tungkulin ng mga babae sa Asya ay ang maging
isang mabuting ina at asawa
3. Bakit naging mahalaga sa China ang pagpasok ng Ika-20 siglo?
A. Dahil mas naging makapangyarihan ang mga babae kaysa lalaki
B. Dahil itinuring na pantay ang lalaki at babae
C. Dahil itinigil na ang pagsasagawa ng footbinding sa mga kalalakihan
D. Dahil ang mga kababaihan ay itinuring na magaling na lider sa lipunan
kumpara sa mga lalaki

4. Sa tradisyunal na papel ng mga babae sa Asya, alin sa sumusunod na


impormasyon ang itinuturing na dapat iisa lamang ang maaaring tunguhin ng mga
kababaihan?
A. Maging isang mabuting pinuno ng lipunan
B. Maging isang asawa at ina
C. Maging isang magaling na lider ispirituwal
D. Maging isang magaling na mangangalakal

5. Bilang isang mag-aaral paano mo pahahalagahan ang karapatan ng mga


kababaihan
1. Igagalang ko ang opinion o desisyon ng kapwa ko mag-aaral
2. Magiging bahagi ako sa pagsulong ng pantay na karapatan ng mga
babae at lalaki
3. Hindi ako magiging bahagi ng mga gawain na ikasisira ng mga
kababaihan
4. Patuloy kung kikilalanin ang kagalingan ng mga kababaihan

A. 1,2,3,4 C. 1,3,4
B. 1,2,3 D. 2,3,4

2
Aralin Kalagayan at Bahaging
1 Ginagampanan
ng Kababaihan sa Asya

Balikan

Gawain: LAGYAN NG EMOJI AYKONS


Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling opiniyon.
Gamitin ang sumusunod na bilang ng mga emoji bilang batayan ng iyong desisyon.
Maaari mong maging gabay ang mga bilang ng emoji na nasa kahon. Gawin ito sa
iyong quiz notebook.

Hindi nararapat gawin Nararapat sundin Higit na nararapat


sundin

Tradisyon/Pilosopiya Bilang ng
Paliwanag
Relihiyon/Paniniwala mga Emoji
1. Kung ano ang ayaw
mong gawin sa iyo,
huwag mong gawin
sa iba
2. Walang anumang
relihiyon ang
makapagliligtas sa iyo
kundi ang iyong
sariling
pananampalataya
3. Lahat ng anak ay
nararapat lamang na
magbigay galang sa
magulang
4. Dapat mamuhay ang
tao na may mahusay
na ugnayan at
pakikiisa sa kalikasan

3
5. Ang mabuting pinuno
ay nagpapakita ng
mabuting halimbawa
sa kanyang mga
nasasakupan
6. Unahin ang sariling
kapakanan sa lahat
ng paggawa ng
kabutihan sa buhay
7. Unahin lagi ang Diyos
sa lahat ng mga
gawain
8. Uunlad ang isang
lipunan kung lahat ay
nagkakaisa at
nagtutulungan
9. Ang pagmamahal sa
kapwa ay
pagmamahal sa diyos
10. Ang buhay na
pinahahalagahan ay
buhay na may
kabuluhan

Tuklasin

Gawain: PANALO ‘TO!


Kung bibigyan kita ng pagkakataon ngayon para ilarawan ang sumusunod na
pangalan sa ilustrasyon, paano mo sila ilalarawan? Gawin ito sa iyong quiz/data note
notebook.

jpjd
Lola-----------------Nanay------------------Ate----------------------Tita

4
Hinahangaan ko ang iyong pagkilala sa kadakilaan na iyong mga napiling
personalidad ngayon tiyak kong mas lalo mo pang pahahalagahan ang susunod
nating mga gawain bilang pagkilala sa bahaging ginagampanan at patuloy na
gagampanan ng mga kababaihan sa lipunan.

Suriin

Gawain : PAGSUSURI NG TEKSTO

Ang Babae sa mga Relihiyon at Pilosopiya ng Asya

Sinasabi gana pagkaraan ng limang taon na nakamit ni Buddha ang


kaliwanagan, Isa sa kanyang mga disipulo ang naghikyat sa kanya na payagan ang
kababaihan na maging mga mongha. Bunga nito, nagkaroon ng pagkakataon ang
kababaihan na ipaliwanag ang mga turo ni Buddha sa mga kabaro nila. Gayunpaman,
ipinagkait ng Buddhism ang pagkilala na ang mga babae ay pantay sa lalaki.
Nakapailalim pa rin ang mga mongha sa mga monghe. Ipinagkait din ng Buddhism
ang pagtatamo ng Nirvana ng mga babae. Ang tanging pag-asa na lamang ng isang
babae ay masilang siya bilang isang lalaki sa susunod na buhay at makatamasa ng
Nirvana.
Makikita ang pagpapahalaga ng Confucianism sa lalaki sa Limang Ugnayan o
Relasyon na kinilala nito. Muli, ang Limang Ugnayan na ito ay ang sumusunod:

• Emperador – mamamayan;
• Ama – anak na lalaki;
• Asawang lalaki – asawang babae;
• Nakatatandang kapatid na lalaki – nakababatang kapatid na lalaki;
• At Kaibigan – kaibigan

Malinaw na sinasang-ayunan ng Confucianism ang pagsasailalim ng babae sa


lalaki. Sinang-ayunan din niya ang pagpapahalaga sa mga anak na lalaki kaysa sa
mga anak na babae. Ito ay dahil ang nagbibigay ng dote ay ang mga babae. Tinitignan
ang mga babae na nagbabawas sa kaban ng pamilya samantalang ang mga lalaki
ang nagdaragdag dito. Bukod dito, itinuturing na ang mga anak na lalaki ang siyang
magpapatuloy ng pangalan ng pamilya.

Ang halaga ng babae sa Confucianism ay ibinatay sa kakayahan niyang


magkaroon ng anak at kung hindi man ito mangyari, ang babae ay maaring idiborsyo
ng kanyang asawa. Sa kabuoan, lalong pinairal ng Buddhism at Confucianism ang
mababang katayuan ng babae sa lipunan.

5
Ang Tradisyunal na Papel ng Babae

Itinuturing na iisa lamang ang maaaring tunguhin ng babae sa tradisyunal na


Asya. Ito ay ang maging isang asawa at maging ina. Bilang asawa, ang babae ay
dapat maging tapat na kabiyak at dapat niyang pagsilbihan ang kanyang asawa.

Sa India, ang itunuturing na huwaran na babaing asawa ay si Sita, asawa ni


Prinsipe Rama sa epikong Ramayana. Si Sita ay naging tapat kay Prinsipe Rama
nang siya ay mapasakamay ng hari ng mga unggoy. Sumailalim siya sa pagsubok sa
apoy upang patunayan ang kanyang katapatan at kalinisan sa asawa. Sa Hinduism,
bilang patunay ng pagmamahal sa asawang lalaki, ang asawang babae ay
inaasahang tumalon sa funeral pyre o apoy na sumusunog sa labi ng kanyang asawa.
Ang tawag sa kaugalian na ito ay Suttee.Bilang paggalang nila sa asawang lalaki ang
asawang babae ay kakain lamang pagkatapos kumain ang kanyang asawa.

Sa China ang pinakamahalagang papel ng babae ay ang magluwal ng sanggol


lalo na sa mga sanggol na lalaki. Dahil dito ang pagiging baog o walang kakayahan
ng babae na magluwal ng sanggol ay maaaring maging dahilan ng diborsyo sa China.
Sinasalamin naman nila ang mababang antas ng babae sa kaugaliang footbinding. Ito
ay sadyang pagbabali ng arko ng paa upang hindi ito lumaki ng normal.

Sa pagpasok ng ideolohiyang sosyalismo sa China sa ika-20 siglo itinuring na


pantay ang babae at lalaki at mariing ipinagbawal ang foot binding. Subalit sa
sinaunang kababaihan sa Asya napakahalaga ang papel na kanilang ginagampanan
bilang mga diyosa.

Hindi matatawaran ang kahusayans, mahalagang papel o ambag ng mga


Kababaihan Pilipino sa ating lbuhay, pulitikal, panlipunan at kultural. Narito ang ilan
sa napakaraming natatanging kababaihan na Pilipino na may malaking ginampanan
sa lipunan.

Sa panahon ng pananakop ng mga kastila hindi maikakaila ang mga naging


ambag ni Gabriela Silang na kinilala bilang Joan of Arc ng Ilokos dahil sa kanyang
katapangan para ipagpatuloy ang pag-aalsa na sinimulan ng kanyang asawa na si
Diego Silang laban sa mga kastila.Nagpakita rin ng kagitingan si Teresa Magbanua
na kinilala rin bilang Joan of Arc ng Visayas. Isang guro at lider ng military na
nakapagsagawa ng matagumpay na pakikidigma lanban sa mga kastila.Sa panahon
din ng kolonyalismong kanluranin nagpakita rin ng mataas na pagmamahal sa bansa
si Melchora Aquino na binansagang,”Tandang Sora” at kinilala rin bilang “Ina ng
Rebolusyong Pilipino” “Ina ng Katipunan” at “Ina ng Balintawak” dahil sa serbisyong
ipinagkaloob sa rebolusyonaryong Pilipino.Nariyan din ang naging ambag ng iba pang
miyembro ng mga kababaihan sa katipunan, katulad nina; Gregoria De Jesus na
tinaguriang “Lakambini ng Katipunan” at si Marcela Agoncillo bilang pangunahing
mananahi ng una at opisyal na watawat ng Pilipinas.

6
Nakilala rin sa larangan ng sining si Francisca Reyes-Aquino na kauna-
unahang babaeng Pilipino na ginawaran ng parangal bilang “Pambansang Alagad ng
Sining” sa sayaw sa Pilipinas. Sa naturang larangan din nakilala si Lea Salonga sa
tagumpay sa musical na “Miss Saigon” noong 1989.

Sa larangan naman ng pagtataguyod sa karapatan ng mga kababaihan


napakalaki rin ang naging ambag ni Helen Benitez sa kanyang pagkakahalal bilang
kauna-unahang babae na pangulo ng United Nations Commission on the Status of
Womens.

Sa larangan ng pulitika kinilala si Corazon C. Aquino bilang kauna-unahang


babae na naging pangulo ng bansa at ay tinagurian bilang “Ina ng Demokrasya”.
Malaki rin ang naging ambag sa larangan ng pamamahala ang dating senador na
si Meriam Defensor-Santiago bukod sa serbisyo niya sa sangay ng lehislatura malaki
rin ang naitulong niya bilang kauna-unahang babaeng Pilipinong hukom sa
International Court of Justice ng United Nations. Ito ay ilan lamang sa marami pang
natatanging Pilipino kababaihan na nakapag-ambag sa ating lipunan.

Pamprosesong Tanong:

1. Paano pinairal ng Buddhism at Confucianism ang mababang kalagayan ng mga


babae?

Pagyamanin

Sa bahaging ito ay muli nating susubukin ang iyong kakayahan na lalong


magpapatibay ng iyong pagkatuto sa modyul na kakatapos na ito. Bilang patunay na
ikaw ay may natutunan sa naturang modyul subukan sagutan ang sumusunod na
gawain
Gawain 1: GUHITAN MO AKO NG LARAWAN
Batay sa unang teksto na iyong binasa ilarawan sa pamamagitan ng simpleng
pagguhit kung paano pinairal ng relihiyon at pilosopiya ng Asya ang mababang tingin
sa mga kababaihan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

7
Gawain 2: MAG-AARAL NG MIMAROPA, SANG-AYON O ‘DI SANG-AYON?
Panuto: Lagyan ng tsek kung sang-ayon at ekis kung hindi sumasangayon. Gawin ito
sa iyong kuwadernong pang aktibiti.

MGA IMPORMASYON SANG-AYON ‘DI SANG-AYON

1. Isa sa mga disipulo ni Buddha


ang naghikayat na magkaroon
ang mga kababaihan na
ipaliwanag ang turo ni Buddha
2. Mataas ang pagpapahalaga ng
Confucianism sa mga anak na
lalaki kaysa sa babae
3. Sa Hinduism bilang patunay ng
pagmamahal sa asawang lalaki
ang asawang babae ay
inaasahang tumalon sa apoy na
sumusunog sa labi ng kanyang
asawa.
4. Ayon sa Confucianism ang mga
babae ang nagbabawas sa
kaban ng pamilya samantala ang
lalaki ang nagdaragdag nito
5. Ang footbinding o sadyang
pagbali ng arko ng paa upang
hindi lumaking normal ay
tradisyunal na gawain ng mga
kababaihan sa China
6. Sa India ang dote na ibinigay ng
pamilya ng lalaki ay naging pag-
aari ng babae
7. Bago pa man dumating ang mga
kastila sa Pilipinas mataas ang
katungkulan ng mga kababaihan
sa lipunan katulad ng mga
babaylan
8. Sa pagpasok ng ideolohiyang
sosyalismo sa China sa Ika-20
siglo itinuring na pantay ang
karapatan ng mga babae at
lalaki

You might also like